Surah At-Tagabun
بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
يُسَبِّحُ لِلّٰهِ مَا فِى السَّمٰوٰتِ وَمَا فِى الْاَرْضِۗ لَهُ الْمُلْكُ وَلَهُ الْحَمْدُۖ وَهُوَ عَلٰى كُلِّ شَيْءٍ قَدِيْرٌ١
Yusabbiḥu lillāhi mā fis-samāwāti wa mā fil-arḍ(i), lahul-mulku wa lahul-ḥamdu wa huwa ‘alā kulli syai'in qadīr(un).
[1]
Nagluluwalhati kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa; sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.
هُوَ الَّذِيْ خَلَقَكُمْ فَمِنْكُمْ كَافِرٌ وَّمِنْكُمْ مُّؤْمِنٌۗ وَاللّٰهُ بِمَا تَعْمَلُوْنَ بَصِيْرٌ٢
Huwal-lażī khalaqakum fa minkum kāfiruw wa minkum mu'min(un), wallāhu bimā ta‘malūna baṣīr(un).
[2]
Siya ay ang lumikha sa inyo, saka kabilang sa inyo ay tagatangging sumampalataya at kabilang sa inyo ay mananampalataya. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita.
خَلَقَ السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضَ بِالْحَقِّ وَصَوَّرَكُمْ فَاَحْسَنَ صُوَرَكُمْۚ وَاِلَيْهِ الْمَصِيْرُ٣
Khalaqas-samāwāti wal-arḍa bil-ḥaqqi wa ṣawwarakum fa'aḥsana ṣuwarakum, wa ilaihil-maṣīr(u).
[3]
Lumikha Siya ng mga langit at lupa ayon sa katotohanan, nagbigay-anyo Siya sa inyo saka nagpaganda Siya ng mga anyo ninyo; tungo sa Kanya ang kahahantungan.
يَعْلَمُ مَا فِى السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِ وَيَعْلَمُ مَا تُسِرُّوْنَ وَمَا تُعْلِنُوْنَۗ وَاللّٰهُ عَلِيْمٌ ۢبِذَاتِ الصُّدُوْرِ٤
Ya‘lamu mā fis-samāwāti wal-arḍi wa ya‘lamu mā tusirrūna wa mā tu‘linūn(a), wallāhu ‘alīmum biżātiṣ-ṣudūr(i).
[4]
Nakaaalam Siya sa anumang nasa mga langit at lupa at nakaaalam Siya sa anumang inililihim ninyo at anumang inihahayag ninyo. Si Allāh ay Maalam sa laman ng mga dibdib.
اَلَمْ يَأْتِكُمْ نَبَؤُا الَّذِيْنَ كَفَرُوْا مِنْ قَبْلُ ۖفَذَاقُوْا وَبَالَ اَمْرِهِمْ وَلَهُمْ عَذَابٌ اَلِيْمٌ٥
Alam ya'tikum naba'ul-lażīna kafarū min qabl(u), fa żāqū wabāla amrihim wa lahum ‘ażābun alīm(un).
[5]
Hindi ba sumapit sa inyo ang ulat hinggil sa mga tumangging sumampalataya bago pa niyan? Kaya lumasap sila ng kasaklapan ng nauukol sa kanila, at ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.
ذٰلِكَ بِاَنَّهٗ كَانَتْ تَّأْتِيْهِمْ رُسُلُهُمْ بِالْبَيِّنٰتِ فَقَالُوْٓا اَبَشَرٌ يَّهْدُوْنَنَاۖ فَكَفَرُوْا وَتَوَلَّوْا وَّاسْتَغْنَى اللّٰهُ ۗوَاللّٰهُ غَنِيٌّ حَمِيْدٌ٦
Żālika bi'annahū kānat ta'tīhim rusuluhum bil-bayyināti fa qālū abasyaruy yahdūnanā, fa kafarū wa tawallau wastagnallāh(u), wallāhu ganiyyun ḥamīd(un).
[6]
Iyon ay dahil noon ay nagdadala sa kanila ang mga sugo nila [mula kay Allāh] ng mga malinaw na patunay ngunit nagsabi sila: “Mga tao ba ang papatnubay sa amin?” Kaya tumanggi silang sumampalataya, tumalikod sila, at nagwalang-halaga si Allāh [sa pagtalima nila]. Si Allāh ay Walang-pangangailangan, Kapuri-puri.
