Surah Al-Ahqaf
بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
حٰمۤ ۚ١
Ḥā mīm.
[1]
Ḥā. Mīm. 558
[558] Ang Qur’ān ay nasa wikang Arabe na binubuo ng mga titiks Arabe gaya ng mga ito.
تَنْزِيْلُ الْكِتٰبِ مِنَ اللّٰهِ الْعَزِيْزِ الْحَكِيْمِ٢
Tanzīlul-kitābi minallāhil ‘azīzil-ḥakīm(i).
[2]
Ang pagbababa ng Aklat [na Qur’ān] ay mula kay Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong.
مَا خَلَقْنَا السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضَ وَمَا بَيْنَهُمَآ اِلَّا بِالْحَقِّ وَاَجَلٍ مُّسَمًّىۗ وَالَّذِيْنَ كَفَرُوْا عَمَّآ اُنْذِرُوْا مُعْرِضُوْنَ٣
Mā khalaqnas-samāwāti wal-arḍa wa mā bainahumā illā bil-ḥaqqi wa ajalim musammā(n), wal-lażīna kafarū ‘ammā unżirū mu‘riḍūn(a).
[3]
Hindi Kami lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito malibang ayon sa katotohanan at sa isang taning na tinukoy. Ang mga tumangging sumampalataya, hinggil sa ibinabala sa kanila ay mga umaayaw.
قُلْ اَرَءَيْتُمْ مَّا تَدْعُوْنَ مِنْ دُوْنِ اللّٰهِ اَرُوْنِيْ مَاذَا خَلَقُوْا مِنَ الْاَرْضِ اَمْ لَهُمْ شِرْكٌ فِى السَّمٰوٰتِ ۖائْتُوْنِيْ بِكِتٰبٍ مِّنْ قَبْلِ هٰذَآ اَوْ اَثٰرَةٍ مِّنْ عِلْمٍ اِنْ كُنْتُمْ صٰدِقِيْنَ٤
Qul ara'aitum mā tad‘ūna min dūnillāhi arūnī māżā khalaqū minal-arḍi am lahum syirkun fis-samāwāt(i), i'tūnī bikitābim min qabli hāżā au aṡāratim min ‘ilmin in kuntum ṣādiqīn(a).
[4]
Sabihin mo: “Nagsaalang-alang ba kayo sa dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh? Magpakita kayo sa akin kung ano ang nilikha nila mula sa lupa, o kung mayroon silang pakikitambal sa mga langit. Magdala kayo sa akin ng isang aklat [na ibinaba] bago pa nito o ng isang [natitirang] bakas mula sa kaalaman, kung kayo ay mga tapat.”559
[559] sa pahayag ninyo na ang mga anito ninyo ay naging karapat-dapat sa pagsamba.
وَمَنْ اَضَلُّ مِمَّنْ يَّدْعُوْا مِنْ دُوْنِ اللّٰهِ مَنْ لَّا يَسْتَجِيْبُ لَهٗٓ اِلٰى يَوْمِ الْقِيٰمَةِ وَهُمْ عَنْ دُعَاۤىِٕهِمْ غٰفِلُوْنَ٥
Wa man aḍallu mimmay yad‘ū min dūnillāhi mal lā yastajību lahū ilā yaumil-qiyāmati wa hum ‘an du‘ā'ihim gāfilūn(a).
[5]
Sino ang higit na ligaw kaysa sa sinumang dumadalangin sa bukod pa kay Allāh, na hindi tumutugon sa kanya hanggang sa Araw ng Pagbangon samantalang ang mga ito, sa panalangin sa mga ito, ay mga nalilingat?
وَاِذَا حُشِرَ النَّاسُ كَانُوْا لَهُمْ اَعْدَاۤءً وَّكَانُوْا بِعِبَادَتِهِمْ كٰفِرِيْنَ٦
Wa iżā ḥusyiran-nāsu kānū lahum a‘dā'aw wa kānū bi‘ibādatihim kāfirīn(a).
[6]
Kapag kinalap ang mga tao, ang mga [dinalanginang] ito para sa kanila ay magiging mga kaaway at ang mga ito sa pagsamba sa mga ito ay magiging mga tagatanggi [sa pagkilala].
