Surah Al-Waqi’ah

Daftar Surah

بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
اِذَا وَقَعَتِ الْوَاقِعَةُۙ١
Iżā waqa‘atil-wāqi‘ah(tu).
[1] Kapag naganap ang Magaganap,

لَيْسَ لِوَقْعَتِهَا كَاذِبَةٌ ۘ٢
Laisa liwaq‘atihā kāżibah(tun).
[2] para sa pagkaganap nito ay walang isang tagapagpasinungaling,

خَافِضَةٌ رَّافِعَةٌ٣
Khāfiḍatur rāfi‘ah(tun).
[3] na magbababa [ng mananampalataya], mag-aangat [ng tagatangging sumampalataya].

اِذَا رُجَّتِ الْاَرْضُ رَجًّاۙ٤
Iżā rujjatil-arḍu rajjā(n).
[4] Kapag inalog ang lupa sa isang pag-aalog

وَّبُسَّتِ الْجِبَالُ بَسًّاۙ٥
Wa bussatil-jibālu bassā(n).
[5] at dinurog ang mga bundok sa isang pagdurog,

فَكَانَتْ هَبَاۤءً مُّنْۢبَثًّاۙ٦
Fa kānat habā'am mumbaṡṡā(n).
[6] kaya magiging alikabok na kumakalat.

وَّكُنْتُمْ اَزْوَاجًا ثَلٰثَةً ۗ٧
Wa kuntum azwājan ṡalāṡah(tan).
[7] Kayo ay magiging tatlong uri.

فَاَصْحٰبُ الْمَيْمَنَةِ ەۙ مَآ اَصْحٰبُ الْمَيْمَنَةِ ۗ٨
Fa aṣḥābul-maimanah(ti), mā aṣḥābul-maimanah(ti).
[8] Kaya ang mga kasamahan sa dakong kanan, ano ang mga kasamahan sa dakong kanan?

وَاَصْحٰبُ الْمَشْـَٔمَةِ ەۙ مَآ اَصْحٰبُ الْمَشْـَٔمَةِ ۗ٩
Wa aṣḥābul-masy'amah(ti), mā aṣḥābul-masy'amah(ti).
[9] Ang mga kasamahan sa dakong kaliwa, ano ang mga kasamahan sa dakong kaliwa?

وَالسّٰبِقُوْنَ السّٰبِقُوْنَۙ١٠
Was-sābiqūnas-sābiqūn(a).
[10] Ang mga tagapanguna [sa mga kabutihan] ay ang mga tagapanguna [sa Paraiso].

اُولٰۤىِٕكَ الْمُقَرَّبُوْنَۚ١١
Ulā'ikal-muqarrabūn(a).
[11] Ang mga iyon ay ang mga inilapit [kay Allāh]

فِيْ جَنّٰتِ النَّعِيْمِ١٢
Fī jannātin-na‘īm(i).
[12] sa mga hardin ng kaginhawahan.

ثُلَّةٌ مِّنَ الْاَوَّلِيْنَۙ١٣
Ṡullatum minal-awwalīn(a).
[13] Isang pangkat mula sa mga nauna [na yumakap sa Islām]

وَقَلِيْلٌ مِّنَ الْاٰخِرِيْنَۗ١٤
Wa qalīlum minal-ākhirīn(a).
[14] at kaunti mula sa mga nahuli,

عَلٰى سُرُرٍ مَّوْضُوْنَةٍۙ١٥
‘Alā sururim mauḍūnah(tin).
[15] sa mga kamang pinalamutian [ng ginto],

مُّتَّكِـِٕيْنَ عَلَيْهَا مُتَقٰبِلِيْنَ١٦
Muttaki'īna ‘alaihā mutaqābilīn(a).
[16] na mga nakasandal sa mga ito habang mga naghaharapan.