زَعَمَ الَّذِيْنَ كَفَرُوْٓا اَنْ لَّنْ يُّبْعَثُوْاۗ قُلْ بَلٰى وَرَبِّيْ لَتُبْعَثُنَّ ثُمَّ لَتُنَبَّؤُنَّ بِمَا عَمِلْتُمْۗ وَذٰلِكَ عَلَى اللّٰهِ يَسِيْرٌ٧
Za‘amal-lażīna kafarū allay yub‘aṡū, qul balā wa rabbī latub‘aṡunna ṡumma latunabba'unna bimā ‘amiltum, wa żālika ‘alallāhi yasīr(un).
[7]
Nag-angkin ang mga tumangging sumampalataya na hindi raw sila bubuhayin. Sabihin mo: “Oo naman; sumpa man sa Panginoon ko, talagang bubuhayin nga kayo, pagkatapos talagang babalitaan nga kayo hinggil sa ginawa ninyo. Iyon kay Allāh ay madali.”
فَاٰمِنُوْا بِاللّٰهِ وَرَسُوْلِهٖ وَالنُّوْرِ الَّذِيْٓ اَنْزَلْنَاۗ وَاللّٰهُ بِمَا تَعْمَلُوْنَ خَبِيْرٌ٨
Fa āminū billāhi wa rasūlihī wan-nūril-lażī anzalnā, wallāhu bimā ta‘malūna khabīr(un).
[8]
Kaya sumampalataya kayo kay Allāh, sa Sugo Niya [na si Propeta Muḥammad], at sa liwanag [ng patnubay] na pinababa. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid.
يَوْمَ يَجْمَعُكُمْ لِيَوْمِ الْجَمْعِ ذٰلِكَ يَوْمُ التَّغَابُنِۗ وَمَنْ يُّؤْمِنْۢ بِاللّٰهِ وَيَعْمَلْ صَالِحًا يُّكَفِّرْ عَنْهُ سَيِّاٰتِهٖ وَيُدْخِلْهُ جَنّٰتٍ تَجْرِيْ مِنْ تَحْتِهَا الْاَنْهٰرُ خٰلِدِيْنَ فِيْهَآ اَبَدًاۗ ذٰلِكَ الْفَوْزُ الْعَظِيْمُ٩
Yauma yajma‘ukum liyaumil-jam‘i żālika yaumut-tagābun(i), wa may yu'mim billāhi wa ya‘mal ṣāliḥay yukaffir ‘anhu sayyi'ātihī wa yudkhilhu jannātin tajrī min taḥtihal-anhāru khālidīna fīhā abadā(n), żālikal-fauzul-‘aẓīm(u).
[9]
Sa Araw na magtitipon Siya sa inyo para sa Araw ng pagtitipon. Iyon ay ang araw ng lamangan. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at gumagawa ng matuwid ay magtatakip Siya rito sa mga masagwang gawa nito at magpapapasok Siya rito sa mga Hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito magpakailanman. Iyon ang pagkatamong sukdulan.
وَالَّذِيْنَ كَفَرُوْا وَكَذَّبُوْا بِاٰيٰتِنَآ اُولٰۤىِٕكَ اَصْحٰبُ النَّارِ خٰلِدِيْنَ فِيْهَاۗ وَبِئْسَ الْمَصِيْرُ ࣖ١٠
Wal-lażīna kafarū wa każżabū bi'āyātinā ulā'ika aṣḥābun-nāri khālidīna fīhā, wa bi'sal-maṣīr(u).
[10]
Ang mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa mga talata Namin [sa Qur’ān], ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy [ng Impiyerno] bilang mga mananatili roon. Kay saklap ang kahahantungan!
مَآ اَصَابَ مِنْ مُّصِيْبَةٍ اِلَّا بِاِذْنِ اللّٰهِ ۗوَمَنْ يُّؤْمِنْۢ بِاللّٰهِ يَهْدِ قَلْبَهٗ ۗوَاللّٰهُ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيْمٌ١١
Mā aṣāba mim muṣībatin illā bi'iżnillāh(i), wa may yu'mim billāhi yahdi qalbah(ū), wallāhu bikulli syai'in ‘alīm(un).
[11]
Walang tumama na anumang kasawian [sa sinuman] malibang ayon sa pahintulot ni Allāh. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh ay magpapatnubay Siya sa puso nito. Si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.
وَاَطِيْعُوا اللّٰهَ وَاَطِيْعُوا الرَّسُوْلَۚ فَاِنْ تَوَلَّيْتُمْ فَاِنَّمَا عَلٰى رَسُوْلِنَا الْبَلٰغُ الْمُبِيْنُ١٢
Wa aṭī‘ullāha wa aṭī‘ur-rasūl(a), fa'in tawallaitum fa innamā ‘alā rasūlinal-balāgul-mubīn(u).