وَاِذَا تُتْلٰى عَلَيْهِمْ اٰيٰتُنَا بَيِّنٰتٍ قَالَ الَّذِيْنَ كَفَرُوْا لِلْحَقِّ لَمَّا جَاۤءَهُمْۙ هٰذَا سِحْرٌ مُّبِيْنٌۗ٧
Wa iżā tutlā ‘alaihim āyātunā bayyinātin qālal-lażīna kafarū lil-ḥaqqi lammā jā'ahum, hāżā siḥrum mubīn(un).
[7]
Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda Namin bilang mga malinaw na patunay ay nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya hinggil sa katotohanan noong dumating ito sa kanila: “Ito ay isang panggagaway na malinaw.”
اَمْ يَقُوْلُوْنَ افْتَرٰىهُ ۗ قُلْ اِنِ افْتَرَيْتُهٗ فَلَا تَمْلِكُوْنَ لِيْ مِنَ اللّٰهِ شَيْـًٔا ۗهُوَ اَعْلَمُ بِمَا تُفِيْضُوْنَ فِيْهِۗ كَفٰى بِهٖ شَهِيْدًا ۢ بَيْنِيْ وَبَيْنَكُمْ ۗ وَهُوَ الْغَفُوْرُ الرَّحِيْمُ٨
Am yaqūlūnaftarāh(u), qul iniftaraituh(ū), falā tamlikūna lī minallāhi syai'ā(n), huwa a‘lamu bimā tufīḍūna fīh(i), kafā bihī syahīdam bainī wa bainakum, wa huwal-gafūrur-raḥīm(u).
[8]
O nagsasabi sila: “Ginawa-gawa niya [ang Qur’ān na] ito.” Sabihin mo: “Kung gumawa-gawa ako nito ay hindi kayo makapagdudulot para sa akin laban kay Allāh ng anuman. Siya ay higit na maalam sa anumang sinusuong. Nakasapat Siya bilang saksi sa pagitan ko at sa pagitan ninyo. Siya ay ang Mapagpatawad, ang Maawain.”
قُلْ مَا كُنْتُ بِدْعًا مِّنَ الرُّسُلِ وَمَآ اَدْرِيْ مَا يُفْعَلُ بِيْ وَلَا بِكُمْۗ اِنْ اَتَّبِعُ اِلَّا مَا يُوْحٰٓى اِلَيَّ وَمَآ اَنَا۠ اِلَّا نَذِيْرٌ مُّبِيْنٌ٩
Qul mā kuntu bid‘am minar-rusuli wa mā adrī mā yuf‘alu bī wa lā bikum, in attabi‘u illā mā yūḥā ilayya wa mā ana illā nażīrum mubīn(un).
[9]
Sabihin mo: “Hindi ako isang pinasimulan mula sa mga sugo at hindi ako nakababatid sa gagawin sa akin ni sa inyo [sa Mundo]. Hindi ako sumusunod maliban sa ikinakasi sa akin at walang iba ako kundi isang mapagbabalang malinaw.”
قُلْ اَرَءَيْتُمْ اِنْ كَانَ مِنْ عِنْدِ اللّٰهِ وَكَفَرْتُمْ بِهٖ وَشَهِدَ شَاهِدٌ مِّنْۢ بَنِيْٓ اِسْرَاۤءِيْلَ عَلٰى مِثْلِهٖ فَاٰمَنَ وَاسْتَكْبَرْتُمْۗ اِنَّ اللّٰهَ لَا يَهْدِى الْقَوْمَ الظّٰلِمِيْنَ ࣖ١٠
Qul ara'aitum in kāna min ‘indillāhi wa kafartum bihī wa syahida syāhidum mim banī isrā'īla ‘alā miṡlihī fa āmana wastakbartum, innallāha lā yahdil-qaumaẓ-ẓālimīn(a).
[10]
Sabihin mo: “Nagsaalang-alang ba kayo kung [ang Qur’ān na] ito ay mula sa ganang kay Allāh at tumanggi kayong sumampalataya rito samantalang may sumaksi na isang tagasaksi mula sa mga anak ni Israel [na ito ay mula kay Allāh batay sa] tulad [sa nasaad sa Torah], kaya sumampalataya siya samantalang nagmalaki kayo?” Tunay na si Allāh ay hindi pumapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan.
