Surah Ad-Dukhan

Daftar Surah

بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
حٰمۤ ۚ١
Ḥā mīm.
[1] Ḥā. Mīm. 554
[554] Ang Qur’ān ay nasa wikang Arabe na binubuo ng mga titiks Arabe gaya ng mga ito.

وَالْكِتٰبِ الْمُبِيْنِۙ٢
Wal-kitābil-mubīn(i).
[2] Sumpa man sa Aklat na naglilinaw,

اِنَّآ اَنْزَلْنٰهُ فِيْ لَيْلَةٍ مُّبٰرَكَةٍ اِنَّا كُنَّا مُنْذِرِيْنَ٣
Innā anzalnāhu fī lailatim mubārakatin innā kunnā munżirīn(a).
[3] tunay na Kami ay nagpababa nito sa isang gabing biniyayaan. Tunay Kami ay laging Tagapagbabala [sa tao at jinn].

فِيْهَا يُفْرَقُ كُلُّ اَمْرٍ حَكِيْمٍۙ٤
Fīhā yufraqu kullu amrin ḥakīm(in).
[4] Sa [gabing] ito pinagpapasyahan ang bawat usaping tumpak,

اَمْرًا مِّنْ عِنْدِنَاۗ اِنَّا كُنَّا مُرْسِلِيْنَۖ٥
Amram min ‘indinā, innā kunnā mursilīn(a).
[5] bilang usaping mula sa ganang Amin. Tunay na Kami noon ay nagsusugo,

رَحْمَةً مِّنْ رَّبِّكَ ۗاِنَّهٗ هُوَ السَّمِيْعُ الْعَلِيْمُۗ٦
Raḥmatam mir rabbik(a), innahū huwas-samī‘ul-‘alīm(u).
[6] bilang awa mula sa Panginoon mo. Tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Maalam.

رَبِّ السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَاۘ اِنْ كُنْتُمْ مُّوْقِنِيْنَ٧
Rabbis-samāwāti wal-arḍi wa mā bainahumā, in kuntum mūqinīn(a).
[7] Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, kung kayo ay mga nakatityak.

لَآ اِلٰهَ اِلَّا هُوَ يُحْيٖ وَيُمِيْتُ ۗرَبُّكُمْ وَرَبُّ اٰبَاۤىِٕكُمُ الْاَوَّلِيْنَ٨
Lā ilāha illā huwa yuḥyī wa yumīt(u), rabbukum wa rabbu ābā'ikumul-awwalīn(a).
[8] Walang Diyos kundi Siya, nagbibigay-buhay Siya at nagbibigay-kamatayan Siya, ang Panginoon ninyo at ang Panginoon ng mga magulang ninyong mga sinauna.

بَلْ هُمْ فِيْ شَكٍّ يَّلْعَبُوْنَ٩
Bal hum fī syakkiy yal‘abūn(a).
[9] Bagkus sila ay nasa isang pagdududa, na naglalaro.

فَارْتَقِبْ يَوْمَ تَأْتِى السَّمَاۤءُ بِدُخَانٍ مُّبِيْنٍ١٠
Fartaqib yauma ta'tis-samā'u bidukhānim mubīn(in).
[10] Kaya mag-abang ka sa Araw na magdadala ang langit ng isang usok na malinaw.

يَغْشَى النَّاسَۗ هٰذَا عَذَابٌ اَلِيْمٌ١١
Yagsyan-nās(a), hāżā ‘ażābun alīm(un).
[11] Babalot ito sa mga tao; ito ay isang pagdurusang masakit.

رَبَّنَا اكْشِفْ عَنَّا الْعَذَابَ اِنَّا مُؤْمِنُوْنَ١٢
Rabbanaksyif ‘annal-‘ażāba innā mu'minūn(a).
[12] Panginoon Namin, pumawi Ka sa amin ng pagdurusa [dahil sa tagtuyot]; tunay na Kami ay mga mananampalataya.

