Surah An-Naba’

Daftar Surah

بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
عَمَّ يَتَسَاۤءَلُوْنَۚ١
‘Amma yatasā'alūn(a).
[1] Tungkol sa ano nagtatanungan sila [na mga tagapagtambal]?

عَنِ النَّبَاِ الْعَظِيْمِۙ٢
‘Anin naba'il-‘aẓīm(i).
[2] Tungkol sa balitang dakila [ng Qur’ān],

الَّذِيْ هُمْ فِيْهِ مُخْتَلِفُوْنَۗ٣
Allażī hum fīhi mukhtalifūn(a).
[3] na sila kaugnay rito ay mga nagkakaiba-iba.

كَلَّا سَيَعْلَمُوْنَۙ٤
Kallā saya‘lamūn(a).
[4] Aba’y hindi! Makaaalam sila.

ثُمَّ كَلَّا سَيَعْلَمُوْنَ٥
Ṡumma kallā saya‘lamūn(a).
[5] Pagkatapos aba’y hindi! Makaaalam sila.

اَلَمْ نَجْعَلِ الْاَرْضَ مِهٰدًاۙ٦
Alam naj‘alil-arḍa mihādā(n).
[6] Hindi ba Kami gumawa sa lupa bilang nakalatag

وَّالْجِبَالَ اَوْتَادًاۖ٧
Wal-jibāla autādā(n).
[7] at sa mga bundok bilang mga tulos?

وَّخَلَقْنٰكُمْ اَزْوَاجًاۙ٨
Wa khalaqnākum azwājā(n).
[8] Lumikha Kami sa inyo na magkapares.

وَّجَعَلْنَا نَوْمَكُمْ سُبَاتًاۙ٩
Wa ja‘alnā naumakum subātā(n).
[9] Gumawa Kami sa pagtulog ninyo bilang pamamahinga.

وَّجَعَلْنَا الَّيْلَ لِبَاسًاۙ١٠
Wa ja‘alnal-laila libāsā(n).
[10] Gumawa Kami sa gabi bilang kasuutan.

وَّجَعَلْنَا النَّهَارَ مَعَاشًاۚ١١
Wa ja‘alnan-nahāra ma‘āsyā(n).
[11] Gumawa Kami sa maghapon bilang pinaghahanap-buhayan.

وَبَنَيْنَا فَوْقَكُمْ سَبْعًا شِدَادًاۙ١٢
Wa banainā fauqakum sab‘an syidādā(n).
[12] Nagpatayo Kami sa ibabaw ninyo ng pitong [langit na] matindi.

وَّجَعَلْنَا سِرَاجًا وَّهَّاجًاۖ١٣
Wa ja‘alnā sirājaw wahhājā(n).
[13] Gumawa Kami ng [araw bilang] isang sulo na palaliyab.

وَّاَنْزَلْنَا مِنَ الْمُعْصِرٰتِ مَاۤءً ثَجَّاجًاۙ١٤
Wa anzalnā minal-mu‘ṣirāti mā'an ṡajjājā(n).
[14] Nagpababa Kami mula sa mga dagim ng isang tubig na bumubuhos

لِّنُخْرِجَ بِهٖ حَبًّا وَّنَبَاتًاۙ١٥
Linukhrija bihī ḥabbaw wa nabātā(n).
[15] upang magpalabas Kami sa pamamagitan nito ng mga butil at halaman

وَّجَنّٰتٍ اَلْفَافًاۗ١٦
Wa jannātin alfāfā(n).
[16] at mga harding magkakapulupot.

اِنَّ يَوْمَ الْفَصْلِ كَانَ مِيْقَاتًاۙ١٧
Inna yaumal-faṣli kāna mīqātā(n).
[17] Tunay na ang Araw ng Pagpapasya ay isang takdang oras

يَّوْمَ يُنْفَخُ فِى الصُّوْرِ فَتَأْتُوْنَ اَفْوَاجًاۙ١٨
Yauma yunfakhu fiṣ-ṣūri fa ta'tūna afwājā(n).
[18] sa Araw na iihip sa tambuli saka pupunta kayo na pulu-pulutong.

وَّفُتِحَتِ السَّمَاۤءُ فَكَانَتْ اَبْوَابًاۙ١٩
Wa futiḥatis-samā'u fa kānat abwābā(n).
[19] Bubuksan ang langit saka ito ay magiging mga pintuan.

وَّسُيِّرَتِ الْجِبَالُ فَكَانَتْ سَرَابًاۗ٢٠
Wa suyyiratil-jibālu fa kānat sarābā(n).
[20] Iuusad ang mga bundok saka ang mga ito ay magiging isang malikmata.

اِنَّ جَهَنَّمَ كَانَتْ مِرْصَادًاۙ٢١
Inna jahannama kānat mirṣādā(n).
[21] Tunay na ang Impiyerno ay magiging isang pantambang,

لِّلطّٰغِيْنَ مَاٰبًاۙ٢٢
Liṭ-ṭāgīna ma'ābā(n).
[22] na para sa mga tagapagmalabis ay isang uwian,

لّٰبِثِيْنَ فِيْهَآ اَحْقَابًاۚ٢٣
Lābiṡīna fīhā aḥqābā(n).
[23] na mga mamamalagi roon sa mga yugto.

