Surah As-Saffat
بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
وَالصّٰۤفّٰتِ صَفًّاۙ١
Waṣ-ṣāffāti ṣaffā(n).
[1]
Sumpa man [ni Allāh] sa mga [anghel na] nakahanay sa isang hanay [para sa pagsamba sa Kanya],
فَالزّٰجِرٰتِ زَجْرًاۙ٢
Faz-zājirāti zajrā(n).
[2]
saka sa mga [mga anghel na] tagapagtabog sa isang pagtatabog [ng mga ulap],
فَالتّٰلِيٰتِ ذِكْرًاۙ٣
Fat-tāliyāti żikrā(n).
[3]
saka sa mga [anghel na] bumibigkas ng isang paalaala [ni Allāh];
اِنَّ اِلٰهَكُمْ لَوَاحِدٌۗ٤
Inna ilāhakum lawāḥid(un).
[4]
tunay na ang Diyos ninyo ay talagang nag-iisa,
رَبُّ السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا وَرَبُّ الْمَشَارِقِۗ٥
Rabbus-samāwāti wal-arḍi wa mā bainahumā wa rabbul-masyāriq(i).
[5]
ang Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito at ang Panginoon ng mga silangan.
اِنَّا زَيَّنَّا السَّمَاۤءَ الدُّنْيَا بِزِيْنَةِ ِۨالْكَوَاكِبِۙ٦
Innā zayyannas-samā'ad-dun-yā bizīnatinil-kawākib(i).
[6]
Tunay na Kami ay gumayak sa langit na pinakamababa ng gayak: ang mga tala,
وَحِفْظًا مِّنْ كُلِّ شَيْطٰنٍ مَّارِدٍۚ٧
Wa ḥifẓam min kulli syaiṭānim mārid(in).
[7]
at bilang pangangalaga laban sa bawat demonyong naghihimagsik.
لَا يَسَّمَّعُوْنَ اِلَى الْمَلَاِ الْاَعْلٰى وَيُقْذَفُوْنَ مِنْ كُلِّ جَانِبٍۖ٨
Lā yassammā‘ūna ilal-mala'il-a‘lā wa yuqżafūna min kulli jānib(in).
[8]
Hindi sila nakikinig-kinig sa konsehong pinakamataas [malibang] habang pinupukol sila mula sa bawat gilid
دُحُوْرًا وَّلَهُمْ عَذَابٌ وَّاصِبٌ٩
Duḥūraw wa lahum ‘ażābuw wāṣib(un).
[9]
sa isang pagpapalayas. Ukol sa mga ito ay isang pagdurusang palagian,
اِلَّا مَنْ خَطِفَ الْخَطْفَةَ فَاَتْبَعَهٗ شِهَابٌ ثَاقِبٌ١٠
Illā man khaṭifal-khaṭfata fa'atba‘ahū syihābun ṡāqib(un).
[10]
maliban sa sinumang humahablot ng hablot [na salita] ngunit sinusundan siya ng isang ningas na nanunuot.
فَاسْتَفْتِهِمْ اَهُمْ اَشَدُّ خَلْقًا اَمْ مَّنْ خَلَقْنَا ۗاِنَّا خَلَقْنٰهُمْ مِّنْ طِيْنٍ لَّازِبٍ١١
Fastaftihim ahum asyaddu khalqan am man khalaqnā, innā khalaqnāhum min ṭīnil lāzib(in).
[11]
Kaya magsiyasat ka sa kanila [na nagkakaila ng pagkabuhay]: “Sila ba ay higit na matindi sa pagkakalikha o ang [ibang] nilikha Namin?” Tunay na Kami ay lumikha sa kanila mula sa isang putik na malagkit.
بَلْ عَجِبْتَ وَيَسْخَرُوْنَ ۖ١٢
Bal ‘ajibta wa yaskharūn(a).
[12]
Bagkus namangha ka [sa kapalaluan nila] habang nanunuya sila [sa iyo at sa Qur’ān].
وَاِذَا ذُكِّرُوْا لَا يَذْكُرُوْنَ ۖ١٣
Wa iżā żukkirū lā yażkurūn(a).
[13]
Kapag pinaalalahanan sila ay hindi sila nag-aalaala.
وَاِذَا رَاَوْا اٰيَةً يَّسْتَسْخِرُوْنَۖ١٤
Wa iżā ra'au āyatay yastaskhirūn(a).
[14]
Kapag nakakita sila ng isang tanda ay ipinatutuya nila.
وَقَالُوْٓا اِنْ هٰذَآ اِلَّا سِحْرٌ مُّبِيْنٌ ۚ١٥
Wa qālū in hāżā illā siḥrum mubīn(un).
[15]
Nagsasabi sila: “Walang iba ito kundi isang panggagaway na malinaw.
ءَاِذَا مِتْنَا وَكُنَّا تُرَابًا وَّعِظَامًا ءَاِنَّا لَمَبْعُوْثُوْنَۙ١٦
A'iżā mitnā wa kunnā turābaw wa ‘iẓāman a'innā lamab‘ūṡūn(a).
[16]
Kapag namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga buto, tunay bang kami ay talagang mga bubuhayin [mula sa pagkamatay]
اَوَاٰبَاۤؤُنَا الْاَوَّلُوْنَۗ١٧
Awa ābā'unal-awwalūn(a).
[17]
at ang mga ninuno ba naming sinauna?”
قُلْ نَعَمْ وَاَنْتُمْ دٰخِرُوْنَۚ١٨
Qul na‘am wa antum dākhirūn(a).
[18]
Sabihin mo: “Oo, at kayo ay mga aabahin.”
فَاِنَّمَا هِيَ زَجْرَةٌ وَّاحِدَةٌ فَاِذَا هُمْ يَنْظُرُوْنَ١٩
Fa'innamā hiya zajratuw wāḥidatun fa'iżā hum yanẓurūn(a).
[19]
Saka ito ay nag-iisang bulyaw lamang, saka biglang sila ay nakatingin.
وَقَالُوْا يٰوَيْلَنَا هٰذَا يَوْمُ الدِّيْنِ٢٠
Wa qālū yā wailanā hāżā yaumud-dīn(i).
[20]
Magsasabi sila: “O kapighatian sa amin! Ito ay ang Araw ng Pagtutumbas.”
هٰذَا يَوْمُ الْفَصْلِ الَّذِيْ كُنْتُمْ بِهٖ تُكَذِّبُوْنَ ࣖ٢١
Hāżā yaumul-faṣlil-lażī kuntum bihī tukażżibūn(a).
[21]
[Sasabihin sa kanila:] “Ito ay ang Araw ng Pagpapasya na kayo dati dito ay nagpapasinungaling.”
اُحْشُرُوا الَّذِيْنَ ظَلَمُوْا وَاَزْوَاجَهُمْ وَمَا كَانُوْا يَعْبُدُوْنَ ۙ٢٢
Uḥsyurul-lażīna ẓalamū wa azwājahum wa mā kānū ya‘budūn(a).
