Surah Al-Hasyr
بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
سَبَّحَ لِلّٰهِ مَا فِى السَّمٰوٰتِ وَمَا فِى الْاَرْضِۚ وَهُوَ الْعَزِيْزُ الْحَكِيْمُ١
Sabbaḥa lillāhi mā fis-samāwāti wa mā fil-arḍ(i), wa huwal-‘azīzul-ḥakīm(u).
[1]
Nagluwalhati kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.
هُوَ الَّذِيْٓ اَخْرَجَ الَّذِيْنَ كَفَرُوْا مِنْ اَهْلِ الْكِتٰبِ مِنْ دِيَارِهِمْ لِاَوَّلِ الْحَشْرِۗ مَا ظَنَنْتُمْ اَنْ يَّخْرُجُوْا وَظَنُّوْٓا اَنَّهُمْ مَّانِعَتُهُمْ حُصُوْنُهُمْ مِّنَ اللّٰهِ فَاَتٰىهُمُ اللّٰهُ مِنْ حَيْثُ لَمْ يَحْتَسِبُوْا وَقَذَفَ فِيْ قُلُوْبِهِمُ الرُّعْبَ يُخْرِبُوْنَ بُيُوْتَهُمْ بِاَيْدِيْهِمْ وَاَيْدِى الْمُؤْمِنِيْنَۙ فَاعْتَبِرُوْا يٰٓاُولِى الْاَبْصَارِ٢
Huwal-lażī akhrajal-lażīna kafarū min ahlil-kitābi min diyārihim li'awwalil-ḥasyr(i), mā ẓanantum ay yakhrujū wa ẓannū annahum māni‘atuhum ḥuṣūnuhum minallāhi fa atāhumullāhu min ḥaiṡu lam yaḥtasibū wa qażafa fī qulūbihimur-ru‘ba yukhribūna buyūtahum bi'aidīhim wa aidil-mu'minīn(a), fa‘tabirū yā ulil-abṣār(i).
[2]
Siya ay ang nagpalisan sa mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga May Kasulatan621 mula sa mga tahanan nila sa unang pagkakalap [at pagpapatapon sa kanila]. Hindi kayo nagpalagay na sila ay lilisan. Nagpalagay sila na sila ay ipagtatanggol ng mga kuta nila laban kay Allāh, ngunit nagpapunta sa kanila si Allāh [ng pagdurusa] mula sa kung saan hindi nila inaasahan. Bumato Siya sa mga puso nila ng hilakbot. Sumisira sila ng mga bahay nila sa pamamagitan ng mga kamay nila at mga kamay ng mga mananampalataya. Kaya magsaalang-alang kayo [mula rito], O mga may paningin.
[621] Ibig sabihin: ang mga Hudyo ng Liping Naḍīr na sumira sa kasunduan sa mga Muslim.
وَلَوْلَآ اَنْ كَتَبَ اللّٰهُ عَلَيْهِمُ الْجَلَاۤءَ لَعَذَّبَهُمْ فِى الدُّنْيَاۗ وَلَهُمْ فِى الْاٰخِرَةِ عَذَابُ النَّارِ٣
Wa lau lā an kataballāhu ‘alaihimul-jalā'a la‘ażżabahum fid-dun-yā, wa lahum fil-ākhirati ‘ażābun-nār(i).
[3]
Kung sakaling hindi nagtakda si Allāh sa kanila ng paglayas ay talaga sanang pinagdusa Niya sila sa Mundo. Ukol sa kanila sa Kabilang-buhay ang pagdurusa sa Apoy.
ذٰلِكَ بِاَنَّهُمْ شَاۤقُّوا اللّٰهَ وَرَسُوْلَهٗ ۖوَمَنْ يُّشَاۤقِّ اللّٰهَ فَاِنَّ اللّٰهَ شَدِيْدُ الْعِقَابِ٤
Żālika bi'annahum syāqqullāha wa rasūlah(ū), wa may yusyāqqillāha fa'innallāha syadīdul-‘iqāb(i).
[4]
Iyon ay dahil sa sila ay nakipaghidwaan kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad]. Ang sinumang nakikipaghidwaan kay Allāh, tunay na si Allāh ay matindi ang parusa.
