Surah Al-Ahzab

Daftar Surah

بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
يٰٓاَيُّهَا النَّبِيُّ اتَّقِ اللّٰهَ وَلَا تُطِعِ الْكٰفِرِيْنَ وَالْمُنٰفِقِيْنَ ۗاِنَّ اللّٰهَ كَانَ عَلِيْمًا حَكِيْمًاۙ١
Yā ayyuhan-nabiyyuttaqillāha wa lā tuṭi‘il-kāfirīna wal-munāfiqīn(a), innallāha kāna ‘alīman ḥakīmā(n).
[1] O Propeta [Muḥammad], mangilag kang magkasala kay Allāh at huwag kang tumalima sa [ninanasa ng] mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw. Tunay na si Allāh ay laging Maalam, Marunong.

وَّاتَّبِعْ مَا يُوْحٰىٓ اِلَيْكَ مِنْ رَّبِّكَ ۗاِنَّ اللّٰهَ كَانَ بِمَا تَعْمَلُوْنَ خَبِيْرًاۙ٢
Wattabi‘ mā yūḥā ilaika mir rabbik(a), innallāha kāna bimā ta‘malūna khabīrā(n).
[2] Sumunod ka sa ikinakasi sa iyo mula sa Panginoon mo. Tunay na si Allāh laging sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid.

وَّتَوَكَّلْ عَلَى اللّٰهِ ۗوَكَفٰى بِاللّٰهِ وَكِيْلًا٣
Wa tawakkal ‘alallāh(i), wa kafā billāhi wakīlā(n).
[3] Manalig ka kay Allāh. Nakasapat si Allāh bilang Pinananaligan.

مَا جَعَلَ اللّٰهُ لِرَجُلٍ مِّنْ قَلْبَيْنِ فِيْ جَوْفِهٖ ۚوَمَا جَعَلَ اَزْوَاجَكُمُ الّٰـِٕۤيْ تُظٰهِرُوْنَ مِنْهُنَّ اُمَّهٰتِكُمْ ۚوَمَا جَعَلَ اَدْعِيَاۤءَكُمْ اَبْنَاۤءَكُمْۗ ذٰلِكُمْ قَوْلُكُمْ بِاَفْوَاهِكُمْ ۗوَاللّٰهُ يَقُوْلُ الْحَقَّ وَهُوَ يَهْدِى السَّبِيْلَ٤
Mā ja‘alallāhu lirajulim min qalbaini fī jaufih(ī), wa mā ja‘ala azwājakumul-lā'ī tuẓāhirūna minhunna ummahātikum, wa mā ja‘ala ad‘iyā'akum abnā'akum, żālikum qaulukum bi'afwāhikum, wallāhu yaqūlul-ḥaqqa wa huwa yahdis-sabīl(a).
[4] Hindi gumawa si Allāh para sa isang lalaki ng dalawang puso sa kaloob-looban nito. Hindi Siya gumawa sa mga maybahay ninyo na nagtutulad kayo sa kanila sa likod [ng mga ina ninyo] bilang mga ina ninyo. Hindi Siya gumawa sa mga ampon ninyo bilang mga anak ninyo. Iyon ay ang sabi ninyo sa pamamagitan ng mga bibig ninyo. Si Allāh ay nagsasabi ng totoo at Siya ay nagpapatnubay sa landas.

اُدْعُوْهُمْ لِاٰبَاۤىِٕهِمْ هُوَ اَقْسَطُ عِنْدَ اللّٰهِ ۚ فَاِنْ لَّمْ تَعْلَمُوْٓا اٰبَاۤءَهُمْ فَاِخْوَانُكُمْ فِى الدِّيْنِ وَمَوَالِيْكُمْ ۗوَلَيْسَ عَلَيْكُمْ جُنَاحٌ فِيْمَآ اَخْطَأْتُمْ بِهٖ وَلٰكِنْ مَّا تَعَمَّدَتْ قُلُوْبُكُمْ ۗوَكَانَ اللّٰهُ غَفُوْرًا رَّحِيْمًا٥
Ud‘ūhum li'ābā'ihim huwa aqsaṭu ‘indallāh(i), fa illam ta‘lamū ābā'ahum fa ikhwānukum fid-dīni wa mawālīkum, wa laisa ‘alaikum junāḥun fīmā akhṭa'tum bihī wa lākim mā ta‘ammadat qulūbukum, wa kānallāhu gafūrar raḥīmā(n).
[5] Tumawag kayo sa kanila [na mga ampon ninyo] sa [pangalan ng] mga ama nila; ito ay higit na makatarungan sa ganang kay Allāh. Ngunit kung hindi kayo nakaaalam sa mga ama nila ay mga kapatid ninyo sa relihiyon at mga nagpapatangkilik sa inyo. Wala sa inyong isang paninisi sa anumang nagkamali kayo subalit [mayroon kasalanan] sa anumang sinadya ng mga puso ninyo. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.

اَلنَّبِيُّ اَوْلٰى بِالْمُؤْمِنِيْنَ مِنْ اَنْفُسِهِمْ وَاَزْوَاجُهٗٓ اُمَّهٰتُهُمْ ۗوَاُولُوا الْاَرْحَامِ بَعْضُهُمْ اَوْلٰى بِبَعْضٍ فِيْ كِتٰبِ اللّٰهِ مِنَ الْمُؤْمِنِيْنَ وَالْمُهٰجِرِيْنَ اِلَّآ اَنْ تَفْعَلُوْٓا اِلٰٓى اَوْلِيَاۤىِٕكُمْ مَّعْرُوْفًا ۗ كَانَ ذٰلِكَ فِى الْكِتٰبِ مَسْطُوْرًا٦
An-nabiyyu aulā bil-mu'minīna min anfusihim wa azwājuhū ummahātuhum, wa ulul-arḥāmi ba‘ḍuhum aulā biba‘ḍin fī kitābillāhi minal-mu'minīna wal-muhājirīna illā an taf‘alū ilā auliyā'ikum ma‘rūfā(n), kāna żālika fil-kitābi masṭūrā(n).
[6] Ang Propeta ay higit na karapat-dapat sa mga mananampalataya kaysa sa mga sarili nila. Ang mga maybahay niya ay mga ina nila. Ang mga may mga pagkakaanak [sa kaangkanan at dugo], ang iba sa kanila ay higit na karapat-dapat sa iba [sa pagmamana] ayon sa Kautusan ni Allāh kaysa sa mga mananampalataya at mga lumikas [alang-alang kay Allāh], maliban na gumawa kayo sa mga katangkilik ninyo ng isang nakabubuti [sa pamamagitan ng isang habilin]. Noon pa, iyon sa Talaan [na Tablerong Iniingatan] ay nakatitik na.

وَاِذْ اَخَذْنَا مِنَ النَّبِيّٖنَ مِيْثَاقَهُمْ وَمِنْكَ وَمِنْ نُّوْحٍ وَّاِبْرٰهِيْمَ وَمُوْسٰى وَعِيْسَى ابْنِ مَرْيَمَ ۖوَاَخَذْنَا مِنْهُمْ مِّيْثَاقًا غَلِيْظًاۙ٧
Wa iż akhażnā minan-nabiyyīna mīṡāqahum wa minka wa min nūḥiw wa ibrāhīma wa mūsā wa ‘īsabni maryam(a), wa akhażnā minhum mīṡāqan galīẓā(n).
[7] [Banggitin] noong tumanggap Kami mula sa mga propeta ng tipan nila, mula sa iyo [O Muḥammad], at mula kina Noe, Abraham, Moises, at Jesus na anak ni Maria. Tumanggap Kami mula sa kanila ng tipang mariin,

لِّيَسْـَٔلَ الصّٰدِقِيْنَ عَنْ صِدْقِهِمْ ۚوَاَعَدَّ لِلْكٰفِرِيْنَ عَذَابًا اَلِيْمًا ࣖ٨
Liyas'alaṣ-ṣādiqīna ‘an ṣidqihim, wa a‘adda lil-kāfirīna ‘ażāban alīmā(n).
[8] upang magtanong Siya sa mga tapat tungkol sa katapatan nila [sa pagpapaabot sa mensahe Niya]. Naghanda Siya para sa mga tagatangging sumampalataya ng isang pagdurusang masakit.

يٰٓاَيُّهَا الَّذِيْنَ اٰمَنُوا اذْكُرُوْا نِعْمَةَ اللّٰهِ عَلَيْكُمْ اِذْ جَاۤءَتْكُمْ جُنُوْدٌ فَاَرْسَلْنَا عَلَيْهِمْ رِيْحًا وَّجُنُوْدًا لَّمْ تَرَوْهَا ۗوَكَانَ اللّٰهُ بِمَا تَعْمَلُوْنَ بَصِيْرًاۚ٩
Yā ayyuhal-lażīna āmanużkurū ni‘matallāhi ‘alaikum iż jā'atkum junūdun fa'arsalnā ‘alaihim rīḥaw wa junūdal lam tarauhā, wa kānallāhu bimā ta‘malūna baṣīrā(n).
[9] O mga sumampalataya, alalahanin ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo noong may dumating sa inyo na mga kawal saka nagsugo sa kanila ng isang hangin at mga kawal [na Anghel] na hindi ninyo nakita. Laging si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita.

