Surah As-Saff
بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
سَبَّحَ لِلّٰهِ مَا فِى السَّمٰوٰتِ وَمَا فِى الْاَرْضِۚ وَهُوَ الْعَزِيْزُ الْحَكِيْمُ١
Sabbaḥa lillāhi mā fis-samāwāti wa mā fil-arḍ(i), wa huwal-‘azīzul-ḥakīm(u).
[1]
Nagluwalhati kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.
يٰٓاَيُّهَا الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا لِمَ تَقُوْلُوْنَ مَا لَا تَفْعَلُوْنَ٢
Yā ayyuhal-lażīna āmanū lima taqūlūna mā lā taf‘alūn(a).
[2]
O mga sumampalataya, bakit kayo nagsasabi ng hindi ninyo ginagawa?
كَبُرَ مَقْتًا عِنْدَ اللّٰهِ اَنْ تَقُوْلُوْا مَا لَا تَفْعَلُوْنَ٣
Kabura maqtan ‘indallāhi an taqūlū mā lā taf‘alūn(a).
[3]
Lumaki sa pagkamuhi sa ganang kay Allāh na magsabi kayo ng hindi ninyo ginagawa.
اِنَّ اللّٰهَ يُحِبُّ الَّذِيْنَ يُقَاتِلُوْنَ فِيْ سَبِيْلِهٖ صَفًّا كَاَنَّهُمْ بُنْيَانٌ مَّرْصُوْصٌ٤
Innallāha yuḥibbul-lażīna yuqātilūna fī sabīlihī ṣaffan ka'annahum bun-yānum marṣūṣ(un).
[4]
Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nakikipaglaban sa landas Niya sa isang hanay na para bang sila ay isang gusaling pinasiksik.
وَاِذْ قَالَ مُوْسٰى لِقَوْمِهٖ يٰقَوْمِ لِمَ تُؤْذُوْنَنِيْ وَقَدْ تَّعْلَمُوْنَ اَنِّيْ رَسُوْلُ اللّٰهِ اِلَيْكُمْۗ فَلَمَّا زَاغُوْٓا اَزَاغَ اللّٰهُ قُلُوْبَهُمْۗ وَاللّٰهُ لَا يَهْدِى الْقَوْمَ الْفٰسِقِيْنَ٥
Wa iż qāla mūsā liqaumihī yā qaumi lima tu'żūnanī wa qad ta‘lamūna annī rasūlullāhi ilaikum, falammā zāgū azāgallāhu qulūbahum, wallāhu lā yahdil-qaumal-fāsiqīn(a).
[5]
[Banggitin] noong nagsabi si Moises sa mga kalipi niya: “O mga kalipi ko, bakit kayo nananakit sa akin samantalang nalalaman na ninyo na ako ay Sugo ni Allāh sa inyo?” Kaya noong lumiko sila ay nagpaliko si Allāh sa mga puso nila. Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong suwail.
وَاِذْ قَالَ عِيْسَى ابْنُ مَرْيَمَ يٰبَنِيْٓ اِسْرَاۤءِيْلَ اِنِّيْ رَسُوْلُ اللّٰهِ اِلَيْكُمْ مُّصَدِّقًا لِّمَا بَيْنَ يَدَيَّ مِنَ التَّوْرٰىةِ وَمُبَشِّرًاۢ بِرَسُوْلٍ يَّأْتِيْ مِنْۢ بَعْدِى اسْمُهٗٓ اَحْمَدُۗ فَلَمَّا جَاۤءَهُمْ بِالْبَيِّنٰتِ قَالُوْا هٰذَا سِحْرٌ مُّبِيْنٌ٦
Wa iż qāla ‘īsabnu maryama yā banī isrā'īla innī rasūlullāhi ilaikum muṣaddiqal limā baina yadayya minat-taurāti wa mubasysyiram birasūliy ya'tī mim ba‘dismuhū aḥmad(u), falammā jā'ahum bil-bayyināti qālū hāżā siḥrum mubīn(un).