وَقَالَ الَّذِيْنَ كَفَرُوْا لِلَّذِيْنَ اٰمَنُوْا لَوْ كَانَ خَيْرًا مَّا سَبَقُوْنَآ اِلَيْهِۗ وَاِذْ لَمْ يَهْتَدُوْا بِهٖ فَسَيَقُوْلُوْنَ هٰذَآ اِفْكٌ قَدِيْمٌ١١
Wa qālal-lażīna kafarū lil-lażīna āmanū lau kāna khairam mā sabaqūnā ilaih(i), wa iż lam yahtadū bihī fasayaqūlūna hāżā ifkun qadīm(un).
[11]
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya sa mga sumampalataya: “Kung sakaling [ang Islām na] ito ay kabutihan, hindi sana sila nakauna sa amin dito.” Yayamang hindi sila napatnubayan sa pamamagitan nito ay magsasabi sila: “Ito ay isang panlilinlang na luma.”
وَمِنْ قَبْلِهٖ كِتٰبُ مُوْسٰٓى اِمَامًا وَّرَحْمَةً ۗوَهٰذَا كِتٰبٌ مُّصَدِّقٌ لِّسَانًا عَرَبِيًّا لِّيُنْذِرَ الَّذِيْنَ ظَلَمُوْا ۖوَبُشْرٰى لِلْمُحْسِنِيْنَ١٢
Wa min qablihī kitābu mūsā imāmaw wa raḥmah(tan), wa hāżā kitābum muṣaddiqul lisānan ‘arabiyyal liyunżiral-lażīna ẓalamū, wa busyrā lil-muḥsinīn(a).
[12]
Bago pa nito, ang Kasulatan ni Moises ay bilang gabay at bilang awa. [Ang Qur’ān na] ito ay Aklat na tagapagpatotoo, sa wikang Arabe, upang magbabala ito sa mga lumabag sa katarungan560 at bilang balitang nakagagalak para sa mga tagagawa ng maganda.
[560] dahil sa pagtatambal kay Allāh at paggawa ng mga pagsuway
اِنَّ الَّذِيْنَ قَالُوْا رَبُّنَا اللّٰهُ ثُمَّ اسْتَقَامُوْا فَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُوْنَۚ١٣
Innal-lażīna qālū rabbunallāhu ṡummastaqāmū falā khaufun ‘alaihim wa lā hum yaḥzanūn(a).
[13]
Tunay na ang mga nagsabi: “Ang Panginoon namin ay si Allāh,” pagkatapos nagpakatuwid sila,561 ay walang pangamba sa kanila ni sila ay” malulungkot.”
[561] sa pananampalataya at gawang maayos
اُولٰۤىِٕكَ اَصْحٰبُ الْجَنَّةِ خٰلِدِيْنَ فِيْهَاۚ جَزَاۤءً ۢبِمَا كَانُوْا يَعْمَلُوْنَ١٤
Ulā'ika aṣḥābul-jannati khālidīna fīhā, jazā'am bimā kānū ya‘malūn(a).
[14]
Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Paraiso bilang mga mananatili roon bilang ganti sa dati nilang ginagawa.
وَوَصَّيْنَا الْاِنْسَانَ بِوَالِدَيْهِ اِحْسَانًا ۗحَمَلَتْهُ اُمُّهٗ كُرْهًا وَّوَضَعَتْهُ كُرْهًا ۗوَحَمْلُهٗ وَفِصٰلُهٗ ثَلٰثُوْنَ شَهْرًا ۗحَتّٰىٓ اِذَا بَلَغَ اَشُدَّهٗ وَبَلَغَ اَرْبَعِيْنَ سَنَةًۙ قَالَ رَبِّ اَوْزِعْنِيْٓ اَنْ اَشْكُرَ نِعْمَتَكَ الَّتِيْٓ اَنْعَمْتَ عَلَيَّ وَعَلٰى وَالِدَيَّ وَاَنْ اَعْمَلَ صَالِحًا تَرْضٰىهُ وَاَصْلِحْ لِيْ فِيْ ذُرِّيَّتِيْۗ اِنِّيْ تُبْتُ اِلَيْكَ وَاِنِّيْ مِنَ الْمُسْلِمِيْنَ١٥
Wa waṣṣainal-insāna biwālidaihi iḥsānā(n), ḥamalathu ummuhū kurhaw wa waḍa‘athu kurhā(n), wa ḥamluhū wa fiṣāluhū ṡalāṡūna syahrā(n), ḥattā iżā balaga asyuddahū wa balaga arba‘īna sanah(tan), qāla rabbi auzi‘nī an asykura ni‘matakal-latī an‘amta ‘alayya wa ‘alā wālidayya wa an a‘mala ṣāliḥan tarḍāhu wa aṣliḥ lī fī żurriyyatī, innī tubtu ilaika wa innī minal-muslimīn(a).