اِذْ جَاۤءُوْكُمْ مِّنْ فَوْقِكُمْ وَمِنْ اَسْفَلَ مِنْكُمْ وَاِذْ زَاغَتِ الْاَبْصَارُ وَبَلَغَتِ الْقُلُوْبُ الْحَنَاجِرَ وَتَظُنُّوْنَ بِاللّٰهِ الظُّنُوْنَا۠ ۗ١٠
Iż jā'ūkum min fauqikum wa min asfala minkum wa iż zāgatil-abṣāru wa balagatil-qulūbul-ḥanājira wa taẓunnūna billāhiẓ-ẓunūnā.
[10] [Banggitin] noong dumating sila sa inyo mula sa ibabaw ninyo at mula sa ilalim mula sa inyo, at noong lumiko ang mga paningin, umabot ang mga puso sa mga lalamunan, at nagpapalagay kayo kay Allāh ng mga palagay.

هُنَالِكَ ابْتُلِيَ الْمُؤْمِنُوْنَ وَزُلْزِلُوْا زِلْزَالًا شَدِيْدًا١١
Hunālikabtuliyal-mu'minūna wa zulzilū zilzālan syadīdā(n).
[11] Doon nasubok ang mga mananampalataya at nayanig sila sa isang pagyanig na matindi.

وَاِذْ يَقُوْلُ الْمُنٰفِقُوْنَ وَالَّذِيْنَ فِيْ قُلُوْبِهِمْ مَّرَضٌ مَّا وَعَدَنَا اللّٰهُ وَرَسُوْلُهٗٓ اِلَّا غُرُوْرًا١٢
Wa iż yaqūlul-munāfiqūna wal-lażīna fī qulūbihim maraḍum mā wa‘adanallāhu wa rasūluhū illā gurūrā(n).
[12] [Banggitin] noong nagsasabi ang mga mapagpaimbabaw at ang mga sa mga puso nila ay may karamdaman [ng pagdududa]: “Hindi nangako sa amin si Allāh at ang Sugo Niya kundi ng isang panlilinlang.”

وَاِذْ قَالَتْ طَّاۤىِٕفَةٌ مِّنْهُمْ يٰٓاَهْلَ يَثْرِبَ لَا مُقَامَ لَكُمْ فَارْجِعُوْا ۚوَيَسْتَأْذِنُ فَرِيْقٌ مِّنْهُمُ النَّبِيَّ يَقُوْلُوْنَ اِنَّ بُيُوْتَنَا عَوْرَةٌ ۗوَمَا هِيَ بِعَوْرَةٍ ۗاِنْ يُّرِيْدُوْنَ اِلَّا فِرَارًا١٣
Wa iż qālat ṭā'ifatum minhum yā ahla yaṡriba lā muqāma lakum farji‘ū, wa yasta'żinu farīqum minhumun-nabiyya yaqūlūna inna buyūtanā ‘aurah(tun), wa mā hiya bi‘aurah(tin), iy yurīdūna illā firārā(n).
[13] [Banggitin] noong may nagsabing isang pangkatin kabilang sa kanila: “O mga mamamayan ng Yathrib,455 walang mapananatilihan [dito] para sa inyo kaya bumalik kayo.” May nagpapaalam na isang pangkat kabilang sa kanila sa Propeta, na nagsasabi: “Tunay na ang mga bahay namin ay nakabuyayang,” samantalang ang mga iyon ay hindi nakabuyayang. Walang silang ninanais kundi isang pagtakas.
[455] Madīnah

وَلَوْ دُخِلَتْ عَلَيْهِمْ مِّنْ اَقْطَارِهَا ثُمَّ سُىِٕلُوا الْفِتْنَةَ لَاٰتَوْهَا وَمَا تَلَبَّثُوْا بِهَآ اِلَّا يَسِيْرًا١٤
Wa lau dukhilat ‘alaihim min aqṭārihā ṡumma su'ilul-fitnata la'ātauhā wa mā talabbaṡū bihā illā yasīrā(n).
[14] Kung sakaling may nakapasok sa kanila mula sa mga pook nito, pagkatapos hinilingan sila [ng kaaway] ng pagtataksil, talaga sanang gumawa sila nito at hindi sila namalagi rito kundi daglian.

وَلَقَدْ كَانُوْا عَاهَدُوا اللّٰهَ مِنْ قَبْلُ لَا يُوَلُّوْنَ الْاَدْبَارَ ۗوَكَانَ عَهْدُ اللّٰهِ مَسْـُٔوْلًا١٥
Wa laqad kānū ‘āhadullāha min qablu lā yuwallūnal-adbār(a), wa kāna ‘ahdullāhi mas'ūlā(n).
[15] Talaga ngang nangyaring sila ay nakipagkasunduan kay Allāh bago pa niyan na hindi sila magbabaling ng mga likod. Laging ang kasunduan kay Allāh ay pinananagutan.

قُلْ لَّنْ يَّنْفَعَكُمُ الْفِرَارُ اِنْ فَرَرْتُمْ مِّنَ الْمَوْتِ اَوِ الْقَتْلِ وَاِذًا لَّا تُمَتَّعُوْنَ اِلَّا قَلِيْلًا١٦
Qul lay yanfa‘akumul-firāru in farartum minal-mauti awil-qatli wa iżal lā tumatta‘ūna illā qalīlā(n).
[16] Sabihin mo: “Hindi magpapakinabang sa inyo ang pagtakas kung tumakas kayo sa kamatayan o pagkapatay, at sa samakatuwid [kung ginawa ninyo,] hindi kayo pagtatamasain [buhay na ito] kundi nang kaunti.”

قُلْ مَنْ ذَا الَّذِيْ يَعْصِمُكُمْ مِّنَ اللّٰهِ اِنْ اَرَادَ بِكُمْ سُوْۤءًا اَوْ اَرَادَ بِكُمْ رَحْمَةً ۗوَلَا يَجِدُوْنَ لَهُمْ مِّنْ دُوْنِ اللّٰهِ وَلِيًّا وَّلَا نَصِيْرًا١٧
Qul man żal-lażī ya‘ṣimukum minallāhi in arāda bikum sū'an au arāda bikum raḥmah(tan), wa lā yajidūna lahum min dūnillāhi waliyyaw wa lā naṣīrā(n).
[17] Sabihin mo: “Sino itong magsasanggalang sa inyo laban kay Allāh kung nagnais Siya sa inyo ng isang kasagwaan o nagnais Siya sa inyo ng isang awa?” Hindi sila makatatagpo para sa kanila bukod pa kay Allāh ng isang katangkilik ni isang mapag-adya.

۞ قَدْ يَعْلَمُ اللّٰهُ الْمُعَوِّقِيْنَ مِنْكُمْ وَالْقَاۤىِٕلِيْنَ لِاِخْوَانِهِمْ هَلُمَّ اِلَيْنَا ۚوَلَا يَأْتُوْنَ الْبَأْسَ اِلَّا قَلِيْلًاۙ١٨
Qad ya‘lamullāhul-mu‘awwiqīna minkum wal-qā'ilīna li'ikhwānihim halumma ilainā, wa lā ya'tūnal-ba'sa illā qalīlā(n).
[18] Nakaaalam nga si Allāh sa mga tagabalakid [sa pakikipaglaban sa landas ni Allāh] kabilang sa inyo at mga tagasabi sa mga kapatid nila: “Pumarito kayo sa amin,” samantalang hindi sila pumupunta sa labanan kundi nang kaunti,

اَشِحَّةً عَلَيْكُمْ ۖ فَاِذَا جَاۤءَ الْخَوْفُ رَاَيْتَهُمْ يَنْظُرُوْنَ اِلَيْكَ تَدُوْرُ اَعْيُنُهُمْ كَالَّذِيْ يُغْشٰى عَلَيْهِ مِنَ الْمَوْتِۚ فَاِذَا ذَهَبَ الْخَوْفُ سَلَقُوْكُمْ بِاَلْسِنَةٍ حِدَادٍ اَشِحَّةً عَلَى الْخَيْرِۗ اُولٰۤىِٕكَ لَمْ يُؤْمِنُوْا فَاَحْبَطَ اللّٰهُ اَعْمَالَهُمْۗ وَكَانَ ذٰلِكَ عَلَى اللّٰهِ يَسِيْرًا١٩
Asyiḥḥatan ‘alaikum, fa iżā jā'al-khaufu ra'aitahum yanẓurūna ilaika tadūru a‘yunuhum kal-lażī yugsyā ‘alaihi minal-maut(i), fa iżā żahabal-khaufu salaqūkum bi'alsinatin ḥidādin asyiḥḥatan ‘alal-khair(i), ulā'ika lam yu'minū fa aḥbaṭallāhu a‘mālahum, wa kāna żālika ‘alallāhi yasīrā(n).
[19] habang mga sakim sa inyo.456 Ngunit kapag dumating ang pangamba, makakikita ka sa kanila na tumitingin sa iyo, na umiikot ang mga mata nila gaya ng hinihimatay sa kamatayan; ngunit kapag umalis ang takot ay humahagupit sila sa inyo ng mga dilang matatalas, na mga sakim sa mabuti.457 Ang mga iyon ay hindi sumampalataya kaya nagpawalang-kabuluhan si Allāh sa mga gawa nila. Laging iyon kay Allāh ay madali.
[456] na nagmamaramot ng mga yaman nila at mga sarili nila [457] Ang tinutukoy ng mabuti rito ay ang mga samsam ng digmaan.

