Surah Al-Ma’arij

Daftar Surah

بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
سَاَلَ سَاۤىِٕلٌۢ بِعَذَابٍ وَّاقِعٍۙ١
Sa'ala sā'ilum bi‘ażābiw wāqi‘(in).
[1] Humingi ang isang humihingi ng isang pagdurusang magaganap.

لِّلْكٰفِرِيْنَ لَيْسَ لَهٗ دَافِعٌۙ٢
Lil-kāfirīna laisa lahū dāfi‘(un).
[2] Para sa mga tagatangging sumampalataya, wala para ritong isang tagahadlang

مِّنَ اللّٰهِ ذِى الْمَعَارِجِۗ٣
Minallāhi żil-ma‘ārij(i).
[3] laban kay Allāh na may mga pampanik.

تَعْرُجُ الْمَلٰۤىِٕكَةُ وَالرُّوْحُ اِلَيْهِ فِيْ يَوْمٍ كَانَ مِقْدَارُهٗ خَمْسِيْنَ اَلْفَ سَنَةٍۚ٤
Ta‘rujul-malā'ikatu war-rūḥu ilaihi fī yaumin kāna miqdāruhū khamsīna alfa sanah(tin).
[4] Papanik ang mga anghel at ang Espiritu671 sa Kanya sa isang araw na ang sukat nito ay limampung libong taon.
[671] Si Anghel Gabriel.

فَاصْبِرْ صَبْرًا جَمِيْلًا٥
Faṣbir ṣabran jamīlā(n).
[5] Kaya magtiis ka nang pagtitiis na marilag.672
[672] na walang panghihinawa at waking paghihinaing

اِنَّهُمْ يَرَوْنَهٗ بَعِيْدًاۙ٦
Innahum yaraunahū ba‘īdā(n).
[6] Tunay na sila ay nagtuturing na [ang pagdurusang] ito ay malayo

وَّنَرٰىهُ قَرِيْبًاۗ٧
Wa narāhu qarībā(n).
[7] samantalang nagtuturing Kaming ito ay malapit,

يَوْمَ تَكُوْنُ السَّمَاۤءُ كَالْمُهْلِۙ٨
Yauma takūnus-samā'u kal-muhl(i).
[8] sa Araw na ang langit ay magiging para bang latak ng langis,673
[673] O lusaw na tanso, O lusaw na tingga, O lusaw na pilak.

وَتَكُوْنُ الْجِبَالُ كَالْعِهْنِۙ٩
Wa takūnul-jibālu kal-‘ihn(i).
[9] ang mga bundok ay magiging para bang nilipad na lana,

وَلَا يَسْـَٔلُ حَمِيْمٌ حَمِيْمًاۚ١٠
Wa lā yas'alu ḥamīmun ḥamīmā(n).
[10] at walang magtatanong674 na isang kaanak675 sa isang kaanak,
[674] O manghihingi ng anuman [675] O kaibigan.

يُبَصَّرُوْنَهُمْۗ يَوَدُّ الْمُجْرِمُ لَوْ يَفْتَدِيْ مِنْ عَذَابِ يَوْمِىِٕذٍۢ بِبَنِيْهِۙ١١
Yubaṣṣarūnahum, yawaddul-mujrimu lau yaftadī min ‘ażābi yaumi'iżim bibanīh(i).
[11] [bagamat] magkakitaan sila. Mag-aasam ang salarin na kung sana tutubusin siya mula sa isang pagdurusa sa Araw na iyon kapalit ng mga anak niya,

وَصَاحِبَتِهٖ وَاَخِيْهِۙ١٢
Wa ṣāḥibatihī wa akhīh(i).
[12] at ng asawa niya at kapatid niya,

وَفَصِيْلَتِهِ الَّتِيْ تُـْٔوِيْهِۙ١٣
Wa faṣīlatihil-latī tu'wīh(i).
[13] at ng angkan niya na nagkakanlong sa kanya,

وَمَنْ فِى الْاَرْضِ جَمِيْعًاۙ ثُمَّ يُنْجِيْهِۙ١٤
Wa man fil-arḍi jamī‘ā(n), ṡumma yunjīh(i).
[14] at ng sinumang nasa lupa nang lahatan, pagkatapos makapagliligtas ito sa kanya.

كَلَّاۗ اِنَّهَا لَظٰىۙ١٥
Kallā, innahā laẓā.
[15] Aba’y hindi! Tunay na iyon ay Alab,676
[676] Isa sa mga pangalan ng Impiyerno, tinawag itong Alab dahil nag-aalab ang apoy nito.

