Surah Ar-Rahman

Daftar Surah

بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
اَلرَّحْمٰنُۙ١
Ar-raḥmān(u).
[1] Ang Napakamaawain [na si Allāh]

عَلَّمَ الْقُرْاٰنَۗ٢
‘Allamal-qur'ān(a).
[2] ay nagturo ng Qur’ān,

خَلَقَ الْاِنْسَانَۙ٣
Khalaqal-insān(a).
[3] lumikha ng tao,

عَلَّمَهُ الْبَيَانَ٤
‘Allamahul-bayān(a).
[4] nagturo rito ng paglilinaw.

اَلشَّمْسُ وَالْقَمَرُ بِحُسْبَانٍۙ٥
Asy-syamsu wal-qamaru biḥusbān(in).
[5] Ang araw at ang buwan ay ayon sa [itinakdang] pagtutuus-tuos.

وَّالنَّجْمُ وَالشَّجَرُ يَسْجُدَانِ٦
Wan-najmu wasy-syajaru yasjudān(i).
[6] Ang bituin at ang punong-kahoy ay nagpapatirapa.

وَالسَّمَاۤءَ رَفَعَهَا وَوَضَعَ الْمِيْزَانَۙ٧
Was-samā'a rafa‘ahā wa waḍa‘al-mīzān(a).
[7] Ang langit ay inangat Niya ito at inilagay Niya ang timbangan

اَلَّا تَطْغَوْا فِى الْمِيْزَانِ٨
Allā taṭgau fil-mīzān(i).
[8] upang hindi kayo magmalabis sa timbangan.

وَاَقِيْمُوا الْوَزْنَ بِالْقِسْطِ وَلَا تُخْسِرُوا الْمِيْزَانَ٩
Wa aqīmul-wazna bil-qisṭi wa lā tukhsirul-mīzān(a).
[9] Magpanatili kayo ng pagtitimbang ayon sa pagkamakatarungan at huwag kayong manlugi sa timbangan.

وَالْاَرْضَ وَضَعَهَا لِلْاَنَامِۙ١٠
Wal-arḍa waḍa‘ahā lil-anām(i).
[10] Ang lupa ay inilagay Niya para sa mga kinapal.

فِيْهَا فَاكِهَةٌ وَّالنَّخْلُ ذَاتُ الْاَكْمَامِۖ١١
Fīhā fākihatuw wan-nakhlu żātul-akmām(i).
[11] Dito ay may bungang-kahoy at ang mga [punong] datiles na may mga saha,

وَالْحَبُّ ذُو الْعَصْفِ وَالرَّيْحَانُۚ١٢
Wal-ḥabbu żul-‘aṣfi war-raiḥān(u).
[12] at ang mga butil na may mga uhay at ang mga mabangong halaman.

فَبِاَيِّ اٰلَاۤءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبٰنِ١٣
Fa bi'ayyi ālā'i rabbikumā tukażżibān(i).
[13] Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

خَلَقَ الْاِنْسَانَ مِنْ صَلْصَالٍ كَالْفَخَّارِ١٤
Khalaqal-insāna min ṣalṣālin kal-fakhkhār(i).
[14] Lumikha Siya ng tao mula sa kumakalansing na luwad gaya ng palayukan.

وَخَلَقَ الْجَاۤنَّ مِنْ مَّارِجٍ مِّنْ نَّارٍۚ١٥
Wa khalaqal-jānna mim mārijim min nār(in).
[15] Lumikha Siya sa jinn mula sa walang usok na liyab ng apoy.

فَبِاَيِّ اٰلَاۤءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبٰنِ١٦
Fa bi'ayyi ālā'i rabbikumā tukażżibān(i).
[16] Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

رَبُّ الْمَشْرِقَيْنِ وَرَبُّ الْمَغْرِبَيْنِۚ١٧
Rabbul-masyriqaini wa rabbul-magribain(i).
[17] [Siya] ang Panginoon ng dalawang silangan at ang Panginoon ng dalawang kanluran [sa tag-init at taglamig].