يَحْسَبُوْنَ الْاَحْزَابَ لَمْ يَذْهَبُوْا ۚوَاِنْ يَّأْتِ الْاَحْزَابُ يَوَدُّوْا لَوْ اَنَّهُمْ بَادُوْنَ فِى الْاَعْرَابِ يَسْاَلُوْنَ عَنْ اَنْۢبَاۤىِٕكُمْ ۗوَلَوْ كَانُوْا فِيْكُمْ مَّا قٰتَلُوْٓا اِلَّا قَلِيْلًا ࣖ٢٠
Yaḥsabūnal-aḥzāba lam yażhabū, wa iy ya'til aḥzābu yawaddū lau annahum bādūna fil a‘rābi yas'alūna ‘an ambā'ikum, wa lau kānū fīkum mā qātalū illā qalīlā(n).
[20] Nag-aakala silang ang mga lapian ay hindi umalis. Kung pumunta [muli] ang mga lapian ay magmimithi sila na kung sana sila ay mga pumapailang sa mga Arabeng disyerto, na nagtatanong tungkol sa mga balita sa inyo. Kung sakaling sila ay nasa inyo ay hindi sila makikipaglaban kundi nang kaunti.

لَقَدْ كَانَ لَكُمْ فِيْ رَسُوْلِ اللّٰهِ اُسْوَةٌ حَسَنَةٌ لِّمَنْ كَانَ يَرْجُوا اللّٰهَ وَالْيَوْمَ الْاٰخِرَ وَذَكَرَ اللّٰهَ كَثِيْرًاۗ٢١
Laqad kāna lakum fī rasūlillāhi uswatun ḥasanatul liman kāna yarjullāha wal yaumal ākhira wa żakarallāha kaṡīrā(n).
[21] Talaga ngang nagkaroon para sa inyo sa Sugo ni Allāh ng isang magandang huwaran para sa sinumang naging nag-aasam [sa pakikipagkita] kay Allāh at sa Huling Araw at nag-alaala kay Allāh nang madalas.

وَلَمَّا رَاَ الْمُؤْمِنُوْنَ الْاَحْزَابَۙ قَالُوْا هٰذَا مَا وَعَدَنَا اللّٰهُ وَرَسُوْلُهٗ وَصَدَقَ اللّٰهُ وَرَسُوْلُهٗ ۖوَمَا زَادَهُمْ اِلَّآ اِيْمَانًا وَّتَسْلِيْمًاۗ٢٢
Wa lammā ra'al-mu'minūnal-aḥzāb(a), qālū hāżā mā wa‘adanallāhu wa rasūluhū wa ṣadaqallāhu wa rasūluh(ū), wa mā zādahum illā īmānaw wa taslīmā(n).
[22] Noong nakita ng mga mananampalataya ang mga lapian ay nagsabi sila: “Ito ay ang ipinangako sa atin ni Allāh at ng Sugo Niya at nagpakatapat si Allāh at ang Sugo Niya.” Walang naidagdag sa kanila ito kundi pananampalataya at pagtanggap.

مِنَ الْمُؤْمِنِيْنَ رِجَالٌ صَدَقُوْا مَا عَاهَدُوا اللّٰهَ عَلَيْهِ ۚ فَمِنْهُمْ مَّنْ قَضٰى نَحْبَهٗۙ وَمِنْهُمْ مَّنْ يَّنْتَظِرُ ۖوَمَا بَدَّلُوْا تَبْدِيْلًاۙ٢٣
Minal-mu'minīna rijālun ṣadaqū mā ‘āhadullāha ‘alaih(i), faminhum man qaḍā naḥbah(ū), wa minhum may yantaẓir(u), wa mā baddalū tabdīlā(n).
[23] Mayroon sa mga mananampalataya na mga lalaking nagpakatapat sa ipinangako nila kay Allāh sapagkat mayroon sa kanila na tumupad sa panata niya [hanggang kamatayan] at mayroon sa kanila na naghihintay pa. Hindi sila nagpalit [sa pangako] sa isang pagpapalit,

لِّيَجْزِيَ اللّٰهُ الصّٰدِقِيْنَ بِصِدْقِهِمْ وَيُعَذِّبَ الْمُنٰفِقِيْنَ اِنْ شَاۤءَ اَوْ يَتُوْبَ عَلَيْهِمْ ۗاِنَّ اللّٰهَ كَانَ غَفُوْرًا رَّحِيْمًاۚ٢٤
Liyajziyallāhuṣ-ṣādiqīna biṣidqihim wa yu‘ażżibal-munāfiqīna in syā'a au yatūba ‘alaihim, innallāha kāna gafūrar raḥīmā(n).
[24] upang gantihan ni Allāh ang mga tapat dahil sa katapatan nila at pagdusahin Niya ang mga mapagpaimbabaw kung niloob Niya o tanggapin Niya sa kanila ang pagbabalik-loob. Tunay na si Allāh ay laging Mapagpatawad, Maawain.

وَرَدَّ اللّٰهُ الَّذِيْنَ كَفَرُوْا بِغَيْظِهِمْ لَمْ يَنَالُوْا خَيْرًا ۗوَكَفَى اللّٰهُ الْمُؤْمِنِيْنَ الْقِتَالَ ۗوَكَانَ اللّٰهُ قَوِيًّا عَزِيْزًاۚ٢٥
Wa raddallāhul-lażīna kafarū bigaiẓihim lam yanālū khairā(n), wa kafallāhul-mu'minīnal-qitāl(a), wa kānallāhu qawiyyan ‘azīzā(n).
[25] Nagpaurong si Allāh sa mga tumangging sumampalataya habang nasa ngitngit nila, na hindi nagtamo ng isang kabutihan. Nagpasapat si Allāh sa mga mananampalataya sa pakikipaglaban. Laging si Allāh ay Malakas, Makapangyarihan.

وَاَنْزَلَ الَّذِيْنَ ظَاهَرُوْهُمْ مِّنْ اَهْلِ الْكِتٰبِ مِنْ صَيَاصِيْهِمْ وَقَذَفَ فِيْ قُلُوْبِهِمُ الرُّعْبَ فَرِيْقًا تَقْتُلُوْنَ وَتَأْسِرُوْنَ فَرِيْقًاۚ٢٦
Wa anzalal-lażīna ẓāharūhum min ahlil-kitābi min ṣayāṣīhim wa qażafa fī qulūbihimur-ru‘ba farīqan taqtulūna wa ta'sirūna farīqā(n).
[26] Nagpababa Siya sa mga nagtaguyod sa mga iyon [na mga tagapagtambal] kabilang sa mga May Kasulatan [na mga Hudyo] mula sa mga balwarte ng mga iyon at bumato Siya sa mga puso ng mga iyon ng hilakbot [kaya] may isang pangkat na pinapatay ninyo at may isang pangkat na binibihag ninyo.

وَاَوْرَثَكُمْ اَرْضَهُمْ وَدِيَارَهُمْ وَاَمْوَالَهُمْ وَاَرْضًا لَّمْ تَطَـُٔوْهَا ۗوَكَانَ اللّٰهُ عَلٰى كُلِّ شَيْءٍ قَدِيْرًا ࣖ٢٧
Wa auraṡakum arḍahum wa diyārahum wa amwālahum wa arḍal lam taṭa'ūhā, wa kānallāhu ‘alā kulli syai'in qadīrā(n).
[27] Nagpamana Siya sa inyo ng lupain nila, mga tahanan nila, mga ari-arian nila, at isang lupaing hindi ninyo naapakan [sa kasunod na pagsakop]. Laging si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.

يٰٓاَيُّهَا النَّبِيُّ قُلْ لِّاَزْوَاجِكَ اِنْ كُنْتُنَّ تُرِدْنَ الْحَيٰوةَ الدُّنْيَا وَزِيْنَتَهَا فَتَعَالَيْنَ اُمَتِّعْكُنَّ وَاُسَرِّحْكُنَّ سَرَاحًا جَمِيْلًا٢٨
Yā ayyuhan-nabiyyu qul li'azwājika in kuntunna turidnal-ḥayātad-dun-yā wa zīnatahā fa ta‘ālaina umatti‘kunna wa usarriḥkunna sarāḥan jamīlā(n).
[28] O Propeta [Muḥammad], sabihin mo sa mga maybahay mo: “Kung kayo ay nagnanais ng buhay na pangmundo at ng gayak nito, halikayo, magpapatamasa ako sa inyo at magpapalaya ako sa inyo nang pagpapalayang marilag.

