Surah Al-Muddassir
بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
يٰٓاَيُّهَا الْمُدَّثِّرُۙ١
Yā ayyuhal-muddaṡṡir(u).
[1]
O nagtatalukbong,689
[689] Nagtakip ang Propeta ng sarili dahil sa pagkatakot sa nakita.
قُمْ فَاَنْذِرْۖ٢
Qum fa'anżir.
[2]
bumangon ka saka magbabala ka.690
[690] sa mga tao laban sa pagdurusang idudulot ni Allāh.
وَرَبَّكَ فَكَبِّرْۖ٣
Wa rabbaka fakabbir.
[3]
Sa Panginoon mo ay dumakila ka.
وَثِيَابَكَ فَطَهِّرْۖ٤
Wa ṡiyābaka faṭahhir.
[4]
Sa mga damit mo ay magdalisay ka.
وَالرُّجْزَ فَاهْجُرْۖ٥
War-rujza fahjur.
[5]
Sa kasalaulaan691 ay lumayo ka.
[691] Ibig sabihin: sa pagsamba sa mga diyus-diyusan.
وَلَا تَمْنُنْ تَسْتَكْثِرُۖ٦
Wa lā tamnun tastakṡir(u).
[6]
Huwag kang magmagandang-loob habang humihiling ka ng marami.
وَلِرَبِّكَ فَاصْبِرْۗ٧
Wa lirabbika faṣbir.
[7]
Alang-alang sa Panginoon mo ay magtiis ka.
فَاِذَا نُقِرَ فِى النَّاقُوْرِۙ٨
Fa iżā nuqira fin-nāqūr(i).
[8]
Kaya kapag nagpatunog sa trumpeta,
فَذٰلِكَ يَوْمَىِٕذٍ يَّوْمٌ عَسِيْرٌۙ٩
Fa żālika yauma'iżiy yaumun ‘asīr(un).
[9]
iyon, sa araw na iyon, ay isang araw na mahirap,
عَلَى الْكٰفِرِيْنَ غَيْرُ يَسِيْرٍ١٠
‘Alal-kāfirīna gairu yasīr(in).
[10]
sa mga tagatangging sumampalataya ay hindi madali.
ذَرْنِيْ وَمَنْ خَلَقْتُ وَحِيْدًاۙ١١
Żarnī wa man khalaqtu waḥīdā(n).
[11]
Hayaan mo Ako at ang nilikha Ko nang mag-isa.
وَّجَعَلْتُ لَهٗ مَالًا مَّمْدُوْدًاۙ١٢
Wa ja‘altu lahū mālam mamdūdā(n).
[12]
Gumawa Ako para sa kanya ng isang yamang pinalawak
وَّبَنِيْنَ شُهُوْدًاۙ١٣
Wa banīna syuhūdā(n).
[13]
at mga anak na kapiling.
وَّمَهَّدْتُّ لَهٗ تَمْهِيْدًاۙ١٤
Wa mahhattu lahū tamhīdā(n).
[14]
Nagpaalwan Ako sa kanya sa isang pagpapaaalwan.
ثُمَّ يَطْمَعُ اَنْ اَزِيْدَۙ١٥
Ṡumma yaṭma‘u an azīd(a).
[15]
Pagkatapos naghahangad siya na magdagdag Ako.
كَلَّاۗ اِنَّهٗ كَانَ لِاٰيٰتِنَا عَنِيْدًاۗ١٦
Kallā, innahū kāna li'āyātinā ‘anīdā(n).
[16]
Aba’y hindi! Tunay na siya sa mga tanda Namin ay mapagmatigas.
سَاُرْهِقُهٗ صَعُوْدًاۗ١٧
Sa'urhiquhū ṣa‘ūdā(n).
[17]
Magpapabigat692 Ako sa kanya ng isang pahirap.
[692] O Aatangan.
اِنَّهٗ فَكَّرَ وَقَدَّرَۙ١٨
Innahū fakkara wa qaddar(a).
[18]
Tunay na siya ay nag-isip at nagtakda.