[22]
[Sasabihin sa mga anghel]: “Kalapin ninyo ang mga lumabag sa katarungan, ang mga kauri nila, at ang anumang dati nilang sinasamba
مِنْ دُوْنِ اللّٰهِ فَاهْدُوْهُمْ اِلٰى صِرَاطِ الْجَحِيْمِ٢٣
Min dūnillāhi fahdūhum ilā ṣirāṭil-jaḥīm(i).
[23]
bukod pa kay Allāh, saka patnubayan ninyo sila tungo sa landasin ng Impiyerno,
وَقِفُوْهُمْ اِنَّهُمْ مَّسْـُٔوْلُوْنَ ۙ٢٤
Waqifūhum innahum mas'ūlūn(a).
[24]
at patigilin ninyo sila; tunay na sila ay mga pananagutin.”
مَا لَكُمْ لَا تَنَاصَرُوْنَ٢٥
Mā lakum lā tanāṣarūn(a).
[25]
[Sasabihin]: “Ano ang mayroon sa inyo [na mga tagatangging sumampalataya] na hindi kayo nag-aadyaan?”
بَلْ هُمُ الْيَوْمَ مُسْتَسْلِمُوْنَ٢٦
Bal humul-yauma mustaslimūn(a).
[26]
Bagkus sila sa Araw na iyon ay mga susuko.
وَاَقْبَلَ بَعْضُهُمْ عَلٰى بَعْضٍ يَّتَسَاۤءَلُوْنَ٢٧
Wa aqbala ba‘ḍuhum ‘alā ba‘ḍiy yatasā'alūn(a).
[27]
Lalapit ang iba sa kanila sa iba pa, na nagtatanungan.
قَالُوْٓا اِنَّكُمْ كُنْتُمْ تَأْتُوْنَنَا عَنِ الْيَمِيْنِ٢٨
Qālū innakum kuntum ta'tūnanā ‘anil-yamīn(i).
[28]
Magsasabi sila: “Tunay kayo ay dating pumupunta sa amin buhat sa kanan.”
قَالُوْا بَلْ لَّمْ تَكُوْنُوْا مُؤْمِنِيْنَۚ٢٩
Qālū bal lam takūnū mu'minīn(a).
[29]
Magsasabi sila: “Bagkus hindi kayo dati mga mananampalataya.
وَمَا كَانَ لَنَا عَلَيْكُمْ مِّنْ سُلْطٰنٍۚ بَلْ كُنْتُمْ قَوْمًا طٰغِيْنَ٣٠
Wa mā kāna lanā ‘alaikum min sulṭān(in), bal kuntum qauman ṭāgīn(a).
[30]
Hindi kami nagkaroon sa inyo ng anumang kapamahalaan; bagkus kayo dati ay mga taong tagapagmalabis.
فَحَقَّ عَلَيْنَا قَوْلُ رَبِّنَآ ۖاِنَّا لَذَاۤىِٕقُوْنَ٣١
Fa ḥaqqa ‘alainā qaulu rabbinā, innā lażā'iqūn(a).
[31]
Kaya nagindapat sa atin ang pag-atas ng Panginoon natin; tunay na tayo ay talagang mga lalasap [ng pagdurusa].
فَاَغْوَيْنٰكُمْ اِنَّا كُنَّا غٰوِيْنَ٣٢
Fa agwainākum innā kunnā gāwīn(a).
[32]
Kaya naglisya kami sa inyo; tunay na kami ay dating mga nalilisya.”
فَاِنَّهُمْ يَوْمَىِٕذٍ فِى الْعَذَابِ مُشْتَرِكُوْنَ٣٣
Fa innahum yauma'iżin fil-‘ażābi musytarikūn(a).
[33]
Kaya tunay na sila sa Araw na iyon sa pagdurusa ay mga lumalahok.
اِنَّا كَذٰلِكَ نَفْعَلُ بِالْمُجْرِمِيْنَ٣٤
Innā każālika naf‘alu bil-mujrimīn(a).
[34]
Tunay na Kami ay gagawa ng gayon sa mga salarin.
اِنَّهُمْ كَانُوْٓا اِذَا قِيْلَ لَهُمْ لَآ اِلٰهَ اِلَّا اللّٰهُ يَسْتَكْبِرُوْنَ ۙ٣٥
Innahum kānū iżā qīla lahum lā ilāha illallāhu yastakbirūn(a).
[35]
Tunay na sila dati, kapag sinabi sa kanila na walang Diyos [na karapat-dapat sa pagsamba] kundi si Allāh, ay nagmamalaki
وَيَقُوْلُوْنَ اَىِٕنَّا لَتَارِكُوْٓا اٰلِهَتِنَا لِشَاعِرٍ مَّجْنُوْنٍ ۗ٣٦
Wa yaqūlūna a'innā latārikū ālihatinā lisyā‘irim majnūn(in).
[36]
at nagsasabi: “Tunay na kami ba ay talagang mga mag-iiwan sa mga diyos namin dahil sa isang manunulang baliw?”
بَلْ جَاۤءَ بِالْحَقِّ وَصَدَّقَ الْمُرْسَلِيْنَ٣٧
Bal jā'a bil-ḥaqqi wa ṣaddaqal-mursalīn(a).
[37]
Bagkus naghatid siya, [si Propeta Muḥammad], ng katotohanan at nagpatotoo sa mga [naunang] isinugo [ni Allāh].
اِنَّكُمْ لَذَاۤىِٕقُوا الْعَذَابِ الْاَلِيْمِ ۚ٣٨
Innakum lażā'iqul-‘ażābil-alīm(i).
[38]
Tunay na kayo ay talagang mga lalasap ng pagdurusang masakit.
وَمَا تُجْزَوْنَ اِلَّا مَا كُنْتُمْ تَعْمَلُوْنَۙ٣٩
Wa mā tujzauna illā mā kuntum ta‘malūn(a).
[39]
Hindi kayo ginagantihan maliban ng ayon sa dati ninyong ginagawa,
اِلَّا عِبَادَ اللّٰهِ الْمُخْلَصِيْنَ٤٠
Illā ‘ibādallāhil-mukhlaṣīn(a).
[40]
maliban sa mga itinanging lingkod ni Allāh.
اُولٰۤىِٕكَ لَهُمْ رِزْقٌ مَّعْلُوْمٌۙ٤١
Ulā'ika lahum rizqum ma‘lūm(un).
[41]
Ang mga iyon ay may ukol sa kanila na isang panustos na nalalaman [sa Paraiso]:
فَوَاكِهُ ۚوَهُمْ مُّكْرَمُوْنَۙ٤٢
Fawākihu wa hum mukramūn(a).
[42]
mga bungang-kahoy, habang sila ay mga pinararangalan
فِيْ جَنّٰتِ النَّعِيْمِۙ٤٣
Fī jannātin na‘īm(i).
[43]
sa mga hardin ng kaginhawahan,
عَلٰى سُرُرٍ مُّتَقٰبِلِيْنَ٤٤
‘Alā sururim mutaqābilīn(a).
