Surah At-Tahrim
بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
يٰٓاَيُّهَا النَّبِيُّ لِمَ تُحَرِّمُ مَآ اَحَلَّ اللّٰهُ لَكَۚ تَبْتَغِيْ مَرْضَاتَ اَزْوَاجِكَۗ وَاللّٰهُ غَفُوْرٌ رَّحِيْمٌ١
Yā ayyuhan-nabiyyu lima tuḥarrimu mā aḥallallāhu lak(a), tabtagī marḍāta azwājik(a), wallāhu gafūrur raḥīm(un).
[1]
O Propeta, bakit ka nagbabawal [sa sarili mo] ng ipinahintulot ni Allāh para sa iyo, na naghahangad ng kaluguran ng mga maybahay mo? Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
قَدْ فَرَضَ اللّٰهُ لَكُمْ تَحِلَّةَ اَيْمَانِكُمْۚ وَاللّٰهُ مَوْلٰىكُمْۚ وَهُوَ الْعَلِيْمُ الْحَكِيْمُ٢
Qad faraḍallāhu lakum taḥillata aimānikum, wallāhu maulākum, wa huwal-‘alīmul-ḥakīm(u).
[2]
Nagsatungkulin nga si Allāh para sa inyo ng pagkalas sa mga panunumpa ninyo. Si Allāh ay ang Pinagpapatangkilikan ninyo at Siya ay ang Maalam, ang Marunong.
وَاِذْ اَسَرَّ النَّبِيُّ اِلٰى بَعْضِ اَزْوَاجِهٖ حَدِيْثًاۚ فَلَمَّا نَبَّاَتْ بِهٖ وَاَظْهَرَهُ اللّٰهُ عَلَيْهِ عَرَّفَ بَعْضَهٗ وَاَعْرَضَ عَنْۢ بَعْضٍۚ فَلَمَّا نَبَّاَهَا بِهٖ قَالَتْ مَنْ اَنْۢبَاَكَ هٰذَاۗ قَالَ نَبَّاَنِيَ الْعَلِيْمُ الْخَبِيْرُ٣
Wa iż asarran-nabiyyu ilā ba‘ḍi azwājihī ḥadīṡā(n), falammā nabba'at bihī wa aẓharahullāhu ‘alaihi ‘arrafa ba‘ḍahū wa a‘raḍa ‘am baḍ(in), falammā nabba'ahā bihī qālat man amba'aka hāżā, qāla nabba'aniyal-‘alīmul-khabīr(u).
[3]
[Banggitin] noong nagtapat ang Propeta sa isa sa mga maybahay niya [na si Ḥafṣah] ng isang napag-usapan, saka noong nagsabalita ito hinggil doon [kay`Ā’ishah] at naglantad naman niyon si Allāh sa kanya, nagbigay-alam siya ng isang bahagi nito at nagwalang-bahala siya sa ibang bahagi. Kaya noong nagsabalita siya rito hinggil doon ay nagsabi ito: “Sino ang nagbalita sa iyo nito?” Nagsabi siya: “Nagsabalita sa akin [si Allāh,] ang Maalam, ang Mapagbatid.”
اِنْ تَتُوْبَآ اِلَى اللّٰهِ فَقَدْ صَغَتْ قُلُوْبُكُمَاۚ وَاِنْ تَظٰهَرَا عَلَيْهِ فَاِنَّ اللّٰهَ هُوَ مَوْلٰىهُ وَجِبْرِيْلُ وَصَالِحُ الْمُؤْمِنِيْنَۚ وَالْمَلٰۤىِٕكَةُ بَعْدَ ذٰلِكَ ظَهِيْرٌ٤
In tatūbā ilallāhi faqad ṣagat qulūbukumā, wa in taẓāharā ‘alaihi fa innallāha huwa maulāhu wa jibrīlu wa ṣāliḥul-mu'minīn(a), wal-malā'ikatu ba‘da żālika ẓahīr(un).
[4]
[Tatanggapin] kung magbabalik-loob kayong dalawa647 kay Allāh sapagkat kumiling nga ang mga puso ninyong dalawa.648 Kung magtataguyuran kayong dalawa laban sa kanya,649 tunay na si Allāh ay Mapagtangkilik sa kanya at si Gabriel at ang maayos sa mga mananampalataya. Ang mga anghel, matapos niyon, ay mapagtaguyod [sa Kanya].
[647] Hafsah at `‘ishah
[648] sa kinasuklaman ng Sugo
[649] sa kinasusuklaman Niya.
عَسٰى رَبُّهٗٓ اِنْ طَلَّقَكُنَّ اَنْ يُّبْدِلَهٗٓ اَزْوَاجًا خَيْرًا مِّنْكُنَّ مُسْلِمٰتٍ مُّؤْمِنٰتٍ قٰنِتٰتٍ تٰۤىِٕبٰتٍ عٰبِدٰتٍ سٰۤىِٕحٰتٍ ثَيِّبٰتٍ وَّاَبْكَارًا٥
‘Asā rabbuhū in ṭallaqakunna ay yubdilahū azwājan khairam minkunna muslimātim mu'minātin qānitātin tā'ibātin ‘ābidātin sā'iḥātin ṡayyibātiw wa abkārā(n).
