Surah Az-Zariyat

Daftar Surah

بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
وَالذّٰرِيٰتِ ذَرْوًاۙ١
Waż-żāriyāti żarwā(n).
[1] Sumpa582 man sa mga [hanging] tagapagpalipad sa pagpapalipad [ng alikabok],
[582] Ang mga panununumpa sa mga bagay na nabanggit sa Qur'an ay panunumpa ni Allāh.

فَالْحٰمِلٰتِ وِقْرًاۙ٢
Fal-ḥāmilāti wiqrā(n).
[2] saka sa mga [ulap na] tagapagdala ng lulan [na tubig],

فَالْجٰرِيٰتِ يُسْرًاۙ٣
Fal-jāriyāti yusrā(n).
[3] at sa mga [daong na] tagapaglayag nang magaan,

فَالْمُقَسِّمٰتِ اَمْرًاۙ٤
Fal-muqassimāti amrā(n).
[4] saka sa mga [anghel na] tagapagbahagi ng nauukol,

اِنَّمَا تُوْعَدُوْنَ لَصَادِقٌۙ٥
Innamā tū‘adūna laṣādiq(un).
[5] tunay na ang ipinangangako sa inyo ay talagang tapat,

وَّاِنَّ الدِّيْنَ لَوَاقِعٌۗ٦
Wa innad-dīna lawāqi‘(un).
[6] at tunay na ang Pagtutumbas ay talagang magaganap!

وَالسَّمَاۤءِ ذَاتِ الْحُبُكِۙ٧
Was-samā'i żātil-ḥubuk(i).
[7] Sumpa man sa langit na may mga daanan,

اِنَّكُمْ لَفِيْ قَوْلٍ مُّخْتَلِفٍۙ٨
Innakum lafī qaulim mukhtalif(in).
[8] tunay na kayo ay talagang nasa isang pagsasabing nagkakaiba [tungkol sa Qur’ān na ito].

يُّؤْفَكُ عَنْهُ مَنْ اُفِكَۗ٩
Yu'faku ‘anhu man ufik(a).
[9] Nalilinlang palayo rito [sa Qur’ān] ang sinumang nalinlang.

قُتِلَ الْخَرَّاصُوْنَۙ١٠
Qutilal-kharrāṣūn(a).
[10] Napahamak ang mga palasapantaha,

الَّذِيْنَ هُمْ فِيْ غَمْرَةٍ سَاهُوْنَۙ١١
Allażīna hum fī gamratin sāhūn(a).
[11] na sila sa isang pagkalubog [sa kamangmangan] ay mga nakaliligta.

يَسْـَٔلُوْنَ اَيَّانَ يَوْمُ الدِّيْنِۗ١٢
Yas'alūna ayyāna yaumud-dīn(i).
[12] Nagtatanong sila: “Kailan ang Araw ng Pagtutumbas?”

يَوْمَ هُمْ عَلَى النَّارِ يُفْتَنُوْنَ١٣
Yauma hum ‘alan-nāri yuftanūn(a).
[13] [Ito ay] sa araw na sila sa ibabaw ng Apoy ay sinisilaban.

ذُوْقُوْا فِتْنَتَكُمْۗ هٰذَا الَّذِيْ كُنْتُمْ بِهٖ تَسْتَعْجِلُوْنَ١٤
Żūqū fitnatakum, hāżal-lażī kuntum bihī tasta‘jilūn(a).
[14] Lasapin ninyo ang pagsilab sa inyo; ito ay ang dati ninyong minamadali!

اِنَّ الْمُتَّقِيْنَ فِيْ جَنّٰتٍ وَّعُيُوْنٍۙ١٥
Innal-muttaqīna fī jannātiw wa ‘uyūn(in).
[15] Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga hardin at mga bukal,

اٰخِذِيْنَ مَآ اٰتٰىهُمْ رَبُّهُمْ ۗ اِنَّهُمْ كَانُوْا قَبْلَ ذٰلِكَ مُحْسِنِيْنَۗ١٦
Ākhiżīna mā ātāhum rabbuhum, innahum kānū qabla żālika muḥsinīn(a).
[16] habang mga kumukuha ng anumang ibinigay sa kanila ng Panginoon nila. Tunay na sila dati bago niyon ay mga tagagawa ng maganda.

