Surah Qaf

Daftar Surah

بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
قۤ ۗوَالْقُرْاٰنِ الْمَجِيْدِ ۖ١
Qāf, wal-qur'ānil-majīd(i).
[1] Qāf.578 Sumpa man sa Qur’ān na maringal: [si Muḥammad ay talagang Sugo ni Allāh].
[578] Ang Qur’ān ay nasa wikang Arabe na binubuo ng mga titiks Arabe gaya ng mga ito subalit walang isa mang nakagawa ng kahit pinkamaiikling kabanata ng mahimalang kababalaghan ng Qur’ān.

بَلْ عَجِبُوْٓا اَنْ جَاۤءَهُمْ مُّنْذِرٌ مِّنْهُمْ فَقَالَ الْكٰفِرُوْنَ هٰذَا شَيْءٌ عَجِيْبٌ ۚ٢
Bal ‘ajibū an jā'ahum munżirum minhum faqālal-kāfirūna hāżā syai'un ‘ajīb(un).
[2] Bagkus nagtaka sila na dumating sa kanila ang isang tagapagbabala [na si Propeta Muḥammad] kabilang sa kanila, kaya nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya: “Ito ay isang bagay na kataka-taka.

ءَاِذَا مِتْنَا وَكُنَّا تُرَابًا ۚ ذٰلِكَ رَجْعٌۢ بَعِيْدٌ٣
A'iżā mitnā wa kunnā turābā(n), żālika raj‘um ba‘īd(un).
[3] Kapag ba kami ay namatay at naging alabok, [bubuhayin ba kami]? Iyon ay isang pagpapabalik na malayo [nang mangyari].”

قَدْ عَلِمْنَا مَا تَنْقُصُ الْاَرْضُ مِنْهُمْ ۚوَعِنْدَنَا كِتٰبٌ حَفِيْظٌ٤
Qad ‘alimnā mā tanquṣul-arḍu minhum, wa ‘indanā kitābun ḥafīẓ(un).
[4] Nakaalam nga Kami sa anumang ibinabawas ng lupa mula sa kanila. Sa piling Namin ay may isang talaang mapag-ingat.

بَلْ كَذَّبُوْا بِالْحَقِّ لَمَّا جَاۤءَهُمْ فَهُمْ فِيْٓ اَمْرٍ مَّرِيْجٍ٥
Bal każżabū bil-ḥaqqi lammā jā'ahum fahum fī amrim marīj(in).
[5] Bagkus nagpasinungaling sila sa katotohanan579 noong dumating ito sa kanila, kaya sila ay nasa kalagayang natutuliro.
[579] Ibig sabihin: ang Qur'an

اَفَلَمْ يَنْظُرُوْٓا اِلَى السَّمَاۤءِ فَوْقَهُمْ كَيْفَ بَنَيْنٰهَا وَزَيَّنّٰهَا وَمَا لَهَا مِنْ فُرُوْجٍ٦
Afalam yanẓurū ilas-samā'i fauqahum kaifa banaināhā wa zayyanāhā wa mā lahā min furūj(in).
[6] Kaya hindi ba sila tumingin sa langit sa ibabaw nila kung papaanong nagpatayo Kami nito at gumayak Kami nito [ng mga bituin], at wala itong anumang mga bitak?

وَالْاَرْضَ مَدَدْنٰهَا وَاَلْقَيْنَا فِيْهَا رَوَاسِيَ وَاَنْۢبَتْنَا فِيْهَا مِنْ كُلِّ زَوْجٍۢ بَهِيْجٍۙ٧
Wal-arḍa madadnāhā wa alqainā fīhā rawāsiya wa ambatnā fīhā min kulli zaujim bahīj(in).
[7] Ang lupa, bumanat Kami nito, naglapat Kami rito ng mga matatag na bundok, at nagpatubo Kami rito ng bawat uring marilag,

تَبْصِرَةً وَّذِكْرٰى لِكُلِّ عَبْدٍ مُّنِيْبٍ٨
Tabṣirataw wa żikrā likulli ‘abdim munīb(in).
[8] bilang pagpapakita at bilang paalaala para sa bawat lingkod na nagsisising nagbabalik [kay Allāh sa pagtalima at pagsisisi].

