Surah Al-Fath

Daftar Surah

بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
اِنَّا فَتَحْنَا لَكَ فَتْحًا مُّبِيْنًاۙ١
Innā fataḥnā laka fatḥam mubīnā(n).
[1] Tunay na Kami ay nagpawagi sa iyo [O Muḥammad] ng isang malinaw na pagwagi567
[567] dahil sa kasunduan ng pagyapa ng Ḥudaybīyah

لِّيَغْفِرَ لَكَ اللّٰهُ مَا تَقَدَّمَ مِنْ ذَنْۢبِكَ وَمَا تَاَخَّرَ وَيُتِمَّ نِعْمَتَهٗ عَلَيْكَ وَيَهْدِيَكَ صِرَاطًا مُّسْتَقِيْمًاۙ٢
Liyagfira lakallāhu mā taqaddama min żambika wa mā ta'akhkhara wa yutimma ni‘matahū ‘alaika wa yahdiyaka ṣirāṭam mustaqīmā(n).
[2] upang magpatawad sa iyo si Allāh sa anumang nauna na pagkakasala mo at anumang naantala, [upang] lumubos Siya sa biyaya Niya sa iyo, [upang] magpatnubay Siya sa iyo sa isang landasing tuwid,

وَّيَنْصُرَكَ اللّٰهُ نَصْرًا عَزِيْزًا٣
Wa yanṣurakallāhu naṣran ‘azīzā(n).
[3] at [upang] mag-adya Siya sa iyo ng isang pag-aadyang makapangyarihan.

هُوَ الَّذِيْٓ اَنْزَلَ السَّكِيْنَةَ فِيْ قُلُوْبِ الْمُؤْمِنِيْنَ لِيَزْدَادُوْٓا اِيْمَانًا مَّعَ اِيْمَانِهِمْ ۗوَلِلّٰهِ جُنُوْدُ السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِۗ وَكَانَ اللّٰهُ عَلِيْمًا حَكِيْمًاۙ٤
Huwal-lażī anzalas-sakīnata fī qulūbil-mu'minīna liyazdādū īmānam ma‘a īmānihim, wa lillāhi junūdus-samāwāti wal-arḍ(i), wa kānallāhu ‘alīman ḥakīmā(n).
[4] Siya ay ang nagpababa ng katahimikan sa mga puso ng mga mananampalataya upang madagdagan sila [sa kasalukuyan] ng pananampalataya kasama sa pananampalataya nila. Sa kay Allāh ang mga kawal ng mga langit at lupa. Laging si Allāh ay Maalam, Marunong.

لِّيُدْخِلَ الْمُؤْمِنِيْنَ وَالْمُؤْمِنٰتِ جَنّٰتٍ تَجْرِيْ مِنْ تَحْتِهَا الْاَنْهٰرُ خٰلِدِيْنَ فِيْهَا وَيُكَفِّرَ عَنْهُمْ سَيِّاٰتِهِمْۗ وَكَانَ ذٰلِكَ عِنْدَ اللّٰهِ فَوْزًا عَظِيْمًاۙ٥
Liyudkhilal-mu'minīna wal-mu'mināti jannātin tajrī min taḥtihal-anhāru khālidīna fīhā wa yukaffira ‘anhum sayyi'ātihim, wa kāna żālika ‘indallāhi fauzan ‘aẓīmā(n).
[5] [Ito ay] upang magpapasok Siya sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito, [upang] magtakip-sala Siya sa kanila sa mga masagwang gawa nila – laging iyon sa ganang kay Allāh ay isang pagkatamong sukdulan –

