Surah Al-Jasiyah

Daftar Surah

بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
حٰمۤ ۚ١
Ḥā mīm.
[1] Ḥā. Mīm.555
[555] Ang Qur’ān ay nasa wikang Arabe na binubuo ng mga titiks Arabe gaya ng mga ito.

تَنْزِيْلُ الْكِتٰبِ مِنَ اللّٰهِ الْعَزِيْزِ الْحَكِيْمِ٢
Tanzīlul-kitābi minallāhil-‘azīzil-ḥakīm(i).
[2] Ang pagbababa ng Aklat [na Qur’ān] ay mula kay Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong.

اِنَّ فِى السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِ لَاٰيٰتٍ لِّلْمُؤْمِنِيْنَۗ٣
Inna fis-samāwāti wal-arḍi la'āyātil lil-mu'minīn(a).
[3] Tunay na sa mga langit at lupa ay talagang may mga tanda para sa mga mananampalataya.

وَفِيْ خَلْقِكُمْ وَمَا يَبُثُّ مِنْ دَاۤبَّةٍ اٰيٰتٌ لِّقَوْمٍ يُّوْقِنُوْنَۙ٤
Wa fī khalqikum wa mā yabuṡṡu min dābbatin āyātul liqaumiy yūqinūn(a).
[4] Sa pagkalikha sa inyo at anumang ikinakalat Niya na gumagalaw na nilalang ay may mga tanda para sa mga taong nakatitiyak.

وَاخْتِلَافِ الَّيْلِ وَالنَّهَارِ وَمَآ اَنْزَلَ اللّٰهُ مِنَ السَّمَاۤءِ مِنْ رِّزْقٍ فَاَحْيَا بِهِ الْاَرْضَ بَعْدَ مَوْتِهَا وَتَصْرِيْفِ الرِّيٰحِ اٰيٰتٌ لِّقَوْمٍ يَّعْقِلُوْنَ٥
Wakhtilāfil-laili wan-nahāri wa mā anzalallāhu minas-samā'i mir rizqin fa aḥyā bihil-arḍa ba‘da mautihā wa taṣrīfir-riyāḥi āyātul liqaumiy ya‘qilūn(a).
[5] Sa pagsasalitan ng gabi at maghapon, sa anumang pinababa ni Allāh mula sa langit na panustos [na ulan] saka nagbigay-buhay Siya sa pamamagitan niyon sa lupa matapos ng kamatayan nito, at sa pagpihit sa mga hangin ay may mga tanda para sa mga taong nakapag-uunawa.

تِلْكَ اٰيٰتُ اللّٰهِ نَتْلُوْهَا عَلَيْكَ بِالْحَقِّۚ فَبِاَيِّ حَدِيْثٍۢ بَعْدَ اللّٰهِ وَاٰيٰتِهٖ يُؤْمِنُوْنَ٦
Tilka āyātullāhi natlūhā ‘alaika bil-ḥaqq(i), fa bi'ayyi ḥadīṡim ba‘dallāhi wa āyātihī yu'minūn(a).
[6] Ang mga iyon ay mga tanda ni Allāh, na binibigkas sa iyo sa katotohanan. Kaya sa aling pakikipag-usap matapos kay Allāh at ng mga talata Niya [sa Qur’ān] sasampalataya sila?

وَيْلٌ لِّكُلِّ اَفَّاكٍ اَثِيْمٍۙ٧
Wailul likulli affākin aṡīm(in).
[7] Kapighatian ay ukol sa bawat manlilinlang na makasalanan.

يَّسْمَعُ اٰيٰتِ اللّٰهِ تُتْلٰى عَلَيْهِ ثُمَّ يُصِرُّ مُسْتَكْبِرًا كَاَنْ لَّمْ يَسْمَعْهَاۚ فَبَشِّرْهُ بِعَذَابٍ اَلِيْمٍ٨
Yasma‘u āyātillāhi tutlā ‘alaihi ṡumma yuṣirru mustakbiran ka'allam yasma‘hā, fa basysyirhu bi‘ażābin alīm(in).
[8] Nakaririnig siya sa mga tanda ni Allāh habang binibigkas sa kanya, pagkatapos nagpupumilit siya habang nagmamalaki na para bang hindi nakarinig sa mga iyon. Kaya magbalita ka sa kanya hinggil sa isang pagdurusang masakit.

