Surah At-Tur

Daftar Surah

بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
وَالطُّوْرِۙ١
Waṭ-ṭūr(i).
[1] Sumpa man sa Bundok,590
[590] ng Sinai na kinausap doon ni Allāh si Moises.

وَكِتٰبٍ مَّسْطُوْرٍۙ٢
Wa kitābim masṭūr(in).
[2] sumpa man sa isang Aklat591 na natitikan
[591] Ibig sabihin: ang Qur’an.

فِيْ رَقٍّ مَّنْشُوْرٍۙ٣
Fī raqqim mansyūr(in).
[3] sa isang pergaminong nakaladlad,

وَّالْبَيْتِ الْمَعْمُوْرِۙ٤
Wal-baitil-ma‘mūr(i).
[4] sumpa man sa Bahay na Dinadalaw-dalaw,592
[592] na pinupuno ng pagsamba kay Allāh ng mga anghel sa langit

وَالسَّقْفِ الْمَرْفُوْعِۙ٥
Was-saqfil-marfū‘(i).
[5] sumpa man sa bubong [na langit] na iniangat,

وَالْبَحْرِ الْمَسْجُوْرِۙ٦
Wal-baḥril-masjūr(i).
[6] sumpa man sa dagat na pinupuno [ng tubig],

اِنَّ عَذَابَ رَبِّكَ لَوَاقِعٌۙ٧
Inna ‘ażāba rabbika lawāqi‘(un).
[7] tunay na ang pagdurusang dulot ng Panginoon mo ay talagang magaganap.

مَّا لَهٗ مِنْ دَافِعٍۙ٨
Mā lahū min dāfi‘(in).
[8] Walang ukol dito na anumang tagatulak,

يَّوْمَ تَمُوْرُ السَّمَاۤءُ مَوْرًاۙ٩
Yauma tamūrus-samā'u maurā(n).
[9] sa araw na mayayanig ang langit sa isang pagyanig,

وَّتَسِيْرُ الْجِبَالُ سَيْرًاۗ١٠
Wa tasīrul-jibālu sairā(n).
[10] at uusad ang mga bundok sa isang pag-usad.

فَوَيْلٌ يَّوْمَىِٕذٍ لِّلْمُكَذِّبِيْنَۙ١١
Fawailuy yauma'iżil lil-mukażżibīn(a).
[11] Kaya kapighatian sa araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling,

الَّذِيْنَ هُمْ فِيْ خَوْضٍ يَّلْعَبُوْنَۘ١٢
Allażīna hum fī khauḍiy yal‘abūn(a).
[12] na sila sa isang pagsuong [sa kabulaanan] ay naglalaro.

يَوْمَ يُدَعُّوْنَ اِلٰى نَارِ جَهَنَّمَ دَعًّاۗ١٣
Yauma yuda‘‘ūna ilā nāri jahannama da‘‘ā(n).
[13] Sa araw na ipagtutulakan sila patungo sa apoy ng Impiyerno sa isang pagtutulakan [at sasabihan:]

هٰذِهِ النَّارُ الَّتِيْ كُنْتُمْ بِهَا تُكَذِّبُوْنَ١٤
Hāżihin-nārul-latī kuntum bihā tukażżibūn(a).
[14] “Ito ay ang Apoy [ng Impiyerno] na kayo dati hinggil dito ay nagpapasinungaling.”

اَفَسِحْرٌ هٰذَآ اَمْ اَنْتُمْ لَا تُبْصِرُوْنَ١٥
Afasiḥrun hāżā am antum lā tubṣirūn(a).
[15] Kaya panggagaway ba [ang pagdurusang] ito o kayo ay hindi nakakikita?

اِصْلَوْهَا فَاصْبِرُوْٓا اَوْ لَا تَصْبِرُوْاۚ سَوَاۤءٌ عَلَيْكُمْۗ اِنَّمَا تُجْزَوْنَ مَا كُنْتُمْ تَعْمَلُوْنَ١٦
Iṣlauhā faṣbirū au lā taṣbirū, sawā'un ‘alaikum, innamā tujzauna mā kuntum ta‘malūn(a).
[16] Masunog kayo rito [sa apoy] at magtiis kayo o huwag kayong magtiis: magkapantay sa inyo; gagantihan lamang kayo ng dati ninyong ginagawa [na kasamaan].

اِنَّ الْمُتَّقِيْنَ فِيْ جَنّٰتٍ وَّنَعِيْمٍۙ١٧
Innal-muttaqīna fī jannātiw wa na‘īm(in).
[17] Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga hardin at kaginhawahan,

فٰكِهِيْنَ بِمَآ اٰتٰىهُمْ رَبُّهُمْۚ وَوَقٰىهُمْ رَبُّهُمْ عَذَابَ الْجَحِيْمِ١٨
Fākihīna bimā ātāhum rabbuhum, wa waqāhum rabbuhum ‘ażābal-jaḥīm(i).
[18] na mga nagpapasarap sa ibinigay sa kanila ng Panginoon nila at [dahil] nagsanggalang sa kanila ang Panginoon nila sa pagdurusa sa Impiyerno.