وَنَزَّلْنَا مِنَ السَّمَاۤءِ مَاۤءً مُّبٰرَكًا فَاَنْۢبَتْنَا بِهٖ جَنّٰتٍ وَّحَبَّ الْحَصِيْدِۙ٩
Wa nazzalnā minas-samā'i mā'am mubārakan fa'ambatnā bihī jannātiw wa ḥabbal-ḥaṣīd(i).
[9] Nagbaba Kami mula sa langit ng isang tubig na biniyayaan saka nagpatubo Kami sa pamamagitan niyon ng mga hardin at mga butil na inaani,

وَالنَّخْلَ بٰسِقٰتٍ لَّهَا طَلْعٌ نَّضِيْدٌۙ١٠
Wan-nakhla bāsiqātil lahā ṭal‘un naḍīd(un).
[10] at mga puno ng datiles, habang mga pumapaitaas na may bunga na patung-patong,

رِّزْقًا لِّلْعِبَادِۙ وَاَحْيَيْنَا بِهٖ بَلْدَةً مَّيْتًاۗ كَذٰلِكَ الْخُرُوْجُ١١
Rizqal lil-‘ibād(i), wa aḥyainā bihī baldatam maitā(n), każālikal-khurūj(u).
[11] bilang panustos para sa mga lingkod [ni Allāh]. Nagbigay-buhay Kami sa pamamagitan nito ng isang lupaing patay. Gayon ang paglabas [ng buhay].

كَذَّبَتْ قَبْلَهُمْ قَوْمُ نُوْحٍ وَّاَصْحٰبُ الرَّسِّ وَثَمُوْدُ١٢
Każżabat qablahum qaumu nūḥiw wa aṣḥābur-rassi wa ṡamūd(u).
[12] Nagpasinungaling bago nila ang mga kababayan ni Noe, ang mga naninirahan sa Rass, ang [liping] Thamūd,

وَعَادٌ وَّفِرْعَوْنُ وَاِخْوَانُ لُوْطٍۙ١٣
Wa ‘āduw wa fir‘aunu wa ikhwānu lūṭ(in).
[13] ang [mga kalipi ng] `Ād, si Paraon, at ang mga kapatid ni Lot,

وَّاَصْحٰبُ الْاَيْكَةِ وَقَوْمُ تُبَّعٍۗ كُلٌّ كَذَّبَ الرُّسُلَ فَحَقَّ وَعِيْدِ١٤
Wa aṣḥābul-aikati wa qaumu tubba‘(in), kullun każżabar-rusula faḥaqqa wa‘īd(i).
[14] ang mga naninirahan sa kasukalan [ng Midyan], at ang mga kalipi ni Tubba`. Bawat [isa] ay nagpasinungaling sa mga sugo [Ko] kaya nagindapat ang banta Ko.

اَفَعَيِيْنَا بِالْخَلْقِ الْاَوَّلِۗ بَلْ هُمْ فِيْ لَبْسٍ مِّنْ خَلْقٍ جَدِيْدٍ ࣖ١٥
Afa ‘ayīna bil-khalqil-awwal(i), bal hum fī labsim min khalqin jadīd(in).
[15] Kaya nangalupaypay ba Kami sa unang paglikha? Bagkus sila ay nasa isang pagkalito sa paglikhang bago [sa Kabilang-buhay].

وَلَقَدْ خَلَقْنَا الْاِنْسَانَ وَنَعْلَمُ مَا تُوَسْوِسُ بِهٖ نَفْسُهٗ ۖوَنَحْنُ اَقْرَبُ اِلَيْهِ مِنْ حَبْلِ الْوَرِيْدِ١٦
Wa laqad khalaqnal-insāna wa na‘lamu mā tuwaswisu bihī nafsuh(ū), wa naḥnu aqrabu ilaihi min ḥablil-warīd(i).
[16] Talaga ngang lumikha Kami sa tao, habang nakaaalam Kami sa anumang isinusulsol sa kanya ng sarili niya at Kami ay higit na malapit sa kanya kaysa sa ugat ng leeg.

اِذْ يَتَلَقَّى الْمُتَلَقِّيٰنِ عَنِ الْيَمِيْنِ وَعَنِ الشِّمَالِ قَعِيْدٌ١٧
Iż yatalaqqal-mutalaqqiyāni ‘anil-yamīni wa ‘anisy-syimāli qa‘īd(un).
[17] [Banggitin] kapag tumatanggap ang dalawang [tagatalang anghel na] tagatanggap sa gawing kanan at sa gawing kaliwa habang nakaupo [na nagtatala].

