Surah Al-Qamar

Daftar Surah

بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
اِقْتَرَبَتِ السَّاعَةُ وَانْشَقَّ الْقَمَرُ١
Iqtarabatis-sā‘atu wansyaqqal-qamar(u).
[1] Napalapit ang Huling Sandali at nabiyak601 ang buwan [sa dalawa].
[601] o nabaak.

وَاِنْ يَّرَوْا اٰيَةً يُّعْرِضُوْا وَيَقُوْلُوْا سِحْرٌ مُّسْتَمِرٌّ٢
Wa iy yarau āyatay yu‘riḍū wa yaqūlū siḥrum mustamirr(un).
[2] Kung makakikita sila [na mga tagatangging sumampalataya] ng isang himala ay aayaw sila at magsasabi sila: “Isang panggagaway na nagpapatuloy.”

وَكَذَّبُوْا وَاتَّبَعُوْٓا اَهْوَاۤءَهُمْ وَكُلُّ اَمْرٍ مُّسْتَقِرٌّ٣
Wa każżabū wattaba‘ū ahwā'ahum wa kullu amrim mustaqirr(un).
[3] Nagpasinungaling sila [sa Qur’ān] at sumunod sila sa mga pithaya nila. Bawat bagay ay mananahan.

وَلَقَدْ جَاۤءَهُمْ مِّنَ الْاَنْۢبَاۤءِ مَا فِيْهِ مُزْدَجَرٌۙ٤
Wa laqad jā'ahum minal-ambā'i mā fīhi muzdajar(un).
[4] Talaga ngang dumating sa kanila mula sa mga balita [ng mga kalipunan] ang may pantaboy [sa kawalang-pananampalataya].

حِكْمَةٌ ۢ بَالِغَةٌ فَمَا تُغْنِ النُّذُرُۙ٥
Ḥikmatum bāligatun famā tugnin-nużur(u).
[5] [Ang Qur’ān ay] isang masidhing karunungan, ngunit hindi nagpapakinabang [sa kanila] ang mga babala.

فَتَوَلَّ عَنْهُمْ ۘ يَوْمَ يَدْعُ الدَّاعِ اِلٰى شَيْءٍ نُّكُرٍۙ٦
Fa tawalla ‘anhum, yauma yad‘ud-dā‘i ilā syai'in nukur(in).
[6] Kaya tumalikod ka sa kanila [hanggang] sa araw na mananawagan ang [anghel na] tagapanawagan tungo sa isang bagay na kakila-kilabot.

خُشَّعًا اَبْصَارُهُمْ يَخْرُجُوْنَ مِنَ الْاَجْدَاثِ كَاَنَّهُمْ جَرَادٌ مُّنْتَشِرٌۙ٧
Khusysya‘an abṣāruhum yakhrujūna minal-ajdāṡi ka'annahum jarādum muntasyir(un).
[7] Habang mga nagtataimtim ang mga paningin nila, lalabas sila mula sa mga pinaglibingan na para bang sila ay mga balang na kumakalat,

مُّهْطِعِيْنَ اِلَى الدَّاعِۗ يَقُوْلُ الْكٰفِرُوْنَ هٰذَا يَوْمٌ عَسِرٌ٨
Muhṭi‘īna ilad-dā‘(i), yaqūlul-kāfirūna hāżā yaumun ‘asir(un).
[8] na mga kumakaripas patungo sa tagatawag. Magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya na ito ay isang araw na mahirap.

۞ كَذَّبَتْ قَبْلَهُمْ قَوْمُ نُوْحٍ فَكَذَّبُوْا عَبْدَنَا وَقَالُوْا مَجْنُوْنٌ وَّازْدُجِرَ٩
Każżabat qablahum qaumu nūḥin fakażżabū ‘abdanā wa qālū majnūnuw wazdujir(a).
[9] Nagpasinungaling bago nila ang mga kababayan ni Noe sapagkat nagpasinungaling sila sa lingkod Namin [na si Noe] at nagsabi silang baliw [siya] at ipinagtabuyan siya.

فَدَعَا رَبَّهٗٓ اَنِّيْ مَغْلُوْبٌ فَانْتَصِرْ١٠
Fa da‘ā rabbahū annī maglūbun fantaṣir.
[10] Kaya dumalangin siya sa Panginoon niya: “Tunay na ako ay nadaig kaya mag-adya Ka.”