كُلُوْا وَاشْرَبُوْا هَنِيْۤـًٔا ۢبِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُوْنَۙ١٩
Kulū wasyrabū hanī'am bimā kuntum ta‘malūn(a).
[19] [Sasabihan sila:] “Kumain kayo at uminom kayo nang kaiga-igaya dahil sa dati ninyong ginagawa,

مُتَّكِـِٕيْنَ عَلٰى سُرُرٍ مَّصْفُوْفَةٍۚ وَزَوَّجْنٰهُمْ بِحُوْرٍ عِيْنٍ٢٠
Muttaki'īna ‘alā sururim maṣfūfah(tin), wa zawwajnāhum biḥūrin ‘īn(in).
[20] habang mga nakasandal sa mga kama na inihanay.” Magkakasal Kami sa kanila sa mga dilag na may maninining na mata.

وَالَّذِيْنَ اٰمَنُوْا وَاتَّبَعَتْهُمْ ذُرِّيَّتُهُمْ بِاِيْمَانٍ اَلْحَقْنَا بِهِمْ ذُرِّيَّتَهُمْ وَمَآ اَلَتْنٰهُمْ مِّنْ عَمَلِهِمْ مِّنْ شَيْءٍۗ كُلُّ امْرِئٍ ۢبِمَا كَسَبَ رَهِيْنٌ٢١
Wal-lażīna āmanū wattaba‘athum żurriyyatuhum bi'īmānin alḥaqnā bihim żurriyyatahum wa mā alatnāhum min ‘amalihim min syai'(in), kullumri'im bimā kasaba rahīn(un).
[21] Ang mga sumampalataya at sumunod sa kanila sa pananampalataya ang mga supling nila ay mag-uugnay Kami sa kanila sa mga supling nila at hindi Kami babawas sa kanila mula sa [magandang] gawa nila ng anuman. Ang bawat tao, sa nakamit niya, ay mananagot.

وَاَمْدَدْنٰهُمْ بِفَاكِهَةٍ وَّلَحْمٍ مِّمَّا يَشْتَهُوْنَ٢٢
Wa amdadnāhum bifākihatiw wa laḥmim mimmā yasytahūn(a).
[22] Magkakaloob Kami sa kanila ng prutas at karne kabilang sa ninanasa nila.

يَتَنَازَعُوْنَ فِيْهَا كَأْسًا لَّا لَغْوٌ فِيْهَا وَلَا تَأْثِيْمٌ٢٣
Yatanāza‘ūna fīhā ka'sal lā lagwun fīhā wa lā ta'ṡīm(un).
[23] Magpapasahan sila roon ng tasa [ng alak] na walang satsatan dito at walang pagpapakasalanan.

۞ وَيَطُوْفُ عَلَيْهِمْ غِلْمَانٌ لَّهُمْ كَاَنَّهُمْ لُؤْلُؤٌ مَّكْنُوْنٌۚ٢٤
Wa yaṭūfu ‘alaihim gilmānul lahum ka'annahum lu'lu'um maknūn(un).
[24] May iikot sa kanila na mga batang lalaki [na pinagsilbi] para sa kanila, na para bang ang mga iyon ay mga perlas na itinatago.

وَاَقْبَلَ بَعْضُهُمْ عَلٰى بَعْضٍ يَّتَسَاۤءَلُوْنَ٢٥
Wa aqbala ba‘ḍuhum ‘alā ba‘ḍiy yatasā'alūn(a).
[25] Lalapit ang iba sa kanila sa iba pa habang nagtatanungan.

قَالُوْٓا اِنَّا كُنَّا قَبْلُ فِيْٓ اَهْلِنَا مُشْفِقِيْنَ٢٦
Qālū innā kunnā qablu fī ahlinā musyfiqīn(a).
[26] Magsasabi sila: “Tunay na kami dati bago pa niyan sa mga mag-anak namin ay mga nababagabag [pagdurusa sa Kabilang-buhay].

فَمَنَّ اللّٰهُ عَلَيْنَا وَوَقٰىنَا عَذَابَ السَّمُوْمِ٢٧
Fa mannallāhu ‘alainā wa waqānā ‘ażābas-samūm(i).
[27] Ngunit nagmagandang-loob si Allāh sa amin at nagsanggalang Siya sa amin sa pagdurusa sa nakapapasong hangin.