مَا قَطَعْتُمْ مِّنْ لِّيْنَةٍ اَوْ تَرَكْتُمُوْهَا قَاۤىِٕمَةً عَلٰٓى اُصُوْلِهَا فَبِاِذْنِ اللّٰهِ وَلِيُخْزِيَ الْفٰسِقِيْنَ٥
Mā qaṭa‘tum mil līnatin au taraktumūhā qā'imatan ‘alā uṣūlihā fa bi'iżnillāhi wa liyukhziyal-fāsiqīn(a).
[5]
Ang anumang pinutol ninyo na isang [punong] datiles [nila] o iniwan ninyo ito na nakatayo sa mga puno nito ay ayon sa pahintulot ni Allāh at upang magpahiya Siya sa mga suwail.
وَمَآ اَفَاۤءَ اللّٰهُ عَلٰى رَسُوْلِهٖ مِنْهُمْ فَمَآ اَوْجَفْتُمْ عَلَيْهِ مِنْ خَيْلٍ وَّلَا رِكَابٍ وَّلٰكِنَّ اللّٰهَ يُسَلِّطُ رُسُلَهٗ عَلٰى مَنْ يَّشَاۤءُۗ وَاللّٰهُ عَلٰى كُلِّ شَيْءٍ قَدِيْرٌ٦
Wa mā afā'allāhu ‘alā rasūlihī minhum famā aujaftum ‘alaihi min khailiw wa lā rikābiw wa lākinnallāha yusalliṭu rusulahū ‘alā may yasyā'(u), wallāhu ‘alā kulli syai'in qadīr(un).
[6]
Ang anumang ipinakumpiska ni Allāh sa Sugo Niya mula sa kanila ay hindi kayo nagpatulin para rito ng anumang mga kabayo ni mga kamelyo, subalit nagpapangibabaw si Allāh sa mga sugo Niya sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.
مَآ اَفَاۤءَ اللّٰهُ عَلٰى رَسُوْلِهٖ مِنْ اَهْلِ الْقُرٰى فَلِلّٰهِ وَلِلرَّسُوْلِ وَلِذِى الْقُرْبٰى وَالْيَتٰمٰى وَالْمَسٰكِيْنِ وَابْنِ السَّبِيْلِۙ كَيْ لَا يَكُوْنَ دُوْلَةً ۢ بَيْنَ الْاَغْنِيَاۤءِ مِنْكُمْۗ وَمَآ اٰتٰىكُمُ الرَّسُوْلُ فَخُذُوْهُ وَمَا نَهٰىكُمْ عَنْهُ فَانْتَهُوْاۚ وَاتَّقُوا اللّٰهَ ۗاِنَّ اللّٰهَ شَدِيْدُ الْعِقَابِۘ٧
Mā afā'allāhu ‘alā rasūlihī min ahlil-qurā fa lillāhi wa lir-rasūli wa liżil-qurbā wal-yatāmā wal-masākīni wabnis-sabīl(i), kailā yakūna dūlatam bainal-agniyā'i minkum, wa mā ātākumur-rasūlu fa khużūhu wa mā nahākum ‘anhu fantahū, wattaqullāh(a), innallāha syadīdul-‘iqāb(i).
[7]
Ang anumang ipinakumpiska ni Allāh sa Sugo Niya mula sa mga naninirahan sa mga pamayanan ay ukol kay Allāh, ukol sa Sugo, ukol sa may pagkakamag-anak [sa Sugo],622 mga ulila, mga dukha, at kinapos sa landas upang hindi ito maging isang yamang palipat-lipat sa pagitan ng mga mayaman kabilang sa inyo. Ang anumang ibinigay sa inyo ng Sugo [na si Propeta Muḥammad] ay kunin ninyo at ang anumang sinaway niya sa inyo ay tigilan ninyo. Mangilag kayong magkasala kay Allāh; tunay na si Allāh ay matindi ang parusa.
[622] kabilang sa Angkan ni Hāshim na pinagbawalan ng Propeta na tumanggap ng kawanggawa.
