Surah Asy-Syu`ara`

Daftar Surah

بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
طٰسۤمّۤ١
Ṭā Sīm Mīm.
[1] Ṭā. Sīn. Mīm.370
[370] Ang Qur’ān ay nasa wikang Arabe na binubuo ng mga titiks Arabe gaya ng mga ito subalit walang isa mang nakagawa ng kahit pinkamaiikling kabanata ng mahimalang kababalaghan ng Qur’ān.

تِلْكَ اٰيٰتُ الْكِتٰبِ الْمُبِيْنِ٢
Tilka āyātul-kitābil-mubīn(i).
[2] Ang mga ito ay ang mga talata ng Aklat371 na naglilinaw.
[371] Ibig sabihin: ang Qur’an.

لَعَلَّكَ بَاخِعٌ نَّفْسَكَ اَلَّا يَكُوْنُوْا مُؤْمِنِيْنَ٣
La‘allaka bākhi‘un nafsaka allā yakūnū mu'minīn(a).
[3] Baka ikaw ay kikitil ng sarili mo na hindi sila maging mga mananampalataya.

اِنْ نَّشَأْ نُنَزِّلْ عَلَيْهِمْ مِّنَ السَّمَاۤءِ اٰيَةً فَظَلَّتْ اَعْنَاقُهُمْ لَهَا خٰضِعِيْنَ٤
In nasya' nunazzil ‘alaihim minas-samā'i āyatan fa ẓallat a‘nāquhum lahā khāḍi‘īn(a).
[4] Kung niloob Namin ay magbababa Kami sa kanila mula sa langit ng isang tanda kaya mananatili ang mga leeg nila na mga nakatungo roon.

وَمَا يَأْتِيْهِمْ مِّنْ ذِكْرٍ مِّنَ الرَّحْمٰنِ مُحْدَثٍ اِلَّا كَانُوْا عَنْهُ مُعْرِضِيْنَ٥
Wa mā ya'tīhim min żikrim minar-raḥmāni muḥdaṡin illā kānū ‘anhu mu‘riḍīn(a).
[5] Walang pumupunta sa kanila na isang paalaala mula sa Napakamaawain, na bagong ipinababa, malibang sila rito ay mga umaayaw.

فَقَدْ كَذَّبُوْا فَسَيَأْتِيْهِمْ اَنْۢبـٰۤؤُا مَا كَانُوْا بِهٖ يَسْتَهْزِءُوْنَ٦
Faqad każżabū fa saya'tīhim ambā'u mā kānū bihī yastahzi'ūn(a).
[6] Kaya nagpasinungaling nga sila kaya pupunta sa kanila ang mga balita ng anumang dati nilang kinukutya.

اَوَلَمْ يَرَوْا اِلَى الْاَرْضِ كَمْ اَنْۢبَتْنَا فِيْهَا مِنْ كُلِّ زَوْجٍ كَرِيْمٍ٧
Awalam yarau ilal-arḍi kam ambatnā fīhā min kulli zaujin karīm(in).
[7] Hindi ba sila nakita sa lupa kung ilan ang pinatubo Namin dito mula sa bawat uring marangal?

اِنَّ فِيْ ذٰلِكَ لَاٰيَةًۗ وَمَا كَانَ اَكْثَرُهُمْ مُّؤْمِنِيْنَ٨
Inna fī żālika la'āyah(tan), wa mā kāna akṡaruhum mu'minīn(a).
[8] Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.

وَاِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ الْعَزِيْزُ الرَّحِيْمُ ࣖ٩
Inna rabbaka lahuwal-‘azīzur-raḥīm(u).
[9] Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.

وَاِذْ نَادٰى رَبُّكَ مُوْسٰٓى اَنِ ائْتِ الْقَوْمَ الظّٰلِمِيْنَ ۙ١٠
Wa iż nādā rabbuka mūsā ani'til-qaumaẓ-ẓālimīn(a).
[10] [Banggitin] noong nanawagan ang Panginoon mo kay Moises: “Pumunta ka sa mga taong tagalabag sa katarungan,

قَوْمَ فِرْعَوْنَ ۗ اَلَا يَتَّقُوْنَ١١
Qauma fir‘aun(a), alā yattaqūn(a).
[11] ang mga tao ni Paraon. Hindi ba sila nangingilag magkasala?”

قَالَ رَبِّ اِنِّيْٓ اَخَافُ اَنْ يُّكَذِّبُوْنِ ۗ١٢
Qāla rabbi innī akhāfu ay yukażżibūn(i).
[12] Nagsabi ito: “Panginoon ko, tunay na ako ay nangangamba na magpasinungaling sila sa akin.

وَيَضِيْقُ صَدْرِيْ وَلَا يَنْطَلِقُ لِسَانِيْ فَاَرْسِلْ اِلٰى هٰرُوْنَ١٣
Wa yaḍīqu ṣadrī wa lā yanṭaliqu lisānī fa arsil ilā hārūn(a).
[13] Maninikip ang dibdib ko at hindi tatatas ang dila ko; kaya magsugo Ka [kay Anghel Gabriel] patungo kay Aaron.

وَلَهُمْ عَلَيَّ ذَنْۢبٌ فَاَخَافُ اَنْ يَّقْتُلُوْنِ ۚ١٤
Wa lahum ‘alayya żambun fa akhāfu ay yaqtulūn(i).
[14] Sa kanila laban sa akin ay may isang pagkakasala [ng pagpatay] kaya nangangamba ako na patayin nila ako.”

قَالَ كَلَّا ۚفَاذْهَبَا بِاٰيٰتِنَآ اِنَّا مَعَكُمْ مُّسْتَمِعُوْنَ ۙ١٥
Qāla kallā, fażhabā bi'āyātinā innā ma‘akum mustami‘ūn(a).
[15] Nagsabi Siya: “Aba’y hindi. Kaya pumunta kayong dalawa kalakip ng mga tanda Namin. Tunay na Kami, kasama sa inyo, ay makikinig.

فَأْتِيَا فِرْعَوْنَ فَقُوْلَآ اِنَّا رَسُوْلُ رَبِّ الْعٰلَمِيْنَ ۙ١٦
Fa'tiyā fir‘auna faqūlā innā rasūlu rabbil-‘ālamīn(a).
[16] Kaya pumunta kayong dalawa kay Paraon saka magsabi kayong dalawa: Tunay na kami ay sugo ng Panginoon ng mga nilalang,

اَنْ اَرْسِلْ مَعَنَا بَنِيْٓ اِسْرَاۤءِيْلَ ۗ١٧
An arsil ma‘anā banī isrā'īl(a).
[17] na ipadala mo kasama sa amin ang mga anak ni Israel.”

قَالَ اَلَمْ نُرَبِّكَ فِيْنَا وَلِيْدًا وَّلَبِثْتَ فِيْنَا مِنْ عُمُرِكَ سِنِيْنَ ۗ١٨
Qāla alam nurabbika fīnā walīdaw wa labiṡta fīnā min ‘umurika sinīn(a).
[18] Nagsabi [si Paraon]: “Hindi ba kami nag-alaga sa iyo sa amin noong bata [ka] pa at namalagi ka sa amin mula sa buhay mo nang ilang taon?

وَفَعَلْتَ فَعْلَتَكَ الَّتِيْ فَعَلْتَ وَاَنْتَ مِنَ الْكٰفِرِيْنَ١٩
Wa fa‘alta fa‘latakal-latī fa‘alta wa anta minal-kāfirīn(a).
[19] Gumawa ka ng kagagawan372 mo na ginawa mo habang ikaw ay kabilang sa mga tagatangging magpasalamat.”
[372] Ibig sabihin: pagpatay ng isang tao.

قَالَ فَعَلْتُهَآ اِذًا وَّاَنَا۠ مِنَ الضَّاۤلِّيْنَ٢٠
Qāla fa‘altuhā iżaw wa ana minaḍ-ḍāllīn(a).
[20] Nagsabi [si Moises]: “Nagawa ko iyon nang sandaling iyon habang ako ay kabilang sa mga naliligaw [bago dumating ang kapahayagan].

فَفَرَرْتُ مِنْكُمْ لَمَّا خِفْتُكُمْ فَوَهَبَ لِيْ رَبِّيْ حُكْمًا وَّجَعَلَنِيْ مِنَ الْمُرْسَلِيْنَ٢١
Fa farartu minkum lammā khiftukum fa wahaba lī rabbī ḥukmaw wa ja‘alanī minal-mursalīn(a).
[21] Kaya tumalilis ako mula sa inyo noong nangamba ako sa inyo ngunit nagkaloob sa akin ang Panginoon ko ng karunungan at nagtalaga Siya sa akin kabilang sa mga isinugo.

