Surah Az-Zukhruf

Daftar Surah

بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
حٰمۤ ۚ١
Ḥā mīm.
[1] Ḥā. Mīm.541
[541] Ang Qur’ān ay nasa wikang Arabe na binubuo ng mga titiks Arabe gaya ng mga ito subalit walang isa mang nakagawa ng kahit pinkamaiikling kabanata ng mahimalang kababalaghan ng Qur’ān.

وَالْكِتٰبِ الْمُبِيْنِ ۙ٢
Wal-kitābil-mubīn(i).
[2] Sumpa man sa Aklat542 na naglilinaw,
[542] Si Allāh ang nanunumpa rito.

اِنَّا جَعَلْنٰهُ قُرْاٰنًا عَرَبِيًّا لَّعَلَّكُمْ تَعْقِلُوْنَۚ٣
Innā ja‘alnāhu qur'ānan ‘arabiyyal la‘allakum ta‘qilūn(a).
[3] tunay na Kami ay gumawa nito bilang Qur’ān na Arabe nang sa gayon kayo ay makapag-uunawa.

وَاِنَّهٗ فِيْٓ اُمِّ الْكِتٰبِ لَدَيْنَا لَعَلِيٌّ حَكِيْمٌ ۗ٤
Wa innahū fī ummil-kitābi ladainā la‘aliyyun ḥakīm(un).
[4] Tunay na ito, sa Ina ng Aklat543 na nasa Amin, ay talagang mataas, marunong.
[543] Ibig sabihin: ang Tablerong Iniingatan

اَفَنَضْرِبُ عَنْكُمُ الذِّكْرَ صَفْحًا اَنْ كُنْتُمْ قَوْمًا مُّسْرِفِيْنَ٥
Afa naḍribu ‘ankumuż-żikra ṣafḥan an kuntum qaumam musrifīn(a).
[5] Kaya ba magbabaling Kami palayo sa inyo ng Paalaala544 sa isang tabi dahil kayo ay mga taong nagpapakalabis?
[544] Ibig sabihin: ang Qur’an

وَكَمْ اَرْسَلْنَا مِنْ نَّبِيٍّ فِى الْاَوَّلِيْنَ٦
Wa kam arsalnā min nabiyyin fil-awwalīn(a).
[6] Kay rami ng isinugo Namin na propeta sa mga sinauna [na nilipol noon].

وَمَا يَأْتِيْهِمْ مِّنْ نَّبِيٍّ اِلَّا كَانُوْا بِهٖ يَسْتَهْزِءُوْنَ٧
Wa mā ya'tīhim min nabiyyin illā kānū bihī yastahzi'ūn(a).
[7] Walang pumupunta sa kanila na isang propeta malibang sila noon sa kanya ay nangungutya.

فَاَهْلَكْنَآ اَشَدَّ مِنْهُمْ بَطْشًا وَّمَضٰى مَثَلُ الْاَوَّلِيْنَ٨
Fa ahlaknā asyadda minhum baṭsyaw wa maḍā maṡalul-awwalīn(a).
[8] Kaya nagpahamak Kami sa higit na matindi kaysa sa kanila sa bagsik at nagdaan ang tulad sa mga sinauna.

وَلَىِٕنْ سَاَلْتَهُمْ مَّنْ خَلَقَ السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضَ لَيَقُوْلُنَّ خَلَقَهُنَّ الْعَزِيْزُ الْعَلِيْمُۙ٩
Wa la'in sa'altahum man khalaqas-samāwāti wal-arḍa layaqūlunna khalaqahunnal-‘azīzul-‘alīm(u).
[9] Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha ng mga langit at lupa ay talagang magsasabi nga sila na lumikha ng mga ito ang Makapangyarihan, ang Maalam,

الَّذِيْ جَعَلَ لَكُمُ الْاَرْضَ مَهْدًا وَّجَعَلَ لَكُمْ فِيْهَا سُبُلًا لَّعَلَّكُمْ تَهْتَدُوْنَ ۚ١٠
Allażī ja‘ala lakumul-arḍa mahdaw wa ja‘ala lakum fīhā subulal la‘allakum tahtadūn(a).
[10] na gumawa para sa inyo ng lupa bilang himlayan at gumawa para sa inyo roon ng mga landas nang harinawa kayo ay mapatnubayan,

وَالَّذِيْ نَزَّلَ مِنَ السَّمَاۤءِ مَاۤءًۢ بِقَدَرٍۚ فَاَنْشَرْنَا بِهٖ بَلْدَةً مَّيْتًا ۚ كَذٰلِكَ تُخْرَجُوْنَ١١
Wal-lażī nazzala minas-samā'i mā'am biqadar(in), fa'ansyarnā bihī baldatam maitā(n), każālika tukhrajūn(a).
[11] na nagbaba mula sa langit ng tubig ayon sa isang sukat saka bubuhay sa pamamagitan nito ng isang patay na bayan. Gayon kayo palalabasin [mula sa mga libingan].

وَالَّذِيْ خَلَقَ الْاَزْوَاجَ كُلَّهَا وَجَعَلَ لَكُمْ مِّنَ الْفُلْكِ وَالْاَنْعَامِ مَا تَرْكَبُوْنَۙ١٢
Wal-lażī khalaqal-azwāja kullahā wa ja‘ala lakum minal-fulki wal-an‘āmi mā tarkabūn(a).
[12] at na lumikha ng mga magkapares sa kabuuan ng mga ito at gumawa para sa inyo mula sa mga daong at mga hayupan ng sinasakyan ninyo

لِتَسْتَوٗا عَلٰى ظُهُوْرِهٖ ثُمَّ تَذْكُرُوْا نِعْمَةَ رَبِّكُمْ اِذَا اسْتَوَيْتُمْ عَلَيْهِ وَتَقُوْلُوْا سُبْحٰنَ الَّذِيْ سَخَّرَ لَنَا هٰذَا وَمَا كُنَّا لَهٗ مُقْرِنِيْنَۙ١٣
Litastawū ‘alā ẓuhūrihī ṡumma tażkurū ni‘mata rabbikum iżastawaitum ‘alaihi wa taqūlū subḥānal-lażī sakhkhara lanā hāżā wa mā kunnā lahū muqrinīn(a).
[13] upang lumuklok kayo sa mga likod ng mga ito, pagkatapos makaalaala kayo sa biyaya ng Panginoon ninyo kapag nakaluklok na kayo sa mga ito at magsabi kayo: “Kaluwalhatian sa Kanya na nagpasilbi para sa amin ng mga ito samantalang kami sa mga ito ay hindi naging mga makapananaig.