كَانُوْا قَلِيْلًا مِّنَ الَّيْلِ مَا يَهْجَعُوْنَ١٧
Kānū qalīlam minal-laili mā yahja‘ūn(a).
[17] Sila dati ay kaunti mula sa gabi ang iniidlip.583
[583] dahil palagi sa mga kusang-loob na pagdarasal sa gabi

وَبِالْاَسْحَارِ هُمْ يَسْتَغْفِرُوْنَ١٨
Wa bil-asḥāri hum yastagfirūn(a).
[18] Sa mga huling bahagi ng gabi, sila ay humihingi ng tawad [kay Allāh].

وَفِيْٓ اَمْوَالِهِمْ حَقٌّ لِّلسَّاۤىِٕلِ وَالْمَحْرُوْمِ١٩
Wa fī amwālihim ḥaqqul lis-sā'ili wal-maḥrūm(i).
[19] Sa mga yaman nila ay may karapatan para sa nanghihingi at napagkakaitan.584 [na hindi nanghihingi].
[584] na hindi nanghihingi dahil sa pagkahiya.

وَفِى الْاَرْضِ اٰيٰتٌ لِّلْمُوْقِنِيْنَۙ٢٠
Wa fil-arḍi āyātul lil-mūqinīn(a).
[20] Sa lupa ay may mga tanda para sa mga nakatitiyak,

وَفِيْٓ اَنْفُسِكُمْ ۗ اَفَلَا تُبْصِرُوْنَ٢١
Wa fī anfusikum, afalā tubṣirūn(a).
[21] at sa mga sarili ninyo. Kaya hindi ba kayo nakakikita?

وَفِى السَّمَاۤءِ رِزْقُكُمْ وَمَا تُوْعَدُوْنَ٢٢
Wa fis-samā'i rizqukum wa mā tū‘adūn(a).
[22] Sa langit ay ang panustos ninyo at ang ipinangangako sa inyo.

فَوَرَبِّ السَّمَاۤءِ وَالْاَرْضِ اِنَّهٗ لَحَقٌّ مِّثْلَ مَآ اَنَّكُمْ تَنْطِقُوْنَ ࣖ٢٣
Fa wa rabbis-samā'i wal-arḍi innahū laḥaqqum miṡla mā annakum tanṭiqūn(a).
[23] Kaya sumpa man sa Panginoon ng langit at lupa, tunay na ito ay talagang katotohanan tulad ng [katotohanan na] kayo ay bumibigkas [niyon].

هَلْ اَتٰىكَ حَدِيْثُ ضَيْفِ اِبْرٰهِيْمَ الْمُكْرَمِيْنَۘ٢٤
Hal atāka ḥadīṡu ḍaifi ibrāhīmal-mukramīn(a).
[24] Dumating kaya sa iyo ang salaysay ng mga panauhin ni Abraham, na mga pinarangalan?

اِذْ دَخَلُوْا عَلَيْهِ فَقَالُوْا سَلٰمًا ۗقَالَ سَلٰمٌۚ قَوْمٌ مُّنْكَرُوْنَ٢٥
Iż dakhalū ‘alaihi fa qālū salāmā(n), qāla salām(un), qaumum munkarūn(a).
[25] Noong pumasok sila [na mga anghel] sa kanya saka nagsabi sila ng kapayapaan ay nagsabi naman siya: “Kapayapaan, mga taong di-kilala.”

فَرَاغَ اِلٰٓى اَهْلِهٖ فَجَاۤءَ بِعِجْلٍ سَمِيْنٍۙ٢٦
Farāga ilā ahlihī fa jā'a bi‘ijlin samīn(in).
[26] Kaya tumalilis siya sa mag-anak niya, saka naghatid ng isang [inihaw na] guyang mataba.

فَقَرَّبَهٗٓ اِلَيْهِمْۚ قَالَ اَلَا تَأْكُلُوْنَ٢٧
Fa qarrabahū ilaihim, qāla alā ta'kulūn(a).
[27] Kaya naglapit siya nito sa kanila; nagsabi siya: “Hindi ba kayo kakain?”

فَاَوْجَسَ مِنْهُمْ خِيْفَةً ۗقَالُوْا لَا تَخَفْۗ وَبَشَّرُوْهُ بِغُلٰمٍ عَلِيْمٍ٢٨
Fa aujasa minhum khīfah(tan), qālū lā takhaf, wa basysyarūhu bigulāmin ‘alīm(in).
[28] Kaya nakadama siya mula sa kanila ng pangangamba. Nagsabi sila: “Huwag kang mangamba.” Nagbalita sila ng nakagagalak sa kanya hinggil sa [pagsilang ni Isaac na] isang batang lalaking maalam.