فَبِاَيِّ اٰلَاۤءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبٰنِ١٨
Fa bi'ayyi ālā'i rabbikumā tukażżibān(i).
[18] Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

مَرَجَ الْبَحْرَيْنِ يَلْتَقِيٰنِۙ١٩
Marajal-baḥraini yaltaqiyān(i).
[19] Nagpaugnay Siya sa dalawang dagat habang nagtatagpo.

بَيْنَهُمَا بَرْزَخٌ لَّا يَبْغِيٰنِۚ٢٠
Bainahumā barzakhul lā yabgiyān(i).
[20] Sa pagitan ng dalawang ito ay may isang halang na hindi nilalampasan ng dalawang ito.

فَبِاَيِّ اٰلَاۤءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبٰنِ٢١
Fa bi'ayyi ālā'i rabbikumā tukażżibān(i).
[21] Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

يَخْرُجُ مِنْهُمَا اللُّؤْلُؤُ وَالْمَرْجَانُۚ٢٢
Yakhruju minhumal-lu'lu'u wal-marjān(u).
[22] Lumalabas mula sa dalawang ito ang mga perlas at ang mga koral.

فَبِاَيِّ اٰلَاۤءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبٰنِ٢٣
Fa bi'ayyi ālā'i rabbikumā tukażżibān(i).
[23] Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

وَلَهُ الْجَوَارِ الْمُنْشَاٰتُ فِى الْبَحْرِ كَالْاَعْلَامِۚ٢٤
Wa lahul-jawāril-munsya'ātu fil-baḥri kal-a‘lām(i).
[24] Sa Kanya ang mga daong na mga nakataas [ang mga layag] sa dagat gaya ng mga bundok.

فَبِاَيِّ اٰلَاۤءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبٰنِ ࣖ٢٥
Fa bi'ayyi ālā'i rabbikumā tukażżibān(i).
[25] Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

كُلُّ مَنْ عَلَيْهَا فَانٍۖ٢٦
Kullu man ‘alaihā fān(in).
[26] Ang bawat sinumang nasa ibabaw ng [lupang] ito ay malilipol.

وَّيَبْقٰى وَجْهُ رَبِّكَ ذُو الْجَلٰلِ وَالْاِكْرَامِۚ٢٧
Wa yabqā wajhu rabbika żul-jalāli wal-ikrām(i).
[27] Mamamalagi naman ang mukha ng Panginoon mo, ang ukol sa pagkapinagpipitaganan at pinagpaparangalan.

فَبِاَيِّ اٰلَاۤءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبٰنِ٢٨
Fa bi'ayyi ālā'i rabbikumā tukażżibān(i).
[28] Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

يَسْـَٔلُهٗ مَنْ فِى السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِۗ كُلَّ يَوْمٍ هُوَ فِيْ شَأْنٍۚ٢٩
Yas'aluhū man fis-samāwāti wal-arḍ(i), kulla yaumin huwa fī sya'n(in).
[29] Nanghihingi sa Kanya ang sinumang nasa mga langit at lupa; sa bawat araw Siya ay nasa isang pumapatungkol.

فَبِاَيِّ اٰلَاۤءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبٰنِ٣٠
Fa bi'ayyi ālā'i rabbikumā tukażżibān(i).
[30] Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

سَنَفْرُغُ لَكُمْ اَيُّهَ الثَّقَلٰنِۚ٣١
Sanafrugu lakum ayyuhaṡ-ṡaqalān(i).
[31] Mag-aatupag Kami para sa inyo, O dalawang mabigat.602
[602] Ibig sabihin: dalawang pangunahing nilikha, ang tao at ang jinn.