[15]
Nagtagubilin Kami sa tao hinggil sa mga magulang niya ng paggawa ng maganda. Nagdalang-tao sa kanya ang ina niya sa hirap at nagsilang ito sa kanya sa hirap. Ang pagdadalang-tao sa kanya at ang pag-awat sa kanya ay tatlumpong buwan; hanggang sa nang umabot siya sa katindihan niya at umabot siya sa apatnapung taong gulang ay magsasabi siya: “Panginoon ko, udyukan Mo ako na magpasalamat ako sa biyaya Mo na ibiniyaya Mo sa akin at sa mga magulang ko, na gumawa ako ng maayos na kalulugdan Mo, at magsaayos Ka para sa akin sa mga supling ko; tunay na ako ay nagbalik-loob sa Iyo [sa pagsisisi at pagtalima] at tunay na ako ay kabilang sa mga Muslim.”
اُولٰۤىِٕكَ الَّذِيْنَ نَتَقَبَّلُ عَنْهُمْ اَحْسَنَ مَا عَمِلُوْا وَنَتَجَاوَزُ عَنْ سَيِّاٰتِهِمْ فِيْٓ اَصْحٰبِ الْجَنَّةِۗ وَعْدَ الصِّدْقِ الَّذِيْ كَانُوْا يُوْعَدُوْنَ١٦
Ulā'ikal-lażīna nataqabbalu ‘anhum aḥsana mā ‘amilū wa natajāwazu ‘an sayyi'atihim fī aṣḥābil-jannah(ti), wa‘daṣ-ṣidqil-lażī kānū yū‘adūn(a).
[16]
Ang mga iyon ay tatanggapan Namin buhat sa kanila ng pinakamaganda sa ginawa nila at palalampasan Namin ng mga masagwang gawa nila [upang mapabilang sila] sa mga maninirahan sa Paraiso bilang pangako ng katapatan na sa kanila noon ay ipinangangako.
وَالَّذِيْ قَالَ لِوَالِدَيْهِ اُفٍّ لَّكُمَآ اَتَعِدَانِنِيْٓ اَنْ اُخْرَجَ وَقَدْ خَلَتِ الْقُرُوْنُ مِنْ قَبْلِيْۚ وَهُمَا يَسْتَغِيْثٰنِ اللّٰهَ وَيْلَكَ اٰمِنْ ۖاِنَّ وَعْدَ اللّٰهِ حَقٌّۚ فَيَقُوْلُ مَا هٰذَآ اِلَّآ اَسَاطِيْرُ الْاَوَّلِيْنَ١٧
Wal-lażī qāla liwālidaihi uffil lakumā ata‘idāninī an ukhraja wa qad khalatil qurūnu min qablī, wa humā yastagīṡānillāha wailaka āmin, inna wa‘dallāhi ḥaqq(un), fayaqūlu mā hāżā illā asāṭīrul-awwalīn(a).
[17]
Ang nagsabi sa mga magulang niya: “Pagkasuya sa inyong dalawa! Nangangako ba kayong dalawa sa akin na palabasin ako [sa libingan] samantalang lumipas na ang mga [ibang] salinlahi bago ko pa?” samantalang silang dalawa [na mga madulang] ay nagpapasaklolo kay Allāh, [na nagsasabi]: “Kapighatian sa iyo! Sumampalataya ka! Tunay na ang pangako ni Allāh ay [laging] totoo,” ngunit nagsasabi naman siya: “Walang iba ito kundi mga alamat ng mga sinauna.”
اُولٰۤىِٕكَ الَّذِيْنَ حَقَّ عَلَيْهِمُ الْقَوْلُ فِيْٓ اُمَمٍ قَدْ خَلَتْ مِنْ قَبْلِهِمْ مِّنَ الْجِنِّ وَالْاِنْسِ ۗاِنَّهُمْ كَانُوْا خٰسِرِيْنَ١٨
Ulā'ikal-lażīna ḥaqqa ‘alaihimul-qaulu fī umamin qad khalat min qablihim minal-jinni wal-ins(i), innahum kānū khāsirīn(a).