وَتِلْكَ نِعْمَةٌ تَمُنُّهَا عَلَيَّ اَنْ عَبَّدْتَّ بَنِيْٓ اِسْرَاۤءِيْلَ ۗ٢٢
Wa tilka ni‘matun tamunnuhā ‘alayya an ‘abbatta banī isrā'īl(a).
[22] Iyon [ay isang biyayang ipinanunumbat mo sa akin: na nang-alipin ka sa mga anak ni Israel!”

قَالَ فِرْعَوْنُ وَمَا رَبُّ الْعٰلَمِيْنَ ۗ٢٣
Qāla fir‘aunu wa mā rabbul-‘ālamīn(a).
[23] Nagsabi si Paraon: “At ano ang Panginoon ng mga nilalang?”

قَالَ رَبُّ السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَاۗ اِنْ كُنْتُمْ مُّوْقِنِيْنَ٢٤
Qāla rabbus-samāwāti wal-arḍi wa mā bainahumā, in kuntum mūqinīn(a).
[24] Nagsabi [si Moises]: “Ang Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, kung kayo ay naging mga nakatitiyak.”

قَالَ لِمَنْ حَوْلَهٗٓ اَلَا تَسْتَمِعُوْنَ٢٥
Qāla liman ḥaulahū alā tastami‘ūn(a).
[25] Nagsabi [si Paraon] sa nakapaligid doon: “Hindi ba kayo nakikinig?”

قَالَ رَبُّكُمْ وَرَبُّ اٰبَاۤىِٕكُمُ الْاَوَّلِيْنَ٢٦
Qāla rabbukum wa rabbu ābā'ikumul-awwalīn(a).
[26] Nagsabi [si Moises]: “[Siya rin] ang Panginoon ninyo at ang Panginoon ng mga ninuno ninyong sinauna.”

قَالَ اِنَّ رَسُوْلَكُمُ الَّذِيْٓ اُرْسِلَ اِلَيْكُمْ لَمَجْنُوْنٌ٢٧
Qāla inna rasūlakumul-lażī ursila ilaikum lamajnūn(un).
[27] Nagsabi [si Paraon]: “Tunay na ang sugo ninyo na isinugo sa inyo ay talagang baliw.”

قَالَ رَبُّ الْمَشْرِقِ وَالْمَغْرِبِ وَمَا بَيْنَهُمَاۗ اِنْ كُنْتُمْ تَعْقِلُوْنَ٢٨
Qāla rabbul-masyriqi wal-magribi wa mā bainahumā, in kuntum ta‘qilūn(a).
[28] Nagsabi [si Moises]: “Ang Panginoon ng silangan at kanluran at anumang nasa pagitan ng dalawang ito, kung kayo ay naging nakapag-uunawa.”

قَالَ لَىِٕنِ اتَّخَذْتَ اِلٰهًا غَيْرِيْ لَاَجْعَلَنَّكَ مِنَ الْمَسْجُوْنِيْنَ٢٩
Qāla la'inittakhażta ilāhan gairī la'aj‘alannaka minal-masjūnīn(a).
[29] Nagsabi [si Paraon]: “Talagang kung gumawa ka ng isang diyos na iba pa sa akin ay talagang gagawa nga ako sa iyo kabilang sa mga ibinilanggo.”

قَالَ اَوَلَوْ جِئْتُكَ بِشَيْءٍ مُّبِيْنٍ٣٠
Qāla awalau ji'tuka bisyai'im mubīn(in).
[30] Nagsabi [si Moises]: “Kahit pa ba naghatid ako sa iyo ng isang bagay na malinaw?”

قَالَ فَأْتِ بِهٖٓ اِنْ كُنْتَ مِنَ الصّٰدِقِيْنَ٣١
Qāla fa'ti bihī in kunta minaṣ-ṣādiqīn(a).
[31] Nagsabi [si Paraon]: “Kaya maglahad ka nito kung ikaw ay naging kabilang sa mga tapat.”

فَاَلْقٰى عَصَاهُ فَاِذَا هِيَ ثُعْبَانٌ مُّبِيْنٌ ۚ٣٢
Fa alqā ‘aṣāhu fa iżā hiya ṡu‘bānum mubīn(un).
[32] Kaya pumukol [si Moises] ng tungkod niya saka biglang ito ay isang ulupong na malinaw.

وَنَزَعَ يَدَهٗ فَاِذَا هِيَ بَيْضَاۤءُ لِلنّٰظِرِيْنَ ࣖ٣٣
Wa naza‘a yadahū fa iżā hiya baiḍā'u lin-nāẓirīn(a).
[33] Humugot siya ng kamay niya saka biglang ito ay maputi para sa mga tagatingin.

قَالَ لِلْمَلَاِ حَوْلَهٗٓ اِنَّ هٰذَا لَسٰحِرٌ عَلِيْمٌ ۙ٣٤
Qāla lil-mala'i ḥaulahū inna hāżā lasāḥirun ‘alīm(un).
[34] Nagsabi [si Paraon] sa konseho sa paligid niyon: “Tunay na ito ay talagang isang manggagaway na maalam.

يُّرِيْدُ اَنْ يُّخْرِجَكُمْ مِّنْ اَرْضِكُمْ بِسِحْرِهٖۖ فَمَاذَا تَأْمُرُوْنَ٣٥
Yurīdu ay yukhrijakum min arḍikum bisiḥrih(ī), fa māżā ta'murūn(a).
[35] Nagnanais siya na magpalabas sa inyo mula sa lupain ninyo sa pamamagitan ng panggagaway niya; kaya ano ang ipag-uutos ninyo?”

قَالُوْٓا اَرْجِهْ وَاَخَاهُ وَابْعَثْ فِى الْمَدَاۤىِٕنِ حٰشِرِيْنَ ۙ٣٦
Qālū arjih wa akhāhu wab‘aṡ fil-madā'ini ḥāsyirīn(a).
[36] Nagsabi sila: “Mag-antala ka sa kanya at sa kapatid niya [na si Aaron] at magpadala ka sa mga lungsod ng mga tagakalap,

يَأْتُوْكَ بِكُلِّ سَحَّارٍ عَلِيْمٍ٣٧
Ya'tūka bikulli saḥḥārin ‘alīm(in).
[37] na magdadala sa iyo ng bawat mapanggaway na maalam.”

فَجُمِعَ السَّحَرَةُ لِمِيْقَاتِ يَوْمٍ مَّعْلُوْمٍ ۙ٣٨
Fa jumi‘as-saḥaratu limīqāti yaumim ma‘lūm(in).
[38] Kaya tinipon ang mga manggagaway para sa itinakdang oras ng isang araw na nalalaman.

وَّقِيْلَ لِلنَّاسِ هَلْ اَنْتُمْ مُّجْتَمِعُوْنَ ۙ٣٩
Wa qīla lin-nāsi hal antum mujtami‘ūn(a).
[39] Sinabi sa mga tao: “Kayo kaya ay mga magtitipon?

لَعَلَّنَا نَتَّبِعُ السَّحَرَةَ اِنْ كَانُوْا هُمُ الْغٰلِبِيْنَ٤٠
La‘allanā nattabi‘us-saḥarata in kānū humul-gālibīn(a).
[40] Nang sa gayon tayo ay susunod sa mga manggagaway kung sila ay magiging ang mga tagapanaig.”

فَلَمَّا جَاۤءَ السَّحَرَةُ قَالُوْا لِفِرْعَوْنَ اَىِٕنَّ لَنَا لَاَجْرًا اِنْ كُنَّا نَحْنُ الْغٰلِبِيْنَ٤١
Falammā jā'as-saḥaratu qālū lifir‘auna a'inna lanā la'ajran in kunnā naḥnul-gālibīn(a).
[41] Kaya noong dumating na ang mga manggagaway ay nagsabi sila kay Paraon: “Tunay ba na mayroon kami talagang pabuya kung kami ay naging ang mga tagapanaig?”

قَالَ نَعَمْ وَاِنَّكُمْ اِذًا لَّمِنَ الْمُقَرَّبِيْنَ٤٢
Qāla na‘am wa innakum iżal laminal-muqarrabīn(a).
[42] Nagsabi [si Paraon]: “Oo, at tunay na kayo samakatuwid ay talagang kabilang sa mga palalapitin [sa akin].”

قَالَ لَهُمْ مُّوْسٰٓى اَلْقُوْا مَآ اَنْتُمْ مُّلْقُوْنَ٤٣
Qāla lahum mūsā alqū mā antum mulqūn(a).
[43] Nagsabi sa kanila si Moises: “Pumukol kayo ng anumang kayo ay mga pupukol.”

فَاَلْقَوْا حِبَالَهُمْ وَعِصِيَّهُمْ وَقَالُوْا بِعِزَّةِ فِرْعَوْنَ اِنَّا لَنَحْنُ الْغٰلِبُوْنَ٤٤
Fa alqau ḥibālahum wa ‘iṣiyyahum wa qālū bi‘izzati fir‘auna innā lanaḥnul-gālibūn(a).
[44] Kaya pumukol sila ng mga lubid nila at mga tungkod nila at nagsabi sila: “Sumpa man sa kapangyarihan ni Paraon, tunay na kami, talagang kami, ay ang mga tagapanaig.”

