Surah An-Nazi’at
بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
وَالنّٰزِعٰتِ غَرْقًاۙ١
Wan-nāzi‘āti garqā(n).
[1]
Sumpa man sa mga [anghel na] nag-aalis706 sa isang paghatak [na marahas],
[706] ng kaluluwa ng tagatangging sumampalataya
وَّالنّٰشِطٰتِ نَشْطًاۙ٢
Wan-nāsyiṭāti nasyṭā(n).
[2]
sumpa man sa mga [anghel na] humahablot707 sa isang paghunos [malumanay],
[707] ng kaluluwa ng mananampalataya
وَّالسّٰبِحٰتِ سَبْحًاۙ٣
Was-sābiḥāti sabḥā(n).
[3]
sumpa man sa mga [anghel na] lumalangoy sa isang paglangoy,708
[708] mula sa langit papunta sa lupa
فَالسّٰبِقٰتِ سَبْقًاۙ٤
Fas-sābiqāti sabqā(n).
[4]
saka sa mga [anghel na] nag-uunahan sa isang pag-uunahan [sa pagtalima],
فَالْمُدَبِّرٰتِ اَمْرًاۘ٥
Fal-mudabbirāti amrā(n).
[5]
saka sa mga [anghel na] nagpapatupad ng utos,
يَوْمَ تَرْجُفُ الرَّاجِفَةُۙ٦
Yauma tarjufur-rājifah(tu).
[6]
sa araw na yayanig ang tagayanig,709
[709] sa unang pag-ihip sa tambuli
تَتْبَعُهَا الرَّادِفَةُ ۗ٧
Tatba‘uhar-rādifah(tu).
[7]
at susunod dito ang kasunod [na pag-ihip sa tambuli].710
[710] na pag-ihip sa tambuli
قُلُوْبٌ يَّوْمَىِٕذٍ وَّاجِفَةٌۙ٨
Qulūbuy yauma'iżiw wājifah(tun).
[8]
May mga puso sa araw na iyon na kakabug-kabog.
اَبْصَارُهَا خَاشِعَةٌ ۘ٩
Abṣāruhā khāsyi‘ah(tun).
[9]
Ang mga paningin ng mga ito ay nagpapakumbaba.
يَقُوْلُوْنَ ءَاِنَّا لَمَرْدُوْدُوْنَ فِى الْحَافِرَةِۗ١٠
Yaqūlūna a'innā lamardūdūna fil-ḥāfirah(ti).
[10]
Nagsasabi sila [sa Mundo]: “Tunay bang kami ay talagang mga pababalikin sa dating kalagayan?
ءَاِذَا كُنَّا عِظَامًا نَّخِرَةً ۗ١١
A'iżā kunnā ‘iẓāman nakhirah(tan).
[11]
Kapag ba kami ay naging mga butong nabukbok?”
قَالُوْا تِلْكَ اِذًا كَرَّةٌ خَاسِرَةٌ ۘ١٢
Qālū tilka iżan karratun khāsirah(tun).
[12]
Magsasabi sila: “Iyon samakatuwid ay isang pagbalik na lugi.”
فَاِنَّمَا هِيَ زَجْرَةٌ وَّاحِدَةٌۙ١٣
Fa innamā hiya zajratuw wāḥidah(tun).
[13]
Ngunit ito711 ay nag-iisang bulyaw lamang,
[711] ang ikalawang pag-ihip sa tambuli sa pagkabuhay
فَاِذَا هُمْ بِالسَّاهِرَةِۗ١٤
Fa iżā hum bis-sāhirah(ti).
[14]
saka biglang sila ay [buhay] sa balat ng lupa.
هَلْ اَتٰىكَ حَدِيْثُ مُوْسٰىۘ١٥
Hal atāka ḥadīṡu mūsā.
[15]
Nakarating kaya sa iyo ang sanaysay kay Moises?
اِذْ نَادٰىهُ رَبُّهٗ بِالْوَادِ الْمُقَدَّسِ طُوًىۚ١٦
Iż nādāhu rabbuhū bil-wādil-muqaddasi ṭuwā(n).