وَاِنْ كُنْتُنَّ تُرِدْنَ اللّٰهَ وَرَسُوْلَهٗ وَالدَّارَ الْاٰخِرَةَ فَاِنَّ اللّٰهَ اَعَدَّ لِلْمُحْسِنٰتِ مِنْكُنَّ اَجْرًا عَظِيْمًا٢٩
Wa in kuntunna turidnallāha wa rasūlahū wad-dāral-ākhirata fa innallāha a‘adda lil-muḥsināti minkunna ajran ‘aẓīmā(n).
[29] Kung kayo ay nagnanais kay Allāh, sa Sugo Niya [na si Muḥammad], at sa tahanan sa Kabilang-buhay, tunay na si Allāh ay naghanda para sa mga babaing tagagawa ng maganda kabilang sa inyo ng isang pabuyang sukdulan [sa Paraiso].”

يٰنِسَاۤءَ النَّبِيِّ مَنْ يَّأْتِ مِنْكُنَّ بِفَاحِشَةٍ مُّبَيِّنَةٍ يُّضٰعَفْ لَهَا الْعَذَابُ ضِعْفَيْنِۗ وَكَانَ ذٰلِكَ عَلَى اللّٰهِ يَسِيْرًا ۔٣٠
Yā nisā'an-nabiyyi may ya'ti minkunna bifāḥisyatim mubayyinatiy yuḍā‘af lahal-‘ażābu ḍi‘fain(i), wa kāna żālika ‘alallāhi yasīrā(n).
[30] O mga maybahay ng Propeta, ang sinumang gagawa kabilang sa inyo ng isang mahalay na mapaglilinaw ay pag-iibayuhin para sa kanya [sa Kabilang-buhay] ang pagdurusa nang dalawang ibayo. Laging iyon kay Allāh ay madali.

۞ وَمَنْ يَّقْنُتْ مِنْكُنَّ لِلّٰهِ وَرَسُوْلِهٖ وَتَعْمَلْ صَالِحًا نُّؤْتِهَآ اَجْرَهَا مَرَّتَيْنِۙ وَاَعْتَدْنَا لَهَا رِزْقًا كَرِيْمًا٣١
Wa may yaqnut minkunna lillāhi wa rasūlihī wa ta‘mal ṣāliḥan nu'tihā ajrahā marratain(i), wa a‘tadnā lahā rizqan karīmā(n).
[31] Ang sinumang magmamasunurin kabilang sa inyo kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad] at gagawa ng maayos ay magbibigay sa kanya ng pabuya niya nang dalawang ulit. Naglaan Kami para sa kanya ng isang panustos na masagana [sa Paraiso].

يٰنِسَاۤءَ النَّبِيِّ لَسْتُنَّ كَاَحَدٍ مِّنَ النِّسَاۤءِ اِنِ اتَّقَيْتُنَّ فَلَا تَخْضَعْنَ بِالْقَوْلِ فَيَطْمَعَ الَّذِيْ فِيْ قَلْبِهٖ مَرَضٌ وَّقُلْنَ قَوْلًا مَّعْرُوْفًاۚ٣٢
Yā nisā'an-nabiyyi lastunna ka'aḥadim minan-nisā'i inittaqaitunna falā takhḍa‘na bil-qauli fa yaṭma‘al-lażī fī qalbihī maraḍuw wa qulna qaulam ma‘rūfā(n).
[32] O mga maybahay ng Propeta, hindi kayo gaya ng isa sa mga babae.458 Kung nangilag kayong magkasala ay huwag kayong magmalamyos sa pagsabi para magmithi ang sa puso niya ay may karamdaman459 at magsabi kayo ng isang pananalitang nakabubuti.
[458] yayamang kayo mga marangal na halimbawa para sa mga ibang babae [459] ng bawal na pagnanasa at pagpapapaimbabaw

وَقَرْنَ فِيْ بُيُوْتِكُنَّ وَلَا تَبَرَّجْنَ تَبَرُّجَ الْجَاهِلِيَّةِ الْاُوْلٰى وَاَقِمْنَ الصَّلٰوةَ وَاٰتِيْنَ الزَّكٰوةَ وَاَطِعْنَ اللّٰهَ وَرَسُوْلَهٗ ۗاِنَّمَا يُرِيْدُ اللّٰهُ لِيُذْهِبَ عَنْكُمُ الرِّجْسَ اَهْلَ الْبَيْتِ وَيُطَهِّرَكُمْ تَطْهِيْرًاۚ٣٣
Wa qarna fī buyūtikunna wa lā tabarrajna tabarrujal-jāhiliyyatil-ūlā wa aqimnaṣ-ṣalāta wa ātīnaz-zakāta wa aṭi‘nallāha wa rasūlah(ū), innamā yurīdullāhu liyużhiba ‘ankumur-rijsa ahlal-baiti wa yuṭahhirakum taṭhīrā(n).
[33] Manatili kayo sa mga bahay ninyo at huwag kayong magtanghal460 gaya ng pagtatanghal ng unang Panahon ng Kamangmangan.461 Magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo ng zakāh, at tumalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya. Nagnanais lamang si Allāh na mag-alis sa inyo ng karumihan [na kapinsalaan, kasamaan, at kasalanan], O mga tao ng bahay [ng Propeta], at magdalisay sa inyo nang isang [lubos na] pagdadalisay.
[460] ng kagandahan at hugis ng katawan kapag umaalis ng bahay [461] Bagkus magpanatili kayo ng tuntunin ng pananamit at kalinisang-puri ninyo

وَاذْكُرْنَ مَا يُتْلٰى فِيْ بُيُوْتِكُنَّ مِنْ اٰيٰتِ اللّٰهِ وَالْحِكْمَةِۗ اِنَّ اللّٰهَ كَانَ لَطِيْفًا خَبِيْرًا ࣖ٣٤
Ważkurna mā yutlā fī buyūtikunna min āyātillāhi wal-ḥikmah(ti), innallāha kāna laṭīfan khabīrā(n).
[34] Tandaan ninyo [mga maybahay ng Sugo] ang binibigkas sa mga bahay ninyo na mga talata ni Allāh at karunungan. Tunay na si Allāh ay laging Mapagtalos, Mapagbatid.

اِنَّ الْمُسْلِمِيْنَ وَالْمُسْلِمٰتِ وَالْمُؤْمِنِيْنَ وَالْمُؤْمِنٰتِ وَالْقٰنِتِيْنَ وَالْقٰنِتٰتِ وَالصّٰدِقِيْنَ وَالصّٰدِقٰتِ وَالصّٰبِرِيْنَ وَالصّٰبِرٰتِ وَالْخٰشِعِيْنَ وَالْخٰشِعٰتِ وَالْمُتَصَدِّقِيْنَ وَالْمُتَصَدِّقٰتِ وَالصَّاۤىِٕمِيْنَ وَالصّٰۤىِٕمٰتِ وَالْحٰفِظِيْنَ فُرُوْجَهُمْ وَالْحٰفِظٰتِ وَالذّٰكِرِيْنَ اللّٰهَ كَثِيْرًا وَّالذّٰكِرٰتِ اَعَدَّ اللّٰهُ لَهُمْ مَّغْفِرَةً وَّاَجْرًا عَظِيْمًا٣٥
Innal-muslimīna wal-muslimāti wal-mu'minīna wal-mu'mināti wal-qānitīna wal-qānitāti waṣ-ṣādiqīna waṣ-ṣādiqāti waṣ-ṣābirīna waṣ-ṣābirāti wal-khāsyi‘īna wal-khāsyi‘āti wal-mutaṣaddiqīna wal-mutaṣaddiqāti waṣ-ṣā'imīna waṣ-ṣā'imāti wal-ḥāfiẓīna furūjahum wal-ḥāfiẓāti waż-żākirīnallāha kaṡīraw waż-żākirāti a‘addallāhu lahum magfirataw wa ajran ‘aẓīmā(n).
[35] Tunay na ang mga lalaking tagapagpasakop [kay Allāh] at ang mga babaing tagapagpasakop, ang mga lalaking mananampalataya at ang mga babaing mananampalataya, ang mga lalaking masunurin at ang mga babaing masunurin, ang mga lalaking tapat at ang mga babaing tapat, ang mga lalaking nagtitiis at ang mga babaing nagtitiis, ang mga lalaking nagpapakataimtim [sa paggalang kay Allāh] at ang mga babaing nagpapakataimtim, ang mga lalaking nagkakawanggawa at ang mga babaing nagkakawanggawa, ang mga lalaking nag-aayuno at ang mga babaing nag-aayuno, ang mga lalaking nag-iingat sa mga ari nila at ang mga babaing nag-iingat,462 at ang mga lalaking nag-aalaala kay Allāh nang madalas at ang mga babaing nag-aalaala ay naghanda si Allāh para sa kanila ng isang kapatawaran at isang pabuyang sukdulan [ng Paraiso].
[462] ng kalinisang-puri at kabinihan nila at maigagalang na nagdadamit nang may ḥijāb, na hindi nagdadamit o umaasta sa mapang-akit na paraan

وَمَا كَانَ لِمُؤْمِنٍ وَّلَا مُؤْمِنَةٍ اِذَا قَضَى اللّٰهُ وَرَسُوْلُهٗٓ اَمْرًا اَنْ يَّكُوْنَ لَهُمُ الْخِيَرَةُ مِنْ اَمْرِهِمْ ۗوَمَنْ يَّعْصِ اللّٰهَ وَرَسُوْلَهٗ فَقَدْ ضَلَّ ضَلٰلًا مُّبِيْنًاۗ٣٦
Wa mā kāna limu'miniw wa lā mu'minatin iżā qaḍallāhu wa rasūluhū amran ay yakūna lahumul-khiyaratu min amrihim, wa may ya‘ṣillāha wa rasūlahū faqad ḍalla ḍalālam mubīnā(n).
[36] Hindi naging ukol sa isang lalaking mananampalataya ni sa isang babaing mananampalataya, kapag humusga si Allāh at ang Sugo Niya ng isang bagay, na magkaroon sila ng mapagpipilian sa nauukol sa kanila. Ang sinumang susuway kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad] ay naligaw nga nang isang pagkaligaw na malinaw.