فَاَقْبَلَتِ امْرَاَتُهٗ فِيْ صَرَّةٍ فَصَكَّتْ وَجْهَهَا وَقَالَتْ عَجُوْزٌ عَقِيْمٌ٢٩
Fa aqbalatimra'atuhū fī ṣarratin fa ṣakkat wajhahā wa qālat ‘ajūzun ‘aqīm(un).
[29] Kaya lumapit ang maybahay niya habang nasa paghihiyaw [sa tuwa] saka tinampal nito ang mukha nito [sa pagtataka] at nagsabi: “Matandang babaing baog [ako]!”

قَالُوْا كَذٰلِكِۙ قَالَ رَبُّكِ ۗاِنَّهٗ هُوَ الْحَكِيْمُ الْعَلِيْمُ ۔٣٠
Qālū każālik(i), qāla rabbuk(i), innahū huwal-ḥakīmul-‘alīm(u).
[30] Nagsabi sila: “Gayon nagsabi ng Panginoon mo; tunay na Siya ay ang Marunong, ang Maalam.”

۞ قَالَ فَمَا خَطْبُكُمْ اَيُّهَا الْمُرْسَلُوْنَۚ٣١
Qāla famā khaṭbukum ayyuhal-mursalūn(a).
[31] Nagsabi [si Abraham]: “Kaya ano ang sadya ninyo, O mga isinugo?”

قَالُوْآ اِنَّآ اُرْسِلْنَآ اِلٰى قَوْمٍ مُّجْرِمِيْنَۙ٣٢
Qālū innā ursilnā ilā qaumim mujrimīn(a).
[32] Nagsabi sila: “Tunay na kami ay isinugo sa mga taong salarin,585
[585] na mga tao ni Propeta Lot

لِنُرْسِلَ عَلَيْهِمْ حِجَارَةً مِّنْ طِيْنٍۙ٣٣
Linursila ‘alaihim ḥijāratam min ṭīn(in).
[33] upang magsugo kami sa kanila ng mga batong yari sa luwad,

مُّسَوَّمَةً عِنْدَ رَبِّكَ لِلْمُسْرِفِيْنَ٣٤
Musawwamatan ‘inda rabbika lil-musrifīn(a).
[34] tinatakan buhat sa Panginoon mo na para sa mga nagpapakalabis.”

فَاَخْرَجْنَا مَنْ كَانَ فِيْهَا مِنَ الْمُؤْمِنِيْنَۚ٣٥
Fa akhrajnā man kāna fīhā minal-mu'minīn(a).
[35] Kaya nagpalabas Kami ng sinumang dati ay naroon [sa mga lungsod] kabilang sa mga mananampalataya.

فَمَا وَجَدْنَا فِيْهَا غَيْرَ بَيْتٍ مِّنَ الْمُسْلِمِيْنَۚ٣٦
Famā wajadnā fīhā gaira baitim minal-muslimīn(a).
[36] Ngunit wala kaming natagpuan doon maliban sa isang sambahayan ng mga Muslim.586
[586] Ibig sabihin: si Propeta Lot at ang dalawang babaing anak niya.

وَتَرَكْنَا فِيْهَآ اٰيَةً لِّلَّذِيْنَ يَخَافُوْنَ الْعَذَابَ الْاَلِيْمَۗ٣٧
Wa taraknā fīhā āyatal lil-lażīna yakhāfūnal-‘ażābal-alīm(a).
[37] Nag-iwan Kami roon ng isang tanda para sa mga nangangamba sa pagdurusang masakit.

وَفِيْ مُوْسٰىٓ اِذْ اَرْسَلْنٰهُ اِلٰى فِرْعَوْنَ بِسُلْطٰنٍ مُّبِيْنٍ٣٨
Wa fī mūsā iż arsalnāhu ilā fir‘auna bisulṭānim mubīn(in).
[38] Kay Moises [ay may tanda] noong nagsugo Kami sa kanya kay Paraon kalakip ng isang katunayang malinaw.

فَتَوَلّٰى بِرُكْنِهٖ وَقَالَ سٰحِرٌ اَوْ مَجْنُوْنٌ٣٩
Fa tawallā biruknihī wa qāla sāḥirun au majnūn(un).
[39] Ngunit tumalikod siya587 kasabay ng kampon niya at nagsabi [tungkol kay Moises]: “Manggagaway o baliw.”
[587] Ibig sabihin: si Paraon

فَاَخَذْنٰهُ وَجُنُوْدَهٗ فَنَبَذْنٰهُمْ فِى الْيَمِّ وَهُوَ مُلِيْمٌۗ٤٠
Fa akhażnāhu wa junūdahū fanabażnāhum fil-yammi wa huwa mulīm(un).
[40] Kaya kinuha Namin siya at ang mga kawal niya saka itinapon Namin sila sa dagat habang siya ay masisisi.

