Surah Al-Mursalat

Daftar Surah

بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
وَالْمُرْسَلٰتِ عُرْفًاۙ١
Wal-mursalāti ‘urfā(n).
[1] Sumpa man sa mga [hanging] isinusugo nang sunud-sunod,

فَالْعٰصِفٰتِ عَصْفًاۙ٢
Fal-‘āṣifāti ‘aṣfā(n).
[2] saka sa mga [hanging] umuunos sa isang pag-unos;

وَّالنّٰشِرٰتِ نَشْرًاۙ٣
Wan-nāsyirāti nasyrā(n).
[3] sumpa man sa mga [hanging] nagkakalat [ng ulan] sa isang pagkakalat,

فَالْفٰرِقٰتِ فَرْقًاۙ٤
Fal-fāriqāti farqā(n).
[4] saka sa mga [anghel na] nagbubukod sa isang pagbubukod,

فَالْمُلْقِيٰتِ ذِكْرًاۙ٥
Fal-mulqiyāti żikrā(n).
[5] saka sa mga [anghel na] naghahatid ng isang paalaala

عُذْرًا اَوْ نُذْرًاۙ٦
‘Użran au nużrā(n).
[6] bilang pagdadahilan [sa tao] o bilang pagbabala [sa tao];

اِنَّمَا تُوْعَدُوْنَ لَوَاقِعٌۗ٧
Innamā tū‘adūna lawāqi‘(un).
[7] tunay na ang ipinangangako sa inyo ay talagang magaganap.

فَاِذَا النُّجُوْمُ طُمِسَتْۙ٨
Fa iżan-nujūmu ṭumisat.
[8] Kaya kapag ang mga bituin ay pinawi,

وَاِذَا السَّمَاۤءُ فُرِجَتْۙ٩
Wa iżas-samā'u furijat.
[9] kapag ang langit ay biniyak,

وَاِذَا الْجِبَالُ نُسِفَتْۙ١٠
Wa iżal-jibālu nusifat.
[10] kapag ang mga bundok ay pinalis,

وَاِذَا الرُّسُلُ اُقِّتَتْۗ١١
Wa iżar-rusulu uqqitat.
[11] at kapag ang mga sugo ay tinaningan,

لِاَيِّ يَوْمٍ اُجِّلَتْۗ١٢
Li'ayyi yaumin ujjilat.
[12] para sa aling araw inantala sila?

لِيَوْمِ الْفَصْلِۚ١٣
Liyaumil-faṣl(i).
[13] Para sa Araw ng Pagpapasya.

وَمَآ اَدْرٰىكَ مَا يَوْمُ الْفَصْلِۗ١٤
Wa mā adrāka mā yaumul-faṣl(i).
[14] Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Araw ng Pagpapasya?

وَيْلٌ يَّوْمَىِٕذٍ لِّلْمُكَذِّبِيْنَ١٥
Wailuy yauma'iżil lil-mukażżibīn(a).
[15] Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa inihatid ng mga sugo]!

اَلَمْ نُهْلِكِ الْاَوَّلِيْنَۗ١٦
Alam nuhlikil-awwalīn(a).
[16] Hindi ba Kami nagpahamak sa mga sinauna?

ثُمَّ نُتْبِعُهُمُ الْاٰخِرِيْنَ١٧
Ṡumma nutbi‘uhumul-ākhirīn(a).
[17] Pagkatapos nagpasunod Kami sa kanila ng mga huli.

كَذٰلِكَ نَفْعَلُ بِالْمُجْرِمِيْنَ١٨
Każālika naf‘alu bil-mujrimīn(a).
[18] Gayon ang ginagawa Namin sa mga salarin.

وَيْلٌ يَّوْمَىِٕذٍ لِّلْمُكَذِّبِيْنَ١٩
Wailuy yauma'iżil lil-mukażżibīn(a).
[19] Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa banta ni Allāh]!