وَاِذَا عَلِمَ مِنْ اٰيٰتِنَا شَيْـًٔا ۨاتَّخَذَهَا هُزُوًاۗ اُولٰۤىِٕكَ لَهُمْ عَذَابٌ مُّهِيْنٌۗ٩
Wa iżā ‘alima min āyātinā syai'anittakhażahā huzuwā(n), ulā'ika lahum ‘ażābum muhīn(un).
[9] Kapag nakaalam siya mula sa mga tanda Namin ng anuman ay gumagawa siya rito ng isang pangungutya. Ang mga iyon ay may ukol sa kanila na isang pagdurusang manghahamak.

مِنْ وَّرَاۤىِٕهِمْ جَهَنَّمُ ۚوَلَا يُغْنِيْ عَنْهُمْ مَّا كَسَبُوْا شَيْـًٔا وَّلَا مَا اتَّخَذُوْا مِنْ دُوْنِ اللّٰهِ اَوْلِيَاۤءَۚ وَلَهُمْ عَذَابٌ عَظِيْمٌۗ١٠
Miw warā'ihim jahannam(u), wa lā yugnī ‘anhum mā kasabū syai'aw wa lā mattakhażū min dūnillāhi auliyā'(a), wa lahum ‘ażābun ‘aẓīm(un).
[10] Mula sa unahan nila ay Impiyerno. Hindi makapagdudulot sa kanila ang nakamit nila [na mga yaman] ng anuman ni ang ginawa nila bukod pa kay Allāh bilang mga katangkilik. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang mabigat.

هٰذَا هُدًىۚ وَالَّذِيْنَ كَفَرُوْا بِاٰيٰتِ رَبِّهِمْ لَهُمْ عَذَابٌ مِّنْ رِّجْزٍ اَلِيْمٌ ࣖ١١
Hāżā hudā(n), wal-lażīna kafarū bi'āyāti rabbihim lahum ‘ażābum mir rijzin alīm(un).
[11] [Ang Qur’ān na] ito ay isang patnubay. Ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda ng Panginoon nila, ukol sa kanila ay isang pagdurusa mula sa isang pasakit na masakit.

۞ اَللّٰهُ الَّذِيْ سَخَّرَ لَكُمُ الْبَحْرَ لِتَجْرِيَ الْفُلْكُ فِيْهِ بِاَمْرِهٖ وَلِتَبْتَغُوْا مِنْ فَضْلِهٖ وَلَعَلَّكُمْ تَشْكُرُوْنَۚ١٢
Allāhul-lażī sakhkhara lakumul-baḥra litajriyal-fulku fīhi bi'amrihī wa litabtagū min faḍlihī wa la‘allakum tasykurūn(a).
[12] Si Allāh ang nagpasilbi para sa inyo ng dagat upang maglayag ang mga daong dito ayon sa utos Niya at upang humanap kayo ng kabutihang-loob Niya at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat [sa Kanya].

وَسَخَّرَ لَكُمْ مَّا فِى السَّمٰوٰتِ وَمَا فِى الْاَرْضِ جَمِيْعًا مِّنْهُ ۗاِنَّ فِيْ ذٰلِكَ لَاٰيٰتٍ لِّقَوْمٍ يَّتَفَكَّرُوْنَ١٣
Wa sakhkhara lakum mā fis-samāwāti wa mā fil-arḍi jamī‘am minh(u), inna fī żālika la'āyātil liqaumiy yatafakkarūn(a).
[13] Nagpasilbi Siya para sa inyo ng anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa nang lahatan mula sa Kanya. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nag-iisip-isip.

قُلْ لِّلَّذِيْنَ اٰمَنُوْا يَغْفِرُوْا لِلَّذِيْنَ لَا يَرْجُوْنَ اَيَّامَ اللّٰهِ لِيَجْزِيَ قَوْمًا ۢبِمَا كَانُوْا يَكْسِبُوْنَ١٤
Qul lil-lażīna āmanū yagfirū lil-lażīna lā yarjūna ayyāmallāhi liyajziya qaumam bimā kānū yaksibūn(a).
[14] Sabihin mo sa mga sumampalataya na magpatawad sila sa mga hindi nag-aasam ng mga araw ni Allāh upang gumanti Siya sa mga tao dahil sa dati nilang nakakamit [na kasalanan].

