Surah Muhammad

Daftar Surah

بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
اَلَّذِيْنَ كَفَرُوْا وَصَدُّوْا عَنْ سَبِيْلِ اللّٰهِ اَضَلَّ اَعْمَالَهُمْ١
Allażīna kafarū wa ṣaddū ‘an sabīlillāhi aḍalla a‘mālahum.
[1] Ang mga tumangging sumampalataya at sumagabal sa landas ni Allāh565 ay magpapawalang-kabuluhan Siya sa mga gawa nila.
[565] Ibig sabihin: sa Relihiyong Islam

وَالَّذِيْنَ اٰمَنُوْا وَعَمِلُوا الصّٰلِحٰتِ وَاٰمَنُوْا بِمَا نُزِّلَ عَلٰى مُحَمَّدٍ وَّهُوَ الْحَقُّ مِنْ رَّبِّهِمْ ۚ كَفَّرَ عَنْهُمْ سَيِّاٰتِهِمْ وَاَصْلَحَ بَالَهُمْ٢
Wal-lażīna āmanū wa ‘amiluṣ-ṣāliḥāti wa āmanū bimā nuzzila ‘alā muḥammadiw wa huwal-ḥaqqu mir rabbihim, kaffara ‘anhum sayyi'ātihim wa aṣlaḥa bālahum.
[2] Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos at sumampalataya sa [Qur’ān na] ibinaba kay [Propeta] Muḥammad – at ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon nila – ay magtatakip-sala Siya sa kanila sa mga masagwang gawa nila at magsasaayos Siya sa lagay nila [sa Mundo at Kabilang-buhay].

ذٰلِكَ بِاَنَّ الَّذِيْنَ كَفَرُوا اتَّبَعُوا الْبَاطِلَ وَاَنَّ الَّذِيْنَ اٰمَنُوا اتَّبَعُوا الْحَقَّ مِنْ رَّبِّهِمْ ۗ كَذٰلِكَ يَضْرِبُ اللّٰهُ لِلنَّاسِ اَمْثَالَهُمْ٣
Żālika bi'annal-lażīna kafaruttaba‘ul-bāṭila wa annal-lażīna āmanuttaba‘ul-ḥaqqa mir rabbihim, każālika yaḍribullāhu lin-nāsi amṡālahum.
[3] Iyon ay dahil ang mga tumangging sumampalataya ay sumunod sa kabulaanan at ang mga sumampalataya naman ay sumunod sa katotohanan mula sa Panginoon nila. Gayon naglalahad si Allāh para sa mga tao ng mga paghahalintulad sa kanila.

فَاِذَا لَقِيْتُمُ الَّذِيْنَ كَفَرُوْا فَضَرْبَ الرِّقَابِۗ حَتّٰٓى اِذَآ اَثْخَنْتُمُوْهُمْ فَشُدُّوا الْوَثَاقَۖ فَاِمَّا مَنًّاۢ بَعْدُ وَاِمَّا فِدَاۤءً حَتّٰى تَضَعَ الْحَرْبُ اَوْزَارَهَا ەۛ ذٰلِكَ ۛ وَلَوْ يَشَاۤءُ اللّٰهُ لَانْتَصَرَ مِنْهُمْ وَلٰكِنْ لِّيَبْلُوَا۟ بَعْضَكُمْ بِبَعْضٍۗ وَالَّذِيْنَ قُتِلُوْا فِيْ سَبِيْلِ اللّٰهِ فَلَنْ يُّضِلَّ اَعْمَالَهُمْ٤
Fa iżā laqītumul-lażīna kafarū faḍarbar-riqāb(i), ḥattā iżā aṡkhantumūhum fa syuddul-waṡāq(a), fa'immā mannam ba‘du wa immā fidā'an ḥattā taḍa‘al-ḥarbu auzārahā - żālika - wa lau yasyā'ullāhu lantaṣara minhum wa lākil liyabluwa ba‘ḍakum biba‘ḍ(in), wal-lażīna qutilū fī sabīlillāhi falay yuḍilla a‘mālahum.
[4] Kaya kapag nakipagkita kayo [sa labanan] sa mga tumangging sumampalataya ay tumaga sa mga leeg nila; hanggang sa nang nakalipol kayo sa kanila ay maghigpit kayo ng mga paggapos [sa mga bihag] saka maaaring maging may pagmamagandang-loob matapos niyon o maaaring maging may pagpapatubos [sa mga bihag] hanggang sa magbaba ang digmaan ng mga pasanin nito. Iyon nga [ang utos ni Allāh]; at kung sakaling loloobin ni Allāh ay talaga sanang naghiganti Siya laban sa kanila subalit [ipinag-utos ang pakikibaka laban sa mga kaaway ng katotohanan, katarungan, at kapayapaan] upang sumubok Siya sa iba sa inyo sa pamamagitan ng iba pa. Ang mga pinatay sa landas ni Allāh ay hindi Siya magwawala sa mga gawa nila.