اَلَمْ نَخْلُقْكُّمْ مِّنْ مَّاۤءٍ مَّهِيْنٍۙ٢٠
Alam nakhluqkum mim mā'im mahīn(in).
[20] Hindi ba Kami lumikha sa inyo mula sa likidong aba,

فَجَعَلْنٰهُ فِيْ قَرَارٍ مَّكِيْنٍ٢١
Fa ja‘alnāhu fī qarārim makīn(in).
[21] saka naglagay Kami niyon sa isang pamamalagiang matibay [na sinapupunan]

اِلٰى قَدَرٍ مَّعْلُوْمٍۙ٢٢
Ilā qadarim ma‘lūm(in).
[22] hanggang sa isang panahong nalalaman?

فَقَدَرْنَاۖ فَنِعْمَ الْقٰدِرُوْنَ٢٣
Fa qadarnā, fani‘mal-qādirūn(a).
[23] Saka nagtakda Kami, saka kay inam ang Tagapagtakda!705
[705] O Nakaya Namin; kay inam na Makapangyarihan Kami.

وَيْلٌ يَّوْمَىِٕذٍ لِّلْمُكَذِّبِيْنَ٢٤
Wailuy yauma'iżil lil-mukażżibīn(a).
[24] Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa kakayahan ni Allāh]!

اَلَمْ نَجْعَلِ الْاَرْضَ كِفَاتًاۙ٢٥
Alam naj‘alil-arḍa kifātā(n).
[25] Hindi ba Kami gumawa sa lupa bilang ipunan

اَحْيَاۤءً وَّاَمْوَاتًاۙ٢٦
Aḥyā'aw wa amwātā(n).
[26] ng mga buhay at ng mga patay?

وَّجَعَلْنَا فِيْهَا رَوَاسِيَ شٰمِخٰتٍ وَّاَسْقَيْنٰكُمْ مَّاۤءً فُرَاتًاۗ٢٧
Wa ja‘alnā fīhā rawāsiya syāmikhātiw wa asqainākum mā'an furātā(n).
[27] Naglagay Kami rito ng mga matatag na bundok na matatayog at nagpainom Kami sa inyo ng isang tubig tabang.

وَيْلٌ يَّوْمَىِٕذٍ لِّلْمُكَذِّبِيْنَ٢٨
Wailuy yauma'iżil lil-mukażżibīn(a).
[28] Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa mga biyaya ni Allāh]!

اِنْطَلِقُوْٓا اِلٰى مَا كُنْتُمْ بِهٖ تُكَذِّبُوْنَۚ٢٩
Inṭaliqū ilā mā kuntum bihī tukażżibūn(a).
[29] [Sasabihin]: “Humayo kayo tungo sa [pagdurusang] dati ninyong pinasisinungalingan.

اِنْطَلِقُوْٓا اِلٰى ظِلٍّ ذِيْ ثَلٰثِ شُعَبٍ٣٠
Inṭaliqū ilā ẓillin żī ṡalāṡi syu‘ab(in).
[30] Humayo kayo tungo sa anino [ng usok] na may tatlong sangay,

لَا ظَلِيْلٍ وَّلَا يُغْنِيْ مِنَ اللَّهَبِۗ٣١
Lā ẓalīliw wa lā yugnī minal-lahab(i).
[31] na hindi panlilim ni makapagpapakinabang laban sa liyab.”

اِنَّهَا تَرْمِيْ بِشَرَرٍ كَالْقَصْرِۚ٣٢
Innahā tarmī bisyararin kal-qaṣr(i).
[32] Tunay na ito ay nagtatapon ng mga alipato na gaya ng palasyo.

كَاَنَّهٗ جِمٰلَتٌ صُفْرٌۗ٣٣
Ka'annahū jimālatun ṣufr(un).
[33] Para bang ang mga ito ay mga itim na kamelyong naninilaw.

وَيْلٌ يَّوْمَىِٕذٍ لِّلْمُكَذِّبِيْنَ٣٤
Wailuy yauma'iżil lil-mukażżibīn(a).
[34] Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa pagdurusang dulot ni Allāh]!

هٰذَا يَوْمُ لَا يَنْطِقُوْنَۙ٣٥
Hāżā yaumu lā yanṭiqūn(a).
[35] Ito ay Araw na hindi sila bibigkas,

وَلَا يُؤْذَنُ لَهُمْ فَيَعْتَذِرُوْنَ٣٦
Wa lā yu'żanu lahum fa ya‘tażirūn(a).
[36] at hindi magpapahintulot sa kanila para magdahi-dahilan sila.