وَّيُعَذِّبَ الْمُنٰفِقِيْنَ وَالْمُنٰفِقٰتِ وَالْمُشْرِكِيْنَ وَالْمُشْرِكٰتِ الظَّاۤنِّيْنَ بِاللّٰهِ ظَنَّ السَّوْءِۗ عَلَيْهِمْ دَاۤىِٕرَةُ السَّوْءِۚ وَغَضِبَ اللّٰهُ عَلَيْهِمْ وَلَعَنَهُمْ وَاَعَدَّ لَهُمْ جَهَنَّمَۗ وَسَاۤءَتْ مَصِيْرًا٦
Wa yu‘ażżibal-munāfiqīna wal-munāfiqāti wal-musyrikīna wal-musyrikātiẓ-ẓānnīna billāhi ẓannas-sau'(i), ‘alaihim dā'iratus-sau'(i), wa gaḍiballāhu ‘alaihim wa la‘anahum wa a‘adda lahum jahannam(a), wa sā'at maṣīrā(n).
[6] at [upang] pagdusahin Niya ang mga lalaking mapagpaimbabaw at ang mga babaing mapagpaimbabaw, at ang mga lalaking tagapagtambal at ang mga babaing tagapagtambal, na mga nagpapalagay kay Allāh ng pagpapalagay ng kasagwaan. Sumakanila ang pananalanta ng kasagwaan! Nagalit si Allāh sa kanila, sumumpa Siya sa kanila, at naghanda Siya para sa kanila ng Impiyerno. Kay saklap iyon bilang kahahantungan!

وَلِلّٰهِ جُنُوْدُ السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِۗ وَكَانَ اللّٰهُ عَزِيْزًا حَكِيْمًا٧
Wa lillāhi junūdus-samāwāti wal-arḍ(i), wa kānallāhu ‘azīzan ḥakīmā(n).
[7] Sa kay Allāh ang mga kawal ng mga langit at lupa. Laging si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.

اِنَّآ اَرْسَلْنٰكَ شَاهِدًا وَّمُبَشِّرًا وَّنَذِيْرًاۙ٨
Innā arsalnāka syāhidaw wa mubasysyiraw wa nażīrā(n).
[8] Tunay na Kami ay nagsugo sa iyo [O Propeta Muḥammad] bilang tagasaksi, bilang tagapagbalita ng nakagagalak [na mamamalaging Kaginhawahan], at bilang mapagbabala [ng Pagdurusa],

لِّتُؤْمِنُوْا بِاللّٰهِ وَرَسُوْلِهٖ وَتُعَزِّرُوْهُ وَتُوَقِّرُوْهُۗ وَتُسَبِّحُوْهُ بُكْرَةً وَّاَصِيْلًا٩
Litu'minū billāhi wa rasūlihī wa tu‘azzirūhu wa tuwaqqirūh(u), wa tusabbiḥūhu bukrataw wa aṣīlā(n).
[9] upang sumampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya, kumatig kayo rito, gumalang kayo rito, at magluwalhati kayo sa Kanya sa umaga at sa gabi.

اِنَّ الَّذِيْنَ يُبَايِعُوْنَكَ اِنَّمَا يُبَايِعُوْنَ اللّٰهَ ۗيَدُ اللّٰهِ فَوْقَ اَيْدِيْهِمْ ۚ فَمَنْ نَّكَثَ فَاِنَّمَا يَنْكُثُ عَلٰى نَفْسِهٖۚ وَمَنْ اَوْفٰى بِمَا عٰهَدَ عَلَيْهُ اللّٰهَ فَسَيُؤْتِيْهِ اَجْرًا عَظِيْمًا ࣖ١٠
Innal-lażīna yubāyi‘ūnaka innamā yubāyi‘ūnallāh(a), yadullāhi fauqa aidīhim, faman nakaṡa fa'innamā yankuṡu ‘alā nafsih(ī), wa man aufā bimā ‘āhada ‘alaihullāha fa sayu'tīhi ajran ‘aẓīmā(n).
[10] Tunay na ang mga nangangako ng katapatan sa iyo [O Propeta Muḥammad] ay nangangako lamang ng katapatan kay Allāh habang ang kamay ni Allāh ay nasa ibabaw ng mga kamay nila. Kaya ang sinumang sumira [sa pangako] ay sumisira lamang siya laban sa sarili niya. Ang sinumang tumupad sa pakikipagkasunduan kay Allāh ay magbibigay Siya sa kanya ng isang pabuyang sukdulan [sa Paraiso].