مَا يَلْفِظُ مِنْ قَوْلٍ اِلَّا لَدَيْهِ رَقِيْبٌ عَتِيْدٌ١٨
Mā yalfiẓu min qaulin illā ladaihi raqībun ‘atīd(un).
[18] Wala siyang binibigkas na anumang pagkakasabi malibang sa tabi niya ay may isang [anghel] mapagmasid na nakalaan [na magtala].

وَجَاۤءَتْ سَكْرَةُ الْمَوْتِ بِالْحَقِّ ۗذٰلِكَ مَا كُنْتَ مِنْهُ تَحِيْدُ١٩
Wa jā'at sakratul-mauti bil-ḥaqq(i), żālika mā kunta minhu taḥīd(u).
[19] Maghahatid ang hapdi ng kamatayan ng katotohanan; iyon ay ang dati mong tinatakasan.

وَنُفِخَ فِى الصُّوْرِۗ ذٰلِكَ يَوْمُ الْوَعِيْدِ٢٠
Wa nufikha fiṣ-ṣūr(i), żālika yaumul-wa‘īd(i).
[20] Iihip sa tambuli, iyon ay ang Araw ng [Pagtupad sa] Pagbabanta.

وَجَاۤءَتْ كُلُّ نَفْسٍ مَّعَهَا سَاۤىِٕقٌ وَّشَهِيْدٌ٢١
Wa jā'at kullu nafsim ma‘ahā sā'iquw wa syahīd(un).
[21] Darating ang bawat kaluluwa na may kasama itong isang [anghel na] tagaakay at isang [anghel na] saksi [sa mga salita niya at mga gawa niya].

لَقَدْ كُنْتَ فِيْ غَفْلَةٍ مِّنْ هٰذَا فَكَشَفْنَا عَنْكَ غِطَاۤءَكَ فَبَصَرُكَ الْيَوْمَ حَدِيْدٌ٢٢
Laqad kunta fī gaflatim min hāżā fakasyafnā ‘anka giṭā'aka fabaṣarukal-yauma ḥadīd(un).
[22] [Sasabihin]: “Talaga ngang ikaw dati ay nasa isang pagkalingat rito, kaya humawi Kami sa iyo ng takip mo kaya ang paningin mo ngayong araw ay matalas.”

وَقَالَ قَرِيْنُهٗ هٰذَا مَا لَدَيَّ عَتِيْدٌۗ٢٣
Wa qāla qarīnuhū hāżā mā ladayya ‘atīd(un).
[23] Magsasabi ang [anghel na] kaugnay niya: “Itong taglay ko [na talaan ng mga gawa niya] ay nakalaan.”

اَلْقِيَا فِيْ جَهَنَّمَ كُلَّ كَفَّارٍ عَنِيْدٍ٢٤
Alqiyā fī jahannama kulla kaffārin ‘anīd(in).
[24] [Magsasabi si Allāh]: “Magtapon kayong dalawa sa Impiyerno ng bawat palatanggi na mapagmatigas,

مَنَّاعٍ لِّلْخَيْرِ مُعْتَدٍ مُّرِيْبٍۙ٢٥
Mannā‘il lil-khairi mu‘tadim murīb(in).
[25] palakait ng kabutihan, tagalabag na tagapagpaalinlangan,

ۨالَّذِيْ جَعَلَ مَعَ اللّٰهِ اِلٰهًا اٰخَرَ فَاَلْقِيٰهُ فِى الْعَذَابِ الشَّدِيْدِ٢٦
Allażī ja‘ala ma‘allāhi ilāhan ākhara fa'alqiyāhu fil-‘ażābisy-syadīd(i).
[26] na gumawa kasama kay Allāh ng isang diyos na iba pa. Kaya itapon ninyong dalawa siya sa pagdurusang matindi.”

۞ قَالَ قَرِيْنُهٗ رَبَّنَا مَآ اَطْغَيْتُهٗ وَلٰكِنْ كَانَ فِيْ ضَلٰلٍۢ بَعِيْدٍ٢٧
Qāla qarīnuhū rabbanā mā aṭgaituhū wa lākin kāna fī ḍalālim ba‘īd(in).
[27] Magsasabi ang [demonyong] kaugnay niya: “Panginoon namin, hindi ako nagpalabis sa kanya, subalit siya dati ay nasa isang pagkaligaw na malayo.”