[16]
Noong nanawagan sa kanya ang Panginoon niya sa pinabanal na lambak ng Ṭuwā:
اِذْهَبْ اِلٰى فِرْعَوْنَ اِنَّهٗ طَغٰىۖ١٧
Iżhab ilā fir‘auna innahū ṭagā.
[17]
“Pumunta ka kay Paraon – tunay na siya ay nagmalabis –
فَقُلْ هَلْ لَّكَ اِلٰٓى اَنْ تَزَكّٰىۙ١٨
Fa qul hal laka ilā an tazakkā.
[18]
saka magsabi ka: Ukol kaya sa iyo na magpakabusilak ka
وَاَهْدِيَكَ اِلٰى رَبِّكَ فَتَخْشٰىۚ١٩
Wa ahdiyaka ilā rabbika fa takhsyā.
[19]
at magpatnubay ako sa iyo tungo sa Panginoon mo para matakot ka [sa Kanya]?”
فَاَرٰىهُ الْاٰيَةَ الْكُبْرٰىۖ٢٠
Fa arāhul-āyatal-kubrā.
[20]
Kaya ipinakita niya712 rito ang tandang pinakamalaki713 [na himala ng tungkod at puting kamay],
[712] si Moises
[713] na himala ng tungkod at putting kamay
فَكَذَّبَ وَعَصٰىۖ٢١
Fa każżaba wa ‘aṣā.
[21]
ngunit nagpasinungaling ito714 at sumuway ito.
[714] si Paraon
ثُمَّ اَدْبَرَ يَسْعٰىۖ٢٢
Ṡumma adbara yas‘ā.
[22]
Pagkatapos tumalikod ito na nagpupunyagi [laban kay Moises].
فَحَشَرَ فَنَادٰىۖ٢٣
Fa ḥasyara fanādā.
[23]
Kaya kumalap ito [ng mga kawal] saka nanawagan
فَقَالَ اَنَا۠ رَبُّكُمُ الْاَعْلٰىۖ٢٤
Fa qāla ana rabbukumul-a‘lā.
[24]
saka nagsabi: “Ako ay ang panginoon ninyong pinakamataas.”
فَاَخَذَهُ اللّٰهُ نَكَالَ الْاٰخِرَةِ وَالْاُوْلٰىۗ٢٥
Fa akhażahullāhu nakālal-ākhirati wal-ūlā.
[25]
Kaya nagpataw rito si Allāh ng parusang panghalimbawa715 sa Kabilang-buhay at Unang-buhay.
[715] sa pamamagitan ng pagkalunod sa Mundo at pagpasok sa pinakamatinding pagdurusa sa Kabilang-buhay.
اِنَّ فِيْ ذٰلِكَ لَعِبْرَةً لِّمَنْ يَّخْشٰى ۗ ࣖ٢٦
Inna fī żālika la‘ibratal limay yakhsyā.
[26]
Tunay na sa gayon ay talagang may maisasaalang-alang para sa sinumang natatakot [kay Allāh].
ءَاَنْتُمْ اَشَدُّ خَلْقًا اَمِ السَّمَاۤءُ ۚ بَنٰىهَاۗ٢٧
A'antum asyaddu khalqan amis-samā'u banāhā.
[27]
Kayo ba ay higit na matindi sa pagkakalikha o ang langit, na ipinatayo Niya?
رَفَعَ سَمْكَهَا فَسَوّٰىهَاۙ٢٨
Rafa‘a samkahā fa sawwāhā.
[28]
Nag-angat Siya ng tuktok nito at humubog Siya nito.
وَاَغْطَشَ لَيْلَهَا وَاَخْرَجَ ضُحٰىهَاۖ٢٩
Wa agṭasya lailahā wa akhraja ḍuḥāhā.
[29]
Nagpakulimlim Siya ng gabi nito at nagpalabas Siya ng kaliwanagan nito.
وَالْاَرْضَ بَعْدَ ذٰلِكَ دَحٰىهَاۗ٣٠
Wal-arḍa ba‘da żālika daḥāhā.
[30]
Sa lupa, matapos niyon, ay naglagak Siya nito.
اَخْرَجَ مِنْهَا مَاۤءَهَا وَمَرْعٰىهَاۖ٣١
Akhraja minhā mā'ahā wa mar‘āhā.