[18]
Ang mga iyon ay ang mga nagindapat sa kanila ang hatol [ng pagdurusa] sa mga kalipunang lumipas bago pa nila, kabilang sa jinn at tao. Tunay na sila ay naging mga lugi.
وَلِكُلٍّ دَرَجٰتٌ مِّمَّا عَمِلُوْاۚ وَلِيُوَفِّيَهُمْ اَعْمَالَهُمْ وَهُمْ لَا يُظْلَمُوْنَ١٩
Wa likullin darajātum mimmā ‘amilū, wa liyuwaffiyahum a‘mālahum wa hum lā yuẓlamūn(a).
[19]
Para sa lahat ay may mga antas [ng baytang] mula sa anumang ginawa nila, at upang maglulubus-lubos Siya sa kanila [ng kabayaran] sa mga gawa nila habang hindi sila nilalabag sa katarungan.
وَيَوْمَ يُعْرَضُ الَّذِيْنَ كَفَرُوْا عَلَى النَّارِۗ اَذْهَبْتُمْ طَيِّبٰتِكُمْ فِيْ حَيَاتِكُمُ الدُّنْيَا وَاسْتَمْتَعْتُمْ بِهَاۚ فَالْيَوْمَ تُجْزَوْنَ عَذَابَ الْهُوْنِ بِمَا كُنْتُمْ تَسْتَكْبِرُوْنَ فِى الْاَرْضِ بِغَيْرِ الْحَقِّ وَبِمَا كُنْتُمْ تَفْسُقُوْنَ ࣖ٢٠
Wa yauma yu‘raḍul-lażīna kafarū ‘alan-nār(i), ażhabtum ṭayyibātikum fī ḥayātikumud-dun-yā wastamta‘tum bihā, fal-yauma tujzauna ‘ażābal-hūni bimā kuntum tastakbirūna fil-arḍi bigairil-ḥaqqi wa bimā kuntum tafsuqūn(a).
[20]
Sa araw na isasalang ang mga tumangging sumampalataya sa Apoy [ay sasabihin]: “Nag-alis kayo ng mga kaaya-aya ninyo sa buhay ninyo sa Mundo at nagtamasa kayo roon. Kaya ngayong araw ay gagantihan kayo ng pagdurusa ng pagkahamak dahil kayo dati ay nagmamalaki sa lupa nang walang karapatan at dahil kayo dati ay nagpapakasuwail.”
۞ وَاذْكُرْ اَخَا عَادٍۗ اِذْ اَنْذَرَ قَوْمَهٗ بِالْاَحْقَافِ وَقَدْ خَلَتِ النُّذُرُ مِنْۢ بَيْنِ يَدَيْهِ وَمِنْ خَلْفِهٖٓ اَلَّا تَعْبُدُوْٓا اِلَّا اللّٰهَ ۗاِنِّيْٓ اَخَافُ عَلَيْكُمْ عَذَابَ يَوْمٍ عَظِيْمٍ٢١
Ważkur akhā ‘ād(in), iż anżara qaumahū bil-aḥqāfi wa qad khalatin-nużuru mim baini yadaihi wa min khalfihī allā ta‘budū illallāh(a), innī akhāfu ‘alaikum ‘ażāba yaumin ‘aẓīm(in).
[21]
Banggitin mo [si Hūd], ang kapatid ng [liping] `Ād, noong nagbabala siya sa mga kalipi niya sa Buhanginan.562 Lumipas na ang mga mapagbabala noong bago pa niya at noong matapos na niya, [na nagsasabi]: “Huwag kayong sumamba maliban kay Allāh; tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa pagdurusa sa isang araw na sukdulan.”
[562] sa timog ng Arabya
قَالُوْٓا اَجِئْتَنَا لِتَأْفِكَنَا عَنْ اٰلِهَتِنَاۚ فَأْتِنَا بِمَا تَعِدُنَآ اِنْ كُنْتَ مِنَ الصّٰدِقِيْنَ٢٢
Qālū aji'tanā lita'fikanā ‘an ālihatinā fa'tinā bimā ta‘idunā in kunta minaṣ-ṣādiqīn(a).
[22]
Nagsabi sila: “Dumating ka ba sa amin upang magpalihis ka sa amin palayo sa mga diyos namin? Kaya maglahad ka sa amin ng ipinangangako mo sa amin, kung ikaw ay naging sa mga tapat.”
