Surah Al-Mujadilah

Daftar Surah

بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
قَدْ سَمِعَ اللّٰهُ قَوْلَ الَّتِيْ تُجَادِلُكَ فِيْ زَوْجِهَا وَتَشْتَكِيْٓ اِلَى اللّٰهِ ۖوَاللّٰهُ يَسْمَعُ تَحَاوُرَكُمَاۗ اِنَّ اللّٰهَ سَمِيْعٌۢ بَصِيْرٌ١
Qad sami‘allāhu qaulal-latī tujādiluka fī zaujihā wa tasytakī ilallāh(i), wallāhu yasma‘u taḥāwurakumā, innallāha samī‘um baṣīr(un).
[1] Narinig nga ni Allāh ang sabi ng [babaing]615 nakikipagtalo sa iyo [O Propeta Muḥammad] hinggil sa asawa niya616 at dumaraing kay Allāh at si Allāh ay nakaririnig sa pagtatalakayan ninyong dalawa. Tunay na si Allāh ay Madinigin, Nakakikita.
[615] Ibig sabihin: si Khawlah na anak ni Tha`labah. [616] Si Aws na anak Ṣāmit.

اَلَّذِيْنَ يُظٰهِرُوْنَ مِنْكُمْ مِّنْ نِّسَاۤىِٕهِمْ مَّا هُنَّ اُمَّهٰتِهِمْۗ اِنْ اُمَّهٰتُهُمْ اِلَّا الّٰۤـِٔيْ وَلَدْنَهُمْۗ وَاِنَّهُمْ لَيَقُوْلُوْنَ مُنْكَرًا مِّنَ الْقَوْلِ وَزُوْرًاۗ وَاِنَّ اللّٰهَ لَعَفُوٌّ غَفُوْرٌ٢
Allażīna yuẓāhirūna minkum min nisā'ihim mā hunna ummahātihim, in ummahātuhum illal-lā'ī waladnahum, wa innahum layaqūlūna munkaram minal-qauli wa zūrā(n), wa innallāha la‘afuwwun gafūr(un).
[2] Ang mga nagsasagawa ng dhihār617 kabilang sa inyo sa mga maybahay nila [ay nagsinungaling]; ang mga ito ay hindi mga ina nila; walang iba ang mga ina nila kundi ang mga nanganak sa kanila. Tunay na sila ay talagang nagsasabi ng isang nakasasama kabilang sa sinasabi at isang kabulaanan. Tunay na si Allāh ay talagang Mapagpaumanhin, Mapagpatawad.
[617] Isang uri ng diborsiyo sa pamamagitan ng paghahalintulad sa maybahay sa ina sa pamamagitan ng pagsabi sa maybahay: Ikaw sa ganang akin ay para bagang likod ng ina ko.

وَالَّذِيْنَ يُظٰهِرُوْنَ مِنْ نِّسَاۤىِٕهِمْ ثُمَّ يَعُوْدُوْنَ لِمَا قَالُوْا فَتَحْرِيْرُ رَقَبَةٍ مِّنْ قَبْلِ اَنْ يَّتَمَاۤسَّاۗ ذٰلِكُمْ تُوْعَظُوْنَ بِهٖۗ وَاللّٰهُ بِمَا تَعْمَلُوْنَ خَبِيْرٌ٣
Wal-lażīna yuẓāhirūna min nisā'ihim ṡumma ya‘ūdūna limā qālū fa taḥrīru raqabatim min qabli ay yatamāssā, żālikum tū‘aẓūna bih(ī), wallāhu bimā ta‘malūna khabīr(un).
[3] Ang mga nagsasagawa ng dhihār sa mga maybahay nila, pagkatapos bumabawi sila sa sinabi nila, ay pagpapalaya ng isang alipin [ang panakip-sala] bago pa silang dalawa magsalingan.618 Gayon kayo pinangangaralan. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid.
[618] Ibig sabihin: magtalik.

