Surah Al-Hujurat

Daftar Surah

بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
يٰٓاَيُّهَا الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا لَا تُقَدِّمُوْا بَيْنَ يَدَيِ اللّٰهِ وَرَسُوْلِهٖ وَاتَّقُوا اللّٰهَ ۗاِنَّ اللّٰهَ سَمِيْعٌ عَلِيْمٌ١
Yā ayyuhal-lażīna āmanū lā tuqaddimū baina yadayillāhi wa rasūlihī wattaqullāh(a), innallāha samī‘un ‘alīm(un).
[1] O mga sumampalataya, huwag kayong manguna sa harap ni Allāh at ng Sugo Niya at mangilag kayong magkasala kay Allāh. Tunay na si Allāh ay Madinigin, Maalam.

يٰٓاَيُّهَا الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا لَا تَرْفَعُوْٓا اَصْوَاتَكُمْ فَوْقَ صَوْتِ النَّبِيِّ وَلَا تَجْهَرُوْا لَهٗ بِالْقَوْلِ كَجَهْرِ بَعْضِكُمْ لِبَعْضٍ اَنْ تَحْبَطَ اَعْمَالُكُمْ وَاَنْتُمْ لَا تَشْعُرُوْنَ٢
Yā ayyuhal-lażīna āmanū lā tarfa‘ū aṣwātakum fauqa ṣautin-nabiyyi wa lā tajharū lahū bil-qauli kajahri ba‘ḍikum liba‘ḍin an taḥbaṭa a‘mālukum wa antum lā tasy‘urūn(a).
[2] O mga sumampalataya, huwag kayong magtaas ng mga tinig ninyo higit sa tinig ni Propeta [Muḥammad] at huwag kayong maglakas [ng tinig] sa kanya sa pagsasabi gaya ng pagpapalakas ng tinig ng ilan sa inyo sa iba pa dahil [baka] mawalang-kabuluhan ang mga [magandang] gawa ninyo samantalang kayo ay hindi nakararamdam.

اِنَّ الَّذِيْنَ يَغُضُّوْنَ اَصْوَاتَهُمْ عِنْدَ رَسُوْلِ اللّٰهِ اُولٰۤىِٕكَ الَّذِيْنَ امْتَحَنَ اللّٰهُ قُلُوْبَهُمْ لِلتَّقْوٰىۗ لَهُمْ مَّغْفِرَةٌ وَّاَجْرٌ عَظِيْمٌ٣
Innal-lażīna yaguḍḍūna aṣwātahum ‘inda rasūlillāhi ulā'ikal-lażīnamtaḥanallāhu qulūbahum lit-taqwā, lahum magfiratuw wa ajrun ‘aẓīm(un).
[3] Tunay na ang mga nagbababa ng mga tinig nila sa piling ng Sugo ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga nasubok ni Allāh ang mga puso nila para sa pangingilag magkasala. Ukol sa kanila ay isang pabuyang sukdulan.

اِنَّ الَّذِيْنَ يُنَادُوْنَكَ مِنْ وَّرَاۤءِ الْحُجُرٰتِ اَكْثَرُهُمْ لَا يَعْقِلُوْنَ٤
Innal-lażīna yunādūnaka miw warā'il-ḥujurāti akṡaruhum lā ya‘qilūn(a).
[4] Tunay na ang mga tumatawag sa iyo [O Propeta Muḥammad] mula sa likuran ng mga silid, ang higit na marami sa kanila ay hindi nakapag-uunawa.

وَلَوْ اَنَّهُمْ صَبَرُوْا حَتّٰى تَخْرُجَ اِلَيْهِمْ لَكَانَ خَيْرًا لَّهُمْ ۗوَاللّٰهُ غَفُوْرٌ رَّحِيْمٌ٥
Wa lau annahum ṣabarū ḥattā takhruja ilaihim lakāna khairal lahum, wallāhu gafūrur raḥīm(un).
[5] Kung sakaling sila ay nagtiis hanggang sa lumabas ka sa kanila, talaga sanang iyon ay naging mabuti para sa kanila. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.

يٰٓاَيُّهَا الَّذِيْنَ اٰمَنُوْٓا اِنْ جَاۤءَكُمْ فَاسِقٌۢ بِنَبَاٍ فَتَبَيَّنُوْٓا اَنْ تُصِيْبُوْا قَوْمًاۢ بِجَهَالَةٍ فَتُصْبِحُوْا عَلٰى مَا فَعَلْتُمْ نٰدِمِيْنَ٦
Yā ayyuhal-lażīna āmanū in jā'akum fāsiqum binaba'in fa tabayyanū an tuṣībū qaumam bijahālatin fa tuṣbiḥū ‘alā mā fa‘altum nādimīn(a).
[6] O mga sumampalataya, kung naghatid sa inyo ang isang suwail ng isang balita ay magsiyasat kayo dahil baka makapaminsala kayo ng mga tao dahil sa kamangmangan, saka kayo dahil sa nagawa ninyo ay baka maging mga nagsisisi.