[44]
sa mga kama na mga magkakaharap.
يُطَافُ عَلَيْهِمْ بِكَأْسٍ مِّنْ مَّعِيْنٍۢ ۙ٤٥
Yuṭāfu ‘alaihim bika'sim mim ma‘īn(in).
[45]
Magpapaikot sa kanila ng kopa [ng alak] mula sa isang [bukal na] umaagos,
بَيْضَاۤءَ لَذَّةٍ لِّلشّٰرِبِيْنَۚ٤٦
Baiḍā'a lażżatil lisy-syāribīn(a).
[46]
na maputi, na kasarapan para sa mga iinom.
لَا فِيْهَا غَوْلٌ وَّلَا هُمْ عَنْهَا يُنْزَفُوْنَ٤٧
Lā fīhā gauluw wa lā hum ‘anhā yunzafūn(a).
[47]
Wala ritong kalanguan ni sila buhat dito ay palalasingin.
وَعِنْدَهُمْ قٰصِرٰتُ الطَّرْفِ عِيْنٌ ۙ٤٨
Wa ‘indahum qāṣirātuṭ-ṭarfi ‘īn(un).
[48]
Sa piling nila ay may mga babaing naglilimita ng sulyap, na [may magandang] mga mata,
كَاَنَّهُنَّ بَيْضٌ مَّكْنُوْنٌ٤٩
Ka'annahum baiḍum maknūn(un).
[49]
na para bang sila ay mga itlog na itinatago.
فَاَقْبَلَ بَعْضُهُمْ عَلٰى بَعْضٍ يَّتَسَاۤءَلُوْنَ٥٠
Fa'aqbala ba‘ḍuhum ‘alā ba‘ḍiy yatasā'alūn(a).
[50]
Kaya lalapit ang iba sa kanila sa iba pa habang nagtatanungan.
قَالَ قَاۤىِٕلٌ مِّنْهُمْ اِنِّيْ كَانَ لِيْ قَرِيْنٌۙ٥١
Qāla qā'ilum minhum innī kāna lī qarīn(un).
[51]
Sasabihin ng isang magsasabi kabilang sa kanila: “Tunay na ako ay dating may isang kapisan
يَّقُوْلُ اَءِنَّكَ لَمِنَ الْمُصَدِّقِيْنَ٥٢
Yaqūlu a'innaka laminal-muṣaddiqīn(a).
[52]
na nagsasabi: “Tunay na ikaw ba ay talagang kabilang sa mga tagapagpatotoo [sa pagbuhay ng mga patay]?
ءَاِذَا مِتْنَا وَكُنَّا تُرَابًا وَّعِظَامًا ءَاِنَّا لَمَدِيْنُوْنَ٥٣
A'iżā mitnā wa kunnā turāban a'innā lamadīnūn(a).
[53]
Kapag ba namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga buto, tunay bang kami ay talagang mga tutumbasan?”
قَالَ هَلْ اَنْتُمْ مُّطَّلِعُوْنَ٥٤
Qāla hal antum muṭṭali‘ūn(a).
[54]
Magsasabi ito: “Kayo kaya ay mga titingin?”
فَاطَّلَعَ فَرَاٰهُ فِيْ سَوَاۤءِ الْجَحِيْمِ٥٥
Faṭṭala‘a fa ra'āhu fī sawā'il-jaḥīm(i).
[55]
Kaya titingin ito saka makikita nito iyon sa kalagitnaan ng Impiyerno.
قَالَ تَاللّٰهِ اِنْ كِدْتَّ لَتُرْدِيْنِ ۙ٥٦
Qāla tallāhi in kitta laturdīn(i).
[56]
Magsasabi ito: “Sumpa man kay Allāh, tunay na muntik ka talagang sumawi sa akin.
وَلَوْلَا نِعْمَةُ رَبِّيْ لَكُنْتُ مِنَ الْمُحْضَرِيْنَ٥٧
Wa lau lā ni‘matu rabbī lakuntu minal-muḥḍarīn(a).
[57]
Kung hindi dahil sa biyaya ng Panginoon ko, talaga sanang ako ay naging kabilang na sa mga padadaluhin [sa pagdurusa].
اَفَمَا نَحْنُ بِمَيِّتِيْنَۙ٥٨
Afamā naḥnu bimayyitīn(a).
[58]
Kaya ba tayo ay hindi mga namatay,
اِلَّا مَوْتَتَنَا الْاُوْلٰى وَمَا نَحْنُ بِمُعَذَّبِيْنَ٥٩
Illā mautatunal-ūlā wa mā naḥnu bimu‘ażżabīn(a).
[59]
maliban sa pagkamatay nating una, at tayo ay hindi mga pagdurusahin?”
اِنَّ هٰذَا لَهُوَ الْفَوْزُ الْعَظِيْمُ٦٠
Inna hāżā lahuwal-fauzul-‘aẓīm(u).
[60]
Tunay na ito ay talagang ang pagkatamong sukdulan.
لِمِثْلِ هٰذَا فَلْيَعْمَلِ الْعٰمِلُوْنَ٦١
Limiṡli hāżā falya‘malil-‘āmilūn(a).
[61]
Para sa tulad nito ay gumawa ang mga tagagawa.
اَذٰلِكَ خَيْرٌ نُّزُلًا اَمْ شَجَرَةُ الزَّقُّوْمِ٦٢
Ażālika khairun nuzulan am syajaratuz-zaqqūm(i).
[62]
Iyon ba ay higit na mabuti bilang tuluyan o ang puno ng zaqqūm?
اِنَّا جَعَلْنٰهَا فِتْنَةً لِّلظّٰلِمِيْنَ٦٣
Innā ja‘alnāhā fitnatal liẓ-ẓālimīn(a).
[63]
Tunay na Kami ay gumawa roon bilang pagsubok para sa mga tagalabag sa katarungan.
اِنَّهَا شَجَرَةٌ تَخْرُجُ فِيْٓ اَصْلِ الْجَحِيْمِۙ٦٤
Innahā syajaratun takhruju fī aṣlil-jaḥīm(i).
[64]
Tunay na ito ay isang punong-kahoy na lumalabas sa ugat ng Impiyerno.
طَلْعُهَا كَاَنَّهٗ رُءُوْسُ الشَّيٰطِيْنِ٦٥
Ṭal‘uhā ka'annahū ru'ūsusy-syayāṭīn(i).
[65]
Ang mga usbong nito ay para bang ang mga iyon ay mga ulo ng mga demonyo.
فَاِنَّهُمْ لَاٰكِلُوْنَ مِنْهَا فَمَالِـُٔوْنَ مِنْهَا الْبُطُوْنَۗ٦٦
Fa innahum la'ākilūna minhā fa māli'ūna minhal-buṭūn(a).
[66]
Saka tunay na sila ay talagang mga kakain mula rito saka mga pupuno mula rito ng mga tiyan [nila].
