Surah Al-Buruj

Daftar Surah

بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
وَالسَّمَاۤءِ ذَاتِ الْبُرُوْجِۙ١
Was-samā'i żātil-burūj(i).
[1] Sumpa man sa langit na may mga konstelasyon,

وَالْيَوْمِ الْمَوْعُوْدِۙ٢
Wal-yaumil-mau‘ūd(i).
[2] sumpa man sa Araw na ipinangako,

وَشَاهِدٍ وَّمَشْهُوْدٍۗ٣
Wa syāhidiw wa masyhūd(in).
[3] sumpa man sa isang tagasaksi727 at sa isang sinasaksihan;
[727] gaya ni Propeta Muḥammad

قُتِلَ اَصْحٰبُ الْاُخْدُوْدِۙ٤
Qutila aṣḥābul-ukhdūd(i).
[4] isinumpa ang mga kasamahan ng bambang

النَّارِ ذَاتِ الْوَقُوْدِۙ٥
An-nāri żātil-waqūd(i).
[5] na [may] apoy na may panggatong,

اِذْ هُمْ عَلَيْهَا قُعُوْدٌۙ٦
Iż hum ‘alaihā qu‘ūd(un).
[6] noong sila sa tabi nito ay mga nakaupo

وَّهُمْ عَلٰى مَا يَفْعَلُوْنَ بِالْمُؤْمِنِيْنَ شُهُوْدٌ ۗ٧
Wa hum ‘alā mā yaf‘alūna bil-mu'minīna syuhūd(un).
[7] habang sila, sa ginagawa nila sa mga mananampalataya, ay mga saksi.

وَمَا نَقَمُوْا مِنْهُمْ اِلَّآ اَنْ يُّؤْمِنُوْا بِاللّٰهِ الْعَزِيْزِ الْحَمِيْدِۙ٨
Wa mā naqamū minhum illā ay yu'minū billāhil-‘azīzil-ḥamīd(i).
[8] Hindi sila naghinanakit sa mga ito maliban na sumampalataya ang mga ito kay Allāh, ang Makapangyarihan, ang Kapuri-puri,

الَّذِيْ لَهٗ مُلْكُ السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِ ۗوَاللّٰهُ عَلٰى كُلِّ شَيْءٍ شَهِيْدٌ ۗ٩
Allażī lahū mulkus-samāwāti wal-arḍ(i), wallāhu ‘alā kulli syai'in syahīd(un).
[9] na sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa. Si Allāh, sa bawat bagay, ay Saksi.

اِنَّ الَّذِيْنَ فَتَنُوا الْمُؤْمِنِيْنَ وَالْمُؤْمِنٰتِ ثُمَّ لَمْ يَتُوْبُوْا فَلَهُمْ عَذَابُ جَهَنَّمَ وَلَهُمْ عَذَابُ الْحَرِيْقِۗ١٠
Innal-lażīna fatanul-mu'minīna wal-mu'mināti ṡumma lam yatūbū fa lahum ‘ażābu jahannama wa lahum ‘ażābul-ḥarīq(i).
[10] Tunay na ang mga umusig sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya, pagkatapos hindi sila nagbalik-loob, ay ukol sa kanila ang pagdurusa sa Impiyerno at ukol sa kanila ang pagdurusa ng pagsusunog.

اِنَّ الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا وَعَمِلُوا الصّٰلِحٰتِ لَهُمْ جَنّٰتٌ تَجْرِيْ مِنْ تَحْتِهَا الْاَنْهٰرُ ەۗ ذٰلِكَ الْفَوْزُ الْكَبِيْرُۗ١١
Innal-lażīna āmanū wa ‘amiluṣ-ṣāliḥāti lahum jannātun tajrī min taḥtihal-anhār(u), żālikal-fauzul-kabīr(u).
[11] Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ukol sa kanila ay mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Iyon ang pagkatamong malaki.

اِنَّ بَطْشَ رَبِّكَ لَشَدِيْدٌ ۗ١٢
Inna baṭsya rabbika lasyadīd(un).
[12] Tunay na ang pagsunggab728 ng Panginoon mo ay talagang matindi.
[728] O paghihiganti.

اِنَّهٗ هُوَ يُبْدِئُ وَيُعِيْدُۚ١٣
Innahū huwa yubdi'u wa yu‘īd(u).
[13] Tunay na Siya ay nagpapasimula [ng paglikha] at nagpapanumbalik [nito].

وَهُوَ الْغَفُوْرُ الْوَدُوْدُۙ١٤
Wa huwal-gafūrul-wadūd(u).
[14] Siya ay ang Mapagpatawad, ang Mapagmahal,

ذُو الْعَرْشِ الْمَجِيْدُۙ١٥
Żul-‘arsyil-majīd(i).
[15] ang May trono, ang Maringal,

فَعَّالٌ لِّمَا يُرِيْدُۗ١٦
Fa‘‘ālul limā yurīd(u).
[16] palagawa ng anumang ninanais Niya.

هَلْ اَتٰىكَ حَدِيْثُ الْجُنُوْدِۙ١٧
Hal atāka ḥadīṡul-junūd(i).
[17] Nakarating kaya sa iyo ang sanaysay ng mga kawal

فِرْعَوْنَ وَثَمُوْدَۗ١٨
Fir‘auna wa ṡamūd(a).
[18] ni Paraon at ng [liping] Thamūd?

بَلِ الَّذِيْنَ كَفَرُوْا فِيْ تَكْذِيْبٍۙ١٩
Balil-lażīna kafarū fī takżīb(in).
[19] Bagkus ang mga tumangging sumampalataya ay nasa isang pagpapasinungaling,

وَّاللّٰهُ مِنْ وَّرَاۤىِٕهِمْ مُّحِيْطٌۚ٢٠
Wallāhu miw warā'ihim muḥīṭ(un).
[20] samantalang si Allāh, mula sa likuran nila, ay Tagapaligid.

بَلْ هُوَ قُرْاٰنٌ مَّجِيْدٌۙ٢١
Bal huwa qur'ānum majīd(un).
[21] Bagkus ito ay isang Qur’ān na maringal,

فِيْ لَوْحٍ مَّحْفُوْظٍ ࣖ٢٢
Fī lauḥim maḥfūẓ(in).
[22] na nasa isang Tablerong Pinag-iingatan.