فَقُتِلَ كَيْفَ قَدَّرَۙ١٩
Faqutila kaifa qaddar(a).
[19]
Kaya panaigan nawa siya kung papaano siyang nagtakda!
ثُمَّ قُتِلَ كَيْفَ قَدَّرَۙ٢٠
Ṡumma qutila kaifa qaddar(a).
[20]
Pagkatapos panaigan nawa siya kung papaano siyang nagtakda!
ثُمَّ نَظَرَۙ٢١
Ṡumma naẓar(a).
[21]
Pagkatapos nagmasid siya.
ثُمَّ عَبَسَ وَبَسَرَۙ٢٢
Ṡumma ‘abasa wa basar(a).
[22]
Pagkatapos nagkunut-noo siya at sumimangot siya.
ثُمَّ اَدْبَرَ وَاسْتَكْبَرَۙ٢٣
Ṡumma adbara wastakbar(a).
[23]
Pagkatapos tumalikod siya [sa pananampalataya] at nagmalaki siya.
فَقَالَ اِنْ هٰذَآ اِلَّا سِحْرٌ يُّؤْثَرُۙ٢٤
Faqāla in hāżā illā siḥruy yu'ṡar(u).
[24]
Kaya nagsabi siya: “Walang iba [ang Qur’ān na] ito ay kundi isang panggagaway na ipinapasa-pasa.
اِنْ هٰذَآ اِلَّا قَوْلُ الْبَشَرِۗ٢٥
In hāżā illā qaulul-basyar(i).
[25]
Walang iba ito ay kundi sabi ng tao.”
سَاُصْلِيْهِ سَقَرَ٢٦
Sa'uṣlīhi saqar(a).
[26]
Magsusunog Ako sa kanya sa Saqar.
وَمَآ اَدْرٰىكَ مَا سَقَرُۗ٢٧
Wa mā adrāka mā saqar(a).
[27]
Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Saqar?
لَا تُبْقِيْ وَلَا تَذَرُۚ٢٨
Lā tubqī wa lā tażar(u).
[28]
Hindi ito nagtitira at hindi ito nag-iiwan.
لَوَّاحَةٌ لِّلْبَشَرِۚ٢٩
Lawwāḥatul lil-basyar(i).
[29]
Isang tagapagtupok ng mga balat,
عَلَيْهَا تِسْعَةَ عَشَرَۗ٣٠
‘Alaihā tis‘ata ‘asyar(a).
[30]
sa ibabaw nito ay may labingsiyam [na anghel].693
[693] na mga tanod ng Impiyerno
وَمَا جَعَلْنَآ اَصْحٰبَ النَّارِ اِلَّا مَلٰۤىِٕكَةً ۖوَّمَا جَعَلْنَا عِدَّتَهُمْ اِلَّا فِتْنَةً لِّلَّذِيْنَ كَفَرُوْاۙ لِيَسْتَيْقِنَ الَّذِيْنَ اُوْتُوا الْكِتٰبَ وَيَزْدَادَ الَّذِيْنَ اٰمَنُوْٓا اِيْمَانًا وَّلَا يَرْتَابَ الَّذِيْنَ اُوْتُوا الْكِتٰبَ وَالْمُؤْمِنُوْنَۙ وَلِيَقُوْلَ الَّذِيْنَ فِيْ قُلُوْبِهِمْ مَّرَضٌ وَّالْكٰفِرُوْنَ مَاذَآ اَرَادَ اللّٰهُ بِهٰذَا مَثَلًاۗ كَذٰلِكَ يُضِلُّ اللّٰهُ مَنْ يَّشَاۤءُ وَيَهْدِيْ مَنْ يَّشَاۤءُۗ وَمَا يَعْلَمُ جُنُوْدَ رَبِّكَ اِلَّا هُوَۗ وَمَا هِيَ اِلَّا ذِكْرٰى لِلْبَشَرِ ࣖ٣١
Wa mā ja‘alnā aṣḥāban-nāri illā malā'ikah(tan), wa mā ja‘alnā ‘iddatahum illā fitnatal lil-lażīna kafarū, liyastaiqinal-lażīna ūtul-kitāba wa yazdādal-lażīna āmanū īmānaw wa lā yartābal-lażīna ūtul-kitāba wal-mu'minūn(a), wa liyaqūlal-lażīna fī qulūbihim maraḍuw wal-kāfirūna māżā arādallāhu bihāżā maṡalā(n), każālika yuḍillullāhu may yasyā'u wa yahdī may yasyā'(u), wa mā ya‘lamu junūda rabbika illā huw(a), wa mā hiya illā żikrā lil-basyar(i).
