Surah Al-Mu’min
بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
حٰمۤ ۚ١
Ḥā mīm.
[1]
Ḥā. Mīm. 510
[510] Ang Qur’ān ay nasa wikang Arabe na binubuo ng mga titiks Arabe gaya ng mga ito subalit walang isa mang nakagawa ng kahit pinkamaiikling kabanata ng mahimalang kababalaghan ng Qur’ān.
تَنْزِيْلُ الْكِتٰبِ مِنَ اللّٰهِ الْعَزِيْزِ الْعَلِيْمِۙ٢
Tanzīlul-kitābi minallāhil-‘azīzil-‘alīm(i).
[2]
Ang pagbababa ng Aklat [na Qur’ān] ay mula kay Allāh, ang Makapangyarihan, ang Maalam,
غَافِرِ الذَّنْۢبِ وَقَابِلِ التَّوْبِ شَدِيْدِ الْعِقَابِ ذِى الطَّوْلِۗ لَآ اِلٰهَ اِلَّا هُوَ ۗاِلَيْهِ الْمَصِيْرُ٣
Gāfiriż-żambi wa qābilit-taubi syadīdil-‘iqābi żiṭ-ṭaul(i), lā ilāha illā huw(a), ilaihil-maṣīr(u).
[3]
ang Tagapagpatawad ng pagkakasala, ang Tagatanggap ng pagbabalik-loob, ang Matindi ang parusa, ang May-kaya. Walang Diyos kundi Siya; sa Kanya ang kahahantungan.
مَا يُجَادِلُ فِيْٓ اٰيٰتِ اللّٰهِ اِلَّا الَّذِيْنَ كَفَرُوْا فَلَا يَغْرُرْكَ تَقَلُّبُهُمْ فِى الْبِلَادِ٤
Mā yujādilu fī āyātillāhi illal-lażīna kafarū falā yagrurka taqallubuhum fil-bilād(i).
[4]
Walang nakikipagtalo hinggil sa mga talata ni Allāh [sa Qur’ān] kundi ang mga tumangging sumampalataya, kaya huwag luminlang sa iyo ang [malayang] paggala-gala nila sa bayan.
كَذَّبَتْ قَبْلَهُمْ قَوْمُ نُوْحٍ وَّالْاَحْزَابُ مِنْۢ بَعْدِهِمْ ۖوَهَمَّتْ كُلُّ اُمَّةٍۢ بِرَسُوْلِهِمْ لِيَأْخُذُوْهُ وَجَادَلُوْا بِالْبَاطِلِ لِيُدْحِضُوْا بِهِ الْحَقَّ فَاَخَذْتُهُمْ ۗفَكَيْفَ كَانَ عِقَابِ٥
Każżabat qablahum qaumu nūḥiw wal-aḥzābu mim ba‘dihim, wa hammat kullu ummatim birasūlihim liya'khużūhu wa jādalū bil-bāṭili liyudḥiḍū bihil-ḥaqqa fa'akhażtuhum, fa kaifa kāna ‘iqāb(i).
[5]
Nagpasinungaling bago nila ang mga kababayan ni Noe [sa propeta nila] at ang mga [tumatangging sumampalatayang] lapian matapos na nila. Nagbalak ang bawat kalipunan sa sugo nila upang dumaklot sa kanya. Nakipagtalo sila sa pamamagitan ng kabulaanan upang magpamali sa pamamagitan nito sa katotohanan. Kaya dumaklot Ako, [si Allāh,] sa kanila kaya papaano naging ang parusa Ko?
وَكَذٰلِكَ حَقَّتْ كَلِمَتُ رَبِّكَ عَلَى الَّذِيْنَ كَفَرُوْٓا اَنَّهُمْ اَصْحٰبُ النَّارِۘ٦
Wa każālika ḥaqqat kalimatu rabbika ‘alal-lażīna kafarū annahum aṣḥābun-nār(i).
[6]
Gayon nagindapat ang salita ng Panginoon mo sa mga tumangging sumampalataya, na sila ay mga maninirahan sa Apoy.
اَلَّذِيْنَ يَحْمِلُوْنَ الْعَرْشَ وَمَنْ حَوْلَهٗ يُسَبِّحُوْنَ بِحَمْدِ رَبِّهِمْ وَيُؤْمِنُوْنَ بِهٖ وَيَسْتَغْفِرُوْنَ لِلَّذِيْنَ اٰمَنُوْاۚ رَبَّنَا وَسِعْتَ كُلَّ شَيْءٍ رَّحْمَةً وَّعِلْمًا فَاغْفِرْ لِلَّذِيْنَ تَابُوْا وَاتَّبَعُوْا سَبِيْلَكَ وَقِهِمْ عَذَابَ الْجَحِيْمِ٧
Allażīna yaḥmilūnal-‘arsya wa man ḥaulahū yusabbiḥūna biḥamdi rabbihim wa yu'minūna bihī wa yastagfirūna lil-lażīna āmanū, rabbanā wasi‘ta kulla syai'ir raḥmataw wa ‘ilman fagfir lil-lażīna tābū wattaba‘ū sabīlaka wa qihim ‘ażābal-jaḥīm(i).
[7]
Ang mga [anghel] na nagpapasan ng Trono at ang mga nasa paligid nito ay nagluluwalhati kalakip ng pagpupuri sa Panginoon nila, sumasampalataya sa Kanya, at humihingi ng tawad para sa mga sumampalataya, [na nagsasabi]: “Panginoon namin, sumaklaw Ka sa bawat bagay sa awa at kaalaman, kaya magpatawad Ka sa mga nagbalik-loob at sumunod sa landas Mo, at magsanggalang Ka sa kanila sa pagdurusa sa Impiyerno.
رَبَّنَا وَاَدْخِلْهُمْ جَنّٰتِ عَدْنِ ِۨالَّتِيْ وَعَدْتَّهُمْ وَمَنْ صَلَحَ مِنْ اٰبَاۤىِٕهِمْ وَاَزْوَاجِهِمْ وَذُرِّيّٰتِهِمْ ۗاِنَّكَ اَنْتَ الْعَزِيْزُ الْحَكِيْمُۙ٨
Rabbanā wa adkhilhum jannāti ‘adninil-latī wa‘attahum wa man ṣalaḥa min ābā'ihim wa azwājihim wa żurriyyātihim, innaka antal ‘azīzul-ḥakīm(u).
[8]
Panginoon namin, at magpapasok Ka sa kanila sa mga Hardin ng Eden na ipinangako Mo sa kanila at sa sinumang umayos kabilang sa mga magulang nila, mga asawa nila, at mga supling nila. Tunay na Ikaw ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.
وَقِهِمُ السَّيِّاٰتِۗ وَمَنْ تَقِ السَّيِّاٰتِ يَوْمَىِٕذٍ فَقَدْ رَحِمْتَهٗ ۗوَذٰلِكَ هُوَ الْفَوْزُ الْعَظِيْمُ ࣖ٩
Wa qihimus-sayyi'āt(i), wa man taqis-sayyi'āti yauma'iżin faqad raḥimtah(ū), wa żālika huwal-fauzul-‘aẓīm(u).
[9]
Magsanggalang Ka sa kanila sa mga masagwang gawa. Ang sinumang isasanggalang Mo sa mga masagwang gawa sa Araw na iyon ay naawa Ka nga sa kanya. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan.”
اِنَّ الَّذِيْنَ كَفَرُوْا يُنَادَوْنَ لَمَقْتُ اللّٰهِ اَكْبَرُ مِنْ مَّقْتِكُمْ اَنْفُسَكُمْ اِذْ تُدْعَوْنَ اِلَى الْاِيْمَانِ فَتَكْفُرُوْنَ١٠
Innal-lażīna kafarū yunādauna lamaqtullāhi akbaru mim maqtikum anfusakum iż tad‘ūna ilal-īmāni fatakfurūn(a).
[10]
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya ay tatawagin [sa Araw ng Pagbangon]: “Talagang ang pagkamuhi ni Allāh [ngayon sa inyo] ay higit na malaki kaysa sa pagkamuhi ninyo sa mga sarili ninyo noong inaanyayahan kayo sa pananampalataya ngunit tumatanggi kayong sumampalataya.”