ثُمَّ اِنَّ لَهُمْ عَلَيْهَا لَشَوْبًا مِّنْ حَمِيْمٍۚ٦٧
Ṡumma inna lahum ‘alaihā lasyaubam min ḥamīm(in).
[67]
Pagkatapos tunay na ukol sa kanila higit doon ay talagang isang halo ng nakapapasong tubig.
ثُمَّ اِنَّ مَرْجِعَهُمْ لَاِلَى الْجَحِيْمِ٦٨
Ṡumma inna marji‘ahum la'ilal-jaḥīm(i).
[68]
Pagkatapos tunay na ang babalikan nila ay talagang tungo sa Impiyerno.
اِنَّهُمْ اَلْفَوْا اٰبَاۤءَهُمْ ضَاۤلِّيْنَۙ٦٩
Innahum alfau ābā'ahum ḍāllīn(a).
[69]
Tunay na sila ay nakasumpong sa mga magulang nila na mga naliligaw.
فَهُمْ عَلٰٓى اٰثٰرِهِمْ يُهْرَعُوْنَ٧٠
Fahum ‘alā āṡārihim yuhra‘ūn(a).
[70]
Kaya sila sa mga bakas ng mga iyon ay nag-aapura.
وَلَقَدْ ضَلَّ قَبْلَهُمْ اَكْثَرُ الْاَوَّلِيْنَۙ٧١
Wa laqad ḍalla qablahum akṡarul-awwalīn(a).
[71]
Talaga ngang naligaw bago nila ang higit na marami sa mga sinauna.
وَلَقَدْ اَرْسَلْنَا فِيْهِمْ مُّنْذِرِيْنَ٧٢
Wa laqad arsalnā fīhim munżirīn(a).
[72]
Talaga ngang nagsugo Kami sa gitna nila ng mga tagapagbabala.
فَانْظُرْ كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُنْذَرِيْنَۙ٧٣
Fanẓur kaifa kāna ‘āqibatul-munżarīn(a).
[73]
Kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga binalaan [ngunit hindi pumansin],
اِلَّا عِبَادَ اللّٰهِ الْمُخْلَصِيْنَ ࣖ٧٤
Illā ‘ibādallāhil-mukhlaṣīn(a).
[74]
maliban sa mga itinanging lingkod ni Allāh.
وَلَقَدْ نَادٰىنَا نُوْحٌ فَلَنِعْمَ الْمُجِيْبُوْنَۖ٧٥
Wa laqad nādānā nūḥun falani‘mal-mujībūn(a).
[75]
Talaga ngang nanawagan sa Amin si Noe, saka talagang kay inam ang Tagatugon [sa panalangin].
وَنَجَّيْنٰهُ وَاَهْلَهٗ مِنَ الْكَرْبِ الْعَظِيْمِۖ٧٦
Wa najjaināhu wa ahlahū minal-karbil-‘aẓīm(i).
[76]
Nagligtas Kami sa kanya at sa mag-anak niya mula sa dalamhating sukdulan [ng paggunaw].
وَجَعَلْنَا ذُرِّيَّتَهٗ هُمُ الْبَاقِيْنَ٧٧
Wa ja‘alnā żurriyyatahū humul-bāqīn(a).
[77]
Gumawa Kami sa mga supling niya na sila ay ang mga natitira.
وَتَرَكْنَا عَلَيْهِ فِى الْاٰخِرِيْنَ ۖ٧٨
Wa taraknā ‘alaihi fil-ākhirīn(a).
[78]
Nag-iwan Kami para sa kanya ng [magandang alaala] sa mga nahuli.
سَلٰمٌ عَلٰى نُوْحٍ فِى الْعٰلَمِيْنَ٧٩
Salāmun ‘alā nūḥin fil-‘ālamīn(a).
[79]
Kapayapaan ay sumakay Noe sa mga nilalang.
اِنَّا كَذٰلِكَ نَجْزِى الْمُحْسِنِيْنَ٨٠
Innā każālika najzil-muḥsinīn(a).
[80]
Tunay na Kami ay gayon gumaganti sa mga tagagawa ng maganda.
اِنَّهٗ مِنْ عِبَادِنَا الْمُؤْمِنِيْنَ٨١
Innahū min ‘ibādinal-mu'minīn(a).
[81]
Tunay na siya ay kabilang sa mga lingkod Naming mga mananampalataya.
ثُمَّ اَغْرَقْنَا الْاٰخَرِيْنَ٨٢
Ṡumma agraqnal-ākharīn(a).
[82]
Pagkatapos nilunod Namin ang mga iba pa.
۞ وَاِنَّ مِنْ شِيْعَتِهٖ لَاِبْرٰهِيْمَ ۘ٨٣
Wa inna min syī‘atihī la'ibrāhīm(a).
[83]
Tunay na kabilang sa kakampi niya ay talagang si Abraham
اِذْ جَاۤءَ رَبَّهٗ بِقَلْبٍ سَلِيْمٍۙ٨٤
Iż jā'a rabbahū biqalbin salīm(in).
[84]
noong dumating siya sa Panginoon niya nang may pusong malinis,
اِذْ قَالَ لِاَبِيْهِ وَقَوْمِهٖ مَاذَا تَعْبُدُوْنَ ۚ٨٥
Iż qāla li'abīhi wa qaumihī māżā ta‘budūn(a).
[85]
noong nagsabi siya sa ama niya at mga kababayan niya: “Ano ang sinasamba ninyo?
اَىِٕفْكًا اٰلِهَةً دُوْنَ اللّٰهِ تُرِيْدُوْنَۗ٨٦
A'ifkan ālihatan dūnallāhi turīdūn(a).
[86]
Isang panlilinlang ba na mga diyos bukod pa kay Allāh, na ninanais ninyo?
فَمَا ظَنُّكُمْ بِرَبِّ الْعٰلَمِيْنَ٨٧
Famā ẓannukum birabbil-‘ālamīn(a).
[87]
Kaya ano ang palagay ninyo sa Panginoon ng mga nilalang?”
فَنَظَرَ نَظْرَةً فِى النُّجُوْمِۙ٨٨
Fa naẓara naẓratan fin-nujūm(i).
[88]
Kaya tumingin siya nang isang tingin sa mga bituin,
فَقَالَ اِنِّيْ سَقِيْمٌ٨٩
Fa qāla innī saqīm(un).
[89]
saka nagsabi: “Tunay na ako ay [magiging] maysakit.”
فَتَوَلَّوْا عَنْهُ مُدْبِرِيْنَ٩٠
Fa tawallau ‘anhu mudbirīn(a).
[90]
Kaya tumalikod sila palayo sa kanya habang mga lumilisan.
فَرَاغَ اِلٰٓى اٰلِهَتِهِمْ فَقَالَ اَلَا تَأْكُلُوْنَۚ٩١
Farāga ilā ālihatihim faqāla alā ta'kulūn(a).
[91]
Kaya tumalilis siya sa mga diyos nila saka nagsabi: “Hindi ba kayo kumakain [ng mga alay sa inyo]?
مَا لَكُمْ لَا تَنْطِقُوْنَ٩٢
Mā lakum lā tanṭiqūn(a).