فَفَتَحْنَآ اَبْوَابَ السَّمَاۤءِ بِمَاۤءٍ مُّنْهَمِرٍۖ١١
Fa fataḥnā abwābas-samā'i bimā'im munhamir(in).
[11] Kaya nagbukas Kami ng mga pinto ng langit na may tubig na bumubuhos.

وَّفَجَّرْنَا الْاَرْضَ عُيُوْنًا فَالْتَقَى الْمَاۤءُ عَلٰٓى اَمْرٍ قَدْ قُدِرَ ۚ١٢
Wa fajjarnal-arḍa ‘uyūnan faltaqal-mā'u ‘alā amrin qad qudir(a).
[12] Nagpabulwak Kami sa lupa ng mga bukal, saka nagtagpo ang tubig [ng langit at lupa] ayon sa isang utos na itinakda.

وَحَمَلْنٰهُ عَلٰى ذَاتِ اَلْوَاحٍ وَّدُسُرٍۙ١٣
Wa ḥamalnāhu ‘alā żāti alwāḥiw wa dusur(in).
[13] Nagdala Kami sa kanya sa [daong na] may mga tabla at mga pako.

تَجْرِيْ بِاَعْيُنِنَاۚ جَزَاۤءً لِّمَنْ كَانَ كُفِرَ١٤
Tajrī bi'a‘yuninā, jazā'al liman kāna kufir(a).
[14] Naglalayag ito sa [pagsusubaybay ng] mga mata Namin bilang ganti para sa dating tinanggihang sampalatayanan.

وَلَقَدْ تَّرَكْنٰهَآ اٰيَةً فَهَلْ مِنْ مُّدَّكِرٍ١٥
Wa laqat taraknāhā āyatan fahal mim muddakir(in).
[15] Talaga ngang nag-iwan Kami nito bilang tanda, kaya may tagapag-alaala kaya?

فَكَيْفَ كَانَ عَذَابِيْ وَنُذُرِ١٦
Fa kaifa kāna ‘ażābī wa nużur(i).
[16] Kaya papaano naging [matindi] ang pagdurusang dulot Ko at ang mga babala Ko?

وَلَقَدْ يَسَّرْنَا الْقُرْاٰنَ لِلذِّكْرِ فَهَلْ مِنْ مُّدَّكِرٍ١٧
Wa laqad yassarnal-qur'āna liż-żikri fahal mim muddakir(in).
[17] Talaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pag-aalaala, kaya may tagapag-alaala kaya?

كَذَّبَتْ عَادٌ فَكَيْفَ كَانَ عَذَابِيْ وَنُذُرِ١٨
Każżabat ‘ādun fa kaifa kāna ‘ażābī wa nużur(i).
[18] Nagpasinungaling ang [liping] `Ād [sa propeta nilang si Hūd], kaya papaano naging [matindi] ang pagdurusang dulot Ko at ang mga babala Ko?

اِنَّآ اَرْسَلْنَا عَلَيْهِمْ رِيْحًا صَرْصَرًا فِيْ يَوْمِ نَحْسٍ مُّسْتَمِرٍّۙ١٩
Innā arsalnā ‘alaihim rīḥan ṣarṣaran fī yaumi naḥsim mustamirr(in).
[19] Tunay na Kami ay nagsugo sa kanila ng isang hanging pagkalamig-lamig sa isang araw ng isang kasawiang-palad na nagpatuloy.

تَنْزِعُ النَّاسَۙ كَاَنَّهُمْ اَعْجَازُ نَخْلٍ مُّنْقَعِرٍ٢٠
Tanzi‘un-nās(a), ka'annahum a‘jāzu nakhlim munqa‘ir(in).
[20] Humuhugot ito sa mga tao na para bang sila ay mga tuod ng mga punong datiles na nasungkal.

فَكَيْفَ كَانَ عَذَابِيْ وَنُذُرِ٢١
Fa kaifa kāna ‘ażābī wa nużur(i).
[21] Kaya papaano naging ang pagdurusang dulot Ko at ang mga babala Ko?