يَطُوْفُ عَلَيْهِمْ وِلْدَانٌ مُّخَلَّدُوْنَۙ١٧
Yaṭūfu ‘alaihim wildānum mukhalladūn(a).
[17] May iikot sa kanila na mga batang lalaki na mga pinamalaging [bata],

بِاَكْوَابٍ وَّاَبَارِيْقَۙ وَكَأْسٍ مِّنْ مَّعِيْنٍۙ١٨
Bi'akwābiw wa abārīq(a), wa ka'sim mim ma‘īn(in).
[18] na may mga baso, mga pitsel, at isang kopa mula sa isang alak [na dalisay] na dumadaloy,

لَّا يُصَدَّعُوْنَ عَنْهَا وَلَا يُنْزِفُوْنَۙ١٩
Lā yuṣadda‘ūna ‘anhā wa lā yunzifūn(a).
[19] na hindi sila pasasakitan [sa ulo] dahil sa mga ito at hindi sila lalanguin,

وَفَاكِهَةٍ مِّمَّا يَتَخَيَّرُوْنَۙ٢٠
Wa fākihatim mimmā yatakhayyarūn(a).
[20] at bungang-kahoy mula sa pinili-pili nila,

وَلَحْمِ طَيْرٍ مِّمَّا يَشْتَهُوْنَۗ٢١
Wa laḥmi ṭairim mimmā yasytahūn(a).
[21] at karne ng ibon kabilang sa ninanasa nila,

وَحُوْرٌ عِيْنٌۙ٢٢
Wa ḥūrun ‘īn(un).
[22] at may mga dilag na magaganda ang mga mata,

كَاَمْثَالِ اللُّؤْلُؤِ الْمَكْنُوْنِۚ٢٣
Ka'amṡālil-lu'lu'il-maknūn(i).
[23] na gaya ng mga tulad ng mga perlas na itinatago,

جَزَاۤءًۢ بِمَا كَانُوْا يَعْمَلُوْنَ٢٤
Jazā'am bimā kānū ya‘malūn(a).
[24] bilang ganti sa dati nilang ginagawa [na maganda].

لَا يَسْمَعُوْنَ فِيْهَا لَغْوًا وَّلَا تَأْثِيْمًاۙ٢٥
Lā yasma‘ūna fīhā lagwaw wa lā ta'ṡīmā(n).
[25] Hindi sila makaririnig doon ng kabalbalan ni ng pagpapakasalanan

اِلَّا قِيْلًا سَلٰمًا سَلٰمًا٢٦
Illā qīlan salāman salāmā(n).
[26] maliban sa pagsasabi ng [pagbati ng] kapayapaan, kapayapaan!

وَاَصْحٰبُ الْيَمِيْنِ ەۙ مَآ اَصْحٰبُ الْيَمِيْنِۗ٢٧
Wa aṣḥābul-yamīn(i), mā aṣḥābul-yamīn(i).
[27] Ang mga kasamahan ng kanan, ano ang mga kasamahan ng kanan?

فِيْ سِدْرٍ مَّخْضُوْدٍۙ٢٨
Fī sidrim makhḍūd(in).
[28] [Sila ay] nasa mga [punong] Sidrah na pinutulan [ng mga tinik]

وَّطَلْحٍ مَّنْضُوْدٍۙ٢٩
Wa ṭalḥim manḍūd(in).
[29] at mga [punong] saging na nagkapatung-patong [ang mga bunga],

وَّظِلٍّ مَّمْدُوْدٍۙ٣٠
Wa ẓillim mamdūd(in).
[30] at sa lilim na inilatag,

وَّمَاۤءٍ مَّسْكُوْبٍۙ٣١
Wa mā'im maskūb(in).
[31] at tubig na pinadaloy,

وَّفَاكِهَةٍ كَثِيْرَةٍۙ٣٢
Wa fākihatin kaṡīrah(tin).
[32] at prutas na marami,

لَّا مَقْطُوْعَةٍ وَّلَا مَمْنُوْعَةٍۙ٣٣
Lā maqṭū‘atiw wa lā mamnū‘ah(tin).
[33] hindi pinuputol at hindi pinipigilan,

وَّفُرُشٍ مَّرْفُوْعَةٍۗ٣٤
Wa furusyim marfū‘ah(tin).
[34] at sa mga higaang iniangat.

اِنَّآ اَنْشَأْنٰهُنَّ اِنْشَاۤءًۙ٣٥
Innā ansya'nāhunna insyā'ā(n).
[35] Tunay na Kami ay nagpaluwal sa kanila604 sa isang [pambihirang] pagpapaluwal,
[604] sa mga kabiyak nila noon sa Mundo, na pumasok kasama nila sa Paraiso.

فَجَعَلْنٰهُنَّ اَبْكَارًاۙ٣٦
Faja‘alnāhunna abkārā(n).
[36] saka gumawa sa kanila na mga birhen,

عُرُبًا اَتْرَابًاۙ٣٧
‘Uruban atrābā(n).
[37] na malalambing na magkakasinggulang,

لِّاَصْحٰبِ الْيَمِيْنِۗ٣٨
Li'aṣḥābil-yamīn(i).
[38] para sa mga kasamahan sa kanan.