فَاَلْقٰى مُوْسٰى عَصَاهُ فَاِذَا هِيَ تَلْقَفُ مَا يَأْفِكُوْنَ ۚ٤٥
Fa alqā mūsā ‘aṣāhu fa iżā hiya talqafu mā ya'fikūn(a).
[45] Kaya pumukol si Moises ng tungkod niya saka biglang ito ay lumalamon sa ipinanlilinlang nila.

فَاُلْقِيَ السَّحَرَةُ سٰجِدِيْنَ ۙ٤٦
Fa ulqiyas-saḥaratu sājidīn(a).
[46] Kaya ipinukol ang mga manggagaway na mga nakapatirapa.

قَالُوْٓا اٰمَنَّا بِرَبِّ الْعٰلَمِيْنَ ۙ٤٧
Qālū āmannā birabbil-‘ālamīn(a).
[47] Nagsabi sila: “Sumampalataya kami sa Panginoon ng mga nilalang,

رَبِّ مُوْسٰى وَهٰرُوْنَ٤٨
Rabbi mūsā wa hārūn(a).
[48] ang Panginoon nina Moises at Aaron.”

قَالَ اٰمَنْتُمْ لَهٗ قَبْلَ اَنْ اٰذَنَ لَكُمْۚ اِنَّهٗ لَكَبِيْرُكُمُ الَّذِيْ عَلَّمَكُمُ السِّحْرَۚ فَلَسَوْفَ تَعْلَمُوْنَ ەۗ لَاُقَطِّعَنَّ اَيْدِيَكُمْ وَاَرْجُلَكُمْ مِّنْ خِلَافٍ وَّلَاُصَلِّبَنَّكُمْ اَجْمَعِيْنَۚ٤٩
Qāla āmantum lahū qabla an āżana lakum, innahū lakabīrukumul-lażī ‘allamakumus-siḥr(a), fa lasaufa ta‘lamūn(a), la'uqaṭṭi‘anna aidiyakum wa arjulakum min khilāfiw wa la'uṣallibannakum ajma'īn(a).
[49] Nagsabi [si Paraon]: “Naniwala kayo sa kanya bago ako magpahintulot sa inyo? Tunay na siya ay talagang ang pasimuno ninyo na nagturo sa inyo ng panggagaway, kaya talagang malalaman ninyo. Talagang magpuputul-putol nga ako ng mga kamay ninyo at mga paa ninyo nang magkabilaan at talagang magbibitin nga ako sa inyo nang magkakasama.”

قَالُوْا لَا ضَيْرَ ۖاِنَّآ اِلٰى رَبِّنَا مُنْقَلِبُوْنَ ۚ٥٠
Qālū lā ḍair(a), innā ilā rabbinā munqalibūn(a).
[50] Nagsabi sila: “Walang kapinsalaan [sa banta sa amin]; tunay na kami ay sa Panginoon namin mga uuwi.

اِنَّا نَطْمَعُ اَنْ يَّغْفِرَ لَنَا رَبُّنَا خَطٰيٰنَآ اَنْ كُنَّآ اَوَّلَ الْمُؤْمِنِيْنَ ۗ ࣖ٥١
Innā naṭma‘u ay yagfira lanā rabbunā khaṭāyānā an kunnā awwalal-mu'minīn(a).
[51] Tunay na kami ay naghahangad na magpatawad sa amin ang Panginoon namin sa mga pagkakamali namin dahil kami ay naging una sa mga mananampalataya.”

۞ وَاَوْحَيْنَآ اِلٰى مُوْسٰىٓ اَنْ اَسْرِ بِعِبَادِيْٓ اِنَّكُمْ مُّتَّبَعُوْنَ٥٢
Wa auḥainā ilā mūsā an asri bi‘ibādī innakum muttaba‘ūn(a).
[52] Nagkasi Kami kay Moises: “Maglakbay ka sa gabi kasama ng mga lingkod Ko; tunay na kayo ay mga susundan.”

فَاَرْسَلَ فِرْعَوْنُ فِى الْمَدَاۤىِٕنِ حٰشِرِيْنَ ۚ٥٣
Fa arsala fir‘aunu fil-madā'ini ḥāsyirīn(a).
[53] Kaya nagsugo si Paraon sa mga lungsod ng mga tagakalap, [na nagsasabi]:

اِنَّ هٰٓؤُلَاۤءِ لَشِرْذِمَةٌ قَلِيْلُوْنَۙ٥٤
Inna hā'ulā'i lasyirzimatun qalīlūn(a).
[54] “Tunay na ang mga ito ay talagang isang kawang kaunti.

وَاِنَّهُمْ لَنَا لَغَاۤىِٕظُوْنَ ۙ٥٥
Wa innahum lanā lagā'iẓūn(a).
[55] Tunay na sila sa atin ay talagang mga nagpapangitngit.

وَاِنَّا لَجَمِيْعٌ حٰذِرُوْنَ ۗ٥٦
Wa innā lajamī‘un ḥāżirūn(a).
[56] Tunay na tayo ay talagang isang katipunang nag-iingat.”

فَاَخْرَجْنٰهُمْ مِّنْ جَنّٰتٍ وَّعُيُوْنٍ ۙ٥٧
Fa akhrajnāhum min jannātiw wa ‘uyūn(in).
[57] Kaya nagpalabas Kami sa kanila mula sa mga hardin at mga bukal,

وَّكُنُوْزٍ وَّمَقَامٍ كَرِيْمٍ ۙ٥٨
Wa kunūziw wa maqāmin karīm(in).
[58] at mga kayamanan at pinananatilihang marangal.

كَذٰلِكَۚ وَاَوْرَثْنٰهَا بَنِيْٓ اِسْرَاۤءِيْلَ ۗ٥٩
Każālik(a), wa auraṡnāhā banī isrā'īl(a).
[59] Gayon nga, at nagpamana Kami ng mga ito sa mga anak ni Israel.

فَاَتْبَعُوْهُمْ مُّشْرِقِيْنَ٦٠
Fa atba‘ūhum musyriqīn(a).
[60] Kaya sumunod ang mga iyon373 sa kanila nang sumisikat [ang araw].
[373] Ibig sabihin: sina Paraon at ang mga kawal niya.

فَلَمَّا تَرٰۤءَا الْجَمْعٰنِ قَالَ اَصْحٰبُ مُوْسٰٓى اِنَّا لَمُدْرَكُوْنَ ۚ٦١
Falammā tarā'al-jam‘āni qāla aṣḥābu mūsā innā lamudrakūn(a).
[61] Kaya noong nagkakitaan ang dalawang pangkat, nagsabi ang mga kasamahan ni Moises: “Tunay na tayo ay talagang mga maaabutan.”

قَالَ كَلَّا ۗاِنَّ مَعِيَ رَبِّيْ سَيَهْدِيْنِ٦٢
Qāla kallā, inna ma‘iya rabbī sayahdīn(i).
[62] Nagsabi [si Moises]: “Aba’y hindi; tunay na kasama sa akin, ang Panginoon ko ay magpapatnubay sa akin.”

فَاَوْحَيْنَآ اِلٰى مُوْسٰٓى اَنِ اضْرِبْ بِّعَصَاكَ الْبَحْرَۗ فَانْفَلَقَ فَكَانَ كُلُّ فِرْقٍ كَالطَّوْدِ الْعَظِيْمِ ۚ٦٣
Fa auḥainā ilā mūsā aniḍrib bi‘aṣākal-baḥr(a), fanfalaqa fa kāna kullu firqin kaṭ-ṭaudil ‘aẓīm(i).
[63] Kaya nagkasi Kami kay Moises, na [nagsasabi]: “Hampasin mo ng tungkod mo ang dagat.” Kaya nabiyak iyon saka ang bawat bahagi [ng dagat] ay naging gaya ng bundok na dambuhala.

وَاَزْلَفْنَا ثَمَّ الْاٰخَرِيْنَ ۚ٦٤
Wa azlafnā ṡammal-ākharīn(a).
[64] Nagpalapit Kami roon ng mga iba pa.374
[374] Ibig sabihin: sina Paraon at ang mga kawal niya.

وَاَنْجَيْنَا مُوْسٰى وَمَنْ مَّعَهٗٓ اَجْمَعِيْنَ ۚ٦٥
Wa anjainā mūsā wa mam ma‘ahū ajma‘īn(a).
[65] Nagligtas Kami kay Moises at sa sinumang kasama sa kanya nang magkakasama.

ثُمَّ اَغْرَقْنَا الْاٰخَرِيْنَ ۗ٦٦
Ṡumma agraqnal-ākharīn(a).
[66] Pagkatapos lumunod Kami sa mga iba.