[31]
Nagpalabas Siya mula rito ng tubig nito at pastulan nito.
وَالْجِبَالَ اَرْسٰىهَاۙ٣٢
Wal-jibāla arsāhā.
[32]
Sa mga bundok ay nag-angkla,
مَتَاعًا لَّكُمْ وَلِاَنْعَامِكُمْۗ٣٣
Matā‘al lakum wa li'an‘āmikum.
[33]
bilang natatamasa para sa inyo at para sa mga hayupan ninyo.
فَاِذَا جَاۤءَتِ الطَّاۤمَّةُ الْكُبْرٰىۖ٣٤
Fa iżā jā'atiṭ-ṭāmmatul-kubrā.
[34]
Ngunit kapag dumating ang Tagapag-umapaw na Pinakamalaki –
يَوْمَ يَتَذَكَّرُ الْاِنْسَانُ مَا سَعٰىۙ٣٥
Yauma yatażakkarul-insānu mā sa‘ā.
[35]
sa Araw na magsasaalaala ang tao sa pinagpunyagian niya [na mabuti o masama]
وَبُرِّزَتِ الْجَحِيْمُ لِمَنْ يَّرٰى٣٦
Wa burrizatil-jaḥīmu limay yarā.
[36]
at itatanghal ang Impiyerno para sa sinumang makakikita –
فَاَمَّا مَنْ طَغٰىۖ٣٧
Fa ammā man ṭagā.
[37]
hinggil sa sinumang nagmalabis
وَاٰثَرَ الْحَيٰوةَ الدُّنْيَاۙ٣٨
Wa āṡaral-ḥayātad-dun-yā.
[38]
at nagtangi sa buhay na pangmundo,
فَاِنَّ الْجَحِيْمَ هِيَ الْمَأْوٰىۗ٣٩
Fa innal-jaḥīma hiyal-ma'wā.
[39]
tunay na ang Impiyerno ay ang kanlungan;
وَاَمَّا مَنْ خَافَ مَقَامَ رَبِّهٖ وَنَهَى النَّفْسَ عَنِ الْهَوٰىۙ٤٠
Wa ammā man khāfa maqāma rabbihī wa nahan-nafsa ‘anil-hawā.
[40]
hinggil sa sinumang nangamba sa pagtayo sa [harap ng] Panginoon niya at sumaway sa sarili laban sa pithaya,
فَاِنَّ الْجَنَّةَ هِيَ الْمَأْوٰىۗ٤١
Fa innal-jannata hiyal-ma'wā.
[41]
tunay na ang Paraiso ay ang kanlungan.
يَسْـَٔلُوْنَكَ عَنِ السَّاعَةِ اَيَّانَ مُرْسٰىهَاۗ٤٢
Yas'alūnaka ‘anis-sā‘ati ayyāna mursāhā.
[42]
Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa Huling Sandali kung kailan ang pagdaong niyon?
فِيْمَ اَنْتَ مِنْ ذِكْرٰىهَاۗ٤٣
Fīma anta min żikrāhā.
[43]
Nasa ano ka para bumanggit niyon?
اِلٰى رَبِّكَ مُنْتَهٰىهَاۗ٤٤
Ilā rabbika muntahāhā.
[44]
Tungo sa Panginoon mo ang pagwawakasan [ng kaalaman] niyon.
اِنَّمَآ اَنْتَ مُنْذِرُ مَنْ يَّخْشٰىهَاۗ٤٥
Innamā anta munżiru may yakhsyāhā.
[45]
Ikaw ay isang tagapagbabala lamang ng sinumang natatakot doon.
كَاَنَّهُمْ يَوْمَ يَرَوْنَهَا لَمْ يَلْبَثُوْٓا اِلَّا عَشِيَّةً اَوْ ضُحٰىهَا ࣖ٤٦
Ka'annahum yauma yaraunahā lam yalbaṡū illā ‘asyiyyatan au ḍuḥāhā.
[46]
Para bang sila, sa Araw na makikita nila iyon, ay hindi namalagi [sa Mundo] maliban sa isang hapon o isang umaga nito.