سَيَهْدِيْهِمْ وَيُصْلِحُ بَالَهُمْۚ٥
Sayahdīhim wa yuṣliḥu bālahum.
[5] Magpapatnubay Siya sa kanila at magsasaayos Siya sa [kasalukuyang] lagay nila.

وَيُدْخِلُهُمُ الْجَنَّةَ عَرَّفَهَا لَهُمْ٦
Wa yudkhiluhumul-jannata ‘arrafahā lahum.
[6] Magpapapasok Siya sa kanila sa Paraiso, na ipinakilala Niya sa kanila.

يٰٓاَيُّهَا الَّذِيْنَ اٰمَنُوْٓا اِنْ تَنْصُرُوا اللّٰهَ يَنْصُرْكُمْ وَيُثَبِّتْ اَقْدَامَكُمْ٧
Yā ayyuhal-lażīna āmanū in tanṣurullāha yanṣurkum wa yuṡabbit aqdāmakum.
[7] O mga sumampalataya, kung mag-aadya kayo kay Allāh [sa layunin Niya], mag-aadya Siya sa inyo at magpapatatag Siya sa mga paa ninyo [sa labanan].

وَالَّذِيْنَ كَفَرُوْا فَتَعْسًا لَّهُمْ وَاَضَلَّ اَعْمَالَهُمْ٨
Wal-lażīna kafarū fata‘sal lahum wa aḍalla a‘mālahum.
[8] Ang mga tumangging sumampalataya, kasawian ay ukol sa kanila at iwawala Niya ang mga gawa nila.

ذٰلِكَ بِاَنَّهُمْ كَرِهُوْا مَآ اَنْزَلَ اللّٰهُ فَاَحْبَطَ اَعْمَالَهُمْ٩
Żālika bi'annahum karihū mā anzalallāhu fa aḥbaṭa a‘mālahum.
[9] Iyon ay dahil sila ay nasuklam sa [Qur’ān na] pinababa ni Allāh kaya nagpawalang-kabuluhan Siya sa mga gawa nila.

۞ اَفَلَمْ يَسِيْرُوْا فِى الْاَرْضِ فَيَنْظُرُوْا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الَّذِيْنَ مِنْ قَبْلِهِمْ ۗ دَمَّرَ اللّٰهُ عَلَيْهِمْ ۖوَلِلْكٰفِرِيْنَ اَمْثَالُهَا١٠
Afalam yasīrū fil-arḍi fayanẓurū kaifa kāna ‘āqibatul-lażīna min qablihim, dammarallāhu ‘alaihim, wa lil-kāfirīna amṡāluhā.
[10] Kaya hindi ba sila humayo sa lupain para tumingin sila kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga bago pa nila? Dumurog si Allāh sa kanila. Ukol sa mga tagatangging sumampalataya ang mga tulad niyon.