اَنّٰى لَهُمُ الذِّكْرٰى وَقَدْ جَاۤءَهُمْ رَسُوْلٌ مُّبِيْنٌۙ١٣
Annā lahumuż-żikrā wa qad jā'ahum rasūlum mubīn(un).
[13] Paanong ukol sa kanila ang paalaala gayong may dumating ng sa kanilang isang Sugong malinaw [na si Propeta Muḥammad]?

ثُمَّ تَوَلَّوْا عَنْهُ وَقَالُوْا مُعَلَّمٌ مَّجْنُوْنٌۘ١٤
Ṡumma tawallau ‘anhu wa qālū mu‘allamum majnūn(un).
[14] Pagkatapos tumalikod sila palayo sa kanya at nagsabi sila: “Isang baliw na tinuruan [ng iba].”

اِنَّا كَاشِفُوا الْعَذَابِ قَلِيْلًا اِنَّكُمْ عَاۤىِٕدُوْنَۘ١٥
Innā kāsyiful-‘ażābi qalīlan innakum ‘ā'idūn(a).
[15] Tunay na Kami ay papawi ng pagdurusa nang kaunti. Tunay na kayo ay mga manunumbalik.

يَوْمَ نَبْطِشُ الْبَطْشَةَ الْكُبْرٰىۚ اِنَّا مُنْتَقِمُوْنَ١٦
Yauma nabṭisyul baṭsyatal kubrā, innā muntaqimūn(a).
[16] Sa Araw [ng Labanan sa Badr] na susunggab Kami [sa kanila] ng pagsunggab na pinakamalaki, tunay na Kami ay maghihiganti.

۞ وَلَقَدْ فَتَنَّا قَبْلَهُمْ قَوْمَ فِرْعَوْنَ وَجَاۤءَهُمْ رَسُوْلٌ كَرِيْمٌۙ١٧
Wa laqad fatannā qablahum qauma fir‘auna wa jā'ahum rasūlun karīm(un).
[17] Talaga ngang sumubok Kami bago nila sa mga tao ni Paraon, at may dumating sa kanila na isang sugong marangal [na si Moises],

اَنْ اَدُّوْٓا اِلَيَّ عِبَادَ اللّٰهِ ۗاِنِّيْ لَكُمْ رَسُوْلٌ اَمِيْنٌۙ١٨
An addū ilayya ‘ibādallāh(i), innī lakum rasūlun amīn(un).
[18] na [nagsasabi]: “Ipaubaya ninyo sa akin ang mga [anak ni Israel na] lingkod Ni Allāh – tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkakatiwalaan –

وَّاَنْ لَّا تَعْلُوْا عَلَى اللّٰهِ ۚاِنِّيْٓ اٰتِيْكُمْ بِسُلْطٰنٍ مُّبِيْنٍۚ١٩
Wa al lā ta‘lū ‘alallāh(i), innī ātīkum bisulṭānim mubīn(in).
[19] at na huwag kayong magmataas kay Allāh; tunay na ako ay pumupunta sa inyo nang may kapamahalaang malinaw.

وَاِنِّيْ عُذْتُ بِرَبِّيْ وَرَبِّكُمْ اَنْ تَرْجُمُوْنِۚ٢٠
Wa innī ‘użtu birabbī wa rabbikum an tarjumūn(i).
[20] Tunay na ako ay nagpakupkop sa Panginoon ko at Panginoon ninyo na baka bumato kayo sa akin.

وَاِنْ لَّمْ تُؤْمِنُوْا لِيْ فَاعْتَزِلُوْنِ٢١
Wa il lam tu'minū lī fa‘tazilūn(i).
[21] Kung hindi kayo naniwala sa akin ay lumayo kayo sa akin.”

فَدَعَا رَبَّهٗٓ اَنَّ هٰٓؤُلَاۤءِ قَوْمٌ مُّجْرِمُوْنَ٢٢
Fa da‘ā rabbahū anna hā'ulā'i qaumum mujrimūn(a).
[22] Kaya dumalangin siya sa Panginoon niya na ang mga ito ay mga taong salarin.