وَاِنَّآ اِلٰى رَبِّنَا لَمُنْقَلِبُوْنَ١٤
Wa innā ilā rabbinā lamunqalibūn(a).
[14] Tunay na kami sa Panginoon namin ay talagang mga uuwi.”

وَجَعَلُوْا لَهٗ مِنْ عِبَادِهٖ جُزْءًا ۗاِنَّ الْاِنْسَانَ لَكَفُوْرٌ مُّبِيْنٌ ۗ ࣖ١٥
Wa ja‘alū lahū min ‘ibādihī juz'ā(n), innal-insāna lakafūrum mubīn(un).
[15] Gumawa sila para sa Kanya mula sa mga lingkod Niya ng isang bahagi.545 Tunay na ang tao ay talagang isang malinaw na mapagtangging magpasalamat.
[545] ng nilikha Niya dahil sa pagsabing a mga anghel ay mga anak Niya

اَمِ اتَّخَذَ مِمَّا يَخْلُقُ بَنٰتٍ وَّاَصْفٰىكُمْ بِالْبَنِيْنَ ۗ١٦
Amittakhażū mimmā yakhluqu banātiw wa aṣfākum bil-banīn(a).
[16] O gumawa ba Siya mula sa nililikha Niya ng mga babaing anak at humirang Siya sa inyo ng mga lalaking anak?

وَاِذَا بُشِّرَ اَحَدُهُمْ بِمَا ضَرَبَ لِلرَّحْمٰنِ مَثَلًا ظَلَّ وَجْهُهٗ مُسْوَدًّا وَّهُوَ كَظِيْمٌ١٧
Wa iżā busysyira aḥaduhum bimā ḍaraba lir-raḥmāni maṡalan ẓalla wajhuhū muswaddaw wa huwa kaẓīm(un).
[17] Kapag binalitaan ang isa sa kanila ng [ng pagsilang ng babaing anak na] inuugnay niya para sa Napakamaawain bilang paghahalintulad, ang mukha niya ay naging nangingitim habang siya ay hapis.

اَوَمَنْ يُّنَشَّؤُا فِى الْحِلْيَةِ وَهُوَ فِى الْخِصَامِ غَيْرُ مُبِيْنٍ١٨
Awamay yunasysya'u fil-ḥilyati wa huwa fil-khiṣāmi gairu mubīn(in).
[18] O [iniuugnay ba kay Allāh] ang pinalalaki ba sa mga hiyas samantalang ito sa pakikipag-alitan ay hindi malinaw?

وَجَعَلُوا الْمَلٰۤىِٕكَةَ الَّذِيْنَ هُمْ عِبٰدُ الرَّحْمٰنِ اِنَاثًا ۗ اَشَهِدُوْا خَلْقَهُمْ ۗسَتُكْتَبُ شَهَادَتُهُمْ وَيُسْـَٔلُوْنَ١٩
Wa ja‘alul-malā'ikatal-lażīna hum ‘ibādur raḥmāni ināṡā(n), asyahidū khalqahum, satuktabu syahādatuhum wa yus'alūn(a).
[19] Nagturing sila sa mga anghel – na mga lingkod ng Napakamaawain – bilang mga babae. Nakasaksi ba sila sa paglikha sa mga iyon? Isusulat ang pagsaksi nila at tatanungin sila.

وَقَالُوْا لَوْ شَاۤءَ الرَّحْمٰنُ مَا عَبَدْنٰهُمْ ۗمَا لَهُمْ بِذٰلِكَ مِنْ عِلْمٍ اِنْ هُمْ اِلَّا يَخْرُصُوْنَۗ٢٠
Wa qālū lau syā'ar-raḥmānu mā ‘abadnāhum, mā lahum biżālika min ‘ilm(in), in hum illā yakhruṣūn(a).
[20] Nagsabi sila: “Kung sakaling niloob ng Napakamaawain [na si Allāh] ay hindi sana kami sumamba sa kanila.546” Walang ukol sa kanila hinggil doon na anumang kaalaman. Walang iba sila kundi nagsasapantaha.
[546] na mga anghel

اَمْ اٰتَيْنٰهُمْ كِتٰبًا مِّنْ قَبْلِهٖ فَهُمْ بِهٖ مُسْتَمْسِكُوْنَ٢١
Am ātaināhum kitābam min qablihī fahum bihī mustamsikūn(a).
[21] O nagbigay Kami sa kanila ng isang aklat bago pa nito kaya sila roon ay mga kumakapit?

بَلْ قَالُوْٓا اِنَّا وَجَدْنَآ اٰبَاۤءَنَا عَلٰٓى اُمَّةٍ وَّاِنَّا عَلٰٓى اٰثٰرِهِمْ مُّهْتَدُوْنَ٢٢
Bal qālū innā wajadnā ābā'anā ‘alā ummatiw wa innā ‘alā āṡārihim muhtadūn(a).
[22] Bagkus nagsabi sila: “Tunay kami ay nakatagpo sa mga magulang namin sa isang paniniwala, at tunay na kami sa mga bakas nila [at mga paraan nila] ay mga napapatnubayan.”

وَكَذٰلِكَ مَآ اَرْسَلْنَا مِنْ قَبْلِكَ فِيْ قَرْيَةٍ مِّنْ نَّذِيْرٍۙ اِلَّا قَالَ مُتْرَفُوْهَآ ۙاِنَّا وَجَدْنَآ اٰبَاۤءَنَا عَلٰٓى اُمَّةٍ وَّاِنَّا عَلٰٓى اٰثٰرِهِمْ مُّقْتَدُوْنَ٢٣
Wa każālika mā arsalnā min qablika fī qaryatim min nażīr(in), illā qāla mutrafūhā, innā wajadnā ābā'anā ‘alā ummatiw wa innā ‘alā āṡārihim muqtadūn(a).
[23] Gaya niyon, hindi Kami nagsugo bago mo pa sa isang pamayanan ng anumang mapagbabala malibang nagsabi ang mga pinariwasa roon: “Tunay na kami ay nakatagpo sa mga magulang namin sa isang paniniwala, at tunay na kami sa mga bakas nila ay mga tumutulad.”