اِنَّ فِيْ ذٰلِكَ لَاٰيَةً ۗوَمَا كَانَ اَكْثَرُهُمْ مُّؤْمِنِيْنَ٦٧
Inna fī żālika la'āyah(tan), wa mā kāna akṡaruhum mu'minīn(a).
[67] Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.

وَاِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ الْعَزِيْزُ الرَّحِيْمُ ࣖ٦٨
Wa inna rabbaka lahuwal-‘azīzur-raḥīm(u).
[68] Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.

وَاتْلُ عَلَيْهِمْ نَبَاَ اِبْرٰهِيْمَ ۘ٦٩
Watlu ‘alaihim naba'a ibrāhīm(a).
[69] Bumigkas ka sa kanila ng balita kay Abraham,

اِذْ قَالَ لِاَبِيْهِ وَقَوْمِهٖ مَا تَعْبُدُوْنَ٧٠
Iż qāla li'abīhi wa qaumihī mā ta‘budūn(a).
[70] noong nagsabi siya sa ama niya at mga kababayan niya: “Ano ang sinasamba ninyo?”

قَالُوْا نَعْبُدُ اَصْنَامًا فَنَظَلُّ لَهَا عٰكِفِيْنَ٧١
Qālū na‘budu aṣnāman fa naẓallu lahā ‘ākifīn(a).
[71] Nagsabi sila: “Sumasamba kami sa mga anito saka nananatili kami sa mga ito na mga namimintuho.”

قَالَ هَلْ يَسْمَعُوْنَكُمْ اِذْ تَدْعُوْنَ ۙ٧٢
Qāla hal yasma‘ūnakum iż tad‘ūn(a).
[72] Nagsabi [si Abraham]: “Nakaririnig kaya sila sa inyo kapag dumadalangin kayo?

اَوْ يَنْفَعُوْنَكُمْ اَوْ يَضُرُّوْنَ٧٣
Au yanfa‘ūnakum au yaḍurrūn(a).
[73] O nakapagpapakinabang sila sa inyo o nakapipinsala sila?”

قَالُوْا بَلْ وَجَدْنَآ اٰبَاۤءَنَا كَذٰلِكَ يَفْعَلُوْنَ٧٤
Qālū bal wajadnā ābā'anā każālika yaf‘alūn(a).
[74] Nagsabi sila: “Bagkus nakatagpo kami sa mga magulang namin na gumagawa ng gayon.”

قَالَ اَفَرَءَيْتُمْ مَّا كُنْتُمْ تَعْبُدُوْنَ ۙ٧٥
Qāla afa ra'aitum mā kuntum ta‘budūn(a).
[75] Nagsabi [si Abraham]: “Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa anumang kayo ay dati nang sumasamba:

اَنْتُمْ وَاٰبَاۤؤُكُمُ الْاَقْدَمُوْنَ ۙ٧٦
Antum wa ābā'ukumul-aqdamūn(a).
[76] kayo at ang mga ninuno ninyong pinakanauna?

فَاِنَّهُمْ عَدُوٌّ لِّيْٓ اِلَّا رَبَّ الْعٰلَمِيْنَ ۙ٧٧
Fa innahum ‘aduwwul lī illā rabbal-‘ālamīn(a).
[77] Tunay na sila ay kaaway para sa akin, maliban sa Panginoon ng mga nilalang,

الَّذِيْ خَلَقَنِيْ فَهُوَ يَهْدِيْنِ ۙ٧٨
Allażī khalaqanī fa huwa yahdīn(i).
[78] na lumikha sa akin saka Siya ay nagpapatnubay sa akin;

وَالَّذِيْ هُوَ يُطْعِمُنِيْ وَيَسْقِيْنِ ۙ٧٩
Wal-lażī huwa yuṭ‘imunī wa yasqīn(i).
[79] na Siya ay nagpapakain sa akin at nagpapainom sa akin;

وَاِذَا مَرِضْتُ فَهُوَ يَشْفِيْنِ ۙ٨٠
Wa iżā mariḍtu fa huwa yasyfīn(i).
[80] at kapag nagkasakit ako, Siya ay nagpapagaling sa akin;

وَالَّذِيْ يُمِيْتُنِيْ ثُمَّ يُحْيِيْنِ ۙ٨١
Wal-lażī yumītunī ṡumma yuḥyīn(i).
[81] na magbibigay-kamatayan sa akin, pagkatapos magbibigay-buhay sa akin;

وَالَّذِيْٓ اَطْمَعُ اَنْ يَّغْفِرَ لِيْ خَطِيْۤـَٔتِيْ يَوْمَ الدِّيْنِ ۗ٨٢
Wal-lażī aṭma‘u ay yagfira lī khaṭī'atī yaumad-dīn(i).
[82] na naghahangad ako na magpatawad Siya sa akin sa mga kamalian ko sa Araw ng Pagtutumbas.

رَبِّ هَبْ لِيْ حُكْمًا وَّاَلْحِقْنِيْ بِالصّٰلِحِيْنَ ۙ٨٣
Rabbi hab lī ḥukmaw wa alḥiqnī biṣ-ṣāliḥīn(a).
[83] Panginoon ko, magkaloob Ka para sa akin ng karunungan at magsama Ka sa akin sa mga maayos.

وَاجْعَلْ لِّيْ لِسَانَ صِدْقٍ فِى الْاٰخِرِيْنَ ۙ٨٤
Waj‘al lī lisāna ṣidqin fil-ākhirīn(a).
[84] Gumawa Ka para sa akin ng isang magandang pagbubunyi sa mga huling [salinlahi].

وَاجْعَلْنِيْ مِنْ وَّرَثَةِ جَنَّةِ النَّعِيْمِ ۙ٨٥
Waj‘alnī miw waraṡati janatin na‘īm(i).
[85] Gumawa Ka sa akin na kabilang sa mga tagapagmana ng Hardin ng Kaginhawahan.

وَاغْفِرْ لِاَبِيْٓ اِنَّهٗ كَانَ مِنَ الضَّاۤلِّيْنَ ۙ٨٦
Wagfir li'abī innahū kāna minaḍ-ḍāllīn(a).
[86] Magpatawad Ka sa ama ko; tunay na siya noon ay kabilang sa mga ligaw.

وَلَا تُخْزِنِيْ يَوْمَ يُبْعَثُوْنَۙ٨٧
Wa lā tukhzinī yauma yub‘aṡūn(a).
[87] Huwag Kang magpahiya sa akin sa araw na bubuhayin sila:

يَوْمَ لَا يَنْفَعُ مَالٌ وَّلَا بَنُوْنَ ۙ٨٨
Yauma lā yanfa‘u māluw wa lā banūn(a).
[88] sa Araw na walang makapagpapakinabang na yaman ni mga anak,

اِلَّا مَنْ اَتَى اللّٰهَ بِقَلْبٍ سَلِيْمٍ ۗ٨٩
Illā man atallāha biqalbin salīm(in).
[89] maliban sa sinumang pumunta kay Allāh nang may pusong ligtas.375
[375] na walang shirk dito, walang pagpapaimbabaw, at walang kapalaluan

وَاُزْلِفَتِ الْجَنَّةُ لِلْمُتَّقِيْنَ ۙ٩٠
Wa uzlifatil-jannatu lil-muttaqīn(a).
[90] Ilalapit ang Paraiso sa mga tagapangilag magkasala.

وَبُرِّزَتِ الْجَحِيْمُ لِلْغَاوِيْنَ ۙ٩١
Wa burrizatil-jaḥīmu lil-gāwīn(a).
[91] Itatanghal ang Impiyerno sa mga nalilisya.

وَقِيْلَ لَهُمْ اَيْنَ مَا كُنْتُمْ تَعْبُدُوْنَ ۙ٩٢
Wa qīla lahum ainamā kuntum ta‘budūn(a).
[92] Sasabihin sa kanila: “Nasaan na ang dati ninyong sinasamba

مِنْ دُوْنِ اللّٰهِ ۗهَلْ يَنْصُرُوْنَكُمْ اَوْ يَنْتَصِرُوْنَ ۗ٩٣
Min dūnillāh(i), hal yanṣurūnakum au yantaṣirūn(a).
[93] bukod pa kay Allāh? Mag-aadya kaya sila sa inyo o maiaadya sila?

فَكُبْكِبُوْا فِيْهَا هُمْ وَالْغَاوٗنَ ۙ٩٤
Fa kubkibū fīhā hum wal-gāwūn(a).
[94] Kaya ibubulid sila nang pasubsob doon [sa Impiyerno]: sila at ang mga nalilisya,

وَجُنُوْدُ اِبْلِيْسَ اَجْمَعُوْنَ ۗ٩٥
Wa junūdu iblīsa ajma‘ūn(a).
[95] at ang mga kawal ni Satanas, na magkakasama.

