Surah Al-Haqqah

Daftar Surah

بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
اَلْحَاۤقَّةُۙ١
Al-ḥāqqah(tu).
[1] Ang Magkakatotoo.

مَا الْحَاۤقَّةُ ۚ٢
Mal-ḥāqqah(tu).
[2] Ano ang Magkakatotoo?

وَمَآ اَدْرٰىكَ مَا الْحَاۤقَّةُ ۗ٣
Wa mā adrāka mal-ḥāqqah(tu).
[3] Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Magkakatotoo?

كَذَّبَتْ ثَمُوْدُ وَعَادٌ ۢبِالْقَارِعَةِ٤
Każżabat ṡamūdu wa ‘ādum bil-qāri‘ah(ti).
[4] Nagpasinungaling ang [liping] Thamūd at ang [liping] `Ād sa Tagadagok.667
[667] na dadagok sa mga tao dahil sa tindi ng mga hilakbot sa Araw ng Pagbangon

فَاَمَّا ثَمُوْدُ فَاُهْلِكُوْا بِالطَّاغِيَةِ٥
Fa'ammā ṡamūdu fa uhlikū biṭ-ṭāgiyah(ti).
[5] Kaya hinggil naman sa [liping] Thamūd, ipinahamak sila sa pamamagitan ng labis-labis [na sigaw].

وَاَمَّا عَادٌ فَاُهْلِكُوْا بِرِيْحٍ صَرْصَرٍ عَاتِيَةٍۙ٦
Wa ammā ‘ādun fa'uhlikū birīḥin ṣarṣarin ‘ātiyah(tin).
[6] Hinggil naman sa [liping] `Ād, ipinahamak sila sa pamamagitan ng isang hanging malamig668 na nangangalit.
[668] O humahagunot.

سَخَّرَهَا عَلَيْهِمْ سَبْعَ لَيَالٍ وَّثَمٰنِيَةَ اَيَّامٍۙ حُسُوْمًا فَتَرَى الْقَوْمَ فِيْهَا صَرْعٰىۙ كَاَنَّهُمْ اَعْجَازُ نَخْلٍ خَاوِيَةٍۚ٧
Sakhkharahā ‘alaihim sab‘a layāliw wa ṡamāniyata ayyām(in), ḥusūman fataral-qauma fīhā ṣar‘ā, ka'annahum a‘jāzu nakhlin khāwiyah(tin).
[7] Nagpataw Siya nito sa kanila ng pitong gabi at walong araw na magkakasunod, kaya makakikita ka sa mga tao roon na mga nakabuwal na para bang sila ay mga tuod ng punong datiles na hungkag.

فَهَلْ تَرٰى لَهُمْ مِّنْۢ بَاقِيَةٍ٨
Fahal tarā lahum mim bāqiyah(tin).
[8] Kaya nakakikita ka ba para sa kanila ng anumang natitira?

وَجَاۤءَ فِرْعَوْنُ وَمَنْ قَبْلَهٗ وَالْمُؤْتَفِكٰتُ بِالْخَاطِئَةِۚ٩
Wa jā'a fir‘aunu wa man qablahū wal-mu'tafikātu bil-khāṭi'ah(ti).
[9] Naghatid si Paraon, ang bago niya, at ang mga [naninirahan sa mga bayang] pinagtauban ng kasalanan

فَعَصَوْا رَسُوْلَ رَبِّهِمْ فَاَخَذَهُمْ اَخْذَةً رَّابِيَةً١٠
Fa ‘aṣau rasūla rabbihim fa akhażahum akhżatar rābiyah(tan).
[10] sapagkat sumuway sila sa sugo ng Panginoon nila, kaya dumaklot Siya sa kanila sa isang pagdaklot na lumulubha.

اِنَّا لَمَّا طَغَا الْمَاۤءُ حَمَلْنٰكُمْ فِى الْجَارِيَةِۙ١١
Innā lammā ṭagal-mā'u ḥamalnākum fil-jāriyah(ti).
[11] Tunay na Kami, noong umapaw ang tubig, ay nagdala sa inyo sa nagpapatianod669
[669] na niyar ni Noe

لِنَجْعَلَهَا لَكُمْ تَذْكِرَةً وَّتَعِيَهَآ اُذُنٌ وَّاعِيَةٌ١٢
Linaj‘alahā lakum tażkirataw wa ta‘iyahā użunuw wā‘iyah(tun).
[12] upang gumawa Kami nito para sa inyo bilang pagpapaalaala at magkamalay rito ang isang taingang nagkakamalay.