نَزَّاعَةً لِّلشَّوٰىۚ١٦
Nazzā‘atal lisy-syawā.
[16] na isang palatuklap ng anit,

تَدْعُوْا مَنْ اَدْبَرَ وَتَوَلّٰىۙ١٧
Tad‘ū man adbara wa tawallā.
[17] na nag-aanyaya sa sinumang tumalikod [sa katotohanan] at nagpakalayu-layo,

وَجَمَعَ فَاَوْعٰى١٨
Wa jama‘a fa'au‘ā.
[18] at umipon [ng yaman] at nag-imbak nito.

۞ اِنَّ الْاِنْسَانَ خُلِقَ هَلُوْعًاۙ١٩
Innal-insāna khuliqa halu‘ā(n).
[19] Tunay na ang tao ay nilikha na ganid:

اِذَا مَسَّهُ الشَّرُّ جَزُوْعًاۙ٢٠
Iżā massahusy-syarru jazū‘ā(n).
[20] kapag sumaling sa kanya ang masama ay maligalig

وَّاِذَا مَسَّهُ الْخَيْرُ مَنُوْعًاۙ٢١
Wa iżā massahul-khairu manū‘ā(n).
[21] at kapag sumaling sa kanya ang mabuti ay mapagkait,

اِلَّا الْمُصَلِّيْنَۙ٢٢
Illal-muṣallīn(a).
[22] maliban sa mga nagdarasal,

الَّذِيْنَ هُمْ عَلٰى صَلَاتِهِمْ دَاۤىِٕمُوْنَۖ٢٣
Allażīna hum ‘alā ṣalātihim dā'imūn(a).
[23] na sila, sa pagdarasal nila, ay mga palagian,

وَالَّذِيْنَ فِيْٓ اَمْوَالِهِمْ حَقٌّ مَّعْلُوْمٌۖ٢٤
Wal-lażīna fī amwālihim ḥaqqum ma‘lūm(un).
[24] at na [sila], sa mga yaman nila, ay may tungkuling nalalaman677
[677] O karapatan o bahagi.

لِّلسَّاۤىِٕلِ وَالْمَحْرُوْمِۖ٢٥
Lis-sā'ili wal-maḥrūm(i).
[25] para sa nanghihingi at napagkaitan,

وَالَّذِيْنَ يُصَدِّقُوْنَ بِيَوْمِ الدِّيْنِۖ٢٦
Wal-lażīna yuṣaddiqūna biyaumid-dīn(i).
[26] at mga nagpapatotoo sa Araw ng Pagtutumbas,

وَالَّذِيْنَ هُمْ مِّنْ عَذَابِ رَبِّهِمْ مُّشْفِقُوْنَۚ٢٧
Wal-lażīna hum min ‘ażābi rabbihim musyfiqūn(a).
[27] at na sila, sa pagdurusang dulot ng Panginoon nila, ay mga nababagabag

اِنَّ عَذَابَ رَبِّهِمْ غَيْرُ مَأْمُوْنٍۖ٢٨
Inna ‘ażāba rabbihim gairu ma'mūn(in).
[28] – tunay na ang pagdurusang dulot ng Panginoon nila ay walang natitiwasay –

وَّالَّذِيْنَ هُمْ لِفُرُوْجِهِمْ حٰفِظُوْنَۙ٢٩
Wal-lażīna hum lifurūjihim ḥāfiẓūn(a).
[29] at na sila, sa mga ari nila, ay mga tagapag-ingat,

اِلَّا عَلٰٓى اَزْوَاجِهِمْ اَوْ مَا مَلَكَتْ اَيْمَانُهُمْ فَاِنَّهُمْ غَيْرُ مَلُوْمِيْنَۚ٣٠
Illā ‘alā azwājihim au mā malakat aimānuhum fa innahum gairu malūmīn(a).
[30] maliban sa mga maybahay nila o sa [babaing] minay-ari ng mga kanang kamay nila [ayon sa batas] sapagkat tunay sila ay hindi mga masisisi

فَمَنِ ابْتَغٰى وَرَاۤءَ ذٰلِكَ فَاُولٰۤىِٕكَ هُمُ الْعَادُوْنَۚ٣١
Fa manibtagā warā'a żālika fa ulā'ika humul-‘ādūn(a).
[31] – ngunit ang sinumang naghangad ng higit pa roon, ang mga iyon ay ang mga tagalabag –

وَالَّذِيْنَ هُمْ لِاَمٰنٰتِهِمْ وَعَهْدِهِمْ رٰعُوْنَۖ٣٢
Wal-lażīna hum li'amānātihim wa ‘ahdihim rā'ūn(a).
[32] at na sila, sa mga ipinagkakatiwala sa kanila at sa kasunduan sa kanila, ay mga nag-iingat,