قَالُوْا وَهُمْ فِيْهَا يَخْتَصِمُوْنَ٩٦
Qālū wa hum fīhā yakhtaṣimūn(a).
[96] Magsasabi sila habang sila roon ay nag-aalitan:

تَاللّٰهِ اِنْ كُنَّا لَفِيْ ضَلٰلٍ مُّبِيْنٍ ۙ٩٧
Tallāhi in kunnā lafī ḍalālim mubīn(in).
[97] “Sumpa man kay Allāh, tunay na kami dati ay talagang nasa isang pagkaligaw na malinaw,

اِذْ نُسَوِّيْكُمْ بِرَبِّ الْعٰلَمِيْنَ٩٨
Iż nusawwīkum birabbil-‘ālamīn(a).
[98] noong nagpapantay kami sa inyo sa Panginoon ng mga nilalang.

وَمَآ اَضَلَّنَآ اِلَّا الْمُجْرِمُوْنَ٩٩
Wa mā aḍallanā illal-mujrimūn(a).
[99] Walang nagligaw sa amin kundi ang mga salarin.376
[376] na nag-anyaya sa amin sa pagsamba sa iba pa kay Allāh

فَمَا لَنَا مِنْ شٰفِعِيْنَ ۙ١٠٠
Famā lanā min syāfi‘īn(a).
[100] Kaya walang ukol sa amin na anumang mga tagapamagitan,

وَلَا صَدِيْقٍ حَمِيْمٍ١٠١
Wa lā ṣadīqin ḥamīm(in).
[101] ni kaibigang malapit.

فَلَوْ اَنَّ لَنَا كَرَّةً فَنَكُوْنَ مِنَ الْمُؤْمِنِيْنَ١٠٢
Falau anna lanā karratan fa nakūna minal-mu'minīn(a).
[102] Kaya kung sakaling mayroon kaming panunumbalik [sa Mundo], kami ay magiging kabilang sa mga mananampalataya.

اِنَّ فِيْ ذٰلِكَ لَاٰيَةً ۗوَمَا كَانَ اَكْثَرُهُمْ مُّؤْمِنِيْنَ١٠٣
Inna fī żālika la'āyah(tan), wa mā kāna akṡaruhum mu'minīn(a).
[103] Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.

وَاِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ الْعَزِيْزُ الرَّحِيْمُ ࣖ١٠٤
Wa inna rabbaka lahuwal-‘azīzur-raḥīm(u).
[104] Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.

كَذَّبَتْ قَوْمُ نُوْحِ ِۨالْمُرْسَلِيْنَ ۚ١٠٥
Każżabat qaumu nūḥinil-mursalīn(a).
[105] Nagpasinungaling ang mga kababayan ni Noe sa mga isinugo

اِذْ قَالَ لَهُمْ اَخُوْهُمْ نُوْحٌ اَلَا تَتَّقُوْنَ ۚ١٠٦
Iż qāla lahum akhūhum nūḥun alā tattaqūn(a).
[106] noong nagsabi sa kanila ang kapatid nilang si Noe: “Hindi ba kayo mangingilag magkasala?

اِنِّيْ لَكُمْ رَسُوْلٌ اَمِيْنٌ ۙ١٠٧
Innī lakum rasūlun amīn(un).
[107] Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkatitiwalaan.

فَاتَّقُوا اللّٰهَ وَاَطِيْعُوْنِۚ١٠٨
Fattaqullāha wa aṭī‘ūn(i).
[108] Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.

وَمَآ اَسْـَٔلُكُمْ عَلَيْهِ مِنْ اَجْرٍۚ اِنْ اَجْرِيَ اِلَّا عَلٰى رَبِّ الْعٰلَمِيْنَ ۚ١٠٩
Wa mā as'alukum ‘alaihi min ajr(in), in ajriya illā ‘alā rabbil-‘ālamīn(a).
[109] Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang.

فَاتَّقُوا اللّٰهَ وَاَطِيْعُوْنِ١١٠
Fattaqullāha wa aṭī‘ūn(i).
[110] Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.”

۞ قَالُوْٓا اَنُؤْمِنُ لَكَ وَاتَّبَعَكَ الْاَرْذَلُوْنَ ۗ١١١
Qālū anu'minu laka wattaba‘akal-arżalūn(a).
[111] Nagsabi sila: “Maniniwala ba kami sa iyo samantalang sumunod sa iyo ang mga pinakahamak?”

قَالَ وَمَا عِلْمِيْ بِمَا كَانُوْا يَعْمَلُوْنَ ۚ١١٢
Qāla wa mā ‘ilmī bimā kānū ya‘malūn(a).
[112] Nagsabi siya: “At ano ang kaalaman ko sa anumang dati nilang ginagawa?

اِنْ حِسَابُهُمْ اِلَّا عَلٰى رَبِّيْ لَوْ تَشْعُرُوْنَ ۚ١١٣
In ḥisābuhum illā ‘alā rabbī lau tasy‘urūn(a).
[113] Walang iba ang pagtutuos sa kanila kundi nasa Panginoon ko, kung sakaling nakararamdam kayo.

وَمَآ اَنَا۠ بِطَارِدِ الْمُؤْمِنِيْنَ ۚ١١٤
Wa mā ana biṭāridil-mu'minīn(a).
[114] Ako ay hindi magtataboy sa mga mananampalataya.

اِنْ اَنَا۠ اِلَّا نَذِيْرٌ مُّبِيْنٌ ۗ١١٥
In ana illā nażīrum mubīn(un).
[115] Walang iba ako kundi isang mapagbabalang malinaw.”377
[377] ng pagdurusang dulot ni Allāh

قَالُوْا لَىِٕنْ لَّمْ تَنْتَهِ يٰنُوْحُ لَتَكُوْنَنَّ مِنَ الْمَرْجُوْمِيْنَۗ١١٦
Qālū la'illam tantahi yā nūḥu latakūnanna minal-marjūmīn(a).
[116] Nagsabi sila: “Talagang kung hindi ka titigil, O Noe, talagang ikaw nga ay magiging kabilang sa mga babatuhin.”

قَالَ رَبِّ اِنَّ قَوْمِيْ كَذَّبُوْنِۖ١١٧
Qāla rabbi inna qaumī każżabūn(i).
[117] Nagsabi [si Noe]: “Panginoon ko, tunay na ang mga kababayan ko ay nagpasinungaling sa akin.

فَافْتَحْ بَيْنِيْ وَبَيْنَهُمْ فَتْحًا وَّنَجِّنِيْ وَمَنْ مَّعِيَ مِنَ الْمُؤْمِنِيْنَ١١٨
Faftaḥ bainī wa bainahum fatḥaw wa najjinī wa mam ma‘iya minal-mu'minīn(a).
[118] Kaya humusga Ka sa pagitan ko at nila ng isang paghuhusga at magligtas Ka sa akin at sa sinumang kasama sa akin kabilang sa mga mananampalataya.”

فَاَنْجَيْنٰهُ وَمَنْ مَّعَهٗ فِى الْفُلْكِ الْمَشْحُوْنِ١١٩
Fa anjaināhu wa mam ma‘ahū fil-fulkil-masyḥūn(i).
[119] Kaya nagligtas Kami sa kanya at sinumang kasama sa kanya sa daong na nilulanan.

ثُمَّ اَغْرَقْنَا بَعْدُ الْبَاقِيْنَ١٢٠
Ṡumma agraqnā ba‘dul-bāqīn(a).
[120] Pagkatapos nilunod Namin, matapos niyan, ang mga naiiwan.

اِنَّ فِيْ ذٰلِكَ لَاٰيَةً ۗوَمَا كَانَ اَكْثَرُهُمْ مُّؤْمِنِيْنَ١٢١
Inna fī żālika la'āyah(tan), wa mā kāna akṡaruhum mu'minīn(a).
[121] Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.

وَاِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ الْعَزِيْزُ الرَّحِيْمُ ࣖ١٢٢
Wa inna rabbaka lahuwal-‘azīzur-raḥīm(u).
[122] Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.

كَذَّبَتْ عَادُ ِۨالْمُرْسَلِيْنَ ۖ١٢٣
Każżabat ‘ādunil-mursalīn(a).
[123] Nagpasinungaling ang [liping] `Ād sa mga isinugo

اِذْ قَالَ لَهُمْ اَخُوْهُمْ هُوْدٌ اَلَا تَتَّقُوْنَ ۚ١٢٤
Iż qāla lahum akhūhum hūdun alā tattaqūn(a).
[124] noong nagsabi sa kanila ang kapatid nilang si Hūd: “Hindi ba kayo mangingilag magkasala?

اِنِّيْ لَكُمْ رَسُوْلٌ اَمِيْنٌ ۙ١٢٥
Innī lakum rasūlun amīn(un).
[125] Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkatitiwalaan.