وَاِذْ تَقُوْلُ لِلَّذِيْٓ اَنْعَمَ اللّٰهُ عَلَيْهِ وَاَنْعَمْتَ عَلَيْهِ اَمْسِكْ عَلَيْكَ زَوْجَكَ وَاتَّقِ اللّٰهَ وَتُخْفِيْ فِيْ نَفْسِكَ مَا اللّٰهُ مُبْدِيْهِ وَتَخْشَى النَّاسَۚ وَاللّٰهُ اَحَقُّ اَنْ تَخْشٰىهُ ۗ فَلَمَّا قَضٰى زَيْدٌ مِّنْهَا وَطَرًاۗ زَوَّجْنٰكَهَا لِكَيْ لَا يَكُوْنَ عَلَى الْمُؤْمِنِيْنَ حَرَجٌ فِيْٓ اَزْوَاجِ اَدْعِيَاۤىِٕهِمْ اِذَا قَضَوْا مِنْهُنَّ وَطَرًاۗ وَكَانَ اَمْرُ اللّٰهِ مَفْعُوْلًا٣٧
Wa iż taqūlu lil-lażī an‘amallāhu ‘alaihi wa an‘amta ‘alaihi amsik ‘alaika zaujaka wattaqillāha wa tukhfī fī nafsika mallāhu mubdīhi wa takhsyan-nās(a), wallāhu aḥaqqu an takhsyāh(u), falammā qaḍā zaidum minhā waṭaran zawwajnākahā likai lā yakūna ‘alal-mu'minīna ḥarajun fī azwāji ad‘iyā'ihim iżā qaḍau minhunna waṭarā(n), wa kāna amrullāhi maf‘ūlā(n).
[37] [Banggitin, O Propeta Muḥammad] noong nagsasabi ka [kay Zayd bin Ḥārithah na] biniyayaan ni Allāh [ng Islām] at biniyayaan mo [ng pagpapalaya]: “Magpanatili ka sa iyo ng maybahay mo at mangilag kang magkasala kay Allāh,” samantalang nagkukubli ka sa sarili mo ng bagay na si Allāh ay maglalantad nito at natatakot ka sa mga tao samantalang si Allāh ay higit na karapat-dapat na matakot ka sa Kanya. Kaya noong nakatapos si Zayd mula sa kanya ng isang pangangailangan, ipinakasal Namin siya sa iyo upang walang mangyari sa mga mananampalataya na isang kaasiwaan sa mga maybahay ng mga ampon nila kapag nakatapos ang mga ito mula sa mga iyon ng isang pangangailangan. Laging ang utos ni Allāh ay nagagawa.

مَا كَانَ عَلَى النَّبِيِّ مِنْ حَرَجٍ فِيْمَا فَرَضَ اللّٰهُ لَهٗ ۗسُنَّةَ اللّٰهِ فِى الَّذِيْنَ خَلَوْا مِنْ قَبْلُ ۗوَكَانَ اَمْرُ اللّٰهِ قَدَرًا مَّقْدُوْرًاۙ٣٨
Mā kāna ‘alan-nabiyyi min ḥarajin fīmā faraḍallāhu lah(ū), sunnatallāhi fil-lażīna khalau min qabl(u), wa kāna amrullāhi qadaram maqdūrā(n).
[38] Hindi nangyaring sa Propeta ay may anumang kaasiwaan sa anumang isinatungkulin ni Allāh para sa kanya. Bilang kalakaran ni Allāh sa mga nakalipas bago pa niyan. Laging ang kautusan ni Allāh ay isang pagtatakdang itinakda.

ۨالَّذِيْنَ يُبَلِّغُوْنَ رِسٰلٰتِ اللّٰهِ وَيَخْشَوْنَهٗ وَلَا يَخْشَوْنَ اَحَدًا اِلَّا اللّٰهَ ۗوَكَفٰى بِاللّٰهِ حَسِيْبًا٣٩
Allażīna yuballigūna risālātillāhi wa yakhsyaunahū wa lā yakhsyauna aḥadan illallāh(a), wa kafā billāhi ḥasībā(n).
[39] [Itong mga propeta ay] ang mga nagpapaabot ng mga pasugo ni Allāh at natatakot sa Kanya at hindi natatakot sa isa man maliban kay Allāh. Nakasapat si Allāh bilang Mapagtuos.

مَا كَانَ مُحَمَّدٌ اَبَآ اَحَدٍ مِّنْ رِّجَالِكُمْ وَلٰكِنْ رَّسُوْلَ اللّٰهِ وَخَاتَمَ النَّبِيّٖنَۗ وَكَانَ اللّٰهُ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيْمًا ࣖ٤٠
Mā kāna muḥammadun abā aḥadim mir rijālikum wa lākir rasūlallāhi wa khātaman-nabiyyīn(a), wa kānallāhu bikulli syai'in ‘alīmā(n).
[40] Si Muḥammad ay hindi ama ng isa sa mga lalaki ninyo, subalit ang Sugo ni Allāh at ang pangwakas sa mga propeta. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.

يٰٓاَيُّهَا الَّذِيْنَ اٰمَنُوا اذْكُرُوا اللّٰهَ ذِكْرًا كَثِيْرًاۙ٤١
Yā ayyuhal-lażīna āmanużkurullāha żikran kaṡīrā(n),
[41] O mga sumampalataya, mag-alaala kayo kaya Allāh nang pag-aalaalang madalas

وَّسَبِّحُوْهُ بُكْرَةً وَّاَصِيْلًا٤٢
Wa sabbiḥūhu bukrataw wa aṣīlā(n).
[42] at magluwalhati kayo sa Kanya sa umaga at gabi.

هُوَ الَّذِيْ يُصَلِّيْ عَلَيْكُمْ وَمَلٰۤىِٕكَتُهٗ لِيُخْرِجَكُمْ مِّنَ الظُّلُمٰتِ اِلَى النُّوْرِۗ وَكَانَ بِالْمُؤْمِنِيْنَ رَحِيْمًا٤٣
Huwal-lażī yuṣallī ‘alaikum wa malā'ikatahū liyukhrijakum minaẓ-ẓulumāti ilan-nūr(i), wa kāna bil-mu'minīna raḥīmā(n).
[43] Siya ay ang nagbabasbas sa inyo at ang mga anghel Niya [ay humihiling sa Kanya ng gayon], upang magpalabas Siya sa inyo mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag. Laging Siya sa mga mananampalataya ay Maawain.

تَحِيَّتُهُمْ يَوْمَ يَلْقَوْنَهٗ سَلٰمٌ ۚوَاَعَدَّ لَهُمْ اَجْرًا كَرِيْمًا٤٤
Taḥiyyatuhum yauma yalqaunahū salām(un), wa a‘adda lahum ajran karīmā(n).
[44] Ang pagbati nila sa Araw na makikipagkita sila sa Kanya ay kapayapaan. Naghanda Siya para sa kanila ng isang pabuyang marangal [sa Paraiso].

يٰٓاَيُّهَا النَّبِيُّ اِنَّآ اَرْسَلْنٰكَ شَاهِدًا وَّمُبَشِّرًا وَّنَذِيْرًاۙ٤٥
Yā ayyuhan-nabiyyu innā arsalnāka syāhidaw wa mubasysyiraw wa nażīrā(n).
[45] O Propeta [Muḥammad], tunay na Kami ay nagsugo sa iyo bilang tagasaksi, bilang tagapagbalita ng nakagagalak,463 bilang mapagbabala,464
[463] hinggil sa kaginhawahan Paraiso. [464] hinggils sa pagdurusa sa Impiyerno.

وَّدَاعِيًا اِلَى اللّٰهِ بِاِذْنِهٖ وَسِرَاجًا مُّنِيْرًا٤٦
Wa dā‘iyan ilallāhi bi'iżnihī wa sirājam munīrā(n).
[46] bilang tagapag-anyaya tungo kay Allāh ayon sa pahintulot Niya, at bilang sulo na nagbibigay-liwanag [ng patnubay].

وَبَشِّرِ الْمُؤْمِنِيْنَ بِاَنَّ لَهُمْ مِّنَ اللّٰهِ فَضْلًا كَبِيْرًا٤٧
Wa basysyiril-mu'minīna bi'anna lahum minallāhi faḍlan kabīrā(n).
[47] Magbalita ka ng nakagagalak sa mga mananampalataya hinggil sa pagkakaroon nila mula kay Allāh ng isang kabutihang-loob na malaki.