وَالَّذِيْنَ هُمْ بِشَهٰدٰتِهِمْ قَاۤىِٕمُوْنَۖ٣٣
Wal-lażīna hum bisyahādātihim qā'imūn(a).
[33] at na sila, sa mga pagsasaksi nila, ay mga naninindigan,

وَالَّذِيْنَ هُمْ عَلٰى صَلَاتِهِمْ يُحَافِظُوْنَۖ٣٤
Wal-lażīna hum ‘alā ṣalātihim yuḥāfiẓūn(a).
[34] at na sila, sa pagdarasal nila, ay nangangalaga,

اُولٰۤىِٕكَ فِيْ جَنّٰتٍ مُّكْرَمُوْنَ ۗ ࣖ٣٥
Ulā'ika fī jannātim mukramūn(a).
[35] ang mga iyon sa mga hardin ay mga pararangalan.

فَمَالِ الَّذِيْنَ كَفَرُوْا قِبَلَكَ مُهْطِعِيْنَۙ٣٦
Famālil-lażīna kafarū qibalaka muhṭi‘īn(a).
[36] Kaya ano ang mayroon sa mga tumangging sumampalataya na sa dako mo ay mga nagdadali-dali678
[678] O nakadunghal ang mga leeg.

عَنِ الْيَمِيْنِ وَعَنِ الشِّمَالِ عِزِيْنَ٣٧
‘Anil-yamīni wa ‘anisy-syimāli ‘izīn(a).
[37] sa gawing kanan at sa gawing kaliwa sa magkakahiwalay na umpukan?

اَيَطْمَعُ كُلُّ امْرِئٍ مِّنْهُمْ اَنْ يُّدْخَلَ جَنَّةَ نَعِيْمٍۙ٣٨
Ayaṭma‘u kullumri'im minhum ay yudkhala jannata na‘īm(in).
[38] Naghahangad ba ang bawat tao kabilang sa kanila na papasukin sa isang hardin ng kaginhawahan?

كَلَّاۗ اِنَّا خَلَقْنٰهُمْ مِّمَّا يَعْلَمُوْنَ٣٩
Kallā, innā khalaqnāhum mimmā ya‘malūn(a).
[39] Aba’y hindi! Tunay na Kami ay lumikha sa kanila mula sa nalalaman nila.

فَلَآ اُقْسِمُ بِرَبِّ الْمَشٰرِقِ وَالْمَغٰرِبِ اِنَّا لَقٰدِرُوْنَۙ٤٠
Falā uqsimu birabbil-masyāriqi wal-magāribi innā laqādirūn(a).
[40] Kaya talagang sumusumpa Ako sa [sarili Ko bilang] Panginoon ng mga sikatan at mga lubugan, tunay na Kami ay talagang Nakakakaya

عَلٰٓى اَنْ نُّبَدِّلَ خَيْرًا مِّنْهُمْۙ وَمَا نَحْنُ بِمَسْبُوْقِيْنَ٤١
‘Alā an nubaddila khairam minhum, wa mā naḥnu bimasbūqīn(a).
[41] na magpalit Kami ng higit na mabuti kaysa sa kanila, at Kami ay hindi mauunahan.”

فَذَرْهُمْ يَخُوْضُوْا وَيَلْعَبُوْا حَتّٰى يُلٰقُوْا يَوْمَهُمُ الَّذِيْ يُوْعَدُوْنَۙ٤٢
Fa żarhum yakhūḍū wa yal‘abū ḥattā yulāqū yaumahumul-lażī yū‘adūn(a)
[42] Kaya hayaan mo silang sumuong [sa kabulaanan] at maglaro hanggang sa makipagkita sila sa araw nilang pinangangakuan sila

يَوْمَ يَخْرُجُوْنَ مِنَ الْاَجْدَاثِ سِرَاعًا كَاَنَّهُمْ اِلٰى نُصُبٍ يُّوْفِضُوْنَۙ٤٣
Yauma yakhrujūna minal-ajdāṡi sirā‘an ka'annahum ilā nuṣubiy yūfiḍūn(a).
[43] sa araw na lalabas sila mula sa mga puntod nang matutulin na para bang sila tungo sa mga dambana ay nagmamadali.

خَاشِعَةً اَبْصَارُهُمْ تَرْهَقُهُمْ ذِلَّةٌ ۗذٰلِكَ الْيَوْمُ الَّذِيْ كَانُوْا يُوْعَدُوْنَ ࣖ٤٤
Khāsyi‘atan abṣāruhum tarhaquhum żillah(tun), żālikal-yaumul-lażī kānū yū‘adūn(a).
[44] Nagtataimtim ang mga paningin nila, may lumulukob sa kanila na isang kaabahan! Iyon ay ang araw na dating ipinangangako sa kanila.