ثُلَّةٌ مِّنَ الْاَوَّلِيْنَۙ٣٩
Ṡullatum minal-awwalīn(a).
[39] Isang pangkat mula sa mga nauna

وَثُلَّةٌ مِّنَ الْاٰخِرِيْنَۗ ࣖ٤٠
Wa ṡullatum minal-ākhirīn(a).
[40] at isang pangkat mula sa mga nahuli.

وَاَصْحٰبُ الشِّمَالِ ەۙ مَآ اَصْحٰبُ الشِّمَالِۗ٤١
Wa aṣḥābusy-syimāl(i), mā aṣḥābusy-syimāl(i).
[41] Ang mga kasamahan sa dakong kaliwa,605 ano ang mga kasamahan sa dakong kaliwa?
[605] na ang mga talaan ay ibibigay mula sa kaliwang tagiliran nila: ang mga manihirahan sa Impiyerno.

فِيْ سَمُوْمٍ وَّحَمِيْمٍۙ٤٢
Fī samūmiw wa ḥamīm(in).
[42] [Sila ay] nasa nakapapasong hangin at nakapapasong tubig,

وَّظِلٍّ مِّنْ يَّحْمُوْمٍۙ٤٣
Wa ẓillim miy yaḥmūm(in).
[43] at isang lilim ng isang usok na pagkaitim-itim,

لَّا بَارِدٍ وَّلَا كَرِيْمٍ٤٤
Lā bāridiw wa lā karīm(in).
[44] hindi malamig at hindi marangal.

اِنَّهُمْ كَانُوْا قَبْلَ ذٰلِكَ مُتْرَفِيْنَۚ٤٥
Innahum kānū qabla żālika mutrafīn(a).
[45] Tunay na sila dati bago niyon ay mga pinariwasa.

وَكَانُوْا يُصِرُّوْنَ عَلَى الْحِنْثِ الْعَظِيْمِۚ٤٦
Wa kānū yuṣirrūna ‘alal-ḥinṡil-‘aẓīm(i).
[46] Sila dati ay nagpupumilit ng kabuktutang sukdulan.606
[606] ng kawalang-pananampalataya kay Allāh

وَكَانُوْا يَقُوْلُوْنَ ەۙ اَىِٕذَا مِتْنَا وَكُنَّا تُرَابًا وَّعِظَامًا ءَاِنَّا لَمَبْعُوْثُوْنَۙ٤٧
Wa kānū yaqūlūn(a), a'iżā mitnā wa kunnā turābaw wa ‘iẓāman a'innā lamab‘ūṡūn(a).
[47] Sila dati ay nagsasabi: “Kapag namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga buto, tunay bang kami ay talagang mga bubuhayin,

اَوَاٰبَاۤؤُنَا الْاَوَّلُوْنَ٤٨
Awa'ābā'unal-awwalūn(a).
[48] at ang mga ninuno naming sinauna?”

قُلْ اِنَّ الْاَوَّلِيْنَ وَالْاٰخِرِيْنَۙ٤٩
Qul innal-awwalīna wal-ākhirīn(a).
[49] Sabihin mo: “Tunay na ang mga sinauna at ang mga nahuli

لَمَجْمُوْعُوْنَۙ اِلٰى مِيْقَاتِ يَوْمٍ مَّعْلُوْمٍ٥٠
Lamajmū‘ūn(a), ilā mīqāti yaumim ma‘lūm(in).
[50] ay talagang mga titipunin sa isang takdang oras ng isang araw na nalalaman.”

ثُمَّ اِنَّكُمْ اَيُّهَا الضَّاۤ لُّوْنَ الْمُكَذِّبُوْنَۙ٥١
Ṡumma innakum ayyuhaḍ-ḍāllūnal-mukażżibūn(a).
[51] Pagkatapos tunay na kayo, O mga naliligaw na mga nagpapasinungaling [sa Pagkabuhay]

لَاٰكِلُوْنَ مِنْ شَجَرٍ مِّنْ زَقُّوْمٍۙ٥٢
La'ākilūna min syajarim min zaqqūm(in).
[52] ay talagang mga kakain mula sa mga puno ng Zaqqūm,