قَالَ اِنَّمَا الْعِلْمُ عِنْدَ اللّٰهِ ۖوَاُبَلِّغُكُمْ مَّآ اُرْسِلْتُ بِهٖ وَلٰكِنِّيْٓ اَرٰىكُمْ قَوْمًا تَجْهَلُوْنَ٢٣
Qāla innamal ‘ilmu ‘indallāh(i), wa uballigukum mā ursiltu bihī wa lākinnī arākum qauman tajhalūn(a).
[23]
Nagsabi siya: “Tanging ang kaalaman ay nasa ganang kay Allāh. Nagpapaabot ako sa inyo ng ipinasugo sa akin, subalit ako ay nakakikita sa inyo bilang mga taong nagpapakamangmang.”
فَلَمَّا رَاَوْهُ عَارِضًا مُّسْتَقْبِلَ اَوْدِيَتِهِمْ قَالُوْا هٰذَا عَارِضٌ مُّمْطِرُنَا ۗبَلْ هُوَ مَا اسْتَعْجَلْتُمْ بِهٖ ۗرِيْحٌ فِيْهَا عَذَابٌ اَلِيْمٌۙ٢٤
Falammā ra'auhu ‘āriḍam mustaqbila audiyatihim, qālū hāżā ‘āriḍum mumṭirunā, bal huwa masta‘jaltum bih(ī), rīḥun fīhā ‘ażābun alīm(un).
[24]
Kaya noong nakakita sila niyon na isang ulap na [nakaharang na] nakaharap sa mga lambak nila ay nagsabi sila: “Ito ay isang ulap na magpapaulan sa atin.” Bagkus iyon ay ang minadali ninyo na isang hanging sa loob nito ay isang pagdurusang masakit.
تُدَمِّرُ كُلَّ شَيْءٍۢ بِاَمْرِ رَبِّهَا فَاَصْبَحُوْا لَا يُرٰىٓ اِلَّا مَسٰكِنُهُمْۗ كَذٰلِكَ نَجْزِى الْقَوْمَ الْمُجْرِمِيْنَ٢٥
Tudammiru kulla syai'im bi'amri rabbihā fa'aṣbaḥū lā yurā illā masākinuhum, każālika najzil-qaumal-mujrimīn(a).
[25]
Wawasak ito sa bawat bagay ayon sa utos ng Panginoon nito kaya sila ay magiging walang nakikita kundi ang mga tirahan nila. Gayon Kami gumaganti sa mga taong salarin.
وَلَقَدْ مَكَّنّٰهُمْ فِيْمَآ اِنْ مَّكَّنّٰكُمْ فِيْهِ وَجَعَلْنَا لَهُمْ سَمْعًا وَّاَبْصَارًا وَّاَفْـِٕدَةًۖ فَمَآ اَغْنٰى عَنْهُمْ سَمْعُهُمْ وَلَآ اَبْصَارُهُمْ وَلَآ اَفْـِٕدَتُهُمْ مِّنْ شَيْءٍ اِذْ كَانُوْا يَجْحَدُوْنَ بِاٰيٰتِ اللّٰهِ وَحَاقَ بِهِمْ مَّا كَانُوْا بِهٖ يَسْتَهْزِءُوْنَ ࣖ٢٦
Wa laqad makkannāhum fīmā im makkannākum fīhi wa ja‘alnā lahum sam‘aw wa abṣāraw wa af'idah(tan), famā agnā ‘anhum sam‘uhum wa lā abṣāruhum wa lā af'idatuhum min syai'in iż kānū yajḥadūna bi'āyātillāhi wa ḥāqa bihim mā kānū bihī yastahzi'ūn(a).
[26]
Talaga ngang nagbigay-kapangyarihan Kami sa kanila sa [paraang] hindi Kami nagbigay-kapangyarihan sa inyo. Gumawa Kami para sa kanila ng pandinig, mga paningin, at mga puso ngunit hindi nakapagdulot sa kanila ang pandinig nila ni ang mga paningin nila ni ang mga puso nila ng anuman yayamang sila dati ay nagkakaila sa mga tanda ni Allāh. Papaligid sa kanila ang dati nilang kinukutya.