لِلْفُقَرَاۤءِ الْمُهٰجِرِيْنَ الَّذِيْنَ اُخْرِجُوْا مِنْ دِيَارِهِمْ وَاَمْوَالِهِمْ يَبْتَغُوْنَ فَضْلًا مِّنَ اللّٰهِ وَرِضْوَانًا وَّيَنْصُرُوْنَ اللّٰهَ وَرَسُوْلَهٗ ۗ اُولٰۤىِٕكَ هُمُ الصّٰدِقُوْنَۚ٨
Lil-fuqarā'il-muhājirīnal-lażīna ukhrijū min diyārihim wa amwālihim yabtagūna faḍlam minallāhi wa riḍwānaw wa yanṣurūnallāha wa rasūlah(ū), ulā'ika humuṣ-ṣādiqūn(a).
[8]
[May bahagi] para sa mga maralitang tagalikas, na mga pinalisan mula sa mga tahanan nila at mga yaman nila, habang naghahangad ng isang kabutihang-loob mula kay Allāh at isang pagkalugod, at nag-aadya kay Allāh623 at sa Sugo Niya. Ang mga iyon ay ang mga tapat.
[623] sa pamamagitan ng pag-aadya sa Islam.
وَالَّذِيْنَ تَبَوَّءُو الدَّارَ وَالْاِيْمَانَ مِنْ قَبْلِهِمْ يُحِبُّوْنَ مَنْ هَاجَرَ اِلَيْهِمْ وَلَا يَجِدُوْنَ فِيْ صُدُوْرِهِمْ حَاجَةً مِّمَّآ اُوْتُوْا وَيُؤْثِرُوْنَ عَلٰٓى اَنْفُسِهِمْ وَلَوْ كَانَ بِهِمْ خَصَاصَةٌ ۗوَمَنْ يُّوْقَ شُحَّ نَفْسِهٖ فَاُولٰۤىِٕكَ هُمُ الْمُفْلِحُوْنَۚ٩
Wal-lażīna tabawwa'ud-dāra wal-īmāna min qablihim yuḥibbūna man hājara ilaihim wa lā yajidūna fī ṣudūrihim ḥājatam mimmā ūtū wa yu'ṡirūna ‘alā anfusihim wa lau kāna bihim khaṣāṣah(tun), wa may yūqa syuḥḥa nafsihī fa ulā'ika humul-mufliḥūn(a).
[9]
Ang mga namalagi sa tahanan [sa Madīnah] at pananampalataya bago pa ng mga iyon624 ay umiibig sa sinumang lumikas kanila, hindi nakatatagpo sa mga dibdib nila ng isang pangangailangan sa anumang ibinigay sa mga iyon, at nagtatangi [sa mga iyon] higit sa mga sarili nila, kahit pa man sa kanila ay may kadahupan. Ang sinumang ipinagsasanggalang sa kasakiman ng sarili niya, ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay [sa landas nila].
[624] Ibig sabihin: ang mga tagalikas mula sa Makkah.
وَالَّذِيْنَ جَاۤءُوْ مِنْۢ بَعْدِهِمْ يَقُوْلُوْنَ رَبَّنَا اغْفِرْ لَنَا وَلِاِخْوَانِنَا الَّذِيْنَ سَبَقُوْنَا بِالْاِيْمَانِ وَلَا تَجْعَلْ فِيْ قُلُوْبِنَا غِلًّا لِّلَّذِيْنَ اٰمَنُوْا رَبَّنَآ اِنَّكَ رَءُوْفٌ رَّحِيْمٌ ࣖ١٠
Wal-lażīna jā'ū mim ba‘dihim yaqūlūna rabbanagfir lanā wa li'ikhwāninal-lażīna sabaqūnā bil-īmāni wa lā taj‘al fī qulūbinā gillal lil-lażīna āmanū rabbanā innaka ra'ūfur raḥīm(un).
[10]
Ang mga dumating matapos na nila ay nagsasabi: “Panginoon namin, magpatawad Ka sa amin at sa mga kapatid namin na nauna sa amin sa pananampalataya at huwag Kang maglagay sa mga puso namin ng isang pagkamuhi sa mga sumampalataya. Panginoon namin, tunay na Ikaw ay Mahabagin, Maawain.”