فَمَالِـُٔوْنَ مِنْهَا الْبُطُوْنَۚ٥٣
Fa māli'ūna minhal-buṭūn(a).
[53] saka mga magpupuno mula sa mga iyon ng mga tiyan,

فَشٰرِبُوْنَ عَلَيْهِ مِنَ الْحَمِيْمِۚ٥٤
Fasyāribūna ‘alaihi minal-ḥamīm(i).
[54] saka mga iinom sa mga ito mula sa nakapapasong tubig,

فَشٰرِبُوْنَ شُرْبَ الْهِيْمِۗ٥٥
Fa syāribūna syurbal-hīm(i).
[55] saka mga iinom nang pag-inom ng mga uhaw na kamelyo!”

هٰذَا نُزُلُهُمْ يَوْمَ الدِّيْنِۗ٥٦
Hāżā nuzuluhum yaumad-dīn(i).
[56] Ito ay pang-aliw nila sa Araw ng Pagtutumbas.

نَحْنُ خَلَقْنٰكُمْ فَلَوْلَا تُصَدِّقُوْنَ٥٧
Naḥnu khalaqnākum falau lā tuṣaddiqūn(a).
[57] Kami ay lumikha sa inyo kaya bakit kaya hindi kayo naniniwala?

اَفَرَءَيْتُمْ مَّا تُمْنُوْنَۗ٥٨
Afa ra'aitum mā tumnūn(a).
[58] Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa ipinupulandit ninyo [na punlay]?

ءَاَنْتُمْ تَخْلُقُوْنَهٗٓ اَمْ نَحْنُ الْخٰلِقُوْنَ٥٩
A'antum takhluqūnahū am naḥnul-khāliqūn(a).
[59] Kayo ba ay lumilikha niyon [bilang tao] o Kami ay ang Tagalikha?

نَحْنُ قَدَّرْنَا بَيْنَكُمُ الْمَوْتَ وَمَا نَحْنُ بِمَسْبُوْقِيْنَۙ٦٠
Naḥnu qaddarnā bainakumul-mauta wa mā naḥnu bimasbūqīn(a).
[60] Kami ay nagtakda sa gitna ninyo ng kamatayan at Kami ay hindi nauunahan

عَلٰٓى اَنْ نُّبَدِّلَ اَمْثَالَكُمْ وَنُنْشِئَكُمْ فِيْ مَا لَا تَعْلَمُوْنَ٦١
‘Alā an nubaddila amṡālakum wa nunsyi'akum fī mā lā ta‘lamūn(a).
[61] na magpalit Kami ng mga tulad [ng mga anyo] ninyo at [muling] magpaluwal Kami sa inyo sa [mga anyong] hindi ninyo nalalaman.

وَلَقَدْ عَلِمْتُمُ النَّشْاَةَ الْاُوْلٰى فَلَوْلَا تَذَكَّرُوْنَ٦٢
Wa laqad ‘alimtumun-nasy'atal-ūlā falau lā tażakkarūn(a).
[62] Talaga ngang nalaman ninyo ang unang pagpapaluwal, kaya bakit kaya hindi kayo nagsasaalaala?

اَفَرَءَيْتُمْ مَّا تَحْرُثُوْنَۗ٦٣
Afara'aitum mā taḥruṡūn(a).
[63] Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa ipinupunla ninyo?

ءَاَنْتُمْ تَزْرَعُوْنَهٗٓ اَمْ نَحْنُ الزّٰرِعُوْنَ٦٤
A'antum tazra‘ūnahū am naḥnuz-zāri‘ūn(a).
[64] Kayo ba ay nagtatanim niyon o Kami ay ang Tagapagtanim?

لَوْ نَشَاۤءُ لَجَعَلْنٰهُ حُطَامًا فَظَلْتُمْ تَفَكَّهُوْنَۙ٦٥
Lau nasyā'u laja‘alnāhu ḥuṭāman fa ẓaltum tafakkahūn(a).
[65] Kung sakaling niloloob Namin ay talaga sanang ginawa Namin iyon na ipa saka kayo ay magiging nagugulantang,

اِنَّا لَمُغْرَمُوْنَۙ٦٦
Innā lamugramūn(a).
[66] [na magsasabi]: “Tunay na kami ay talagang mga mamultahan;607
[607] dahil sa pagkalugi ng ginugol namin

بَلْ نَحْنُ مَحْرُوْمُوْنَ٦٧
Bal naḥnu maḥrūmūn(a).
[67] bagkus kami ay mga pinagkaitan!”