وَلَقَدْ اَهْلَكْنَا مَا حَوْلَكُمْ مِّنَ الْقُرٰى وَصَرَّفْنَا الْاٰيٰتِ لَعَلَّهُمْ يَرْجِعُوْنَ٢٧
Wa laqad ahlaknā mā ḥaulakum minal-qurā wa ṣarrafnal-āyāti la‘allahum yarji‘ūn(a).
[27]
Talaga ngang nagpahamak Kami sa nasa paligid ninyo na mga pamayanan at nagsarisari Kami ng mga tanda nang sa gayon sila ay babalik [sa masamang gawi nila].
فَلَوْلَا نَصَرَهُمُ الَّذِيْنَ اتَّخَذُوْا مِنْ دُوْنِ اللّٰهِ قُرْبَانًا اٰلِهَةً ۗبَلْ ضَلُّوْا عَنْهُمْۚ وَذٰلِكَ اِفْكُهُمْ وَمَا كَانُوْا يَفْتَرُوْنَ٢٨
Falau lā naṣarahumul-lażīnattakhażū min dūnillāhi qurbānan ālihah(tan), bal ḍallū ‘anhum, wa żālika ifkuhum wa mā kānū yaftarūn(a).
[28]
Kaya bakit hindi nag-adya sa kanila ang mga ginawa nila bukod pa kay Allāh bilang ipinanlalapit-loob [sa Kanya] na mga diyos? Bagkus naligaw ang mga ito palayo sa kanila. Iyon ay ang panlilinlang nila at ang dati nilang ginagawa-gawa.
وَاِذْ صَرَفْنَآ اِلَيْكَ نَفَرًا مِّنَ الْجِنِّ يَسْتَمِعُوْنَ الْقُرْاٰنَۚ فَلَمَّا حَضَرُوْهُ قَالُوْٓا اَنْصِتُوْاۚ فَلَمَّا قُضِيَ وَلَّوْا اِلٰى قَوْمِهِمْ مُّنْذِرِيْنَ٢٩
Wa iż ṣarafnā ilaika nafaram minal-jinni yastami‘ūnal-qur'ān(a), falammā ḥaḍarūhu qālū anṣitū, falammā quḍiya wallau ilā qaumihim munżirīn(a).
[29]
[Banggitin] noong naglihis Kami tungo sa iyo ng isang pangkat ng mga jinn na nakikinig sa Qur’ān, saka noong dumalo sila roon ay nagsabi sila: “Tumahimik kayo [upang makinig].” Kaya noong nagwakas ito ay umuwi sila sa mga kalahi nila bilang mga tagapagbabala [sa kanila].
قَالُوْا يٰقَوْمَنَآ اِنَّا سَمِعْنَا كِتٰبًا اُنْزِلَ مِنْۢ بَعْدِ مُوْسٰى مُصَدِّقًا لِّمَا بَيْنَ يَدَيْهِ يَهْدِيْٓ اِلَى الْحَقِّ وَاِلٰى طَرِيْقٍ مُّسْتَقِيْمٍ٣٠
Qālū yā qaumanā innā sami‘nā kitāban unzila mim ba‘di mūsā muṣaddiqal limā baina yadaihi yahdī ilal-ḥaqqi wa ilā ṭarīqim mustaqīm(in).
[30]
Nagsabi sila: “O mga kalahi namin, tunay na kami ay nakapakinig sa isang Aklat563 na pinababa matapos na ni Moises, bilang tagapagpatotoo para sa nauna rito, na nagpapatnubay tungo sa katotohanan at tungo sa isang landasing tuwid [ng Islām].
[563] Ibig sabihin: ang Qur’an.
يٰقَوْمَنَآ اَجِيْبُوْا دَاعِيَ اللّٰهِ وَاٰمِنُوْا بِهٖ يَغْفِرْ لَكُمْ مِّنْ ذُنُوْبِكُمْ وَيُجِرْكُمْ مِّنْ عَذَابٍ اَلِيْمٍ٣١
Yā qaumanā ajībū dā‘iyallāhi wa āminū bihī yagfir lakum min żunūbikum wa yujirkum min ‘ażābin alīm(in).
[31]
O mga kalahi namin, sumagot kayo sa tagapag-anyaya ni Allāh [na si Propeta Muḥammad] at sumampalataya kayo rito, magpapatawad Siya sa inyo ng ilan sa mga pagkakasala ninyo at kakalinga Siya sa inyo laban sa isang pagdurusang masakit.