[92]
Ano ang mayroon sa inyo na hindi kayo bumibigkas?”
فَرَاغَ عَلَيْهِمْ ضَرْبًا ۢبِالْيَمِيْنِ٩٣
Farāga ‘alaihim ḍarbam bil-yamīn(i).
[93]
Kaya tumalilis siya laban sa kanila ng isang hampas sa pamamagitan ng kanang kamay.
فَاَقْبَلُوْٓا اِلَيْهِ يَزِفُّوْنَ٩٤
Fa aqbalū ilaihi yaziffūn(a).
[94]
Kaya lumapit [ang mga mananamba ng anito] patungo sa kanya, na kumakaripas.
قَالَ اَتَعْبُدُوْنَ مَا تَنْحِتُوْنَۙ٩٥
Qāla ata‘budūna mā tanḥitūn(a).
[95]
Nagsabi [si Abraham]: “Sumasamba ba kayo sa nilililok ninyo
وَاللّٰهُ خَلَقَكُمْ وَمَا تَعْمَلُوْنَ٩٦
Wallāhu khalaqakum wa mā ta‘malūn(a).
[96]
samantalang si Allāh ay lumikha sa inyo at sa ginagawa ninyo?”
قَالُوا ابْنُوْا لَهٗ بُنْيَانًا فَاَلْقُوْهُ فِى الْجَحِيْمِ٩٧
Qālubnū lahū bun-yānan fa'alqūhu fil-jaḥīm(i).
[97]
Nagsabi sila: “Magpatayo kayo para sa kanya ng isang gusali, saka itapon ninyo siya sa Impiyerno.”
فَاَرَادُوْا بِهٖ كَيْدًا فَجَعَلْنٰهُمُ الْاَسْفَلِيْنَ٩٨
Fa arādū bihī kaidan faja‘alnāhumul-asfalīn(a).
[98]
Kaya nagnais sila sa kanya ng isang panlalansi ngunit gumawa Kami sa kanila bilang ang mga pinakamababa.
وَقَالَ اِنِّيْ ذَاهِبٌ اِلٰى رَبِّيْ سَيَهْدِيْنِ٩٩
Wa qāla innī żāhibun ilā rabbī sayahdīn(i).
[99]
Nagsabi [si Abraham]: “Tunay na ako ay pupunta sa Panginoon ko; magpapatnubay Siya sa akin.
رَبِّ هَبْ لِيْ مِنَ الصّٰلِحِيْنَ١٠٠
Rabbi hab lī minaṣ-ṣāliḥīn(a).
[100]
Panginoon ko, magkaloob Ka para sa akin [ng anak] kabilang sa mga maayos.”
فَبَشَّرْنٰهُ بِغُلٰمٍ حَلِيْمٍ١٠١
Fa basysyarnāhu bigulāmin ḥalīm(in).
[101]
Kaya nagbalita Kami sa kanya ng nakagagalak hinggil sa isang batang matimpiin.
فَلَمَّا بَلَغَ مَعَهُ السَّعْيَ قَالَ يٰبُنَيَّ اِنِّيْٓ اَرٰى فِى الْمَنَامِ اَنِّيْٓ اَذْبَحُكَ فَانْظُرْ مَاذَا تَرٰىۗ قَالَ يٰٓاَبَتِ افْعَلْ مَا تُؤْمَرُۖ سَتَجِدُنِيْٓ اِنْ شَاۤءَ اللّٰهُ مِنَ الصّٰبِرِيْنَ١٠٢
Falammā balaga ma‘ahus-sa‘ya qāla yā bunayya innī arā fil-manāmi annī ażbaḥuka fanẓur māżā tarā, qāla yā abatif‘al mā tu'mar(u), satajidunī in syā'allāhu minaṣ-ṣābirīn(a).
[102]
Kaya noong umabot ito kasama sa kanya sa [gulang ng] pagpupunyagi ay nagsabi siya: “O munting anak ko, tunay na ako ay nakakikita sa pagtulog na ako ay kumakatay sa iyo, kaya tumingin ka kung ano nakikita mo.” Nagsabi si Ismael: “O ama ko, gawin mo po ang ipinag-uutos sa iyo. Matatagpuan mo po ako, kung niloob ni Allāh, kabilang sa mga nagtitiis.”
فَلَمَّآ اَسْلَمَا وَتَلَّهٗ لِلْجَبِيْنِۚ١٠٣
Falammā aslamā wa tallahū lil-jabīn(i).
[103]
Kaya noong nagpasakop silang dalawa [si utos ni Allāh] at naglapag siya rito sa noo,
وَنَادَيْنٰهُ اَنْ يّٰٓاِبْرٰهِيْمُ ۙ١٠٤
Wa nādaināhu ay yā ibrāhīm(u).
[104]
nanawagan Kami sa kanya, [na nagsasabi]: “O Abraham,
قَدْ صَدَّقْتَ الرُّءْيَا ۚاِنَّا كَذٰلِكَ نَجْزِى الْمُحْسِنِيْنَ١٠٥
Qad ṣaddaqtar-ru'yā, innā każālika najzil-muḥsinīn(a).
[105]
nagpatotoo ka nga sa panaginip. Tunay na Kami ay gayon gumaganti sa mga tagagawa ng maganda.”
اِنَّ هٰذَا لَهُوَ الْبَلٰۤؤُا الْمُبِيْنُ١٠٦
Inna hāżā lahuwal-balā'ul-mubīn(u).
[106]
Tunay na ito ay talagang ang paglilitis na malinaw.
وَفَدَيْنٰهُ بِذِبْحٍ عَظِيْمٍ١٠٧
Wa fadaināhu biżibḥin ‘aẓīm(in).
[107]
Tumubos Kami kay Ismael sa pamamagitan ng isang alay na dakila.
وَتَرَكْنَا عَلَيْهِ فِى الْاٰخِرِيْنَ ۖ١٠٨
Wa taraknā ‘alaihi fil-ākhirīn(a).
[108]
Nag-iwan Kami para sa kanya [ng magandang pag-alaala] sa mga nahuli.
سَلٰمٌ عَلٰٓى اِبْرٰهِيْمَ١٠٩
Salāmun ‘alā ibrāhīm(a).
[109]
Kapayapaan ay sumakay Abraham.
كَذٰلِكَ نَجْزِى الْمُحْسِنِيْنَ١١٠
Każālika najzil-muḥsinīn(a).
[110]
Gayon Kami gumaganti sa mga tagagawa ng maganda.
اِنَّهٗ مِنْ عِبَادِنَا الْمُؤْمِنِيْنَ١١١
Innahū min ‘ibādinal-mu'minīn(a).
[111]
Tunay na siya ay kabilang sa mga lingkod Naming mga mananampalataya.
وَبَشَّرْنٰهُ بِاِسْحٰقَ نَبِيًّا مِّنَ الصّٰلِحِيْنَ١١٢
Wa basysyarnāhu bi'isḥāqa nabiyyam minaṣ-ṣāliḥīn(a).