اِنَّا كُنَّا مِنْ قَبْلُ نَدْعُوْهُۗ اِنَّهٗ هُوَ الْبَرُّ الرَّحِيْمُ ࣖ٢٨
Innā kunnā min qablu nad‘ūh(u), innahū huwal-barrur-raḥīm(u).
[28] Tunay na kami dati bago pa niyan ay dumadalangin sa Kanya; tunay na Siya ay ang Mabuting-loob, ang Maawain.

فَذَكِّرْ فَمَآ اَنْتَ بِنِعْمَتِ رَبِّكَ بِكَاهِنٍ وَّلَا مَجْنُوْنٍۗ٢٩
Fa żakkir famā anta bini‘mati rabbika bikāhiniw wa lā majnūn(in).
[29] Kaya magpaalaala ka [sa kanila nang tuluy-tuloy] sapagkat hindi ka, dahil sa biyaya ng Panginoon mo, isang manghuhula, ni isang baliw.

اَمْ يَقُوْلُوْنَ شَاعِرٌ نَّتَرَبَّصُ بِهٖ رَيْبَ الْمَنُوْنِ٣٠
Am yaqūlūna syā‘irin natarabbaṣu bihī raibal-manūn(i).
[30] O nagsasabi sila: “Isang makata [siya], na nag-aabang kami sa kanya ng sakuna ng panahon.”

قُلْ تَرَبَّصُوْا فَاِنِّيْ مَعَكُمْ مِّنَ الْمُتَرَبِّصِيْنَۗ٣١
Qul tarabbaṣū fa innī ma‘akum minal-mutarabbiṣīn(a).
[31] Sabihin mo: “Mag-abang kayo [sa kamatayan ko] sapagkat tunay na ako ay kasama sa inyo kabilang sa mga tagapag-abang [sa pagdurusa ninyo].”

اَمْ تَأْمُرُهُمْ اَحْلَامُهُمْ بِهٰذَآ اَمْ هُمْ قَوْمٌ طَاغُوْنَۚ٣٢
Am ta'muruhum aḥlāmuhum bihāżā am hum qaumun ṭāgūn(a).
[32] O nag-uutos ba sa kanila ang mga isipan nila [ng paratang] na ito o sila ay mga taong tagapagmalabis?

اَمْ يَقُوْلُوْنَ تَقَوَّلَهٗۚ بَلْ لَّا يُؤْمِنُوْنَۚ٣٣
Am yaqūlūna taqawwalah(ū), bal lā yu'minūn(a).
[33] O nagsasabi ba silang nagsabi-sabi siya [ng Qur’ān na] ito? Bagkus hindi sila sumasampalataya.

فَلْيَأْتُوْا بِحَدِيْثٍ مِّثْلِهٖٓ اِنْ كَانُوْا صٰدِقِيْنَۗ٣٤
Falya'tū biḥadīṡim miṡlihī in kānū ṣādiqīn(a).
[34] Kaya maglahad sila ng isang salaysay tulad [ng Qur’ān] kung sila ay mga tapat.

اَمْ خُلِقُوْا مِنْ غَيْرِ شَيْءٍ اَمْ هُمُ الْخٰلِقُوْنَۗ٣٥
Am khuliqū min gairi syai'in am humul-khāliqūn(a).
[35] O nilikha sila ng hindi isang anuman o sila ay ang mga tagalikha?

اَمْ خَلَقُوا السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضَۚ بَلْ لَّا يُوْقِنُوْنَۗ٣٦
Am khalaqus-samāwāti wal-arḍ(a), bal lā yūqinūn(a).
[36] O lumikha sila ng mga langit at lupa? Bagkus hindi sila nakatitiyak.

اَمْ عِنْدَهُمْ خَزَاۤىِٕنُ رَبِّكَ اَمْ هُمُ الْمُصَۣيْطِرُوْنَۗ٣٧
Am ‘indahum khazā'inu rabbika am humul-musaiṭirūn(a).
[37] O taglay ba nila ang mga imbakan ng Panginoon mo, o sila ay ang mga tagapangibabaw?

اَمْ لَهُمْ سُلَّمٌ يَّسْتَمِعُوْنَ فِيْهِۚ فَلْيَأْتِ مُسْتَمِعُهُمْ بِسُلْطٰنٍ مُّبِيْنٍۗ٣٨
Am lahum sullamuy yastami‘ūna fīh(i), falya'ti mustami‘uhum bisulṭānim mubīn(in).
[38] O mayroon ba silang isang hagdan [paakyat sa langit] na nakakapakinig sila roon? Kaya [kung gayon] ay maglahad ang tagapakinig nila ng isang katunayang malinaw.

اَمْ لَهُ الْبَنٰتُ وَلَكُمُ الْبَنُوْنَۗ٣٩
Am lahul-banātu wa lakumul-banūn(a).
[39] O ukol sa Kanya ay ang mga anak na babae at ukol naman sa inyo ay ang mga anak na lalaki?