قَالُوْا رَبَّنَآ اَمَتَّنَا اثْنَتَيْنِ وَاَحْيَيْتَنَا اثْنَتَيْنِ فَاعْتَرَفْنَا بِذُنُوْبِنَا فَهَلْ اِلٰى خُرُوْجٍ مِّنْ سَبِيْلٍ١١
Qālū rabbanā amattanaṡnataini wa aḥyaitanaṡnataini fa‘tarafnā biżunūbinā fa hal ilā khurūjim min sabīl(in).
[11]
Magsasabi sila: “Panginoon namin, nagbigay-kamatayan Ka sa amin nang dalawang ulit511 at nagbigay-buhay Ka sa amin nang dalawang ulit,512 saka umamin kami sa mga pagkakasala namin. Kaya tungo sa paglabas [sa Impiyerno] kaya ay may anumang landas?”
[511] nang nasa mga tiyan tayo ng mga ina natin bago ng pag-ihip ng espiritu at nang nagwaka ang taning natin sa buhay sa Mundo
[512] sa tahanan sa Mundo sa araw na ipinanganak tayo at sa araw na binuhay tayo mula sa mga libingan natin
ذٰلِكُمْ بِاَنَّهٗٓ اِذَا دُعِيَ اللّٰهُ وَحْدَهٗ كَفَرْتُمْۚ وَاِنْ يُّشْرَكْ بِهٖ تُؤْمِنُوْا ۗفَالْحُكْمُ لِلّٰهِ الْعَلِيِّ الْكَبِيْرِ١٢
Żālikum bi'annahū iżā du‘iyallāhu waḥdahū kafartum, wa iy yusyrak bihī tu'minū, fal-ḥukmu lillāhil-‘aliyyil-kabīr(i).
[12]
[Sasabihan sila]: “Iyon ay [pagdurusang ukol sa inyo] dahil kapag dinalanginan si Allāh nang mag-isa, tumatanggi kayong sumampalataya; at kung tinatambalan Siya,513 sumasampalataya kayo. Kaya ang paghahatol ay ukol kay Allāh, ang Mataas, ang Malaki.”
[513] Ng gaya ni Jesus Kristo, ng Espiritu Santo, ni Anghel Gabriel, ng mga anghel, mga banal, jinn, mga estatwa, at iba pa
هُوَ الَّذِيْ يُرِيْكُمْ اٰيٰتِهٖ وَيُنَزِّلُ لَكُمْ مِّنَ السَّمَاۤءِ رِزْقًا ۗوَمَا يَتَذَكَّرُ اِلَّا مَنْ يُّنِيْبُ١٣
Huwal-lażī yurīkum āyātihī wa yunazzilu lakum minas-samā'i rizqā(n), wa mā yatażakkaru illā may yunīb(u).
[13]
Siya ay ang nagpapakita sa inyo ng mga tanda Niya at nagbababa para sa inyo mula sa langit ng panustos. Walang nagsasaalaala kundi ang sinumang nagsisising bumabalik [sa Kanya].
فَادْعُوا اللّٰهَ مُخْلِصِيْنَ لَهُ الدِّيْنَ وَلَوْ كَرِهَ الْكٰفِرُوْنَ١٤
Fad‘ullāha mukhliṣīna lahud-dīna wa lau karihal-kāfirūn(a).
[14]
Kaya dumalangin kayo kay Allāh habang mga nagpapakawagas sa Kanya sa relihiyon kahit pa man nasuklam ang mga tagatangging sumampalataya.
رَفِيْعُ الدَّرَجٰتِ ذُو الْعَرْشِۚ يُلْقِى الرُّوْحَ مِنْ اَمْرِهٖ عَلٰى مَنْ يَّشَاۤءُ مِنْ عِبَادِهٖ لِيُنْذِرَ يَوْمَ التَّلَاقِۙ١٥
Rafī‘ud-darajāti żul-‘arsy(i), yulqir-rūḥa min amrihī ‘alā may yasyā'u min ‘ibādihī liyunżira yaumat-talāq(i).
[15]
[Si Allāh] ang Angat sa mga antas, ang May Trono, nagtatalaga Siya ng pagsisiwalat mula sa utos Niya sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya upang magbabala [ang sugo] ng Araw ng pakikipagkita [ng mga una at mga huli].
يَوْمَ هُمْ بٰرِزُوْنَ ۚ لَا يَخْفٰى عَلَى اللّٰهِ مِنْهُمْ شَيْءٌ ۗلِمَنِ الْمُلْكُ الْيَوْمَ ۗ لِلّٰهِ الْوَاحِدِ الْقَهَّارِ١٦
Yauma hum bārizūn(a), lā yakhfā ‘alallāhi minhum syai'(un), limanil-mulkul-yaum(a), lillāhil-wāḥidil-qahhār(i).
[16]
Sa Araw na sila ay mga lilitaw, walang nakakukubli kay Allāh mula sa kanila na anuman. Sa kanino ang paghahari sa Araw na ito? Sa kay Allāh, ang Nag-iisa, ang Palalupig.
اَلْيَوْمَ تُجْزٰى كُلُّ نَفْسٍۢ بِمَا كَسَبَتْ ۗ لَا ظُلْمَ الْيَوْمَ ۗاِنَّ اللّٰهَ سَرِيْعُ الْحِسَابِ١٧
Al-yauma tujzā kullu nafsim bimā kasabat, lā ẓulmal-yaum(a), innallāha sarī‘ul-ḥisāb(i).
[17]
Sa Araw na ito, gagantihan ang bawat kaluluwa ayon sa nakamit nito. Walang [gagawing] kawalang-katarungan sa Araw na ito. Tunay na si Allāh ay Mabilis ang pagtutuos.
وَاَنْذِرْهُمْ يَوْمَ الْاٰزِفَةِ اِذِ الْقُلُوْبُ لَدَى الْحَنَاجِرِ كٰظِمِيْنَ ەۗ مَا لِلظّٰلِمِيْنَ مِنْ حَمِيْمٍ وَّلَا شَفِيْعٍ يُّطَاعُۗ١٨
Wa anżirhum yaumal-āzifati iżil-qulūbu ladal-ḥanājiri kāẓimīn(a), mā liẓ-ẓālimīna min ḥamīmiw wa lā syafī‘iy yuṭā‘(u).
[18]
Magbabala ka sa kanila ng Araw ng Papalapit kapag ang mga puso ay nasa tabi ng mga lalamunan habang mga nagpipigil. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan514 na anumang matalik na kaibigan ni tagapagpamagitang tatalimain.
[514] na nagtambal kay Allāh ng iba pa sa Kanya at namatay sa gayon nang walang pagsisisi
يَعْلَمُ خَاۤىِٕنَةَ الْاَعْيُنِ وَمَا تُخْفِى الصُّدُوْرُ١٩
Ya‘lamu khā'inatal-a‘yuni wa mā tukhfiṣ-ṣudūr(u).
[19]
Nakaaalam Siya sa taksil sa mga mata at anumang ikinukubli ng mga dibdib.
وَاللّٰهُ يَقْضِيْ بِالْحَقِّ ۗوَالَّذِيْنَ يَدْعُوْنَ مِنْ دُوْنِهٖ لَا يَقْضُوْنَ بِشَيْءٍ ۗاِنَّ اللّٰهَ هُوَ السَّمِيْعُ الْبَصِيْرُ ࣖ٢٠
Wallāhu yaqḍī bil-ḥaqq(i), wal-lażīna yad‘ūna min dūnihī lā yaqḍūna bisyai'(in), innallāha huwas-samī‘ul-baṣīr(u).
[20]
Si Allāh ay humuhusga ayon sa katotohanan samantalang ang mga dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya ay hindi humuhusga ayon sa anuman. Tunay na si Allāh ay ang Madinigin, ang Nakakikita.
۞ اَوَلَمْ يَسِيْرُوْا فِى الْاَرْضِ فَيَنْظُرُوْا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الَّذِيْنَ كَانُوْا مِنْ قَبْلِهِمْ ۗ كَانُوْا هُمْ اَشَدَّ مِنْهُمْ قُوَّةً وَّاٰثَارًا فِى الْاَرْضِ فَاَخَذَهُمُ اللّٰهُ بِذُنُوْبِهِمْ ۗوَمَا كَانَ لَهُمْ مِّنَ اللّٰهِ مِنْ وَّاقٍ٢١
Awalam yasīrū fil-arḍi fayanẓurū kaifa kāna ‘āqibatul-lażīna kānū min qablihim, kānū hum asyaddu minhum quwwataw wa āṡāran fil-arḍi fa'akhażahumullāhu biżunūbihim, wa mā kāna lahum minallāhi miw wāq(in).
[21]
Hindi ba sila humayo sa lupain para tumingin sila kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga iyon dati bago pa nila? Dati ang mga iyon ay higit na matindi kaysa sa kanila sa lakas at mga bakas sa lupain, ngunit dumaklot sa kanila si Allāh dahil sa mga pagkakasala nila. Hindi nagkaroon sa kanila laban kay Allāh ng anumang tagasangga.
ذٰلِكَ بِاَنَّهُمْ كَانَتْ تَّأْتِيْهِمْ رُسُلُهُمْ بِالْبَيِّنٰتِ فَكَفَرُوْا فَاَخَذَهُمُ اللّٰهُ ۗاِنَّهٗ قَوِيٌّ شَدِيْدُ الْعِقَابِ٢٢
Żālika bi'annahum kānat ta'tīhim rusuluhum bil-bayyināti fakafarū fa'akhażahumullāh(u), innahū qawiyyun syadīdul-‘iqāb(i).
[22]
Iyon ay [nasadlak sa kanila] dahil sila dati ay dinadalhan ng mga sugo nila [mula kay Allāh] ng mga malinaw na patunay ngunit tumanggi silang sumampalataya [sa mga ito] kaya dumaklot sa kanila si Allāh. Tunay na Siya ay Malakas, Matindi ang pagpaparusa.
وَلَقَدْ اَرْسَلْنَا مُوْسٰى بِاٰيٰتِنَا وَسُلْطٰنٍ مُّبِيْنٍۙ٢٣
Wa laqad arsalnā mūsā bi'āyātinā wa sulṭānim mubīn(in).
[23]
Talaga ngang nagsugo Kami kay Moises kalakip ng mga tanda Namin at isang katunayang malinaw
اِلٰى فِرْعَوْنَ وَهَامٰنَ وَقَارُوْنَ فَقَالُوْا سٰحِرٌ كَذَّابٌ٢٤
Ilā fir‘auna wa hāmāna wa qārūna faqālū sāḥirun każżāb(un).
[24]
kina Paraon, Hāmān, at Qārūn, ngunit nagsabi sila: “Isang manggaway na palasinungaling [siya]!”
فَلَمَّا جَاۤءَهُمْ بِالْحَقِّ مِنْ عِنْدِنَا قَالُوا اقْتُلُوْٓا اَبْنَاۤءَ الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا مَعَهٗ وَاسْتَحْيُوْا نِسَاۤءَهُمْ ۗوَمَا كَيْدُ الْكٰفِرِيْنَ اِلَّا فِيْ ضَلٰلٍ٢٥
Falammā jā'ahum bil-ḥaqqi min ‘indinā qāluqtulū abnā'al-lażīna āmanū ma‘ahū wastaḥyū nisā'ahum, wa mā kaidul-kāfirīna illā fī ḍalāl(in).
[25]
Kaya noong naghatid si Moises na sa kanila ng katotohanan mula sa ganang Amin ay nagsabi sila: “Patayin ninyo ang mga lalaking anak ng mga sumampalataya kasama sa kanya at pamuhayin ninyo ang mga babae nila [para maglingkod].” Walang iba ang panlalansi ng mga tagatangging sumampalataya kundi nasa isang pagkaligaw.
وَقَالَ فِرْعَوْنُ ذَرُوْنِيْٓ اَقْتُلْ مُوْسٰى وَلْيَدْعُ رَبَّهٗ ۚاِنِّيْٓ اَخَافُ اَنْ يُّبَدِّلَ دِيْنَكُمْ اَوْ اَنْ يُّظْهِرَ فِى الْاَرْضِ الْفَسَادَ٢٦
Wa qāla fir‘aunu żarūnī aqtul mūsā walyad‘u rabbah(ū), innī akhāfu ay yubaddila dīnakum au ay yuẓhira fil-arḍil-fasād(a).
[26]
Nagsabi si Paraon: “Hayaan ninyo ako, papatayin ko si Moises at dumalangin siya sa Panginoon niya. Tunay na ako ay nangangamba na magpalit siya sa relihiyon ninyo o na magpangibabaw siya sa lupain ng kaguluhan.”
وَقَالَ مُوْسٰىٓ اِنِّيْ عُذْتُ بِرَبِّيْ وَرَبِّكُمْ مِّنْ كُلِّ مُتَكَبِّرٍ لَّا يُؤْمِنُ بِيَوْمِ الْحِسَابِ ࣖ٢٧
Wa qāla mūsā innī ‘użtu birabbī wa rabbikum min kulli mutakabbiril lā yu'minu biyaumil-ḥisāb(i).
[27]
Nagsabi si Moises: “Tunay na ako ay nagpakupkop sa Panginoon ko at Panginoon ninyo laban sa bawat nagpapakamalaking hindi sumasampalataya sa Araw ng Pagtutuos.”
وَقَالَ رَجُلٌ مُّؤْمِنٌۖ مِّنْ اٰلِ فِرْعَوْنَ يَكْتُمُ اِيْمَانَهٗٓ اَتَقْتُلُوْنَ رَجُلًا اَنْ يَّقُوْلَ رَبِّيَ اللّٰهُ وَقَدْ جَاۤءَكُمْ بِالْبَيِّنٰتِ مِنْ رَّبِّكُمْ ۗوَاِنْ يَّكُ كَاذِبًا فَعَلَيْهِ كَذِبُهٗ ۚوَاِنْ يَّكُ صَادِقًا يُّصِبْكُمْ بَعْضُ الَّذِيْ يَعِدُكُمْ ۗاِنَّ اللّٰهَ لَا يَهْدِيْ مَنْ هُوَ مُسْرِفٌ كَذَّابٌ٢٨
Wa qāla rajulum mu'min(um), min āli fir‘auna yaktumu īmānahū ataqtulūna rajulan ay yaqūla rabbiyallāhu wa qad jā'akum bil-bayyināti mir rabbikum, wa iy yaku kāżiban fa ‘alaihi każibuh(ū), wa iy yaku ṣādiqay yuṣibkum ba‘ḍul-lażī ya‘idukum, innallāha lā yahdī man huwa musrifun każżāb(un).
[28]
May nagsabing isang lalaking mananampalataya515 kabilang sa mag-anak ni Paraon, na nagtatago ng pananampalataya niya: “Papatay ba kayo ng isang lalaki516 dahil nagsasabi siya: ‘Ang Panginoon ko ay si Allāh,’ samantalang naghatid nga siya sa inyo ng mga malinaw na patunay mula sa Panginoon ninyo? Kung siya ay naging isang sinungaling, laban sa kanya ang kasinungalingan niya. Kung siya ay naging isang tapat, tatama sa inyo ang ilan sa ipinangangako niya sa inyo. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa sinumang siya ay nagpapakalabis na palasinungaling.
[515] Si Ḥizqīl na pinsan ni Paraon at tagaingat-yaman
[516] Si Moises ang tiutukoy dito.
يٰقَوْمِ لَكُمُ الْمُلْكُ الْيَوْمَ ظٰهِرِيْنَ فِى الْاَرْضِۖ فَمَنْ يَّنْصُرُنَا مِنْۢ بَأْسِ اللّٰهِ اِنْ جَاۤءَنَا ۗقَالَ فِرْعَوْنُ مَآ اُرِيْكُمْ اِلَّا مَآ اَرٰى وَمَآ اَهْدِيْكُمْ اِلَّا سَبِيْلَ الرَّشَادِ٢٩
Yā qaumi lakumul-mulkul-yauma ẓāhirīna fil-arḍ(i), famay yanṣurunā mim ba'sillāhi in jā'anā, qāla fir‘aunu mā urīkum illā mā arā wa mā ahdīkum illā sabīlar-rasyād(i).
[29]
O mga kalipi ko, sa inyo ang paghahari ngayong araw habang mga tagapangibabaw sa lupain [ng Ehipto], ngunit sino ang mag-aadya sa atin laban sa parusa ni Allāh kung dumating ito sa atin?” Nagsabi si Paraon: “Wala akong ipinakikita sa inyo kundi ang nakikita ko at wala akong ipinapatnubay sa inyo kundi ang landas ng kagabayan.”
وَقَالَ الَّذِيْٓ اٰمَنَ يٰقَوْمِ اِنِّيْٓ اَخَافُ عَلَيْكُمْ مِّثْلَ يَوْمِ الْاَحْزَابِۙ٣٠
Wa qālal-lażī āmana yā qaumi innī akhāfu ‘alaikum miṡla yaumil-aḥzāb(i).
[30]
Nagsabi ang sumampalataya: “O mga kalipi ko, tunay na ako ay nangangamba para sa inyo ng tulad ng araw ng mga [tumangging sumampalatayang] lapian [noon],
مِثْلَ دَأْبِ قَوْمِ نُوْحٍ وَّعَادٍ وَّثَمُوْدَ وَالَّذِيْنَ مِنْۢ بَعْدِهِمْ ۗوَمَا اللّٰهُ يُرِيْدُ ظُلْمًا لِّلْعِبَادِ٣١
Miṡla da'bi qaumi nūḥiw wa ‘ādiw wa ṡamūda wal-lażīna mim ba‘dihim, wa mallāhu yurīdu ẓulmal lil-‘ibād(i).
[31]
tulad ng kinagawian ng mga kababayan ni Noe, ng [liping] `Ād, ng [liping] Thamūd, at ng mga matapos na sa kanila. Hindi si Allāh nagnanais ng isang kawalang-katarungan para sa mga lingkod [Niya].
وَيٰقَوْمِ اِنِّيْٓ اَخَافُ عَلَيْكُمْ يَوْمَ التَّنَادِۙ٣٢
Wa yā qaumi innī akhāfu ‘alaikum yaumat-tanād(i).
[32]
O mga kababayan ko, tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa Araw ng Pagtatawagan,
يَوْمَ تُوَلُّوْنَ مُدْبِرِيْنَۚ مَا لَكُمْ مِّنَ اللّٰهِ مِنْ عَاصِمٍۚ وَمَنْ يُّضْلِلِ اللّٰهُ فَمَا لَهٗ مِنْ هَادٍ٣٣
Yauma tuwallūna mudbirīn(a), mā lakum minallāhi min ‘āṣim(in), wa may yuḍlilillāhu famā lahū min hād(in).
[33]
sa Araw na tatalikod kayo habang mga tumatakas. Walang ukol sa inyo laban kay Allāh [sa parusa Niya] na anumang tagapagsanggalang. Ang sinumang ililigaw ni Allāh [dahil sa kapalaluan at pagpupumilit sa kasalanan] ay walang ukol dito na anumang tagapagpatnubay.
وَلَقَدْ جَاۤءَكُمْ يُوْسُفُ مِنْ قَبْلُ بِالْبَيِّنٰتِ فَمَا زِلْتُمْ فِيْ شَكٍّ مِّمَّا جَاۤءَكُمْ بِهٖ ۗحَتّٰىٓ اِذَا هَلَكَ قُلْتُمْ لَنْ يَّبْعَثَ اللّٰهُ مِنْۢ بَعْدِهٖ رَسُوْلًا ۗ كَذٰلِكَ يُضِلُّ اللّٰهُ مَنْ هُوَ مُسْرِفٌ مُّرْتَابٌۙ٣٤
Wa laqad jā'akum yūsufu min qablu bil-bayyināti famā ziltum fī syakkim mimmā jā'akum bih(ī), ḥattā iżā halaka qultum lay yab‘aṡallāhu mim ba‘dihī rasūlā(n), każālika yuḍillullāhu man huwa musrifum murtāb(un).
[34]
Talaga ngang naghatid sa inyo si Jose bago pa niyan ng mga malinaw na patunay, ngunit hindi kayo natigil sa isang pagdududa hinggil sa inihatid niya sa inyo; hanggang sa nang namatay siya ay nagsabi kayo: “Hindi magpapadala si Allāh nang matapos niya ng isang sugo.” Gayon nagliligaw si Allāh sa sinumang siya ay nagpapakalabis na nag-aalinlangan.
ۨالَّذِيْنَ يُجَادِلُوْنَ فِيْٓ اٰيٰتِ اللّٰهِ بِغَيْرِ سُلْطٰنٍ اَتٰىهُمْۗ كَبُرَ مَقْتًا عِنْدَ اللّٰهِ وَعِنْدَ الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا ۗ كَذٰلِكَ يَطْبَعُ اللّٰهُ عَلٰى كُلِّ قَلْبِ مُتَكَبِّرٍ جَبَّارٍ٣٥
Allażīna yujādilūna fī āyātillāhi bigairi sulṭānin atāhum, kabura maqtan ‘indallāhi wa ‘indal-lażīna āmanū, każālika yaṭba‘ullāhu ‘alā kulli qalbi mutakabbirin jabbār(in).
[35]
Ang mga nakikipagtalo hinggil sa mga tanda ni Allāh nang walang katunayang pumunta sa kanila ay malaki sa pagkamuhi sa ganang kay Allāh at sa ganang mga sumampalataya. Gayon nagpipinid si Allāh sa bawat pusong nagpapakamalaking palasupil.
وَقَالَ فِرْعَوْنُ يٰهَامٰنُ ابْنِ لِيْ صَرْحًا لَّعَلِّيْٓ اَبْلُغُ الْاَسْبَابَۙ٣٦
Wa qāla fir‘aunu yā hāmānubni lī ṣarḥal la‘allī ablugul-asbāb(a).
[36]
Nagsabi si Paraon: “O Hāmān, magpatayo ka para sa akin ng isang tore nang sa gayon ako ay aabot sa mga daanan:
اَسْبَابَ السَّمٰوٰتِ فَاَطَّلِعَ اِلٰٓى اِلٰهِ مُوْسٰى وَاِنِّيْ لَاَظُنُّهٗ كَاذِبًا ۗوَكَذٰلِكَ زُيِّنَ لِفِرْعَوْنَ سُوْۤءُ عَمَلِهٖ وَصُدَّ عَنِ السَّبِيْلِ ۗوَمَا كَيْدُ فِرْعَوْنَ اِلَّا فِيْ تَبَابٍ ࣖ٣٧
Asbābas-samāwāti fa aṭṭali‘a ilā ilāhi mūsā wa innī la'aẓunnuhū kāżibā(n), wa każālika zuyyina lifir‘auna sū'u ‘amalihī wa ṣudda ‘anis-sabīl(i), wa mā kaidu fir‘auna illā fī tabāb(in).
[37]
mga daanan tungo sa mga langit para makatingin ako sa Diyos ni Moises. Tunay na ako ay talagang nagpapalagay na siya ay isang sinungaling.” Gayon ipinang-akit para kay Paraon ang kasagwaan ng gawain niya at hinadlangan siya sa landas. Walang [kahahantungan] ang panlalansi ni Paraon kundi sa isang pagkawasak.
وَقَالَ الَّذِيْٓ اٰمَنَ يٰقَوْمِ اتَّبِعُوْنِ اَهْدِكُمْ سَبِيْلَ الرَّشَادِۚ٣٨
Wa qālal-lażī āmana yā qaumittabi‘ūni ahdikum sabīlar-rasyād(i).
[38]
Nagsabi ang sumampalataya: “O mga kababayan ko, sumunod kayo sa akin, magpapatnubay ako sa inyo sa landas ng kagabayan.
يٰقَوْمِ اِنَّمَا هٰذِهِ الْحَيٰوةُ الدُّنْيَا مَتَاعٌ ۖوَّاِنَّ الْاٰخِرَةَ هِيَ دَارُ الْقَرَارِ٣٩
Yā qaumi innamā hāżihil-ḥayātud-dun-yā matā‘(un), wa innal-ākhirata hiya dārul-qarār(i).
[39]
O mga kalipi ko, ang buhay na ito sa Mundo ay isang natatamasa lamang at tunay na ang Kabilang-buhay ay ang tahanan ng pamamalagian.
مَنْ عَمِلَ سَيِّئَةً فَلَا يُجْزٰىٓ اِلَّا مِثْلَهَاۚ وَمَنْ عَمِلَ صَالِحًا مِّنْ ذَكَرٍ اَوْ اُنْثٰى وَهُوَ مُؤْمِنٌ فَاُولٰۤىِٕكَ يَدْخُلُوْنَ الْجَنَّةَ يُرْزَقُوْنَ فِيْهَا بِغَيْرِ حِسَابٍ٤٠
Man ‘amila sayyi'atan falā yujzā illā miṡlahā, wa man ‘amila ṣāliḥam min żakarin au unṡā wa huwa mu'minun fa'ulā'ika yadkhulūnal-jannata yurzaqūna fīhā bigairi ḥisāb(in).
[40]
Ang sinumang gumawa ng isang masagwang gawa ay hindi gagantihan maliban ng tulad nito.517 Ang sinumang gumawa ng isang maayos, na lalaki man o babae habang siya ay isang mananampalataya, ang mga iyon ay papasok sa Hardin, na tutustusan doon nang walang pagtutuos.
[517] na pagdurusa sa kasalukuyang buhay at darating na buhay
۞ وَيٰقَوْمِ مَا لِيْٓ اَدْعُوْكُمْ اِلَى النَّجٰوةِ وَتَدْعُوْنَنِيْٓ اِلَى النَّارِۗ٤١
Wa yā qaumi mā lī ad‘ūkum ilan-najāti wa tad‘ūnanī ilan-nār(i).
[41]
O mga kababayan ko, ano ang mayroon ako na nag-aanyaya ako sa inyo tungo sa kaligtasan samantalang nag-aanyaya kayo sa akin tungo sa Apoy?
تَدْعُوْنَنِيْ لِاَكْفُرَ بِاللّٰهِ وَاُشْرِكَ بِهٖ مَا لَيْسَ لِيْ بِهٖ عِلْمٌ وَّاَنَا۠ اَدْعُوْكُمْ اِلَى الْعَزِيْزِ الْغَفَّارِ٤٢
Tad‘ūnanī li'akfura billāhi wa usyrika bihī mā laisa lī bihī ‘ilmuw wa ana ad‘ūkum ilal-‘azīzil-gaffār(i).
[42]
Nag-aanyaya kayo sa akin upang tumanggi akong sumampalataya kay Allāh at magtambal ako sa Kanya ng anumang hindi ako nagkaroon ng kaalaman hinggil doon samantalang ako ay nag-aanyaya sa inyo tungo sa [pananampalataya kay Allāh], ang Makapangyarihan, ang Palapatawad.
لَا جَرَمَ اَنَّمَا تَدْعُوْنَنِيْٓ اِلَيْهِ لَيْسَ لَهٗ دَعْوَةٌ فِى الدُّنْيَا وَلَا فِى الْاٰخِرَةِ وَاَنَّ مَرَدَّنَآ اِلَى اللّٰهِ وَاَنَّ الْمُسْرِفِيْنَ هُمْ اَصْحٰبُ النَّارِ٤٣
Lā jarama annamā tad‘ūnanī ilaihi laisa lahū da‘watun fid-dun-yā wa lā fil-ākhirati wa anna maraddanā ilallāhi wa annal-musrifīna hum aṣḥābun-nār(i).
[43]
Walang pasubali na ang ipinaaanyaya ninyo sa akin [na sambahin] ay walang ukol ditong isang pag-aanyaya sa Mundo ni sa Kabilang-buhay, na ang pagsasaulian sa amin ay kay Allāh, at na ang mga nagpapakalabis ay ang mga maninirahan sa Apoy [ng Impiyerno].
فَسَتَذْكُرُوْنَ مَآ اَقُوْلُ لَكُمْۗ وَاُفَوِّضُ اَمْرِيْٓ اِلَى اللّٰهِ ۗاِنَّ اللّٰهَ بَصِيْرٌ ۢبِالْعِبَادِ٤٤
Fa satażkurūna mā aqūlu lakum, wa ufawwiḍu amrī ilallāh(i), innallāha baṣīrum bil-‘ibād(i).
[44]
Kaya makaaalaala kayo sa sinasabi ko sa inyo. Ipinagkakatiwala ko ang nauukol sa akin kay Allāh; tunay na si Allāh ay Nakakikita sa mga lingkod [Niya].”
فَوَقٰىهُ اللّٰهُ سَيِّاٰتِ مَا مَكَرُوْا وَحَاقَ بِاٰلِ فِرْعَوْنَ سُوْۤءُ الْعَذَابِۚ٤٥
Fa waqāhullāhu sayyi'āti mā makarū wa ḥāqa bi'āli fir‘auna sū'al-‘ażāb(i).
[45]
Kaya nagsanggalang sa kanya si Allāh sa [mga kahihinatnan ng] mga masagwang gawa ng ipinakana nila. Pumaligid sa mga kampon ni Paraon ang kasagwaan ng pagdurusa.
اَلنَّارُ يُعْرَضُوْنَ عَلَيْهَا غُدُوًّا وَّعَشِيًّا ۚوَيَوْمَ تَقُوْمُ السَّاعَةُ ۗ اَدْخِلُوْٓا اٰلَ فِرْعَوْنَ اَشَدَّ الْعَذَابِ٤٦
An-nāru yu‘raḍūna ‘alaihā guduwwaw wa ‘asyiyyā(n), wa yauma taqūmus-sā‘ah(tu), adkhilū āla fir‘auna asyaddal-‘ażāb(i).
[46]
Ang Apoy,518 isasalang sila roon sa umaga at gabi. Sa Araw na sasapit ang Huling Sandali [ay sasabihin]: “Magpapasok kayo sa mga kampon ni Paraon sa pinakamatindi sa pagdurusa.”
[518] ng Barzakh, ang yugto sa pagitan ng kamatayan at pagbuhay
وَاِذْ يَتَحَاۤجُّوْنَ فِى النَّارِ فَيَقُوْلُ الضُّعَفٰۤؤُا لِلَّذِيْنَ اسْتَكْبَرُوْٓا اِنَّا كُنَّا لَكُمْ تَبَعًا فَهَلْ اَنْتُمْ مُّغْنُوْنَ عَنَّا نَصِيْبًا مِّنَ النَّارِ٤٧
Wa iż yataḥājjūna fin-nāri fayaqūluḍ-ḍu‘afā'u lil-lażīnastakbarū innā kunnā lakum taba‘an fahal antum mugnūna ‘annā naṣībam minan-nār(i).
[47]
[Banggitin] kapag magkakatwiranan sila sa loob ng apoy saka magsasabi ang mga mahina sa mga nagmalaki: “Tunay na kami para sa inyo ay naging tagasunod. Kaya kayo kaya ay mga magtutulak para sa amin ng isang bahagi mula sa apoy?”
قَالَ الَّذِيْنَ اسْتَكْبَرُوْٓا اِنَّا كُلٌّ فِيْهَآ اِنَّ اللّٰهَ قَدْ حَكَمَ بَيْنَ الْعِبَادِ٤٨
Qālal-lażīnastakbarū innā kullun fīhā innallāha qad ḥakama bainal-‘ibād(i).
[48]
Magsasabi ang mga nagmalaki: “Tunay na tayo ay lahat nasa loob nito; tunay na si Allāh ay humatol na sa pagitan ng mga lingkod [Niya].”
وَقَالَ الَّذِيْنَ فِى النَّارِ لِخَزَنَةِ جَهَنَّمَ ادْعُوْا رَبَّكُمْ يُخَفِّفْ عَنَّا يَوْمًا مِّنَ الْعَذَابِ٤٩
Wa qālal-lażīna fin-nāri likhazanati jahannamad‘ū rabbakum yukhaffif ‘annā yaumam minal-‘ażāb(i).
[49]
Magsasabi ang mga nasa apoy sa mga [anghel na] tagatanod ng Impiyerno: “Dumalangin kayo sa Panginoon ninyo na magpagaan Siya para sa amin ng isang araw mula sa pagdurusa.”
قَالُوْٓا اَوَلَمْ تَكُ تَأْتِيْكُمْ رُسُلُكُمْ بِالْبَيِّنٰتِ ۗقَالُوْا بَلٰىۗ قَالُوْا فَادْعُوْا ۚوَمَا دُعٰۤؤُا الْكٰفِرِيْنَ اِلَّا فِيْ ضَلٰلٍ ࣖ٥٠
Qālū awalam taku ta'tīkum rusulukum bil-bayyināt(i), qālū balā, qālū fad‘ū, wa mā du‘ā'ul-kāfirīna illā fī ḍalāl(in).
[50]
Magsasabi sila: “Hindi ba dati nagdadala sa inyo ang mga sugo ninyo ng mga malinaw na patunay?” Magsasabi ang mga iyon: “Oo.” Magsasabi sila: “Kaya dumalangin kayo,” at walang [kahahantungan] ang panalangin ng mga tagatangging sumampalataya kundi sa isang pagkaligaw.”
اِنَّا لَنَنْصُرُ رُسُلَنَا وَالَّذِيْنَ اٰمَنُوْا فِى الْحَيٰوةِ الدُّنْيَا وَيَوْمَ يَقُوْمُ الْاَشْهَادُۙ٥١
Innā lananṣuru rusulanā wal-lażīna āmanū fil-ḥayātid-dun-yā wa yauma yaqūmul-asyhād(u).
[51]
Tunay na Kami ay talagang nag-aadya sa mga sugo Namin at mga sumampalataya sa buhay na pangmundo at sa Araw na titindig ang mga saksi,
يَوْمَ لَا يَنْفَعُ الظّٰلِمِيْنَ مَعْذِرَتُهُمْ وَلَهُمُ اللَّعْنَةُ وَلَهُمْ سُوْۤءُ الدَّارِ٥٢
Yauma lā yanfa‘uẓ-ẓālimīna ma‘żiratuhum wa lahumul-la‘natu wa lahum sū'ud-dār(i).
[52]
sa Araw na hindi magpapakinabang sa mga tagalabag sa katarungan ang dahi-dahilan nila. Ukol sa kanila ang sumpa at ukol sa kanila ang kasagwaan ng tahanan.
وَلَقَدْاٰتَيْنَا مُوْسَى الْهُدٰى وَاَوْرَثْنَا بَنِيْٓ اِسْرَاۤءِيْلَ الْكِتٰبَۙ٥٣
Wa laqad ātainā mūsal-hudā wa auraṡnā banī isrā'īlal-kitāb(a).
[53]
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng patnubay at nagpamana Kami sa mga anak ni Israel ng Kasulatan
هُدًى وَّذِكْرٰى لِاُولِى الْاَلْبَابِ٥٤
Hudaw wa żikrā li'ulil-albāb(i).
[54]
bilang patnubay at bilang paalaala para sa mga may isip.
فَاصْبِرْ اِنَّ وَعْدَ اللّٰهِ حَقٌّ وَّاسْتَغْفِرْ لِذَنْۢبِكَ وَسَبِّحْ بِحَمْدِ رَبِّكَ بِالْعَشِيِّ وَالْاِبْكَارِ٥٥
Faṣbir inna wa‘dallāhi ḥaqquw wastagfir liżambika wa sabbiḥ biḥamdi rabbika bil-‘asyiyyi wal-ibkār(i).
[55]
Kaya magtiis ka; tunay na ang pangako ni Allāh ay totoo. Humingi ka ng tawad para sa pagkakasala mo at magluwalhati ka kalakip ng pagpupuri sa Panginoon mo sa gabi at pag-uumaga.
اِنَّ الَّذِيْنَ يُجَادِلُوْنَ فِيْٓ اٰيٰتِ اللّٰهِ بِغَيْرِ سُلْطٰنٍ اَتٰىهُمْ ۙاِنْ فِيْ صُدُوْرِهِمْ اِلَّا كِبْرٌ مَّا هُمْ بِبَالِغِيْهِۚ فَاسْتَعِذْ بِاللّٰهِ ۗاِنَّهٗ هُوَ السَّمِيْعُ الْبَصِيْرُ٥٦
Innal-lażīna yujādilūna fī āyātillāhi bigairi sulṭānin atāhum, in fī ṣudūrihim illā kibrum mā hum bibāligīh(i), fasta‘iż billāh(i), innahū huwas-samī‘ul-baṣīr(u).
[56]
Tunay na ang mga nakikipagtalo hinggil sa mga tanda ni Allāh nang walang isang katunayang pumunta sa kanila, walang nasa mga dibdib nila kundi [pagnanais ng] isang pagmamalaking hindi sila makaaabot roon. Kaya humiling ka ng pagkukupkop ni Allāh; tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita.
لَخَلْقُ السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِ اَكْبَرُ مِنْ خَلْقِ النَّاسِ وَلٰكِنَّ اَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَعْلَمُوْنَ٥٧
Lakhalqus-samāwāti wal-arḍi akbaru min khalqin-nāsi wa lākinna akṡaran-nāsi lā ya‘lamūn(a).
[57]
Talagang ang pagkakalikha sa mga langit at lupa ay higit na malaki kaysa sa pagkalikha sa mga tao, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam.
وَمَا يَسْتَوِى الْاَعْمٰى وَالْبَصِيْرُ ەۙ وَالَّذِيْنَ اٰمَنُوْا وَعَمِلُوا الصّٰلِحٰتِ وَلَا الْمُسِيْۤئُ ۗقَلِيْلًا مَّا تَتَذَكَّرُوْنَ٥٨
Wa mā yastawil-a‘mā wal-baṣīr(u), wal-lażīna āmanū wa ‘amiluṣ-ṣāliḥāti wa lal-musī'(u), qalīlam mā tatażakkarūn(a).
[58]
Hindi nagkakapantay ang bulag at ang nakakikita, ang mga sumampalataya at mga gumawa ng mga maayos at ang tagagawa ng masagwa. Kaunti ang isinasaalaala ninyo!
اِنَّ السَّاعَةَ لَاٰتِيَةٌ لَّا رَيْبَ فِيْهَا ۖوَلٰكِنَّ اَكْثَرَ النَّاسِ لَا يُؤْمِنُوْنَ٥٩
Innas-sā‘ata la'ātiyatul lā raiba fīhā, wa lākinna akṡaran-nāsi lā yu'minūn(a).
[59]
Tunay na ang Huling Sandali519 ay talagang darating na walang pag-aalinlangan dito, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi sumasampalataya.
[519] ang Araw ng Pagbuhay at Pagtutuuos
وَقَالَ رَبُّكُمُ ادْعُوْنِيْٓ اَسْتَجِبْ لَكُمْ ۗاِنَّ الَّذِيْنَ يَسْتَكْبِرُوْنَ عَنْ عِبَادَتِيْ سَيَدْخُلُوْنَ جَهَنَّمَ دَاخِرِيْنَ ࣖ٦٠
Wa qāla rabbukumud‘ūnī astajib lakum, innal-lażīna yastakbirūna ‘an ‘ibādatī sayadkhulūna jahannama dākhirīn(a).
[60]
Nagsabi ang Panginoon ninyo: “Dumalangin kayo sa Akin, tutugon Ako sa inyo.” Tunay na ang mga nagmamalaki sa palayo [pagbukod-tangi sa Akin sa] pagsamba sa Akin ay papasok sa Impiyerno na mga nagpapakaaba.
اَللّٰهُ الَّذِيْ جَعَلَ لَكُمُ الَّيْلَ لِتَسْكُنُوْا فِيْهِ وَالنَّهَارَ مُبْصِرًا ۗاِنَّ اللّٰهَ لَذُوْ فَضْلٍ عَلَى النَّاسِ وَلٰكِنَّ اَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَشْكُرُوْنَ٦١
Allāhul-lażī ja‘ala lakumul-laila litaskunū fīhi wan-nahāra mubṣirā(n), innallāha lażū faḍlin ‘alan-nāsi wa lākinna akṡaran-nāsi lā yasykurūn(a).
[61]
Si Allāh ang gumawa para sa inyo ng gabi upang tumahan kayo roon at ng maghapon bilang nagpapakita. Tunay na si Allāh ay talagang may kabutihang-loob sa mga tao, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nagpapasalamat.
ذٰلِكُمُ اللّٰهُ رَبُّكُمْ خَالِقُ كُلِّ شَيْءٍۘ لَآ اِلٰهَ اِلَّا هُوَ ۖفَاَنّٰى تُؤْفَكُوْنَ٦٢
Żālikumullāhu rabbukum khāliqu kulli syai'(in), lā ilāha illā huw(a), fa'annā tu'fakūn(a).
[62]
Gayon si Allāh, ang Panginoon ninyo na Tagalikha ng bawat bagay. Walang Diyos kundi Siya, kaya paanong nalilinlang kayo?
كَذٰلِكَ يُؤْفَكُ الَّذِيْنَ كَانُوْا بِاٰيٰتِ اللّٰهِ يَجْحَدُوْنَ٦٣
Każālika yu'fakul-lażīna kānū bi'āyātillāhi yajḥadūn(a).
[63]
Gayon nalilinlang ang mga sila dati ay sa mga tanda ni Allāh nagkakaila.
اَللّٰهُ الَّذِيْ جَعَلَ لَكُمُ الْاَرْضَ قَرَارًا وَّالسَّمَاۤءَ بِنَاۤءً وَّصَوَّرَكُمْ فَاَحْسَنَ صُوَرَكُمْ وَرَزَقَكُمْ مِّنَ الطَّيِّبٰتِ ۗذٰلِكُمُ اللّٰهُ رَبُّكُمْ ۚ فَتَبٰرَكَ اللّٰهُ رَبُّ الْعٰلَمِيْنَ٦٤
Allāhul-lażī ja‘ala lakumul-arḍa qarāraw was-samā'a binā'aw wa ṣawwarakum fa'aḥsana ṣuwarakum wa razaqakum minaṭ-ṭayyibāt(i), żālikumullāhu rabbukum, fatabārakallāhu rabbul-‘ālamīn(a).
[64]
Si Allāh ay ang gumawa para sa inyo ng lupa bilang pamamalagian at ng langit bilang bubungan, nagbigay-anyo sa inyo saka nagpaganda sa mga anyo ninyo, at nagtustos sa inyo ng mga kaaya-ayang bagay. Gayon si Allāh, ang Panginoon ninyo. Kaya napakamapagpala si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.
هُوَ الْحَيُّ لَآ اِلٰهَ اِلَّا هُوَ فَادْعُوْهُ مُخْلِصِيْنَ لَهُ الدِّيْنَ ۗ اَلْحَمْدُ لِلّٰهِ رَبِّ الْعٰلَمِيْنَ٦٥
Huwal-ḥayyu lā ilāha illā huwa fad‘ūhu mukhliṣīna lahud-dīn(a), al-ḥamdu lillāhi rabbil-‘ālamīn(a).
[65]
Siya ay ang Buhay; walang Diyos kundi Siya kaya dumalangin kayo sa Kanya habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa relihiyon. Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.
۞ قُلْ اِنِّيْ نُهِيْتُ اَنْ اَعْبُدَ الَّذِيْنَ تَدْعُوْنَ مِنْ دُوْنِ اللّٰهِ لَمَّا جَاۤءَنِيَ الْبَيِّنٰتُ مِنْ رَّبِّيْ وَاُمِرْتُ اَنْ اُسْلِمَ لِرَبِّ الْعٰلَمِيْنَ٦٦
Qul innī nuhītu an a‘budal-lażīna tad‘ūna min dūnillāhi lammā jā'aniyal-bayyinātu mir rabbī wa umirtu an uslima lirabbil-‘ālamīn(a).
[66]
Sabihin mo: “Tunay na ako ay sinaway na sumamba sa mga dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh, noong dumating sa akin ang mga malinaw na patunay mula sa Panginoon ko, at inutusan na magpasakop sa Panginoon ng mga nilalang.”
هُوَ الَّذِيْ خَلَقَكُمْ مِّنْ تُرَابٍ ثُمَّ مِنْ نُّطْفَةٍ ثُمَّ مِنْ عَلَقَةٍ ثُمَّ يُخْرِجُكُمْ طِفْلًا ثُمَّ لِتَبْلُغُوْٓا اَشُدَّكُمْ ثُمَّ لِتَكُوْنُوْا شُيُوْخًا ۚوَمِنْكُمْ مَّنْ يُّتَوَفّٰى مِنْ قَبْلُ وَلِتَبْلُغُوْٓا اَجَلًا مُّسَمًّى وَّلَعَلَّكُمْ تَعْقِلُوْنَ٦٧
Huwal-lażī khalaqakum min turābin ṡumma min nuṭfatin ṡumma min ‘alaqatin ṡumma yukhrijukum ṭiflan ṡumma litablugū asyuddakum ṡumma litakūnū syuyūkhā(n), wa minkum may yutawaffā min qablu wa litablugū ajalam musammaw wa la‘allakum ta‘qilūn(a).
[67]
Siya ay ang lumikha sa inyo mula sa alabok, pagkatapos mula sa isang patak, pagkatapos mula sa isang malalinta, pagkatapos nagpapalabas Siya inyo bilang bata, pagkatapos upang umabot kayo sa katindihan ninyo, pagkatapos upang kayo ay maging mga matanda – at mayroon sa inyo na pinapapanaw bago pa niyan – at upang umabot kayo sa isang taning na tinukoy, at nang sa gayon kayo ay makapag-uunawa.520
[520] sa saisahan ng Panginoon ninyo at kakayahan Niya sa paglikha.
هُوَ الَّذِيْ يُحْيٖ وَيُمِيْتُۚ فَاِذَا قَضٰىٓ اَمْرًا فَاِنَّمَا يَقُوْلُ لَهٗ كُنْ فَيَكُوْنُ ࣖ٦٨
Huwal-lażī yuḥyī wa yumīt(u), fa'iżā qaḍā amran fa'innamā yaqūlu lahū kun fa yakūn(u).
[68]
Siya ay ang nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan, saka kapag nagtadhana Siya ng isang bagay ay nagsasabi lamang Siya rito na mangyari saka mangyayari ito.
اَلَمْ تَرَ اِلَى الَّذِيْنَ يُجَادِلُوْنَ فِيْٓ اٰيٰتِ اللّٰهِ ۗاَنّٰى يُصْرَفُوْنَۚ٦٩
Alam tara ilal-lażīna yujādilūna fī āyātillāh(i), annā yuṣrafūn(a).
[69]
Hindi ka ba nakakita sa mga nakikipagtalo hinggil sa mga tanda ni Allāh kung paano silang inililihis [palayo sa katotohanan]?
اَلَّذِيْنَ كَذَّبُوْا بِالْكِتٰبِ وَبِمَآ اَرْسَلْنَا بِهٖ رُسُلَنَا ۗفَسَوْفَ يَعْلَمُوْنَۙ٧٠
Allażīna każżabū bil kitābi wa bimā arsalnā bihī rusulanā, fasaufa ya‘lamūn(a).
[70]
Ang mga nagpasinungaling sa Aklat at sa ipinasugo Namin sa mga sugo Namin ay makaaalam [sa kahihinatnan ng pagpapasinungaling nila]
اِذِ الْاَغْلٰلُ فِيْٓ اَعْنَاقِهِمْ وَالسَّلٰسِلُۗ يُسْحَبُوْنَۙ٧١
Iżil-aglālu fī a‘nāqihim was-salāsil(u), yusḥabūn(a).
[71]
kapag ang mga kulyar ay nasa mga leeg nila at ang mga tanikala habang hinahatak sila
فِى الْحَمِيْمِ ەۙ ثُمَّ فِى النَّارِ يُسْجَرُوْنَۚ٧٢
Fil-ḥamīm(i), ṡumma fin-nāri yusjarūn(a).
[72]
sa nakapapasong tubig. Pagkatapos sa Apoy ay paliliyabin sila.
ثُمَّ قِيْلَ لَهُمْ اَيْنَ مَا كُنْتُمْ تُشْرِكُوْنَۙ٧٣
Ṡumma qīla lahum aina mā kuntum tusyrikūn(a).
[73]
Pagkatapos sasabihin sa kanila: “Nasaan na ang dati ninyo itinatambal
مِنْ دُوْنِ اللّٰهِ ۗقَالُوْا ضَلُّوْا عَنَّا بَلْ لَّمْ نَكُنْ نَّدْعُوْا مِنْ قَبْلُ شَيْـًٔاۗ كَذٰلِكَ يُضِلُّ اللّٰهُ الْكٰفِرِيْنَ٧٤
Min dūnillāh(i), qālū ḍallū ‘annā bal lam nakun nad‘ū min qablu syai'ā(n), każālika yuḍillullāhul-kāfirīn(a).
[74]
bukod pa kay Allāh. Magsasabi sila: “Nawala sila sa amin; bagkus hindi kami dati dumadalangin bago pa niyan sa anuman.” Gayon nagliligaw si Allāh sa mga tagatangging sumampalataya.
ذٰلِكُمْ بِمَا كُنْتُمْ تَفْرَحُوْنَ فِى الْاَرْضِ بِغَيْرِ الْحَقِّ وَبِمَا كُنْتُمْ تَمْرَحُوْنَ٧٥
Żālikum bimā kuntum tafraḥūna fil-arḍi bigairil-ḥaqqi wa bimā kuntum tamraḥūn(a).