ذٰلِكَ بِاَنَّ اللّٰهَ مَوْلَى الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا وَاَنَّ الْكٰفِرِيْنَ لَا مَوْلٰى لَهُمْ ࣖ١١
Żālika bi'annallāha maulal-lażīna āmanū wa annal-kāfirīna lā maulā lahum.
[11] Iyon ay dahil si Allāh ang Pinagpapatangkilikan ng mga sumampalataya at [dahil] ang mga tagatangging sumampalataya ay walang pinagpapatangkilikan ukol sa kanila.

اِنَّ اللّٰهَ يُدْخِلُ الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا وَعَمِلُوا الصّٰلِحٰتِ جَنّٰتٍ تَجْرِيْ مِنْ تَحْتِهَا الْاَنْهٰرُ ۗوَالَّذِيْنَ كَفَرُوْا يَتَمَتَّعُوْنَ وَيَأْكُلُوْنَ كَمَا تَأْكُلُ الْاَنْعَامُ وَالنَّارُ مَثْوًى لَّهُمْ١٢
Innallāha yudkhilul-lażīna āmanū wa ‘amiluṣ-ṣāliḥāti jannātin tajrī min taḥtihal-anhār(u), wal-lażīna kafarū yatamatta‘ūna wa ya'kulūna kamā ta'kulul-an‘āmu wan-nāru maṡwal lahum.
[12] Tunay na si Allāh ay magpapapasok sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Ang mga tumangging sumampalataya ay nagpapakatamasa [sa Mundo] at kumakain kung paanong kumakain ang mga hayupan. Ang Apoy ay tuluyan para sa kanila.

وَكَاَيِّنْ مِّنْ قَرْيَةٍ هِيَ اَشَدُّ قُوَّةً مِّنْ قَرْيَتِكَ الَّتِيْٓ اَخْرَجَتْكَۚ اَهْلَكْنٰهُمْ فَلَا نَاصِرَ لَهُمْ١٣
Wa ka'ayyim min qaryatin hiya asyaddu quwwatam min qaryatikal-latī akhrajatk(a), ahlaknāhum falā nāṣira lahum.
[13] Kay raming pamayanan ay higit na matindi sa lakas kaysa sa [Makkah na] pamayanan mo na nagpalisan sa iyo! Nagpahamak Kami sa kanila sapagkat walang tagapag-adya para sa kanila.

اَفَمَنْ كَانَ عَلٰى بَيِّنَةٍ مِّنْ رَّبِّهٖ كَمَنْ زُيِّنَ لَهٗ سُوْۤءُ عَمَلِهٖ وَاتَّبَعُوْٓا اَهْوَاۤءَهُمْ١٤
Afaman kāna ‘alā bayyinatim mir rabbihī kaman zuyyina lahū sū'u ‘amalihī wattaba‘ū ahwā'ahum.
[14] Kaya ba ang sinumang nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon niya ay gaya ng mga ipinaakit para sa kanila ang kasagwaan ng gawain nila at sumunod sila sa mga pithaya nila?