۞ اَلَمْ تَرَ اِلَى الَّذِيْنَ نَافَقُوْا يَقُوْلُوْنَ لِاِخْوَانِهِمُ الَّذِيْنَ كَفَرُوْا مِنْ اَهْلِ الْكِتٰبِ لَىِٕنْ اُخْرِجْتُمْ لَنَخْرُجَنَّ مَعَكُمْ وَلَا نُطِيْعُ فِيْكُمْ اَحَدًا اَبَدًاۙ وَّاِنْ قُوْتِلْتُمْ لَنَنْصُرَنَّكُمْۗ وَاللّٰهُ يَشْهَدُ اِنَّهُمْ لَكٰذِبُوْنَ١١
Alam tara ilal-lażīna nāfaqū yaqūlūna li'ikhwānihimul-lażīna kafarū min ahlil-kitābi la'in ukhrijtum lanakhrujanna ma‘akum wa lā nuṭī‘u fīkum aḥadan abadā(n), wa in qūtiltum lananṣurannakum, wallāhu yasyhadu innahum lakāżibūn(a).
[11]
Hindi ka ba tumingin sa mga nagpaimbabaw habang nagsasabi sa mga kapatid nila na mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga May Kasulatan:625 “Talagang kung pinalisan kayo ay talagang lilisan nga kami kasama sa inyo. Hindi kami tatalima alang-alang sa inyo sa isa man magpakailanman. Kung kinalaban kayo ay talagang mag-aadya nga kami sa inyo.” Si Allāh ay sumasaksi na sila ay talagang mga sinungaling.
[625] Ibig sabihin: ang mga Hudyo ng liping Naḍīr.
لَىِٕنْ اُخْرِجُوْا لَا يَخْرُجُوْنَ مَعَهُمْۚ وَلَىِٕنْ قُوْتِلُوْا لَا يَنْصُرُوْنَهُمْۚ وَلَىِٕنْ نَّصَرُوْهُمْ لَيُوَلُّنَّ الْاَدْبَارَۙ ثُمَّ لَا يُنْصَرُوْنَ١٢
La'in ukhrijū lā yakhrujūna ma‘ahum, wa la'in qūtilū lā yanṣurūnahum, wa la'in naṣarūhum layuwallunnal-adbār(a), ṡumma lā yunṣarūn(a).
[12]
Talagang kung pinalisan ang mga ito ay hindi sila lilisan kasama sa mga ito. Talagang kung kinalaban ang mga ito ay hindi mag-aadya sa mga ito sila [na mga mapagpaimbabaw]. Talagang kung nag-aadya man sila sa mga ito ay talaga ngang magbabaling sila ng mga likuran [nila], pagkatapos hindi sila maiaadya.
لَاَنْتُمْ اَشَدُّ رَهْبَةً فِيْ صُدُوْرِهِمْ مِّنَ اللّٰهِ ۗذٰلِكَ بِاَنَّهُمْ قَوْمٌ لَّا يَفْقَهُوْنَ١٣
La'antum asyaddu rahbatan fī ṣudūrihim minallāh(i), żālika bi'annahum qaumul lā yafqahūn(a).
[13]
Talagang kayo [na mga mananampalataya] ay higit na matindi sa pangingilabot sa mga dibdib nila kaysa kay Allāh. Iyon ay dahil sila ay mga taong hindi nakapag-uunawa.
لَا يُقَاتِلُوْنَكُمْ جَمِيْعًا اِلَّا فِيْ قُرًى مُّحَصَّنَةٍ اَوْ مِنْ وَّرَاۤءِ جُدُرٍۗ بَأْسُهُمْ بَيْنَهُمْ شَدِيْدٌ ۗ تَحْسَبُهُمْ جَمِيْعًا وَّقُلُوْبُهُمْ شَتّٰىۗ ذٰلِكَ بِاَنَّهُمْ قَوْمٌ لَّا يَعْقِلُوْنَۚ١٤
Lā yuqātilūnakum jamī‘an illā fī quram muḥaṣṣanatin au miw warā'i judur(in), ba'suhum bainahum syadīd(un), taḥsabuhum jamī‘aw wa qulūbuhum syattā, żālika bi'annahum qaumul lā ya‘qilūn(a).