وَلَا تُطِعِ الْكٰفِرِيْنَ وَالْمُنٰفِقِيْنَ وَدَعْ اَذٰىهُمْ وَتَوَكَّلْ عَلَى اللّٰهِ ۗوَكَفٰى بِاللّٰهِ وَكِيْلًا٤٨
Wa lā tuṭi‘il-kāfirīna wal-munāfiqīna wa da‘ ażāhum wa tawakkal ‘alallāh(i), wa kafā billāhi wakīlā(n).
[48] Huwag kang tumalima sa [ipinaaanyaya ng] mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw, magwaksi ka ng pananakit sa kanila, at manalig ka kay Allāh. Nakasapat si Allāh bilang Pinananaligan.

يٰٓاَيُّهَا الَّذِيْنَ اٰمَنُوْٓا اِذَا نَكَحْتُمُ الْمُؤْمِنٰتِ ثُمَّ طَلَّقْتُمُوْهُنَّ مِنْ قَبْلِ اَنْ تَمَسُّوْهُنَّ فَمَا لَكُمْ عَلَيْهِنَّ مِنْ عِدَّةٍ تَعْتَدُّوْنَهَاۚ فَمَتِّعُوْهُنَّ وَسَرِّحُوْهُنَّ سَرَاحًا جَمِيْلًا٤٩
Yā ayyuhal-lażīna āmanū iżā nakaḥtumul-mu'mināti ṡumma ṭallaqtumūhunna min qabli an tamassūhunna famā lakum ‘alaihinna min ‘iddatin ta‘taddūnahā, fa matti‘ūhunna wa sarriḥūhunna sarāḥan jamīlā(n).
[49] O mga sumampalataya, kapag nag-asawa kayo ng mga babaing mananampalataya, pagkatapos nagdiborsiyo kayo sa kanila bago pa kayo sumaling sa kanila,465 walang ukol sa inyong tungkulin sa kanila na isang panahon ng paghihintay na bibilangin ninyo. Kaya magpatamasa kayo sa kanila at magpalaya kayo sa kanila nang isang pagpapalayang marilag.
[465] Ibig sabihin: bago kayo nakipagtalik sa kanila.

يٰٓاَيُّهَا النَّبِيُّ اِنَّآ اَحْلَلْنَا لَكَ اَزْوَاجَكَ الّٰتِيْٓ اٰتَيْتَ اُجُوْرَهُنَّ وَمَا مَلَكَتْ يَمِيْنُكَ مِمَّآ اَفَاۤءَ اللّٰهُ عَلَيْكَ وَبَنٰتِ عَمِّكَ وَبَنٰتِ عَمّٰتِكَ وَبَنٰتِ خَالِكَ وَبَنٰتِ خٰلٰتِكَ الّٰتِيْ هَاجَرْنَ مَعَكَۗ وَامْرَاَةً مُّؤْمِنَةً اِنْ وَّهَبَتْ نَفْسَهَا لِلنَّبِيِّ اِنْ اَرَادَ النَّبِيُّ اَنْ يَّسْتَنْكِحَهَا خَالِصَةً لَّكَ مِنْ دُوْنِ الْمُؤْمِنِيْنَۗ قَدْ عَلِمْنَا مَا فَرَضْنَا عَلَيْهِمْ فِيْٓ اَزْوَاجِهِمْ وَمَا مَلَكَتْ اَيْمَانُهُمْ لِكَيْلَا يَكُوْنَ عَلَيْكَ حَرَجٌۗ وَكَانَ اللّٰهُ غَفُوْرًا رَّحِيْمًا٥٠
Yā ayyuhan-nabiyyu innā aḥlalnā laka azwājakal-lātī ātaita ujūrahunna wa mā malakat yamīnuka mimmā afā'allāhu ‘alaika wa banāti ‘ammika wa banāti ‘ammātika wa banāti khālika wa banāti khālātikal-lātī hājarna ma‘ak(a), wamra'atam mu'minatan iw wahabat nafsahā lin-nabiyyi in arādan-nabiyyu ay yastankiḥahā, khāliṣatal laka min dūnil-mu'minīn(a), qad ‘alimnā mā faraḍnā ‘alaihim fī azwājihim wa mā malakat aimānuhum likailā yakūna ‘alaika ḥaraj(un), wa kānallāhu gafūrar raḥīmā(n).
[50] O Propeta [Muḥammad], tunay na Kami ay nagpahintulot para sa iyo ng mga maybahay mong nagbigay ka ng mga bigay-kaya nila, ng anumang minay-ari ng kanang kamay mo kabilang sa [mga bihag na] ipinasamsam ni Allāh sa iyo, ng mga babaing anak ng tiyuhin mo sa ama, ng mga babaing anak ng tiyahin mo sa ama, ng mga babaing anak ng tiyuhin mo sa ina, ng mga babaing anak ng tiyahin mo sa ina, na lumikas kasama sa iyo, at ng isang babaing mananampalataya kung nagkaloob ito ng sarili nito sa Propeta kung nagnais naman ang Propeta na mapangasawa ito, bilang natatangi sa iyo bukod sa [nalalabi sa] mga mananampalataya. Nakaalam nga Kami ng isinatungkulin Namin sa kanila kaugnay sa mga maybahay nila at minay-ari ng kanang kamay nila [sa pamamagitan ng mga paraang ayon sa batas] upang hindi magkaroon sa iyo ng isang kaasiwaan. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.

۞ تُرْجِيْ مَنْ تَشَاۤءُ مِنْهُنَّ وَتُـْٔوِيْٓ اِلَيْكَ مَنْ تَشَاۤءُۗ وَمَنِ ابْتَغَيْتَ مِمَّنْ عَزَلْتَ فَلَا جُنَاحَ عَلَيْكَۗ ذٰلِكَ اَدْنٰٓى اَنْ تَقَرَّ اَعْيُنُهُنَّ وَلَا يَحْزَنَّ وَيَرْضَيْنَ بِمَآ اٰتَيْتَهُنَّ كُلُّهُنَّۗ وَاللّٰهُ يَعْلَمُ مَا فِيْ قُلُوْبِكُمْ ۗوَكَانَ اللّٰهُ عَلِيْمًا حَلِيْمًا٥١
Turjī man tasyā'u wa tu'wī ilaika man tasyā'(u), wa manibtagaita mimman ‘azalta falā junāḥa ‘alaik(a), żālika adnā an taqarra a‘yunuhunna wa lā yaḥzanna wa yarḍaina bimā ātaitahunna kulluhunn(a), wallāhu ya‘lamu mā fī qulūbikum, wa kānallāhu ‘alīman ḥalīmā(n).
[51] Makapagpapaliban ka ng [toka ng] sinumang niloloob mo kabilang sa kanila at makapagpapatuloy ka sa iyo ng sinumang niloloob mo; at ang sinumang hinangad mo mula sa [pansamantalang] hiniwalayan mo ay walang maisisisi sa iyo [na magpatuloy sa kanya]. Iyon ay higit na angkop na guminhawa ang mga mata nila. Hindi sila malungkot at malugod sila sa ibinigay mo sa kanila sa kabuuan nila. Si Allāh ay nakaaalam sa nasa mga puso ninyo. Laging si Allāh ay Maalam, Matimpiin.

لَا يَحِلُّ لَكَ النِّسَاۤءُ مِنْۢ بَعْدُ وَلَآ اَنْ تَبَدَّلَ بِهِنَّ مِنْ اَزْوَاجٍ وَّلَوْ اَعْجَبَكَ حُسْنُهُنَّ اِلَّا مَا مَلَكَتْ يَمِيْنُكَۗ وَكَانَ اللّٰهُ عَلٰى كُلِّ شَيْءٍ رَّقِيْبًا ࣖ٥٢
Lā yaḥillu lakan-nisā'u mim ba‘du wa lā an tabaddala bihinna min azwājiw wa lau a‘jabaka ḥusnuhunna illā mā malakat yamīnuk(a), wa kānallāhu ‘alā kulli syai'ir raqībā(n).
[52] Hindi ipinahihintulot para sa iyo, [O Propeta Muḥammad,] ang mga babae [na karagdagan] matapos na niyan ni na magpalit ka sa kanila ng mga [ibang] maybahay, kahit pa nagpahanga sa iyo ang kagandahan nila, maliban sa minay-ari ng kanang kamay mo. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Mapagmasid.