فَمَنْ لَّمْ يَجِدْ فَصِيَامُ شَهْرَيْنِ مُتَتَابِعَيْنِ مِنْ قَبْلِ اَنْ يَّتَمَاۤسَّاۗ فَمَنْ لَّمْ يَسْتَطِعْ فَاِطْعَامُ سِتِّيْنَ مِسْكِيْنًاۗ ذٰلِكَ لِتُؤْمِنُوْا بِاللّٰهِ وَرَسُوْلِهٖۗ وَتِلْكَ حُدُوْدُ اللّٰهِ ۗوَلِلْكٰفِرِيْنَ عَذَابٌ اَلِيْمٌ٤
Famal lam yajid faṣiyāmu syahraini mutatābi‘aini min qabli ay yatamāssā, famal lam yastaṭi‘ fa iṭ‘āmu sittīna miskīnā(n), żālika litu'minū billāhi wa rasūlih(ī), wa tilka ḥudūdullāh(i), wa lil-kāfirīna ‘ażābun alīm(un).
[4] Ngunit ang sinumang hindi nakatagpo [ng aliping mapalalaya, kailangan sa kanya] ang pag-aayuno ng dalawang buwang nagkakasunuran bago pa silang dalawa magsalingan;619 ngunit ang sinumang hindi nakakaya [ay kailangan sa kanya] ang pagpapakain ng animnapung dukha. Iyon ay upang sumampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya. Iyon ay ang mga hangganan ni Allāh. Ukol sa mga tagatangging sumampalataya ay isang pagdurusang masakit.
[619] Ibig sabihin: magtalik.

اِنَّ الَّذِيْنَ يُحَاۤدُّوْنَ اللّٰهَ وَرَسُوْلَهٗ كُبِتُوْا كَمَا كُبِتَ الَّذِيْنَ مِنْ قَبْلِهِمْ وَقَدْ اَنْزَلْنَآ اٰيٰتٍۢ بَيِّنٰتٍۗ وَلِلْكٰفِرِيْنَ عَذَابٌ مُّهِيْنٌۚ٥
Innal-lażīna yuḥāddūnallāha wa rasūlahū kubitū kamā kubital-lażīna min qablihim wa qad anzalnā āyātim bayyināt(in), wa lil-kāfirīna ‘ażābum muhīn(un).
[5] Tunay na ang mga sumasalansang kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad] ay dudustain kung paanong dinusta ang mga [sumalansang sa mga sugo] bago pa nila. Nagpababa nga Kami ng mga tandang malilinaw. Ukol sa mga tagatangging sumampalataya ay isang pagdurusang manghahamak,

يَوْمَ يَبْعَثُهُمُ اللّٰهُ جَمِيْعًا فَيُنَبِّئُهُمْ بِمَا عَمِلُوْاۗ اَحْصٰىهُ اللّٰهُ وَنَسُوْهُۗ وَاللّٰهُ عَلٰى كُلِّ شَيْءٍ شَهِيْدٌ ࣖ٦
Yauma yab‘aṡuhumullāhu jamī‘an fa yunabbi'uhum bimā ‘amilū, aḥṣāhullāhu wa nasūh(u), wallāhu ‘alā kulli syai'in syahīd(un).
[6] sa Araw na bubuhay sa kanila si Allāh nang lahatan saka magbabalita Siya sa kanila hinggil sa ginawa nila [na masagwa sa Mundo]. Mag-iisa-isa niyon si Allāh samantalang lumimot sila niyon. Si Allāh sa bawat bagay ay Saksi.

اَلَمْ تَرَ اَنَّ اللّٰهَ يَعْلَمُ مَا فِى السَّمٰوٰتِ وَمَا فِى الْاَرْضِۗ مَا يَكُوْنُ مِنْ نَّجْوٰى ثَلٰثَةٍ اِلَّا هُوَ رَابِعُهُمْ وَلَا خَمْسَةٍ اِلَّا هُوَ سَادِسُهُمْ وَلَآ اَدْنٰى مِنْ ذٰلِكَ وَلَآ اَكْثَرَ اِلَّا هُوَ مَعَهُمْ اَيْنَ مَا كَانُوْاۚ ثُمَّ يُنَبِّئُهُمْ بِمَا عَمِلُوْا يَوْمَ الْقِيٰمَةِۗ اِنَّ اللّٰهَ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيْمٌ٧
Alam tara annallāha ya‘lamu mā fis-samāwāti wa mā fil-arḍ(i), mā yakūnu min najwā ṡalāṡatin illā huwa rābi‘uhum wa lā khamsatin illā huwa sādisuhum wa lā adnā min żālika wa lā akṡara illā huwa ma‘ahum aina mā kānū, ṡumma yunabbi'uhum bimā ‘amilū yaumal-qiyāmah(ti), innallāha bikulli syai'in ‘alīm(un).
[7] Hindi mo ba napag-alaman na si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa? Walang anumang sarilinang pag-uusap ng tatlo malibang Siya ay ang ikaapat nila, ni ng lima malibang Siya ay ang ikaanim nila, ni ng higit na mababa kaysa roon, ni ng higit na marami kaysa roon malibang Siya ay kasama sa kanila nasaan man sila [sa kaalaman Niya]. Pagkatapos magbabalita Siya sa kanila, hinggil sa anumang ginawa nila [buhay nila], sa Araw ng Pagbangon. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.