وَفِيْ عَادٍ اِذْ اَرْسَلْنَا عَلَيْهِمُ الرِّيْحَ الْعَقِيْمَۚ٤١
Wa fī ‘ādin iż arsalnā ‘alaihimur-rīḥal-‘aqīm(a).
[41] Sa [liping] `Ād [ay may tanda] noong nagsugo Kami sa kanila ng hanging mapanira.

مَا تَذَرُ مِنْ شَيْءٍ اَتَتْ عَلَيْهِ اِلَّا جَعَلَتْهُ كَالرَّمِيْمِۗ٤٢
Mā tażaru min syai'in atat ‘alaihi illā ja‘alathu kar-ramīm(i).
[42] Hindi ito nagpapabaya ng anumang bagay na pinuntahan nito malibang ginawa nito iyon gaya ng nalansag.

وَفِيْ ثَمُوْدَ اِذْ قِيْلَ لَهُمْ تَمَتَّعُوْا حَتّٰى حِيْنٍ٤٣
Wa fī ṡamūda iż qīla lahum tamatta‘ū ḥattā ḥīn(in).
[43] Sa [liping] Thamūd [ay may tanda] noong sinabi sa kanila: “Magpakatamasa kayo hanggang sa pansamantala.”

فَعَتَوْا عَنْ اَمْرِ رَبِّهِمْ فَاَخَذَتْهُمُ الصّٰعِقَةُ وَهُمْ يَنْظُرُوْنَ٤٤
Fa‘atau ‘an amri rabbihim fa akhażathumuṣ-ṣā‘iqatu wa hum yanẓurūn(a).
[44] Ngunit nagpakasutil sila sa utos ng Panginoon nila kaya dumaklot sa kanila ang lintik habang sila ay nakatingin.

فَمَا اسْتَطَاعُوْا مِنْ قِيَامٍ وَّمَا كَانُوْا مُنْتَصِرِيْنَۙ٤٥
Famastaṭā‘ū min qiyāmiw wa mā kānū muntaṣirīn(a).
[45] Kaya hindi sila nakakaya ng pagtayo at hindi sila dati mga naiaadya.

وَقَوْمَ نُوْحٍ مِّنْ قَبْلُ ۗ اِنَّهُمْ كَانُوْا قَوْمًا فٰسِقِيْنَ ࣖ٤٦
Wa qauma nūḥim min qabl(u), innahum kānū qauman fāsiqīn(a).
[46] [Nagpahamak Kami] sa mga kababayan ni Noe bago pa niyan; tunay na sila dati ay mga taong suwail.

وَالسَّمَاۤءَ بَنَيْنٰهَا بِاَيْىدٍ وَّاِنَّا لَمُوْسِعُوْنَ٤٧
Was-samā'a banaināhā bi'aidiw wa innā lamūsi‘ūn(a).
[47] Ang langit ay ipinatayo Namin ito sa pamamagitan ng kapangyarihan at tunay na Kami ay talagang tagapagpalawak [nito].

وَالْاَرْضَ فَرَشْنٰهَا فَنِعْمَ الْمٰهِدُوْنَ٤٨
Wal-arḍa farasynāhā fa ni‘mal-māhidūn(a).
[48] Ang lupa ay inilatag Namin ito, saka kay inam na tagapaghimlay [Kami].

وَمِنْ كُلِّ شَيْءٍ خَلَقْنَا زَوْجَيْنِ لَعَلَّكُمْ تَذَكَّرُوْنَ٤٩
Wa min kulli syai'in khalaqnā zaujaini la‘allakum tażakkarūn(a).
[49] Mula sa bawat bagay ay lumikha kami ng magkapares, nang sa gayon kayo ay magsasaalaala [ng kakayahan ni Allāh].

فَفِرُّوْٓا اِلَى اللّٰهِ ۗاِنِّيْ لَكُمْ مِّنْهُ نَذِيْرٌ مُّبِيْنٌۚ٥٠
Fa firrū ilallāh(i), innī lakum minhu nażīrum mubīn(un).
[50] Kaya tumakas kayo patungo kay Allāh; tunay na ako para sa inyo laban dito ay isang mapagbabalang malinaw.

