Surah Al-Jinn

Daftar Surah

بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
قُلْ اُوْحِيَ اِلَيَّ اَنَّهُ اسْتَمَعَ نَفَرٌ مِّنَ الْجِنِّ فَقَالُوْٓا اِنَّا سَمِعْنَا قُرْاٰنًا عَجَبًاۙ١
Qul ūḥiya ilayya annahustama‘a nafarum minal-jinni fa qālū innā sami‘nā qur'ānan ‘ajabā(n).
[1] Sabihin mo [O Propeta Muḥammad]: “Ikinasi sa akin na may nakinig [sa Qur’am] na isang pangkat ng jinn at nagsabi sila: ‘Tunay na kami ay nakarinig ng isang pagbigkas na kahanga-hanga.

يَّهْدِيْٓ اِلَى الرُّشْدِ فَاٰمَنَّا بِهٖۗ وَلَنْ نُّشْرِكَ بِرَبِّنَآ اَحَدًاۖ٢
Yahdī ilar-rusydi fa'āmannā bih(ī), wa lan nusyrika birabbinā aḥadā(n).
[2] Nagpapatnubay ito sa pagkagabay kaya sumampalataya kami rito at hindi kami magtatambal sa Panginoon namin ng isa man.

وَّاَنَّهٗ تَعٰلٰى جَدُّ رَبِّنَا مَا اتَّخَذَ صَاحِبَةً وَّلَا وَلَدًاۖ٣
Wa annahū ta‘ālā jaddu rabbinā mattakhaża ṣāḥibataw wa lā waladā(n).
[3] Na Siya – napakataas ang kabunyian ng Panginoon namin – ay hindi gumawa ng isang asawa ni isang anak.

وَّاَنَّهٗ كَانَ يَقُوْلُ سَفِيْهُنَا عَلَى اللّٰهِ شَطَطًاۖ٤
Wa annahū kāna yaqūlu safīhunā ‘alallāhi syaṭaṭā(n).
[4] Na noon ay nagsasabi ang hunghang namin laban kay Allāh ng isang pagkalayu-layo [sa katotohanan].680
[680] sa pamamagitan ng pagpaparatang sa Kanya ng pagkakaroon ng asawa o anak o anumang katambal.

وَّاَنَّا ظَنَنَّآ اَنْ لَّنْ تَقُوْلَ الْاِنْسُ وَالْجِنُّ عَلَى اللّٰهِ كَذِبًاۙ٥
Wa annā ẓanannā allan taqūlal-insu wal-jinnu ‘alallāhi każibā(n).
[5] Na kami ay nagpalagay na hindi magsasabi ang tao at ang jinn laban kay Allāh ng isang kasinungalingan.

وَّاَنَّهٗ كَانَ رِجَالٌ مِّنَ الْاِنْسِ يَعُوْذُوْنَ بِرِجَالٍ مِّنَ الْجِنِّ فَزَادُوْهُمْ رَهَقًاۖ٦
Wa annahū kāna rijālum minal insi ya‘ūżūna birijālim minal-jinni fa zādūhum rahaqā(n).
[6] Na noon ay may mga [hamak na] lalaki ng tao na nagpapakupkop sa mga lalaki ng jinn [na demonyo], kaya dumagdag ang mga ito sa kanila ng isang kabigatan.681
[681] O pagmamalabis, o kahunghangan.

وَّاَنَّهُمْ ظَنُّوْا كَمَا ظَنَنْتُمْ اَنْ لَّنْ يَّبْعَثَ اللّٰهُ اَحَدًاۖ٧
Wa annahum ẓannū kamā ẓanantum allay yab‘aṡallāhu aḥadā(n).
[7] Na sila ay nagpalagay gaya ng ipinagpalagay ninyo na hindi magbubuhay si Allāh ng isa man.