اَلَمْ تَرَ اِلَى الَّذِيْنَ نُهُوْا عَنِ النَّجْوٰى ثُمَّ يَعُوْدُوْنَ لِمَا نُهُوْا عَنْهُ وَيَتَنٰجَوْنَ بِالْاِثْمِ وَالْعُدْوَانِ وَمَعْصِيَتِ الرَّسُوْلِۖ وَاِذَا جَاۤءُوْكَ حَيَّوْكَ بِمَا لَمْ يُحَيِّكَ بِهِ اللّٰهُ ۙوَيَقُوْلُوْنَ فِيْٓ اَنْفُسِهِمْ لَوْلَا يُعَذِّبُنَا اللّٰهُ بِمَا نَقُوْلُۗ حَسْبُهُمْ جَهَنَّمُۚ يَصْلَوْنَهَاۚ فَبِئْسَ الْمَصِيْرُ٨
Alam tara ilal-lażīna nuhū ‘anin-najwā ṡummā ya‘ūdūna limā nuhū ‘anhu wa yatanājauna bil-iṡmi wal-‘udwāni wa ma‘ṣiyatir-rasūl(i), wa iżā jā'ūka ḥayyauka bimā lam yuḥayyika bihillāh(u), wa yaqūlūna fī anfusihim lau lā yu‘ażżibunallāhu bimā naqūl(u), ḥasbuhum jahannam(u), yaṣlaunahā, fa bi'sal-maṣīr(u).
[8] Hindi ka ba tumingin sa mga sinaway laban sa sarilinang pag-uusap, pagkatapos nanunumbalik sila sa sinaway sa kanila at sarilinang nag-uusapan sila hinggil sa kasalanan, pangangaway, at pagsuway sa Sugo? Kapag dumating sila sa iyo ay bumabati sila sa iyo ng [pagbating] hindi ibinati sa iyo ni Allāh at nagsasabi sila sa mga sarili nila: “Bakit hindi tayo pagdusahin ni Allāh dahil sa sinasabi natin?” Kasapatan sa kanila ang Impiyerno. Masusunog sila roon, kaya kay saklap ang kahahantungan!

يٰٓاَيُّهَا الَّذِيْنَ اٰمَنُوْٓا اِذَا تَنَاجَيْتُمْ فَلَا تَتَنَاجَوْا بِالْاِثْمِ وَالْعُدْوَانِ وَمَعْصِيَتِ الرَّسُوْلِ وَتَنَاجَوْا بِالْبِرِّ وَالتَّقْوٰىۗ وَاتَّقُوا اللّٰهَ الَّذِيْٓ اِلَيْهِ تُحْشَرُوْنَ٩
Yā ayyuhal-lażīna āmanū iżā tanājaitum falā tatanājau bil-iṡmi wal-‘udwāni wa ma‘ṣiyatir-rasūli wa tanājau bil-birri wat-taqwā, wattaqullāhal-lażī ilaihi tuḥsyarūn(a).
[9] O mga sumampalataya, kapag sarilinang nag-usapan kayo ay huwag kayong sarilinang mag-usapan hinggil sa kasalanan, pangangaway, at pagsuway sa Sugo [ni Allāh], bagkus sarilinang mag-usapan kayo hinggil sa pagsasamabuting-loob at pangingilag magkasala. Mangilag kayong magkasala kay Allāh na tungo sa Kanya ay kakalapin kayo.