[6]
[Banggitin] noong nagsabi si Jesus na anak ni Maria: “O mga anak ni Israel, tunay na ako ay sugo ni Allāh sa inyo bilang tagapagpatotoo para sa nauna sa akin na Torah at bilang tagapagbalita ng nakagagalak hinggil sa isang Sugo na darating matapos ko na, na ang pangalan niya ay Aḥmad.633” Ngunit noong naghatid siya sa kanila ng mga malinaw na patunay ay nagsabi sila: “Ito ay isang panggagaway na malinaw.”
[633] Ibig sabihin: si Muḥammad, na ang isa sa mga pangalan niya ay Aḥmad, na nangangahulugang pinakakapuri-puri.
وَمَنْ اَظْلَمُ مِمَّنِ افْتَرٰى عَلَى اللّٰهِ الْكَذِبَ وَهُوَ يُدْعٰىٓ اِلَى الْاِسْلَامِۗ وَاللّٰهُ لَا يَهْدِى الْقَوْمَ الظّٰلِمِيْنَ٧
Wa man aẓlamu mimmaniftarā ‘alallāhil-każiba wa huwa yud‘ā ilal-islām(i), wallāhu lā yahdil-qaumaẓ-ẓālimīn(a).
[7]
Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng kasinungalingan samantalang ito ay inaanyayahan sa Islām.634 Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan.
[634] na nangangahulugang pagsuko at pagpapasakop kay Allāh.
يُرِيْدُوْنَ لِيُطْفِـُٔوْا نُوْرَ اللّٰهِ بِاَفْوَاهِهِمْۗ وَاللّٰهُ مُتِمُّ نُوْرِهٖ وَلَوْ كَرِهَ الْكٰفِرُوْنَ٨
Yurīdūna liyuṭfi'ū nūrallāhi bi'afwāhihim, wallāhu mutimmu nūrihī wa lau karihal-kāfirūn(a).
[8]
Nagnanais sila na umapula sa liwanag ni Allāh sa pamamagitan ng mga bibig nila samantalang si Allāh ay maglulubos sa liwanag Niya, kahit pa man nasuklam ang mga tagatangging sumampalataya.
هُوَ الَّذِيْٓ اَرْسَلَ رَسُوْلَهٗ بِالْهُدٰى وَدِيْنِ الْحَقِّ لِيُظْهِرَهٗ عَلَى الدِّيْنِ كُلِّهٖۙ وَلَوْ كَرِهَ الْمُشْرِكُوْنَ ࣖ٩
Wa huwal-lażī arsala rasūlahū bil-hudā wa dīnil-ḥaqqi liyuẓhirahū ‘alad-dīni kullih(ī), wa lau karihal-musyrikūn(a).
[9]
Siya ay ang nagsugo sa Sugo Niya [na si Muḥammad] kalakip ng patnubay at relihiyon ng katotohanan upang magpangibabaw Siya nito sa [huwad na] relihiyon sa kabuuan nito, kahit pa man nasuklam ang mga tagapagtambal.
يٰٓاَيُّهَا الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا هَلْ اَدُلُّكُمْ عَلٰى تِجَارَةٍ تُنْجِيْكُمْ مِّنْ عَذَابٍ اَلِيْمٍ١٠
Yā ayyuhal-lażīna āmanū hal adullukum ‘alā tijāratin tunjīkum min ‘ażābin alīm(in).
[10]
O mga sumampalataya, magtuturo kaya ako sa inyo sa isang pangangalakal na magliligtas sa inyo mula sa isang pagdurusang masakit?
تُؤْمِنُوْنَ بِاللّٰهِ وَرَسُوْلِهٖ وَتُجَاهِدُوْنَ فِيْ سَبِيْلِ اللّٰهِ بِاَمْوَالِكُمْ وَاَنْفُسِكُمْۗ ذٰلِكُمْ خَيْرٌ لَّكُمْ اِنْ كُنْتُمْ تَعْلَمُوْنَۙ١١
Tu'minūna billāhi wa rasūlihī wa tujāhidūna fī sabīlillāhi bi'amwālikum wa anfusikum, żālikum khairul lakum in kuntum ta‘lamūn(a).
