Surah Sad

Daftar Surah

بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
صۤ ۗوَالْقُرْاٰنِ ذِى الذِّكْرِۗ١
Ṣād, wal-qur'āni żiż-żikr(i).
[1] Ṣād.493 Sumpa man [ni Allāh] sa Qur’ān na may paalaala.
[493] Ang Qur’ān ay nasa wikang Arabe na binubuo ng mga titiks Arabe gaya ng mga ito subalit walang isa mang nakagawa ng kahit pinkamaiikling kabanata ng mahimalang kababalaghan ng Qur’ān.

بَلِ الَّذِيْنَ كَفَرُوْا فِيْ عِزَّةٍ وَّشِقَاقٍ٢
Balil-lażīna kafarū fī ‘izzatiw wa syiqāq(in).
[2] Bagkus ang mga tumangging sumampalataya ay nasa isang kapalaluan at isang hidwaan.

كَمْ اَهْلَكْنَا مِنْ قَبْلِهِمْ مِّنْ قَرْنٍ فَنَادَوْا وَّلَاتَ حِيْنَ مَنَاصٍ٣
Kam ahlaknā min qablihim min qarnin fanādaw wa lāta ḥīna manāṣ(in).
[3] Kay rami ng ipinahamak Namin494 bago pa nila na [makasalanang] salinlahi, saka nanawagan sila at hindi iyon oras ng isang pagtakas.
[494] dahil sa pagpapasinungaling nila sa sugo nila mula kay Allāh

وَعَجِبُوْٓا اَنْ جَاۤءَهُمْ مُّنْذِرٌ مِّنْهُمْ ۖوَقَالَ الْكٰفِرُوْنَ هٰذَا سٰحِرٌ كَذَّابٌۚ٤
Wa ‘ajibū an jā'ahum munżirum minhum, wa qālal-kāfirūna hāżā sāḥirun każżāb(un).
[4] Nagtaka sila na may dumating sa kanila na isang tagapagbabala495 kabilang sa kanila. Nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya: “Ito ay isang manggagaway na palasinungaling.
[495] Si Propeta Muḥmmad.

اَجَعَلَ الْاٰلِهَةَ اِلٰهًا وَّاحِدًا ۖاِنَّ هٰذَا لَشَيْءٌ عُجَابٌ٥
Aja‘alal-ālihata ilāhaw wāḥidā(n), inna hāżā lasyai'un ‘ujāb(un).
[5] Gumawa ba siya sa mga diyos bilang nag-iisang diyos? Tunay na ito ay talagang isang bagay na kataka-taka.”

وَانْطَلَقَ الْمَلَاُ مِنْهُمْ اَنِ امْشُوْا وَاصْبِرُوْا عَلٰٓى اٰلِهَتِكُمْ ۖاِنَّ هٰذَا لَشَيْءٌ يُّرَادُ ۖ٦
Wanṭalaqal-mala'u minhum animsyū waṣbirū ‘alā ālihatikum, inna hāżā lasyai'uy yurād(u).
[6] Nagdumali ang konseho kabilang sa kanila [na mga tagapagtambal sa pagsasabi]: “Magpatuloy kayo at magtiis kayo sa mga diyos ninyo. Walang iba ito kundi talagang isang bagay na ninanais.

مَا سَمِعْنَا بِهٰذَا فِى الْمِلَّةِ الْاٰخِرَةِ ۖاِنْ هٰذَآ اِلَّا اخْتِلَاقٌۚ٧
Mā sami‘nā bihāżā fil-millatil-ākhirah(ti), in hāżā illakhtilāq(un).
[7] Hindi tayo nakarinig ng [pag-aangking] ganito sa kapaniwalaang huli. Walang iba ito kundi isang paglilikha-likha [ng tao].

اَؤُنْزِلَ عَلَيْهِ الذِّكْرُ مِنْۢ بَيْنِنَا ۗبَلْ هُمْ فِيْ شَكٍّ مِّنْ ذِكْرِيْۚ بَلْ لَّمَّا يَذُوْقُوْا عَذَابِ ۗ٨
A'unzila ‘alaihiż-żikru mim baininā, bal hum fī syakkim min żikrī, bal lammā yażūqū ‘ażāb(i).
[8] Pinababa ba sa kanya ang [Qur’ān na] paalaala sa gitna natin?” Bagkus sila ay nasa isang pagdududa hinggil sa paalaala Ko. Bagkus hindi pa sila lumasap ng pagdurusang dulot Ko.

اَمْ عِنْدَهُمْ خَزَاۤىِٕنُ رَحْمَةِ رَبِّكَ الْعَزِيْزِ الْوَهَّابِۚ٩
Am ‘indahum khazā'inu raḥmati rabbikal-‘azīzil-wahhāb(i).
[9] O taglay ba nila ang mga imbakan ng awa ng Panginoon mo, ang Makapangyarihan, ang Palakaloob?

اَمْ لَهُمْ مُّلْكُ السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا ۗفَلْيَرْتَقُوْا فِى الْاَسْبَابِ١٠
Am lahum mulkus-samāwāti wal-arḍi wa mā bainahumā, falyartaqū fil-asbāb(i).
[10] O sa kanila ba ang paghahari sa mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito? Kaya pumaitaas sila sa mga kaparaanan [papunta sa langit].