اِنَّمَا النَّجْوٰى مِنَ الشَّيْطٰنِ لِيَحْزُنَ الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا وَلَيْسَ بِضَاۤرِّهِمْ شَيْـًٔا اِلَّا بِاِذْنِ اللّٰهِ ۗوَعَلَى اللّٰهِ فَلْيَتَوَكَّلِ الْمُؤْمِنُوْنَ١٠
Innaman-najwā minasy-syaiṭāni liyaḥzunal-lażīna āmanū wa laisa biḍārrihim syai'an illā bi'iżnillāh(i), wa ‘alallāhi falyatawakkalil-mu'minūn(a).
[10] Ang [masamang] sarilinang pag-uusap ay mula sa demonyo lamang upang malungkot ang mga sumampalataya at hindi siya makapipinsala sa kanila ng anuman malibang may pahintulot ni Allāh. Kay Allāh ay manalig ang mga mananampalataya.

يٰٓاَيُّهَا الَّذِيْنَ اٰمَنُوْٓا اِذَا قِيْلَ لَكُمْ تَفَسَّحُوْا فِى الْمَجٰلِسِ فَافْسَحُوْا يَفْسَحِ اللّٰهُ لَكُمْۚ وَاِذَا قِيْلَ انْشُزُوْا فَانْشُزُوْا يَرْفَعِ اللّٰهُ الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا مِنْكُمْۙ وَالَّذِيْنَ اُوْتُوا الْعِلْمَ دَرَجٰتٍۗ وَاللّٰهُ بِمَا تَعْمَلُوْنَ خَبِيْرٌ١١
Yā ayyuhal-lażīna āmanū iżā qīla lakum tafassaḥū fil-majālisi fafsaḥū yafsaḥillāhu lakum, wa iżā qīlansyuzū fansyuzū yarfa‘illāhul-lażīna āmanū minkum, wal-lażīna ūtul-‘ilma darajāt(in), wallāhu bimā ta‘malūna khabīr(un).
[11] O mga sumampalataya, kapag sinabi sa inyo na magpaluwang-luwang kayo sa mga pagtitipon [ninyo] ay magpaluwang kayo – magpapaluwang si Allāh para sa inyo [mula sa awa Niya; at kapag sinabi sa inyo na umangat kayo [mula sa kinauupuan] ay umangat kayo – mag-aangat si Allāh ng mga antas sa mga sumampalataya kabilang sa inyo at mga binigyan ng kaalaman. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid.

يٰٓاَيُّهَا الَّذِيْنَ اٰمَنُوْٓا اِذَا نَاجَيْتُمُ الرَّسُوْلَ فَقَدِّمُوْا بَيْنَ يَدَيْ نَجْوٰىكُمْ صَدَقَةً ۗذٰلِكَ خَيْرٌ لَّكُمْ وَاَطْهَرُۗ فَاِنْ لَّمْ تَجِدُوْا فَاِنَّ اللّٰهَ غَفُوْرٌ رَّحِيْمٌ١٢
Yā ayyuhal-lażīna āmanū iżā nājaitumur-rasūla fa qaddimū baina yaday najwākum ṣadaqah(tan), żālika khairul lakum wa aṭhar(u), fa'illam tajidū fa innallāha gafūrur raḥīm(un).
[12] O mga sumampalataya, kapag sarilinang nakipag-usap kayo sa Sugo ay maghandog kayo, bago ng sarilinang pag-uusap ninyo, ng isang kawanggawa. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo at higit na dalisay. Ngunit kung hindi kayo nakatagpo [ng maikakawanggawa], tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.

ءَاَشْفَقْتُمْ اَنْ تُقَدِّمُوْا بَيْنَ يَدَيْ نَجْوٰىكُمْ صَدَقٰتٍۗ فَاِذْ لَمْ تَفْعَلُوْا وَتَابَ اللّٰهُ عَلَيْكُمْ فَاَقِيْمُوا الصَّلٰوةَ وَاٰتُوا الزَّكٰوةَ وَاَطِيْعُوا اللّٰهَ وَرَسُوْلَهٗ ۗوَاللّٰهُ خَبِيْرٌ ۢبِمَا تَعْمَلُوْنَ ࣖ١٣
A'asyfaqtum an tuqaddimū baina yaday najwākum ṣadaqāt(in), fa iż lam taf‘alū wa tāballāhu ‘alaikum fa'aqīmuṣ-ṣalāta wa ātuz-zakāta wa aṭī‘ullāha wa rasūlah(ūwallāhu khabīrum bimā ta‘malūn(a).
[13] Nabagabag ba kayo [sa karukhaan] na maghandog kayo, bago ng sarilinang pag-uusap ninyo, ng mga kawanggawa? Kaya kapag hindi ninyo nagawa at tumanggap si Allāh sa inyo ng pagbabalik-loob ay magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo ng zakāh, at tumalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya. Si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo.