۞ قٰلَ اَوَلَوْ جِئْتُكُمْ بِاَهْدٰى مِمَّا وَجَدْتُّمْ عَلَيْهِ اٰبَاۤءَكُمْۗ قَالُوْٓا اِنَّا بِمَآ اُرْسِلْتُمْ بِهٖ كٰفِرُوْنَ٢٤
Qāla awalau ji'tukum bi'ahdā mimmā wajattum ‘alaihi ābā'akum, qālū innā bimā ursiltum bihī kāfirūn(a).
[24] Nagsabi [ang mapagbababala]: “Kahit pa ba naghatid ako sa inyo ng higit na patnubay kaysa sa natagpuan ninyo sa mga magulang ninyo?” Nagsabi sila: “Tunay na kami sa ipinasugo sa inyo ay mga tagatangging sumampalataya.”

فَانْتَقَمْنَا مِنْهُمْ فَانْظُرْ كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُكَذِّبِيْنَ ࣖ٢٥
Fantaqamnā minhum fanẓur kaifa kāna ‘āqibatul-mukażżibīn(a).
[25] Kaya naghiganti Kami sa kanila. Kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagapagpasinungaling.547
[547] ng Katotohanan at mga tagasalungat ng Kapayapaan

وَاِذْ قَالَ اِبْرٰهِيْمُ لِاَبِيْهِ وَقَوْمِهٖٓ اِنَّنِيْ بَرَاۤءٌ مِّمَّا تَعْبُدُوْنَۙ٢٦
Wa iż qāla ibrāhīmu li'abīhi wa qaumihī innanī barā'um mimmā ta‘budūn(a).
[26] [Banggitin] noong nagsabi si Abraham sa ama niya at mga kababayan niya: “Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa anumang sinasamba ninyo,

اِلَّا الَّذِيْ فَطَرَنِيْ فَاِنَّهٗ سَيَهْدِيْنِ٢٧
Illāl-lażī faṭaranī fa'innahū sayahdīn(i).
[27] maliban sa lumalang sa akin sapagkat tunay na Siya ay magpapatnubay sa akin.”

وَجَعَلَهَا كَلِمَةً ۢ بَاقِيَةً فِيْ عَقِبِهٖ لَعَلَّهُمْ يَرْجِعُوْنَۗ٢٨
Wa ja‘alahā kalimatam bāqiyatan fī ‘aqibihī la‘allahum yarji‘ūn(a).
[28] Gumawa siya rito548 bilang pangungusap na mananatili sa mga inapo niya nang sa gayon sila ay babalik [kay Allāh].
[548] sa adhikain ng Tawḥīd: Walang Diyos kundi si Allāh

بَلْ مَتَّعْتُ هٰٓؤُلَاۤءِ وَاٰبَاۤءَهُمْ حَتّٰى جَاۤءَهُمُ الْحَقُّ وَرَسُوْلٌ مُّبِيْنٌ٢٩
Bal matta‘tu hā'ulā'i wa ābā'ahum ḥattā jā'ahumul-ḥaqqu wa rasūlum mubīn(un).
[29] Bagkus nagpatamasa Ako sa mga [tagapagtambal na] ito [sa Mundo] at sa mga magulang nila [bago pa nila] hanggang sa dumating sa kanila ang katotohanan at [si Propeta Muḥammad na] isang sugong tagapaglinaw [sa kanila].

وَلَمَّا جَاۤءَهُمُ الْحَقُّ قَالُوْا هٰذَا سِحْرٌ وَّاِنَّا بِهٖ كٰفِرُوْنَ٣٠
Wa lammā jā'ahumul-ḥaqqu qālū hāżā siḥruw wa innā bihī kāfirūn(a).
[30] Noong dumating sa kanila ang katotohanan ay nagsabi sila: “Ito ay panggagaway at tunay na kami rito ay mga tagatangging sumampalataya.”

وَقَالُوْا لَوْلَا نُزِّلَ هٰذَا الْقُرْاٰنُ عَلٰى رَجُلٍ مِّنَ الْقَرْيَتَيْنِ عَظِيْمٍ٣١
Wa qālū lau lā nuzzila hāżal-qur'ānu ‘alā rajulim minal-qaryataini ‘aẓīm(in).
[31] Nagsabi sila: “Bakit kasi hindi ibinaba ang Qur’ān na ito sa isang lalaki, mula sa dalawang pamayanang dakila [ng Makkah at Ṭā’if]?”

اَهُمْ يَقْسِمُوْنَ رَحْمَتَ رَبِّكَۗ نَحْنُ قَسَمْنَا بَيْنَهُمْ مَّعِيْشَتَهُمْ فِى الْحَيٰوةِ الدُّنْيَاۙ وَرَفَعْنَا بَعْضَهُمْ فَوْقَ بَعْضٍ دَرَجٰتٍ لِّيَتَّخِذَ بَعْضُهُمْ بَعْضًا سُخْرِيًّا ۗوَرَحْمَتُ رَبِّكَ خَيْرٌ مِّمَّا يَجْمَعُوْنَ٣٢
Ahum yaqsimūna raḥmata rabbik(a), naḥnu qasamnā bainahum ma‘īsyatahum fil-ḥayātid-dun-yā, wa rafa‘nā ba‘ḍahum fauqa ba‘ḍin darajātil liyattakhiża ba‘ḍuhum ba‘ḍan sukhriyyā(n), wa raḥmatu rabbika khairum mimmā yajma‘ūn(a).
[32] Sila ba ay namamahagi ng awa ng Panginoon mo? Kami ay namamahagi sa pagitan nila ng kabuhayan nila sa buhay na pangmundo. Nag-angat Kami sa iba sa kanila higit sa iba pa sa mga antas upang gumamit ang iba sa kanila sa iba pa sa pagsisilbi. Ang awa ng Panginoon mo ay higit na mabuti kaysa sa anumang tinitipon nila.

