Surah Al-Infitar
بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
اِذَا السَّمَاۤءُ انْفَطَرَتْۙ١
Iżas-samā'unfaṭarat.
[1]
Kapag ang langit ay nabitak,
وَاِذَا الْكَوَاكِبُ انْتَثَرَتْۙ٢
Wa iżal-kawākibuntaṡarat.
[2]
kapag ang mga tala ay kumalat,
وَاِذَا الْبِحَارُ فُجِّرَتْۙ٣
Wa iżal-biḥāru fujjirat.
[3]
kapag ang mga dagat ay isinambulat,
وَاِذَا الْقُبُوْرُ بُعْثِرَتْۙ٤
Wa iżal-qubūru bu‘ṡirat.
[4]
at kapag ang mga libingan ay hinalukay;
عَلِمَتْ نَفْسٌ مَّا قَدَّمَتْ وَاَخَّرَتْۗ٥
‘Alimat nafsum mā qaddamat wa akhkharat.
[5]
malalaman ng isang kaluluwa ang ipinauna niya at ipinaantala niya [na mga gawa].
يٰٓاَيُّهَا الْاِنْسَانُ مَا غَرَّكَ بِرَبِّكَ الْكَرِيْمِۙ٦
Yā ayyuhal-insānu mā garraka birabbikal-karīm(i).
[6]
O tao, ano ang luminlang sa iyo hinggil sa Panginoon mo, ang Mapagbigay?
الَّذِيْ خَلَقَكَ فَسَوّٰىكَ فَعَدَلَكَۙ٧
Allażī khalaqaka fa sawwāka fa ‘adalak(a).
[7]
[Siya] ang lumikha sa iyo, saka humubog sa iyo, saka nagpaangkop sa iyo.
فِيْٓ اَيِّ صُوْرَةٍ مَّا شَاۤءَ رَكَّبَكَۗ٨
Fī ayyi ṣūratim mā syā'a rakkabak(a).
[8]
Sa alinmang anyo na niloob Niya ay bumuo Siya sa iyo.
كَلَّا بَلْ تُكَذِّبُوْنَ بِالدِّيْنِۙ٩
Kallā bal tukażżibūna bid-dīn(i).
[9]
Aba’y hindi! Bagkus nagpapasinungaling kayo sa pagtutumbas [sa mga gawa].
وَاِنَّ عَلَيْكُمْ لَحٰفِظِيْنَۙ١٠
Wa inna ‘alaikum laḥāfiẓīn(a).
[10]
10 Tunay na sa inyo ay talagang may mga tagapag-ingat,
كِرَامًا كٰتِبِيْنَۙ١١
Kirāman kātibīn(a).
[11]
na mararangal na mga tagasulat.
يَعْلَمُوْنَ مَا تَفْعَلُوْنَ١٢
Ya‘lamūna mā taf‘alūn(a).
[12]
Nakaaalam sila sa anumang ginagawa ninyo.
اِنَّ الْاَبْرَارَ لَفِيْ نَعِيْمٍۙ١٣
Innal-abrāra lafī na‘īm(in).
[13]
Tunay na ang mga mabuting-loob ay talagang nasa isang kaginhawahan.
وَّاِنَّ الْفُجَّارَ لَفِيْ جَحِيْمٍ١٤
Wa innal-fujjāra lafī jaḥīm(in).
[14]
Tunay na ang mga masamang-loob ay talagang nasa isang impiyerno.
يَصْلَوْنَهَا يَوْمَ الدِّيْنِ١٥
Yaṣlaunahā yaumad-dīn(i).
[15]
Masusunog sila roon sa Araw ng Pagtutumbas.
وَمَا هُمْ عَنْهَا بِغَاۤىِٕبِيْنَۗ١٦
Wa mā hum ‘anhā bigā'ibīn(a).
[16]
Sila palayo roon ay hindi mga makaliliban.
وَمَآ اَدْرٰىكَ مَا يَوْمُ الدِّيْنِۙ١٧
Wa mā adrāka mā yaumud-dīn(i).
[17]
Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Araw ng Pagtutumbas?
ثُمَّ مَآ اَدْرٰىكَ مَا يَوْمُ الدِّيْنِۗ١٨
Ṡumma mā adrāka mā yaumud-dīn(i).
[18]
Pagkatapos ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Araw ng Pagtutumbas?
يَوْمَ لَا تَمْلِكُ نَفْسٌ لِّنَفْسٍ شَيْـًٔا ۗوَالْاَمْرُ يَوْمَىِٕذٍ لِّلّٰهِ ࣖ١٩
Yauma lā tamliku nafsul linafsin syai'ā(n), wal-amru yauma'iżil lillāh(i).
[19]
[Iyon ay] sa Araw na hindi makapagdudulot ang isang kaluluwa sa isang kaluluwa ng anuman at ang pag-uutos sa Araw na iyon ay ukol kay Allāh.