وَلَقَدْ يَسَّرْنَا الْقُرْاٰنَ لِلذِّكْرِ فَهَلْ مِنْ مُّدَّكِرٍ ࣖ٢٢
Wa laqad yassarnal-qur'āna liż-żikri fahal mim muddakir(in).
[22] Talaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pag-aalaala [at pag-unawa], kaya may tagapag-alaala kaya?

كَذَّبَتْ ثَمُوْدُ بِالنُّذُرِ٢٣
Każżabat ṡamūdu bin-nużur(i).
[23] Nagpasinungaling ang [liping] Thamūd sa mga babala.

فَقَالُوْٓا اَبَشَرًا مِّنَّا وَاحِدًا نَّتَّبِعُهٗٓ ۙاِنَّآ اِذًا لَّفِيْ ضَلٰلٍ وَّسُعُرٍ٢٤
Fa qālū abasyaram minnā wāḥidan nattabi‘uh(ū), innā iżal lafī ḍalāliw wa su‘ur(in).
[24] Kaya nagsabi sila: “[Kay Ṣaliḥ na] taong nag-iisa kabilang sa amin ba susunod kami? Tunay na kami, samakatuwid, ay talagang nasa isang pagkaligaw at isang pagkaulol.

ءَاُلْقِيَ الذِّكْرُ عَلَيْهِ مِنْۢ بَيْنِنَا بَلْ هُوَ كَذَّابٌ اَشِرٌ٢٥
A'ulqiyaż-żikru ‘alaihi mim baininā bal huwa każżābun asyir(un).
[25] Iniukol ba ang paalaala sa kanya sa gitna namin? Bagkus siya ay isang palasinungaling na walang-galang.”

سَيَعْلَمُوْنَ غَدًا مَّنِ الْكَذَّابُ الْاَشِرُ٢٦
Saya‘lamūna gadam manil-każżābul-asyir(u).
[26] Makaaalam sila bukas kung sino ang palasinungaling na hambog.

اِنَّا مُرْسِلُوا النَّاقَةِ فِتْنَةً لَّهُمْ فَارْتَقِبْهُمْ وَاصْطَبِرْۖ٢٧
Innā mursilun-nāqati fitnatal lahum fartaqibhum waṣṭabir.
[27] Tunay na Kami ay magsusugo ng dumalagang kamelyo bilang tukso para sa kanila, kaya mag-antabay ka sa kanila at magtiyaga ka.

وَنَبِّئْهُمْ اَنَّ الْمَاۤءَ قِسْمَةٌ ۢ بَيْنَهُمْۚ كُلُّ شِرْبٍ مُّحْتَضَرٌ٢٨
Wa nabbi'hum annal-mā'a qismatum bainahum, kullu syirbim muḥtaḍar(un).
[28] Magbalita ka sa kanila na ang tubig ay binabahagi sa pagitan nila; bawat pag-inom ay halinhinan.

فَنَادَوْا صَاحِبَهُمْ فَتَعَاطٰى فَعَقَرَ٢٩
Fa nādau ṣāḥibahum fa ta‘āṭā fa ‘aqar(a).
[29] Ngunit nanawagan sila sa kasamahan nila, kaya kinuha nito [ang tabak] at kinatay nito.

فَكَيْفَ كَانَ عَذَابِيْ وَنُذُرِ٣٠
Fakaifa kāna ‘ażābī wa nużur(i).
[30] Kaya papaano naging [matindi] ang pagdurusang dulot Ko at ang mga babala Ko?

اِنَّآ اَرْسَلْنَا عَلَيْهِمْ صَيْحَةً وَّاحِدَةً فَكَانُوْا كَهَشِيْمِ الْمُحْتَظِرِ٣١
Innā arsalnā ‘alaihim ṣaiḥataw wāḥidatan fa kānū kahasyīmil-muḥtaẓir(i).
[31] Tunay na Kami ay nagsugo sa kanila ng hiyaw na nag-iisa kaya sila ay naging gaya ng mga tuyot na sanga [na tinanggihan ng] ng nagkukural.

وَلَقَدْ يَسَّرْنَا الْقُرْاٰنَ لِلذِّكْرِ فَهَلْ مِنْ مُّدَّكِرٍ٣٢
Wa laqad yassarnal-qur'āna liż-żikri fahal mim muddakir(in).
[32] Talaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pag-aalaala [at pag-unawa], kaya may tagapag-alaala kaya?