لَا يَذُوْقُوْنَ فِيْهَا بَرْدًا وَّلَا شَرَابًاۙ٢٤
Lā yażūqūna fīhā bardaw wa lā syarābā(n).
[24] Hindi sila makatitikim doon ng isang lamig ni isang inumin,

اِلَّا حَمِيْمًا وَّغَسَّاقًاۙ٢٥
Illā ḥamīmaw wa gassāqā(n).
[25] maliban sa isang nakapapasong tubig at isang nana

جَزَاۤءً وِّفَاقًاۗ٢٦
Jazā'aw wifāqā(n).
[26] bilang ganting angkop [sa masagwang gawa].

اِنَّهُمْ كَانُوْا لَا يَرْجُوْنَ حِسَابًاۙ٢٧
Innahum kānū lā yarjūna ḥisābā(n).
[27] Tunay na sila dati ay hindi nag-aasam ng isang pagtutuos.

وَّكَذَّبُوْا بِاٰيٰتِنَا كِذَّابًاۗ٢٨
Wa każżabū bi'āyātinā kiżżābā(n).
[28] Nagpasinungaling sila sa mga talata Namin [sa Qur’ān] nang isang [tahasang] pagpapasinungaling.

وَكُلَّ شَيْءٍ اَحْصَيْنٰهُ كِتٰبًاۙ٢٩
Wa kulla syai'in aḥṣaināhu kitābā(n).
[29] Sa bawat bagay [mula sa mga gawa ninyo ay nag-isa-isa sa isang talaan.

فَذُوْقُوْا فَلَنْ نَّزِيْدَكُمْ اِلَّا عَذَابًا ࣖ٣٠
Fa żūqū falan nazīdakum illā ‘ażābā(n)
[30] Kaya lumasap kayo [ng pagdurusa] sapagkat hindi Kami magdaragdag sa inyo kundi ng isang pagdurusa.

اِنَّ لِلْمُتَّقِيْنَ مَفَازًاۙ٣١
Inna lil-muttaqīna mafāzā(n).
[31] Tunay na ukol sa mga tagapangilag magkasala ay isang pagtatamuan [ng hinihiling nila]

حَدَاۤىِٕقَ وَاَعْنَابًاۙ٣٢
Ḥadā'iqa wa a‘nābā(n).
[32] ng mga hardin at mga ubasan [sa Paraiso],

وَّكَوَاعِبَ اَتْرَابًاۙ٣٣
Wa kawā‘iba atrābā(n).
[33] ng mga dalagang mabibilog ang dibdib, na mga magkasinggulang,

وَّكَأْسًا دِهَاقًاۗ٣٤
Wa ka'san dihāqā(n).
[34] at ng kopang pinuno [ng alak].

لَا يَسْمَعُوْنَ فِيْهَا لَغْوًا وَّلَا كِذّٰبًا٣٥
Lā yasma‘ūna fīhā lagwaw wa lā kiżżābā(n).
[35] Hindi sila makaririnig doon [sa Paraiso] ng isang kabalbalan ni isang pagsisinungaling,

جَزَاۤءً مِّنْ رَّبِّكَ عَطَاۤءً حِسَابًاۙ٣٦
Jazā'am mir rabbika ‘aṭā'an ḥisābā(n).
[36] bilang ganti mula sa Panginoon mo, bilang bigay na sulit

رَّبِّ السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا الرَّحْمٰنِ لَا يَمْلِكُوْنَ مِنْهُ خِطَابًاۚ٣٧
Rabbis-samāwāti wal-arḍi wa mā bainahumar-raḥmāni lā yamlikūna minhu khiṭābā(n).
[37] [mula sa] Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, ang Napakamaawain; hindi sila nakapangyayari sa Kanya sa isang pakikipag-usap [malibang may pahintulot].

يَوْمَ يَقُوْمُ الرُّوْحُ وَالْمَلٰۤىِٕكَةُ صَفًّاۙ لَّا يَتَكَلَّمُوْنَ اِلَّا مَنْ اَذِنَ لَهُ الرَّحْمٰنُ وَقَالَ صَوَابًا٣٨
Yauma yaqūmur-rūḥu wal-malā'ikatu ṣaffā(n), lā yatakallamūna illā man ażina lahur-raḥmānu wa qāla ṣawābā(n).
[38] Sa Araw na tatayo ang Espiritu [na si Anghel Gabriel] at ang mga anghel nang nakahanay, hindi sila magsasalita maliban sa sinumang nagpahintulot para roon ang Napakamaawain at magsasabi iyon ng tumpak.

ذٰلِكَ الْيَوْمُ الْحَقُّۚ فَمَنْ شَاۤءَ اتَّخَذَ اِلٰى رَبِّهٖ مَاٰبًا٣٩
Żālikal-yaumul-ḥaqq(u), faman syā'attakhaża ilā rabbihī ma'ābā(n).
[39] Iyon ay ang Araw na totoo; kaya ang sinumang lumuob gumawa siya tungo sa Panginoon niya ng isang uwian.

اِنَّآ اَنْذَرْنٰكُمْ عَذَابًا قَرِيْبًا ەۙ يَّوْمَ يَنْظُرُ الْمَرْءُ مَا قَدَّمَتْ يَدَاهُ وَيَقُوْلُ الْكٰفِرُ يٰلَيْتَنِيْ كُنْتُ تُرٰبًا ࣖ٤٠
Innā anżarnākum ‘ażāban qarībā(n), yauma yanẓurul-mar'u mā qaddamat yadāhu wa yaqūlul-kāfiru yā laitanī kuntu turābā(n).
[40] Tunay na Kami ay nagbabala sa inyo ng isang pagdurusang malapit sa Araw na titingin ang tao sa anumang [maganda o masagwang gawa na] ipinauna ng mga kamay niya at magsasabi ang tagatangging sumampalataya: “O kung sana ako ay naging alabok!”