وَلَا تَجْعَلُوْا مَعَ اللّٰهِ اِلٰهًا اٰخَرَۗ اِنِّيْ لَكُمْ مِّنْهُ نَذِيْرٌ مُّبِيْنٌ٥١
Wa lā taj‘alū ma‘allāhi ilāhan ākhar(a), innī lakum minhu nażīrum mubīn(un).
[51] Huwag kayong gumawa kasama kay Allāh ng isang diyos na iba pa; tunay na ako para sa inyo laban dito ay isang mapagbabalang malinaw.

كَذٰلِكَ مَآ اَتَى الَّذِيْنَ مِنْ قَبْلِهِمْ مِّنْ رَّسُوْلٍ اِلَّا قَالُوْا سَاحِرٌ اَوْ مَجْنُوْنٌ٥٢
Każālika mā atal-lażīna min qablihim mir rasūlin illā qālū sāḥirun au majnūn(un).
[52] Gayon din, walang pumunta sa mga [tao] bago pa nila na isang sugo [mula kay Allāh] malibang nagsabi sila: “Isang manggagaway o isang sinapian.”

اَتَوَاصَوْا بِهٖۚ بَلْ هُمْ قَوْمٌ طَاغُوْنَۚ٥٣
Atawāṣau bih(ī), bal hum qaumun ṭāgūn(a).
[53] Nagtagubilinan ba sila hinggil dito? Bagkus sila ay mga taong tagapagmalabis.

فَتَوَلَّ عَنْهُمْ فَمَآ اَنْتَ بِمَلُوْمٍ٥٤
Fa tawalla ‘anhum famā anta bimalūm(in).
[54] Kaya tumalikod ka palayo sa kanila sapagkat ikaw ay hindi masisisi.588
[588] sapagkat naipaabot mo sa kanila ang ipinsugo sa iyo sa kanila

وَذَكِّرْ فَاِنَّ الذِّكْرٰى تَنْفَعُ الْمُؤْمِنِيْنَ٥٥
Wa żakkir fa innaż-żikra tanfa‘ul-mu'minīn(a).
[55] Magpaalaala ka [nang tuluy-tuloy] sapagkat tunay na ang paalaala ay nagpapakinabang sa mga mananampalataya.

وَمَا خَلَقْتُ الْجِنَّ وَالْاِنْسَ اِلَّا لِيَعْبُدُوْنِ٥٦
Wa mā khalaqtul-jinna wal-insa illā liya‘budūn(i).
[56] Hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi upang sumamba sila sa Akin.

مَآ اُرِيْدُ مِنْهُمْ مِّنْ رِّزْقٍ وَّمَآ اُرِيْدُ اَنْ يُّطْعِمُوْنِ٥٧
Mā urīdu minhum mir rizqiw wa mā urīdu ay yuṭ‘imūn(i).
[57] Hindi Ako nagnanais mula sa kanila ng anumang panustos at hindi Ako nagnanais na magpakain sila sa Akin.

اِنَّ اللّٰهَ هُوَ الرَّزَّاقُ ذُو الْقُوَّةِ الْمَتِيْنُ٥٨
Innallāha huwar-razzāqu żul-quwwatil-matīn(u).
[58] Tunay na si Allāh ay ang Palatustos, ang May Lakas, ang Matibay.

فَاِنَّ لِلَّذِيْنَ ظَلَمُوْا ذَنُوْبًا مِّثْلَ ذَنُوْبِ اَصْحٰبِهِمْ فَلَا يَسْتَعْجِلُوْنِ٥٩
Fa inna lil-lażīna ẓalamū żanūbam miṡla żanūbi aṣḥābihim falā yasta‘jilūn(i).
[59] Saka tunay na ukol sa mga lumabag sa katarungan589 ay mga pagkakasalang tulad ng mga pagkakasala ng mga [sinaunang] kasamahan nila, kaya huwag silang magmadali sa Akin.
[589] sa mga sarili nila dahil sa pagpapasinungaling kay Propeta Muhammad

فَوَيْلٌ لِّلَّذِيْنَ كَفَرُوْا مِنْ يَّوْمِهِمُ الَّذِيْ يُوْعَدُوْنَ ࣖ٦٠
Fa wailul lil-lażīna kafarū miy yaumihimul-lażī yū‘adūn(a).
[60] Kaya kapighatian ay ukol sa mga tumangging sumampalataya, mula sa araw nila ipinangangako sa kanila.