يٰٓاَيُّهَا الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا لَا تَدْخُلُوْا بُيُوْتَ النَّبِيِّ اِلَّآ اَنْ يُّؤْذَنَ لَكُمْ اِلٰى طَعَامٍ غَيْرَ نٰظِرِيْنَ اِنٰىهُ وَلٰكِنْ اِذَا دُعِيْتُمْ فَادْخُلُوْا فَاِذَا طَعِمْتُمْ فَانْتَشِرُوْا وَلَا مُسْتَأْنِسِيْنَ لِحَدِيْثٍۗ اِنَّ ذٰلِكُمْ كَانَ يُؤْذِى النَّبِيَّ فَيَسْتَحْيٖ مِنْكُمْ ۖوَاللّٰهُ لَا يَسْتَحْيٖ مِنَ الْحَقِّۗ وَاِذَا سَاَلْتُمُوْهُنَّ مَتَاعًا فَسْـَٔلُوْهُنَّ مِنْ وَّرَاۤءِ حِجَابٍۗ ذٰلِكُمْ اَطْهَرُ لِقُلُوْبِكُمْ وَقُلُوْبِهِنَّۗ وَمَا كَانَ لَكُمْ اَنْ تُؤْذُوْا رَسُوْلَ اللّٰهِ وَلَآ اَنْ تَنْكِحُوْٓا اَزْوَاجَهٗ مِنْۢ بَعْدِهٖٓ اَبَدًاۗ اِنَّ ذٰلِكُمْ كَانَ عِنْدَ اللّٰهِ عَظِيْمًا٥٣
Yā ayyuhal-lażīna āmanū lā tadkhulū buyūtan-nabiyyi illā ay yu'żana lakum ilā ṭa‘āmin gaira nāẓirīna ināhu wa lākin iżā du‘ītum fadkhulū fa iżā ṭa‘imtum fantasyirū wa lā musta'nisīna liḥadīṡ(in), inna żālikum kāna yu'żin-nabiyya fayastaḥyī minkum, wallāhu lā yastaḥyī minal-ḥaqq(i), wa iżā sa'altumūhunna matā‘an fas'alūhunna miw warā'i ḥijāb(in), żālikum aṭharu liqulūbikum wa qulūbihinn(a), wa mā kāna lakum an tu'żū rasūlallāhi wa lā an tankiḥū azwājahū mim ba‘dihī abadā(n), inna żālikum kāna ‘indallāhi ‘aẓīmā(n).
[53] O mga sumampalataya, huwag kayong pumasok sa mga bahay ng Propeta maliban na magpahintulot sa inyo para sa isang pagkain, na hindi mga naghihintay sa pagkaluto nito, subalit kapag inanyayahan kayo ay pumasok kayo; saka kapag nakakain na kayo ay maghiwa-hiwalay kayo, na hindi mga naghahalubilo para sa isang pag-uusap. Tunay na iyon ay nakapeperhuwisyo noon sa Propeta ngunit nahihiya siya [na humiling] sa inyo [na umalis] samantalang si Allāh ay hindi nahihiya sa [pagpapabatid ng] katotohanan. Kapag humiling kayo sa kanila [na mga maybahay niya] ng isang kailangan ay humiling kayo sa kanila mula sa likuran ng isang lambong. Iyon ay higit na dalisay para sa mga puso ninyo at mga puso nila. Hindi naging ukol sa inyo na mamerhuwisyo kayo sa Sugo ni Allāh ni mag-asawa kayo ng mga maybahay niya matapos na niya magpakailanman; tunay na iyon laging sa ganang kay Allāh ay sukdulan.

اِنْ تُبْدُوْا شَيْـًٔا اَوْ تُخْفُوْهُ فَاِنَّ اللّٰهَ كَانَ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيْمًا٥٤
In tubdū syai'an au tukhfūhu fa'innallāha kāna bikulli syai'in ‘alīmā(n).
[54] Kung maglalahad kayo ng isang bagay o magkukubli kayo nito, tunay na si Allāh laging sa bawat bagay ay Maalam.

لَا جُنَاحَ عَلَيْهِنَّ فِيْٓ اٰبَاۤىِٕهِنَّ وَلَآ اَبْنَاۤىِٕهِنَّ وَلَآ اِخْوَانِهِنَّ وَلَآ اَبْنَاۤءِ اِخْوَانِهِنَّ وَلَآ اَبْنَاۤءِ اَخَوٰتِهِنَّ وَلَا نِسَاۤىِٕهِنَّ وَلَا مَا مَلَكَتْ اَيْمَانُهُنَّۚ وَاتَّقِيْنَ اللّٰهَ ۗاِنَّ اللّٰهَ كَانَ عَلٰى كُلِّ شَيْءٍ شَهِيْدًا٥٥
Lā junāḥa ‘alaihinna fī ābā'ihinna wa lā abnā'ihinna wa lā ikhwānihinna wa lā abnā'i ikhwānihinna wa lā abnā'i akhawātihinna wa lā nisā'ihinna wa lā mā malakat aimānuhunn(a), wattaqīnallāh(a), innallāha kāna ‘alā kulli syai'in syahīdā(n).
[55] Walang maisisisi sa kanila kaugnay sa [hindi pagbebelo sa] mga ama nila,466 ni mga lalaking anak nila, ni mga lalaking kapatid nila, ni mga lalaking anak ng mga lalaking kapatid nila, ni mga lalaking anak ng mga babaing kapatid nila, ni mga [kapwa] babae nila, ni mga babaing minay-ari ng mga kanang kamay nila.467 Mangilag kayong magkasala kay Allāh; tunay na si Allāh laging sa bawat bagay ay Saksi.
[466] o mga tiyuhin nila sa ama o mga tiyuhin nila sa ina [467] sa tamang paraang ayon sa batas.

اِنَّ اللّٰهَ وَمَلٰۤىِٕكَتَهٗ يُصَلُّوْنَ عَلَى النَّبِيِّۗ يٰٓاَيُّهَا الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا صَلُّوْا عَلَيْهِ وَسَلِّمُوْا تَسْلِيْمًا٥٦
Innallāha wa malā'ikatahū yuṣallūna ‘alan-nabiyy(i), yā ayyuhal-lażīna āmanū ṣallū ‘alaihi wa sallimū taslīmā(n).
[56] Tunay na si Allāh ay nagbabasbas sa Propeta at ang mga anghel Niya [ay humihiling sa Kanya ng gayon]. O mga sumampalataya, dumalangin kayo [kay Allāh] ng pagbasbas sa kanya at bumati kayo sa kanya ng pagbati ng kapayapaan.

اِنَّ الَّذِيْنَ يُؤْذُوْنَ اللّٰهَ وَرَسُوْلَهٗ لَعَنَهُمُ اللّٰهُ فِى الدُّنْيَا وَالْاٰخِرَةِ وَاَعَدَّ لَهُمْ عَذَابًا مُّهِيْنًا٥٧
Innal-lażīna yu'żūnallāha wa rasūlahū la‘anahumullāhu fid-dun-yā wal-ākhirati wa a‘adda lahum ‘ażābam muhīnā(n).
[57] Tunay na ang mga namemerhuwisyo kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad] ay isinumpa sila ni Allāh sa Mundo at Kabilang-buhay. Naghanda Siya para sa kanila ng isang pagdurusang manghahamak.

وَالَّذِيْنَ يُؤْذُوْنَ الْمُؤْمِنِيْنَ وَالْمُؤْمِنٰتِ بِغَيْرِ مَا اكْتَسَبُوْا فَقَدِ احْتَمَلُوْا بُهْتَانًا وَّاِثْمًا مُّبِيْنًا ࣖ٥٨
Wal-lażīna yu'żūnal-mu'minīna wal-mu'mināti bigairi maktasabū faqadiḥtamalū buhtānaw wa iṡmam mubīnā(n).
[58] Ang mga namemerhuwisyo ng mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya dahil sa iba pa sa nakamit ng mga ito ay pumasan nga ng isang paninirang-puri at isang kasalanang malinaw.

يٰٓاَيُّهَا النَّبِيُّ قُلْ لِّاَزْوَاجِكَ وَبَنٰتِكَ وَنِسَاۤءِ الْمُؤْمِنِيْنَ يُدْنِيْنَ عَلَيْهِنَّ مِنْ جَلَابِيْبِهِنَّۗ ذٰلِكَ اَدْنٰىٓ اَنْ يُّعْرَفْنَ فَلَا يُؤْذَيْنَۗ وَكَانَ اللّٰهُ غَفُوْرًا رَّحِيْمًا٥٩
Yā ayyuhan-nabiyyu qul li'azwājika wa banātika wa nisā'il-mu'minīna yudnīna ‘alaihinna min jalābībihinn(a), żālika adnā ay yu‘rafna falā yu'żain(a), wa kānallāhu gafūrar raḥīmā(n).
[59] O Propeta [Muḥammad], sabihin mo sa mga maybahay mo, mga babaing anak mo, at mga kababaihan ng mga mananampalataya na maglugay sila sa ibabaw nila ng mula sa mga balabal nila. Iyon ay higit na angkop na makilala sila [bilang babaing mananampalatayang mahinhin] para hindi sila maperhuwisyo. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.

۞ لَىِٕنْ لَّمْ يَنْتَهِ الْمُنٰفِقُوْنَ وَالَّذِيْنَ فِيْ قُلُوْبِهِمْ مَّرَضٌ وَّالْمُرْجِفُوْنَ فِى الْمَدِيْنَةِ لَنُغْرِيَنَّكَ بِهِمْ ثُمَّ لَا يُجَاوِرُوْنَكَ فِيْهَآ اِلَّا قَلِيْلًا٦٠
La'il lam yantahil-munāfiqūna wal-lażīna fī qulūbihim maraḍuw wal-murjifūna fil-madīnati lanugriyannaka bihim ṡumma lā yujāwirūnaka fīhā illā qalīlā(n).
[60] Talagang kung hindi tumigil ang mga mapagpaimbabaw, ang mga [mahalay na] sa mga puso nila ay may sakit, at ang mga tagapagkalat ng sabi-sabi sa Madīnah ay talagang mag-uudyok nga Kami sa iyo laban sa kanila, pagkatapos hindi sila makikipagkapit-bahay sa iyo roon kundi nang kaunti.