[31]
Hindi Kami naglagay694 ng mga tanod ng Apoy maliban ng mga anghel. Hindi Kami gumawa sa bilang nila malibang bilang pagsubok para sa mga tumangging sumampalataya upang makatiyak ang mga [Hudyo at mga Kristiyano na] binigyan ng Kasulatan, madagdagan ang mga sumampalataya ng pananampalataya, at hindi mag-alinlangan ang mga [Hudyo at mga Kristiyano na] binigyan ng Kasulatan at ang mga mananampalataya, at upang magsabi ang mga sa mga puso nila ay may sakit at ang mga tagatangging sumampalataya: “Ano ang ninais ni Allāh dito bilang paghahalintulad?” Gayon nagliligaw si Allāh sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya. Walang nakaaalam sa mga kawal ng Panginoon mo kundi Siya. Walang iba ito kundi isang paalaala para sa mga tao.
[694] O gumawa.
كَلَّا وَالْقَمَرِۙ٣٢
Kallā wal-qamar(i).
[32]
Aba’y hindi! Sumpa man sa buwan,695
[695] Ang lahat ng mga panunumpa sa mga bagay na nasaad sa Qur’an ay panunumpa ni Allāh.
وَالَّيْلِ اِذْ اَدْبَرَۙ٣٣
Wal-laili iż adbar(a).
[33]
sumpa man sa gabi kapag tumalikod ito,
وَالصُّبْحِ اِذَآ اَسْفَرَۙ٣٤
Waṣ-ṣubḥi iżā asfar(a).
[34]
sumpa man sa madaling-araw kapag nagliwanag ito;
اِنَّهَا لَاِحْدَى الْكُبَرِۙ٣٥
Innahā la'iḥdal-kubar(i).
[35]
tunay na [ang Apoy na] ito ay isa sa mga pinakamalaki
نَذِيْرًا لِّلْبَشَرِۙ٣٦
Nażīral lil-basyar(i).
[36]
bilang pagbabala para sa mga tao,
لِمَنْ شَاۤءَ مِنْكُمْ اَنْ يَّتَقَدَّمَ اَوْ يَتَاَخَّرَۗ٣٧
Liman syā'a minkum ay yataqaddama au yata'akhkhar(a).
[37]
para sa sinumang lumuob kabilang sa inyo na mauna o maantala.
كُلُّ نَفْسٍۢ بِمَا كَسَبَتْ رَهِيْنَةٌۙ٣٨
Kullu nafsim bimā kasabat rahīnah(tun).
[38]
Bawat kaluluwa sa nakamit nito ay nakasangla,
اِلَّآ اَصْحٰبَ الْيَمِيْنِ ۛ٣٩
Illā aṣḥābal-yamīn(i).
[39]
maliban sa mga kasamahan ng kanan,
فِيْ جَنّٰتٍ ۛ يَتَسَاۤءَلُوْنَۙ٤٠
Fī jannātin - yatasā'alūn(a).
[40]
na sa mga Hardin ay magtatanungan sila
عَنِ الْمُجْرِمِيْنَۙ٤١
‘Anil-mujrimīn(a).
[41]
tungkol sa mga salarin:
مَا سَلَكَكُمْ فِيْ سَقَرَ٤٢
Mā salakakum fī saqar(a).
[42]
“Ano ang nagpasok sa inyo sa Saqar?”
قَالُوْا لَمْ نَكُ مِنَ الْمُصَلِّيْنَۙ٤٣
Qālū lam naku minal-muṣallīn(a).