سَيَقُوْلُ لَكَ الْمُخَلَّفُوْنَ مِنَ الْاَعْرَابِ شَغَلَتْنَآ اَمْوَالُنَا وَاَهْلُوْنَا فَاسْتَغْفِرْ لَنَا ۚيَقُوْلُوْنَ بِاَلْسِنَتِهِمْ مَّا لَيْسَ فِيْ قُلُوْبِهِمْۗ قُلْ فَمَنْ يَّمْلِكُ لَكُمْ مِّنَ اللّٰهِ شَيْـًٔا اِنْ اَرَادَ بِكُمْ ضَرًّا اَوْ اَرَادَ بِكُمْ نَفْعًا ۗبَلْ كَانَ اللّٰهُ بِمَا تَعْمَلُوْنَ خَبِيْرًا١١
Sayaqūlu lakal-mukhallafūna minal-a‘rābi syagalatnā amwālunā wa ahlūnā fastagfir lanā, yaqūlūna bi'alsinatihim mā laisa fī qulūbihim, qul famay yamliku lakum minallāhi syai'an in arāda bikum ḍarran au arāda bikum naf‘ā(n), bal kānallāhu bimā ta‘malūna khabīrā(n).
[11] Magsasabi sa iyo ang mga pinaiwan [dahil sa pag-ibig sa kamunduhan] kabilang sa mga Arabeng disyerto: “Umabala sa amin ang mga ari-arian namin at ang mga mag-anak namin kaya magpatawad Ka sa amin.” Nagsasabi sila sa pamamagitan ng mga dila nila ng wala sa mga puso nila. Sabihin mo: “Sino ang makapagdudulot para sa inyo laban kay Allāh ng anuman kung nagnais Siya sa inyo ng isang kapinsalaan o nagnais Siya sa inyo ng isang kapakinabangan? Bagkus laging si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid.

بَلْ ظَنَنْتُمْ اَنْ لَّنْ يَّنْقَلِبَ الرَّسُوْلُ وَالْمُؤْمِنُوْنَ اِلٰٓى اَهْلِيْهِمْ اَبَدًا وَّزُيِّنَ ذٰلِكَ فِيْ قُلُوْبِكُمْ وَظَنَنْتُمْ ظَنَّ السَّوْءِۚ وَكُنْتُمْ قَوْمًاۢ بُوْرًا١٢
Bal ẓanantum allay yanqalibar-rasūlu wal-mu'minūna ilā ahlīhim abadaw wa zuyyina żālika fī qulūbikum wa ẓanantum ẓannas-sau'(i), wa kuntum qaumam būrā(n).
[12] Bagkus nagpalagay kayo na hindi uuwi ang Sugo at ang mga mananampalataya sa mga mag-anak nila magpakailanman, ipinang-akit iyon sa mga puso ninyo, nagpalagay kayo ng pagpapalagay ng kasagwaan, at kayo ay naging mga taong napariwara.”

وَمَنْ لَّمْ يُؤْمِنْۢ بِاللّٰهِ وَرَسُوْلِهٖ فَاِنَّآ اَعْتَدْنَا لِلْكٰفِرِيْنَ سَعِيْرًا١٣
Wa mal lam yu'mim billāhi wa rasūlihī fa'innā a‘tadnā lil-kāfirīna sa‘īrā(n).
[13] Ang sinumang hindi sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad] ay tunay na Kami ay naglaan para sa mga tagatangging sumampalataya ng isang Liyab.

وَلِلّٰهِ مُلْكُ السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِۗ يَغْفِرُ لِمَنْ يَّشَاۤءُ وَيُعَذِّبُ مَنْ يَّشَاۤءُ ۗوَكَانَ اللّٰهُ غَفُوْرًا رَّحِيْمًا١٤
Wa lillāhi mulkus-samāwāti wal-arḍ(i), yagfiru limay yasyā'u wa yu‘ażżibu may yasyā'(u), wa kānallāhu gafūrar raḥīmā(n).
[14] Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at lupa. Nagpapatawad Siya sa kaninumang niloloob Niya at nagpaparusa Siya sa sinumang niloloob Niya. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.