قَالَ لَا تَخْتَصِمُوْا لَدَيَّ وَقَدْ قَدَّمْتُ اِلَيْكُمْ بِالْوَعِيْدِ٢٨
Qāla lā takhtaṣimū ladayya wa qad qaddamtu ilaikum bil-wa‘īd(i).
[28] Magsasabi Siya: “Huwag kayong magkaalitan sa piling Ko at nagpauna na Ako para sa inyo ng banta.

مَا يُبَدَّلُ الْقَوْلُ لَدَيَّ وَمَآ اَنَا۠ بِظَلَّامٍ لِّلْعَبِيْدِ ࣖ٢٩
Mā yubaddalul-qaulu ladayya wa mā ana biẓallāmil lil-‘abīd(i).
[29] Hindi pinapalitan ang nasabi sa ganang Akin at Ako ay hindi palalabag sa katarungan sa mga lingkod.”

يَوْمَ نَقُوْلُ لِجَهَنَّمَ هَلِ امْتَلَـْٔتِ وَتَقُوْلُ هَلْ مِنْ مَّزِيْدٍ٣٠
Yauma naqūlu lijahannama halimtala'ti wa taqūlu hal mim mazīd(in).
[30] Sa Araw na magsasabi Kami sa Impiyerno: “Napuno ka kaya?” at magsasabi ito: “May dagdag pa kaya?”

وَاُزْلِفَتِ الْجَنَّةُ لِلْمُتَّقِيْنَ غَيْرَ بَعِيْدٍ٣١
Wa uzlifatil-jannatu lil-muttaqīna gaira ba‘īd(in).
[31] Palalapitin ang Paraiso para sa mga tagapangilag magkasala nang hindi malayo.

هٰذَا مَا تُوْعَدُوْنَ لِكُلِّ اَوَّابٍ حَفِيْظٍۚ٣٢
Hāżā mā tū‘adūna likulli awwābin ḥafīẓ(in).
[32] [Sasabihin]: “Ito ay ang ipinangangako sa inyo – para sa bawat palabalik, mapag-ingat,

مَنْ خَشِيَ الرَّحْمٰنَ بِالْغَيْبِ وَجَاۤءَ بِقَلْبٍ مُّنِيْبٍۙ٣٣
Man khasyiyar-raḥmāna bil-gaibi wa jā'a biqalbim munīb(in).
[33] na sinumang natakot sa Napakamaawain nang nakalingid at naghatid ng isang pusong nagsisising bumabalik [sa Kanya].

ۨادْخُلُوْهَا بِسَلٰمٍ ۗذٰلِكَ يَوْمُ الْخُلُوْدِ٣٤
Udkhulūhā bisalām(in), żālika yaumul-khulūd(i).
[34] Pumasok kayo rito [sa Paraiso] sa kapayapaan; iyon ay ang Araw ng Pamamalagi.”

لَهُمْ مَّا يَشَاۤءُوْنَ فِيْهَا وَلَدَيْنَا مَزِيْدٌ٣٥
Lahum mā yasyā'ūna fīhā wa ladainā mazīd(un).
[35] Ukol sa kanila ang anumang niloloob nila rito at mayroon Kaming isang dagdag.580
[580] Ang dagdag ay ang pagkakita sa marangal na mukha ni Allāh at sa mga bagay na hindi nakita ng mata ni narinig ng tainga ni sumagi sa isip ninuman bago niyon.

وَكَمْ اَهْلَكْنَا قَبْلَهُمْ مِّنْ قَرْنٍ هُمْ اَشَدُّ مِنْهُمْ بَطْشًا فَنَقَّبُوْا فِى الْبِلَادِۗ هَلْ مِنْ مَّحِيْصٍ٣٦
Wa kam ahlaknā qablahum min qarnin hum asyaddu minhum baṭsyan fanaqqabū fil-bilād(i), hal mim maḥīṣ(in).
[36] Kay rami ng ipinahamak Namin bago nila na [makasalanang] salinlahi na higit na matindi kaysa sa kanila sa bagsik, saka gumalugad sila sa bayan; may mapupuslitan kaya?

اِنَّ فِيْ ذٰلِكَ لَذِكْرٰى لِمَنْ كَانَ لَهٗ قَلْبٌ اَوْ اَلْقَى السَّمْعَ وَهُوَ شَهِيْدٌ٣٧
Inna fī żālika lażikrā liman kāna lahū qalbun au alqas-sam‘a wa huwa syahīd(un).
[37] Tunay na sa gayon ay talagang may paalaala para sa sinumang may puso o nag-ukol ng pakikinig habang siya ay saksi.