[14]
Hindi sila626 nakikipaglaban sa inyo nang lahatan maliban sa mga pamayanang pinatibay o mula sa likod ng mga pader. Ang karahasan nila sa pagitan nila ay matindi. Mag-aakala ka na sila ay magkasama samantalang ang mga puso nila ay hati-hati. Iyon ay dahil sila ay mga taong hindi nakapag-uunawa.
[626] Ibig sabihin: ang mga Hudyo.
كَمَثَلِ الَّذِيْنَ مِنْ قَبْلِهِمْ قَرِيْبًا ذَاقُوْا وَبَالَ اَمْرِهِمْۚ وَلَهُمْ عَذَابٌ اَلِيْمٌۚ١٥
Kamaṡalil-lażīna min qablihim qarīban żāqū wabāla amrihim, wa lahum ‘ażābun alīm(un).
[15]
Katulad ng mga [Hudyo] bago pa nila kamakailan, lumasap sila ng kasaklapan ng nauukol sa kanila at ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.
كَمَثَلِ الشَّيْطٰنِ اِذْ قَالَ لِلْاِنْسَانِ اكْفُرْۚ فَلَمَّا كَفَرَ قَالَ اِنِّيْ بَرِيْۤءٌ مِّنْكَ اِنِّيْٓ اَخَافُ اللّٰهَ رَبَّ الْعٰلَمِيْنَ١٦
Kamaṡalisy-syaiṭāni iż qāla lil-insānikfur, falammā kafara qāla innī barī'um minka innī akhāfullāha rabbal-‘ālamīn(a).
[16]
[Ang mga mapagpaimbabaw ay] katulad ng demonyo noong nagsabi siya sa tao: “Tumanggi kang sumampalataya!” Ngunit noong tumangging sumampalataya ito ay nagsabi siya: “Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa iyo; tunay na ako ay nangangamba kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.”
فَكَانَ عَاقِبَتَهُمَآ اَنَّهُمَا فِى النَّارِ خٰلِدَيْنِ فِيْهَاۗ وَذٰلِكَ جَزٰۤؤُا الظّٰلِمِيْنَ ࣖ١٧
Fa kāna ‘āqibatahumā annahumā fin-nāri khālidaini fīhā, wa żālika jazā'uẓ-ẓālimīn(a).
[17]
Kaya ang kahihinatnan nilang dalawa ay na silang dalawa ay sa Apoy [ng Impiyerno] bilang mga mananatili roon. Iyon ay ang ganti sa mga tagalabag sa katarungan.
يٰٓاَيُّهَا الَّذِيْنَ اٰمَنُوا اتَّقُوا اللّٰهَ وَلْتَنْظُرْ نَفْسٌ مَّا قَدَّمَتْ لِغَدٍۚ وَاتَّقُوا اللّٰهَ ۗاِنَّ اللّٰهَ خَبِيْرٌ ۢبِمَا تَعْمَلُوْنَ١٨
Yā ayyuhal-lażīna āmanuttaqullāha waltanẓur nafsum mā qaddamat ligad(in), wattaqullāh(a), innallāha khabīrum bimā ta‘malūn(a).
[18]
O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh, at tumingin ang kaluluwa sa ipinauna niya para sa bukas. Mangilag kayong magkasala kay Allāh; tunay na si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo.
وَلَا تَكُوْنُوْا كَالَّذِيْنَ نَسُوا اللّٰهَ فَاَنْسٰىهُمْ اَنْفُسَهُمْۗ اُولٰۤىِٕكَ هُمُ الْفٰسِقُوْنَ١٩
Wa lā takūnū kal-lażīna nasullāha fa'ansāhum anfusahum, ulā'ika humul-fāsiqūn(a).
[19]
Huwag kayong maging gaya ng mga lumimot kay Allāh627 kaya nagpalimot Siya sa kanila ng mga sarili nila.628 Ang mga iyon ay ang mga suwail.
[627] dahil sa hindi pagtalima kay Allāh.
[628] kaya hindi sila gumagawa ng makapaglilitas sa kanila sa galit ni Allāh
لَا يَسْتَوِيْٓ اَصْحٰبُ النَّارِ وَاَصْحٰبُ الْجَنَّةِۗ اَصْحٰبُ الْجَنَّةِ هُمُ الْفَاۤىِٕزُوْنَ٢٠
Lā yastawī aṣḥābun-nāri wa aṣḥābul-jannah(ti), aṣḥābul-jannati humul-fā'izūn(a).