اَفَرَءَيْتُمُ الْمَاۤءَ الَّذِيْ تَشْرَبُوْنَۗ٦٨
Afa ra'aitumul-mā'al-lażī tasyrabūn(a).
[68] Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa tubig na iniinom ninyo?

ءَاَنْتُمْ اَنْزَلْتُمُوْهُ مِنَ الْمُزْنِ اَمْ نَحْنُ الْمُنْزِلُوْنَ٦٩
A'antum anzaltumūhu minal-muzni am naḥnul-munzilūn(a).
[69] Kayo ba ay nagpababa niyon mula sa mga ulap o Kami ay ang Tagapagpababa?

لَوْ نَشَاۤءُ جَعَلْنٰهُ اُجَاجًا فَلَوْلَا تَشْكُرُوْنَ٧٠
Lau nasyā'u ja‘alnāhu ujājan falau lā tasykurūn(a).
[70] Kung sakaling niloloob Namin ay ginawa sana Namin iyon na maalat, kaya bakit kaya hindi kayo nagpapasalamat?

اَفَرَءَيْتُمُ النَّارَ الَّتِيْ تُوْرُوْنَۗ٧١
Afa ra'aitumun-nāral-latī tūrūn(a).
[71] Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa apoy na pinaniningas ninyo?

ءَاَنْتُمْ اَنْشَأْتُمْ شَجَرَتَهَآ اَمْ نَحْنُ الْمُنْشِـُٔوْنَ٧٢
A'antum ansya'tum syajaratahā am naḥnul-munsyi'ūn(a).
[72] Kayo ba ay nagpapaluwal ng punong-kahoy [na nagpapaningas] nito o Kami ay ang Tagapagpaluwal?

نَحْنُ جَعَلْنٰهَا تَذْكِرَةً وَّمَتَاعًا لِّلْمُقْوِيْنَۚ٧٣
Naḥnu ja‘alnāhā tażkirataw wa matā‘al lil-muqwīn(a).
[73] Kami ay gumawa nito bilang pagpapaalaala at bilang natatamasa para sa mga naglalakbay.

فَسَبِّحْ بِاسْمِ رَبِّكَ الْعَظِيْمِ ࣖ٧٤
Fa sabbiḥ bismi rabbikal-‘aẓīm(i).
[74] Kaya magluwalhati ka sa pangalan ng Panginoon mo, ang Sukdulan.

۞ فَلَآ اُقْسِمُ بِمَوٰقِعِ النُّجُوْمِ٧٥
Falā uqsimu bimawāqi‘in-nujūm(i).
[75] Kaya nanunumpa Ako sa mga lubugan ng mga bituin,

وَاِنَّهٗ لَقَسَمٌ لَّوْ تَعْلَمُوْنَ عَظِيْمٌۙ٧٦
Wa innahū laqasamul lau ta‘lamūna ‘aẓīm(un).
[76] at tunay na ito ay talagang isang panunumpa – kung sakaling nalalaman ninyo – na sukdulan.

اِنَّهٗ لَقُرْاٰنٌ كَرِيْمٌۙ٧٧
Innahū laqur'ānun karīm(un).
[77] Tunay na ito ay talagang isang Qur’ān marangal,

فِيْ كِتٰبٍ مَّكْنُوْنٍۙ٧٨
Fī kitābim maknūn(in).
[78] na nasa isang Aklat na itinatago,608
[608] Ibig sabihin: ang Tablerong Iniingatan.

لَّا يَمَسُّهٗٓ اِلَّا الْمُطَهَّرُوْنَۗ٧٩
Lā yamassuhū illal-muṭahharūn(a).
[79] na walang nakasasaling dito kundi ang mga [anghel na] dinalisay,

تَنْزِيْلٌ مِّنْ رَّبِّ الْعٰلَمِيْنَ٨٠
Tanzīlum mir rabbil-‘ālamīn(a).
[80] na isang pagbababa mula sa Panginoon ng mga nilalang.

اَفَبِهٰذَا الْحَدِيْثِ اَنْتُمْ مُّدْهِنُوْنَۙ٨١
Afa biḥāżal-ḥadīṡi antum mudhinūn(a).
[81] Kaya sa salaysay na ito ba kayo ay mga nagwawalang-bahala?