فَاَسْرِ بِعِبَادِيْ لَيْلًا اِنَّكُمْ مُّتَّبَعُوْنَۙ٢٣
Fa asri bi‘ibādī lailan innakum muttaba‘ūn(a).
[23] Kaya [nag-utos si Allāh]: “Kaya maglakbay ka kasabay ng mga [anak ni Israel na] lingkod Ko sa isang gabi; tunay na kayo ay mga susundan.”

وَاتْرُكِ الْبَحْرَ رَهْوًاۗ اِنَّهُمْ جُنْدٌ مُّغْرَقُوْنَ٢٤
Watrukil-baḥra rahwā(n), innahum jundum mugraqūn(a).
[24] Iwan mo ang dagat nang payapa; tunay na sila ay mga kawal na malulunod.

كَمْ تَرَكُوْا مِنْ جَنّٰتٍ وَّعُيُوْنٍۙ٢٥
Kam tarakū min jannātiw wa ‘uyūn(in).
[25] Kay rami ng iniwan nila na mga hardin at mga bukal,

وَّزُرُوْعٍ وَّمَقَامٍ كَرِيْمٍۙ٢٦
Wa zurū‘iw wa maqāmin karīm(in).
[26] mga pananim at pinanatilihang marangal,

وَّنَعْمَةٍ كَانُوْا فِيْهَا فٰكِهِيْنَۙ٢٧
Wa na‘matin kānū fīhā fākihīn(a).
[27] at biyayang sila dati roon ay mga nagpapasarap!

كَذٰلِكَ ۗوَاَوْرَثْنٰهَا قَوْمًا اٰخَرِيْنَۚ٢٨
Każālik(a), wa auraṡnāhā qauman ākharīn(a).
[28] Gayon nga, at nagpamana Kami ng mga ito sa mga ibang tao.

فَمَا بَكَتْ عَلَيْهِمُ السَّمَاۤءُ وَالْاَرْضُۗ وَمَا كَانُوْا مُنْظَرِيْنَ ࣖ٢٩
Famā bakat ‘alaihimus-samā'u wal-arḍ(u), wa mā kānū munẓarīn(a).
[29] Kaya hindi umiyak sa kanila ang langit at ang lupa at sila noon ay hindi mga ipagpapaliban.

وَلَقَدْ نَجَّيْنَا بَنِيْٓ اِسْرَاۤءِيْلَ مِنَ الْعَذَابِ الْمُهِيْنِۙ٣٠
Wa laqad najjainā banī isrā'īla minal-‘ażābil-muhīn(i).
[30] Talaga ngang nagligtas Kami sa mga anak ni Israel mula sa pagdurusang manghahamak

مِنْ فِرْعَوْنَ ۗاِنَّهٗ كَانَ عَالِيًا مِّنَ الْمُسْرِفِيْنَ٣١
Min fir‘aun(a), innahū kāna ‘āliyam minal-musrifīn(a).
[31] mula kay Paraon. Tunay na siya dati ay nagmamataas kabilang sa mga nagpapakalabis.

وَلَقَدِ اخْتَرْنٰهُمْ عَلٰى عِلْمٍ عَلَى الْعٰلَمِيْنَ ۚ٣٢
Wa laqadikhtarnāhum ‘alā ‘ilmin ‘alal-‘ālamīn(a).
[32] Talaga ngang pumili Kami sa kanila [na mga anak ni Israel] ayon sa kaalaman, higit sa mga nilalang [ng panahon nila].

وَاٰتَيْنٰهُمْ مِّنَ الْاٰيٰتِ مَا فِيْهِ بَلٰۤـؤٌا مُّبِيْنٌ٣٣
Wa ātaināhum minal-āyāti mā fīhi balā'um mubīn(un).
[33] Nagbigay Kami sa kanila ng mga tanda na may isang pagsubok na malinaw.

اِنَّ هٰٓؤُلَاۤءِ لَيَقُوْلُوْنَۙ٣٤
Inna hā'ulā'i layaqūlūn(a).
[34] Tunay na ang mga [tagapagtambal] ito ay talagang nagsasabi:

اِنْ هِيَ اِلَّا مَوْتَتُنَا الْاُوْلٰى وَمَا نَحْنُ بِمُنْشَرِيْنَ٣٥
In hiya illā mautatunal-ūlā wa mā naḥnu bimunsyarīn(a).
[35] “Walang iba ito kundi ang pagkamatay naming una at kami ay hindi mga bubuhayin.

فَأْتُوْا بِاٰبَاۤىِٕنَآ اِنْ كُنْتُمْ صٰدِقِيْنَ٣٦
Fa'tū bi'ābā'inā in kuntum ṣādiqīn(a).
[36] Kaya maglahad kayo ng mga magulang namin kung kayo ay mga tapat.”

اَهُمْ خَيْرٌ اَمْ قَوْمُ تُبَّعٍۙ وَّالَّذِيْنَ مِنْ قَبْلِهِمْۗ اَهْلَكْنٰهُمْ اِنَّهُمْ كَانُوْا مُجْرِمِيْنَ٣٧
Ahum khairun am qaumu tubba‘(in), wal-lażīna min qablihim, ahlaknāhum innahum kānū mujrimīn(a).
[37] Sila ba ay higit na mabuti o ang mga tao ng Tubba` at ang mga bago pa nila, na ipinahamak Namin [dahil sa kasalanan]? Tunay na sila ay mga salarin noon.

وَمَا خَلَقْنَا السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضَ وَمَا بَيْنَهُمَا لٰعِبِيْنَ٣٨
Wa mā khalaqnas-samāwāti wal-arḍa wa mā bainahumā lā‘ibīn(a).
[38] Hindi Kami lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito nang naglalaro.

مَا خَلَقْنٰهُمَآ اِلَّا بِالْحَقِّ وَلٰكِنَّ اَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُوْنَ٣٩
Mā khalaqnāhumā illā bil-ḥaqqi wa lākinna akṡarahum lā ya‘lamūn(a).
[39] Hindi Kami lumikha ng mga ito malibang ayon sa katotohanan subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.

اِنَّ يَوْمَ الْفَصْلِ مِيْقَاتُهُمْ اَجْمَعِيْنَ ۙ٤٠
Inna yaumal-faṣli mīqātuhum ajma‘īn(a).
[40] Tunay na ang Araw ng Pagpapasya ay tipanan nila nang magkakasama,

يَوْمَ لَا يُغْنِيْ مَوْلًى عَنْ مَّوْلًى شَيْـًٔا وَّلَا هُمْ يُنْصَرُوْنَۙ٤١
Yauma lā yugnī maulan ‘am maulan syai'aw wa lā hum yunṣarūn(a).
[41] sa Araw na walang magpapakinabang na isang pinagpapatangkilikan sa isang nagpapatangkilik ng anuman ni sila ay iaadya,

اِلَّا مَنْ رَّحِمَ اللّٰهُ ۗاِنَّهٗ هُوَ الْعَزِيْزُ الرَّحِيْمُ ࣖ٤٢
Illā mar raḥimallāh(u), innahū huwal-‘azīzur-raḥīm(u).
[42] maliban sa sinumang kinaawaan ni Allāh; tunay na Siya ay ang Makapangyarihan, ang Maawain.

اِنَّ شَجَرَتَ الزَّقُّوْمِۙ٤٣
Inna syajarataz-zaqqūm(i).
[43] Tunay na ang puno ng Zaqqūm

طَعَامُ الْاَثِيْمِ ۛ٤٤
Ṭa‘āmul-aṡīm(i).
[44] ay pagkain ng makasalanan.

كَالْمُهْلِ ۛ يَغْلِيْ فِى الْبُطُوْنِۙ٤٥
Kal-muhl(i), yaglī fil-buṭūn(i).
[45] Gaya ng latak ng langis, kukulo ito sa loob ng mga tiyan [nila],

كَغَلْيِ الْحَمِيْمِ ۗ٤٦
Kagalyil-ḥamīm(i).
[46] gaya ng pagkulo ng nakapapasong tubig.

خُذُوْهُ فَاعْتِلُوْهُ اِلٰى سَوَاۤءِ الْجَحِيْمِۙ٤٧
Khużūhu fa‘‘tilūhu ilā sawā'il-jaḥīm(i).
[47] [Sasabihin]: “Kunin ninyo siya at kaladkarin ninyo siya patungo sa kalagitnaan ng Impiyerno.