مَثَلُ الْجَنَّةِ الَّتِيْ وُعِدَ الْمُتَّقُوْنَ ۗفِيْهَآ اَنْهٰرٌ مِّنْ مَّاۤءٍ غَيْرِ اٰسِنٍۚ وَاَنْهٰرٌ مِّنْ لَّبَنٍ لَّمْ يَتَغَيَّرْ طَعْمُهٗ ۚوَاَنْهٰرٌ مِّنْ خَمْرٍ لَّذَّةٍ لِّلشّٰرِبِيْنَ ەۚ وَاَنْهٰرٌ مِّنْ عَسَلٍ مُّصَفًّى ۗوَلَهُمْ فِيْهَا مِنْ كُلِّ الثَّمَرٰتِ وَمَغْفِرَةٌ مِّنْ رَّبِّهِمْ ۗ كَمَنْ هُوَ خَالِدٌ فِى النَّارِ وَسُقُوْا مَاۤءً حَمِيْمًا فَقَطَّعَ اَمْعَاۤءَهُمْ١٥
Maṡalul-jannatil-latī wu‘idal-muttaqūn(a), fīhā anhārum mim mā'in gairi āsin(in), wa anhārum mil labanil lam yatagayyar ṭa‘muh(ū), wa anhārum min khamril lażżatil lisy-syāribīn(a), wa anhārum min ‘asalim muṣaffā(n), wa lahum fīhā min kulliṡ-ṡamarāti wa magfiratum mir rabbihim, kaman huwa khālidun fin-nāri wa suqū mā'an ḥamīman faqaṭṭa‘a am‘ā'ahum.
[15] Ang paglalarawan sa Paraiso – na pinangakuan ang mga tagapangilag magkasala roon ng mga ilog mula sa tubig na hindi nagbabago, ng mga ilog mula sa gatas na hindi nagbago ang lasa nito, ng mga ilog mula sa alak na kasarapan para sa mga tagainom, at ng mga ilog mula sa pulut-pukyutan na dinalisay, at may ukol sa kanila roon na lahat ng mga bunga at isang kapatawaran mula sa Panginoon nila – ay gaya ba ng mga mamamalagi sa Apoy at paiinumin ng isang nakapapasong tubig kaya magpuputul-putol ito sa mga bituka nila?

وَمِنْهُمْ مَّنْ يَّسْتَمِعُ اِلَيْكَۚ حَتّٰىٓ اِذَا خَرَجُوْا مِنْ عِنْدِكَ قَالُوْا لِلَّذِيْنَ اُوْتُوا الْعِلْمَ مَاذَا قَالَ اٰنِفًا ۗ اُولٰۤىِٕكَ الَّذِيْنَ طَبَعَ اللّٰهُ عَلٰى قُلُوْبِهِمْ وَاتَّبَعُوْٓا اَهْوَاۤءَهُمْ١٦
Wa minhum may yastami‘u ilaiīk(a), ḥattā iżā kharajū min ‘indika qālū lil-ażīna ūtul-ilma māżā qāla ānifā(n), ulā'ikal-ażīna ṭaba‘allāhu ‘alā qulūbihim wattaba‘ū ahwā'ahum.
[16] Mayroon sa kanila [ng mga tagatangging sumampalataya] na [nagkukunwaring] nakikinig sa iyo; hanggang nang nakalabas sila mula sa piling mo ay nagsabi sila sa mga binigyan ng kaalaman: “Ano ang sinabi niya kanina?” Ang mga iyon ay ang mga nagpinid si Allāh sa mga puso nila at sumunod sa mga pithaya nila.

وَالَّذِيْنَ اهْتَدَوْا زَادَهُمْ هُدًى وَّاٰتٰىهُمْ تَقْوٰىهُمْ١٧
Wal-ażīnahtadau zādahum hudaw wa ātāhum taqwāhum.
[17] Ang mga napatnubayan [sa landas ng Islām] ay nagdagdag Siya sa kanila ng patnubay at nagbigay Siya sa kanila ng pangingilag nilang magkasala.

فَهَلْ يَنْظُرُوْنَ اِلَّا السَّاعَةَ اَنْ تَأْتِيَهُمْ بَغْتَةً ۚ فَقَدْ جَاۤءَ اَشْرَاطُهَا ۚ فَاَنّٰى لَهُمْ اِذَا جَاۤءَتْهُمْ ذِكْرٰىهُمْ١٨
Fahal yanẓurūna illas-ā‘ata an ta'tiyahum bagtah(tan), faqad jā'a asyrāṭuhā, fa'annā lahum iżā jā'athum żikrāhum.
[18] Kaya naghihintay kaya sila ng maliban pa sa Huling Sandali, na sumapit ito sa kanila nang bigla sapagkat dumating na ang mga tanda nito? Kaya papaanong ukol sa kanila, kapag dumating [ang Huling Sandali na] ito sa kanila, ang paalaala sa kanila?