فَبِاَيِّ اٰلَاۤءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبٰنِ٣٢
Fa bi'ayyi ālā'i rabbikumā tukażżibān(i).
[32] Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

يٰمَعْشَرَ الْجِنِّ وَالْاِنْسِ اِنِ اسْتَطَعْتُمْ اَنْ تَنْفُذُوْا مِنْ اَقْطَارِ السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِ فَانْفُذُوْاۗ لَا تَنْفُذُوْنَ اِلَّا بِسُلْطٰنٍۚ٣٣
Yā ma‘syaral-jinni wal-insi inistaṭa‘tum an tanfużū min aqṭāris-samāwāti wal-arḍi fanfużū, lā tanfużūna illā bisulṭān(in).
[33] O katipunan ng jinn at tao, kung nakaya ninyo na lumagos sa mga purok ng mga langit at lupa ay lumagos kayo. Hindi kayo lalagos kundi sa pamamagitan ng isang kapangyarihan [na ibinigay ni Allāh].

فَبِاَيِّ اٰلَاۤءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبٰنِ٣٤
Fa bi'ayyi ālā'i rabbikumā tukażżibān(i).
[34] Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

يُرْسَلُ عَلَيْكُمَا شُوَاظٌ مِّنْ نَّارٍۙ وَّنُحَاسٌ فَلَا تَنْتَصِرَانِۚ٣٥
Yursalu ‘alaikumā syuwāẓum min nār(in), wa nuḥāsun falā tantaṣirān(i).
[35] May isusugo sa inyong dalawa na isang purong lagablab ng apoy at isang [lusaw na] tanso, kaya hindi kayong makapag-aadyaan.

فَبِاَيِّ اٰلَاۤءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبٰنِ٣٦
Fa bi'ayyi ālā'i rabbikumā tukażżibān(i).
[36] Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

فَاِذَا انْشَقَّتِ السَّمَاۤءُ فَكَانَتْ وَرْدَةً كَالدِّهَانِۚ٣٧
Fa iżansyaqqatis-samā'u fa kānat wardatan kad-dihān(i).
[37] Saka kapag nabiyak ang langit saka ito ay naging kulay rosas gaya ng kumukulong langis.

فَبِاَيِّ اٰلَاۤءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبٰنِ٣٨
Fa bi'ayyi ālā'i rabbikumā tukażżibān(i).
[38] Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

فَيَوْمَئِذٍ لَّا يُسْـَٔلُ عَنْ ذَنْۢبِهٖٓ اِنْسٌ وَّلَا جَاۤنٌّۚ٣٩
Fa yauma'iżil lā yus'alu ‘an żambihī insuw wa lā jānn(un).
[39] Kaya sa araw na iyon ay walang tatanungin, tungkol sa pagkakasala nito, na isang tao ni isang jinn.

فَبِاَيِّ اٰلَاۤءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبٰنِ٤٠
Fa bi'ayyi ālā'i rabbikumā tukażżibān(i).
[40] Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

يُعْرَفُ الْمُجْرِمُوْنَ بِسِيْمٰهُمْ فَيُؤْخَذُ بِالنَّوَاصِيْ وَالْاَقْدَامِۚ٤١
Yu‘raful-mujrimūna bisīmāhum fa yu'khażu bin-nawāṣī wal-aqdām(i).
[41] Makikilala ang mga salarin sa mga tatak nila, saka dadaklutin sila sa mga buhok ng noo at mga paa.603
[603] saka itatapon sila sa Impiyerno

فَبِاَيِّ اٰلَاۤءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبٰنِ٤٢
Fa bi'ayyi ālā'i rabbikumā tukażżibān(i).
[42] Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

هٰذِهٖ جَهَنَّمُ الَّتِيْ يُكَذِّبُ بِهَا الْمُجْرِمُوْنَۘ٤٣
Hāżihī jahannamul-latī yukażżibu bihal-mujrimūn(a).
[43] Ito ay ang Impiyerno na nagpapasinungaling dito ang mga salarin.

يَطُوْفُوْنَ بَيْنَهَا وَبَيْنَ حَمِيْمٍ اٰنٍۚ٤٤
Yaṭūfūna bainahā wa baina ḥamīmin ān(in).
[44] Iikot sila sa pagitan nito at ng nakapapasong tubig.