سَيَقُوْلُ الْمُخَلَّفُوْنَ اِذَا انْطَلَقْتُمْ اِلٰى مَغَانِمَ لِتَأْخُذُوْهَا ذَرُوْنَا نَتَّبِعْكُمْ ۚ يُرِيْدُوْنَ اَنْ يُّبَدِّلُوْا كَلٰمَ اللّٰهِ ۗ قُلْ لَّنْ تَتَّبِعُوْنَا كَذٰلِكُمْ قَالَ اللّٰهُ مِنْ قَبْلُ ۖفَسَيَقُوْلُوْنَ بَلْ تَحْسُدُوْنَنَا ۗ بَلْ كَانُوْا لَا يَفْقَهُوْنَ اِلَّا قَلِيْلًا١٥
Sayaqūlul-mukhallafūna iżanṭalaqtum ilā magānima lita'khużūhā żarūnā nattabi‘kum, yurīdūna ay yubaddilū kalāmallāh(i), qul lan tattabi‘ūnā każālikum qālallāhu min qabl(u), fasayaqūlūna bal taḥsudūnanā, bal kānū lā yafqahūna illā qalīlā(n).
[15] Magsasabi ang mga pinaiwan kapag lumisan kayo patungo sa mga samsam upang kumuha ng mga iyon: “Magpaubaya kayo sa amin, susunod kami sa inyo.” Nagnanais sila na magpalit ng Pananalita ni Allāh. Sabihin mo: “Hindi kayo susunod sa amin; gayon nagsabi si Allāh bago pa niyan.” Kaya magsasabi sila: “Bagkus naiinggit kayo sa amin.” Bagkus sila noon ay hindi nakauunawa568 kundi ng kaunti.
[568] sa mga ipinag-uutos ni Allāh at mga ipinagbabawal Niya

قُلْ لِّلْمُخَلَّفِيْنَ مِنَ الْاَعْرَابِ سَتُدْعَوْنَ اِلٰى قَوْمٍ اُولِيْ بَأْسٍ شَدِيْدٍ تُقَاتِلُوْنَهُمْ اَوْ يُسْلِمُوْنَ ۚ فَاِنْ تُطِيْعُوْا يُؤْتِكُمُ اللّٰهُ اَجْرًا حَسَنًا ۚ وَاِنْ تَتَوَلَّوْا كَمَا تَوَلَّيْتُمْ مِّنْ قَبْلُ يُعَذِّبْكُمْ عَذَابًا اَلِيْمًا١٦
Qul lil-mukhallafīna minal-a‘rābi satud‘auna ilā qaumin ulī ba'sin syadīdin tuqātilūnahum au yuslimūn(a), fa'in tuṭī‘ū yu'tikumullāhu ajran ḥasanā(n), wa in tatawallau kamā tawallaitum min qablu yu‘ażżibkum ‘ażāban alīmā(n).
[16] Sabihin mo sa mga pinaiwan kabilang sa mga Arabeng disyerto: “Aanyayahan kayo [para makipaglaban] tungo sa mga taong may matinding kapangyarihan. Makikipaglaban kayo sa kanila o magpapasakop sila. Kaya kung tatalima kayo ay magbibigay sa inyo si Allāh ng isang pabuyang maganda [sa Paraiso]. Kung tatalikod kayo kung paanong tumalikod kayo bago pa niyan, pagdurusahin Niya kayo ng isang pagdurusang masakit.”

لَيْسَ عَلَى الْاَعْمٰى حَرَجٌ وَّلَا عَلَى الْاَعْرَجِ حَرَجٌ وَّلَا عَلَى الْمَرِيْضِ حَرَجٌ ۗ وَمَنْ يُّطِعِ اللّٰهَ وَرَسُوْلَهٗ يُدْخِلْهُ جَنّٰتٍ تَجْرِيْ مِنْ تَحْتِهَا الْاَنْهٰرُ ۚ وَمَنْ يَّتَوَلَّ يُعَذِّبْهُ عَذَابًا اَلِيْمًا ࣖ١٧
Laisa ‘alal-a‘mā ḥarajuw wa lā ‘alal-a‘raji ḥarajuw wa lā ‘alal-marīḍi ḥaraj(uw), wa may yuṭi‘illāha wa rasūlahū yudkhilhu jannātin tajrī min taḥtihal-anhār(u), wa may yatawalla yu‘ażżibhu ‘ażāban alīmā(n).
[17] Walang maisisisi sa bulag, walang maisisisi sa pilay, at walang maisisisi sa may-sakit [na magpaiwan]. Ang sinumang tumatalima kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad] ay magpapapasok Siya rito sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Ang sinumang tumalikod ay pagdurusahin Niya ito ng isang pagdurusang masakit.