اَمْ تَسْـَٔلُهُمْ اَجْرًا فَهُمْ مِّنْ مَّغْرَمٍ مُّثْقَلُوْنَۗ٤٠
Am tas'aluhum ajran fahum mim magramim muṡqalūn(a).
[40] O nanghihingi ka ba [O Propeta Muḥammad] sa kanila ng isang pabuya593 kaya sila dahil sa isang pagkakamulta ay mga napabibigatan?
[593] sa pagpapaabot mo ng mensahe mula sa Panginoon mo

اَمْ عِنْدَهُمُ الْغَيْبُ فَهُمْ يَكْتُبُوْنَۗ٤١
Am ‘indahumul-gaibu fahum yaktubūn(a).
[41] O taglay ba nila ang [kaalaman sa] nakalingid kaya sila ay nagsusulat [nito]?

اَمْ يُرِيْدُوْنَ كَيْدًاۗ فَالَّذِيْنَ كَفَرُوْا هُمُ الْمَكِيْدُوْنَۗ٤٢
Am yurīdūna kaidā(n), fal-lażīna kafarū humul-makīdūn(a).
[42] O nagnanais ba sila ng isang panlalansi [laban sa iyo O Propeta] ngunit ang mga tumangging sumampalataya ay ang mga nilalansi?

اَمْ لَهُمْ اِلٰهٌ غَيْرُ اللّٰهِ ۗسُبْحٰنَ اللّٰهِ عَمَّا يُشْرِكُوْنَ٤٣
Am lahum ilāhun gairullāh(i), subḥānallāhi ‘ammā yusyrikūn(a).
[43] O mayroon ba silang diyos na iba pa kay Allāh? Kaluwalhatian kay Allāh higit sa anumang itinatambal nila!

وَاِنْ يَّرَوْا كِسْفًا مِّنَ السَّمَاۤءِ سَاقِطًا يَّقُوْلُوْا سَحَابٌ مَّرْكُوْمٌ٤٤
Wa iy yarau kisfam minas-samā'i sāqiṭay yaqūlū saḥābum markūm(un).
[44] Kung may makikita sila na isang tipak mula sa langit na bumabagsak ay magsasabi sila: “Mga ulap na ibinunton.”

فَذَرْهُمْ حَتّٰى يُلٰقُوْا يَوْمَهُمُ الَّذِيْ فِيْهِ يُصْعَقُوْنَۙ٤٥
Fażarhum ḥattā yulāqū yaumahumul-lażī fīhi yuṣ‘aqūn(a).
[45] Kaya pabayaan mo sila hanggang sa makipagtagpo sila sa araw nila na doon ay malilintikan sila,

يَوْمَ لَا يُغْنِيْ عَنْهُمْ كَيْدُهُمْ شَيْـًٔا وَّلَا هُمْ يُنْصَرُوْنَۗ٤٦
Yauma lā yugnī ‘anhum kaiduhum syai'aw wa lā hum yunṣarūn(a).
[46] sa Araw na hindi makapagdudulot para sa kanila ang panlalansi nila ng anuman ni sila ay iaadya.

وَاِنَّ لِلَّذِيْنَ ظَلَمُوْا عَذَابًا دُوْنَ ذٰلِكَ وَلٰكِنَّ اَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُوْنَ٤٧
Wa inna lil-lażīna ẓalamū ‘ażāban dūna żālika wa lākinna akṡarahum lā ya‘lamūn(a).
[47] Tunay na ukol sa mga lumabag sa katarungan594 ay isang pagdurusang iba pa rito [sa Mundo] subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.
[594] sa mga sarili nila dahil sa Shirk at mga pagsuway

وَاصْبِرْ لِحُكْمِ رَبِّكَ فَاِنَّكَ بِاَعْيُنِنَا وَسَبِّحْ بِحَمْدِ رَبِّكَ حِيْنَ تَقُوْمُۙ٤٨
Waṣbir liḥukmi rabbika fa innaka bi'a‘yuninā wa sabbiḥ biḥamdi rabbika ḥīna taqūm(u).
[48] Magtiis ka sa hatol ng Panginoon mo sapagkat tunay na ikaw ay nasa mga mata Namin595 at magluwalhati ka kasabay ng pagpupuri sa Panginoon mo kapag bumangon ka.
[595] Ibig sabihin: sa ilaim ng paningin, pangangalaga, at pagsasanggalang Namin

وَمِنَ الَّيْلِ فَسَبِّحْهُ وَاِدْبَارَ النُّجُوْمِ ࣖ٤٩
Wa minal-laili fa sabbiḥhu wa idbāran-nujūm(i).
[49] Sa bahagi ng gabi ay magluwalhati ka sa Kanya at sa paglubog ng mga bituin [sa madaling-araw].