[112]
Nagbalita Kami sa kanya ng nakalulugod hinggil kay Isaac bilang propeta kabilang sa mga maayos.
وَبٰرَكْنَا عَلَيْهِ وَعَلٰٓى اِسْحٰقَۗ وَمِنْ ذُرِّيَّتِهِمَا مُحْسِنٌ وَّظَالِمٌ لِّنَفْسِهٖ مُبِيْنٌ ࣖ١١٣
Wa bāraknā ‘alaihi wa ‘alā isḥāq(a), wa min żurriyyatihimā muḥsinuw wa ẓālimul linafsihī mubīn(un).
[113]
Pinagpala Namin siya at si Isaac. Mayroon sa mga supling nilang dalawa na tagagawa ng maganda at malinaw na tagalabag sa katarungan sa sarili nito.
وَلَقَدْ مَنَنَّا عَلٰى مُوْسٰى وَهٰرُوْنَ ۚ١١٤
Wa laqad manannā ‘alā mūsā wa hārūn(a).
[114]
Talagang nagmagandang-loob Kami kina Moises at Aaron.
وَنَجَّيْنٰهُمَا وَقَوْمَهُمَا مِنَ الْكَرْبِ الْعَظِيْمِۚ١١٥
Wa najjaināhumā wa qaumahumā minal-karbil-‘aẓīm(i).
[115]
Nagligtas Kami sa kanilang dalawa at sa mag-anak nilang dalawa mula sa dalamhating sukdulan [ng pang-aalipin].
وَنَصَرْنٰهُمْ فَكَانُوْا هُمُ الْغٰلِبِيْنَۚ١١٦
Wa naṣarnāhum fakānū humul-gālibīn(a).
[116]
Nag-adya Kami sa kanila kaya sila ay naging ang mga nananaig.
وَاٰتَيْنٰهُمَا الْكِتٰبَ الْمُسْتَبِيْنَ ۚ١١٧
Wa ātaināhumal-kitābal-mustabīn(a).
[117]
Nagbigay Kami sa kanilang dalawa ng kasulatang nagpapalinaw.
وَهَدَيْنٰهُمَا الصِّرَاطَ الْمُسْتَقِيْمَۚ١١٨
Wa hadaināhumaṣ-ṣirāṭal-mustaqīm(a).
[118]
Nagpatnubay Kami sa kanilang dalawa sa landasing tuwid.
وَتَرَكْنَا عَلَيْهِمَا فِى الْاٰخِرِيْنَ ۖ١١٩
Wa taraknā ‘alaihimā fil-ākhirīn(a).
[119]
Nag-iwan Kami para sa kanilang dalawa ng [magandang alaala] sa mga nahuli.
سَلٰمٌ عَلٰى مُوْسٰى وَهٰرُوْنَ١٢٠
Salāmun ‘alā mūsā wa hārūn(a).
[120]
Kapayapaan ay sumakina Moises at Aaron.
اِنَّا كَذٰلِكَ نَجْزِى الْمُحْسِنِيْنَ١٢١
Innā każālika najzil-muḥsinīn(a).
[121]
Tunay na Kami ay gayon gumaganti sa mga tagagawa ng maganda.
اِنَّهُمَا مِنْ عِبَادِنَا الْمُؤْمِنِيْنَ١٢٢
Innahumā min ‘ibādinal-mu'minīn(a).
[122]
Tunay na silang dalawa ay kabilang sa mga lingkod Naming mga mananampalataya.
وَاِنَّ اِلْيَاسَ لَمِنَ الْمُرْسَلِيْنَۗ١٢٣
Wa inna ilyāsa laminal-mursalīn(a).
[123]
Tunay na si Elias ay talagang kabilang sa mga isinugo,
اِذْ قَالَ لِقَوْمِهٖٓ اَلَا تَتَّقُوْنَ١٢٤
Iż qāla liqaumihī alā tattaqūn(a).
[124]
noong nagsabi siya sa mga kalipi niya: “Hindi ba kayo mangingilag magkasala?
اَتَدْعُوْنَ بَعْلًا وَّتَذَرُوْنَ اَحْسَنَ الْخٰلِقِيْنَۙ١٢٥
Atad‘ūna ba‘law wa tażarūna aḥsanal-khāliqīn(a).
[125]
Dumadalangin ba kayo kay Baal [na anito] at nagtatatwa kayo sa pinakamaganda sa gawa sa mga tagalikha,
اللّٰهَ رَبَّكُمْ وَرَبَّ اٰبَاۤىِٕكُمُ الْاَوَّلِيْنَ١٢٦
Allāha rabbakum wa rabba ābā'ikumul-awwalīn(a).
[126]
kay Allāh na Panginoon ninyo at Panginoon ng mga ninuno ninyong mga sinauna?”
فَكَذَّبُوْهُ فَاِنَّهُمْ لَمُحْضَرُوْنَۙ١٢٧
Fakażżabūhu fa'innahum lamuḥḍarūn(a).
[127]
Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya kaya tunay na sila ay talagang mga padadaluhin [sa Impiyerno],
اِلَّا عِبَادَ اللّٰهِ الْمُخْلَصِيْنَ١٢٨
Illā ‘ibādallāhil-mukhlaṣīn(a).
[128]
maliban sa mga itinanging lingkod ni Allāh.
وَتَرَكْنَا عَلَيْهِ فِى الْاٰخِرِيْنَ ۙ١٢٩
Wa taraknā ‘alaihi fil-ākhirīn(a).
[129]
Nag-iwan Kami para sa kanya ng [magandang alaala] sa mga nahuli.
سَلٰمٌ عَلٰٓى اِلْ يَاسِيْنَ١٣٠
Salāmun ‘alā ilyāsīn(a).
[130]
Kapayapaan ay sumakay Elias.
اِنَّا كَذٰلِكَ نَجْزِى الْمُحْسِنِيْنَ١٣١
Innā każālika najzil-muḥsinīn(a).
[131]
Tunay na Kami ay gayon gumaganti sa mga tagagawa ng maganda.
اِنَّهٗ مِنْ عِبَادِنَا الْمُؤْمِنِيْنَ١٣٢
Innahū min ‘ibādinal-mu'minīn(a).
[132]
Tunay na siya ay kabilang sa mga lingkod Naming mga mananampalataya.
وَاِنَّ لُوْطًا لَّمِنَ الْمُرْسَلِيْنَۗ١٣٣
Wa inna lūṭal laminal-mursalīn(a).
[133]
Tunay na si Lot ay talagang kabilang sa mga isinugo.
اِذْ نَجَّيْنٰهُ وَاَهْلَهٗٓ اَجْمَعِيْنَۙ١٣٤
Iż najjaināhu wa ahlahū ajma‘īn(a).
[134]
[Banggitin] noong nagligtas Kami sa kanya at sa mag-anak niya nang lahat-lahat,
اِلَّا عَجُوْزًا فِى الْغٰبِرِيْنَ١٣٥
Illā ‘ajūzan fil-gābirīn(a).