فَاتَّقُوا اللّٰهَ وَاَطِيْعُوْنِ ۚ١٢٦
Fattaqullāha wa aṭī‘ūn(i).
[126] Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.

وَمَآ اَسْـَٔلُكُمْ عَلَيْهِ مِنْ اَجْرٍۚ اِنْ اَجْرِيَ اِلَّا عَلٰى رَبِّ الْعٰلَمِيْنَ ۗ١٢٧
Wa mā as'alukum ‘alaihi min ajr(in), in ajriya illā ‘alā rabbil-‘ālamīn(a).
[127] Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang.

اَتَبْنُوْنَ بِكُلِّ رِيْعٍ اٰيَةً تَعْبَثُوْنَ ۙ١٢٨
Atabnūna bikulli rī‘in āyatan ta‘baṡūn(a).
[128] Nagpapatayo ba kayo sa bawat mataas na pook ng isang tanda habang nagbiru-biro kayo

وَتَتَّخِذُوْنَ مَصَانِعَ لَعَلَّكُمْ تَخْلُدُوْنَۚ١٢٩
Wa tattakhiżūna maṣāni‘a la‘allakum takhludūn(a).
[129] at gumagawa kayo ng mga muog nang sa gayon kayo ay mananatili?

وَاِذَا بَطَشْتُمْ بَطَشْتُمْ جَبَّارِيْنَۚ١٣٠
Wa iżā baṭasytum baṭasytum jabbārīn(a).
[130] Kapag dumadaluhong kayo ay dumadaluhong kayo gaya ng mga palasupil.

فَاتَّقُوا اللّٰهَ وَاَطِيْعُوْنِۚ١٣١
Fattaqullāha wa aṭī‘ūn(i).
[131] Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.

وَاتَّقُوا الَّذِيْٓ اَمَدَّكُمْ بِمَا تَعْلَمُوْنَ ۚ١٣٢
Wattaqul-lażī amaddakum bimā ta‘lamūn(a).
[132] Mangilag kayong magkasala sa nagkaloob sa inyo ng nalalaman ninyo.

اَمَدَّكُمْ بِاَنْعَامٍ وَّبَنِيْنَۙ١٣٣
Amaddakum bi'an‘āmiw wa banīn(a).
[133] Nagkaloob sa inyo ng mga hayupan at mga anak,

وَجَنّٰتٍ وَّعُيُوْنٍۚ١٣٤
Wa jannātiw wa ‘uyūn(in).
[134] at ng mga hardin at mga bukal.

اِنِّيْٓ اَخَافُ عَلَيْكُمْ عَذَابَ يَوْمٍ عَظِيْمٍ ۗ١٣٥
Innī akhāfu ‘alaikum ‘ażāba yaumin ‘aẓīm(in).
[135] Tunay na ako ay nangangamba para sa inyo ng isang pagdurusa sa isang araw na sukdulan.

قَالُوْا سَوَاۤءٌ عَلَيْنَآ اَوَعَظْتَ اَمْ لَمْ تَكُنْ مِّنَ الْوٰعِظِيْنَ ۙ١٣٦
Qālū sawā'un ‘alainā awa‘aẓta am lam takum minal-wā‘iẓīn(a).
[136] Nagsabi sila: “Magkatulad sa amin: nangaral ka man o hindi ka naging kabilang sa mga tagapangaral.

اِنْ هٰذَآ اِلَّا خُلُقُ الْاَوَّلِيْنَ ۙ١٣٧
In hāżā illā khuluqul-awwalīn(a).
[137] Walang iba ito kundi kaugalian ng mga sinauna.

وَمَا نَحْنُ بِمُعَذَّبِيْنَ ۚ١٣٨
Wa mā naḥnu bimu‘ażżabīn(a).
[138] Kami ay hindi mga pagdurusahin.”

فَكَذَّبُوْهُ فَاَهْلَكْنٰهُمْۗ اِنَّ فِيْ ذٰلِكَ لَاٰيَةً ۗوَمَا كَانَ اَكْثَرُهُمْ مُّؤْمِنِيْنَ١٣٩
Fa każżabūhu fa ahlaknāhum, inna fī żālika la'āyah(tan), wa mā kāna akṡaruhum mu'minīn(a).
[139] Kaya nagpasinungaling sila sa kanya saka nagpahamak Kami sa kanila. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.

وَاِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ الْعَزِيْزُ الرَّحِيْمُ ࣖ١٤٠
Wa inna rabbaka lahuwal-‘azīzur-raḥīm(u).
[140] Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.

كَذَّبَتْ ثَمُوْدُ الْمُرْسَلِيْنَ ۖ١٤١
Każżabat ṡamūdul-mursalīn(a).
[141] Nagpasinungaling ang [liping]Thamūd sa mga isinugo [ni Allāh]

اِذْ قَالَ لَهُمْ اَخُوْهُمْ صٰلِحٌ اَلَا تَتَّقُوْنَ ۚ١٤٢
Iż qāla lahum akhūhum ṣāliḥun alā tattaqūn(a).
[142] noong nagsabi sa kanila ang kapatid nilang si Ṣāliḥ: “Hindi ba kayo mangingilag magkasala?

اِنِّيْ لَكُمْ رَسُوْلٌ اَمِيْنٌ ۙ١٤٣
Innī lakum rasūlun amīn(un).
[143] Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkatitiwalaan.

فَاتَّقُوا اللّٰهَ وَاَطِيْعُوْنِ ۚ١٤٤
Fattaqullāha wa aṭī‘ūn(i).
[144] Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.

وَمَآ اَسْـَٔلُكُمْ عَلَيْهِ مِنْ اَجْرٍۚ اِنْ اَجْرِيَ اِلَّا عَلٰى رَبِّ الْعٰلَمِيْنَ ۗ١٤٥
Wa mā as'alukum ‘alaihi min ajr(in), in ajriya illā ‘alā rabbil-‘ālamīn(a).
[145] Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang.

اَتُتْرَكُوْنَ فِيْ مَا هٰهُنَآ اٰمِنِيْنَ ۙ١٤٦
Atutrakūna fīmā hāhunā āminīn(a).
[146] Iiwanan ba kayo sa anumang narito na mga natitiwasay

فِيْ جَنّٰتٍ وَّعُيُوْنٍ ۙ١٤٧
Fī jannātiw wa ‘uyūn(in).
[147] sa mga hardin at mga bukal,

وَّزُرُوْعٍ وَّنَخْلٍ طَلْعُهَا هَضِيْمٌ ۚ١٤٨
Wa zurū‘iw wa nakhlin ṭal‘uhā haḍīm(un).
[148] at mga pananim at mga punong datiles na ang mga usbong ng mga ito ay malambot?

وَتَنْحِتُوْنَ مِنَ الْجِبَالِ بُيُوْتًا فٰرِهِيْنَ١٤٩
Wa tanḥitūna minal-jibāli buyūtan fārihīn(a).
[149] Umuukit kayo mula sa mga bundok ng mga bahay, nang may kabihasaan.

فَاتَّقُوا اللّٰهَ وَاَطِيْعُوْنِ ۚ١٥٠
Fattaqullāha wa aṭī‘ūn(i).
[150] Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.

وَلَا تُطِيْعُوْٓا اَمْرَ الْمُسْرِفِيْنَ ۙ١٥١
Wa lā tuṭī‘ū amral-musrifīn(a).
[151] Huwag kayong tumalima sa utos ng mga nagpapakalabis,

الَّذِيْنَ يُفْسِدُوْنَ فِى الْاَرْضِ وَلَا يُصْلِحُوْنَ١٥٢
Allażīna yufsidūna fil-arḍi wa lā yaṣliḥūn(a).
[152] na nanggugulo sa lupa at hindi nagsasaayos.

قَالُوْٓا اِنَّمَآ اَنْتَ مِنَ الْمُسَحَّرِيْنَ ۙ١٥٣
Qālū innamā anta minal-musaḥḥarīn(a).
[153] Nagsabi sila: “Ikaw lamang ay kabilang sa mga pinaggagaway.

مَآ اَنْتَ اِلَّا بَشَرٌ مِّثْلُنَاۙ فَأْتِ بِاٰيَةٍ اِنْ كُنْتَ مِنَ الصّٰدِقِيْنَ١٥٤
Mā anta illā basyarum miṡlunā, fa'ti bi'āyatin in kunta minaṣ-ṣādiqīn(a).
[154] Walang iba ka kundi isang taong tulad namin kaya maglahad ng isang tanda kung ikaw ay kabilang sa mga tapat.”

قَالَ هٰذِهٖ نَاقَةٌ لَّهَا شِرْبٌ وَّلَكُمْ شِرْبُ يَوْمٍ مَّعْلُوْمٍ ۚ١٥٥
Qāla hāżihī nāqatul lahā syirbuw wa lakum syirbu yaumim ma‘lūm(in).
[155] Nagsabi [si Ṣāliḥ]: “Ito ay isang dumalagang kamelyo. Ukol dito ay pag-inom at ukol sa inyo pag-inom sa isang araw na nalalaman.

