Surah Al-`Alaq

Daftar Surah

بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
اِقْرَأْ بِاسْمِ رَبِّكَ الَّذِيْ خَلَقَۚ١
Iqra' bismi rabbikal-lażī khalaq(a).
[1] Bumasa ka sa ngalan ng Panginoon mo na lumikha,

خَلَقَ الْاِنْسَانَ مِنْ عَلَقٍۚ٢
Khalaqal-insāna min ‘alaq(in).
[2] lumikha sa tao mula sa isang malalinta.

اِقْرَأْ وَرَبُّكَ الْاَكْرَمُۙ٣
Iqra' wa rabbukal-akram(u).
[3] Bumasa ka at ang Panginoon mo ay ang Pinakamapagbigay,

الَّذِيْ عَلَّمَ بِالْقَلَمِۙ٤
Allażī ‘allama bil-qalam(i).
[4] na nagturo sa pamamagitan ng panulat,

عَلَّمَ الْاِنْسَانَ مَا لَمْ يَعْلَمْۗ٥
‘Allamal-insāna mā lam ya‘lam.
[5] nagturo sa tao ng hindi nito nalaman.

كَلَّآ اِنَّ الْاِنْسَانَ لَيَطْغٰىٓ ۙ٦
Kallā innal-insāna layaṭgā.
[6] Aba’y hindi! Tunay na ang tao ay talagang nagmamalabis

اَنْ رَّاٰهُ اسْتَغْنٰىۗ٧
Ar ra'āhustagnā.
[7] dahil nakakita siya sa sarili niya na nakasapat.739
[739] sa yaman at katayuan sa buhay

اِنَّ اِلٰى رَبِّكَ الرُّجْعٰىۗ٨
Inna ilā rabbikar-ruj‘ā.
[8] Tunay na tungo sa Panginoon mo ang [huling] pagbabalikan.

اَرَاَيْتَ الَّذِيْ يَنْهٰىۙ٩
Ara'aital-lażī yanhā.
[9] Nakakita ka ba sa sumasaway

عَبْدًا اِذَا صَلّٰىۗ١٠
‘Abdan iżā ṣallā.
[10] sa isang lingkod [ni Allāh] kapag nagdasal ito?

اَرَاَيْتَ اِنْ كَانَ عَلَى الْهُدٰىٓۙ١١
Ara'aita in kāna ‘alal-hudā.
[11] Nakakita ka ba kung siya ay nasa patnubay,

اَوْ اَمَرَ بِالتَّقْوٰىۗ١٢
Au amara bit-taqwā.
[12] o nag-utos ng pangingilag magkasala?

اَرَاَيْتَ اِنْ كَذَّبَ وَتَوَلّٰىۗ١٣
Ara'aita in każżaba wa tawallā.
[13] Nakakita ka ba kung nagpasinungaling siya [inihatid ng Sugo] o tumalikod siya?

اَلَمْ يَعْلَمْ بِاَنَّ اللّٰهَ يَرٰىۗ١٤
Alam ya‘lam bi'annallāha yarā.
[14] Hindi ba siya nakaalam na si Allāh ay nakakikita [ng ginagawa niya]?

كَلَّا لَىِٕنْ لَّمْ يَنْتَهِ ەۙ لَنَسْفَعًاۢ بِالنَّاصِيَةِۙ١٥
Kallā la'il lam yantah(i), lanasfa‘am bin-nāṣiyah(ti).
[15] Aba’y hindi! Talagang kung hindi siya tumigil ay talagang hahablot nga Kami sa bumbunan:

نَاصِيَةٍ كَاذِبَةٍ خَاطِئَةٍۚ١٦
Nāṣiyatin kāżibatin khāṭi'ah(tin).
[16] isang bumbunan na nagsisinungaling, nagkakamali.

فَلْيَدْعُ نَادِيَهٗۙ١٧
Falyad‘u nādiyah(ū).
[17] Kaya tumawag siya sa kapulungan niya.

سَنَدْعُ الزَّبَانِيَةَۙ١٨
Sanad‘uz-zabāniyah(ta).
[18] Tatawag Kami sa mga bantay [ng Impiyerno].740
[740] ang mga anghel na mababagsik

كَلَّاۗ لَا تُطِعْهُ وَاسْجُدْ وَاقْتَرِبْ ۩ ࣖ١٩
Kallā, lā tuṭi‘hu wasjud waqtarib.
[19] Aba’y hindi! Huwag kang tumalima sa kanya, magpatirapa ka, at lumapit ka [kay Allāh].