وَّاَنَّا لَمَسْنَا السَّمَاۤءَ فَوَجَدْنٰهَا مُلِئَتْ حَرَسًا شَدِيْدًا وَّشُهُبًاۖ٨
Wa annā lamasnas-samā'a fa wajadnāhā muli'at ḥarasan syadīdaw wa syuhubā(n).
[8] Na kami ay nagtangkang umabot sa langit ngunit natagpuan namin na iyon ay pinuno ng mga tanod na matindi at mga bulalakaw.

وَّاَنَّا كُنَّا نَقْعُدُ مِنْهَا مَقَاعِدَ لِلسَّمْعِۗ فَمَنْ يَّسْتَمِعِ الْاٰنَ يَجِدْ لَهٗ شِهَابًا رَّصَدًاۖ٩
Wa annā kunnā naq‘udu minhā maqā‘ida lis-sam‘(i), famay yastami‘il-āna yajid lahū syihābar raṣadā(n).
[9] Na kami dati ay umuupo mula roon sa mga mauupuan para sa pakikinig ngunit ang sinumang makikinig ngayon ay makakatagpo para sa kanya ng isang bulalakaw na nakatambang.

وَّاَنَّا لَا نَدْرِيْٓ اَشَرٌّ اُرِيْدَ بِمَنْ فِى الْاَرْضِ اَمْ اَرَادَ بِهِمْ رَبُّهُمْ رَشَدًاۙ١٠
Wa annā lā nadrī asyarrun urīda biman fil-arḍi am arāda bihim rabbuhum rasyadā(n).
[10] Na kami ay hindi nakababatid kung may isang kasamaan ba na ninais sa mga nasa lupa o nagnais sa kanila ang Panginoon nila ng isang pagkagabay.

وَّاَنَّا مِنَّا الصّٰلِحُوْنَ وَمِنَّا دُوْنَ ذٰلِكَۗ كُنَّا طَرَاۤىِٕقَ قِدَدًاۙ١١
Wa annā minnaṣ-ṣāliḥūna wa minnā dūna żālik(a), kunnā ṭarā'iqa qidadā(n).
[11] Na kami, kabilang sa amin [na mga jinn] ang mga maayos at kabilang sa amin ang mababa pa roon; kami dati ay mga pangkating magkakaiba.

وَّاَنَّا ظَنَنَّآ اَنْ لَّنْ نُّعْجِزَ اللّٰهَ فِى الْاَرْضِ وَلَنْ نُّعْجِزَهٗ هَرَبًاۖ١٢
Wa annā ẓanannā allan nu‘jizallāha fil-arḍi wa lan nu‘jizahū harabā(n).
[12] Na kami ay nakatiyak na hindi kami makapagpapawalang-kakayahan kay Allāh sa lupa at hindi kami makapagpapawalang-kakayahan sa Kanya sa isang pagtakas.

وَّاَنَّا لَمَّا سَمِعْنَا الْهُدٰىٓ اٰمَنَّا بِهٖۗ فَمَنْ يُّؤْمِنْۢ بِرَبِّهٖ فَلَا يَخَافُ بَخْسًا وَّلَا رَهَقًاۖ١٣
Wa annā lammā sami‘nal-hudā āmannā bih(ī), famay yu'mim birabbihī falā yakhāfu bakhsaw wa lā rahaqā(n).
[13] Na kami, noong nakarinig kami sa patnubay [ng Qur’ān], ay sumampalataya rito; saka ang sinumang sumasampalataya sa Panginoon niya ay hindi mangangamba sa isang pagpapakulang ni isang kabigatan.

وَّاَنَّا مِنَّا الْمُسْلِمُوْنَ وَمِنَّا الْقٰسِطُوْنَۗ فَمَنْ اَسْلَمَ فَاُولٰۤىِٕكَ تَحَرَّوْا رَشَدًا١٤
Wa annā minnal-muslimūna wa minnal-qāsiṭūn(a), faman aslama fa ulā'ika taḥarrau rasyadā(n).
[14] Na kami, kabilang sa amin ang mga Muslim [na nagpasakop kay Allāh] at kabilang sa amin ang mga tagalihis; saka ang sinumang nagpasakop, ang mga iyon ay sumadya sa isang paggabay.