وَلَا تَمَسُّوْهَا بِسُوْۤءٍ فَيَأْخُذَكُمْ عَذَابُ يَوْمٍ عَظِيْمٍ١٥٦
Wa lā tamassūhā bisū'in fa ya'khużakum ‘ażābu yaumin ‘aẓīm(in).
[156] Huwag kayong sumaling dito ng isang kasagwaan para [hindi] kayo daklutin ng isang pagdurusa sa isang araw na sukdulan.”

فَعَقَرُوْهَا فَاَصْبَحُوْا نٰدِمِيْنَ ۙ١٥٧
Fa ‘aqarūhā fa aṣbaḥū nādimīn(a).
[157] Ngunit kinatay nila ito kaya sila ay naging mga nagsisisi.

فَاَخَذَهُمُ الْعَذَابُۗ اِنَّ فِيْ ذٰلِكَ لَاٰيَةً ۗوَمَا كَانَ اَكْثَرُهُمْ مُّؤْمِنِيْنَ١٥٨
Fa akhażahumul-‘ażāb(u), inna fī żālika la'āyah(tan), wa mā kāna akṡaruhum mu'minīn(a).
[158] Kaya dumaklot sa kanila ang pagdurusa. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.

وَاِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ الْعَزِيْزُ الرَّحِيْمُ ࣖ١٥٩
Wa inna rabbaka lahuwal-‘azīzur-raḥīm(u).
[159] Tunay na ang Panginoon ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.

كَذَّبَتْ قَوْمُ لُوْطِ ِۨالْمُرْسَلِيْنَ ۖ١٦٠
Każżabat qaumu lūṭinil-mursalīn(a).
[160] Nagpasinungaling ang mga kababayan ni Lot sa mga isinugo [ni Allāh]

اِذْ قَالَ لَهُمْ اَخُوْهُمْ لُوْطٌ اَلَا تَتَّقُوْنَ ۚ١٦١
Iż qāla lahum akhūhum lūṭun alā tattaqūn(a).
[161] noong nagsabi sa kanila ang kapatid nilang si Lot: “Hindi ba kayo mangingilag magkasala?

اِنِّيْ لَكُمْ رَسُوْلٌ اَمِيْنٌ ۙ١٦٢
Innī lakum rasūlun amīn(un).
[162] Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkatitiwalaan.

فَاتَّقُوا اللّٰهَ وَاَطِيْعُوْنِ ۚ١٦٣
Fattaqullāha wa aṭī‘ūn(i).
[163] Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.

وَمَآ اَسْـَٔلُكُمْ عَلَيْهِ مِنْ اَجْرٍ اِنْ اَجْرِيَ اِلَّا عَلٰى رَبِّ الْعٰلَمِيْنَ ۗ١٦٤
Wa mā as'alukum ‘alaihi min ajrin in ajriya illā ‘alā rabbil-‘ālamīn(a).
[164] Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang.

اَتَأْتُوْنَ الذُّكْرَانَ مِنَ الْعٰلَمِيْنَ ۙ١٦٥
Ata'tūnaż-żukrāna minal-‘ālamīn(a).
[165] Pumupunta ba kayo sa mga lalaki378 ng mga nilalang
[378] Ibig sabihin: Nanghahalay ba kayo sa mga lalaki…

وَتَذَرُوْنَ مَا خَلَقَ لَكُمْ رَبُّكُمْ مِّنْ اَزْوَاجِكُمْۗ بَلْ اَنْتُمْ قَوْمٌ عَادُوْنَ١٦٦
Wa tażarūna mā khalaqa lakum rabbukum min azwājikum, bal antum qamun ‘ādūn(a).
[166] at nag-iiwan kayo sa nilikha para sa inyo ng Panginoon ninyo na mga asawa ninyo? Bagkus kayo ay mga taong tagalabag.

قَالُوْا لَىِٕنْ لَّمْ تَنْتَهِ يٰلُوْطُ لَتَكُوْنَنَّ مِنَ الْمُخْرَجِيْنَ١٦٧
Qālū la'illam tantahi yā lūṭu latakūnanna minal-mukhrajīn(a).
[167] Nagsabi sila: “Talagang kung hindi ka titigil, O Lot, talagang ikaw nga ay magiging kabilang sa mga palilisanin.”

قَالَ اِنِّيْ لِعَمَلِكُمْ مِّنَ الْقَالِيْنَ ۗ١٦٨
Qāla innī li‘amalikum minal-qālīn(a).
[168] Nagsabi siya: “Tunay na ako sa gawain ninyo ay kabilang sa mga nasusuklam.

رَبِّ نَجِّنِيْ وَاَهْلِيْ مِمَّا يَعْمَلُوْنَ١٦٩
Rabbi najjinī wa ahlī mimmā ya‘malūn(a).
[169] Panginoon ko, iligtas Mo ako at ang mag-anak ko mula sa ginagawa nila.”

فَنَجَّيْنٰهُ وَاَهْلَهٗٓ اَجْمَعِيْنَ ۙ١٧٠
Fa najjaināhu wa ahlahū ajma‘īn(a).
[170] Kaya nagligtas Kami sa kanya at sa mag-anak niya nang magkakasama,

اِلَّا عَجُوْزًا فِى الْغٰبِرِيْنَ ۚ١٧١
Illā ‘ajūzan fil-gābirīn(a).
[171] maliban sa isang matandang babae sa mga nagpapaiwan.

ثُمَّ دَمَّرْنَا الْاٰخَرِيْنَ ۚ١٧٢
Ṡumma dammarnal-ākharīn(a).
[172] Pagkatapos winasak Namin ang mga iba pa.

وَاَمْطَرْنَا عَلَيْهِمْ مَّطَرًاۚ فَسَاۤءَ مَطَرُ الْمُنْذَرِيْنَ١٧٣
Wa amṭarnā ‘alaihim maṭarā(n), fa sā'a maṭarul-munżarīn(a).
[173] Nagpaulan Kami sa kanila ng isang ulan, saka kay sagwa ang ulan ng mga binalaan.

اِنَّ فِيْ ذٰلِكَ لَاٰيَةً ۗوَمَا كَانَ اَكْثَرُهُمْ مُّؤْمِنِيْنَ١٧٤
Inna fī żālika la'āyah(tan), wa mā kāna akṡaruhum mu'minīn(a).
[174] Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.

وَاِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ الْعَزِيْزُ الرَّحِيْمُ ࣖ١٧٥
Wa inna rabbaka lahuwal-‘azīzur-raḥīm(u).
[175] Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.

كَذَّبَ اَصْحٰبُ لْـَٔيْكَةِ الْمُرْسَلِيْنَ ۖ١٧٦
Każżaba aṣḥābul-aikatil-mursalīn(a).
[176] Nagpasinungaling ang mga naninirahan sa kasukalan [ng Midyan] sa mga isinugo

اِذْ قَالَ لَهُمْ شُعَيْبٌ اَلَا تَتَّقُوْنَ ۚ١٧٧
Iż qāla lahum syu‘aibun alā tattaqūn(a).
[177] noong nagsabi sa kanila si Shu`ayb: “Hindi ba kayo mangingilag magkasala?

اِنِّيْ لَكُمْ رَسُوْلٌ اَمِيْنٌ ۙ١٧٨
Innī lakum rasūlun amīn(un).
[178] Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkatitiwalaan.

فَاتَّقُوا اللّٰهَ وَاَطِيْعُوْنِ ۚ١٧٩
Fattaqullāha wa aṭī‘ūn(i).
[179] Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.

وَمَآ اَسْـَٔلُكُمْ عَلَيْهِ مِنْ اَجْرٍ اِنْ اَجْرِيَ اِلَّا عَلٰى رَبِّ الْعٰلَمِيْنَ ۗ١٨٠
Wa mā as'alukum ‘alaihi min ajrin in ajriya illā ‘alā rabbil-‘ālamīn(a).
[180] Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang.

۞ اَوْفُوا الْكَيْلَ وَلَا تَكُوْنُوْا مِنَ الْمُخْسِرِيْنَ ۚ١٨١
Auful-kaila wa lā takūnū minal-mukhsirīn(a).
[181] Magpalubus-lubos kayo ng pagtatakal at huwag kayong maging kabilang sa mga tagapagpalugi.

وَزِنُوْا بِالْقِسْطَاسِ الْمُسْتَقِيْمِ ۚ١٨٢
Wazinū bil-qisṭāsil-mustaqīm(i).
[182] Tumimbang kayo sa pamamagitan ng timbangang tuwid.