وَلَوْلَآ اَنْ يَّكُوْنَ النَّاسُ اُمَّةً وَّاحِدَةً لَّجَعَلْنَا لِمَنْ يَّكْفُرُ بِالرَّحْمٰنِ لِبُيُوْتِهِمْ سُقُفًا مِّنْ فِضَّةٍ وَّمَعَارِجَ عَلَيْهَا يَظْهَرُوْنَۙ٣٣
Wa lau lā ay yakūnan-nāsu ummataw wāḥidatal laja‘alnā limay yakfuru bir-raḥmāni libuyūtihim suqufam min fiḍḍatiw wa ma‘ārija ‘alaihā yaẓharūn(a).
[33] Kung hindi dahil sa ang mga tao ay maging nag-iisang kalipunan [sa kawalang-pananampalataya, na naghahangad ng buhay sa Mundong ito] ay talaga sanang gumawa para sa sinumang tumatangging sumampalataya sa Napakamaawain para sa mga bahay nila ng mga bubong na pilak at mga pampanik, na sa mga ito papaibabaw sila,

وَلِبُيُوْتِهِمْ اَبْوَابًا وَّسُرُرًا عَلَيْهَا يَتَّكِـُٔوْنَۙ٣٤
Wa libuyūtihim abwābaw wa sururan ‘alaihā yattaki'ūn(a).
[34] at para sa mga bahay nila ng mga pinto, mga kama [na pilak,] na sa mga ito sasandal sila,

وَزُخْرُفًاۗ وَاِنْ كُلُّ ذٰلِكَ لَمَّا مَتَاعُ الْحَيٰوةِ الدُّنْيَا ۗوَالْاٰخِرَةُ عِنْدَ رَبِّكَ لِلْمُتَّقِيْنَ ࣖ٣٥
Wa zukhrufā(n), wa in kullu żālika lammā matā‘ul-ḥayātid-dun-yā, wal-ākhiratu ‘inda rabbika lil-muttaqīn(a).
[35] at [ibang] palamuting ginto. Walang iba ang lahat ng iyon kundi natatamasa sa buhay na pangmundo. Ang Kabilang-buhay sa ganang Panginoon mo ay para sa mga tagapangilag magkasala.

وَمَنْ يَّعْشُ عَنْ ذِكْرِ الرَّحْمٰنِ نُقَيِّضْ لَهٗ شَيْطٰنًا فَهُوَ لَهٗ قَرِيْنٌ٣٦
Wa may ya‘syu ‘an żikrir-raḥmāni nuqayyiḍ lahū syaiṭānan fahuwa lahū qarīn(un).
[36] Ang sinumang nabubulagan sa pag-alaala sa Napakamaawain ay magtatalaga para sa kanya ng isang demonyo, kaya ito para sa kanya ay isang kapisan [na dumidikit].

وَاِنَّهُمْ لَيَصُدُّوْنَهُمْ عَنِ السَّبِيْلِ وَيَحْسَبُوْنَ اَنَّهُمْ مُّهْتَدُوْنَ٣٧
Wa innahum layaṣuddūnahum ‘anis-sabīli wa yaḥsabūna annahum muhtadūn(a).
[37] Tunay na ang mga ito ay talagang sumasagabal sa kanila sa landas [ng Islām] habang nag-aakala sila na sila ay mga napapatnubayan;

حَتّٰىٓ اِذَا جَاۤءَنَا قَالَ يٰلَيْتَ بَيْنِيْ وَبَيْنَكَ بُعْدَ الْمَشْرِقَيْنِ فَبِئْسَ الْقَرِيْنُ٣٨
Ḥattā iżā jā'anā qāla yā laita bainī wa bainaka bu‘dal-masyriqaini fa bi'sal-qarīn(u).
[38] hanggang sa nang dumating siya sa Amin ay magsasabi siya549 [sa kapisang demonyo]: “O kung sana sa pagitan ko at pagitan mo ay layo ng dalawang silangan sapagkat kay saklap ang kapisan!”
[549] ang tagatangging sumampalataya

وَلَنْ يَّنْفَعَكُمُ الْيَوْمَ اِذْ ظَّلَمْتُمْ اَنَّكُمْ فِى الْعَذَابِ مُشْتَرِكُوْنَ٣٩
Wa lay yanfa‘akumul-yauma iẓ ẓalamtum annakum fil-‘ażābi musytarikūn(a).
[39] Hindi magpapakinabang sa inyo sa Araw na iyon yayamang lumabag kayo sa katarungan, na kayo sa pagdurusa ay mga magkalahok.

اَفَاَنْتَ تُسْمِعُ الصُّمَّ اَوْ تَهْدِى الْعُمْيَ وَمَنْ كَانَ فِيْ ضَلٰلٍ مُّبِيْنٍ٤٠
Afa anta tusmi‘uṣ-ṣumma au tahdil-‘umya wa man kāna fī ḍalālim mubīn(in).
[40] Kaya ikaw ba ay nagpaparinig sa mga bingi o nagpapatnubay sa mga bulag at sinumang naging nasa isang pagkaligaw na malinaw?

فَاِمَّا نَذْهَبَنَّ بِكَ فَاِنَّا مِنْهُمْ مُّنْتَقِمُوْنَۙ٤١
Fa immā nażhabanna bika fa innā minhum muntaqimūn(a).
[41] Kaya alin sa dalawa: mag-aalis nga Kami sa iyo saka tunay na Kami sa kanila ay maghihiganti,

اَوْ نُرِيَنَّكَ الَّذِيْ وَعَدْنٰهُمْ فَاِنَّا عَلَيْهِمْ مُّقْتَدِرُوْنَ٤٢
Au nuriyannakal-lażī wa‘adnāhum fa'innā ‘alaihim muqtadirūn(a).
[42] o magpapakita nga Kami sa iyo ng ipinangako Namin sa kanila saka tunay na Kami sa kanila ay Tagakaya.

فَاسْتَمْسِكْ بِالَّذِيْٓ اُوْحِيَ اِلَيْكَ ۚاِنَّكَ عَلٰى صِرَاطٍ مُّسْتَقِيْمٍ٤٣
Fastamsik bil-lażī ūḥiya ilaik(a), innaka ‘alā ṣirāṭim mustaqīm(in).
[43] Kaya mangunyapit ka sa [Qur’ān na ito na] ikinasi sa iyo; tunay na ikaw ay nasa isang landasing tuwid.

وَاِنَّهٗ لَذِكْرٌ لَّكَ وَلِقَوْمِكَ ۚوَسَوْفَ تُسْـَٔلُوْنَ٤٤
Wa innahū lażikrul laka wa liqaumik(a), wa saufa tus'alūn(a).
[44] Tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang isang paalaala para sa iyo at para sa mga kababayan mo, at tatanungin kayo [hinggil dito].

وَسْـَٔلْ مَنْ اَرْسَلْنَا مِنْ قَبْلِكَ مِنْ رُّسُلِنَآ ۖ اَجَعَلْنَا مِنْ دُوْنِ الرَّحْمٰنِ اٰلِهَةً يُّعْبَدُوْنَ ࣖ٤٥
Was'al man arsalnā min qablika mir rusulinā, aja‘alnā min dūnir-raḥmāni ālihatay yu‘badūn(a).
[45] Magtanong ka sa mga isinugo Namin bago mo pa kabilang sa mga sugo Namin kung nagtalaga ba, bukod pa sa Napakamaawain, ng mga diyos na sasambahin?

وَلَقَدْ اَرْسَلْنَا مُوْسٰى بِاٰيٰتِنَآ اِلٰى فِرْعَوْنَ وَمَلَا۟ىِٕهٖ فَقَالَ اِنِّيْ رَسُوْلُ رَبِّ الْعٰلَمِيْنَ٤٦
Wa laqad arsalnā mūsā bi'āyātinā ilā fir‘auna wa mala'ihī fa qāla innī rasūlu rabbil-‘ālamīn(a).
[46] Talaga ngang nagsugo Kami kay Moises, kalakip ng mga tanda Namin, kay Paraon at sa konseho nito kaya nagsabi siya: “Tunay na ako ay sugo ng Panginoon ng mga nilalang.”

فَلَمَّا جَاۤءَهُمْ بِاٰيٰتِنَآ اِذَا هُمْ مِّنْهَا يَضْحَكُوْنَ٤٧
Falammā jā'ahum bi'āyātinā iżā hum minhā yaḍḥakūn(a).
[47] Ngunit noong naghatid siya sa kanila ng mga tanda Namin, biglang sila sa mga ito ay tumatawa.

وَمَا نُرِيْهِمْ مِّنْ اٰيَةٍ اِلَّا هِيَ اَكْبَرُ مِنْ اُخْتِهَاۗ وَاَخَذْنٰهُمْ بِالْعَذَابِ لَعَلَّهُمْ يَرْجِعُوْنَ٤٨
Wa mā nurīhim min āyatin illā hiya akbaru min ukhtihā, wa akhażnāhum bil-‘ażābi la‘allahum yarji‘ūn(a).
[48] Hindi Kami nagpapakita sa kanila ng anumang tanda malibang ito ay higit na malaki kaysa sa nauna ito. Nagpataw Kami sa kanila ng pagdurusa [sa Mundo] nang sa gayon sila ay babalik [kay Allāh].

وَقَالُوْا يٰٓاَيُّهَ السَّاحِرُ ادْعُ لَنَا رَبَّكَ بِمَا عَهِدَ عِنْدَكَۚ اِنَّنَا لَمُهْتَدُوْنَ٤٩
Wa qālū yā ayyuhas-sāḥirud‘u lanā rabbaka bimā ‘ahida ‘indak(a), innanā lamuhtadūn(a).
[49] Nagsabi sila [kay Moises]: “O manggagaway, dumalangin ka [kay Allāh] para sa amin sa Panginoon mo ng itinipan Niya sa piling mo; tunay na kami ay talagang mga mapapatnubayan.”

فَلَمَّا كَشَفْنَا عَنْهُمُ الْعَذَابَ اِذَا هُمْ يَنْكُثُوْنَ٥٠
Falammā kasyafnā ‘anhumul-‘ażāba iżā hum yankuṡūn(a).
[50] Ngunit noong pumawi Kami sa kanila ng pagdurusa, biglang sila ay sumisira [sa usapan].

وَنَادٰى فِرْعَوْنُ فِيْ قَوْمِهٖ قَالَ يٰقَوْمِ اَلَيْسَ لِيْ مُلْكُ مِصْرَ وَهٰذِهِ الْاَنْهٰرُ تَجْرِيْ مِنْ تَحْتِيْۚ اَفَلَا تُبْصِرُوْنَۗ٥١
Wa nādā fir‘aunu fī qaumihī qāla yā qaumi alaisa lī mulku miṣra wa hāżihil-anhāru tajrī min taḥtī, afalā tubṣirūn(a).
[51] Nanawagan si Paraon sa mga tao niya. Nagsabi siya: “O mga tao ko, hindi ba sa akin ang paghahari sa Ehipto habang ang mga ilog na ito ay dumadaloy mula sa ilalim ko? Kaya hindi ba kayo nakakikita?

اَمْ اَنَا۠ خَيْرٌ مِّنْ هٰذَا الَّذِيْ هُوَ مَهِيْنٌ ەۙ وَّلَا يَكَادُ يُبِيْنُ٥٢
Am ana khairum min hāżal-lażī huwa mahīn(un), wa lā yakādu yubīn(u).
[52] O ako ba ay higit na mabuti kaysa kay Moises, na siyang aba at hindi halos nakapaglilinaw?

فَلَوْلَآ اُلْقِيَ عَلَيْهِ اَسْوِرَةٌ مِّنْ ذَهَبٍ اَوْ جَاۤءَ مَعَهُ الْمَلٰۤىِٕكَةُ مُقْتَرِنِيْنَ٥٣
Falau lā ulqiya ‘alaihi aswiratum min żahabin au jā'a ma‘ahul-malā'ikatu muqtarinīn(a).
[53] Kaya bakit hindi nag-ukol sa kanya ng mga pulseras na ginto o dumating kasama sa kanya ang mga anghel na mga magkakapisan?”