وَاعْلَمُوْٓا اَنَّ فِيْكُمْ رَسُوْلَ اللّٰهِ ۗ لَوْ يُطِيْعُكُمْ فِيْ كَثِيْرٍ مِّنَ الْاَمْرِ لَعَنِتُّمْ وَلٰكِنَّ اللّٰهَ حَبَّبَ اِلَيْكُمُ الْاِيْمَانَ وَزَيَّنَهٗ فِيْ قُلُوْبِكُمْ وَكَرَّهَ اِلَيْكُمُ الْكُفْرَ وَالْفُسُوْقَ وَالْعِصْيَانَ ۗ اُولٰۤىِٕكَ هُمُ الرّٰشِدُوْنَۙ٧
Wa‘lamū anna fīkum rasūlallāh(i), lau yuṭī‘ukum fī kaṡīrim minal-amri la‘anittum wa lākinnallāha ḥabbaba ilaikumul-īmāna wa zayyanahū fī qulūbikum wa karraha ilaikumul-kufra wal-fusūqa wal-‘iṣyān(a), ulā'ika humur-rāsyidūn(a).
[7] Alamin ninyo na nasa inyo ang Sugo ni Allāh [na si Propeta Muḥammad]. Kung sakaling tatalima siya sa inyo sa marami sa usapin ay talaga sanang nahirapan kayo. Subalit si Allāh ay nagpaibig sa inyo sa pananampalataya, nagpaakit nito sa mga puso ninyo, at nagpasuklam sa inyo ng kawalang-pananampalataya at kasuwailan. Ang mga iyon ay ang mga nagagabayan.

فَضْلًا مِّنَ اللّٰهِ وَنِعْمَةً ۗوَاللّٰهُ عَلِيْمٌ حَكِيْمٌ٨
Faḍlam minallāhi wa ni‘mah(tan), wallāhu ‘alīmun ḥakīm(un).
[8] [Nangyari ito] bilang kabutihang-loob mula kay Allāh at bilang biyaya [Niya]. Si Allāh ay Maalam, Marunong.

وَاِنْ طَاۤىِٕفَتٰنِ مِنَ الْمُؤْمِنِيْنَ اقْتَتَلُوْا فَاَصْلِحُوْا بَيْنَهُمَاۚ فَاِنْۢ بَغَتْ اِحْدٰىهُمَا عَلَى الْاُخْرٰى فَقَاتِلُوا الَّتِيْ تَبْغِيْ حَتّٰى تَفِيْۤءَ اِلٰٓى اَمْرِ اللّٰهِ ۖفَاِنْ فَاۤءَتْ فَاَصْلِحُوْا بَيْنَهُمَا بِالْعَدْلِ وَاَقْسِطُوْا ۗاِنَّ اللّٰهَ يُحِبُّ الْمُقْسِطِيْنَ٩
Wa in ṭā'ifatāni minal-mu'minīnaqtatalū fa aṣliḥū bainahumā, fa im bagat iḥdāhumā ‘alal-ukhrā fa qātilul-latī tabgī ḥattā tafī'a ilā amrillāh(i), fa in fā'at fa aṣliḥū bainahumā bil-‘adli wa aqsiṭū, innallāha yuḥibbul-muqsiṭīn(a).
[9] Kung may dalawang pangkat kabilang sa mga mananampalataya na nag-away-away ay magpayapa kayo sa pagitan ng dalawa; ngunit kung lumabag ang isa sa dalawa sa iba ay kalabanin ninyo ang lumabag hanggang sa bumalik ito sa kautusan ni Allāh. Kaya kung bumalik ito [at tumigil ito sa pangangaway] ay magpayapa kayo sa pagitan ng dalawa ayon sa katarungan at magpakamakatarungan kayo; tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nagpapakamakatarungan.

اِنَّمَا الْمُؤْمِنُوْنَ اِخْوَةٌ فَاَصْلِحُوْا بَيْنَ اَخَوَيْكُمْ وَاتَّقُوا اللّٰهَ لَعَلَّكُمْ تُرْحَمُوْنَ ࣖ١٠
Innamal-mu'minūna ikhwatun fa aṣliḥū baina akhawaikum wattaqullāha la‘allakum turḥamūn(a).
[10] Ang mga mananampalataya ay magkakapatid lamang, kaya magpayapa kayo sa pagitan ng mga kapatid ninyo. Mangilag kayong magkasala kay Allāh nang sa gayon kayo ay kaaawaan.

