Surah At-Tariq

Daftar Surah

بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
وَالسَّمَاۤءِ وَالطَّارِقِۙ١
Was-samā'i waṭ-ṭāriq(i).
[1] Sumpa man sa langit at sa tagapunta sa gabi.

وَمَآ اَدْرٰىكَ مَا الطَّارِقُۙ٢
Wa mā adrāka maṭ-ṭāriq(u).
[2] Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang tagapunta sa gabi?

النَّجْمُ الثَّاقِبُۙ٣
An-najmuṡ-ṡāqib(u).
[3] [Ito] ang bituing tumatagos.

اِنْ كُلُّ نَفْسٍ لَّمَّا عَلَيْهَا حَافِظٌۗ٤
In kullu nafsil lammā ‘alaihā ḥāfiẓ(un).
[4] Walang kaluluwa malibang dito ay may isang [anghel na] tagapag-ingat.

فَلْيَنْظُرِ الْاِنْسَانُ مِمَّ خُلِقَ٥
Falyanẓuril-insānu mimma khuliq(a).
[5] Kaya tumingin ang tao mula sa ano siya nilikha.

خُلِقَ مِنْ مَّاۤءٍ دَافِقٍۙ٦
Khuliqa mim mā'in dāfiq(in).
[6] Nilikha siya mula sa isang likidong pumupulandit,

يَّخْرُجُ مِنْۢ بَيْنِ الصُّلْبِ وَالتَّرَاۤىِٕبِۗ٧
Yakhruju mim bainiṣ-ṣulbi wat-tarā'ib(i).
[7] na lumalabas mula sa pagitan ng gulugod [ng lalaki] at mga tadyang.

اِنَّهٗ عَلٰى رَجْعِهٖ لَقَادِرٌۗ٨
Innahū ‘alā raj‘ihī laqādir(un).
[8] Tunay na Siya, sa pagpapabalik dito,729 ay talagang Nakakakaya.
[729] sa buhay mula sa kamatayan para sa pagtutuos.

يَوْمَ تُبْلَى السَّرَاۤىِٕرُۙ٩
Yauma tublas-sarā'ir(u).
[9] Sa Araw na sisiyasatin ang mga lihim [para ibunyag],

فَمَا لَهٗ مِنْ قُوَّةٍ وَّلَا نَاصِرٍۗ١٠
Famā lahū min quwwatiw wa lā nāṣir(in).
[10] walang ukol sa kanya na anumang lakas ni tagapag-adya.

وَالسَّمَاۤءِ ذَاتِ الرَّجْعِۙ١١
Was-samā'i żātir-raj‘(i).
[11] Sumpa man sa langit na may pagpapabalik,

وَالْاَرْضِ ذَاتِ الصَّدْعِۙ١٢
Wal-arḍi żātiṣ-ṣad‘(i).
[12] sumpa man sa lupa na may bitak [ng pagtubo ng halaman];

اِنَّهٗ لَقَوْلٌ فَصْلٌۙ١٣
Innahū laqaulun faṣl(un).
[13] tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang isang sinabing pambukod,

وَّمَا هُوَ بِالْهَزْلِۗ١٤
Wa mā huwa bil-hazl(i).
[14] at hindi ito ang biru-biro.

اِنَّهُمْ يَكِيْدُوْنَ كَيْدًاۙ١٥
Innahum yakīdūna kaidā(n).
[15] Tunay na sila ay nanlansi ng isang panlalansi [laban sa inihatid ng Propeta],

وَّاَكِيْدُ كَيْدًاۖ١٦
Wa akīdu kaidā(n).
[16] at nanlansi naman Ako ng isang panlalansi [laban sa kanila].

فَمَهِّلِ الْكٰفِرِيْنَ اَمْهِلْهُمْ رُوَيْدًا ࣖ١٧
Fa mahhilil-kāfirīna amhilhum ruwaidā(n).
[17] Kaya mag-anta-antabay ka sa mga tagatangging sumampalataya, mag-antabay ka sa kanila nang hinay-hinay.