[135]
maliban sa isang matandang babae [na maybahay niya na kabilang] sa mga nagpapaiwan.
ثُمَّ دَمَّرْنَا الْاٰخَرِيْنَ١٣٦
Ṡumma dammarnal-ākharīn(a).
[136]
Pagkatapos winasak Namin ang mga iba.
وَاِنَّكُمْ لَتَمُرُّوْنَ عَلَيْهِمْ مُّصْبِحِيْنَۙ١٣٧
Wa innakum latamurrūna ‘alaihim muṣbiḥīn(a).
[137]
Tunay na kayo ay talagang nagdaraan sa kanila sa umaga
وَبِالَّيْلِۗ اَفَلَا تَعْقِلُوْنَ ࣖ١٣٨
Wa bil-lail(i), afalā ta‘qilūn(a).
[138]
at sa gabi. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa?
وَاِنَّ يُوْنُسَ لَمِنَ الْمُرْسَلِيْنَۗ١٣٩
Wa inna yūnusa laminal-mursalīn(a).
[139]
Tunay na si Jonas ay talagang kabilang sa mga isinugo [ni Allāh].
اِذْ اَبَقَ اِلَى الْفُلْكِ الْمَشْحُوْنِۙ١٤٠
Iż abaqa ilal-fulkil-masyḥūn(i).
[140]
[Banggitin] noong tumakas siya patungo sa daong na nilulanan.
فَسَاهَمَ فَكَانَ مِنَ الْمُدْحَضِيْنَۚ١٤١
Fa sāhama fakāna minal-mudḥaḍīn(a).
[141]
Kaya nakipagpalabunutan siya ngunit siya ay naging kabilang sa mga natalo.
فَالْتَقَمَهُ الْحُوْتُ وَهُوَ مُلِيْمٌ١٤٢
Faltaqamahul-ḥūtu wa huwa mulīm(un).
[142]
Kaya nilamon siya ng isda habang siya masisisi.
فَلَوْلَآ اَنَّهٗ كَانَ مِنَ الْمُسَبِّحِيْنَ ۙ١٤٣
Falau lā annahū kāna minal-musabbiḥīn(a).
[143]
Kaya kung hindi dahil siya ay naging kabilang sa mga tagapagluwalhati [kay Allāh],
لَلَبِثَ فِيْ بَطْنِهٖٓ اِلٰى يَوْمِ يُبْعَثُوْنَۚ١٤٤
Lalabiṡa fī baṭnihī ilā yaumi yub‘aṡūn(a).
[144]
talaga sanang namalagi siya sa tiyan niyon hanggang sa Araw na bubuhayin sila [para tuusin].
۞ فَنَبَذْنٰهُ بِالْعَرَاۤءِ وَهُوَ سَقِيْمٌ ۚ١٤٥
Fa nabażnāhu bil-‘arā'i wa huwa saqīm(un).
[145]
Ngunit itinapon Namin siya sa baybaying hungkag habang siya ay maysakit.
وَاَنْۢبَتْنَا عَلَيْهِ شَجَرَةً مِّنْ يَّقْطِيْنٍۚ١٤٦
Wa ambatnā ‘alaihi syajaratam miy yaqṭīn(in).
[146]
Nagpatubo Kami sa ibabaw niya ng isang puno ng malakalabasa.
وَاَرْسَلْنٰهُ اِلٰى مِائَةِ اَلْفٍ اَوْ يَزِيْدُوْنَۚ١٤٧
Wa arsalnāhu ilā mi'ati alfin au yazīdūn(a).
[147]
Nagsugo Kami sa kanya sa isang daang libo o nakahihigit sila.
فَاٰمَنُوْا فَمَتَّعْنٰهُمْ اِلٰى حِيْنٍ١٤٨
Fa'āmanū famatta‘nāhum ilā ḥīn(in).
[148]
Kaya sumampalataya sila kaya nagpatamasa Kami sa kanila hanggang sa isang panahon.
فَاسْتَفْتِهِمْ اَلِرَبِّكَ الْبَنَاتُ وَلَهُمُ الْبَنُوْنَۚ١٤٩
Fastaftihim alirabbikal-banātu wa lahumul-banūn(a).
[149]
Kaya magsiyasat ka sa kanila: “Ukol ba sa Panginoon mo ang mga anak na babae samantalang ukol sa kanila ang mga anak na lalaki?”
اَمْ خَلَقْنَا الْمَلٰۤىِٕكَةَ اِنَاثًا وَّهُمْ شٰهِدُوْنَ١٥٠
Am khalaqnal-malā'ikata ināṡaw wa hum syāhidūn(a).
[150]
O lumikha ba Kami ng mga anghel bilang mga babae habang sila ay mga sumasaksi?
اَلَآ اِنَّهُمْ مِّنْ اِفْكِهِمْ لَيَقُوْلُوْنَۙ١٥١
Alā innahum min ifkihim layaqūlūn(a).
[151]
Pansinin, tunay na sila dala ng panlilinlang nila ay talagang nagsasabi:
وَلَدَ اللّٰهُ ۙوَاِنَّهُمْ لَكٰذِبُوْنَۙ١٥٢
Waladallāh(u), wa innahum lakāżibūn(a).
[152]
152 “Nagkaanak si Allāh.” Tunay na sila ay talagang mga sinungaling.
اَصْطَفَى الْبَنَاتِ عَلَى الْبَنِيْنَۗ١٥٣
Aṣṭafal-banāti ‘alal-banīn(a).
[153]
Humirang ba Siya ng mga anak na babae higit sa mga anak na lalaki?
مَا لَكُمْۗ كَيْفَ تَحْكُمُوْنَ١٥٤
Mā lakum, kaifa taḥkumūn(a).
[154]
Ano ang mayroon sa inyo? Papaano kayong humahatol?491
[491] na nagtatalaga kayo para kay Allāh ng mga babaing anak at nagtatalaga kayo para sa inyo ng mga lalaking anak?
اَفَلَا تَذَكَّرُوْنَۚ١٥٥
Afalā tażakkarūn(a).
[155]
Kaya hindi ba kayo nagsasaalaala?492
[492] sa kawalang-kabuluhan ng katiwalian ng paniniwala ninyo?
اَمْ لَكُمْ سُلْطٰنٌ مُّبِيْنٌۙ١٥٦
Am lakum sulṭānum mubīn(un).
[156]
O mayroon ba kayong isang katunayang malinaw?
فَأْتُوْا بِكِتٰبِكُمْ اِنْ كُنْتُمْ صٰدِقِيْنَ١٥٧
Fa'tū bikitābikum in kuntum ṣādiqīn(a).
[157]
Kaya maglahad kayo ng kasulatan ninyo kung kayo ay mga tapat.
وَجَعَلُوْا بَيْنَهٗ وَبَيْنَ الْجِنَّةِ نَسَبًا ۗوَلَقَدْ عَلِمَتِ الْجِنَّةُ اِنَّهُمْ لَمُحْضَرُوْنَۙ١٥٨
Wa ja‘alū bainahū wa bainal-jinnati nasabā(n), wa laqad ‘alimatil-jinnatu innahum lamuḥḍarūn(a).