وَمَنْ لَّا يُجِبْ دَاعِيَ اللّٰهِ فَلَيْسَ بِمُعْجِزٍ فِى الْاَرْضِ وَلَيْسَ لَهٗ مِنْ دُوْنِهٖٓ اَوْلِيَاۤءُ ۗ اُولٰۤىِٕكَ فِيْ ضَلٰلٍ مُّبِيْنٍ٣٢
Wa mal lā yujib dā‘iyallāhi falaisa bimu‘jizin fil-arḍi wa laisa lahū min dūnihī auliyā'(u), ulā'ika fī ḍalālim mubīn(in).
[32]
Ang sinumang hindi sumagot sa tagapag-anyaya ni Allāh [na si Propeta Muḥammad] ay hindi makapagpapawalang-kakayahan [sa Kanya] sa lupa at hindi ito magkakaroon bukod pa sa Kanya ng mga katangkilik. Ang mga iyon ay nasa isang pagkaligaw na malinaw.
اَوَلَمْ يَرَوْا اَنَّ اللّٰهَ الَّذِيْ خَلَقَ السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضَ وَلَمْ يَعْيَ بِخَلْقِهِنَّ بِقٰدِرٍ عَلٰٓى اَنْ يُّحْيِ َۧ الْمَوْتٰى ۗبَلٰٓى اِنَّهٗ عَلٰى كُلِّ شَيْءٍ قَدِيْرٌ٣٣
Awalam yarau annallāhal-lażī khalaqas-samāwāti wal-arḍa wa lam ya‘ya bikhalqihinna biqādirin ‘alā ay yuḥyiyal-mautā, balā innahū ‘alā kulli syai'in qadīr(un).
[33]
Hindi ba nila napag-alaman na si Allāh na lumikha ng mga langit at lupa at hindi napata sa paglikha ng mga ito ay nakakakaya na magbigay-buhay sa mga patay? Oo; tunay na Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.
وَيَوْمَ يُعْرَضُ الَّذِيْنَ كَفَرُوْا عَلَى النَّارِۗ اَلَيْسَ هٰذَا بِالْحَقِّ ۗ قَالُوْا بَلٰى وَرَبِّنَا ۗقَالَ فَذُوْقُوا الْعَذَابَ بِمَا كُنْتُمْ تَكْفُرُوْنَ٣٤
Wa yauma yu‘raḍul-lażīna kafarū ‘alan-nār(i), alaisa hāżā bil-ḥaqq(i), qālū balā wa rabbinā, qāla fażūqul-‘ażāba bimā kuntum takfurūn(a).
[34]
Sa araw na isasalang sa Apoy ang mga tumangging sumampalataya [ay sasabihin sa kanila]: “Hindi ba ito ang katotohanan?” Magsasabi sila: “Opo; sumpa man sa Panginoon namin.” Magsasabi Siya: “Kaya lasapin ninyo ang pagdurusa dahil kayo dati ay tumatangging sumampalataya.”
فَاصْبِرْ كَمَا صَبَرَ اُولُوا الْعَزْمِ مِنَ الرُّسُلِ وَلَا تَسْتَعْجِلْ لَّهُمْ ۗ كَاَنَّهُمْ يَوْمَ يَرَوْنَ مَا يُوْعَدُوْنَۙ لَمْ يَلْبَثُوْٓا اِلَّا سَاعَةً مِّنْ نَّهَارٍ ۗ بَلٰغٌ ۚفَهَلْ يُهْلَكُ اِلَّا الْقَوْمُ الْفٰسِقُوْنَ ࣖ٣٥
Faṣbir kamā ṣabara ulul-‘azmi minar-rusuli wa lā tasta‘jil lahum, ka'annahum yauma yarauna mā yū‘adūn(a), lam yalbaṡū illā sā‘atam min nahār(in), balāg(un), fahal yuhlaku illal-qaumul-fāsiqūn(a).
[35]
Kaya magtiis ka [O Propeta Muḥammad] kung paanong nagtiis ang mga may pagtitika kabilang sa mga sugo564 at huwag kang magmadali para sa kanila. Para bang sila, sa araw na makikita nila ang ipinangangako sa kanila, ay hindi namalagi kundi isang oras mula sa maghapon. Isang pagpapaabot [ito] kaya walang ipahahamak kundi ang mga taong suwail [kay Allāh].
[564] na sina Noe, Abraham, Moises, Jesus, at Muḥammad (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga).