Surah Nuh

Daftar Surah

بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
اِنَّآ اَرْسَلْنَا نُوْحًا اِلٰى قَوْمِهٖٓ اَنْ اَنْذِرْ قَوْمَكَ مِنْ قَبْلِ اَنْ يَّأْتِيَهُمْ عَذَابٌ اَلِيْمٌ١
Innā arsalnā nūḥan ilā qaumihī an anżir qaumaka min qabli ay ya'tiyahum ‘ażābun alīm(un).
[1] Tunay na Kami ay nagsugo kay Noe sa mga kababayan niya, na [nagsasabi]: “Magbabala ka sa mga kababayan mo bago pa may pumunta sa kanila na isang pagdurusang masakit.”

قَالَ يٰقَوْمِ اِنِّيْ لَكُمْ نَذِيْرٌ مُّبِيْنٌۙ٢
Qāla yā qaumi innī lakum nażīrum mubīn(un).
[2] Nagsabi siya: “O mga kababayan ko, tunay na ako para sa inyo ay isang mapagbabalang malinaw:

اَنِ اعْبُدُوا اللّٰهَ وَاتَّقُوْهُ وَاَطِيْعُوْنِۙ٣
Ani‘budullāha wattaqūhu wa aṭī‘ūn(i).
[3] na sumamba kayo kay Allāh, mangilag kayong magkasala sa Kanya, at tumalima kayo sa akin;

يَغْفِرْ لَكُمْ مِّنْ ذُنُوْبِكُمْ وَيُؤَخِّرْكُمْ اِلٰٓى اَجَلٍ مُّسَمًّىۗ اِنَّ اَجَلَ اللّٰهِ اِذَا جَاۤءَ لَا يُؤَخَّرُۘ لَوْ كُنْتُمْ تَعْلَمُوْنَ٤
Yagfir lakum min żunūbikum wa yu'akhkhirkum ilā ajalim musammā(n), inna ajalallāhi iżā jā'a lā yu'akhkhar(u), lau kuntum ta‘lamūn(a).
[4] magpapatawad Siya sa inyo ng ilan sa mga pagkakasala ninyo at mag-aantala Siya sa inyo hanggang sa isang taning na tinukoy. Tunay na ang taning ni Allāh, kapag dumating, ay hindi inaantala, kung sakaling kayo ay nakaaalam.”

قَالَ رَبِّ اِنِّيْ دَعَوْتُ قَوْمِيْ لَيْلًا وَّنَهَارًاۙ٥
Qāla rabbi innī da‘atu qaumī lailaw wa nahārā(n).
[5] Nagsabi siya: “Panginoon ko, tunay na ako ay nag-anyaya sa mga kababayan ko sa gabi at maghapon,

فَلَمْ يَزِدْهُمْ دُعَاۤءِيْٓ اِلَّا فِرَارًا٦
Falam yazidhum du‘ā'ī illā firārā(n).
[6] ngunit walang naidagdag sa kanila ang pag-aanyaya ko kundi pagtakas [sa ipinaaanyaya].

وَاِنِّيْ كُلَّمَا دَعَوْتُهُمْ لِتَغْفِرَ لَهُمْ جَعَلُوْٓا اَصَابِعَهُمْ فِيْٓ اٰذَانِهِمْ وَاسْتَغْشَوْا ثِيَابَهُمْ وَاَصَرُّوْا وَاسْتَكْبَرُوا اسْتِكْبَارًاۚ٧
Wa innī kullamā da‘autuhum litagfira lahum ja‘alū aṣābi‘ahum fī āżānihim wastagsyau ṡiyābahum wa aṣarrū wastakbarustikbārā(n).
[7] Tunay na sa tuwing nag-anyaya ako sa kanila upang magpatawad Ka sa kanila ay naglalagay sila ng mga daliri nila sa mga tainga nila, nagtatalukbong sila ng mga damit nila, nagpupumilit sila, at nagmamalaki sila nang isang pagmamalaki.

ثُمَّ اِنِّيْ دَعَوْتُهُمْ جِهَارًاۙ٨
Ṡumma innī da‘autuhum jihārā(n).
[8] Pagkatapos tunay na ako ay nag-anyaya sa kanila nang lantaran.

ثُمَّ اِنِّيْٓ اَعْلَنْتُ لَهُمْ وَاَسْرَرْتُ لَهُمْ اِسْرَارًاۙ٩
Ṡumma innī a‘lantu lahum wa asrartu lahum isrārā(n).
[9] Pagkatapos tunay na ako ay nagpahayag sa kanila at nagtapat sa kanila nang isang pagtatapat.

فَقُلْتُ اسْتَغْفِرُوْا رَبَّكُمْ اِنَّهٗ كَانَ غَفَّارًاۙ١٠
Faqultustagfirū rabbakum innahū kāna gaffārā(n).
[10] Kaya nagsabi ako [sa kanila]: ‘Humingi kayo ng tawad sa Panginoon ninyo – tunay na Siya ay laging Palapatawad –

يُّرْسِلِ السَّمَاۤءَ عَلَيْكُمْ مِّدْرَارًاۙ١١
Yursilis-samā'a ‘alaikum midrārā(n).
[11] magpapadala Siya ng [ulan ng] langit sa inyo na nananagana,

وَّيُمْدِدْكُمْ بِاَمْوَالٍ وَّبَنِيْنَ وَيَجْعَلْ لَّكُمْ جَنّٰتٍ وَّيَجْعَلْ لَّكُمْ اَنْهٰرًاۗ١٢
Wa yumdidkum bi'amwāliw wa banīna wa yaj‘al lakum jannātiw wa yaj‘al lakum anhārā(n).
[12] mag-aayuda Siya sa inyo ng mga yaman at mga anak, gagawa Siya para sa inyo ng mga hardin, at gagawa Siya para sa inyo ng mga ilog.

مَا لَكُمْ لَا تَرْجُوْنَ لِلّٰهِ وَقَارًاۚ١٣
Mā lakum lā tarjūna lillāhi waqārā(n).
[13] Ano ang mayroon sa inyo na hindi kayo umaasam kay Allāh sa kabunyian

وَقَدْ خَلَقَكُمْ اَطْوَارًا١٤
Wa qad khalaqakum aṭwārā(n).
[14] samantalang lumikha nga Siya sa inyo sa mga yugto?

اَلَمْ تَرَوْا كَيْفَ خَلَقَ اللّٰهُ سَبْعَ سَمٰوٰتٍ طِبَاقًاۙ١٥
Alam tara kaifa khalaqallāhu sab‘a samāwātin ṭibāqā(n).
[15] Hindi ba ninyo napag-alaman kung papaanong lumikha si Allāh ng pitong langit na nagkakatakluban?

وَّجَعَلَ الْقَمَرَ فِيْهِنَّ نُوْرًا وَّجَعَلَ الشَّمْسَ سِرَاجًا١٦
Wa ja‘alal-qamara fīhinna nūraw wa ja‘alasy-syamsa sirājā(n).
[16] Naglagay Siya ng buwan sa mga ito bilang liwanag at naglagay Siya ng araw bilang sulo.

وَاللّٰهُ اَنْۢبَتَكُمْ مِّنَ الْاَرْضِ نَبَاتًاۙ١٧
Wallāhu ambatakum minal-arḍi nabātā(n).
[17] Si Allāh ay nagpatubo sa inyo mula sa lupa sa isang pagpapatubo.

ثُمَّ يُعِيْدُكُمْ فِيْهَا وَيُخْرِجُكُمْ اِخْرَاجًا١٨
Ṡumma yu‘īdukum fīhā wa yukhrijukum ikhrājā(n).
[18] Pagkatapos magpapanumbalik Siya sa inyo rito at magpapalabas Siya sa inyo sa isang [panibagong] pagpapalabas.

وَاللّٰهُ جَعَلَ لَكُمُ الْاَرْضَ بِسَاطًاۙ١٩
Wallāhu ja‘ala lakumul-arḍa bisāṭā(n).
[19] Si Allāh ay gumawa para sa inyo ng lupa na isang nakalatag

لِّتَسْلُكُوْا مِنْهَا سُبُلًا فِجَاجًا ࣖ٢٠
Litaslukū minhā subulan fijājā(n).
[20] upang tumahak kayo mula rito sa mga landas na maluwang.’”

قَالَ نُوْحٌ رَّبِّ اِنَّهُمْ عَصَوْنِيْ وَاتَّبَعُوْا مَنْ لَّمْ يَزِدْهُ مَالُهٗ وَوَلَدُهٗٓ اِلَّا خَسَارًاۚ٢١
Qāla nūḥur rabbi innahum ‘aṣaunī wattaba‘ū mal lam yazidhu māluhū wa waladuhū illā khasārā(n).
[21] Nagsabi si Noe: “Panginoon ko, tunay na sila ay sumuway sa akin at sumunod sa [taong] walang naidagdag sa kanya ang yaman niya at ang anak niya kundi isang pagkalugi.