مَنْ عَمِلَ صَالِحًا فَلِنَفْسِهٖۚ وَمَنْ اَسَاۤءَ فَعَلَيْهَا ۖ ثُمَّ اِلٰى رَبِّكُمْ تُرْجَعُوْنَ١٥
Man ‘amila ṣāliḥan fa linafsih(ī), wa man asā'a fa ‘alaihā, ṡumma ilā rabbikum turja‘ūn(a).
[15] Ang sinumang gumawa ng maayos ay para sa sarili niya; at ang sinumang gumawa ng masagwa ay laban sa sarili. Pagkatapos tungo sa Panginoon ninyo pababalikin kayo [para gantihan].

وَلَقَدْ اٰتَيْنَا بَنِيْٓ اِسْرَاۤءِيْلَ الْكِتٰبَ وَالْحُكْمَ وَالنُّبُوَّةَ وَرَزَقْنٰهُمْ مِّنَ الطَّيِّبٰتِ وَفَضَّلْنٰهُمْ عَلَى الْعٰلَمِيْنَ ۚ١٦
Wa laqad ātainā banī isrā'īlal-kitāba wal-ḥukma wan-nubuwwata wa razaqnāhum minaṭ-ṭayyibāti wa faḍḍalnāhum ‘alal-‘ālamīn(a).
[16] Talaga ngang nagbigay Kami sa mga anak ni Israel ng kasulatan [na Torah], paghatol, at pagkapropeta; tumustos Kami sa kanila mula sa mga kaaya-ayang bagay at nagtangi Kami sa kanila higit sa mga nilalang [ng panahon nila].

وَاٰتَيْنٰهُمْ بَيِّنٰتٍ مِّنَ الْاَمْرِۚ فَمَا اخْتَلَفُوْٓا اِلَّا مِنْۢ بَعْدِ مَا جَاۤءَهُمُ الْعِلْمُ بَغْيًاۢ بَيْنَهُمْ ۗاِنَّ رَبَّكَ يَقْضِيْ بَيْنَهُمْ يَوْمَ الْقِيٰمَةِ فِيْمَا كَانُوْا فِيْهِ يَخْتَلِفُوْنَ١٧
Wa ātaināhum bayyinātim minal-amr(i), fa makhtalafū illā mim ba‘di mā jā'ahumul-‘ilmu bagyam bainahum, inna rabbaka yaqḍī bainahum yaumal-qiyāmati fīmā kānū fīhi yakhtalifūn(a).
[17] Nagbigay Kami sa kanila ng mga malinaw na patunay mula sa usapin [ng relihiyon] ngunit hindi sila nagkaiba-iba malibang matapos na dumating sa kanila ang kaalaman dala ng paglabag sa pagitan nila. Tunay na ang Panginoon mo ay maghuhusga sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon hinggil sa sila dati ay nagkakaiba-iba.

ثُمَّ جَعَلْنٰكَ عَلٰى شَرِيْعَةٍ مِّنَ الْاَمْرِ فَاتَّبِعْهَا وَلَا تَتَّبِعْ اَهْوَاۤءَ الَّذِيْنَ لَا يَعْلَمُوْنَ١٨
Ṡumma ja‘alnāka ‘alā syarī‘atim minal-amri fattabi‘hā wa lā tattabi‘ ahwā'al-lażīna lā ya‘lamūn(a).
[18] Pagkatapos naglagay Kami sa iyo sa isang batas mula sa kautusan kaya sumunod ka rito at huwag kang sumunod sa mga pithaya ng mga hindi nakaaalam.

اِنَّهُمْ لَنْ يُّغْنُوْا عَنْكَ مِنَ اللّٰهِ شَيْـًٔا ۗوَاِنَّ الظّٰلِمِيْنَ بَعْضُهُمْ اَوْلِيَاۤءُ بَعْضٍۚ وَاللّٰهُ وَلِيُّ الْمُتَّقِيْنَ١٩
Innahum lay yugnū ‘anka minallāhi syai'ā(n), wa innaẓ-ẓālimīna ba‘ḍuhum auliyā'u ba‘ḍ(in), wallāhu waliyyul-muttaqīn(a).
[19] Tunay na sila ay hindi makapagdudulot para sa iyo laban kay Allāh ng anuman. Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan, ang iba sa kanila ay mga katangkilik ng iba pa. Si Allāh ay Katangkilik ng mga tagapangilag magkasala.

هٰذَا بَصَاۤىِٕرُ لِلنَّاسِ وَهُدًى وَّرَحْمَةٌ لِّقَوْمٍ يُّوْقِنُوْنَ٢٠
Hāżā baṣā'iru lin-nāsi wa hudaw wa raḥmatul liqaumiy yūqinūn(a).
[20] [Ang Qur’ān na] ito ay mga pagpapatalos sa mga tao, isang patnubay, at isang awa para sa mga taong nakatitiyak.

اَمْ حَسِبَ الَّذِيْنَ اجْتَرَحُوا السَّيِّاٰتِ اَنْ نَّجْعَلَهُمْ كَالَّذِيْنَ اٰمَنُوْا وَعَمِلُوا الصّٰلِحٰتِ سَوَاۤءً مَّحْيَاهُمْ وَمَمَاتُهُمْ ۗسَاۤءَ مَا يَحْكُمُوْنَ ࣖࣖ٢١
Am ḥasibal-lażīnajtaraḥus -sayyi'āti an naj‘alahum kal-lażīna āmanū wa ‘amiluṣ-ṣāliḥāti sawā'am maḥyāhum wa mamātuhum, sā'a mā yaḥkumūn(a).
[21] O nag-akala ang mga nakagawa ng mga masagwang gawa na magtuturing Kami sa kanila gaya ng mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos bilang magkapantay ang pagkabuhay nila at ang pagkamatay nila? Kay sagwa ang inihahatol nila!

وَخَلَقَ اللّٰهُ السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضَ بِالْحَقِّ وَلِتُجْزٰى كُلُّ نَفْسٍۢ بِمَا كَسَبَتْ وَهُمْ لَا يُظْلَمُوْنَ٢٢
Wa khalaqallāhus-samāwāti wal-arḍa bil-ḥaqqi wa litujzā kullu nafsim bimā kasabat wa hum lā yuẓlamūn(a).
[22] Lumikha si Allāh ng mga langit at lupa sa katotohanan at upang gantihan ang bawat kaluluwa ayon sa nakamit nito habang sila ay hindi nilalabag sa katarungan.

اَفَرَءَيْتَ مَنِ اتَّخَذَ اِلٰهَهٗ هَوٰىهُ وَاَضَلَّهُ اللّٰهُ عَلٰى عِلْمٍ وَّخَتَمَ عَلٰى سَمْعِهٖ وَقَلْبِهٖ وَجَعَلَ عَلٰى بَصَرِهٖ غِشٰوَةًۗ فَمَنْ يَّهْدِيْهِ مِنْۢ بَعْدِ اللّٰهِ ۗ اَفَلَا تَذَكَّرُوْنَ٢٣
Afa ra'aita manittakhaża ilāhahū hawāhu wa aḍallahullāhu ‘alā ‘ilmiw wa khatama ‘alā sam‘ihī wa qalbihī wa ja‘ala ‘alā baṣarihī gisyāwah(tan), famay yahdīhi mim ba‘dillāh(i), afalā tażakkarūn(a).
[23] Kaya nakakita ka ba sa sinumang gumawa bilang diyos niya sa pithaya niya? Nagligaw rito si Allāh ayon sa kaalaman [dito], nagpinid Siya sa pandinig nito at puso nito, at naglagay Siya sa paningin nito ng isang takip. Kaya sino pa ang papatnubay rito matapos na ni Allāh? Kaya hindi ba kayo magsasaalaala?

وَقَالُوْا مَا هِيَ اِلَّا حَيَاتُنَا الدُّنْيَا نَمُوْتُ وَنَحْيَا وَمَا يُهْلِكُنَآ اِلَّا الدَّهْرُۚ وَمَا لَهُمْ بِذٰلِكَ مِنْ عِلْمٍۚ اِنْ هُمْ اِلَّا يَظُنُّوْنَ٢٤
Wa qālū mā hiya illā ḥayātunad-dun-yā namūtu wa naḥyā wa mā yuhlikunā illad-dahr(u), wa mā lahum biżālika min ‘ilmin in hum illā yaẓunnūn(a).
[24] Nagsabi sila: “Walang iba ito kundi ang buhay namin sa Mundo; namamatay kami at nabubuhay kami, at walang nagpahamak sa amin kundi ang [paglipas ng] panahon.” Walang ukol sa kanila anumang kaalaman hinggil doon [pagkabuhay]. Walang iba sila kundi nagpapalagay.

وَاِذَا تُتْلٰى عَلَيْهِمْ اٰيٰتُنَا بَيِّنٰتٍ مَّا كَانَ حُجَّتَهُمْ اِلَّآ اَنْ قَالُوا ائْتُوْا بِاٰبَاۤىِٕنَآ اِنْ كُنْتُمْ صٰدِقِيْنَ٢٥
Wa iżā tutlā ‘alaihim āyātunā bayyinātim mā kāna ḥujjatahum illā an qālu'tū bi'ābā'inā in kuntum ṣādiqīn(a).
[25] Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda Namin bilang mga malinaw na patunay, walang naging iba ang katwiran nila kundi na nagsabi sila: “Maglahad kayo ng mga [namatay na] ninuno natin kung kayo ay naging mga tapat.”

قُلِ اللّٰهُ يُحْيِيْكُمْ ثُمَّ يُمِيْتُكُمْ ثُمَّ يَجْمَعُكُمْ اِلٰى يَوْمِ الْقِيٰمَةِ لَارَيْبَ فِيْهِ وَلٰكِنَّ اَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَعْلَمُوْنَ ࣖ٢٦
Qulillāhu yuḥyīkum ṡumma yumītukum ṡumma yajma‘ukum ilā yaumil-qiyāmati lā raiba fīhi wa lākinna akṡaran-nāsi lā ya‘lamūn(a).
[26] Sabihin mo: “Si Allāh ay nagbibigay-buhay sa inyo, pagkatapos magbibigay-kamatayan sa inyo, pagkatapos magtitipon sa inyo tungo sa Araw ng Pagbangon nang walang pag-aalinlangan doon, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam.”

وَلِلّٰهِ مُلْكُ السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِۗ وَيَوْمَ تَقُوْمُ السَّاعَةُ يَوْمَىِٕذٍ يَّخْسَرُ الْمُبْطِلُوْنَ٢٧
Wa lillāhi mulkus-samāwāti wal-arḍ(i), wa yauma taqūmus-sā‘atu yauma'iżiy yakhsarul-mubṭilūn(a).
[27] Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at lupa. Sa Araw na sasapit ang Huling Sandali, sa Araw na iyon ay malulugi ang mga nagpapabula.

وَتَرٰى كُلَّ اُمَّةٍ جَاثِيَةً ۗ كُلُّ اُمَّةٍ تُدْعٰٓى اِلٰى كِتٰبِهَاۗ اَلْيَوْمَ تُجْزَوْنَ مَا كُنْتُمْ تَعْمَلُوْنَ٢٨
Wa tarā kulla ummatin jāṡiyah(tan), kullu ummatin tud‘ā ilā kitābihā, al-yauma tujzauna mā kuntum ta‘malūn(a).
[28] Makakikita ka ng bawat kalipunan na nakaluhod. Bawat kalipunan ay tatawagin sa talaan nito: “Ngayong Araw ay gagantihan kayo sa dati ninyong ginagawa.

هٰذَا كِتٰبُنَا يَنْطِقُ عَلَيْكُمْ بِالْحَقِّ ۗاِنَّا كُنَّا نَسْتَنْسِخُ مَا كُنْتُمْ تَعْمَلُوْنَ٢٩
Hāżā kitābunā yanṭiqu ‘alaikum bil-ḥaqq(i), innā kunnā nastansikhu mā kuntum ta‘malūn(a).
[29] Ito, ang talaan Namin, ay bibigkasin sa inyo ayon sa katotohanan. Tunay na Kami noon [sa pamamagitan ng mga anghel] ay nagtatala ng dati ninyong ginagawa.”

فَاَمَّا الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا وَعَمِلُوا الصّٰلِحٰتِ فَيُدْخِلُهُمْ رَبُّهُمْ فِيْ رَحْمَتِهٖۗ ذٰلِكَ هُوَ الْفَوْزُ الْمُبِيْنُ٣٠
Fa'ammal-lażīna āmanū wa ‘amiluṣ-ṣāliḥāti fayudkhiluhum rabbuhum fī raḥmatih(ī), żālika huwal-fauzul-mubīn(u).
[30] Kaya hinggil sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, magpapapasok sa kanila ang Panginoon nila sa awa Niya [sa Paraiso]. Iyon ay ang pagkatamong malinaw.

وَاَمَّا الَّذِيْنَ كَفَرُوْاۗ اَفَلَمْ تَكُنْ اٰيٰتِيْ تُتْلٰى عَلَيْكُمْ فَاسْتَكْبَرْتُمْ وَكُنْتُمْ قَوْمًا مُّجْرِمِيْنَ٣١
Wa ammal-lażīna kafarū, falam takun āyātī tutlā ‘alaikum fastakbartum wa kuntum qaumam mujrimīn(a).
[31] Hinggil naman sa mga tumangging sumampalataya, [sasabihin]: “Hindi ba ang mga talata Ko [sa Qur’ān] ay binibigkas sa inyo ngunit nagmalaki kayo at kayo noon ay mga taong salarin?

وَاِذَا قِيْلَ اِنَّ وَعْدَ اللّٰهِ حَقٌّ وَّالسَّاعَةُ لَا رَيْبَ فِيْهَا قُلْتُمْ مَّا نَدْرِيْ مَا السَّاعَةُۙ اِنْ نَّظُنُّ اِلَّا ظَنًّا وَّمَا نَحْنُ بِمُسْتَيْقِنِيْنَ٣٢
Wa iżā qīla inna wa‘dallāhi ḥaqquw was-sā‘atu lā raiba fīhā qultum mā nadrī mas-sā‘ah(tu), in naẓunnu illā ẓannaw wa mā naḥnu bimustaiqinīn(a).
[32] Kapag sinabi: ‘Tunay na ang pangako ni Allāh ay totoo at ang Huling Sandali ay walang pag-aalinlangan doon,’ ay nagsasabi kayo: ‘Hindi kami nakababatid kung ano ang Huling Sandali; hindi kami nagpapalagay [na magaganap ito] kundi ng isang pagpapalagay at kami ay hindi mga nakatitiyak.’”

وَبَدَا لَهُمْ سَيِّاٰتُ مَا عَمِلُوْا وَحَاقَ بِهِمْ مَّا كَانُوْا بِهٖ يَسْتَهْزِءُوْنَ٣٣
Wa badā lahum sayyi'ātu mā ‘amilū wa ḥāqa bihim mā kānū bihī yastahzi'ūn(a).
[33] Matatambad sa kanila ang mga masagwa sa [kahihinatnan ng] ginawa nila at papaligid sa kanila ang dati nilang kinukutya.

وَقِيْلَ الْيَوْمَ نَنْسٰىكُمْ كَمَا نَسِيْتُمْ لِقَاۤءَ يَوْمِكُمْ هٰذَاۙ وَمَأْوٰىكُمُ النَّارُ وَمَا لَكُمْ مِّنْ نّٰصِرِيْنَ٣٤
Wa qīlal-yauma nansākum kamā nasītum liqā'a yaumikum hāżā, wa ma'wākumun nāru wa mā lakum min nāṣirīn(a).
[34] Sasabihin: “Ngayong Araw, lilimot Kami sa inyo556 gaya ng paglimot ninyo sa pagkikita sa Araw ninyong ito.557 Ang kanlungan ninyo ay ang Apoy. Walang ukol sa inyo na anumang mga tagapag-adya.
[556] mag-iiwan Kami sa inyo sa Impiyerno [557] kaya hindi kayo naghanda para rito ng pananampalataya at gawang maayos

ذٰلِكُمْ بِاَنَّكُمُ اتَّخَذْتُمْ اٰيٰتِ اللّٰهِ هُزُوًا وَّغَرَّتْكُمُ الْحَيٰوةُ الدُّنْيَا ۚفَالْيَوْمَ لَا يُخْرَجُوْنَ مِنْهَا وَلَا هُمْ يُسْتَعْتَبُوْنَ٣٥
Żālikum bi'annakumuttakhażtum āyātillāhi huzuwaw wa garratkumul-ḥayātud-dun-yā, fal-yauma lā yukhrajūna minhā wa lā hum yusta‘tabūn(a).
[35] Iyon ay dahil kayo ay gumawa sa mga tanda ni Allāh ng isang pangungutya at luminlang sa inyo ang buhay na pangmundo.” Kaya sa Araw na iyon, hindi sila ilalabas mula roon [sa Impiyerno] ni sila ay hihilinging magpasiya [kay Allāh].

فَلِلّٰهِ الْحَمْدُ رَبِّ السَّمٰوٰتِ وَرَبِّ الْاَرْضِ رَبِّ الْعٰلَمِيْنَ٣٦
Fa lillāhil-ḥamdu rabbis-samāwāti wa rabbil-arḍi rabbil-‘ālamīn(a).
[36] Kaya ukol kay Allāh ang papuri, ang Panginoon ng mga langit, ang Panginoon ng lupa, at ang Panginoon ng mga nilalang.

وَلَهُ الْكِبْرِيَاۤءُ فِى السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِ ۗوَهُوَ الْعَزِيْزُ الْحَكِيْمُ ࣖ ۔٣٧
Wa lahul-kibriyā'u fis-samāwāti wal-arḍ(i), wa huwal-‘azīzul-ḥakīm(u).
[37] Sa Kanya ang kadakilaan sa mga langit at lupa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.