فَبِاَيِّ اٰلَاۤءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبٰنِ ࣖ٤٥
Fa bi'ayyi ālā'i rabbikumā tukażżibān(i).
[45] Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

وَلِمَنْ خَافَ مَقَامَ رَبِّهٖ جَنَّتٰنِۚ٤٦
Wa liman khāfa maqāma rabbihī jannatān(i).
[46] Ukol sa sinumang nangamba sa katayuan sa [pagtutuos ng] Panginoon niya ay dalawang hardin.

فَبِاَيِّ اٰلَاۤءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبٰنِۙ٤٧
Fa bi'ayyi ālā'i rabbikumā tukażżibān(i).
[47] Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

ذَوَاتَآ اَفْنَانٍۚ٤٨
Żawātā afnān(in).
[48] [Ang mga ito ay] may maraming sanga.

فَبِاَيِّ اٰلَاۤءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبٰنِ٤٩
Fabi'ayyi ālā'i rabbikumā tukażżibān(i).
[49] Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

فِيْهِمَا عَيْنٰنِ تَجْرِيٰنِۚ٥٠
Fīhimā ‘aināni tajriyān(i).
[50] Sa dalawang ito ay may dalawang bukal na dumadaloy.

فَبِاَيِّ اٰلَاۤءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبٰنِ٥١
Fa bi'ayyi ālā'i rabbikumā tukażżibān(i).
[51] Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

فِيْهِمَا مِنْ كُلِّ فَاكِهَةٍ زَوْجٰنِۚ٥٢
Fīhimā min kulli fākihatin zaujān(i).
[52] Sa dalawang ito, bawat prutas ay magkapares.

فَبِاَيِّ اٰلَاۤءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبٰنِۚ٥٣
Fa bi'ayyi ālā'i rabbikumā tukażżibān(i).
[53] Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

مُتَّكِـِٕيْنَ عَلٰى فُرُشٍۢ بَطَاۤىِٕنُهَا مِنْ اِسْتَبْرَقٍۗ وَجَنَا الْجَنَّتَيْنِ دَانٍۚ٥٤
Muttaki'īna ‘alā furusyim baṭā'inuhā min istabraq(in), wa janal-jannataini dān(in).
[54] Mga nakasandal sa mga supa na ang aporo ng mga ito ay mula sa makapal na sutla at ang ani ng dalawang hardin ay naabot.

فَبِاَيِّ اٰلَاۤءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبٰنِ٥٥
Fa bi'ayyi ālā'i rabbikumā tukażżibān(i).
[55] Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

فِيْهِنَّ قٰصِرٰتُ الطَّرْفِۙ لَمْ يَطْمِثْهُنَّ اِنْسٌ قَبْلَهُمْ وَلَا جَاۤنٌّۚ٥٦
Fīhinna qāṣirātuṭ-ṭarf(i), lam yaṭmiṡhunna insun qablahum wa lā jānn(un).
[56] Sa mga iyon ay may mga babaing naglilimita ng sulyap [sa mga asawa nila], na walang nakipagtalik sa mga ito na isang tao bago nila ni isang jinn.

فَبِاَيِّ اٰلَاۤءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبٰنِۚ٥٧
Fa bi'ayyi ālā'i rabbikumā tukażżibān(i).
[57] Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

كَاَنَّهُنَّ الْيَاقُوْتُ وَالْمَرْجَانُۚ٥٨
Ka'annahunnal-yāqūtu wal-marjān(u).
[58] Para bang sila ay mga rubi at mga koral.

فَبِاَيِّ اٰلَاۤءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبٰنِ٥٩
Fa bi'ayyi ālā'i rabbikumā tukażżibān(i).
[59] Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

هَلْ جَزَاۤءُ الْاِحْسَانِ اِلَّا الْاِحْسَانُۚ٦٠
Hal jazā'ul-iḥsāni illal-iḥsān(u).
[60] Ang ganti kaya sa paggawa ng maganda ay iba pa sa paggawa ng maganda?