فَاِذَا نُفِخَ فِى الصُّوْرِ نَفْخَةٌ وَّاحِدَةٌ ۙ١٣
Fa iżā nufikha fiṣ-ṣūri nafkhatuw wāḥidah(tun).
[13] Kaya kapag umihip sa tambuli nang nag-iisang pag-ihip,

وَّحُمِلَتِ الْاَرْضُ وَالْجِبَالُ فَدُكَّتَا دَكَّةً وَّاحِدَةًۙ١٤
Wa ḥumilatil-arḍu wal-jibālu fa dukkatā dakkataw wāḥidah(tan).
[14] at dinala ang lupa at ang mga bundok, saka dinurog ang mga ito nang nag-iisang pagdurog,

فَيَوْمَىِٕذٍ وَّقَعَتِ الْوَاقِعَةُۙ١٥
Fayauma'iżiw waqa‘atil-wāqi‘ah(tu).
[15] sa araw na iyon ay magaganap ang Magaganap.

وَانْشَقَّتِ السَّمَاۤءُ فَهِيَ يَوْمَىِٕذٍ وَّاهِيَةٌۙ١٦
Wansyaqqatis-samā'u fahiya yauma'iżiw wāhiyah(tun).
[16] Mabibiyak ang langit sapagkat ito sa araw na iyon ay marupok.

وَّالْمَلَكُ عَلٰٓى اَرْجَاۤىِٕهَاۗ وَيَحْمِلُ عَرْشَ رَبِّكَ فَوْقَهُمْ يَوْمَىِٕذٍ ثَمٰنِيَةٌ ۗ١٧
Wal-malaku ‘alā arjā'ihā, wa yaḥmilu ‘arsya rabbika fauqahum yauma'iżin ṡamāniyah(tun).
[17] Ang mga anghel ay nasa mga gilid nito. May magpapasan, sa Trono ng Panginoon mo sa ibabaw nila sa araw na iyon, na walong [anghel].

يَوْمَىِٕذٍ تُعْرَضُوْنَ لَا تَخْفٰى مِنْكُمْ خَافِيَةٌ١٨
Yauma'iżin tu‘raḍūna lā takhfā minkum khāfiyah(tun).
[18] Sa Araw na iyon ay itatanghal kayo [para tuusin]; walang nakakukubli mula sa inyo na isang tagakubli.

فَاَمَّا مَنْ اُوْتِيَ كِتٰبَهٗ بِيَمِيْنِهٖ فَيَقُوْلُ هَاۤؤُمُ اقْرَءُوْا كِتٰبِيَهْۚ١٩
Fa ammā man ūtiya kitābahū biyamīnihī fa yaqūlu hā'umuqra'ū kitābiyah.
[19] Kaya hinggil naman sa bibigyan ng talaan [ng mga gawa] niya sa kanang kamay niya, magsasabi siya: “Kunin ninyo; basahin ninyo ang talaan ko.

اِنِّيْ ظَنَنْتُ اَنِّيْ مُلٰقٍ حِسَابِيَهْۚ٢٠
Innī ẓanantu annī mulāqin ḥisābiyah.
[20] Tunay na ako ay nakatiyak na ako ay makikipagkita sa pagtutuos sa akin.”

فَهُوَ فِيْ عِيْشَةٍ رَّاضِيَةٍۚ٢١
Fa huwa fī ‘īsyatir rāḍiyah(tin).
[21] Kaya siya ay nasa isang pamumuhay na nalulugod,

فِيْ جَنَّةٍ عَالِيَةٍۙ٢٢
Fī jannatin ‘āliyah(tin).
[22] sa isang harding mataas,

قُطُوْفُهَا دَانِيَةٌ٢٣
Quṭūfuhā dāniyah(tun).
[23] na ang mga napipitas doon ay naaabot.