وَتَجْعَلُوْنَ رِزْقَكُمْ اَنَّكُمْ تُكَذِّبُوْنَ٨٢
Wa taj‘alūna rizqakum annakum tukażżibūn(a).
[82] Gumagawa kayo [sa pagpapasalamat] sa panustos ninyo na kayo ay nagpapasinungaling.

فَلَوْلَآ اِذَا بَلَغَتِ الْحُلْقُوْمَۙ٨٣
Falau lā iżā balagatil-ḥulqūm(a).
[83] Kaya bakit hindi [kayo magpabalik ng kaluluwa] kapag umabot ito sa lalamunan

وَاَنْتُمْ حِيْنَىِٕذٍ تَنْظُرُوْنَۙ٨٤
Wa antum ḥīna'iżin tanẓurūn(a).
[84] habang kayo sa sandaling iyon ay nakatingin?

وَنَحْنُ اَقْرَبُ اِلَيْهِ مِنْكُمْ وَلٰكِنْ لَّا تُبْصِرُوْنَ٨٥
Wa naḥnu aqrabu ilaihi minkum wa lākil lā tubṣirūn(a).
[85] Kami609 ay higit na malapit sa kanya kaysa sa inyo subalit hindi ninyo nakikita.
[609] sa pamamagitan ng kaalaman Namin, kakayahan Namin, at mga anghel Namin

فَلَوْلَآ اِنْ كُنْتُمْ غَيْرَ مَدِيْنِيْنَۙ٨٦
Falau lā in kuntum gaira madīnīn(a).
[86] Kaya bakit hindi – kung kayo ay hindi mga pananagutin –

تَرْجِعُوْنَهَآ اِنْ كُنْتُمْ صٰدِقِيْنَ٨٧
Tarji‘ūnahā in kuntum ṣādiqīn(a).
[87] kayo nagpapabalik [ng kaluluwa sa katawan] nito kung kayo ay mga tapat.

فَاَمَّآ اِنْ كَانَ مِنَ الْمُقَرَّبِيْنَۙ٨٨
Fa ammā in kāna minal-muqarrabīn(a).
[88] Kaya hinggil naman sa kung siya ay kabilang sa mga inilapit [kay Allāh],

فَرَوْحٌ وَّرَيْحَانٌ ەۙ وَّجَنَّتُ نَعِيْمٍ٨٩
Fa rauḥuw wa raiḥān(un), wa jannatu na‘īm(in).
[89] [ukol sa kanya ay] kapahingahan, kaloob, at hardin ng kaginhawahan.

وَاَمَّآ اِنْ كَانَ مِنْ اَصْحٰبِ الْيَمِيْنِۙ٩٠
Wa ammā in kāna min aṣḥābil-yamīn(i).
[90] Hinggil naman sa kung siya ay kabilang sa mga kasamahan ng kanan,

فَسَلٰمٌ لَّكَ مِنْ اَصْحٰبِ الْيَمِيْنِۗ٩١
Fa salāmul laka min aṣḥābil-yamīn(i).
[91] [magsasabi ang mga anghel sa kanya]: “Kapayapaan ay ukol sa iyo na kabilang sa mga kasamahan ng kanan.”

وَاَمَّآ اِنْ كَانَ مِنَ الْمُكَذِّبِيْنَ الضَّاۤلِّيْنَۙ٩٢
Wa ammā in kāna minal-mukażżibīnaḍ-ḍāllīn(a).
[92] Hinggil naman sa kung siya ay kabilang sa mga tagapagpasinungaling na naliligaw,

فَنُزُلٌ مِّنْ حَمِيْمٍۙ٩٣
Fa nuzulum min ḥamīm(in).
[93] [ukol sa kanya ay] isang pang-aliw mula sa nakapapasong tubig

وَّتَصْلِيَةُ جَحِيْمٍ٩٤
Wa taṣliyatu jaḥīm(in).
[94] at isang pagpapasok sa Impiyerno.

اِنَّ هٰذَا لَهُوَ حَقُّ الْيَقِيْنِۚ٩٥
Inna hāżā lahuwal-ḥaqqul-yaqīn(i).
[95] Tunay na ito ay talagang ito ang katotohanan ng katiyakan.

فَسَبِّحْ بِاسْمِ رَبِّكَ الْعَظِيْمِ ࣖ٩٦
Fa sabbiḥ bismi rabbikal-‘aẓīm(i).
[96] Kaya magluwalhati ka sa ngalan ng Panginoon mo, ang Sukdulan.