۞ لَقَدْ رَضِيَ اللّٰهُ عَنِ الْمُؤْمِنِيْنَ اِذْ يُبَايِعُوْنَكَ تَحْتَ الشَّجَرَةِ فَعَلِمَ مَا فِيْ قُلُوْبِهِمْ فَاَنْزَلَ السَّكِيْنَةَ عَلَيْهِمْ وَاَثَابَهُمْ فَتْحًا قَرِيْبًاۙ١٨
Laqad raḍiyallāhu ‘anil-mu'minīna iż yubāyi‘ūnaka taḥtasy-syajarati fa‘alima mā fī qulūbihim fa'anzalas-sakīnata ‘alaihim wa aṡābahum fatḥan qarībā(n).
[18] Talaga ngang nalugod si Allāh sa mga mananampalataya noong nangangako sila ng katapatan sa iyo [O Propeta Muḥammad] sa ilalim ng punong-kahoy sapagkat nakaalam Siya sa nasa mga puso nila kaya naman nagpababa Siya ng katahimikan sa kanila at gumantimpala Siya sa kanila ng isang pagpapawaging malapit,

وَّمَغَانِمَ كَثِيْرَةً يَّأْخُذُوْنَهَا ۗ وَكَانَ اللّٰهُ عَزِيْزًا حَكِيْمًا١٩
Wa magānima kaṡīratay ya'khużūnahā, wa kānallāhu ‘azīzan ḥakīmā(n).
[19] at maraming samsam na makukuha nila. Laging si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.

وَعَدَكُمُ اللّٰهُ مَغَانِمَ كَثِيْرَةً تَأْخُذُوْنَهَا فَعَجَّلَ لَكُمْ هٰذِهٖ وَكَفَّ اَيْدِيَ النَّاسِ عَنْكُمْۚ وَلِتَكُوْنَ اٰيَةً لِّلْمُؤْمِنِيْنَ وَيَهْدِيَكُمْ صِرَاطًا مُّسْتَقِيْمًاۙ٢٠
Wa‘adakumullāhu magānima kaṡīratan ta'khużūnahā fa‘ajjala lakum hāżihī wa kaffa aidiyan-nāsi ‘ankum, wa litakūna āyatal lil-mu'minīna wa yahdiyakum ṣirāṭam mustaqīmā(n).
[20] Nangako sa inyo si Allāh ng maraming samsam na makukuha ninyo kaya minadali Niya para sa inyo ang mga ito569 at pumigil Siya sa mga kamay ng mga tao laban sa inyo,570 at upang ang mga [samsam sa digmaan na] ito ay maging isang tanda para sa mga mananampalataya at magpatnubay Siya sa inyo sa isang landasing tuwid [ng Islām].
[569] Ibig sabihin: ang mga samsam ng digmaan sa Khaybar. [570] na makasakit sa mga mag-anak ninyo

وَّاُخْرٰى لَمْ تَقْدِرُوْا عَلَيْهَا قَدْ اَحَاطَ اللّٰهُ بِهَا ۗوَكَانَ اللّٰهُ عَلٰى كُلِّ شَيْءٍ قَدِيْرًا٢١
Wa ukhrā lam taqdirū ‘alaihā qad aḥāṭallāhu bihā, wa kānallāhu ‘alā kulli syai'in qadīrā(n).
[21] May iba pa [na mga pagwawaging ipinangako] na hindi kayo nakakaya sa mga iyon, na pumaligid si Allāh sa mga iyon. Laging si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.