فَاسْتَخَفَّ قَوْمَهٗ فَاَطَاعُوْهُ ۗاِنَّهُمْ كَانُوْا قَوْمًا فٰسِقِيْنَ٥٤
Fastakhaffa qaumahū fa aṭā‘ūh(u), innahum kānū qauman fāsiqīn(a).
[54] Kaya nanloko [si Paraon] sa mga tao niya saka tumalima naman sila sa kanya. Tunay na sila ay dating mga taong suwail.

فَلَمَّآ اٰسَفُوْنَا انْتَقَمْنَا مِنْهُمْ فَاَغْرَقْنٰهُمْ اَجْمَعِيْنَۙ٥٥
Falammā āsafūnantaqamnā minhum fa agraqnāhum ajma‘īn(a).
[55] Kaya noong nagpapoot sila sa Amin ay naghiganti Kami sa kanila saka lumunod Kami sa kanila nang magkakasama.

فَجَعَلْنٰهُمْ سَلَفًا وَّمَثَلًا لِّلْاٰخِرِيْنَ ࣖ٥٦
Fa ja‘alnāhum salafaw wa maṡalal lil-ākhirīn(a).
[56] Kaya gumawa Kami sa kanila ng isang pagpapauna at isang paghahalintulad para sa mga huli.

۞ وَلَمَّا ضُرِبَ ابْنُ مَرْيَمَ مَثَلًا اِذَا قَوْمُكَ مِنْهُ يَصِدُّوْنَ٥٧
Wa lammā ḍuribabnu maryama maṡalan iżā qaumuka minhu yaṣiddūn(a).
[57] Noong inilahad ang anak ni Maria bilang paghahalintulad [na sinasamba], biglang ang mga kababayan mo sa kanya ay naghalakhakan.

وَقَالُوْٓا ءَاٰلِهَتُنَا خَيْرٌ اَمْ هُوَ ۗمَا ضَرَبُوْهُ لَكَ اِلَّا جَدَلًا ۗبَلْ هُمْ قَوْمٌ خَصِمُوْنَ٥٨
Wa qālū a'ālihatunā khairun am huw(a), mā ḍarabūhu laka illā jadalā(n), bal hum qaumun khaṣimūn(a).
[58] Nagsabi sila: “Ang mga diyos namin ba ay higit na mabuti o siya550?” Hindi sila naglahad nito para sa iyo kundi bilang pakikipagtalo. Bagkus sila ay mga taong palaalitan.
[550] Ibig sabihin: si Jesus

اِنْ هُوَ اِلَّا عَبْدٌ اَنْعَمْنَا عَلَيْهِ وَجَعَلْنٰهُ مَثَلًا لِّبَنِيْٓ اِسْرَاۤءِيْلَ ۗ٥٩
In huwa illā ‘abdun an‘amnā ‘alaihi wa ja‘alnāhu maṡalal libanī isrā'īl(a).
[59] Walang iba [si Jesus] kundi isang lingkod na nagbiyaya Kami sa kanya [ng pagkapropeta] at gumawa Kami sa kanya bilang paghahalimbawa para sa mga anak ni Israel.

وَلَوْ نَشَاۤءُ لَجَعَلْنَا مِنْكُمْ مَّلٰۤىِٕكَةً فِى الْاَرْضِ يَخْلُفُوْنَ٦٠
Wa lau nasyā'u laja‘alnā minkum malā'ikatan fil-arḍi yakhlufūn(a).
[60] Kung sakaling loloobin Namin ay talaga sanang gumawa Kami sa halip ninyo ng mga anghel sa lupa na maghahalilihan.

وَاِنَّهٗ لَعِلْمٌ لِّلسَّاعَةِ فَلَا تَمْتَرُنَّ بِهَا وَاتَّبِعُوْنِۗ هٰذَا صِرَاطٌ مُّسْتَقِيْمٌ٦١
Wa innahū la‘ilmul lis-sā‘ati falā tamtarunna bihā wattabi‘ūn(i), hāżā ṣirāṭum mustaqīm(un).
[61] Tunay na si Jesus ay talagang [isang tanda ng] kaalaman [sa paglapit ng] Huling Sandali kaya huwag nga kayong magtaltalan hinggil dito at sumunod kayo sa akin. Ito ay isang landasing tuwid.

وَلَا يَصُدَّنَّكُمُ الشَّيْطٰنُۚ اِنَّهٗ لَكُمْ عَدُوٌّ مُّبِيْنٌ٦٢
Wa lā yaṣuddannakumusy-syaiṭān(u), innahū lakum ‘aduwwum mubīn(un).
[62] Huwag ngang sasagabal sa inyo [sa landasing tuwid] ang demonyo; tunay na siya para sa inyo ay isang kaaway na malinaw.

وَلَمَّا جَاۤءَ عِيْسٰى بِالْبَيِّنٰتِ قَالَ قَدْ جِئْتُكُمْ بِالْحِكْمَةِ وَلِاُبَيِّنَ لَكُمْ بَعْضَ الَّذِيْ تَخْتَلِفُوْنَ فِيْهِۚ فَاتَّقُوا اللّٰهَ وَاَطِيْعُوْنِ٦٣
Wa lammā jā'a ‘īsā bil-bayyināti qāla qad ji'tukum bil-ḥikmati wa li'ubayyina lakum ba‘ḍal-lażī takhtalifūna fīh(i), fattaqullāha wa aṭī‘ūn(i).
[63] Noong naghatid si Jesus ng mga malinaw na patunay [sa mga anak ni Israel] ay nagsabi siya: “Naghatid nga ako sa inyo ng karunungan at upang maglinaw ako para sa inyo ng ilan sa nagkakaiba-iba kayo hinggil doon. Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.

اِنَّ اللّٰهَ هُوَ رَبِّيْ وَرَبُّكُمْ فَاعْبُدُوْهُۗ هٰذَا صِرَاطٌ مُّسْتَقِيْمٌ٦٤
Innallāha huwa rabbī wa rabbukum fa‘budūh(u), hāżā ṣirāṭum mustaqīm(un).
[64] Tunay na si Allāh ay Panginoon ko at Panginoon ninyo kaya sumamba kayo sa Kanya. Ito ay landasing tuwid.”

