Surah At-Takwir

Daftar Surah

بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
اِذَا الشَّمْسُ كُوِّرَتْۖ١
Iżasy-syamsu kuwwirat.
[1] Kapag ang araw ay ipinulupot,

وَاِذَا النُّجُوْمُ انْكَدَرَتْۖ٢
Wa iżan-nujūmunkadarat.
[2] kapag ang mga bituin ay pumanglaw,

وَاِذَا الْجِبَالُ سُيِّرَتْۖ٣
Wa iżal-jibālu suyyirat.
[3] kapag ang mga bundok ay iuusad,

وَاِذَا الْعِشَارُ عُطِّلَتْۖ٤
Wa iżal-‘isyāru ‘uṭṭilat.
[4] kapag ang mga buntis na kamelyo721 ay pinabayaan,
[721] Ibig sabhin: ang mga pinakamamahaling ari-arian

وَاِذَا الْوُحُوْشُ حُشِرَتْۖ٥
Wa iżal-wuḥūsy ḥusyirat.
[5] kapag ang mga mailap na hayop ay kinalap,

وَاِذَا الْبِحَارُ سُجِّرَتْۖ٦
Wa iżal-biḥāru sujjirat.
[6] kapag ang mga dagat ay pinagliyab,

وَاِذَا النُّفُوْسُ زُوِّجَتْۖ٧
Wa iżan-nufūsu zuwwijat.
[7] kapag ang mga kaluluwa ay ipinagpares,722
[722] sa katulad ng mga ito

وَاِذَا الْمَوْءٗدَةُ سُىِٕلَتْۖ٨
Wa iżal-mau'ūdatu su'ilat.
[8] kapag ang [batang] babaing inilibing nang buhay ay tatanungin

بِاَيِّ ذَنْۢبٍ قُتِلَتْۚ٩
Bi'ayyi żambin qutilat.
[9] dahil sa aling pagkakasala siya pinatay,

وَاِذَا الصُّحُفُ نُشِرَتْۖ١٠
Wa iżaṣ-ṣuḥufu nusyirat.
[10] kapag ang mga pahina [ng tala ng gawa ng tao] ay inilatag,

وَاِذَا السَّمَاۤءُ كُشِطَتْۖ١١
Wa iżas-samā'u kusyiṭat.
[11] kapag ang langit ay tinuklap,

وَاِذَا الْجَحِيْمُ سُعِّرَتْۖ١٢
Wa iżal-jaḥīmu su‘‘irat.
[12] kapag ang Impiyerno ay pinagliyab,

وَاِذَا الْجَنَّةُ اُزْلِفَتْۖ١٣
Wa iżal-jannatu uzlifat.
[13] at kapag ang Paraiso ay pinalapit [sa mga mananampalataya];

عَلِمَتْ نَفْسٌ مَّآ اَحْضَرَتْۗ١٤
‘Alimat nafsum mā aḥḍarat.
[14] malalaman ng isang kaluluwa ang ilalahad nito [na maganda at masagwa].

فَلَآ اُقْسِمُ بِالْخُنَّسِۙ١٥
Falā uqsimu bil-khunnas(i).
[15] Kaya talagang sumusumpa Ako sa mga bituing umuurong,

الْجَوَارِ الْكُنَّسِۙ١٦
Al-jawāril-kunnas(i).
[16] na umiinog na nagtatago,

وَالَّيْلِ اِذَا عَسْعَسَۙ١٧
Wal-laili iżā ‘as‘as(a).
[17] at sa gabi kapag umurong-sulong ito,

وَالصُّبْحِ اِذَا تَنَفَّسَۙ١٨
Waṣ-ṣubḥi iżā tanaffas(a).
[18] at sa madaling-araw kapag huminga ito;

اِنَّهٗ لَقَوْلُ رَسُوْلٍ كَرِيْمٍۙ١٩
Innahū laqaulu rasūlin karīm(in).
[19] tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang sinabi [ni Allāh] sa isang sugong marangal,

ذِيْ قُوَّةٍ عِنْدَ ذِى الْعَرْشِ مَكِيْنٍۙ٢٠
Żī quwwatin ‘inda żil-‘arsyi makīn(in).
[20] [si Anghel Gabriel] na may lakas sa ganang May-ari ng Trono, na mataas sa kalagayan,

مُّطَاعٍ ثَمَّ اَمِيْنٍۗ٢١
Muṭā‘in ṡamma amīn(in).
[21] na tinatalima [ng mga anghel], pagkatapos mapagkakatiwalaan.

وَمَا صَاحِبُكُمْ بِمَجْنُوْنٍۚ٢٢
Wa mā ṣāḥibukum bimajnūn(in).
[22] [O mga tao,] ang kasamahan ninyo [na si Propeta Muḥammad] ay hindi isang baliw.

وَلَقَدْ رَاٰهُ بِالْاُفُقِ الْمُبِيْنِۚ٢٣
Wa laqad ra'āhu bil-ufuqil-mubīn(i).
[23] Talaga ngang nakakita siya rıto [kay Anghel Gabriel] sa abot-tanaw na malinaw.

وَمَا هُوَ عَلَى الْغَيْبِ بِضَنِيْنٍۚ٢٤
Wa mā huwa ‘alal-gaibi biḍanīn(in).
[24] Siya, [sa pagpapaabot ng kaalaman] sa nakalingid, ay hindi isang sakim.

وَمَا هُوَ بِقَوْلِ شَيْطٰنٍ رَّجِيْمٍۚ٢٥
Wa mā huwa biqauli syaiṭānir rajīm(in).
[25] [Ang Qur’ān na] ito ay hindi sinabi ng isang demonyong kasumpa-sumpa.

فَاَيْنَ تَذْهَبُوْنَۗ٢٦
Fa aina tażhabūn(a).
[26] Kaya saan kayo pupunta?

اِنْ هُوَ اِلَّا ذِكْرٌ لِّلْعٰلَمِيْنَۙ٢٧
In huwa illā żikrul lil-‘ālamīn(a).
[27] Walang iba ito kundi isang paalaala para sa mga nilalang,

لِمَنْ شَاۤءَ مِنْكُمْ اَنْ يَّسْتَقِيْمَۗ٢٨
Liman syā'a minkum ay yastaqīm(a).
[28] para sa sinumang lumoob kabilang sa inyo na magpakatuwid,

وَمَا تَشَاۤءُوْنَ اِلَّآ اَنْ يَّشَاۤءَ اللّٰهُ رَبُّ الْعٰلَمِيْنَ ࣖ٢٩
Wa mā tasyā'ūna illā ay yasyā'allāhu rabbul-‘ālamīn(a).
[29] at hindi kayo magloloob maliban na lumuob si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.