وَاَمَّا الْقٰسِطُوْنَ فَكَانُوْا لِجَهَنَّمَ حَطَبًاۙ١٥
Wa ammal-qāsiṭūna fa kānū lijahannama ḥaṭabā(n).
[15] Hinggil naman sa mga tagalihis, sila para sa Impiyerno ay magiging mga panggatong.’

وَّاَنْ لَّوِ اسْتَقَامُوْا عَلَى الطَّرِيْقَةِ لَاَسْقَيْنٰهُمْ مَّاۤءً غَدَقًاۙ١٦
Wa allawistaqāmū ‘alaṭ-ṭarīqati la'asqaināhum mā'an gadaqā(n).
[16] Na kung sakaling nagpakatuwid682 sila sa daan [ng Islām] ay talaga sanang nagpatubig Kami sa kanila ng isang tubig na masagana [na panustos]
[682] O tumahak.

لِّنَفْتِنَهُمْ فِيْهِۗ وَمَنْ يُّعْرِضْ عَنْ ذِكْرِ رَبِّهٖ يَسْلُكْهُ عَذَابًا صَعَدًاۙ١٧
Linaftinahum fīh(i), wa may yu‘riḍ ‘an żikri rabbihī yasluk-hu ‘ażāban ṣa‘adā(n).
[17] upang sumubok Kami sa kanila dito. Ang sinumang aayaw sa paalaala ng Panginoon nito ay magsisingit Siya rito sa isang pagdurusang paakyat.

وَّاَنَّ الْمَسٰجِدَ لِلّٰهِ فَلَا تَدْعُوْا مَعَ اللّٰهِ اَحَدًاۖ١٨
Wa annal-masājida lillāhi falā tad‘ū ma‘allāhi aḥadā(n).
[18] Na ang mga masjid ay ukol kay Allāh, kaya huwag kayong manalangin kasama kay Allāh sa isa man.

وَّاَنَّهٗ لَمَّا قَامَ عَبْدُ اللّٰهِ يَدْعُوْهُ كَادُوْا يَكُوْنُوْنَ عَلَيْهِ لِبَدًاۗ ࣖ١٩
Wa annahū lammā qāma ‘abdullāhi yad‘ūhu kādū yakūnūna ‘alaihi libadā(n).
[19] Na noong tumindig ang lingkod ni Allāh683 na dumadalangin sa Kanya, halos sila [na mga jinn] sa [pagligid sa] kanya ay nagiging patung-patong.”
[683] na si Propeta Muḥammad

قُلْ اِنَّمَآ اَدْعُوْا رَبِّيْ وَلَآ اُشْرِكُ بِهٖٓ اَحَدًا٢٠
Qul innamā ad‘ū rabbī wa lā usyriku bihī aḥadā(n).
[20] Sabihin mo: “Dumadalangin ako sa Panginoon ko lamang at hindi ako nagtatambal sa Kanya ng isa man.”

قُلْ اِنِّيْ لَآ اَمْلِكُ لَكُمْ ضَرًّا وَّلَا رَشَدًا٢١
Qul innī lā amliku lakum ḍarraw wa lā rasyadā(n).
[21] Sabihin mo: “Tunay na ako ay hindi nakapagdudulot sa inyo ng isang pinsala ni isang paggabay.”