جُنْدٌ مَّا هُنَالِكَ مَهْزُوْمٌ مِّنَ الْاَحْزَابِ١١
Jundum mā hunālika mahzūmum minal-aḥzāb(i).
[11] [Ang mga tagapagpasinungaling ay] hukbo na doon tatalunin, kabilang sa mga lapian [ng mga tagatangging sumampalataya].

كَذَّبَتْ قَبْلَهُمْ قَوْمُ نُوْحٍ وَّعَادٌ وَّفِرْعَوْنُ ذُو الْاَوْتَادِۙ١٢
Każżabat qablahum qaumu nūḥiw wa ‘āduw wa fir‘aunu żul-autād(i).
[12] Nagpasinungaling [sa mga sugo ni Allāh] bago nila ang mga tao ni Noe, ang [liping] `Ād, si Paraon na may mga tulos,

وَثَمُوْدُ وَقَوْمُ لُوْطٍ وَّاَصْحٰبُ لْـَٔيْكَةِ ۗ اُولٰۤىِٕكَ الْاَحْزَابُ١٣
Wa ṡamūdu wa qaumu lūṭiw wa aṣḥābul-aikah(ti), ulā'ikal-aḥzāb(u).
[13] ang [liping] Thamūd, ang mga kababayan ni Lot, at ang mga naninirahan sa kasukalan [ng Midyan]. Ang mga iyon ay ang mga lapian.

اِنْ كُلٌّ اِلَّا كَذَّبَ الرُّسُلَ فَحَقَّ عِقَابِ ࣖ١٤
In kullun illā każżabar-rusula faḥaqqa ‘iqāb(i).
[14] Walang iba ang bawat [isa] kundi nagpasinungaling sa mga sugo kaya nagindapat [sa kanila] ang parusa Ko.

وَمَا يَنْظُرُ هٰٓؤُلَاۤءِ اِلَّا صَيْحَةً وَّاحِدَةً مَّا لَهَا مِنْ فَوَاقٍ١٥
Wa mā yanẓuru hā'ulā'i illā ṣaiḥataw wāḥidatam mā lahā min fawāq(in).
[15] Walang hinihintay ang mga ito kundi nag-iisang hiyaw na wala itong anumang pagpapaliban.

وَقَالُوْا رَبَّنَا عَجِّلْ لَّنَا قِطَّنَا قَبْلَ يَوْمِ الْحِسَابِ١٦
Wa qālū rabbanā ‘ajjil lanā qiṭṭanā qabla yaumil-ḥisāb(i).
[16] Nagsabi sila496 [nang patuya]: “Panginoon namin, magpabilis Ka para sa amin ng bahagi namin [sa pagdurusa kahit pa] bago ng Araw ng Pagtutuos.”
[496] Ibig sabihin: ang mga tagatangging sumampalataya.

اِصْبِرْ عَلٰى مَا يَقُوْلُوْنَ وَاذْكُرْ عَبْدَنَا دَاوٗدَ ذَا الْاَيْدِۚ اِنَّهٗٓ اَوَّابٌ١٧
Iṣbir ‘alā mā yaqūlūna ważkur ‘abdanā dāwūda żal-aid(i), innahū awwāb(un).
[17] Magtiis ka sa sinasabi nila at alalahanin mo ang lingkod Naming si David na may mga [malakas na] kamay; tunay na siya ay palabalik [kay Allāh].

اِنَّا سَخَّرْنَا الْجِبَالَ مَعَهٗ يُسَبِّحْنَ بِالْعَشِيِّ وَالْاِشْرَاقِۙ١٨
Innā sakhkharnal-jibāla ma‘ahū yusabbiḥna bil-‘asyiyyi wal-isyrāq(i).
[18] Tunay na Kami ay nagpasilbi ng mga bundok, na kasama sa kanya nagluluwalhati ang mga ito sa dapit-hapon at pagsikat [ng araw].

وَالطَّيْرَمَحْشُوْرَةً ۗ كُلٌّ لَّهٗٓ اَوَّابٌ١٩
Waṭ-ṭaira maḥsyūrah(tan), kullul lahū awwāb(un).
[19] Ang mga ibon ay kinakalap; bawat isa sa kanya ay palabalik [kay Allāh].

وَشَدَدْنَا مُلْكَهٗ وَاٰتَيْنٰهُ الْحِكْمَةَ وَفَصْلَ الْخِطَابِ٢٠
Wa syadadnā mulkahū wa ātaināhul-ḥikmata wa faṣlal-khiṭāb(i).
[20] Nagpatindi Kami ng kaharian niya at nagbigay Kami sa kanya ng karunungan at pagpapasya sa pakikipag-usap.

۞ وَهَلْ اَتٰىكَ نَبَؤُا الْخَصْمِۘ اِذْ تَسَوَّرُوا الْمِحْرَابَۙ٢١
Wa hal atāka naba'ul-khaṣm(i), iż tasawwarul-miḥrāb(a).
[21] Pumunta kaya sa iyo ang balita ng mga magkaalitan noong umakyat sila sa sambahan [ni David]?