[158]
Gumawa sila sa pagitan Niya at ng mga [anghel na] nakakubli ng isang pagkakamag-anak. Talaga ngang nalaman ng mga [anghel na] nakakubli na tunay na sila ay talagang mga padadaluhin [sa pagtutuos].
سُبْحٰنَ اللّٰهِ عَمَّا يَصِفُوْنَۙ١٥٩
Subḥānallāhi ‘ammā yaṣifūn(a).
[159]
Kaluwalhatian kay Allāh higit sa anumang inilalarawan nila [na maling paniniwala],
اِلَّا عِبَادَ اللّٰهِ الْمُخْلَصِيْنَ١٦٠
Illā ‘ibādallāhil-mukhlaṣīn(a).
[160]
maliban sa mga itinanging lingkod ni Allāh.
فَاِنَّكُمْ وَمَا تَعْبُدُوْنَۙ١٦١
Fa'innakum wa mā ta‘budūn(a).
[161]
Kaya tunay na kayo at ang anumang sinasamba ninyo,
مَآ اَنْتُمْ عَلَيْهِ بِفٰتِنِيْنَۙ١٦٢
Mā antum ‘alaihi bifātinīn(a).
[162]
kayo palayo sa Kanya ay hindi mga makatutukso,
اِلَّا مَنْ هُوَ صَالِ الْجَحِيْمِ١٦٣
Illā man huwa ṣālil-jaḥīm(i).
[163]
maliban sa sinumang masusunog sa Impiyerno.
وَمَا مِنَّآ اِلَّا لَهٗ مَقَامٌ مَّعْلُوْمٌۙ١٦٤
Wa mā minnā illā lahū maqāmum ma‘lūm(un).
[164]
[Magsasabi ang mga anghel]: “Walang kabilang sa amin malibang mayroon siyang isang katayuang nalalaman.
وَّاِنَّا لَنَحْنُ الصَّۤافُّوْنَۖ١٦٥
Wa innā lanaḥnuṣ-ṣāffūn(a).
[165]
Tunay na kami [na mga anghel] ay talagang kami ang mga nakahilera [sa pagsamba kay Allāh].
وَاِنَّا لَنَحْنُ الْمُسَبِّحُوْنَ١٦٦
Wa innā lanaḥnul-musabbiḥūn(a).
[166]
Tunay na kami ay talagang kami ang mga tagapagluwalhati.”
وَاِنْ كَانُوْا لَيَقُوْلُوْنَۙ١٦٧
Wa in kānū layaqūlūn(a).
[167]
Tunay na sila [na mga tagapagtambal] ay talagang nagsasabi dati:
لَوْ اَنَّ عِنْدَنَا ذِكْرًا مِّنَ الْاَوَّلِيْنَۙ١٦٨
Lau anna ‘indanā żikram minal-awwalīn(a).
[168]
“Kung sakaling mayroon tayong isang paalaala mula sa mga sinauna,
لَكُنَّا عِبَادَ اللّٰهِ الْمُخْلَصِيْنَ١٦٩
Lakunnā ‘ibādallāhil-mukhlaṣīn(a).
[169]
talaga sanang tayo ay naging mga itinatanging lingkod ni Allāh.”
فَكَفَرُوْا بِهٖۚ فَسَوْفَ يَعْلَمُوْنَ١٧٠
Fa kafarū bih(ī), fasaufa ya‘lamūn(a).
[170]
Ngunit tumanggi silang sumampalataya rito, kaya malalaman nila.
وَلَقَدْ سَبَقَتْ كَلِمَتُنَا لِعِبَادِنَا الْمُرْسَلِيْنَ ۖ١٧١
Wa laqad sabaqat kalimatunā li‘ibādinal-mursalīn(a).
[171]
Talaga ngang nauna ang salita Namin para sa mga lingkod Naming mga isinugo:
اِنَّهُمْ لَهُمُ الْمَنْصُوْرُوْنَۖ١٧٢
Innahum lahumul-manṣūrūn(a).
[172]
Tunay na sila, ukol sa kanila [na maging] ang mga iaadya;
وَاِنَّ جُنْدَنَا لَهُمُ الْغٰلِبُوْنَ١٧٣
Wa inna jundanā lahumul-gālibūn(a).
[173]
at tunay na ang mga kawal Namin, ukol sa kanila [na maging] ang tagadaig.
فَتَوَلَّ عَنْهُمْ حَتّٰى حِيْنٍۙ١٧٤
Fatawalla ‘anhum ḥattā ḥīn(in).
[174]
Kaya tumalikod ka palayo sa kanila [na mga tagatangging sumampalataya] hanggang sa isang panahon.
وَّاَبْصِرْهُمْۗ فَسَوْفَ يُبْصِرُوْنَ١٧٥
Wa abṣirhum, fa saufa yubṣirūn(a).
[175]
Tumingin ka sa kanila [na parurusahan] sapagkat makikita nila.
اَفَبِعَذَابِنَا يَسْتَعْجِلُوْنَ١٧٦
Afabi‘ażābinā yasta‘jilūn(a).
[176]
Kaya ba sa pagdurusang dulot Namin ay nagmamadali sila?
فَاِذَا نَزَلَ بِسَاحَتِهِمْ فَسَاۤءَ صَبَاحُ الْمُنْذَرِيْنَ١٧٧
Fa iżā nazala bisāḥatihim fa sā'a ṣabāḥul-munżarīn(a).
[177]
Ngunit kapag bumaba ito sa bakuran nila, kay sagwa ang umaga ng mga binalaan!
وَتَوَلَّ عَنْهُمْ حَتّٰى حِيْنٍۙ١٧٨
Wa tawalla ‘anhum ḥattā ḥīn(in).
[178]
Tumalikod ka palayo sa kanila hanggang sa isang panahon.
وَّاَبْصِرْۗ فَسَوْفَ يُبْصِرُوْنَ١٧٩
Wa abṣir, fasaufa yubṣirūn(a).
[179]
Tumingin ka sapagkat makikita nila.
سُبْحٰنَ رَبِّكَ رَبِّ الْعِزَّةِ عَمَّا يَصِفُوْنَۚ١٨٠
Subḥāna rabbika rabbil-‘izzati ‘ammā yaṣifūn(a).
[180]
Kaluwalhatian sa Panginoon mo, ang Panginoon ng Kapangyarihan, higit sa anumang inilalarawan nila [na mga katangian ng kakulangan].
وَسَلٰمٌ عَلَى الْمُرْسَلِيْنَۚ١٨١
Wa salāmun ‘alal-mursalīn(a).
[181]
Kapayapaan sa mga isinugo [ni Allāh].
وَالْحَمْدُ لِلّٰهِ رَبِّ الْعٰلَمِيْنَ ࣖ١٨٢
Wal-ḥamdu lillāhi rabbil-‘ālamīn(a).
[182]
Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.