يٰٓاَيُّهَا الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا لَا يَسْخَرْ قَوْمٌ مِّنْ قَوْمٍ عَسٰٓى اَنْ يَّكُوْنُوْا خَيْرًا مِّنْهُمْ وَلَا نِسَاۤءٌ مِّنْ نِّسَاۤءٍ عَسٰٓى اَنْ يَّكُنَّ خَيْرًا مِّنْهُنَّۚ وَلَا تَلْمِزُوْٓا اَنْفُسَكُمْ وَلَا تَنَابَزُوْا بِالْاَلْقَابِۗ بِئْسَ الِاسْمُ الْفُسُوْقُ بَعْدَ الْاِيْمَانِۚ وَمَنْ لَّمْ يَتُبْ فَاُولٰۤىِٕكَ هُمُ الظّٰلِمُوْنَ١١
Yā ayyuhal-lażīna āmanū lā yaskhar qaumum min qaumin ‘asā ay yakūnū khairam minhum wa lā nisā'um min nisā'in ‘asā ay yakunna khairam minhunn(a), wa lā talmizū anfusakum wa lā tanābazū bil-alqāb(i), bi'salismul-fusūqu ba‘dal-īmān(i), wa mal lam yatub fa ulā'ika humuẓ-ẓālimūn(a).
[11] O mga sumampalataya, huwag manuya ang ilang lalaki sa ilang lalaki: baka ang mga [tinutuyang] ito ay higit na mabuti kaysa sa kanila [na nanunuya]; at huwag [manuya] ang ilang babae sa ilang babae: baka ang mga [tinutuyang] ito ay higit na mabuti sa kanila [na nanunuya]. Huwag kayong manuligsa sa isa’t isa sa inyo at huwag kayong magtawagan ng mga [masamang] taguri. Kay saklap bilang pangalan ang kasuwailan matapos ng pananampalataya [sa Islām]. Ang sinumang hindi nagbalik-loob, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan.

يٰٓاَيُّهَا الَّذِيْنَ اٰمَنُوا اجْتَنِبُوْا كَثِيْرًا مِّنَ الظَّنِّۖ اِنَّ بَعْضَ الظَّنِّ اِثْمٌ وَّلَا تَجَسَّسُوْا وَلَا يَغْتَبْ بَّعْضُكُمْ بَعْضًاۗ اَيُحِبُّ اَحَدُكُمْ اَنْ يَّأْكُلَ لَحْمَ اَخِيْهِ مَيْتًا فَكَرِهْتُمُوْهُۗ وَاتَّقُوا اللّٰهَ ۗاِنَّ اللّٰهَ تَوَّابٌ رَّحِيْمٌ١٢
Yā ayyuhal-lażīna āmanujtanibū kaṡīram minaẓ-ẓann(i), inna ba‘daẓ-ẓanni iṡmuw wa lā tajassasū wa lā yagtab ba‘ḍukum ba‘ḍā(n), ayuḥibbu aḥadukum ay ya'kula laḥma akhīhi maitan fa karihtumūh(u), wattaqullāh(a), innallāha tawwābur raḥīm(un).
[12] O mga sumampalataya, umiwas kayo sa maraming pagpapalagay; tunay na ang ilan sa pagpapalagay ay kasalanan. Huwag kayong maniktik. Huwag manlibak ang ilan sa inyo ang iba pa. Iibigin ba ng isa sa inyo na kumain ng laman ng kapatid niya kapag patay na? Nasuklam kayo rito [kaya kasuklaman ninyo ang panlilibak]. Mangilag kayong magkasala kay Allāh. Tunay na si Allāh ay Palatanggap ng pagbabalik-loob, Maawain.

يٰٓاَيُّهَا النَّاسُ اِنَّا خَلَقْنٰكُمْ مِّنْ ذَكَرٍ وَّاُنْثٰى وَجَعَلْنٰكُمْ شُعُوْبًا وَّقَبَاۤىِٕلَ لِتَعَارَفُوْا ۚ اِنَّ اَكْرَمَكُمْ عِنْدَ اللّٰهِ اَتْقٰىكُمْ ۗاِنَّ اللّٰهَ عَلِيْمٌ خَبِيْرٌ١٣
Yā ayyuhan-nāsu innā khalaqnākum min żakariw wa unṡā wa ja‘alnākum syu‘ūbaw wa qabā'ila lita‘ārafū, inna akramakum ‘indallāhi atqākum, innallāha ‘alīmun khabīr(un).
[13] O mga tao, tunay na Kami ay lumikha sa inyo mula sa isang lalaki [na si Adan] at isang babae [na si Eva] at gumawa sa inyo na mga bansa at mga lipi upang magkakilalahan kayo.575 Tunay na ang pinakamarangal sa inyo sa ganang kay Allāh ay ang pinakamapangilag magkasala sa inyo.576 Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid.
[575] at magtulungan sa pagpapakabuti at pangingilag magakasala [576] at pinakamaganda sa asal