[5]
Marahil ang Panginoon niya, kung nagdiborsiyo siya sa inyo, ay magpapalit sa kanya ng mga maybahay na higit na mabuti kaysa sa inyo – mga babaing tagapagpasakop, mga babaing mananampalataya, mga babaing masunurin, mga babaing tagapagbalik-loob, mga babaing mananamba, mga babaing tagaayuno, na mga dating nakapag-asawa at mga birhen.
يٰٓاَيُّهَا الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا قُوْٓا اَنْفُسَكُمْ وَاَهْلِيْكُمْ نَارًا وَّقُوْدُهَا النَّاسُ وَالْحِجَارَةُ عَلَيْهَا مَلٰۤىِٕكَةٌ غِلَاظٌ شِدَادٌ لَّا يَعْصُوْنَ اللّٰهَ مَآ اَمَرَهُمْ وَيَفْعَلُوْنَ مَا يُؤْمَرُوْنَ٦
Yā ayyuhal-lażīna āmanū qū anfusakum wa ahlīkum nāraw waqūduhan-nāsu wal-ḥijāratu ‘alaihā malā'ikatun gilāẓun syidādul lā ya‘ṣūnallāha mā amarahum wa yaf‘alūna mā yu'marūn(a).
[6]
O mga sumampalataya, magsanggalang kayo sa mga sarili ninyo at mga mag-anak ninyo sa isang apoy na ang panggatong nito ay ang mga tao at ang mga bato, na sa ibabaw nito ay may mga anghel na mababagsik na matitindi na hindi sumusuway kay Allāh sa anumang ipinag-utos Niya sa kanila at gumagawa sa anumang inuutos sa kanila.
يٰٓاَيُّهَا الَّذِيْنَ كَفَرُوْا لَا تَعْتَذِرُوا الْيَوْمَۗ اِنَّمَا تُجْزَوْنَ مَا كُنْتُمْ تَعْمَلُوْنَ ࣖ٧
Yā ayyuhal-lażīna kafarū lā ta‘tażīrul-yaum(a), innamā tujzauna mā kuntum ta‘malūn(a).
[7]
O mga tumangging sumampalataya, huwag kayong magdahi-dahilan sa Araw [na ito]; gagantihan lamang kayo sa dati ninyong ginagawa [na kasamaan].
يٰٓاَيُّهَا الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا تُوْبُوْٓا اِلَى اللّٰهِ تَوْبَةً نَّصُوْحًاۗ عَسٰى رَبُّكُمْ اَنْ يُّكَفِّرَ عَنْكُمْ سَيِّاٰتِكُمْ وَيُدْخِلَكُمْ جَنّٰتٍ تَجْرِيْ مِنْ تَحْتِهَا الْاَنْهٰرُۙ يَوْمَ لَا يُخْزِى اللّٰهُ النَّبِيَّ وَالَّذِيْنَ اٰمَنُوْا مَعَهٗۚ نُوْرُهُمْ يَسْعٰى بَيْنَ اَيْدِيْهِمْ وَبِاَيْمَانِهِمْ يَقُوْلُوْنَ رَبَّنَآ اَتْمِمْ لَنَا نُوْرَنَا وَاغْفِرْ لَنَاۚ اِنَّكَ عَلٰى كُلِّ شَيْءٍ قَدِيْرٌ٨
Yā ayyuhal-lażīna āmanū tūbū ilallāhi taubatan naṣūḥā(n), ‘asā rabbukum ay yukaffira ‘ankum sayyi'ātikum wa yudkhilakum jannātin tajrī min taḥtihal-anhār(u), yauma lā yukhzillāhun-nabiyya wal-lażīna āmanū ma‘ah(ū), nūruhum yas‘ā baina aidīhim wa bi'aimānihim yaqūlūna rabbanā atmim lanā nūranā wagfir lanā, innaka ‘alā kulli syai'in qadīr(un).
[8]
O mga sumampalataya, magbalik-loob kayo kay Allāh sa isang pagbabalik-loob na tunay. Marahil ang Panginoon ninyo ay magtatakip para sa inyo sa mga masagwang gawa ninyo at magpapasok sa inyo sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog, sa Araw na hindi magpapahiya si Allāh sa Propeta at mga sumampalataya kasama sa kanya. Ang liwanag nila ay sisinag sa harapan nila at sa mga kanang kamay nila, habang nagsasabi: “Panginoon namin, lumubos Ka para sa amin ng liwanag650 namin at magpatawad Ka sa amin; tunay na Ikaw sa bawat bagay ay May-kakayahan.”
[650] upang ligtas na makatawid sa tulay sa ibabaw ng Impiyerno.