كَذَّبَتْ قَوْمُ لُوْطٍ ۢبِالنُّذُرِ٣٣
Każżabat qaumu lūṭim bin-nużur(i).
[33] Nagpasinungaling ang mga kababayan ni Lot sa mga babala.

اِنَّآ اَرْسَلْنَا عَلَيْهِمْ حَاصِبًا اِلَّآ اٰلَ لُوْطٍ ۗنَجَّيْنٰهُمْ بِسَحَرٍۙ٣٤
Innā arsalnā ‘alaihim ḥāṣiban illā āla lūṭ(in), najjaināhum bisaḥar(in).
[34] Tunay na Kami ay nagsugo sa kanila ng mga bato [na sumalanta sa kanila] maliban sa mag-anak ni Lot; nagligtas Kami sa kanila sa huling bahagi ng gabi

نِّعْمَةً مِّنْ عِنْدِنَاۗ كَذٰلِكَ نَجْزِيْ مَنْ شَكَرَ٣٥
Ni‘matam min ‘indinā, każālika najzī man syakar(a).
[35] bilang pagpapala mula sa ganang Amin. Gayon Kami gumaganti sa sinumang nagpasalamat.

وَلَقَدْ اَنْذَرَهُمْ بَطْشَتَنَا فَتَمَارَوْا بِالنُّذُرِ٣٦
Wa laqad anżarahum baṭsyatanā fa tamārau bin-nużur(i).
[36] Talaga ngang nagbabala siya sa kanila ng pagsunggab Namin ngunit nagtaltalan sila hinggil sa mga babala.

وَلَقَدْ رَاوَدُوْهُ عَنْ ضَيْفِهٖ فَطَمَسْنَآ اَعْيُنَهُمْ فَذُوْقُوْا عَذَابِيْ وَنُذُرِ٣٧
Wa laqad rāwadūhu ‘an ḍaifihī fa ṭamasnā a‘yunahum fa żūqū ‘ażābī wa nużur(i).
[37] Talaga ngang humiling sila sa kanya [na manghalay] sa panauhin niya kaya pumawi Kami sa mga mata nila, [na nagsasabi:] “Kaya lumasap kayo ng pagdurusang dulot Ko at mga babala Ko.”

وَلَقَدْ صَبَّحَهُمْ بُكْرَةً عَذَابٌ مُّسْتَقِرٌّۚ٣٨
Wa laqad ṣabbaḥahum bukratan ‘ażābum mustaqirr(un).
[38] Talaga ngang may sumapit sa kanila sa umaga na isang pagdurusang nananahan.

فَذُوْقُوْا عَذَابِيْ وَنُذُرِ٣٩
Fa żūqū ‘ażābī wa nużur(i).
[39] Kaya lumasap kayo ng pagdurusang dulot Ko at mga babala Ko.

وَلَقَدْ يَسَّرْنَا الْقُرْاٰنَ لِلذِّكْرِ فَهَلْ مِنْ مُّدَّكِرٍ ࣖ٤٠
Wa laqad yassarnal-qur'āna liż-żikri fahal mim muddakir(in).
[40] Talaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pag-aalaala, kaya may tagapag-alaala kaya?

وَلَقَدْ جَاۤءَ اٰلَ فِرْعَوْنَ النُّذُرُۚ٤١
Wa laqad jā'a āla fir‘aunan-nużur(u).
[41] Talaga ngang dumating sa mga alagad ni Paraon ang mga babala.

كَذَّبُوْا بِاٰيٰتِنَا كُلِّهَا فَاَخَذْنٰهُمْ اَخْذَ عَزِيْزٍ مُّقْتَدِرٍ٤٢
Każżabū bi'āyātinā kullihā fa'akhażnāhum akhża ‘azīzim muqtadir(in).
[42] Nagpasinungaling sila sa mga tanda Namin sa kabuuan ng mga ito kaya dumaklot Kami sa kanila ng pagdaklot ng isang Makapangyarihan, isang Tagakaya.