وَلَقَدْ خَلَقْنَا السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضَ وَمَا بَيْنَهُمَا فِيْ سِتَّةِ اَيَّامٍۖ وَّمَا مَسَّنَا مِنْ لُّغُوْبٍ٣٨
Wa laqad khalaqnas-samāwāti wal-arḍa wa mā bainahumā fī sittati ayyām(in), wa mā massanā mil lugūb(in).
[38] Talaga ngang lumikha Kami ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito sa anim na araw at walang sumaling sa Amin na anumang pagkapata.

فَاصْبِرْ عَلٰى مَا يَقُوْلُوْنَ وَسَبِّحْ بِحَمْدِ رَبِّكَ قَبْلَ طُلُوْعِ الشَّمْسِ وَقَبْلَ الْغُرُوْبِ ۚ٣٩
Faṣbir ‘alā mā yaqūlūna wa sabbiḥ biḥamdi rabbika qabla ṭulū‘isy-syamsi wa qablal-gurūb(i).
[39] Kaya magtiis ka sa sinasabi nila at magluwalhati ka kasabay ng pagpupuri sa Panginoon mo bago ng pagsikat ng araw at bago ng paglubog [nito].

وَمِنَ الَّيْلِ فَسَبِّحْهُ وَاَدْبَارَ السُّجُوْدِ٤٠
Wa minal-laili fasabbiḥhu wa adbāras-sujūd(i).
[40] Sa bahagi ng gabi ay magluwalhati ka sa Kanya at sa mga katapusan ng pagpapatirapa.581
[581] Ibig sabihin: katapusan ng pagdarasal.

وَاسْتَمِعْ يَوْمَ يُنَادِ الْمُنَادِ مِنْ مَّكَانٍ قَرِيْبٍ٤١
Wastami‘ yauma yunādil-munādi mim makānin qarīb(in).
[41] Makinig ka sa Araw na mananawagan [para sa Pagkabuhay] ang [anghel na] tagapanawagan mula sa isang pook na malapit,

يَوْمَ يَسْمَعُوْنَ الصَّيْحَةَ بِالْحَقِّ ۗذٰلِكَ يَوْمُ الْخُرُوْجِ٤٢
Yauma yasma‘ūnaṣ-ṣaiḥata bil-ḥaqq(i), żālika yaumul-khurūj(i).
[42] sa Araw na maririnig nila ang Sigaw [ng tambuli] kalakip ng katotohanan. Iyon ay ang Araw ng Paglabas [mula sa mga libingan].

اِنَّا نَحْنُ نُحْيٖ وَنُمِيْتُ وَاِلَيْنَا الْمَصِيْرُۙ٤٣
Innā naḥnu nuḥyī wa numītu wa ilainal-maṣīr(u).
[43] Tunay na Kami mismo ay nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan at tungo sa Amin ang kahahantungan,

يَوْمَ تَشَقَّقُ الْاَرْضُ عَنْهُمْ سِرَاعًا ۗذٰلِكَ حَشْرٌ عَلَيْنَا يَسِيْرٌ٤٤
Yauma tasyaqqaqul-arḍu ‘anhum sirā‘ā(n), żālika ḥasyrun ‘alainā yasīr(un).
[44] sa araw na magkakabiyak-biyak ang lupa palayo sa kanila habang nasa pagmamadali. Iyon ay isang pagkakalap, na sa Amin ay madali.

نَحْنُ اَعْلَمُ بِمَا يَقُوْلُوْنَ وَمَآ اَنْتَ عَلَيْهِمْ بِجَبَّارٍۗ فَذَكِّرْ بِالْقُرْاٰنِ مَنْ يَّخَافُ وَعِيْدِ ࣖ٤٥
Naḥnu a‘lamu bimā yaqūlūna wa mā anta ‘alaihim bijabbār(in), fażakkir bil-qur'āni may yakhāfu wa‘īd(i).
[45] Kami ay higit na maalam sa anumang sinasabi nila. Ikaw sa kanila ay hindi isang palasupil, kaya magpaalaala ka sa pamamagitan ng Qur’ān sa sinumang nangangamba sa banta Ko.