وَلَوْ قَاتَلَكُمُ الَّذِيْنَ كَفَرُوْا لَوَلَّوُا الْاَدْبَارَ ثُمَّ لَا يَجِدُوْنَ وَلِيًّا وَّلَا نَصِيْرًا٢٢
Wa lau qātalakumul-lażīna kafarū lawallawul-adbāra ṡumma lā yajidūna waliyyaw wa lā naṣīrā(n).
[22] Kung sakaling kumalaban sa inyo ang mga tumangging sumampalataya ay talaga sanang nagbaling sila ng mga likod, pagkatapos hindi sila nakatatagpo ng isang katangkilik ni isang mapag-adya.

سُنَّةَ اللّٰهِ الَّتِيْ قَدْ خَلَتْ مِنْ قَبْلُ ۖوَلَنْ تَجِدَ لِسُنَّةِ اللّٰهِ تَبْدِيْلًا٢٣
Sunnatallāhil-latī qad khalat min qabl(u), wa lan tajida lisunnatillāhi tabdīlā(n).
[23] [Nagsakalakaran] ng kalakaran ni Allāh na nagdaan na bago pa niyan at hindi ka makatatagpo para sa kalakaran ni Allāh ng isang pagpapalit.

وَهُوَ الَّذِيْ كَفَّ اَيْدِيَهُمْ عَنْكُمْ وَاَيْدِيَكُمْ عَنْهُمْ بِبَطْنِ مَكَّةَ مِنْۢ بَعْدِ اَنْ اَظْفَرَكُمْ عَلَيْهِمْ ۗوَكَانَ اللّٰهُ بِمَا تَعْمَلُوْنَ بَصِيْرًا٢٤
Wa huwal-lażī kaffa aidiyahum ‘ankum wa aidiyakum ‘anhum bibaṭni makkata mim ba‘di an aẓfarakum ‘alaihim, wa kānallāh bimā ta‘malūna baṣīrā(n).
[24] Siya ay ang pumigil sa mga kamay nila laban sa inyo at sa mga kamay ninyo laban sa kanila sa lambak ng [Ḥudaybīyah malapit sa] Makkah matapos na nagpanalo Siya sa inyo laban sa kanila [na sumalakay sa inyo papunta sa Makkah]. Laging si Allāh sa anumang ginagawa ay Nakakikita.

هُمُ الَّذِيْنَ كَفَرُوْا وَصَدُّوْكُمْ عَنِ الْمَسْجِدِ الْحَرَامِ وَالْهَدْيَ مَعْكُوْفًا اَنْ يَّبْلُغَ مَحِلَّهٗ ۚوَلَوْلَا رِجَالٌ مُّؤْمِنُوْنَ وَنِسَاۤءٌ مُّؤْمِنٰتٌ لَّمْ تَعْلَمُوْهُمْ اَنْ تَطَـُٔوْهُمْ فَتُصِيْبَكُمْ مِّنْهُمْ مَّعَرَّةٌ ۢبِغَيْرِ عِلْمٍ ۚ لِيُدْخِلَ اللّٰهُ فِيْ رَحْمَتِهٖ مَنْ يَّشَاۤءُۚ لَوْ تَزَيَّلُوْا لَعَذَّبْنَا الَّذِيْنَ كَفَرُوْا مِنْهُمْ عَذَابًا اَلِيْمًا٢٥
Humul-lażīna kafarū wa ṣaddūkum ‘anil-masjidil-ḥarāmi wal-hadya ma‘kūfan ay yabluga maḥillah(ū), wa lau lā rijālum mu'minūna wa nisā'um mu'minātul lam ta‘lamūhum an taṭa'ūhum fa tuṣībakum minhum ma‘arratum bigairi ‘ilm(in), liyudkhilallāhu fī raḥmatihī may yasyā'(u), lau tazayyalū la‘ażżabnal-lażīna kafarū minhum ‘ażāban alīmā(n).
[25] Sila ay ang mga tumangging sumampalataya at sumagabal sa inyo sa Masjid na Pinakababanal at sa inaalay habang pinigilan na makarating sa pinag-aalayan nito. Kung hindi dahil sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya na hindi kayo nakaalam sa kanila [sa Makkah] – na baka makapaslang kayo sa kanila para may tumama sa inyo dahil sa kanila na isang kapintasan nang wala sa kaalaman [ninyo] – [talaga sanang nagpahintulot Siya sa iyo sa pagsakop sa Makkah] upang magpapapasok si Allāh ng awa Niya sa sinumang niloloob Niya. Kung sakaling nabukod sila [ng mga mananampalataya at mga tagatangging sumampalataya] ay talaga sanang pinagdusa Namin ang mga tumanging sumampalataya kabilang sa kanila ng isang pagdurusang masakit.