۞ اَلَمْ تَرَ اِلَى الَّذِيْنَ تَوَلَّوْا قَوْمًا غَضِبَ اللّٰهُ عَلَيْهِمْۗ مَا هُمْ مِّنْكُمْ وَلَا مِنْهُمْۙ وَيَحْلِفُوْنَ عَلَى الْكَذِبِ وَهُمْ يَعْلَمُوْنَ١٤
Alam tara ilal-lażīna tawallau qauman gaḍiballāhu ‘alaihim, mā hum minkum wa lā minhum, wa yaḥlifūna ‘alal-każibi wa hum ya‘lamūn(a).
[14] Hindi ka ba tumingin sa mga [mapagpaimbabaw na] tumangkilik sa mga taong [Hudyo na] nagalit si Allāh sa mga iyon? Sila ay hindi kabilang sa inyo [O mga mananampalataya] at hindi kabilang sa mga [tagatangging sumampalatayang] iyon. Sumusumpa sila sa kasinungalingan habang sila ay nakaaalam.

اَعَدَّ اللّٰهُ لَهُمْ عَذَابًا شَدِيْدًاۗ اِنَّهُمْ سَاۤءَ مَا كَانُوْا يَعْمَلُوْنَ١٥
A‘addallāhu lahum ‘ażāban syadīdā(n), innahum sā'a mā kānū ya‘malūn(a).
[15] Naghanda si Allāh para sa kanila ng isang pagdurusang matindi. Tunay na sila ay kay sagwa ang dati nilang ginagawa!

اِتَّخَذُوْٓا اَيْمَانَهُمْ جُنَّةً فَصَدُّوْا عَنْ سَبِيْلِ اللّٰهِ فَلَهُمْ عَذَابٌ مُّهِيْنٌ١٦
Ittakhażū aimānahum junnatan fa ṣaddū ‘an sabīlillāhi falahum ‘ażābum muhīn(un).
[16] Gumawa sila sa mga panunumpa nila bilang panakip [laban sa pagkapatay] kaya sumagabal sila sa landas ni Allāh, kaya ukol sa kanila ay isang pagdurusang manghahamak.

لَنْ تُغْنِيَ عَنْهُمْ اَمْوَالُهُمْ وَلَآ اَوْلَادُهُمْ مِّنَ اللّٰهِ شَيْـًٔاۗ اُولٰۤىِٕكَ اَصْحٰبُ النَّارِۗ هُمْ فِيْهَا خٰلِدُوْنَ١٧
Lan tugniya ‘anhum amwāluhum wa lā aulāduhum minallāhi syai'ā(n), ulā'ika aṣḥābun-nār(i), hum fīhā khālidūn(a).
[17] Hindi makapagpapakinabang para sa kanila ang mga yaman nila ni ang mga anak nila laban kay Allāh sa anuman. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili,

يَوْمَ يَبْعَثُهُمُ اللّٰهُ جَمِيْعًا فَيَحْلِفُوْنَ لَهٗ كَمَا يَحْلِفُوْنَ لَكُمْ وَيَحْسَبُوْنَ اَنَّهُمْ عَلٰى شَيْءٍۗ اَلَآ اِنَّهُمْ هُمُ الْكٰذِبُوْنَ١٨
Yauma yab‘aṡuhumullāhu jamī‘an fa yaḥlifūna lahū kamā yaḥlifūna lakum wa yaḥsabūna annahum ‘alā syai'(in), alā innahum humul-kāżibūn(a).
[18] sa Araw na bubuhay sa kanila si Allāh nang lahatan saka manunumpa sila sa Kanya kung paanong nanunumpa sila sa inyo [na mga mananampalataya]. Nag-aakala sila na sila ay [nakabatay] sa isang bagay. Pansinin, tunay na sila ay ang mga sinungaling.