وَيْلٌ يَّوْمَىِٕذٍ لِّلْمُكَذِّبِيْنَ٣٧
Wailuy yauma'iżil lil-mukażżibīn(a).
[37] Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa mga ulat hinggil sa Araw na iyan]!

هٰذَا يَوْمُ الْفَصْلِ جَمَعْنٰكُمْ وَالْاَوَّلِيْنَ٣٨
Hāżā yaumul-faṣli jama‘nākum wal-awwalīn(a).
[38] Ito ay Araw ng Pagpapasya; magtitipon Kami sa inyo at sa mga sinauna.

فَاِنْ كَانَ لَكُمْ كَيْدٌ فَكِيْدُوْنِ٣٩
Fa'in kāna lakum kaidun fakīdūn(i).
[39] Kaya kung nagkaroon kayo ng isang panlalansi ay manlansi kayo sa Akin.

وَيْلٌ يَّوْمَىِٕذٍ لِّلْمُكَذِّبِيْنَ ࣖ٤٠
Wailuy yauma'iżil lil-mukażżibīn(a).
[40] Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa Araw ng Pagpapasya]!

اِنَّ الْمُتَّقِيْنَ فِيْ ظِلٰلٍ وَّعُيُوْنٍۙ٤١
Innal-muttaqīna fī ẓilāliw wa ‘uyūn(in).
[41] Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga lilim at mga bukal [sa Paraiso],

وَّفَوَاكِهَ مِمَّا يَشْتَهُوْنَۗ٤٢
Wa fawākiha mimmā yasytahūn(a).
[42] at mga prutas mula sa anumang ninanasa nila.

كُلُوْا وَاشْرَبُوْا هَنِيْۤـًٔا ۢبِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُوْنَ٤٣
Kulū wasyrabū hanī'am bimā kuntum ta‘malūn(a).
[43] [Sasabihin]: “Kumain kayo at uminom kayo nang kaiga-igaya dahil sa dati ninyo ginagawa [na maayos].”

اِنَّا كَذٰلِكَ نَجْزِى الْمُحْسِنِيْنَ٤٤
Innā każālika najzil-muḥsinīn(a).
[44] Tunay na Kami ay gayon gaganti sa mga tagagawa ng mabuti.

وَيْلٌ يَّوْمَىِٕذٍ لِّلْمُكَذِّبِيْنَ٤٥
Wailuy yauma'iżil lil-mukażżibīn(a).
[45] Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa inihanda ni Allāh]!

كُلُوْا وَتَمَتَّعُوْا قَلِيْلًا اِنَّكُمْ مُّجْرِمُوْنَ٤٦
Kulū wa tamatta‘ū qalīlan innakum mujrimūn(a).
[46] [Sasabihin]: “Kumain kayo at magpakatamasa kayo nang kaunti; tunay na kayo ay mga salarin.”

وَيْلٌ يَّوْمَىِٕذٍ لِّلْمُكَذِّبِيْنَ٤٧
Wailuy yauma'iżil lil-mukażżibīn(a).
[47] Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa pagganti sa kanila]!

وَاِذَا قِيْلَ لَهُمُ ارْكَعُوْا لَا يَرْكَعُوْنَ٤٨
Wa iżā qīla lahumurka‘ū lā yarka‘ūn(a).
[48] Kapag sinabi sa kanila: “Yumukod kayo,” hindi sila yumuyukod.

وَيْلٌ يَّوْمَىِٕذٍ لِّلْمُكَذِّبِيْنَ٤٩
Wailuy yauma'iżil lil-mukażżibīn(a).
[49] Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling [sa inihatid ng mga sugo]!

فَبِاَيِّ حَدِيْثٍۢ بَعْدَهٗ يُؤْمِنُوْنَ ࣖ ۔٥٠
Fa bi'ayyi ḥadīṡim ba‘dahū yu'minūn(a).
[50] Kaya sa aling pag-uusap matapos [ng Qur’ān na] ito sasampalataya sila?