اِذْ جَعَلَ الَّذِيْنَ كَفَرُوْا فِيْ قُلُوْبِهِمُ الْحَمِيَّةَ حَمِيَّةَ الْجَاهِلِيَّةِ فَاَنْزَلَ اللّٰهُ سَكِيْنَتَهٗ عَلٰى رَسُوْلِهٖ وَعَلَى الْمُؤْمِنِيْنَ وَاَلْزَمَهُمْ كَلِمَةَ التَّقْوٰى وَكَانُوْٓا اَحَقَّ بِهَا وَاَهْلَهَا ۗوَكَانَ اللّٰهُ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيْمًا ࣖ٢٦
Iż ja‘alal-lażīna kafarū fī qulūbihimul-ḥamiyyata ḥamiyyatal-jāhiliyyati fa anzalallāhu sakīnatahū ‘alā rasūlihī wa ‘alal-mu'minīna wa alzamahum kalimatat-taqwā wa kānū aḥaqqa bihā wa ahlahā, wa kānallāhu bikulli syai'in ‘alīmā(n).
[26] Noong naglagay ang mga tumangging sumampalataya sa mga puso nila ng [pagkadama ng] kapalaluan, kapalaluan ng Panahon ng Kamangmangan, ay nagpababa si Allāh ng katahimikan Niya sa Sugo Niya at sa mga mananampalataya, nagpanatili Siya sa kanila sa salita ng pangingilag magkasala, at sila ay higit na may karapatan doon at higit na karapat-dapat doon.571 Laging si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.
[571] Ibig sabihin: ang pagsabi ng Walang Diyos kundi si Allāh.

لَقَدْ صَدَقَ اللّٰهُ رَسُوْلَهُ الرُّءْيَا بِالْحَقِّ ۚ لَتَدْخُلُنَّ الْمَسْجِدَ الْحَرَامَ اِنْ شَاۤءَ اللّٰهُ اٰمِنِيْنَۙ مُحَلِّقِيْنَ رُءُوْسَكُمْ وَمُقَصِّرِيْنَۙ لَا تَخَافُوْنَ ۗفَعَلِمَ مَا لَمْ تَعْلَمُوْا فَجَعَلَ مِنْ دُوْنِ ذٰلِكَ فَتْحًا قَرِيْبًا٢٧
Laqad ṣadaqallāhu rasūlahur-ru'yā bil-ḥaqq(i), latadkhulunnal-masjidal-ḥarāma in syā'allāhu āminīn(a), muḥalliqīna ru'ūsakum wa muqaṣṣirīn(a), lā takhāfūn(a), fa‘alima mā lam ta‘lamū faja‘ala min dūni żālika fatḥan qarībā(n).
[27] Talaga ngang nagsakatuparan si Allāh sa Sugo Niya ng panaginip ayon sa katotohanan. Talagang papasok nga kayo sa Masjid na Pinakababanal [sa Makkah], kung niloob ni Allāh, na mga ligtas na mga nag-ahit ng mga ulo ninyo [ang ilan] at mga nagpaiksi [ng buhok ang ilan], na hindi kayo nangangamba, saka nakaalam Siya ng hindi ninyo nalaman kaya gumawa Siya bukod pa roon572 ng isang pagpapawaging malapit.
[572] Ibig sabihin: ang pagsakop sa Khaybar