وَمَكَرُوْا مَكْرًا كُبَّارًاۚ٢٢
Wa makarū makran kubbārā(n).
[22] Nagpakana sila [na mga pinuno] ng isang pakanang pagkalaki-laki.

وَقَالُوْا لَا تَذَرُنَّ اٰلِهَتَكُمْ وَلَا تَذَرُنَّ وَدًّا وَّلَا سُوَاعًا ەۙ وَّلَا يَغُوْثَ وَيَعُوْقَ وَنَسْرًاۚ٢٣
Wa qālū lā tażarunna ālihatakum wa lā tażarunna waddaw wa lā suwā‘ā(n), wa lā yagūṡa wa ya‘ūqa wa nasrā(n).
[23] Nagsabi sila: ‘Huwag nga kayong mag-iwan sa mga diyos ninyo at huwag nga kayong mag-iwan kay Wadd, ni kay Suwā`, ni kay Yaghūth, ni kay Ya`ūq, ni kay Nasr.’679
[679] Ang mga ito ay mga pangalan ng mga diyus-diyusan nila.

وَقَدْ اَضَلُّوْا كَثِيْرًا ەۚ وَلَا تَزِدِ الظّٰلِمِيْنَ اِلَّا ضَلٰلًا٢٤
Wa qad aḍallū kaṡīrā(n), wa lā tazidiẓ-ẓālimīna illā ḍalālā(n).
[24] Nagligaw nga sila [na mga pinuno] ng marami at huwag Kang magdagdag sa mga tagalabag sa katarungan kundi ng isang pagkaligaw.”

مِمَّا خَطِيْۤـٰٔتِهِمْ اُغْرِقُوْا فَاُدْخِلُوْا نَارًا ەۙ فَلَمْ يَجِدُوْا لَهُمْ مِّنْ دُوْنِ اللّٰهِ اَنْصَارًا٢٥
Mimmā khaṭī'ātihim ugriqū fa'udkhilū nārā(n), falam yajidū lahum min dūnillāhi anṣārā(n).
[25] Dahil sa mga kamalian nila, pinalunod sila saka pinapasok sila sa isang Apoy, saka hindi sila nakatagpo para sa kanila bukod pa kay Allāh ng mga tagaadya.

وَقَالَ نُوْحٌ رَّبِّ لَا تَذَرْ عَلَى الْاَرْضِ مِنَ الْكٰفِرِيْنَ دَيَّارًا٢٦
Wa qāla nūḥur rabbi lā tażar ‘alal-arḍi minal-kāfirīna dayyārā(n).
[26] Nagsabi si Noe: “Panginoon ko, huwag Kang mag-iwan sa lupa mula sa mga tagatangging sumampalataya ng isang palagala.

اِنَّكَ اِنْ تَذَرْهُمْ يُضِلُّوْا عِبَادَكَ وَلَا يَلِدُوْٓا اِلَّا فَاجِرًا كَفَّارًا٢٧
Innaka in tażarhum yuḍillū ‘ibādaka wa lā yalidū illā fājiran kaffārā(n).
[27] Tunay na kung mag-iiwan Ka sa kanila, magliligaw sila sa mga lingkod Mo at hindi sila magkakaanak kundi ng masamang-loob na palatangging sumampalataya.

رَبِّ اغْفِرْ لِيْ وَلِوَالِدَيَّ وَلِمَنْ دَخَلَ بَيْتِيَ مُؤْمِنًا وَّلِلْمُؤْمِنِيْنَ وَالْمُؤْمِنٰتِۗ وَلَا تَزِدِ الظّٰلِمِيْنَ اِلَّا تَبَارًا ࣖ٢٨
Rabbigfir lī wa liwālidayya wa liman dakhala baitiya mu'minaw wa lil-mu'minīna wal-mu'mināt(i), wa lā tazidiẓ-ẓālimīna illā tabārā(n).
[28] Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin, sa mga magulang ko, sa sinumang pumasok sa bahay ko bilang mananampalataya, sa mga lalaking mananampalataya, at sa mga babaing mananampalataya. Huwag Kang magdagdag sa mga tagalabag sa katarungan kundi ng isang pagkapahamak.”