اِذْ دَخَلُوْا عَلٰى دَاوٗدَ فَفَزِعَ مِنْهُمْ قَالُوْا لَا تَخَفْۚ خَصْمٰنِ بَغٰى بَعْضُنَا عَلٰى بَعْضٍ فَاحْكُمْ بَيْنَنَا بِالْحَقِّ وَلَا تُشْطِطْ وَاهْدِنَآ اِلٰى سَوَاۤءِ الصِّرَاطِ٢٢
Iż dakhalū ‘alā dāwūda fafazi‘a minhum qālū lā takhaf, khaṣmāni bagā ba‘ḍunā ‘alā ba‘ḍin faḥkum bainanā bil-ḥaqqi wa lā tusyṭiṭ wahdinā ilā sawā'iṣ-ṣirāṭ(i).
[22] Noong pumasok sila kay David ay nanghilakbot siya sa kanila. Nagsabi sila: “Huwag kang mangamba; [kami ay] magkaalitan, na lumabag ang iba sa amin sa iba, kaya humatol ka sa pagitan namin ayon sa katotohanan, huwag kang lumampas [doon], at pumatnubay ka sa amin tungo sa kalagitnaan ng landasin.

اِنَّ هٰذَآ اَخِيْ ۗ لَهٗ تِسْعٌ وَّتِسْعُوْنَ نَعْجَةً وَّلِيَ نَعْجَةٌ وَّاحِدَةٌ ۗفَقَالَ اَكْفِلْنِيْهَا وَعَزَّنِيْ فِى الْخِطَابِ٢٣
Inna hāżā akhī, lahū tis‘uw wa tis‘ūna na‘jataw wa liya na‘jatuw wāḥidah(tun), faqāla aqfilnīhā wa ‘azzanī fil-khiṭāb(i).
[23] Tunay na ito ay kapatid ko; mayroon siyang siyamnapu’t siyam na tupang babae at mayroon akong nag-iisang tupang babae, saka nagsabi siya: ‘Ipaaruga mo sa akin iyan.’ Nangibabaw ito sa akin sa talumpati.”

قَالَ لَقَدْ ظَلَمَكَ بِسُؤَالِ نَعْجَتِكَ اِلٰى نِعَاجِهٖۗ وَاِنَّ كَثِيْرًا مِّنَ الْخُلَطَاۤءِ لَيَبْغِيْ بَعْضُهُمْ عَلٰى بَعْضٍ اِلَّا الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا وَعَمِلُوا الصّٰلِحٰتِ وَقَلِيْلٌ مَّا هُمْۗ وَظَنَّ دَاوٗدُ اَنَّمَا فَتَنّٰهُ فَاسْتَغْفَرَ رَبَّهٗ وَخَرَّ رَاكِعًا وَّاَنَابَ ۩٢٤
Qāla laqad ẓalamaka bisu'āli na‘jatika ilā ni‘ājih(ī), wa inna kaṡīram minal-khulaṭā'i layabgī ba‘ḍuhum ‘alā ba‘ḍin illal-lażīna āmanū wa ‘amiluṣ-ṣāliḥāti wa qalīlum mā hum, wa ẓanna dāwūdu annamā fatannāhu fastagfara rabbahū wa kharra rāki‘aw wa anāb(a).
[24] Nagsabi siya: “Talaga ngang lumabag siya sa iyo sa katarungan sa paghiling ng pagsasama ng babaing tupa mo sa mga babaing tupa niya. Tunay na marami sa mga kasosyo ay talagang lumalabag ang iba sa kanila sa iba maliban sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos – at kaunti sila.” Nakatiyak si David na sinubok lamang siya kaya humingi siya ng tawad sa Panginoon niya. Sumubsob siya na nakayukod at nanumbalik [kay Allāh].

فَغَفَرْنَا لَهٗ ذٰلِكَۗ وَاِنَّ لَهٗ عِنْدَنَا لَزُلْفٰى وَحُسْنَ مَاٰبٍ٢٥
Fa gafarnā lahū żālik(a), wa inna lahū ‘indanā lazulfā wa ḥusna ma'āb(in).
[25] Kaya nagpatawad Kami sa kanya niyon, habang tunay na mayroon siya sa ganang Amin na talagang kadikitan at kagandahan ng babalikan.

يٰدَاوٗدُ اِنَّا جَعَلْنٰكَ خَلِيْفَةً فِى الْاَرْضِ فَاحْكُمْ بَيْنَ النَّاسِ بِالْحَقِّ وَلَا تَتَّبِعِ الْهَوٰى فَيُضِلَّكَ عَنْ سَبِيْلِ اللّٰهِ ۗاِنَّ الَّذِيْنَ يَضِلُّوْنَ عَنْ سَبِيْلِ اللّٰهِ لَهُمْ عَذَابٌ شَدِيْدٌ ۢبِمَا نَسُوْا يَوْمَ الْحِسَابِ ࣖ٢٦
Yā dāwūdu innā ja‘alnāka khalīfatan fil-arḍi faḥkum bainan nāsi bil-ḥaqqi wa lā tattabi‘il-hawā fa yuḍillaka ‘an sabīlillāh(i), innal-lażīna yaḍillūna ‘an sabīlillāhi lahum ‘ażābun syadīdum bimā nasū yaumal-ḥisāb(i).
[26] [Sinabi]: “O David, tunay na Kami ay gumawa sa iyo bilang kahalili sa lupain, kaya humatol ka sa pagitan ng mga tao ayon sa katotohanan at huwag kang sumunod sa pithaya para magligaw ito sa iyo palayo sa landas ni Allāh.” Tunay na ang mga naliligaw palayo sa landas ni Allāh, ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi dahil lumimot sila sa Araw ng Pagtutuos.