[75]
[Sasabihin]: “Iyon ay dahil kayo dati ay natutuwa sa Mundo ayon sa hindi karapatan at dahil kayo dati ay nagpapakasaya.
اُدْخُلُوْٓا اَبْوَابَ جَهَنَّمَ خٰلِدِيْنَ فِيْهَا ۚفَبِئْسَ مَثْوَى الْمُتَكَبِّرِيْنَ٧٦
Udkhlulū abwāba jahannama khālidīna fīhā, fabi'sa maṡwal-mutakabūbirīn(a).
[76]
Pumasok kayo sa mga pintuan ng Impiyerno bilang mga mananatili roon. Kaya kay saklap ang tuluyan ng mga nagpapakamalaki!”
فَاصْبِرْ اِنَّ وَعْدَ اللّٰهِ حَقٌّ ۚفَاِمَّا نُرِيَنَّكَ بَعْضَ الَّذِيْ نَعِدُهُمْ اَوْ نَتَوَفَّيَنَّكَ فَاِلَيْنَا يُرْجَعُوْنَ٧٧
Faṣbir inna wa‘dallāhi ḥaqq(un), fa'immā nuriyannaka ba‘ḍal-lażī na‘iduhum au natawaffayannaka fa'ilainā yurja‘ūn(a).
[77]
Kay magtiis ka; tunay na ang pangako ni Allāh ay totoo. Kaya kung magpapakita nga naman Kami sa iyo ng ilan sa ipinangangako Namin sa kanila o magpapapanaw nga naman Kami sa iyo ay tungo sa Amin pababalikin sila [para gantihan].
وَلَقَدْ اَرْسَلْنَا رُسُلًا مِّنْ قَبْلِكَ مِنْهُمْ مَّنْ قَصَصْنَا عَلَيْكَ وَمِنْهُمْ مَّنْ لَّمْ نَقْصُصْ عَلَيْكَ ۗوَمَا كَانَ لِرَسُوْلٍ اَنْ يَّأْتِيَ بِاٰيَةٍ اِلَّا بِاِذْنِ اللّٰهِ ۚفَاِذَا جَاۤءَ اَمْرُ اللّٰهِ قُضِيَ بِالْحَقِّ وَخَسِرَ هُنَالِكَ الْمُبْطِلُوْنَ ࣖ٧٨
Wa laqad arsalnā rusulam min qablika minhum man qaṣaṣnā ‘alaika wa minhum mal lam naqṣuṣ ‘alaik(a), wa mā kāna lirasūlin ay ya'tiya bi'āyatin illā bi'iżnillāh(i), fa'iżā jā'a amrullāhi quḍiya bil-ḥaqqi wa khasira hunālikal-mubṭilūn(a).
[78]
Talaga ngang nagsugo Kami ng mga sugo bago mo pa. Mayroon sa kanila na isinalaysay Namin sa iyo at mayroon sa kanila na hindi Namin isinalaysay sa iyo. Hindi naging ukol sa isang sugo na magdala ito ng isang tanda malibang ayon sa pahintulot ni Allāh. Kaya kapag dumating ang utos ni Allāh, huhusga ayon sa katotohanan at malulugi roon ang mga nagpapabula.
اَللّٰهُ الَّذِيْ جَعَلَ لَكُمُ الْاَنْعَامَ لِتَرْكَبُوْا مِنْهَا وَمِنْهَا تَأْكُلُوْنَۖ٧٩
Allāhul-lażī ja‘ala lakumul-an‘āma litarkabū minhā wa minhā ta'kulūn(a).
[79]
Si Allāh ay ang gumawa para sa inyo ng mga hayupan upang sumakay kayo mula sa mga ito at mula sa mga ito ay kumakain kayo.
وَلَكُمْ فِيْهَا مَنَافِعُ وَلِتَبْلُغُوْا عَلَيْهَا حَاجَةً فِيْ صُدُوْرِكُمْ وَعَلَيْهَا وَعَلَى الْفُلْكِ تُحْمَلُوْنَۗ٨٠
Wa lakum fīhā manāfi‘u wa litablugū ‘alaihā ḥājatan fī ṣudūrikum wa ‘alaihā wa ‘alal-fulki tuḥmalūn(a).
[80]
Ukol sa inyo sa mga ito ay mga pakinabang at upang umabot kayo lulan ng mga ito sa isang pangangailangang nasa mga dibdib ninyo.521 Lulan ng mga ito at lulan ng mga daong dinadala kayo.
[521] upang marating ninyo ang mga malayong lugar at upang madala nila ang mga mabigat na dala-dalahan ninyo sa mga ibang lupain
وَيُرِيْكُمْ اٰيٰتِهٖۖ فَاَيَّ اٰيٰتِ اللّٰهِ تُنْكِرُوْنَ٨١
Wa yurīkum āyātih(ī), fa ayya āyātillāhi tunkirūn(a).
[81]
Nagpapakita Siya sa inyo ng mga tanda Niya. Kaya sa alin sa mga tanda ni Allāh kayo nagkakaila?
اَفَلَمْ يَسِيْرُوْا فِى الْاَرْضِ فَيَنْظُرُوْا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الَّذِيْنَ مِنْ قَبْلِهِمْ ۗ كَانُوْٓا اَكْثَرَ مِنْهُمْ وَاَشَدَّ قُوَّةً وَّاٰثَارًا فِى الْاَرْضِ فَمَآ اَغْنٰى عَنْهُمْ مَّا كَانُوْا يَكْسِبُوْنَ٨٢
Afalam yasīrū fil-arḍi fa yanẓurū kaifa kāna ‘āqibatul-lażīna min qablihim, kānū akṡara minhum wa asyadda quwwataw wa āṡāran fil-arḍi famā agnā ‘anhum mā kānū yaksibūn(a).
[82]
Kaya hindi ba sila humayo sa lupain para tumingin sila kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga bago pa nila? Dati ang mga iyon ay higit na marami kaysa sa kanila at higit na matindi sa lakas at mga bakas sa lupain ngunit walang naidulot sa kanila ang dati nilang nakakamit.
فَلَمَّا جَاۤءَتْهُمْ رُسُلُهُمْ بِالْبَيِّنٰتِ فَرِحُوْا بِمَا عِنْدَهُمْ مِّنَ الْعِلْمِ وَحَاقَ بِهِمْ مَّا كَانُوْا بِهٖ يَسْتَهْزِءُوْنَ٨٣
Falammā jā'athum rusuluhum bil-bayyināti fariḥū bimā ‘indahum minal-‘ilmi wa ḥāqa bihim mā kānū bihī yastahzi'ūn(a).
[83]
Kaya noong naghatid sa kanila ang mga sugo nila [mula kay Allāh] ng mga malinaw na patunay, natuwa sila sa taglay nila na kaalaman [na sumasalungat sa inihatid ng mga sugo] at pumaligid sa kanila ang dati nilang kinukutya.
فَلَمَّا رَاَوْا بَأْسَنَاۗ قَالُوْٓا اٰمَنَّا بِاللّٰهِ وَحْدَهٗ وَكَفَرْنَا بِمَا كُنَّا بِهٖ مُشْرِكِيْنَ٨٤
Falammā ra'au ba'sanā qālū āmannā billāhi waḥdahū wa kafarnā bimā kunnā bihī musyrikīn(a).
[84]
Kaya noong nakakita sila sa parusa Namin, nagsabi sila: “Sumampalataya kami kay Allāh lamang at tumanggi kaming sumampalataya sa anumang kami dati ay sa Kanya mga tagapagtambal [niyon].”
فَلَمْ يَكُ يَنْفَعُهُمْ اِيْمَانُهُمْ لَمَّا رَاَوْا بَأْسَنَا ۗسُنَّتَ اللّٰهِ الَّتِيْ قَدْ خَلَتْ فِيْ عِبَادِهٖۚ وَخَسِرَ هُنَالِكَ الْكٰفِرُوْنَ ࣖ٨٥
Falam yaku yanfa‘uhum īmānuhum lammā ra'au ba'sanā, sunnatallāhil latī qad khalat fī ‘ibādih(ī), wa khasira hunālikal-kāfirūn(a).
[85]
Ngunit hindi mangyayaring magpapakinabang sa kanila ang pananampalataya nila kapag nakita nila ang parusa Namin. [Ito] ang kalakaran ni Allāh na nagdaan nga sa mga lingkod Niya. Nalugi roon ang mga tagatangging sumampalataya.