فَاعْلَمْ اَنَّهٗ لَآ اِلٰهَ اِلَّا اللّٰهُ وَاسْتَغْفِرْ لِذَنْۢبِكَ وَلِلْمُؤْمِنِيْنَ وَالْمُؤْمِنٰتِۚ وَاللّٰهُ يَعْلَمُ مُتَقَلَّبَكُمْ وَمَثْوٰىكُمْ ࣖ١٩
Fa‘lam annahū lā ilāha illallāhu wastagfir liżambika wa lil-u'minīna wal-u'mināt(i), wallāhu ya‘lamu mutaqallabakum wa maṡwākum.
[19] Kaya alamin mo na walang Diyos [na karapat-dapat sambahin] kundi si Allāh at humingi ka ng tawad para sa pagkakasala mo at para sa [mga pagkakasala ng] mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya. Si Allāh ay nakaaalam sa ginagalawan ninyo at tuluyan ninyo [sa gabi ninyo].

وَيَقُوْلُ الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا لَوْلَا نُزِّلَتْ سُوْرَةٌ ۚفَاِذَآ اُنْزِلَتْ سُوْرَةٌ مُّحْكَمَةٌ وَّذُكِرَ فِيْهَا الْقِتَالُ ۙرَاَيْتَ الَّذِيْنَ فِيْ قُلُوْبِهِمْ مَّرَضٌ يَّنْظُرُوْنَ اِلَيْكَ نَظَرَ الْمَغْشِيِّ عَلَيْهِ مِنَ الْمَوْتِۗ فَاَوْلٰى لَهُمْۚ٢٠
Wa yaqūlul-ażīna āmanū lau lā nuzzilat sūrah(tun), fa iżā unzilat sūratum muḥkamatuw wa żukira fīhal-itāl(u), ra'aital-ażīna fī qulūbihim maraḍuy yanẓurūna ilaika naẓaral-magsyiyyi ‘alaihi minal-maut(i), fa'aulā lahum.
[20] Nagsasabi ang mga sumampalataya: “Bakit kasi walang ibinaba na isang kabanata?”566 Ngunit nang may pinababa na isang kabanatang isinatahasan at binanggit dito ang pakikipaglaban, makikita mo ang mga sa mga puso nila ay may sakit [ng pagpapaimbabaw] na tumitingin sa iyo nang pagtingin ng hinimatay dahil sa [takot sa] kamatayan. Kaya higit na nararapat para sa kanila ay
[566] sa Qur’an na may pagbanggit ng pagpahintulot ng pakikipalaban

طَاعَةٌ وَّقَوْلٌ مَّعْرُوْفٌۗ فَاِذَا عَزَمَ الْاَمْرُۗ فَلَوْ صَدَقُوا اللّٰهَ لَكَانَ خَيْرًا لَّهُمْۚ٢١
Ṭā‘atuw wa qaulum ma‘rūf(un), fa'iżā ‘azamal-amr(u), falau ṣadaqullāha lakāna khairal lahum.
[21] pagtalima [kay Allāh] at pagsasabing nakabubuti. Kaya kapag naisatungkulin ang usapin [ng pakikipaglaban] saka kung sakaling nagpakatotoo sila kay Allāh, talaga sanang ito ay naging higit na mabuti para sa kanila.

فَهَلْ عَسَيْتُمْ اِنْ تَوَلَّيْتُمْ اَنْ تُفْسِدُوْا فِى الْاَرْضِ وَتُقَطِّعُوْٓا اَرْحَامَكُمْ٢٢
Fahal ‘asaitum in tawallaitum an tufsidū fil-arḍi wa tuqaṭṭi‘ū arḥāmakum.
[22] Kaya marahil kayo kaya, kung tumalikod kayo, ay manggugulo sa lupa at magpuputul-putol ng ugnayan sa mga kaanak ninyo?