[11]
Sasampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad] at makikibaka kayo sa landas ni Allāh sa pamamagitan ng mga yaman ninyo at mga sarili ninyo. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam.
يَغْفِرْ لَكُمْ ذُنُوْبَكُمْ وَيُدْخِلْكُمْ جَنّٰتٍ تَجْرِيْ مِنْ تَحْتِهَا الْاَنْهٰرُ وَمَسٰكِنَ طَيِّبَةً فِيْ جَنّٰتِ عَدْنٍۗ ذٰلِكَ الْفَوْزُ الْعَظِيْمُۙ١٢
Yagfir lakum żunūbakum wa yudkhilkum jannātin tajrī min taḥtihal-anhāru wa masākina ṭayyibatan fī jannāti ‘adn(in), żālikal-fauzul-‘aẓīm(u).
[12]
[Kung gagawin ninyo,] magpapatawad Siya sa inyo ng mga pagkakasala ninyo at magpapapasok Siya sa inyo sa mga Hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog at sa mga tahanang kaaya-aya sa mga Hardin ng Eden. Iyon ang pagkatamong sukdulan.
وَاُخْرٰى تُحِبُّوْنَهَاۗ نَصْرٌ مِّنَ اللّٰهِ وَفَتْحٌ قَرِيْبٌۗ وَبَشِّرِ الْمُؤْمِنِيْنَ١٣
Wa ukhrā tuḥibbūnahā, naṣrum minallāhi wa fatḥun qarīb(un), wa basysyiril-mu'minīn(a).
[13]
May iba pang [biyaya] iibigin ninyo: isang pag-aadya mula kay Allāh at isang pagsakop na malapit. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga mananampalataya.
يٰٓاَيُّهَا الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا كُوْنُوْٓا اَنْصَارَ اللّٰهِ كَمَا قَالَ عِيْسَى ابْنُ مَرْيَمَ لِلْحَوَارِيّٖنَ مَنْ اَنْصَارِيْٓ اِلَى اللّٰهِ ۗقَالَ الْحَوَارِيُّوْنَ نَحْنُ اَنْصَارُ اللّٰهِ فَاٰمَنَتْ طَّاۤىِٕفَةٌ مِّنْۢ بَنِيْٓ اِسْرَاۤءِيْلَ وَكَفَرَتْ طَّاۤىِٕفَةٌ ۚفَاَيَّدْنَا الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا عَلٰى عَدُوِّهِمْ فَاَصْبَحُوْا ظٰهِرِيْنَ ࣖ١٤
Yā ayyuhal-lażīna āmanū kūnū anṣārallāhi kamā qāla ‘īsabnu maryama lil-ḥawāriyyīna man anṣārī ilallāh(i), qālal-ḥawāriyyūna naḥnu anṣārullāhi fa'āmanaṭ-ṭā'ifatum mim banī isrā'īla wa kafaraṭ-ṭā'ifah(tun), fa'ayyadnal-lażīna āmanū ‘alā ‘aduwwihim fa'aṣbaḥū ẓāhirīn(a).
[14]
O mga sumampalataya, maging mga tagapag-adya ni Allāh kayo gaya ng sinabi ni Jesus na anak ni Maria sa mga disipulo niya: “Sino ang mga tagapag-adya ko tungo kay Allāh?” Nagsabi ang mga disipulo: “Kami ay ang mga tagapag-adya tungo kay Allāh.” Kaya may sumampalataya na isang pangkatin mula sa mga anak ni Israel at may tumangging sumampalataya na isang pangkatin. Kaya umalalay Kami sa mga sumampalataya laban sa kaaway nila, kaya sila ay naging mga tagapangibabaw.