مَلْعُوْنِيْنَۖ اَيْنَمَا ثُقِفُوْٓا اُخِذُوْا وَقُتِّلُوْا تَقْتِيْلًا٦١
Mal‘ūnīn(a), ainamā ṡuqifū ukhiżū wa quttilū taqtīlā(n).
[61] Mga isinumpa saan man sila nasumpungan, dadaklutin sila at pagpapatayin sila nang isang pagpapatay [dahil sa katiwalian nila],

سُنَّةَ اللّٰهِ فِى الَّذِيْنَ خَلَوْا مِنْ قَبْلُ ۚوَلَنْ تَجِدَ لِسُنَّةِ اللّٰهِ تَبْدِيْلًا٦٢
Sunnatallāhi fil-lażīna khalau min qabl(u), wa lan tajida lisunnatillāhi tabdīlā(n).
[62] bilang kalakaran ni Allāh [ito] sa mga nagdaan bago pa niyan. Hindi ka makatatagpo para sa kalakaran ni Allāh ng isang pagpapalit.

يَسْـَٔلُكَ النَّاسُ عَنِ السَّاعَةِۗ قُلْ اِنَّمَا عِلْمُهَا عِنْدَ اللّٰهِ ۗوَمَا يُدْرِيْكَ لَعَلَّ السَّاعَةَ تَكُوْنُ قَرِيْبًا٦٣
Yas'alukan-nāsu ‘anis-sā‘ah(ti), qul innamā ‘ilmuhā ‘indallāh(i), wa mā yudrīka la‘allas-sā‘ata takūnu qarībā(n).
[63] Nagtatanong sa iyo ang mga tao tungkol sa Huling Sandali.468 Sabihin mo: “Tanging ang kaalaman doon ay nasa kay Allāh. Ano ang nagpapabatid sa iyo na harinawa ang Huling Sandali ay nagiging malapit na?”
[468] Araw ng Pagbuhay at Paghuhukom

اِنَّ اللّٰهَ لَعَنَ الْكٰفِرِيْنَ وَاَعَدَّ لَهُمْ سَعِيْرًاۙ٦٤
Innallāha la‘anal-kāfirīna wa a‘adda lahum sa‘īrā(n).
[64] Tunay na si Allāh ay sumumpa ng mga tagatangging sumasampalataya at naghanda para sa kanila ng isang liyab.

خٰلِدِيْنَ فِيْهَآ اَبَدًاۚ لَا يَجِدُوْنَ وَلِيًّا وَّلَا نَصِيْرًا ۚ٦٥
Khālidīna fīhā abadā(n), lā yajidūna waliyyaw wa lā naṣīrā(n).
[65] Bilang mga mananatili roon magpakailanman, hindi sila makatatagpo ng isang katangkilik ni isang mapag-adya.

يَوْمَ تُقَلَّبُ وُجُوْهُهُمْ فِى النَّارِ يَقُوْلُوْنَ يٰلَيْتَنَآ اَطَعْنَا اللّٰهَ وَاَطَعْنَا الرَّسُوْلَا۠٦٦
Yauma tuqallabu wujūhuhum fin-nāri yaqūlūna yā laitanā aṭa‘nallāha wa aṭa‘nar-rasūlā.
[66] Sa Araw na itataob ang mga mukha nila sa Apoy ay magsasabi sila: “O kung sana kami ay tumalima kay Allāh at tumalima sa Sugo.”

وَقَالُوْا رَبَّنَآ اِنَّآ اَطَعْنَا سَادَتَنَا وَكُبَرَاۤءَنَا فَاَضَلُّوْنَا السَّبِيْلَا۠٦٧
Wa qālū rabbanā innā aṭa‘nā sādatanā wa kubarā'anā fa aḍallūnas-sabīlā.
[67] Magsasabi sila: “O Panginoon namin, tunay na kami ay tumalima sa mga pinapanginoon namin at mga malaking tao sa amin ngunit nagligaw sila sa amin palayo sa landas [ng Islām].

رَبَّنَآ اٰتِهِمْ ضِعْفَيْنِ مِنَ الْعَذَابِ وَالْعَنْهُمْ لَعْنًا كَبِيْرًا ࣖ٦٨
Rabbanā ātihim ḍi‘faini minal-‘ażābi wal‘anhum la‘nan kabīrā(n).
[68] O Panginoon namin, magbigay Ka sa kanila ng dalawang ibayo mula sa pagdurusa at sumpain Mo sila nang isang sumpang malaki.”

يٰٓاَيُّهَا الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا لَا تَكُوْنُوْا كَالَّذِيْنَ اٰذَوْا مُوْسٰى فَبَرَّاَهُ اللّٰهُ مِمَّا قَالُوْا ۗوَكَانَ عِنْدَ اللّٰهِ وَجِيْهًا ۗ٦٩
Yā ayyuhal-lażīna āmanū lā takūnū kal-lażīna āżau mūsā fa barra'ahullāhu mimmā qālū, wa kāna ‘indallāhi wajīhā(n).
[69] O mga sumampalataya, huwag kayong maging gaya ng mga nananakit kay Moises, ngunit nagpawalang-kapintasan sa kanya si Allāh laban sa sinabi nila. Siya noon sa ganang kay Allāh ay pinarangalan.

يٰٓاَيُّهَا الَّذِيْنَ اٰمَنُوا اتَّقُوا اللّٰهَ وَقُوْلُوْا قَوْلًا سَدِيْدًاۙ٧٠
Yā ayyuhal-lażīna āmanuttaqullāha wa qūlū qaulan sadīdā(n).
[70] O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh469 at magsabi kayo ng isang sinasabing tama,
[469] sa pamamagitan ng pagtalima sa Kanya at pag-iwas sa mga ipinagbabawal.

يُّصْلِحْ لَكُمْ اَعْمَالَكُمْ وَيَغْفِرْ لَكُمْ ذُنُوْبَكُمْۗ وَمَنْ يُّطِعِ اللّٰهَ وَرَسُوْلَهٗ فَقَدْ فَازَ فَوْزًا عَظِيْمًا٧١
Yuṣliḥ lakum a‘mālakum wa yagfir lakum żunūbakum, wa may yuṭi‘illāha wa rasūlahū faqad fāza fauzan ‘aẓīmā(n).
[71] magsasaayos Siya para sa inyo ng mga gawain ninyo470 at magpapatatawad Siya para sa inyo ng mga pagkakasala ninyo. Ang sinumang tumatalima kay Allāh at sa Sugo Niya ay nagtamo nga ng isang pagkatamong sukdulan.471
[470] na tatanggapin Niya mula sa inyo. [471] Ibig sabihin: na kaligtasan mula sa Impiyerno at pagpasok sa Paraiso.

اِنَّا عَرَضْنَا الْاَمَانَةَ عَلَى السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِ وَالْجِبَالِ فَاَبَيْنَ اَنْ يَّحْمِلْنَهَا وَاَشْفَقْنَ مِنْهَا وَحَمَلَهَا الْاِنْسَانُۗ اِنَّهٗ كَانَ ظَلُوْمًا جَهُوْلًاۙ٧٢
Innā ‘araḍnal-amānata ‘alas-samāwāti wal-arḍi fa abaina ay yaḥmilnahā wa asyfaqna minhā wa ḥamalahal-insān(u), innahū kāna ẓalūman jahūlā(n).
[72] Tunay na Kami ay nag-alok ng pagtitiwala sa mga langit, lupa, at mga bundok; ngunit tumanggi ang mga ito na pumasan niyon at nabagabag ang mga ito roon, at pumasan naman niyon ang tao; tunay na siya ay naging napakamapaglabag sa katarungan, napakamangmang [sa kahihinatnan nito].

لِّيُعَذِّبَ اللّٰهُ الْمُنٰفِقِيْنَ وَالْمُنٰفِقٰتِ وَالْمُشْرِكِيْنَ وَالْمُشْرِكٰتِ وَيَتُوْبَ اللّٰهُ عَلَى الْمُؤْمِنِيْنَ وَالْمُؤْمِنٰتِۗ وَكَانَ اللّٰهُ غَفُوْرًا رَّحِيْمًا ࣖ٧٣
Liyu‘ażżiballāhul-munāfiqīna wal-munāfiqāti wal-musyrikīna wal-musyrikāti wa yatūballāhu ‘alal-mu'minīna wal-mu'mināt(i), wa kānallāhu gafūrar raḥīmā(n).
[73] [Ito ay] upang pagdusahin ni Allāh ang mga lalaking mapagpaimbabaw at ang mga babaing mapagpaimbabaw, at ang mga lalaking tagapagtambal at ang mga babaing tagapagtambal, at [upang] tumanggap si Allāh ng pagbabalik-loob sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.