كُلُوْا وَاشْرَبُوْا هَنِيْۤـًٔا ۢبِمَآ اَسْلَفْتُمْ فِى الْاَيَّامِ الْخَالِيَةِ٢٤
Kulū wasyrabū hanī'am bimā aslaftum fil-ayyāmil-khāliyah(ti).
[24] [Sasabihan sa kanila]: “Kumain kayo at uminom kayo nang kaiga-igaya dahil sa inuna ninyo sa mga araw na nagdaan.”

وَاَمَّا مَنْ اُوْتِيَ كِتٰبَهٗ بِشِمَالِهٖ ەۙ فَيَقُوْلُ يٰلَيْتَنِيْ لَمْ اُوْتَ كِتٰبِيَهْۚ٢٥
Wa ammā man ūtiya kitābahū bisyimālih(ī), fa yaqūlu yā laitanī lam ūta kitābiyah.
[25] Hinggil naman sa bibigyan ng talaan niya sa kaliwang kamay niya, magsasabi siya: “O kung sana ako ay hindi binigyan ng talaan ko

وَلَمْ اَدْرِ مَا حِسَابِيَهْۚ٢٦
Wa lam adri mā ḥisābiyah.
[26] at hindi nakabatid sa kung ano ang pagtutuos sa akin!

يٰلَيْتَهَا كَانَتِ الْقَاضِيَةَۚ٢٧
Yā laitahā kānatil-qāḍiyah(ta).
[27] O kung sana [ang kamatayang] ito ay naging ang tagapagpawakas!

مَآ اَغْنٰى عَنِّيْ مَالِيَهْۚ٢٨
Mā agnā ‘annī māliyah.
[28] Hindi nakapagpakinabang para sa akin ang yaman ko.

هَلَكَ عَنِّيْ سُلْطٰنِيَهْۚ٢٩
Halaka ‘annī sulṭāniyah.
[29] Napahamak sa akin ang kapamahalaan ko.”

خُذُوْهُ فَغُلُّوْهُۙ٣٠
Khużūhu fagullūh(u).
[30] [Sasabihin]: “Kunin ninyo siya at ikulyar ninyo siya.

ثُمَّ الْجَحِيْمَ صَلُّوْهُۙ٣١
Ṡummal-jaḥīma ṣallūh(u).
[31] Pagkatapos sa Impiyerno ay sumunog kayo sa kanya.

ثُمَّ فِيْ سِلْسِلَةٍ ذَرْعُهَا سَبْعُوْنَ ذِرَاعًا فَاسْلُكُوْهُۗ٣٢
Ṡumma fī silsilatin żar‘uhā sab‘ūna żirā‘an faslukūh(u).
[32] Pagkatapos sa isang tanikalang ang haba nito ay pitumpung bisig ay isuot ninyo siya.”

اِنَّهٗ كَانَ لَا يُؤْمِنُ بِاللّٰهِ الْعَظِيْمِۙ٣٣
Innahū kāna lā yu'minu billāhil-‘aẓīm(i).
[33] Tunay na siya dati ay hindi sumasampalataya kay Allāh, ang Sukdulan.

وَلَا يَحُضُّ عَلٰى طَعَامِ الْمِسْكِيْنِۗ٣٤
Wa lā yaḥuḍḍu ‘alā ṭa‘āmil-miskīn(i).
[34] at hindi humihimok sa pagpapakain sa dukha.

فَلَيْسَ لَهُ الْيَوْمَ هٰهُنَا حَمِيْمٌۙ٣٥
Fa laisa lahul-yauma hāhunā ḥamīm(un).
[35] Kaya walang ukol sa kanya sa Araw na ito rito na isang tagapagtanggol,

وَّلَا طَعَامٌ اِلَّا مِنْ غِسْلِيْنٍۙ٣٦
Wa lā ṭa‘āmun illā min gislīn(in).
[36] at walang pagkain kundi mula sa isang tagas ng sugat.

لَّا يَأْكُلُهٗٓ اِلَّا الْخٰطِـُٔوْنَ ࣖ٣٧
Lā ya'kuluhū illal-khāṭi'ūn(a).
[37] Walang kakain niyon kundi ang mga nagkakasala.

