Surah Al-Tatfif

Daftar Surah

بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
وَيْلٌ لِّلْمُطَفِّفِيْنَۙ١
Wailul lil-muṭaffifīn(a).
[1] Kapighatian ay ukol sa mga tagapag-umit-umit,

الَّذِيْنَ اِذَا اكْتَالُوْا عَلَى النَّاسِ يَسْتَوْفُوْنَۖ٢
Allażīna iżaktālū ‘alan-nāsi yastaufūn(a).
[2] na kapag nagpatakal sila sa mga tao ay nagpapalubus-lubos sila,

وَاِذَا كَالُوْهُمْ اَوْ وَّزَنُوْهُمْ يُخْسِرُوْنَۗ٣
Wa iżā kālūhum au wazanūhum yukhsirūn(a).
[3] at kapag tumakal sila sa mga ito o tumimbang sila sa mga ito ay nanlulugi sila.

اَلَا يَظُنُّ اُولٰۤىِٕكَ اَنَّهُمْ مَّبْعُوْثُوْنَۙ٤
Alā yaẓunnu ulā'ika annahum mab‘ūṡūn(a).
[4] Hindi ba nakatitiyak ang mga iyon na sila ay mga bubuhayin

لِيَوْمٍ عَظِيْمٍۙ٥
Liyaumin ‘aẓīm(in).
[5] para sa isang araw na sukdulan,

يَّوْمَ يَقُوْمُ النَّاسُ لِرَبِّ الْعٰلَمِيْنَۗ٦
Yauma yaqūmun-nāsu lirabbil-‘ālamīn(a).
[6] sa araw na tatayo ang mga tao sa [harap ng] Panginoon ng mga nilalang?

كَلَّآ اِنَّ كِتٰبَ الْفُجَّارِ لَفِيْ سِجِّيْنٍۗ٧
Kallā inna kitābal-fujjāri lafī sijjīn(in).
[7] Aba’y hindi! Tunay na ang talaan ng mga masamang-loob ay talagang nasa Sijjīn.

وَمَآ اَدْرٰىكَ مَا سِجِّيْنٌۗ٨
Wa mā adrāka mā sijjīn(un).
[8] Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Sijjīn?

كِتٰبٌ مَّرْقُوْمٌۗ٩
Kitābum marqūm(un).
[9] Isang talaan na sinulatan.

وَيْلٌ يَّوْمَىِٕذٍ لِّلْمُكَذِّبِيْنَۙ١٠
Wailuy yauma'iżil lil-mukażżibīn(a).
[10] Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling,

الَّذِيْنَ يُكَذِّبُوْنَ بِيَوْمِ الدِّيْنِۗ١١
Allażīna yukażżibūna biyaumid-dīn(i).
[11] na mga nagpapasinungaling sa Araw ng Pagtutumbas.

وَمَا يُكَذِّبُ بِهٖٓ اِلَّا كُلُّ مُعْتَدٍ اَثِيْمٍۙ١٢
Wa mā yukażżibu bihī illā kullu mu‘tadin aṡīm(in).
[12] Walang nagpapasinungaling doon kundi ang bawat tagalabag na makasalanan.

اِذَا تُتْلٰى عَلَيْهِ اٰيٰتُنَا قَالَ اَسَاطِيْرُ الْاَوَّلِيْنَۗ١٣
Iżā tutlā ‘alaihi āyātunā qāla asāṭīrul-awwalīn(a).
[13] Kapag binibigkas sa kanya ang mga talata Namin [sa Qur’ān] ay nagsasabi siya: “Mga alamat ng mga sinauna!”

كَلَّا بَلْ ۜرَانَ عَلٰى قُلُوْبِهِمْ مَّا كَانُوْا يَكْسِبُوْنَ١٤
Kallā bal…rāna ‘alā qulūbihim mā kānū yaksibūn(a).
[14] Aba’y hindi! Bagkus, nagmantsa sa mga puso nila ang [pagkakasalang] dati nilang nakakamit.

كَلَّآ اِنَّهُمْ عَنْ رَّبِّهِمْ يَوْمَىِٕذٍ لَّمَحْجُوْبُوْنَۗ١٥
Kallā innahum ‘ar rabbihim yauma'iżil lamaḥjūbūn(a).
[15] Aba’y hindi! Tunay na sila, sa [pagkakita sa] Panginoon nila sa araw na iyon, ay talagang mga lalambungan.

ثُمَّ اِنَّهُمْ لَصَالُوا الْجَحِيْمِۗ١٦
Ṡumma innahum laṣālul-jaḥīm(i).
[16] Pagkatapos tunay na sila ay talagang masusunog sa Impiyerno.

ثُمَّ يُقَالُ هٰذَا الَّذِيْ كُنْتُمْ بِهٖ تُكَذِّبُوْنَۗ١٧
Ṡumma yuqālu hāżal-lażī kuntum bihī tukażżibūn(a).
[17] Pagkatapos sasabihin sa kanila: “Ito ay ang dati ninyong pinasisinungalingan.”

كَلَّآ اِنَّ كِتٰبَ الْاَبْرَارِ لَفِيْ عِلِّيِّيْنَۗ١٨
Kallā inna kitābal-abrāri lafī ‘illiyyīn(a).
[18] Aba’y hindi! Tunay na ang talaan ng mga mabuting-loob ay talagang nasa `Illīyūn.