[20]
Hindi nagkakapantay ang mga maninirahan sa Apoy at ang mga maninirahan sa Paraiso. Ang mga maninirahan sa Paraiso ay ang mga magwawagi.
لَوْ اَنْزَلْنَا هٰذَا الْقُرْاٰنَ عَلٰى جَبَلٍ لَّرَاَيْتَهٗ خَاشِعًا مُّتَصَدِّعًا مِّنْ خَشْيَةِ اللّٰهِ ۗوَتِلْكَ الْاَمْثَالُ نَضْرِبُهَا لِلنَّاسِ لَعَلَّهُمْ يَتَفَكَّرُوْنَ٢١
Lau anzalnā hāżal-qur'āna ‘alā jabalil lara'aitahū khāsyi‘am mutaṣaddi‘am min khasy-yatillāh(i), wa tilkal-amṡālu naḍribuhā lin-nāsi la‘allahum yatafakkarūn(a).
[21]
Kung sakaling nagpababa Kami ng Qur’ān na ito sa isang bundok ay talaga sanang nakakita ka rito na nagtataimtim na nagkabitak-bitak dahil sa takot kay Allāh. Ang mga paghahalintulad na iyon ay inilalahad Namin para sa mga tao nang sa gayon sila ay mag-iisip-isip.
هُوَ اللّٰهُ الَّذِيْ لَآ اِلٰهَ اِلَّا هُوَۚ عَالِمُ الْغَيْبِ وَالشَّهَادَةِۚ هُوَ الرَّحْمٰنُ الرَّحِيْمُ٢٢
Huwallāhul-lażī lā ilāha illā huw(a), ‘ālimul-gaibi wasy-syahādah(ti), huwar-raḥmānur-raḥīm(u).
[22]
Siya ay si Allāh na walang Diyos [na karapat-dapat] kundi Siya, ang Tagaalam sa nakalingid at nasasaksihan. Siya ay ang Napakamaawain, ang Maawain.
هُوَ اللّٰهُ الَّذِيْ لَآ اِلٰهَ اِلَّا هُوَ ۚ اَلْمَلِكُ الْقُدُّوْسُ السَّلٰمُ الْمُؤْمِنُ الْمُهَيْمِنُ الْعَزِيْزُ الْجَبَّارُ الْمُتَكَبِّرُۗ سُبْحٰنَ اللّٰهِ عَمَّا يُشْرِكُوْنَ٢٣
Huwallāhul-lażī lā ilāha illā huw(a), al-malikul-quddūsus-salāmul-mu'minul-muhaiminul-‘azīzul-jabbārul-mutakabbir(u), subḥānallāhi ‘ammā yusyrikūn(a).
[23]
Siya ay si Allāh na walang Diyos kundi Siya, ang Hari, ang Kabanal-banalan, ang Sakdal, ang Tagapagpasampalataya, ang Tagapagsubaybay, ang Makapangyarihan, ang Palasupil, ang Nakapagmamalaki. Kaluwalhatian kay Allāh higit sa anumang itinatambal nila!
هُوَ اللّٰهُ الْخَالِقُ الْبَارِئُ الْمُصَوِّرُ لَهُ الْاَسْمَاۤءُ الْحُسْنٰىۗ يُسَبِّحُ لَهٗ مَا فِى السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِۚ وَهُوَ الْعَزِيْزُ الْحَكِيْمُ ࣖ٢٤
Huwallāhul-khāliqul-bāri'ul-muṣawwiru lahul-asmā'ul-ḥusnā, yusabbiḥu lahū mā fis-samāwāti wal-arḍ(i), wa huwal-‘azīzul-ḥakīm(u).
[24]
Siya ay si Allāh, ang Tagalikha, ang Tagapaglalang [na nagpasimula ng nilikha mula sa wala], ang Tagapag-anyo; taglay Niya ang mga pangalang napakagaganda. Nagluluwalhati sa Kanya ang anumang nasa mga langit at lupa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.