وَمَا خَلَقْنَا السَّمَاۤءَ وَالْاَرْضَ وَمَا بَيْنَهُمَا بَاطِلًا ۗذٰلِكَ ظَنُّ الَّذِيْنَ كَفَرُوْا فَوَيْلٌ لِّلَّذِيْنَ كَفَرُوْا مِنَ النَّارِۗ٢٧
Wa mā khalaqnas-samā'a wal-arḍa wa mā bainahumā bāṭilā(n), żālika ẓannul-lażīna kafarū, fawailul lil-lażīna kafarū minan-nār(i).
[27] Hindi Kami lumikha ng langit at lupa at anumang nasa pagitan ng dalawang ito nang walang-kabuluhan. Iyon ay palagay ng mga tumangging sumampalataya. Kaya kapighatian ay ukol sa mga tumangging sumampalataya, mula sa Apoy.

اَمْ نَجْعَلُ الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا وَعَمِلُوا الصّٰلِحٰتِ كَالْمُفْسِدِيْنَ فِى الْاَرْضِۖ اَمْ نَجْعَلُ الْمُتَّقِيْنَ كَالْفُجَّارِ٢٨
Am naj‘alul-lażīna āmanū wa ‘amiluṣ-ṣāliḥāti kal-mufsidīna fil-arḍ(i), am naj‘alul-muttaqīna kal-fujjār(i).
[28] O gagawa Kami sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos gaya ng mga tagagulo sa lupa? O gagawa Kami sa mga tagapangilag magkasala gaya ng mga masamang-loob?

كِتٰبٌ اَنْزَلْنٰهُ اِلَيْكَ مُبٰرَكٌ لِّيَدَّبَّرُوْٓا اٰيٰتِهٖ وَلِيَتَذَكَّرَ اُولُوا الْاَلْبَابِ٢٩
Kitābun anzalnāhu ilaika mubārakul liyaddabbarū āyātihī wa liyatażakkara ulul-albāb(i).
[29] [Ang Qur’ān ay] isang pinagpalang Aklat na pinababa Namin sa iyo upang magmuni-muni sila sa mga talata nito at upang magsaalaala ang mga may isip.

وَوَهَبْنَا لِدَاوٗدَ سُلَيْمٰنَۗ نِعْمَ الْعَبْدُ ۗاِنَّهٗٓ اَوَّابٌۗ٣٠
Wa wahabnā lidāwūda wa sulaimān(a), ni‘mal-‘abd(u), innahū awwāb(un).
[30] Ipinagkaloob Namin kay David si Solomon. Kay inam na lingkod! Tunay na siya ay palabalik [kay Allāh].

اِذْ عُرِضَ عَلَيْهِ بِالْعَشِيِّ الصّٰفِنٰتُ الْجِيَادُۙ٣١
Iż ‘uriḍa ‘alaihi bil-‘asyiyyiṣ-ṣāfinātul-jiyād(u).
[31] [Banggitin] noong inilahad sa kanya sa dapit-hapon ang mga kabayong nakatayong nakaangat ang isang paa, na matutulin.

فَقَالَ اِنِّيْٓ اَحْبَبْتُ حُبَّ الْخَيْرِ عَنْ ذِكْرِ رَبِّيْۚ حَتّٰى تَوَارَتْ بِالْحِجَابِۗ٣٢
Fa qāla innī aḥbabtu ḥubbal-khairi ‘an żikri rabbī, ḥattā tawārat bil-ḥijāb(i).
[32] Kaya nagsabi siya: “Tunay na ako ay umibig ng pagkaibig sa mabuting [bagay] sa halip ng pag-alaala sa Panginoon ko [sa hapon] hanggang sa natakpan [ang araw] ng lambong.

رُدُّوْهَا عَلَيَّ ۚفَطَفِقَ مَسْحًا ۢبِالسُّوْقِ وَالْاَعْنَاقِ٣٣
Ruddūhā ‘alayy(a), faṭafiqa masḥam bis-sūqi wal-a‘nāq(i).
[33] Isauli ninyo ang mga ito sa akin.” Kaya nagsimula siya sa pagtaga sa mga lulod at mga leeg [ng mga ito].

وَلَقَدْ فَتَنَّا سُلَيْمٰنَ وَاَلْقَيْنَا عَلٰى كُرْسِيِّهٖ جَسَدًا ثُمَّ اَنَابَ٣٤
Wa laqad fatannā sulaimāna wa alqainā ‘alā kursiyyihī jasadan ṡumma anāb(a).
[34] Talaga ngang sumubok Kami kay Solomon at naglagay Kami sa silya niya ng isang katawan, pagkatapos nagsisising bumalik siya.

قَالَ رَبِّ اغْفِرْ لِيْ وَهَبْ لِيْ مُلْكًا لَّا يَنْۢبَغِيْ لِاَحَدٍ مِّنْۢ بَعْدِيْۚ اِنَّكَ اَنْتَ الْوَهَّابُ٣٥
Qāla rabbigfir lī wa hab lī mulkal lā yambagī li'aḥadim mim ba‘dī, innaka antal-wahhāb(u).
[35] Nagsabi siya: “Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin at magkaloob Ka sa akin ng isang paghaharing hindi nararapat para sa isa matapos na [ng pagkakaloob] sa akin; tunay na Ikaw ay ang Palakaloob.”