ثُمَّ صُبُّوْا فَوْقَ رَأْسِهٖ مِنْ عَذَابِ الْحَمِيْمِۗ٤٨
Ṡumma ṣubbū fauqa ra'sihī min ‘azābil-ḥamīm(i).
[48] Pagkatapos magbuhos kayo sa ibabaw ng ulo niya mula sa pagdurusa sa nakapapasong tubig.

ذُقْۚ اِنَّكَ اَنْتَ الْعَزِيْزُ الْكَرِيْمُ٤٩
Żuq, innaka antal-‘azīzul-karīm(u).
[49] Lasapin mo; tunay na ikaw ay ang makapangyarihan, ang mapagbigay.

اِنَّ هٰذَا مَا كُنْتُمْ بِهٖ تَمْتَرُوْنَ٥٠
Inna hāżā mā kuntum bihī tamtarūn(a).
[50] Tunay na ito ay ang [bagay na] dati kayo hinggil dito ay nagtataltalan.”

اِنَّ الْمُتَّقِيْنَ فِيْ مَقَامٍ اَمِيْنٍۙ٥١
Innal-muttaqīna fī maqāmin amīn(in).
[51] Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa pinananatilihang ligtas,

فِيْ جَنّٰتٍ وَّعُيُوْنٍ ۙ٥٢
Fī jannātiw wa ‘uyūn(in).
[52] sa mga hardin at mga bukal,

يَّلْبَسُوْنَ مِنْ سُنْدُسٍ وَّاِسْتَبْرَقٍ مُّتَقٰبِلِيْنَۚ٥٣
Yalbasūna min sundusiw wa istabraqim mutaqābilīn(a).
[53] na magsusuot ng manipis na sutla at makapal na sutla, na mga magkaharapan.

كَذٰلِكَۗ وَزَوَّجْنٰهُمْ بِحُوْرٍ عِيْنٍۗ٥٤
Każālik(a), wa zawwajnāhum biḥūrin ‘īn(in).
[54] Gayon nga, at ipakakasal Namin sila sa mga dilag na may maningning na mata.

يَدْعُوْنَ فِيْهَا بِكُلِّ فَاكِهَةٍ اٰمِنِيْنَۙ٥٥
Yad‘ūna fīhā bikulli fākihatin āminīn(a).
[55] Mananawagan sila roon ng bawat bungang-kahoy habang mga natitiwasay.

لَا يَذُوْقُوْنَ فِيْهَا الْمَوْتَ اِلَّا الْمَوْتَةَ الْاُوْلٰىۚ وَوَقٰىهُمْ عَذَابَ الْجَحِيْمِۙ٥٦
Lā yażūqūna fīhal-mauta illal-mautatal-ūlā, wa waqāhum ‘ażābal-jaḥīm(i).
[56] Hindi sila lalasap doon ng kamatayan maliban sa unang pagkamatay at magsasanggalang Siya sa kanila sa pagdurusa sa Impiyerno

فَضْلًا مِّنْ رَّبِّكَۚ ذٰلِكَ هُوَ الْفَوْزُ الْعَظِيْمُ٥٧
Faḍlam mir rabbika żālika huwal-fauzul-‘aẓīm(u).
[57] bilang kabutihang-loob mula sa Panginoon mo. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan.

فَاِنَّمَا يَسَّرْنٰهُ بِلِسَانِكَ لَعَلَّهُمْ يَتَذَكَّرُوْنَ٥٨
Fa innamā yassarnāhu bilisānika la‘allahum yatażakkarūn(a).
[58] Kaya nagpadali lamang Kami nito sa dila mo nang sa gayon sila ay magsasaalaala.

فَارْتَقِبْ اِنَّهُمْ مُّرْتَقِبُوْنَ ࣖࣖ٥٩
Fartaqib innahum murtaqibūn(a).
[59] Kaya mag-abang ka [ng wakas nila]; tunay na sila ay mga nag-aabang.