فَلَآ اُقْسِمُ بِمَا تُبْصِرُوْنَۙ٣٨
Falā uqsimu bimā tubṣirūn(a).
[38] Kaya talagang Ako ay sumusumpa sa anumang nakikita ninyo

وَمَا لَا تُبْصِرُوْنَۙ٣٩
Wa mā lā tubṣirūn(a).
[39] at anumang hindi ninyo nakikita.

اِنَّهٗ لَقَوْلُ رَسُوْلٍ كَرِيْمٍۙ٤٠
Innahū laqaulu rasūlin karīm(in).
[40] Tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang sinabi [ni Allāh] sa isang Sugong marangal.

وَّمَا هُوَ بِقَوْلِ شَاعِرٍۗ قَلِيْلًا مَّا تُؤْمِنُوْنَۙ٤١
Wa mā huwa biqauli syā‘ir(in), qalīlam mā tu'minūn(a).
[41] Ito ay hindi sinabi ng isang manunula. Kaunti ang sinasampalatayanan ninyo!

وَلَا بِقَوْلِ كَاهِنٍۗ قَلِيْلًا مَّا تَذَكَّرُوْنَۗ٤٢
Wa lā biqauli kāhin(in), qalīlam mā tażakkarūn(a).
[42] Hindi [ito] sinabi ng isang manghuhula. Kaunti ang isinasaalaala ninyo!

تَنْزِيْلٌ مِّنْ رَّبِّ الْعٰلَمِيْنَ٤٣
Tanzīlum mir rabbil-‘ālamīn(a).
[43] Isang pagbababa [ito] mula sa Panginoon ng mga nilalang.

وَلَوْ تَقَوَّلَ عَلَيْنَا بَعْضَ الْاَقَاوِيْلِۙ٤٤
Wa lau taqawwala ‘alainā ba‘ḍal-aqāwīl(i).
[44] Kung sakaling nagsabi-sabi siya670 laban sa Amin ng ilang mga sabi-sabi,
[670] Ibig sabihin: si Propeta Muhammad.

لَاَخَذْنَا مِنْهُ بِالْيَمِيْنِۙ٤٥
La'akhażnā minhu bil-yamīn(i).
[45] talaga sanang dumaklot Kami sa kanya sa pamamagitan ng kanang kamay,

ثُمَّ لَقَطَعْنَا مِنْهُ الْوَتِيْنَۖ٤٦
Ṡumma laqaṭa‘nā minhul-watīn(a).
[46] pagkatapos talaga sanang pumutol Kami mula sa kanya ng ugat sa puso,

فَمَا مِنْكُمْ مِّنْ اَحَدٍ عَنْهُ حٰجِزِيْنَۙ٤٧
Famā minkum min aḥadin ‘anhu ḥājizīn(a).
[47] saka walang kabilang sa inyo na isa man, na para sa kanya ay mga makahahadlang [sa Amin].

وَاِنَّهٗ لَتَذْكِرَةٌ لِّلْمُتَّقِيْنَ٤٨
Wa innahū latażkiratul lil-muttaqīn(a).
[48] Tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang isang pagpapaalaala para sa mga tagapangilag magkasala.

وَاِنَّا لَنَعْلَمُ اَنَّ مِنْكُمْ مُّكَذِّبِيْنَۗ٤٩
Wa innā lana‘lamu anna minkum mukażżibīn(a).
[49] Tunay na Kami ay talagang nakaaalam na mayroon sa inyo na mga tagapagpasinungaling.

وَاِنَّهٗ لَحَسْرَةٌ عَلَى الْكٰفِرِيْنَۚ٥٠
Wa innahū laḥasratun ‘alal-kāfirīn(a).
[50] Tunay na ito ay talagang isang [dahilan ng] panghihinayang sa mga tagatangging sumampalataya.

وَاِنَّهٗ لَحَقُّ الْيَقِيْنِ٥١
Wa innahū laḥaqqul-yaqīn(i).
[51] Tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang ang katotohanan ng katiyakan.

فَسَبِّحْ بِاسْمِ رَبِّكَ الْعَظِيْمِ ࣖ٥٢
Fa sabbiḥ bismi rabbikal-‘aẓīm(i).
[52] Kaya magluwalhati ka sa ngalan ng Panginoon mo, ang Sukdulan.