فَاخْتَلَفَ الْاَحْزَابُ مِنْۢ بَيْنِهِمْ ۚفَوَيْلٌ لِّلَّذِيْنَ ظَلَمُوْا مِنْ عَذَابِ يَوْمٍ اَلِيْمٍ٦٥
Fakhtalafal-aḥzābu mim bainihim, fawailul lil-lażīna ẓalamūmin ‘ażābi yaumin alīm(in).
[65] Ngunit nagkaiba-iba ang mga lapian mula sa gitna nila,551 kaya kapighatian ay ukol sa mga lumabag sa katarungan mula sa isang pagdurusa sa isang Araw na masakit.
[551] Ibig sabihin: ng mga sekta ng mga Kristiyano.

هَلْ يَنْظُرُوْنَ اِلَّا السَّاعَةَ اَنْ تَأْتِيَهُمْ بَغْتَةً وَّهُمْ لَا يَشْعُرُوْنَ٦٦
Hal yanẓurūna illas-sā‘ata an ta'tiyahum bagtataw wa hum lā yasy‘urūn(a).
[66] Naghihintay kaya sila maliban ng Huling Sandali, na sumapit ito sa kanila nang biglaan habang sila ay hindi nakararamdam?

اَلْاَخِلَّاۤءُ يَوْمَىِٕذٍۢ بَعْضُهُمْ لِبَعْضٍ عَدُوٌّ اِلَّا الْمُتَّقِيْنَ ۗ ࣖ٦٧
Al-akhillā'u yauma'iżim ba‘ḍuhum liba‘ḍin ‘aduwwun illal-muttaqīn(a).
[67] Ang mga matalik na magkaibigan, sa Araw na iyon, ang iba sa kanila para sa iba pa ay kaaway, maliban sa mga tagapangilag magkasala.

يٰعِبَادِ لَاخَوْفٌ عَلَيْكُمُ الْيَوْمَ وَلَآ اَنْتُمْ تَحْزَنُوْنَۚ٦٨
Yā ‘ibādi lā khaufun ‘alaikumul-yauma wa lā antum taḥzanūn(a).
[68] O mga lingkod Ko, walang pangamba sa inyo sa Araw na iyon ni kayo ay malulungkot.

اَلَّذِيْنَ اٰمَنُوْا بِاٰيٰتِنَا وَكَانُوْا مُسْلِمِيْنَۚ٦٩
Allażīna āmanū bi'āyātinā wa kānū muslimīn(a).
[69] [Sila ay] ang mga sumampalataya sa mga tanda Namin at sila noon ay mga Muslim [na tagapagpasakop sa kalooban ni Allāh].

اُدْخُلُوا الْجَنَّةَ اَنْتُمْ وَاَزْوَاجُكُمْ تُحْبَرُوْنَ٧٠
Udkhulul-jannata antum wa azwājukum tuḥbarūn(a).
[70] Pumasok kayo sa Paraiso habang kayo at ang mga kabiyak ninyo ay pinagagalak.

يُطَافُ عَلَيْهِمْ بِصِحَافٍ مِّنْ ذَهَبٍ وَّاَكْوَابٍ ۚوَفِيْهَا مَا تَشْتَهِيْهِ الْاَنْفُسُ وَتَلَذُّ الْاَعْيُنُ ۚوَاَنْتُمْ فِيْهَا خٰلِدُوْنَۚ٧١
Yuṭāfu ‘alaihim biṣiḥāfim min żahabiw wa akwāb(in), wa fīhā mā tasytahīhil-anfusu wa talażżul-a‘yun(u), wa antum fīhā khālidūn(a).
[71] Magpapalibot sa kanila ng mga platong yari sa ginto at mga baso. Naroon ang ninanasa ng mga sarili at minamasarap ng mga mata habang kayo roon ay mga mananatili.

وَتِلْكَ الْجَنَّةُ الَّتِيْٓ اُوْرِثْتُمُوْهَا بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُوْنَ٧٢
Wa tilkal-jannatul-latī ūriṡtumūhā bimā kuntum ta‘malūn(a).
[72] Iyon ay ang Hardin na ipinamana sa inyo dahil sa dati ninyong ginagawa [na kabutihan].

لَكُمْ فِيْهَا فَاكِهَةٌ كَثِيْرَةٌ مِّنْهَا تَأْكُلُوْنَ٧٣
Lakum fīhā fākihatun kaṡīratum minhā ta'kulūn(a).
[73] Para sa inyo roon ay bungang-kahoy na marami at mula sa mga ito ay kakain kayo.

اِنَّ الْمُجْرِمِيْنَ فِيْ عَذَابِ جَهَنَّمَ خٰلِدُوْنَۖ٧٤
Innal-mujrimīna fī ‘ażābi jahannama khālidūn(a).
[74] Tunay na ang mga salarin sa pagdurusa sa Impiyerno ay mga mananatili.

لَا يُفَتَّرُ عَنْهُمْ وَهُمْ فِيْهِ مُبْلِسُوْنَ ۚ٧٥
Lā yufattaru ‘anhum wa hum fīhi mublisūn(a).
[75] Hindi patatamlayin ito para sa kanila, habang sila roon ay mga nalulumbay.

وَمَا ظَلَمْنٰهُمْ وَلٰكِنْ كَانُوْا هُمُ الظّٰلِمِيْنَ٧٦
Wa mā ẓalamnāhum wa lākin kānū humuẓ-ẓālimīn(a).
[76] Hindi Kami lumabag sa katarungan sa kanila subalit sila dati ay ang mga tagalabag sa katarungan.