اُولٰۤىِٕكَ الَّذِيْنَ لَعَنَهُمُ اللّٰهُ فَاَصَمَّهُمْ وَاَعْمٰٓى اَبْصَارَهُمْ٢٣
Ulā'ikal-lażīna la‘anahumullāhu fa aṣammahum wa a‘mā abṣārahum.
[23] Ang mga iyon ay ang mga isinumpa ni Allāh, kaya bumingi Siya sa kanila at bumulag Siya sa mga paningin nila [sa katotohanan].

اَفَلَا يَتَدَبَّرُوْنَ الْقُرْاٰنَ اَمْ عَلٰى قُلُوْبٍ اَقْفَالُهَا٢٤
Afalā yatadabbarūnal-qur'āna am ‘alā qulūbin aqfāluhā.
[24] Kaya hindi ba sila nagmumuni-muni sa Qur’ān o sa mga puso ay may mga pampinid ng mga ito?

اِنَّ الَّذِيْنَ ارْتَدُّوْا عَلٰٓى اَدْبَارِهِمْ مِّنْۢ بَعْدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُمُ الْهُدَى الشَّيْطٰنُ سَوَّلَ لَهُمْۗ وَاَمْلٰى لَهُمْ٢٥
Innal-lażīnartaddū ‘alā adbārihim mim ba‘di mā tabayyana lahumul-hudasy-syaiṭānu sawwala lahum, wa amlā lahum.
[25] Tunay na ang mga bumalik sa mga tinalikdan nila matapos na luminaw para sa kanila ang patnubay, ang demonyo ay humalina sa kanila at nagpapatagal [ng maling pag-asa] para sa kanila.

ذٰلِكَ بِاَنَّهُمْ قَالُوْا لِلَّذِيْنَ كَرِهُوْا مَا نَزَّلَ اللّٰهُ سَنُطِيْعُكُمْ فِيْ بَعْضِ الْاَمْرِۚ وَاللّٰهُ يَعْلَمُ اِسْرَارَهُمْ٢٦
Żālika bi'annahum qālū lil-lażīna karihū mā nazzalallāhu sanuṭī‘ukum fī ba‘ḍil-amr(i), wallāhu ya‘lamu isrārahum.
[26] Iyon ay dahil sila ay nagsabi sa mga nasuklam sa [Qur’ān na] ibinaba ni Allāh: “Tatalima kami sa inyo sa ilan sa usapin,” samantalang si Allāh ay nakaaalam sa paglilihim nila.

فَكَيْفَ اِذَا تَوَفَّتْهُمُ الْمَلٰۤىِٕكَةُ يَضْرِبُوْنَ وُجُوْهَهُمْ وَاَدْبَارَهُمْ٢٧
Fa kaifa iżā tawaffathumul-malā'ikatu yaḍribūna wujūhahum wa adbārahum.
[27] Kaya papaano kapag bumawi sa kanila ang mga anghel habang pumapalo ang mga ito sa mga mukha nila at mga likod nila?

ذٰلِكَ بِاَنَّهُمُ اتَّبَعُوْا مَآ اَسْخَطَ اللّٰهَ وَكَرِهُوْا رِضْوَانَهٗ فَاَحْبَطَ اَعْمَالَهُمْ ࣖ٢٨
Żālika bi'annahumuttaba‘ū mā askhaṭallāha wa karihū riḍwānahū fa aḥbaṭa a‘mālahum.
[28] Iyon ay dahil sila ay sumunod sa nagpainis kay Allāh at nasuklam sila sa pagkalugod Niya kaya nagpawalang-kabuluhan Siya sa mga gawa nila.

اَمْ حَسِبَ الَّذِيْنَ فِيْ قُلُوْبِهِمْ مَّرَضٌ اَنْ لَّنْ يُّخْرِجَ اللّٰهُ اَضْغَانَهُمْ٢٩
Am ḥasibal-lażīna fī qulūbihim maraḍun allay yukhrijallāhu aḍgānahum.
[29] O nag-akala ang mga sa mga puso nila ay may sakit [ng pagpapaimbabaw] na hindi magpapalabas si Allāh sa mga poot nila?