۞ قَالَتِ الْاَعْرَابُ اٰمَنَّا ۗ قُلْ لَّمْ تُؤْمِنُوْا وَلٰكِنْ قُوْلُوْٓا اَسْلَمْنَا وَلَمَّا يَدْخُلِ الْاِيْمَانُ فِيْ قُلُوْبِكُمْ ۗوَاِنْ تُطِيْعُوا اللّٰهَ وَرَسُوْلَهٗ لَا يَلِتْكُمْ مِّنْ اَعْمَالِكُمْ شَيْـًٔا ۗاِنَّ اللّٰهَ غَفُوْرٌ رَّحِيْمٌ١٤
Qālatil-a‘rābu āmannā, qul lam tu'minū wa lākin qūlū aslamnā wa lammā yadkhulil-īmānu fī qulūbikum, wa in tuṭī‘ullāha wa rasūlahū lā yalitkum min a‘mālikum syai'ā(n), innallāha gafūrur raḥīm(un).
[14] Nagsabi ang [ilan sa] mga Arabeng disyerto: “Sumampalataya kami.” Sabihin mo: “Hindi [pa] kayo sumampalataya, subalit sabihin ninyo: ‘Nagpasakop kami [sa Islām].’ Hindi pa pumasok ang pananampalataya sa mga puso ninyo. Kung tatalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad] ay hindi Siya babawas sa inyo mula sa mga gawa ninyo ng anuman. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.”

اِنَّمَا الْمُؤْمِنُوْنَ الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا بِاللّٰهِ وَرَسُوْلِهٖ ثُمَّ لَمْ يَرْتَابُوْا وَجَاهَدُوْا بِاَمْوَالِهِمْ وَاَنْفُسِهِمْ فِيْ سَبِيْلِ اللّٰهِ ۗ اُولٰۤىِٕكَ هُمُ الصّٰدِقُوْنَ١٥
Innamal-mu'minūnal-lażīna āmanū billāhi wa rasūlihī ṡumma lam yartābū wa jāhadū bi'amwālihim wa anfusihim fī sabīlillāh(i), ulā'ika humuṣ-ṣādiqūn(a).
[15] Tanging ang mga mananampalataya ay ang mga sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad], pagkatapos hindi sila nag-alinlangan, at nakibaka sila sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila sa landas ni Allāh. Ang mga iyon ay ang mga tapat.

قُلْ اَتُعَلِّمُوْنَ اللّٰهَ بِدِيْنِكُمْۗ وَاللّٰهُ يَعْلَمُ مَا فِى السَّمٰوٰتِ وَمَا فِى الْاَرْضِۗ وَاللّٰهُ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيْمٌ١٦
Qul atu‘alimūnallāha bidīnikum, wallāhu ya‘lamu mā fis-samāwāti wa mā fil-arḍ(i), wallāhu bikulli syai'in ‘alīm(un).
[16] Sabihin mo: “Nagtuturo ba kayo kay Allāh ng relihiyon ninyo577 samantalang si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa? Si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.”
[577] Ibig sabihin: ng pananampalataya ninyo at mga gawa ninyo

يَمُنُّوْنَ عَلَيْكَ اَنْ اَسْلَمُوْا ۗ قُلْ لَّا تَمُنُّوْا عَلَيَّ اِسْلَامَكُمْ ۚبَلِ اللّٰهُ يَمُنُّ عَلَيْكُمْ اَنْ هَدٰىكُمْ لِلْاِيْمَانِ اِنْ كُنْتُمْ صٰدِقِيْنَ١٧
Yamunnūna ‘alaika an aslamū, qul lā tamunnū ‘alayya islāmakum, balillāhu yamunnu ‘alaikum an hadākum lil-īmāni in kuntum ṣādiqīn(a).
[17] Nanunumbat sila sa iyo na nagpasakop sila. Sabihin mo: “Huwag kayong manumbat sa akin ng pagpapasakop ninyo, bagkus si Allāh ay nagmamagandang-loob sa inyo na pumatnubay Siya sa inyo sa pananampalataya, kung kayo ay naging mga tapat.”

اِنَّ اللّٰهَ يَعْلَمُ غَيْبَ السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِۗ وَاللّٰهُ بَصِيْرٌۢ بِمَا تَعْمَلُوْنَ ࣖ١٨
Innallāha ya‘lamu gaibas-samāwāti wal-arḍ(i), wallāhu baṣīrum bimā ta‘malūn(a).
[18] Tunay na si Allāh ay nakaaalam sa nakalingid sa mga langit at lupa. Si Allāh ay Nakakikita sa anumang ginagawa ninyo.