[12]
Tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo [na si Propeta Muḥammad]. Kaya kung tumalikod kayo, tanging kailangan sa Sugo Namin ang pagpapaabot na malinaw [ng mensahe].
اَللّٰهُ لَآ اِلٰهَ اِلَّا هُوَۗ وَعَلَى اللّٰهِ فَلْيَتَوَكَّلِ الْمُؤْمِنُوْنَ١٣
Allāhu lā ilāha illā huw(a), wa ‘alallāhi falyatawakkalil-mu'minūn(a).
[13]
Si Allāh, walang Diyos [na karapat-dapat] kundi Siya. Kay Allāh ay manalig ang mga mananampalataya.
يٰٓاَيُّهَا الَّذِيْنَ اٰمَنُوْٓا اِنَّ مِنْ اَزْوَاجِكُمْ وَاَوْلَادِكُمْ عَدُوًّا لَّكُمْ فَاحْذَرُوْهُمْۚ وَاِنْ تَعْفُوْا وَتَصْفَحُوْا وَتَغْفِرُوْا فَاِنَّ اللّٰهَ غَفُوْرٌ رَّحِيْمٌ١٤
Yā ayyuhal-lażīna āmanū inna min azwājikum wa aulādikum ‘aduwwal lakum faḥżarūhum, wa in ta‘fū wa taṣfaḥū wa tagfirū fa innallāha gafūrur raḥīm(un).
[14]
O mga sumampalataya, tunay na mayroon sa mga maybahay ninyo at mga anak ninyo na kaaway para sa inyo639 kaya mag-ingat kayo sa kanila. Kung magpapaumanhin kayo, magpapalampas kayo,640 at magpapatawad kayo, tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
[639] dahil sa pag-abala nila sa inyo sa pag-alaala kay Allāh at pakikibaka sa landas Niya
[640] ng mga kamalian nila sa inyo at sa mga usaping pangmundo.
اِنَّمَآ اَمْوَالُكُمْ وَاَوْلَادُكُمْ فِتْنَةٌ ۗوَاللّٰهُ عِنْدَهٗٓ اَجْرٌ عَظِيْمٌ١٥
Innamā amwālukum wa aulādukum fitnah(tun), wallāhu ‘indahū ajrun ‘aẓīm(un).
[15]
Ang mga yaman ninyo at ang mga anak ninyo ay isang tukso lamang samantalang si Allāh sa ganang Kanya ay may isang pabuyang sukdulan.
فَاتَّقُوا اللّٰهَ مَا اسْتَطَعْتُمْ وَاسْمَعُوْا وَاَطِيْعُوْا وَاَنْفِقُوْا خَيْرًا لِّاَنْفُسِكُمْۗ وَمَنْ يُّوْقَ شُحَّ نَفْسِهٖ فَاُولٰۤىِٕكَ هُمُ الْمُفْلِحُوْنَ١٦
Fattaqullāha mastaṭa‘tum wasma‘ū wa aṭī‘ū wa anfiqū khairal li'anfusikum, wa may yūqa syuḥḥa nafsihī fa ulā'ika humul-mufliḥūn(a).
[16]
Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh sa abot ng makakaya ninyo, makinig kayo, tumalima kayo, at gumugol kayo [sa landas ni Allāh] ng isang kabutihan para sa mga sarili ninyo. Ang sinumang ipinagsanggalang sa kasakiman ng sarili niya, ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay.
اِنْ تُقْرِضُوا اللّٰهَ قَرْضًا حَسَنًا يُّضٰعِفْهُ لَكُمْ وَيَغْفِرْ لَكُمْۗ وَاللّٰهُ شَكُوْرٌ حَلِيْمٌۙ١٧
In tuqriḍullāha qarḍan ḥasanay yuḍā‘ifhu lakum wa yagfir lakum, wallāhu syakūrun ḥalīm(un).
[17]
Kung magpapautang kayo kay Allāh ng isang pagpapautang na maganda641 ay magpapaibayo Siya nito para sa inyo at magpapatatawad Siya sa inyo. Si Allāh ay Mapagpasalamat, Matimpiin,
[641] Ibig sabihin: magkalob kaya mula sa mga yaman ninyo alang-alang sa Kanya.
عٰلِمُ الْغَيْبِ وَالشَّهَادَةِ الْعَزِيْزُ الْحَكِيْمُ ࣖ١٨
‘Ālimul-gaibi wasy-syahādatil-‘azīzul-ḥakīm(u).
[18]
ang Tagaalam sa nakalingid at nasasaksihan, ang Makapangyarihan, ang Marunong.