وَلَوْ نَشَاۤءُ لَاَرَيْنٰكَهُمْ فَلَعَرَفْتَهُمْ بِسِيْمٰهُمْ ۗوَلَتَعْرِفَنَّهُمْ فِيْ لَحْنِ الْقَوْلِۗ وَاللّٰهُ يَعْلَمُ اَعْمَالَكُمْ٣٠
Wa lau nasyā'u la'arainākahum fala‘araftahum bisīmāhum, wa lata‘rifannahum fī laḥnil-qaul(i), wallāhu ya‘lamu a‘mālakum.
[30] Kung sakaling niloloob Namin ay talaga sanang ipinakita Namin sa iyo sila kaya talaga sanang nakilala mo sila sa pamamagitan ng mga tatak nila at talaga sanang makikilala mo nga sila sa himig ng pagkakasabi [nila]. Si Allāh ay nakaaalam sa mga gawa ninyo.

وَلَنَبْلُوَنَّكُمْ حَتّٰى نَعْلَمَ الْمُجٰهِدِيْنَ مِنْكُمْ وَالصّٰبِرِيْنَۙ وَنَبْلُوَا۟ اَخْبَارَكُمْ٣١
Wa lanabluwannakum ḥattā na‘lamal-mujāhidīna minkum waṣ-ṣābirīn(a), wa nabluwa akhbārakum.
[31] Talagang susubok nga Kami sa inyo hanggang sa maghayag Kami sa mga nakikibaka [sa pakikipaglaban] kabilang sa inyo at mga nagtitiis at sumubok Kami sa mga gawain ninyo.

اِنَّ الَّذِيْنَ كَفَرُوْا وَصَدُّوْا عَنْ سَبِيْلِ اللّٰهِ وَشَاۤقُّوا الرَّسُوْلَ مِنْۢ بَعْدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُمُ الْهُدٰى لَنْ يَّضُرُّوا اللّٰهَ شَيْـًٔاۗ وَسَيُحْبِطُ اَعْمَالَهُمْ٣٢
Innal-lażīna kafarū wa ṣaddū ‘an sabīlillāhi wa syāqqur-rasūla mim ba‘di mā tabayyana lahumul-hudā lay yaḍurrullāha syai'ā(n), wa sayuḥbiṭu a‘mālahum.
[32] Tunay na ang mga tumangging sumampalataya, sumagabal [sa mga tao] sa landas ni Allāh, at nakipaghidwaan sa Sugo matapos na luminaw para sa kanila ang patnubay ay hindi makapipinsala kay Allāh sa anuman at magpapawalang-kabuluhan Siya sa mga gawa nila.

۞ يٰٓاَيُّهَا الَّذِيْنَ اٰمَنُوْٓا اَطِيْعُوا اللّٰهَ وَاَطِيْعُوا الرَّسُوْلَ وَلَا تُبْطِلُوْٓا اَعْمَالَكُمْ٣٣
Yā ayyuhal-lażīna āmanū aṭī‘ullāha wa aṭī‘ur-rasūla wa lā tubṭilū a‘mālakum.
[33] O mga sumampalataya, tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo, at huwag kayong magpawalang-saysay sa mga [magandang] gawa ninyo.

اِنَّ الَّذِيْنَ كَفَرُوْا وَصَدُّوْا عَنْ سَبِيْلِ اللّٰهِ ثُمَّ مَاتُوْا وَهُمْ كُفَّارٌ فَلَنْ يَّغْفِرَ اللّٰهُ لَهُمْ٣٤
Innal-lażīna kafarū wa ṣaddū ‘an sabīlillāhi ṡumma mātū wa hum kuffārun falay yagfirallāhu lahum.
[34] Tunay na ang mga tumangging sumampalataya at sumagabal sa landas ni Allāh – pagkatapos namatay sila habang sila ay mga tagatangging sumampalataya – ay hindi magpapatawad si Allāh sa kanila.