وَمَآ اَدْرٰىكَ مَا عِلِّيُّوْنَۗ١٩
Wa mā adrāka mā ‘illiyyūn(a).
[19] Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang `Illīyūn?

كِتٰبٌ مَّرْقُوْمٌۙ٢٠
Kitābum marqūm(un).
[20] Isang talaan na sinulatan,

يَّشْهَدُهُ الْمُقَرَّبُوْنَۗ٢١
Yasyhaduhul-muqarrabūn(a).
[21] Sasaksi rito ang mga [anghel na] inilapit [kay Allāh].

اِنَّ الْاَبْرَارَ لَفِيْ نَعِيْمٍۙ٢٢
Innal-abrāra lafī na‘īm(in).
[22] Tunay na ang mga mabuting-loob ay talagang nasa isang kaginhawahan,

عَلَى الْاَرَاۤىِٕكِ يَنْظُرُوْنَۙ٢٣
‘Alal-arā'iki yanẓurūn(a).
[23] habang nasa mga supa ay nakatingin [sa nagpapagalak sa kanila].

تَعْرِفُ فِيْ وُجُوْهِهِمْ نَضْرَةَ النَّعِيْمِۚ٢٤
Ta‘rifu fī wujūhihim naḍratan na‘īm(i).
[24] Makakikilala ka sa mga mukha nila ng ningning ng Kaginhawahan.

يُسْقَوْنَ مِنْ رَّحِيْقٍ مَّخْتُوْمٍۙ٢٥
Yusqauna mir raḥīqim makhtūm(in).
[25] Paiinumin sila mula sa isang dalisay na alak na ipininid.

خِتٰمُهٗ مِسْكٌ ۗوَفِيْ ذٰلِكَ فَلْيَتَنَافَسِ الْمُتَنٰفِسُوْنَۗ٢٦
Khitāmuhū misk(un), wa fī żālika falyatanāfasil-mutanāfisūn(a).
[26] Ang pampinid nito ay musk, at alang-alang doon ay magtagisan ang mga magtatagisan.

وَمِزَاجُهٗ مِنْ تَسْنِيْمٍۙ٢٧
Wa mizājuhū min tasnīm(in).
[27] Ang lahok nito ay mula sa Tasnīm,723
[723] isang bukal sa pinakamataas na bahagi ng Paraiso.

عَيْنًا يَّشْرَبُ بِهَا الْمُقَرَّبُوْنَۗ٢٨
‘Ainay yasyrabu bihal-muqarrabūn(a).
[28] isang bukal na iinom mula roon ang mga inilapit.

اِنَّ الَّذِيْنَ اَجْرَمُوْا كَانُوْا مِنَ الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا يَضْحَكُوْنَۖ٢٩
Innal-lażīna ajramū kānū minal-lażīna āmanū yaḍḥakūn(a).
[29] Tunay na ang mga nagpakasalarin ay dati sa mga sumampalataya tumatawa.

وَاِذَا مَرُّوْا بِهِمْ يَتَغَامَزُوْنَۖ٣٠
Wa iżā marrū bihim yatagāmazūn(a).
[30] Kapag naparaan sila sa mga ito ay nagkikindatan sila [bilang panunuya].

وَاِذَا انْقَلَبُوْٓا اِلٰٓى اَهْلِهِمُ انْقَلَبُوْا فَكِهِيْنَۖ٣١
Wa iżanqalabū ilā ahlihimunqalabū fakihīn(a).
[31] Kapag umuwi sila sa mga kapwa nila ay umuuwi sila na mga nagbibiro.

وَاِذَا رَاَوْهُمْ قَالُوْٓا اِنَّ هٰٓؤُلَاۤءِ لَضَاۤلُّوْنَۙ٣٢
Wa iżā ra'auhum qālū inna hā'ulā'i laḍāllūn(a).
[32] Kapag nakakita sila sa mga ito ay nagsasabi sila: “Tunay na ang mga ito ay talagang mga ligaw.”

وَمَآ اُرْسِلُوْا عَلَيْهِمْ حٰفِظِيْنَۗ٣٣
Wa mā ursilū ‘alaihim ḥāfiẓīn(a).
[33] Hindi sila isinugo sa mga ito bilang mga tagapag-ingat.

فَالْيَوْمَ الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا مِنَ الْكُفَّارِ يَضْحَكُوْنَۙ٣٤
Fal-yaumal-lażīna āmanū minal kuffāri yaḍḥakūn(a).
[34] Kaya sa Araw na iyon ang mga sumampalataya ay sa mga tagatangging sumampalataya tatawa

عَلَى الْاَرَاۤىِٕكِ يَنْظُرُوْنَۗ٣٥
‘Alal-arā'iki yanẓurūn(a).
[35] habang nasa mga supa ay nakatingin.724
[724] sa inihanda ni Allāh sa kanila na mga biyaya.

هَلْ ثُوِّبَ الْكُفَّارُ مَا كَانُوْا يَفْعَلُوْنَ ࣖ٣٦
Hal ṡuwwibal-kuffāru mā kānū yaf‘alūn(a).
[36] Gagantimpalaan kaya ang mga tagatangging sumampalataya sa anumang dati nilang ginagawa?725
[725] Ibig sabihin: Gagantimpalaan sila ng pagdurusa sa mga ginawa nila.