قُلْ اِنِّيْ لَنْ يُّجِيْرَنِيْ مِنَ اللّٰهِ اَحَدٌ ەۙ وَّلَنْ اَجِدَ مِنْ دُوْنِهٖ مُلْتَحَدًا ۙ٢٢
Qul innī lay yujīranī minallāhi aḥad(un), wa lan ajida min dūnihī multaḥadā(n).
[22] Sabihin mo: “Tunay na ako ay hindi kakalingain laban kay Allāh ng isa man [kung susuway ako sa Kanya] at hindi makatatagpo bukod pa sa Kanya ng isang madadaupan,

اِلَّا بَلٰغًا مِّنَ اللّٰهِ وَرِسٰلٰتِهٖۗ وَمَنْ يَّعْصِ اللّٰهَ وَرَسُوْلَهٗ فَاِنَّ لَهٗ نَارَ جَهَنَّمَ خٰلِدِيْنَ فِيْهَآ اَبَدًاۗ٢٣
Illā balāgam minallāhi wa risālātih(ī), wa may ya‘ṣillāha wa rasūlahū fa inna lahū nāra jahannama khālidīna fīhā abadā(n).
[23] ngunit [makapagdudulot ako] ng isang pagpapaabot [ng katotohanan] mula kay Allāh at mga pasugo Niya.” Ang mga sumusuway kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad] ay tunay na ukol sa kanila ang Apoy ng Impiyerno bilang mga mananatili roon magpakailanman;

حَتّٰىٓ اِذَا رَاَوْا مَا يُوْعَدُوْنَ فَسَيَعْلَمُوْنَ مَنْ اَضْعَفُ نَاصِرًا وَّاَقَلُّ عَدَدًاۗ٢٤
Ḥattā iżā ra'au mā yū‘adūna fasaya‘lamūna man aḍ‘afu nāṣiraw wa aqallu ‘adadā(n).
[24] hanggang sa nang nakita nila [na mga tagatangging sumampalataya] ang ipinangako sa kanila ay makaaalam sila kung sino ang higit na mahina sa tagapag-adya at higit na kaunti sa bilang.

قُلْ اِنْ اَدْرِيْٓ اَقَرِيْبٌ مَّا تُوْعَدُوْنَ اَمْ يَجْعَلُ لَهٗ رَبِّيْٓ اَمَدًا٢٥
Qul in adrī aqarībum mā tū‘adūna am yaj‘alu lahū rabbī amadā(n).
[25] Sabihin mo: “Hindi ako nakababatid kung malapit ba ang ipinangako sa inyo o maglalagay para rito ang Panginoon ko ng isang [mahabang] yugto.”

عٰلِمُ الْغَيْبِ فَلَا يُظْهِرُ عَلٰى غَيْبِهٖٓ اَحَدًاۙ٢٦
‘Ālimul-gaibi falā yuẓhiru ‘alā gaibihī aḥadā(n).
[26] [Si Allāh] ang Tagaalam sa nakalingid, saka hindi Siya naghahayag sa [kaalaman Niya sa] inilingid Niya sa isa man,

اِلَّا مَنِ ارْتَضٰى مِنْ رَّسُوْلٍ فَاِنَّهٗ يَسْلُكُ مِنْۢ بَيْنِ يَدَيْهِ وَمِنْ خَلْفِهٖ رَصَدًاۙ٢٧
Illā manirtaḍā mir rasūlin fa innahū yasluku mim baini yadaihi wa min khalfihī raṣadā(n).
[27] maliban sa sinumang kinalugdan Niya na isang sugo sapagkat tunay na Siya ay nagpapatahak mula sa harapan nito at mula sa likuran nito ng [mga anghel na nakatambang

لِّيَعْلَمَ اَنْ قَدْ اَبْلَغُوْا رِسٰلٰتِ رَبِّهِمْ وَاَحَاطَ بِمَا لَدَيْهِمْ وَاَحْصٰى كُلَّ شَيْءٍ عَدَدًا ࣖ٢٨
Liya‘lama an qad ablagū risālāti rabbihim wa aḥāṭa bimā ladaihim wa aḥṣā kulla syai'in ‘adadā(n).
[28] upang makaalam [ang Sugong] ito na nagpaabot nga sila ng mga pasugo ng Panginoon nila. Pumaligid Siya sa anumang taglay nila at nag-isa-isa Siya sa bawat bagay sa bilang.