هُوَ الَّذِيْٓ اَرْسَلَ رَسُوْلَهٗ بِالْهُدٰى وَدِيْنِ الْحَقِّ لِيُظْهِرَهٗ عَلَى الدِّيْنِ كُلِّهٖ ۗوَكَفٰى بِاللّٰهِ شَهِيْدًا٢٨
Huwal-lażī arsala rasūlahū bil-hudā wa dīnil-ḥaqqi liyuẓhirahū ‘alad-dīni kullih(ī), wa kafā billāhi syahīdā(n).
[28] 28 Siya ay ang nagsugo sa Sugo Niya [na si Muḥammad] kalakip ng patnubay at Relihiyon ng Katotohanan upang magpangibabaw Siya nito sa [ibang] relihiyon sa kabuuan nito. Nakasapat si Allāh bilang Saksi.

مُحَمَّدٌ رَّسُوْلُ اللّٰهِ ۗوَالَّذِيْنَ مَعَهٗٓ اَشِدَّاۤءُ عَلَى الْكُفَّارِ رُحَمَاۤءُ بَيْنَهُمْ تَرٰىهُمْ رُكَّعًا سُجَّدًا يَّبْتَغُوْنَ فَضْلًا مِّنَ اللّٰهِ وَرِضْوَانًا ۖ سِيْمَاهُمْ فِيْ وُجُوْهِهِمْ مِّنْ اَثَرِ السُّجُوْدِ ۗذٰلِكَ مَثَلُهُمْ فِى التَّوْرٰىةِ ۖوَمَثَلُهُمْ فِى الْاِنْجِيْلِۚ كَزَرْعٍ اَخْرَجَ شَطْـَٔهٗ فَاٰزَرَهٗ فَاسْتَغْلَظَ فَاسْتَوٰى عَلٰى سُوْقِهٖ يُعْجِبُ الزُّرَّاعَ لِيَغِيْظَ بِهِمُ الْكُفَّارَ ۗوَعَدَ اللّٰهُ الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا وَعَمِلُوا الصّٰلِحٰتِ مِنْهُمْ مَّغْفِرَةً وَّاَجْرًا عَظِيْمًا ࣖ٢٩
Muḥammadur rasūlullāh(i), wal-lażīna ma‘ahū asyiddā'u ‘alal-kuffāri ruḥamā'u bainahum tarāhum rukka‘an sujjaday yabtagūna faḍlam minallāhi wa riḍwānā(n), sīmāhum fī wujūhihim min aṡaris-sujūd(i), żālika maṡaluhum fit-taurāh(ti), wa maṡaluhum fil-injīl(i), kazar‘in akhraja syaṭ'ahū fa āzarahū fastaglaẓa fastawā ‘alā sūqihī yu‘jibuz-zurrā‘a liyagīẓa bihimul-kuffār(a), wa‘adallāhul-lażīna āmanū wa ‘amiluṣ-ṣāliḥāti minhum magfirataw wa ajran ‘aẓīmā(n).
[29] Si Muḥammad ay ang Sugo ni Allāh. Ang mga kasama sa kanya ay mga matindi sa mga tagatangging sumasampalataya, mga maawain sa isa’t isa sa kanila. Makikita mo sila na mga nakayukod, mga nakapatirapa, na naghahangad ng isang kabutihang-loob mula kay Allāh at ng isang kasiyahan [Niya]. Ang tatak nila ay nasa mga mukha nila, mula sa bakas ng pagpapatirapa. Iyon ay ang paglalarawan sa kanila sa Torah.573 Ang paglalarawan naman sa kanila sa Ebanghelyo574 ay gaya ng tanim na nagluwal ng usbong nito, saka pinalakas nito iyon, saka kumapal iyon, saka tumayo iyon sa puno nito, na nagpatuwa sa mga tagatanim, upang magpangitngit Siya sa pamamagitan nila sa mga tagatangging sumampalataya. Nangako si Allāh sa mga sumampalataya at mga gumawa ng mga maayos kabilang sa kanila ng isang kapatawaran at isang pabuyang sukdulan [sa Paraiso].
[573] Tingnan ang Deuternomio 33:13 at ang Mga Bilang 16:22 [574] Tingnan ang Marcos 4:26, 29 at ang Mateo 13:39