فَلَا تَهِنُوْا وَتَدْعُوْٓا اِلَى السَّلْمِۖ وَاَنْتُمُ الْاَعْلَوْنَۗ وَاللّٰهُ مَعَكُمْ وَلَنْ يَّتِرَكُمْ اَعْمَالَكُمْ٣٥
Falā tahinū wa tad‘ū ilas-salm(i), wa antumul-a‘laun(a), wallāhu ma‘akum wa lay yatirakum a‘mālakum.
[35] Kaya huwag kayong panghinaan at [huwag] kayong mag-anyaya sa pakikipagpayapaan samantalang kayo ay ang mga pinakamataas at si Allāh ay kasama sa inyo. Hindi Siya magbabawas sa inyo sa [gantimpala sa] mga gawa ninyo.

اِنَّمَا الْحَيٰوةُ الدُّنْيَا لَعِبٌ وَّلَهْوٌ ۗوَاِنْ تُؤْمِنُوْا وَتَتَّقُوْا يُؤْتِكُمْ اُجُوْرَكُمْ وَلَا يَسْـَٔلْكُمْ اَمْوَالَكُمْ٣٦
Innamal-ḥayātud-dun-yā la‘ibuw wa lahw(un), wa in tu'minū wa tattaqū yu'tikum ujūrakum wa lā yas'alkum amwālakum.
[36] Ang buhay na pangmundo ay isang paglalaro at isang paglilibang lamang. Kung sasampalataya kayo at mangingilag kayong magkasala ay magbibigay Siya sa inyo ng mga pabuya ninyo at hindi Siya hihingi sa inyo ng mga yaman ninyo.

اِنْ يَّسْـَٔلْكُمُوْهَا فَيُحْفِكُمْ تَبْخَلُوْا وَيُخْرِجْ اَضْغَانَكُمْ٣٧
Iy yas'alkumūhā fa yuḥfikum tabkhalū wa yukhrij aḍgānakum.
[37] Kung hihingi Siya sa inyo niyon saka magpipilit Siya sa inyo ay magmamaramot kayo at magpapalabas Siya sa mga poot ninyo.

هٰٓاَنْتُمْ هٰٓؤُلَاۤءِ تُدْعَوْنَ لِتُنْفِقُوْا فِيْ سَبِيْلِ اللّٰهِۚ فَمِنْكُمْ مَّنْ يَّبْخَلُ ۚوَمَنْ يَّبْخَلْ فَاِنَّمَا يَبْخَلُ عَنْ نَّفْسِهٖ ۗوَاللّٰهُ الْغَنِيُّ وَاَنْتُمُ الْفُقَرَاۤءُ ۗوَاِنْ تَتَوَلَّوْا يَسْتَبْدِلْ قَوْمًا غَيْرَكُمْۙ ثُمَّ لَا يَكُوْنُوْٓا اَمْثَالَكُمْ ࣖ٣٨
Hā antum hā'ulā'i tud‘auna litunfiqū fī sabīlillāh(i), fa minkum may yabkhal(u), wa may yabkhal fa innamā yabkhalu ‘an nafsih(ī), wallāhul-ganiyyu wa antumul-fuqarā'(u), wa in tatawallau yastabdil qauman gairakum, ṡumma lā yakūnū amṡālakum.
[38] Kayo nga itong tinatawagan upang gumugol kayo sa landas ni Allāh ngunit mayroon sa inyo na nagmamaramot. Ang sinumang nagmamaramot ay nagmamaramot lamang sa sarili niya. Si Allāh ay ang Walang-pangangailangan samantalang kayo ay ang mga maralita [sa Kanya]. Kung tatalikod kayo ay papalitan Niya [kayo] ng mga taong iba sa inyo, pagkatapos hindi sila magiging mga tulad ninyo.