فَبِاَيِّ اٰلَاۤءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبٰنِ٦١
Fa bi'ayyi ālā'i rabbikumā tukażżibān(i).
[61] Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

وَمِنْ دُوْنِهِمَا جَنَّتٰنِۚ٦٢
Wa min dūnihimā jannatān(i).
[62] Sa paanan ng dalawang ito ay may dalawang hardin.

فَبِاَيِّ اٰلَاۤءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبٰنِۙ٦٣
Fa bi'ayyi ālā'i rabbikumā tukażżibān(i).
[63] Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

مُدْهَاۤمَّتٰنِۚ٦٤
Mudhāmmatān(i).
[64] Matingkad na luntian [ang dalawang ito].

فَبِاَيِّ اٰلَاۤءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبٰنِ٦٥
Fa bi'ayyi ālā'i rabbikumā tukażżibān(i).
[65] Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

فِيْهِمَا عَيْنٰنِ نَضَّاخَتٰنِۚ٦٦
Fīhimā ‘aināni naḍḍākhatān(i).
[66] Sa dalawang ito ay may dalawang bukal na bumubuga.

فَبِاَيِّ اٰلَاۤءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبٰنِۚ٦٧
Fa bi'ayyi ālā'i rabbikumā tukażżibān(i).
[67] Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

فِيْهِمَا فَاكِهَةٌ وَّنَخْلٌ وَّرُمَّانٌۚ٦٨
Fīhimā fākihatuw wa nakhluw wa rummān(un).
[68] Sa dalawang ito ay may prutas, mga punong datiles, at mga granada.

فَبِاَيِّ اٰلَاۤءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبٰنِۚ٦٩
Fa bi'ayyi ālā'i rabbikumā tukażżibān(i).
[69] Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

فِيْهِنَّ خَيْرٰتٌ حِسَانٌۚ٧٠
Fīhinna khairātun ḥisān(un).
[70] Sa mga ito ay may mga babaing mabubuti na magaganda.

فَبِاَيِّ اٰلَاۤءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبٰنِۚ٧١
Fa bi'ayyi ālā'i rabbikumā tukażżibān(i).
[71] Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

حُوْرٌ مَّقْصُوْرٰتٌ فِى الْخِيَامِۚ٧٢
Ḥūrum maqṣūrātun fil-khiyām(i).
[72] May mga dilag na mga nakalimita sa mga kubol.

فَبِاَيِّ اٰلَاۤءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبٰنِۚ٧٣
Fa bi'ayyi ālā'i rabbikumā tukażżibān(i).
[73] Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

لَمْ يَطْمِثْهُنَّ اِنْسٌ قَبْلَهُمْ وَلَا جَاۤنٌّۚ٧٤
Lam yaṭmiṡhunna insun qablahum wa lā jānn(un).
[74] Walang nakipagtalik sa mga ito na isang tao bago nila ni isang jinn.

فَبِاَيِّ اٰلَاۤءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبٰنِۚ٧٥
Fa bi'ayyi ālā'i rabbikumā tukażżibān(i).
[75] Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

مُتَّكِـِٕيْنَ عَلٰى رَفْرَفٍ خُضْرٍ وَّعَبْقَرِيٍّ حِسَانٍۚ٧٦
Muttaki'īna ‘alā rafrafin khuḍriw wa ‘abqariyyin ḥisān(in).
[76] Mga nakasandal sa mga almohadon na luntian at mga kutson na magaganda.

فَبِاَيِّ اٰلَاۤءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبٰنِۚ٧٧
Fa bi'ayyi ālā'i rabbikumā tukażżibān(i).
[77] Kaya sa alin sa mga biyaya ng Panginoon ninyong dalawa magpapasinungaling kayong dalawa?

تَبٰرَكَ اسْمُ رَبِّكَ ذِى الْجَلٰلِ وَالْاِكْرَامِ ࣖ٧٨
Tabārakasmu rabbika żil-jalāli wal-ikrām(i).
[78] Napakamapagpala ang pangalan ng Panginoon mo, ang ukol sa pagkapinagpipitaganan at pinagpaparangalan.