يٰٓاَيُّهَا النَّبِيُّ جَاهِدِ الْكُفَّارَ وَالْمُنٰفِقِيْنَ وَاغْلُظْ عَلَيْهِمْۗ وَمَأْوٰىهُمْ جَهَنَّمُۗ وَبِئْسَ الْمَصِيْرُ٩
Yā ayyuhan-nabiyyu jāhidil-kuffāra wal-munāfiqīna wagluẓ ‘alaihim, wa ma'wāhum jahannam(u), wa bi'sal-maṣīr(u).
[9]
O Propeta [Muḥammad], makibaka ka sa mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw651 at magpakabagsik ka sa kanila [sa digmaan]. Ang kanlungan nila ay ang Impiyerno. Kay saklap ang kahahantungan!
[651] sa pamamagitan ng pagpapatupad ng batas ng katarungan sa kanila.
ضَرَبَ اللّٰهُ مَثَلًا لِّلَّذِيْنَ كَفَرُوا امْرَاَتَ نُوْحٍ وَّامْرَاَتَ لُوْطٍۗ كَانَتَا تَحْتَ عَبْدَيْنِ مِنْ عِبَادِنَا صَالِحَيْنِ فَخَانَتٰهُمَا فَلَمْ يُغْنِيَا عَنْهُمَا مِنَ اللّٰهِ شَيْـًٔا وَّقِيْلَ ادْخُلَا النَّارَ مَعَ الدّٰخِلِيْنَ١٠
Ḍaraballāhu maṡalal lil-lażīna kafarumra'ata nūḥiw wamra'ata lūṭ(in), kānatā taḥta ‘abdaini min ‘ibādinā ṣāliḥaini fa khānatāhumā falam yugniyā ‘anhumā minallāhi syai'aw wa qīladkhulan-nāra ma‘ad-dākhilīn(a).
[10]
Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad, para sa mga tumangging sumampalataya, sa maybahay ni Noe at maybahay ni Lot. Silang dalawa noon ay nasa ilalim ng dalawang lingkod kabilang sa mga lingkod Naming maaayos ngunit nagtaksil652 silang dalawa sa dalawang ito kaya hindi nakapagdulot ang dalawang ito para sa kanilang dalawa mula kay Allāh ng anuman. Sasabihin: “Pumasok kayong dalawa sa Apoy kasama ng mga papasok.”
[652] sa pamamagitan ng pagsalungat sa mensahe na ipinadala sa mga asawa nila.
وَضَرَبَ اللّٰهُ مَثَلًا لِّلَّذِيْنَ اٰمَنُوا امْرَاَتَ فِرْعَوْنَۘ اِذْ قَالَتْ رَبِّ ابْنِ لِيْ عِنْدَكَ بَيْتًا فِى الْجَنَّةِ وَنَجِّنِيْ مِنْ فِرْعَوْنَ وَعَمَلِهٖ وَنَجِّنِيْ مِنَ الْقَوْمِ الظّٰلِمِيْنَۙ١١
Wa ḍaraballāhu maṡalal lil-lażīna āmanumra'ata fir‘aun(a), iż qālat rabbibni lī ‘indaka baitan fil jannati wa najjinī min fir‘auna wa ‘amalihī wa najjinī minal qaumiẓ-ẓālimīn(a).
[11]
Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad, para sa mga sumampalataya, sa maybahay653 ni Paraon noong nagsabi siya: “Panginoon ko, magpatayo Ka para sa akin sa piling Mo ng isang bahay sa Paraiso, magligtas Ka sa akin laban kay Paraon at sa [karumal-dumal na] gawain niya, at magligtas Ka sa akin laban sa mga taong tagalabag sa katarungan.”
[653] Si `Āsiyah sa wikang Arabe o Bithiah sa wikang Hebreo.
وَمَرْيَمَ ابْنَتَ عِمْرٰنَ الَّتِيْٓ اَحْصَنَتْ فَرْجَهَا فَنَفَخْنَا فِيْهِ مِنْ رُّوْحِنَا وَصَدَّقَتْ بِكَلِمٰتِ رَبِّهَا وَكُتُبِهٖ وَكَانَتْ مِنَ الْقٰنِتِيْنَ ࣖ ۔١٢
Wa maryamabnata ‘imrānal-latī aḥṣanat farjahā fa nafakhnā fīhi mir rūḥinā wa ṣaddaqat bikalimāti rabbihā wa kutubihī wa kānat minal-qānitīn(a).
[12]
[Naglahad ng isang paghahalimbawa] kay Maria na anak ni `Imrān,654 na nangalaga sa puri niya, kaya umihip Kami doon [sa bulsa ng baro] sa pamamagitan ng Espiritu Namin [na si Anghel Gabriel]. Nagpatotoo siya sa mga salita ng Panginoon niya at mga kasulatan Nito at siya noon ay kabilang sa mga masunurin [sa Panginoon].
[654] Amram sa Hebreo