فَسَخَّرْنَا لَهُ الرِّيْحَ تَجْرِيْ بِاَمْرِهٖ رُخَاۤءً حَيْثُ اَصَابَۙ٣٦
Fasakhkharnā lahur-rīḥa tajrī bi'amrihī rukhā'an ḥaiṡu aṣāb(a).
[36] Kaya pinagsilbi Namin para sa kanya ang hangin na dumadaloy ayon sa utos niya nang banayad saanman niya ipatama,

وَالشَّيٰطِيْنَ كُلَّ بَنَّاۤءٍ وَّغَوَّاصٍۙ٣٧
Wasy-syayāṭīna kulla bannā'iw wa gawwāṣ(in).
[37] at ang mga demonyo [na jinn]: bawat tagapagpatayo at maninisid,

وَّاٰخَرِيْنَ مُقَرَّنِيْنَ فِى الْاَصْفَادِ٣٨
Wa ākharīna muqarranīna fil-aṣfād(i).
[38] at may mga ibang pinaggagapos sa mga posas.

هٰذَا عَطَاۤؤُنَا فَامْنُنْ اَوْ اَمْسِكْ بِغَيْرِ حِسَابٍ٣٩
Hāżā ‘aṭā'unā famnun au amsik bigairi ḥisāb(in).
[39] Ito ay bigay Namin, kaya magmagandang-loob ka o magpigil ka nang walang pagtutuos.

وَاِنَّ لَهٗ عِنْدَنَا لَزُلْفٰى وَحُسْنَ مَاٰبٍ ࣖ٤٠
Wa inna lahū ‘indanā lazulfā wa ḥusna ma'āb(in).
[40] Tunay na mayroon siya sa ganang Amin na talagang kadikitan at kagandahan ng babalikan.

وَاذْكُرْ عَبْدَنَآ اَيُّوْبَۘ اِذْ نَادٰى رَبَّهٗٓ اَنِّيْ مَسَّنِيَ الشَّيْطٰنُ بِنُصْبٍ وَّعَذَابٍۗ٤١
Ważkur ‘abdanā ayyūb(a), iż nādā rabbahū annī massaniyasy-syaiṭānu binuṣbiw wa ‘ażāb(in).
[41] Banggitin mo ang lingkod Naming si Job noong nanawagan siya sa Panginoon niya: “Tunay na ako ay sinaling ng demonyo ng isang pagkapagal at isang pagdurusa.”

اُرْكُضْ بِرِجْلِكَۚ هٰذَا مُغْتَسَلٌۢ بَارِدٌ وَّشَرَابٌ٤٢
Urkuḍ birijlik(a), hāżā mugtasalum bāriduw wa syarāb(un).
[42] [Sinabihan siya]: “Magpadyak ka ng paa mo.” Ito ay isang paliguang malamig at isang inumin.

وَوَهَبْنَا لَهٗٓ اَهْلَهٗ وَمِثْلَهُمْ مَّعَهُمْ رَحْمَةً مِّنَّا وَذِكْرٰى لِاُولِى الْاَلْبَابِ٤٣
Wa wahabnā lahū ahlahū wa miṡlahum ma‘ahum raḥmatam minnā wa żikrā li'ulil-albāb(i).
[43] Nagkaloob Kami sa kanya ng mag-anak niya at tulad nila kasama sa kanila bilang awa mula sa Amin at bilang paalaala para sa mga may isip.

وَخُذْ بِيَدِكَ ضِغْثًا فَاضْرِبْ بِّهٖ وَلَا تَحْنَثْ ۗاِنَّا وَجَدْنٰهُ صَابِرًا ۗنِعْمَ الْعَبْدُ ۗاِنَّهٗٓ اَوَّابٌ٤٤
Wa khuż biyadika ḍigṡan faḍrib bihī wa lā taḥnaṡ, innā wajadnāhu ṣābirā(n), ni‘mal-‘abd(u), innahū awwāb(un).
[44] [Sinabi]: “Kumuha ka gamit ng kamay mo ng isang bungkos at pumalo ka gamit nito.497 Huwag kang sumira sa sinumpaan.” Tunay na Kami ay nakatagpo sa kanya na nagtitiis. Kay inam ang lingkod! Tunay na siya ay palabalik [kay Allāh].
[497] Ibig sabihin: “… at pumalo ka sa maybahay mo gamit nito.” Ito ay yayamang nanumpa si Job na gawin iyon kung magpapanumbalik si Allāh sa kanya sa kalusugan, bilang parusa sa maybahay niya sa pagpula nito sa kanya dahil sa pagtitiis niya sa pananampalataya niya.

وَاذْكُرْ عِبٰدَنَآ اِبْرٰهِيْمَ وَاِسْحٰقَ وَيَعْقُوْبَ اُولِى الْاَيْدِيْ وَالْاَبْصَارِ٤٥
Ważkur ‘ibādanā ibrāhīma wa isḥāqa wa ya‘qūba ulil-aidī wal-abṣār(i).
[45] Banggitin mo ang mga lingkod Naming sina Abraham, Isaac, at Jacob na mga may lakas at mga pagtalos.

اِنَّآ اَخْلَصْنٰهُمْ بِخَالِصَةٍ ذِكْرَى الدَّارِۚ٤٦
Innā akhlaṣnāhum bikhāliṣatin żikrad-dār(i).
[46] Tunay na Kami ay nagtangi sa kanila [sa isang layon] dahil sa isang natatanging katangian na pag-alaala sa tahanan [sa Kabilang-buhay].

وَاِنَّهُمْ عِنْدَنَا لَمِنَ الْمُصْطَفَيْنَ الْاَخْيَارِۗ٤٧
Wa innahum ‘indanā laminal-muṣṭafainal-akhyār(i).
[47] Tunay na sila, sa ganang Amin, ay talagang kabilang sa mga hinirang na mga mabuti.

وَاذْكُرْ اِسْمٰعِيْلَ وَالْيَسَعَ وَذَا الْكِفْلِ ۗوَكُلٌّ مِّنَ الْاَخْيَارِۗ٤٨
Ważkur ismā‘īla wal-yasa‘a wa żal-kifl(i), wa kullum minal-akhyār(i).
[48] Banggitin mo sina Ismael, Eliseo, at Dhulkifl. Bawat [isa] ay kabilang sa mga mabuti.

هٰذَا ذِكْرٌ ۗوَاِنَّ لِلْمُتَّقِيْنَ لَحُسْنَ مَاٰبٍۙ٤٩
Hāżā żikr(un), wa inna lil-muttaqīna laḥusna ma'āb(in).
[49] Ito ay isang pagbanggit. Tunay na ukol sa mga tagapangilag magkasala ay talagang isang kagandahan ng uuwian:

جَنّٰتِ عَدْنٍ مُّفَتَّحَةً لَّهُمُ الْاَبْوَابُۚ٥٠
Jannāti ‘adnim mufattaḥatal lahumul-abwāb(u).
[50] mga Hardin ng Eden na pinagbubuksan para sa kanila ang mga pintuan.

مُتَّكِـِٕيْنَ فِيْهَا يَدْعُوْنَ فِيْهَا بِفَاكِهَةٍ كَثِيْرَةٍ وَّشَرَابٍ٥١
Muttaki'īna fīhā yad‘ūna fīhā bifākihatin kaṡīratiw wa syarāb(in).
[51] Habang mga nakasandal sa loob ng mga iyon, mananawagan sila sa loob ng mga iyon ng prutas na marami at inumin.

۞ وَعِنْدَهُمْ قٰصِرٰتُ الطَّرْفِ اَتْرَابٌ٥٢
Wa ‘indahum qāṣirātuṭ-ṭarfi atrāb(un).
[52] Sa piling nila ay may mga babaing naglilimita ng sulyap [sa mga asawa nila lamang], na mga magkasinggulang.

هٰذَا مَا تُوْعَدُوْنَ لِيَوْمِ الْحِسَابِ٥٣
Hāżā mā tū‘adūna liyaumil-ḥisāb(i).
[53] Ito ay ang ipinangangako sa inyo para sa Araw ng Pagtutuos.

اِنَّ هٰذَا لَرِزْقُنَا مَا لَهٗ مِنْ نَّفَادٍۚ٥٤
Ina hāżā larizqunā mā lahū min nafād(in).
[54] Tunay na ito ay talagang ang panustos Namin, na wala itong anumang pagkaubos.

هٰذَا ۗوَاِنَّ لِلطّٰغِيْنَ لَشَرَّ مَاٰبٍۙ٥٥
Hāżā, wa inna liṭ-ṭāgīna lasyarra ma'āb(in).
[55] Ito nga [ay mangyayari]. Tunay na para sa mga tagapagmalabis ay talagang isang kasamaan ng uuwian:

جَهَنَّمَۚ يَصْلَوْنَهَاۚ فَبِئْسَ الْمِهَادُ٥٦
Jahannam(a), yaṣlaunahā, fabi'sal-mihād(u).
[56] ang Impiyerno na masusunog sila roon. Kaya kay saklap ang himlayan!

هٰذَاۙ فَلْيَذُوْقُوْهُ حَمِيْمٌ وَّغَسَّاقٌۙ٥٧
Hāżā, falyażūqūhu ḥamīmuw wa gassāq(un).
[57] Ito nga, kaya lasapin nila ito – isang nakapapasong tubig at nana,

وَّاٰخَرُ مِنْ شَكْلِهٖٓ اَزْوَاجٌۗ٥٨
Wa ākharu min syaklihī azwāj(un).
[58] at [mga parusang] iba pa, kabilang sa kaanyo nito, na mga pares [ng magkasulangatan parusa].

هٰذَا فَوْجٌ مُّقْتَحِمٌ مَّعَكُمْۚ لَا مَرْحَبًا ۢبِهِمْ ۗ اِنَّهُمْ صَالُوا النَّارِ٥٩
Hāżā faujum muqtaḥimum ma‘akum, lā marḥabam bihim, innahum ṣālun-nār(i).
[59] [Sasabihin]: “Ito ay isang pulutong na susugod kasama sa inyo. Walang mabuting pagtanggap sa kanila. Tunay na sila ay masusunog sa Apoy.”

قَالُوْا بَلْ اَنْتُمْ لَا مَرْحَبًاۢ بِكُمْ ۗ اَنْتُمْ قَدَّمْتُمُوْهُ لَنَاۚ فَبِئْسَ الْقَرَارُ٦٠
Qālū bal antum lā marḥabam bikum, antum qaddamtumūhu lanā, fabi'sal-qarār(u).
[60] Magsasabi sila: “Bagkus kayo! Walang mabuting pagtanggap sa inyo. Kayo ay nagpauna nito sa amin. Kaya kay saklap ang pamamalagian!”

قَالُوْا رَبَّنَا مَنْ قَدَّمَ لَنَا هٰذَا فَزِدْهُ عَذَابًا ضِعْفًا فِى النَّارِ٦١
Qālū rabbanā man qaddama lanā hāżā fazidhu ‘ażāban ḍi‘fan fin-nār(i).
[61] Magsasabi sila: “Panginoon namin, ang sinumang naghain sa amin nito ay magdagdag Ka sa kanya ng isang ibayong pagdurusa sa Apoy.”

وَقَالُوْا مَا لَنَا لَا نَرٰى رِجَالًا كُنَّا نَعُدُّهُمْ مِّنَ الْاَشْرَارِ٦٢
Wa qālū mā lanā lā narā rijālan kunnā na‘udduhum minal-asyrār(i).
[62] Magsasabi sila: “Ano ang mayroon sa atin na hindi tayo nakakikita ng mga lalaking dati nating ibinibilang sila kabilang sa mga masama?

اَتَّخَذْنٰهُمْ سِخْرِيًّا اَمْ زَاغَتْ عَنْهُمُ الْاَبْصَارُ٦٣
Attakhażnāhum sikhriyyan am zāgat ‘anhumul-abṣār(u).
[63] Gumawa ba tayo sa kanila ng isang panunuya o lumiko na palayo sa kanila ang mga paningin?”

اِنَّ ذٰلِكَ لَحَقٌّ تَخَاصُمُ اَهْلِ النَّارِ ࣖ٦٤
Inna żālika laḥaqqun takhāṣumu ahlin-nār(i).
[64] Tunay na iyon ay talagang isang katotohanan: ang pag-aalitan ng mga mamamayan ng Apoy.

قُلْ اِنَّمَآ اَنَا۠ مُنْذِرٌ ۖوَّمَا مِنْ اِلٰهٍ اِلَّا اللّٰهُ الْوَاحِدُ الْقَهَّارُ٦٥
Qul innamā ana munżir(un), wa mā min ilāhin illallāhul-wāḥidul-qahhār(u).
[65] Sabihin mo, [O Propeta Muḥammad]: “Ako ay isang tagapagbabala lamang. Walang anumang Diyos kundi si Allāh, ang Nag-iisa, ang Palalupig [sa lahat],

رَبُّ السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا الْعَزِيْزُ الْغَفَّارُ٦٦
Rabbus-samāwāti wal-arḍi wa mā bainahumal-‘azīzul-gaffār(u).
[66] ang Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, ang Makapangyarihan, ang Palapatawad.”

قُلْ هُوَ نَبَؤٌا عَظِيْمٌۙ٦٧
Qul huwa naba'un ‘aẓīm(un).
[67] Sabihin mo, [O Propeta Muḥammad]: “[Ang Qur’ān na] ito ay isang balitang dakila,

اَنْتُمْ عَنْهُ مُعْرِضُوْنَ٦٨
Antum ‘anhu mu‘riḍūn(a).
[68] na kayo rito ay mga umaayaw.

مَا كَانَ لِيَ مِنْ عِلْمٍۢ بِالْمَلَاِ الْاَعْلٰٓى اِذْ يَخْتَصِمُوْنَ٦٩
Mā kāna liya min ‘ilmim bil-mala'il-a‘lā iż yakhtaṣimūn(a).
[69] Hindi nagkaroon para sa akin ng anumang kaalaman hinggil sa konsehong pinakamataas [ng mga anghel] noong nag-aalitan sila.

اِنْ يُّوْحٰىٓ اِلَيَّ اِلَّآ اَنَّمَآ اَنَا۠ نَذِيْرٌ مُّبِيْنٌ٧٠
Iy yūḥā ilayya illā annamā ana nażīrum mubīn(un).
[70] Walang ikinakasi sa akin kundi ako ay isang mapagbabalang malinaw lamang.498
[498] hinggil sa parusa para sa sinumang nagtatambal kay Allāh ng anuman at gumagawa ng masama

اِذْ قَالَ رَبُّكَ لِلْمَلٰۤىِٕكَةِ اِنِّيْ خَالِقٌۢ بَشَرًا مِّنْ طِيْنٍ٧١
Iż qāla rabbuka lil-malā'ikati innī khāliqum basyaram min ṭīn(in).
[71] [Banggitin] noong nagsabi ang Panginoon mo sa mga anghel: “Tunay na Ako ay lilikha ng isang mortal mula sa putik.”

فَاِذَا سَوَّيْتُهٗ وَنَفَخْتُ فِيْهِ مِنْ رُّوْحِيْ فَقَعُوْا لَهٗ سٰجِدِيْنَ٧٢
Fa'iżā sawwaituhū wa nafakhtu fīhi mir rūḥī faqa‘ū lahū sājidīn(a).
[72] Kaya noong humubog Ako rito at umihip Ako rito mula sa espiritu [na nilikha] Ko ay magsibagsak kayo sa kanya na mga nakapatirapa.

فَسَجَدَ الْمَلٰۤىِٕكَةُ كُلُّهُمْ اَجْمَعُوْنَۙ٧٣
Fasajadal-malā'ikatu kulluhum ajma‘ūn(a).
[73] Kaya nagpatirapa ang mga anghel sa kabuuan nila nang magkakasama,

اِلَّآ اِبْلِيْسَۗ اِسْتَكْبَرَ وَكَانَ مِنَ الْكٰفِرِيْنَ٧٤
Illā iblīs(a), istakbara wa kāna minal-kafirīn(a).
[74] maliban si Satanas; nagmalaki siya at siya ay naging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya.499
[499] dahil sa pagsalungat sa utos ni Allāh at pagmamalik sa paglayo sa pagtalima.

قَالَ يٰٓاِبْلِيْسُ مَا مَنَعَكَ اَنْ تَسْجُدَ لِمَا خَلَقْتُ بِيَدَيَّ ۗ اَسْتَكْبَرْتَ اَمْ كُنْتَ مِنَ الْعَالِيْنَ٧٥
Qāla yā iblīsu mā mana‘aka an tasjuda limā khalaqtu biyadayy(a), astakbarta am kunta minal-‘ālīn(a).
[75] Nagsabi Siya: “O Satanas, ano ang pumigil sa iyo na magpatirapa ka sa nilikha Ko sa pamamagitan ng dalawang kamay Ko? Nagmalaki ka ba [sa pag-ayaw magpatirapa] o naging kabilang ka sa mga nagpakamataas?”

قَالَ اَنَا۠ خَيْرٌ مِّنْهُ خَلَقْتَنِيْ مِنْ نَّارٍ وَّخَلَقْتَهٗ مِنْ طِيْنٍ٧٦
Qāla ana khairum minhu khalaqtanī min nāriw wa khalaqtahū min ṭīn(in).
[76] Nagsabi [si Satanas]: “Ako ay higit na mabuti kaysa sa kanya; lumikha Ka sa akin mula sa isang apoy at lumikha Ka sa kanya mula sa isang putik.”

قَالَ فَاخْرُجْ مِنْهَا فَاِنَّكَ رَجِيْمٌۖ٧٧
Qāla fakhruj minhā fa'innaka rajīm(un).
[77] Nagsabi Siya: “Kaya lumabas ka mula rito sapagkat tunay na ikaw ay kasumpa-sumpa.

وَّاِنَّ عَلَيْكَ لَعْنَتِيْٓ اِلٰى يَوْمِ الدِّيْنِ٧٨
Wa inna ‘alaika la‘natī ilā yaumid-dīn(i).
[78] Tunay na sumaiyo ang sumpa Ko hanggang sa Araw ng Pagtutumbas.”

قَالَ رَبِّ فَاَنْظِرْنِيْٓ اِلٰى يَوْمِ يُبْعَثُوْنَ٧٩
Qāla rabbi fa'anẓirnī ilā yaumi yub‘aṡūn(a).
[79] Nagsabi [si Satanas]: “Panginoon ko, kaya magpaantala Ka sa akin hanggang sa Araw na bubuhayin sila.”

قَالَ فَاِنَّكَ مِنَ الْمُنْظَرِيْنَۙ٨٠
Qāla fa'innaka minal-munẓarīn(a).
[80] Nagsabi Siya: “Kaya tunay na ikaw ay kabilang sa mga inaantala

اِلٰى يَوْمِ الْوَقْتِ الْمَعْلُوْمِ٨١
Ilā yaumil-waqtil-ma‘lūm(i).
[81] hanggang sa araw ng panahong nalalaman [Ko lamang].”

قَالَ فَبِعِزَّتِكَ لَاُغْوِيَنَّهُمْ اَجْمَعِيْنَۙ٨٢
Qāla fabi‘izzatika la'ugwiyannahum ajma‘īn(a).
[82] Nagsabi [si Satanas]: “Kaya sumpa man sa kapangyarihan Mo, talagang maglilisya nga ako sa kanila nang magkakasama,

اِلَّا عِبَادَكَ مِنْهُمُ الْمُخْلَصِيْنَ٨٣
Illā ‘ibādaka minhumul-mukhlaṣīn(a).
[83] maliban sa mga lingkod Mo kabilang sa kanila na mga itinangi.”

قَالَ فَالْحَقُّۖ وَالْحَقَّ اَقُوْلُۚ٨٤
Qāla fal-ḥaqq(u), wal-ḥaqqa aqūl(u).
[84] Nagsabi Siya: “Sapagkat ang katotohanan [ay mula sa Akin] at ang katotohanan ay sinasabi Ko:

لَاَمْلَـَٔنَّ جَهَنَّمَ مِنْكَ وَمِمَّنْ تَبِعَكَ مِنْهُمْ اَجْمَعِيْنَ٨٥
La'amla'anna jahannama minka wa mimman tabi‘aka minhum ajma‘īn(a).
[85] Talagang magpupuno nga Ako ng Impiyerno mula sa iyo [kabilang sa tao at jinn] at mula sa sinumang sumunod sa iyo kabilang sa kanila nang magkakasama!”

قُلْ مَآ اَسْـَٔلُكُمْ عَلَيْهِ مِنْ اَجْرٍ وَّمَآ اَنَا۠ مِنَ الْمُتَكَلِّفِيْنَ٨٦
Qul mā as'alukum ‘alaihi min ajriw wa mā ana minal-mutakallifīn(a).
[86] Sabihin mo, [O Propeta Muḥammad]: “Hindi ako humihingi sa inyo dahil dito [sa Mensahe] ng anumang pabuya. Ako ay hindi kabilang sa mga nagkukunwari.

اِنْ هُوَ اِلَّا ذِكْرٌ لِّلْعٰلَمِيْنَ٨٧
In huwa illā żikrul lil-‘ālamīn(a).
[87] Walang iba [ang Qur’ān na] ito kundi isang paalaala para sa mga nilalang.

وَلَتَعْلَمُنَّ نَبَاَهٗ بَعْدَ حِيْنٍ ࣖ٨٨
Wa lata‘lamunna naba'ahū ba‘da ḥīn(in).
[88] Talagang makaaalam nga kayo ng balita nito matapos ng isang panahon.”