وَنَادَوْا يٰمٰلِكُ لِيَقْضِ عَلَيْنَا رَبُّكَۗ قَالَ اِنَّكُمْ مّٰكِثُوْنَ٧٧
Wa nādau yā māliku liyaqḍi ‘alainā rabbuk(a), qāla innakum mākiṡūn(a).
[77] Mananawagan sila: “O Mālik,552 magpawakas sa amin ang Panginoon mo.” Magsasabi siya: “Tunay na kayo ay mga mamamalagi.”
[552] Ang Tanod ng Impiyerno

لَقَدْ جِئْنٰكُمْ بِالْحَقِّ وَلٰكِنَّ اَكْثَرَكُمْ لِلْحَقِّ كٰرِهُوْنَ٧٨
Laqad ji'nākum bil-ḥaqqi wa lākinna akṡarakum lil-ḥaqqi kārihūn(a).
[78] Talaga ngang naghatid Kami sa inyo ng katotohanan subalit ang higit na marami sa inyo sa katotohanan ay mga nasusuklam.

اَمْ اَبْرَمُوْٓا اَمْرًا فَاِنَّا مُبْرِمُوْنَۚ٧٩
Am abramū amran fa innā mubrimūn(a).
[79] O nagpatibay sila ng isang usapin saka tunay na Kami ay tagapagpatibay?

اَمْ يَحْسَبُوْنَ اَنَّا لَا نَسْمَعُ سِرَّهُمْ وَنَجْوٰىهُمْ ۗ بَلٰى وَرُسُلُنَا لَدَيْهِمْ يَكْتُبُوْنَ٨٠
Am yaḥsabūna annā lā nasma‘u sirrahum wa najwāhum, balā wa rusulunā ladaihim yaktubūn(a).
[80] O nag-aakala sila na tunay na Kami ay hindi nakaririnig ng lihim nila at pagsasarilinan nila? Bagkus [nakaririnig], at ang mga sugo Namin sa piling nila ay nagtatala.

قُلْ اِنْ كَانَ لِلرَّحْمٰنِ وَلَدٌ ۖفَاَنَا۠ اَوَّلُ الْعٰبِدِيْنَ٨١
Qul in kāna lir-raḥmāni walad(un), fa ana awwalul-‘ābidīn(a).
[81] Sabihin mo: “Kung nagkaroon ang Napakamaawain ng isang anak, ako ay ang una sa mga tagasamba.”

سُبْحٰنَ رَبِّ السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِ رَبِّ الْعَرْشِ عَمَّا يَصِفُوْنَ٨٢
Subḥāna rabbis-samāwāti wal-arḍi rabbil-‘arsyi ‘ammā yaṣifūn(a).
[82] Kaluwalhatian sa Panginoon ng mga langit at lupa, Panginoon ng Trono, higit sa anumang inilalarawan nila.553
[553] pag-uugnay sa Kanya ng katambal, asawa, at anak

فَذَرْهُمْ يَخُوْضُوْا وَيَلْعَبُوْا حَتّٰى يُلٰقُوْا يَوْمَهُمُ الَّذِيْ يُوْعَدُوْنَ٨٣
Fa żarhum yakhūḍū wa yal‘abū ḥattā yulāqū yaumahumul-lażī yū‘adūn(a).
[83] Kaya hayaan mo silang sumuong [sa kabulaanan] at maglaro hanggang sa makipagkita sila sa araw nilang ipinangangako sa kanila.

وَهُوَ الَّذِيْ فِى السَّمَاۤءِ اِلٰهٌ وَّ فِى الْاَرْضِ اِلٰهٌ ۗوَهُوَ الْحَكِيْمُ الْعَلِيْمُ٨٤
Wa huwal-lażī fis-samā'i ilāhuw wa fil-arḍi ilāh(un), wa huwal-ḥakīmul-‘alīm(u).
[84] Siya ang sa langit ay Diyos at sa lupa ay Diyos. Siya ay ang Marunong, ang Maalam.

وَتَبٰرَكَ الَّذِيْ لَهٗ مُلْكُ السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا ۚوَعِنْدَهٗ عِلْمُ السَّاعَةِۚ وَاِلَيْهِ تُرْجَعُوْنَ٨٥
Wa tabārakal-lażī lahū mulkus-samāwāti wal-arḍi wa mā bainahumā, wa ‘indahū ‘ilmus-sā‘ah(ti), wa ilaihi turja‘ūn(a).
[85] Napakamapagpala ang sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito. Nasa Kanya ang kaalaman sa Huling Sandali at tungo sa Kanya pababalikin kayo [para tuusin].

وَلَا يَمْلِكُ الَّذِيْنَ يَدْعُوْنَ مِنْ دُوْنِهِ الشَّفَاعَةَ اِلَّا مَنْ شَهِدَ بِالْحَقِّ وَهُمْ يَعْلَمُوْنَ٨٦
Wa lā yamlikul-lażīna yad‘ūna min dūnihisy-syafā‘ata illā man syahida bil-ḥaqqi wa hum ya‘lamūn(a).
[86] Hindi nakapagdudulot ang mga dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya ng pamamagitan maliban sa mga sumaksi sa katotohanan habang sila ay nakaaalam [sa sinaksihan nila].

وَلَىِٕنْ سَاَلْتَهُمْ مَّنْ خَلَقَهُمْ لَيَقُوْلُنَّ اللّٰهُ فَاَنّٰى يُؤْفَكُوْنَۙ٨٧
Wa la'in sa'altahum man khalaqahum layaqūlunnallāhu fa annā yu'fakūn(a).
[87] Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha sa kanila ay talagang magsasabi nga silang si Allāh. Kaya paanong nalilinlang sila?

وَقِيْلِهٖ يٰرَبِّ اِنَّ هٰٓؤُلَاۤءِ قَوْمٌ لَّا يُؤْمِنُوْنَۘ٨٨
Wa qīlihī yā rabbi inna hā'ulā'i qaumul lā yu'minūn(a).
[88] [Nakaaalam si Allāh] sa sabi niya: “O Panginoon ko, tunay na ang mga ito ay mga taong hindi sumasampalataya.”

فَاصْفَحْ عَنْهُمْ وَقُلْ سَلٰمٌۗ فَسَوْفَ يَعْلَمُوْنَ ࣖ٨٩
Faṣfaḥ ‘anhum wa qul salām(un), fa saufa ya‘lamūn(a).
[89] Kaya umiwas ka sa kanila at magsabi ka: “Kapayapaan!” sapagkat malalaman nila [ang daranasing parusa].