اِسْتَحْوَذَ عَلَيْهِمُ الشَّيْطٰنُ فَاَنْسٰىهُمْ ذِكْرَ اللّٰهِ ۗ اُولٰۤىِٕكَ حِزْبُ الشَّيْطٰنِۗ اَلَآ اِنَّ حِزْبَ الشَّيْطٰنِ هُمُ الْخٰسِرُوْنَ١٩
Istaḥważa ‘alaihimusy-syaiṭānu fa'ansāhum żikrallāh(i), ulā'ika ḥizbusy-syaiṭān(i), alā inna ḥizbasy-syaiṭāni humul-khāsirūn(a).
[19] Nakagapi sa kanila ang demonyo kaya nagpalimot ito sa kanila ng pag-alaala kay Allāh. Ang mga iyon ay ang lapian ng demonyo. Pansinin, tunay na ang lapian ng demonyo ay ang mga lugi.

اِنَّ الَّذِيْنَ يُحَاۤدُّوْنَ اللّٰهَ وَرَسُوْلَهٗٓ اُولٰۤىِٕكَ فِى الْاَذَلِّيْنَ٢٠
Innal-lażīna yuḥāddūnallāha wa rasūlahū ulā'ika fil-ażallīn(a).
[20] Tunay na ang mga sumasalansang kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad], ang mga iyon ay kabilang sa mga pinakakaaba-aba.

كَتَبَ اللّٰهُ لَاَغْلِبَنَّ اَنَا۠ وَرُسُلِيْۗ اِنَّ اللّٰهَ قَوِيٌّ عَزِيْزٌ٢١
Kataballāhu la'aglibanna ana wa rusulī, innallāha qawiyyun ‘azīz(un).
[21] Nagtakda si Allāh: “Talagang mananaig nga Ako mismo at ang mga sugo Ko.” Tunay na si Allāh ay Malakas, Makapangyarihan.

لَا تَجِدُ قَوْمًا يُّؤْمِنُوْنَ بِاللّٰهِ وَالْيَوْمِ الْاٰخِرِ يُوَاۤدُّوْنَ مَنْ حَاۤدَّ اللّٰهَ وَرَسُوْلَهٗ وَلَوْ كَانُوْٓا اٰبَاۤءَهُمْ اَوْ اَبْنَاۤءَهُمْ اَوْ اِخْوَانَهُمْ اَوْ عَشِيْرَتَهُمْۗ اُولٰۤىِٕكَ كَتَبَ فِيْ قُلُوْبِهِمُ الْاِيْمَانَ وَاَيَّدَهُمْ بِرُوْحٍ مِّنْهُ ۗوَيُدْخِلُهُمْ جَنّٰتٍ تَجْرِيْ مِنْ تَحْتِهَا الْاَنْهٰرُ خٰلِدِيْنَ فِيْهَاۗ رَضِيَ اللّٰهُ عَنْهُمْ وَرَضُوْا عَنْهُۗ اُولٰۤىِٕكَ حِزْبُ اللّٰهِ ۗ اَلَآ اِنَّ حِزْبَ اللّٰهِ هُمُ الْمُفْلِحُوْنَ ࣖ٢٢
Lā tajidu qaumay yu'minūna billāhi wal-yaumil ākhiri yuwāddūna man ḥāddallāha wa rasūlahū wa lau kānū ābā'ahum au abnā'ahum au ikhwānahum au ‘asyīratahum, ulā'ika kataba fī qulūbihimul-īmāna wa ayyadahum birūḥim minh(u), wa yudkhiluhum jannātin tajrī min taḥtihal-anhāru khālidīna fīhā, raḍiyallāhu ‘anhum wa raḍū ‘anh(u), ulā'ika ḥizbullāh(i), alā inna ḥizballāhi humul-mufliḥūn(a).
[22] Hindi ka makatatagpo ng mga taong sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw na nakikipagmahalan sa sinumang sumalansang kay Allāh at sa Sugo Niya, kahit pa man ang mga ito ay mga magulang nila o mga anak nila o mga kapatid nila o angkan nila. Ang mga iyon ay sinulatan Niya sa mga puso nila ng pananampalataya at inalalayan Niya sa pamamagitan ng isang espiritu620 mula sa Kanya. Magpapapasok Siya sa kanila sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito. Nalugod si Allāh sa kanila at nalugod sila sa Kanya. Ang mga iyon ay ang lapian ni Allāh. Pansinin, tunay na ang lapian ni Allāh ay ang mga matagumpay.
[620] Ibig sabihin: isang liwanag isang patotoo.