اَكُفَّارُكُمْ خَيْرٌ مِّنْ اُولٰۤىِٕكُمْ اَمْ لَكُمْ بَرَاۤءَةٌ فِى الزُّبُرِۚ٤٣
Akuffārukum khairum min ulā'ikum am lakum barā'atun fiz-zubur(i).
[43] Ang mga tagatangging sumampalataya ninyo ba ay higit na mabuti kaysa sa mga [nalipol na kalipunang] iyon o mayroon kayong kawalang-kaugnayan sa [pagdurusang nasaad sa] mga kasulatan?

اَمْ يَقُوْلُوْنَ نَحْنُ جَمِيْعٌ مُّنْتَصِرٌ٤٤
Am yaqūlūna naḥnu jamī‘um muntaṣir(un).
[44] O nagsasabi sila: “Kami ay katipunang nananaig?”

سَيُهْزَمُ الْجَمْعُ وَيُوَلُّوْنَ الدُّبُرَ٤٥
Sayuhzamul-jam‘u wa yuwallūnad-dubur(a).
[45] Matatalo ang pagkakabuklod at magbabaling sila ng mga likod [nila].

بَلِ السَّاعَةُ مَوْعِدُهُمْ وَالسَّاعَةُ اَدْهٰى وَاَمَرُّ٤٦
Balis-sā‘atu mau‘iduhum was-sā‘atu adhā wa amarr(u).
[46] Bagkus ang Huling Sandali ay ang tipanan nila at ang Huling Sandali ay higit na masaklap at higit na mapait.

اِنَّ الْمُجْرِمِيْنَ فِيْ ضَلٰلٍ وَّسُعُرٍۘ٤٧
Innal-mujrimīna fī ḍalāliw wa su‘ur(in).
[47] Tunay na ang mga salarin ay nasa isang pagkaligaw [sa Mundo] at isang pagdurusa [sa Kabilang-buhay].

يَوْمَ يُسْحَبُوْنَ فِى النَّارِ عَلٰى وُجُوْهِهِمْۗ ذُوْقُوْا مَسَّ سَقَرَ٤٨
Yauma yusḥabūna fin-nāri ‘alā wujūhihim, żūqū massa saqar(a).
[48] Sa araw na kakaladkarin sila sa Apoy sa [pagkasubsob ng] mga mukha nila, [sasabihin sa kanila]: “Lumasap kayo ng saling ng [impiyernong] Init!”

اِنَّا كُلَّ شَيْءٍ خَلَقْنٰهُ بِقَدَرٍ٤٩
Innā kulla syai'in khalaqnāhu biqadar(in).
[49] Tunay na Kami sa bawat bagay ay lumikha ayon sa isang takda.

وَمَآ اَمْرُنَآ اِلَّا وَاحِدَةٌ كَلَمْحٍ ۢبِالْبَصَرِ٥٠
Wa mā amrunā illā wāḥidatun kalamḥim bil-baṣar(i).
[50] Walang iba ang utos Namin kundi nag-iisa gaya ng kisap ng paningin.

وَلَقَدْ اَهْلَكْنَآ اَشْيَاعَكُمْ فَهَلْ مِنْ مُّدَّكِرٍ٥١
Wa laqad ahlaknā asy-yā‘akum fahal mim muddakir(in).
[51] Talaga ngang nagpahamak Kami ng mga kakampi ninyo, kaya may tagapag-alaala kaya?

وَكُلُّ شَيْءٍ فَعَلُوْهُ فِى الزُّبُرِ٥٢
Wa kullu syai'in fa‘alūhu fiz-zubur(i).
[52] Bawat bagay na ginawa nila ay nasa mga kasulatan.

وَكُلُّ صَغِيْرٍ وَّكَبِيْرٍ مُّسْتَطَرٌ٥٣
Wa kullu ṣagīriw wa kabīrim mustaṭar(un).
[53] Bawat maliit at malaki ay nakatitik.

اِنَّ الْمُتَّقِيْنَ فِيْ جَنّٰتٍ وَّنَهَرٍۙ٥٤
Innal-muttaqīna fī jannātiw wa nahar(in).
[54] Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga hardin at mga ilog,

فِيْ مَقْعَدِ صِدْقٍ عِنْدَ مَلِيْكٍ مُّقْتَدِرٍ ࣖ٥٥
Fī maq‘adi ṣidqin ‘inda malīkim muqtadir(in).
[55] sa upuan ng katapatan sa piling [ni Allāh ang] Haring Tagakaya.