[43]
Magsasabi ang mga ito: “Hindi kami dati kabilang sa mga nagdarasal,
وَلَمْ نَكُ نُطْعِمُ الْمِسْكِيْنَۙ٤٤
Wa lam naku nuṭ‘imul-miskīn(a).
[44]
hindi kami dati nagpapakain sa dukha,
وَكُنَّا نَخُوْضُ مَعَ الْخَاۤىِٕضِيْنَۙ٤٥
Wa kunnā nakhūḍu ma‘al-khā'iḍīn(a).
[45]
kami dati ay sumusuong [sa kabulaanan] kasama sa mga sumusuong [sa kabulaanan],
وَكُنَّا نُكَذِّبُ بِيَوْمِ الدِّيْنِۙ٤٦
Wa kunnā nukażżibu biyaumid-dīn(i).
[46]
at kami dati ay nagpapabula sa Araw ng Pagtutumbas,
حَتّٰىٓ اَتٰىنَا الْيَقِيْنُۗ٤٧
Ḥattā atānal-yaqīn(u).
[47]
hanggang sa pumunta sa amin ang katiyakan [ng kamatayan].”
فَمَا تَنْفَعُهُمْ شَفَاعَةُ الشّٰفِعِيْنَۗ٤٨
Famā tanfa‘uhum syafā‘atusy-syāfi‘īn(a).
[48]
Kaya hindi magpapakinabang sa kanila ang pamamagitan ng mga tagapamagitan.
فَمَا لَهُمْ عَنِ التَّذْكِرَةِ مُعْرِضِيْنَۙ٤٩
Famā lahum ‘anit-tażkirati mu‘riḍīn(a).
[49]
Kaya ano ang mayroon sa kanila na sa pagpapaalaala ay mga tagaayaw?
كَاَنَّهُمْ حُمُرٌ مُّسْتَنْفِرَةٌۙ٥٠
Ka'annahum ḥumurum mustanfirah(tun).
[50]
Para bang sila ay mga asnong ligaw na naiilang,
فَرَّتْ مِنْ قَسْوَرَةٍۗ٥١
Farrat min qaswarah(tin).
[51]
na tumakas mula sa isang leyon.
بَلْ يُرِيْدُ كُلُّ امْرِئٍ مِّنْهُمْ اَنْ يُّؤْتٰى صُحُفًا مُّنَشَّرَةًۙ٥٢
Bal yurīdu kullumri'im minhum ay yu'tā ṣuḥufam munasysyarah(tan).
[52]
Bagkus nagnais ang bawat tao kabilang sa kanila na bigyan ng mga pahinang iniladlad.
كَلَّاۗ بَلْ لَّا يَخَافُوْنَ الْاٰخِرَةَۗ٥٣
Kallā, bal lā yakhāfūnal-ākhirah(ta).
[53]
Aba’y hindi! Bagkus hindi sila nangangamba sa Kabilang-buhay.
كَلَّآ اِنَّهٗ تَذْكِرَةٌ ۚ٥٤
Kallā innahū tażkirah(tun).
[54]
Aba’y hindi! Tunay na [ang Qur’ān na] ito ay isang pagpapaalaala.
فَمَنْ شَاۤءَ ذَكَرَهٗۗ٥٥
Faman syā'a żakarah(ū).
[55]
Kaya ang sinumang lumuob ay mag-alaala siya nito.
وَمَا يَذْكُرُوْنَ اِلَّآ اَنْ يَّشَاۤءَ اللّٰهُ ۗهُوَ اَهْلُ التَّقْوٰى وَاَهْلُ الْمَغْفِرَةِ ࣖ٥٦
Wa mā yażkurūna illā ay yasyā'allāh(u), huwa ahlut-taqwā wa ahlul-magfirah(ti).
[56]
Hindi sila nag-aalaala maliban na loobin ni Allāh. Siya ay ang karapat-dapat sa pangingilag magkasala at ang karapat-dapat sa pagpapatawad.