وَلَا تَبْخَسُوا النَّاسَ اَشْيَاۤءَهُمْ وَلَا تَعْثَوْا فِى الْاَرْضِ مُفْسِدِيْنَ ۚ١٨٣
Wa lā tabkhasun-nāsa asy-yā'ahum wa lā ta‘ṡau fil-arḍi mufsidīn(a).
[183] Huwag kayong magpakulang sa mga tao sa mga bagay-bagay nila, at huwag kayong manampalasan sa lupa bilang mga tagagulo.

وَاتَّقُوا الَّذِيْ خَلَقَكُمْ وَالْجِبِلَّةَ الْاَوَّلِيْنَ ۗ١٨٤
Wattaqul-lażī khalaqakum wal-jibillatal-awwalīn(a).
[184] Mangilag kayong magkasala sa lumikha sa inyo at mga salinlahing nauna.

قَالُوْٓا اِنَّمَآ اَنْتَ مِنَ الْمُسَحَّرِيْنَ ۙ١٨٥
Qālū innamā anta minal-musaḥḥarīn(a).
[185] Nagsabi sila: “Ikaw ay kabilang sa mga pinaggagaway lamang.

وَمَآ اَنْتَ اِلَّا بَشَرٌ مِّثْلُنَا وَاِنْ نَّظُنُّكَ لَمِنَ الْكٰذِبِيْنَ ۚ١٨٦
Wa mā anta illā basyarum miṡlunā wa in naẓunnuka laminal-kāżibīn(a).
[186] Walang iba ka kundi isang taong tulad namin. Tunay nagpapalagay kami na ikaw ay talagang kabilang sa mga sinungaling.

فَاَسْقِطْ عَلَيْنَا كِسَفًا مِّنَ السَّمَاۤءِ اِنْ كُنْتَ مِنَ الصّٰدِقِيْنَ ۗ١٨٧
Fa asqiṭ ‘alainā kisafam minas-samā'i in kunta minaṣ-ṣādiqīn(a).
[187] Kaya magpabagsak ka sa amin ng tipak-tipak mula sa langit kung ikaw ay naging kabilang sa mga tapat.”

قَالَ رَبِّيْٓ اَعْلَمُ بِمَا تَعْمَلُوْنَ١٨٨
Qāla rabbī a‘lamu bimā ta‘malūn(a).
[188] Nagsabi [si Shu`ayb]: “Ang Panginoon ko ay higit maalam sa anumang ginagawa ninyo.”

فَكَذَّبُوْهُ فَاَخَذَهُمْ عَذَابُ يَوْمِ الظُّلَّةِ ۗاِنَّهٗ كَانَ عَذَابَ يَوْمٍ عَظِيْمٍ١٨٩
Fa każżabūhu fa akhażahum ‘ażābu yaumiẓ-ẓullah(ti), innahū kāna ‘ażāba yaumin ‘aẓīm(in).
[189] Kaya nagpasinungaling sila sa kanya at dumaklot sa kanila ang pagdurusa sa araw ng maitim na ulap. Tunay na iyon ay naging isang pagdurusa sa isang araw na sukdulan.

اِنَّ فِيْ ذٰلِكَ لَاٰيَةً ۗوَمَا كَانَ اَكْثَرُهُمْ مُّؤْمِنِيْنَ١٩٠
Inna fī żālika la'āyah(tan), wa mā kāna akṡaruhum mu'minīn(a).
[190] Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.

وَاِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ الْعَزِيْزُ الرَّحِيْمُ ࣖ١٩١
Wa inna rabbaka lahuwal-‘azīzur-raḥīm(u).
[191] Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain.

وَاِنَّهٗ لَتَنْزِيْلُ رَبِّ الْعٰلَمِيْنَ ۗ١٩٢
Wa innahū latanzīlu rabbil-‘ālamīn(a).
[192] Tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang pagbababa ng Panginoon ng mga nilalang.

نَزَلَ بِهِ الرُّوْحُ الْاَمِيْنُ ۙ١٩٣
Nazala bihir rūḥul-amīn(u).
[193] Bumaba kalakip nito ang Espiritung Mapagkakatiwalaan379
[379] na si Anghel Gabriel

عَلٰى قَلْبِكَ لِتَكُوْنَ مِنَ الْمُنْذِرِيْنَ ۙ١٩٤
‘Alā qalbika litakūna minal-munżirīn(a).
[194] sa puso mo upang ikaw ay maging kabilang sa mga tagapagbabala

بِلِسَانٍ عَرَبِيٍّ مُّبِيْنٍ ۗ١٩٥
Bilisānin ‘arabiyyim mubīn(in).
[195] sa pamamagitan ng wikang Arabeng malinaw.

وَاِنَّهٗ لَفِيْ زُبُرِ الْاَوَّلِيْنَ١٩٦
Wa innahū lafī zuburil-awwalīn(a).
[196] Tunay na ito ay talagang nasa mga kalatas ng mga sinauna.

اَوَلَمْ يَكُنْ لَّهُمْ اٰيَةً اَنْ يَّعْلَمَهٗ عُلَمٰۤؤُا بَنِيْٓ اِسْرَاۤءِيْلَ١٩٧
Awalam yakul lahum āyatan ay ya‘lamahū ‘ulamā'u banī isrā'īl(a).
[197] Hindi ba ito para sa kanila naging isang tanda, na makaalam nito ang mga maalam sa mga anak ni Israel?

وَلَوْ نَزَّلْنٰهُ عَلٰى بَعْضِ الْاَعْجَمِيْنَ ۙ١٩٨
Wa lau nazzalnāhū ‘alā ba‘ḍil-a‘jamīn(a).
[198] Kung sakaling nagbaba Kami nito380 sa isa sa mga dayuhan
[380] Ibig sabihin: ang Qur’an.

فَقَرَاَهٗ عَلَيْهِمْ مَّا كَانُوْا بِهٖ مُؤْمِنِيْنَ ۗ١٩٩
Fa qara'ahū ‘alaihim mā kānū bihī mu'minīn(a).
[199] saka bumigkas siya nito sa kanila,381 hindi sila dahil dito magiging mga mananampalataya.
[381] sa tumpak na wikang Arabe

كَذٰلِكَ سَلَكْنٰهُ فِيْ قُلُوْبِ الْمُجْرِمِيْنَ ۗ٢٠٠
Każālika salaknāhu fī qulūbil-mujrimīn(a).
[200] Gayon Kami nagsingit nito382 sa mga puso ng mga salarin.
[382] Ibig sabihin: ng pagkakaila sa Qur’an.

لَا يُؤْمِنُوْنَ بِهٖ حَتّٰى يَرَوُا الْعَذَابَ الْاَلِيْمَ٢٠١
Lā yu'minūna bihī ḥattā yarawul-‘ażābal-alīm(a).
[201] Hindi sila sumasampalataya rito hanggang sa makita nila ang pagdurusang masakit.

فَيَأْتِيَهُمْ بَغْتَةً وَّهُمْ لَا يَشْعُرُوْنَ ۙ٢٠٢
Fa ya'tiyahum bagtataw wa hum lā yasy‘urūn(a).
[202] Kaya pupunta ito sa kanila nang biglaan habang sila ay hindi nakararamdam.

فَيَقُوْلُوْا هَلْ نَحْنُ مُنْظَرُوْنَ ۗ٢٠٣
Fa yaqūlū hal naḥnu munẓarūn(a).
[203] Kaya magsasabi sila: “Tayo kaya ay mga ipagpapaliban?”

اَفَبِعَذَابِنَا يَسْتَعْجِلُوْنَ٢٠٤
Afa bi‘ażābinā yasta‘jilūn(a).
[204] Kaya ba sa pagdurusang dulot Namin ay nagmamadali sila?

اَفَرَءَيْتَ اِنْ مَّتَّعْنٰهُمْ سِنِيْنَ ۙ٢٠٥
Afa ra'aita im matta‘nāhum sinīn(a).
[205] Kaya nakita mo ba kung nagpatamasa Kami sa kanila nang ilang taon?

ثُمَّ جَاۤءَهُمْ مَّا كَانُوْا يُوْعَدُوْنَ ۙ٢٠٦
Ṡumma jā'ahum mā kānū yū‘adūn(a).
[206] Pagkatapos dumating sa kanila ang dating ipinangangako sa kanila.

مَآ اَغْنٰى عَنْهُمْ مَّا كَانُوْا يُمَتَّعُوْنَ ۗ٢٠٧
Mā agnā ‘anhum mā kānū yumatta‘ūn(a).
[207] Ano ang naidulot para sa kanila ng anumang dating ipinatatamasa sa kanila?

وَمَآ اَهْلَكْنَا مِنْ قَرْيَةٍ اِلَّا لَهَا مُنْذِرُوْنَ ۖ٢٠٨
Wa mā ahlaknā min qaryatin illā lahā munżirūn(a).
[208] Hindi Kami nagpahamak ng anumang pamayanan malibang habang mayroon itong mga tagapagbabala

ذِكْرٰىۚ وَمَا كُنَّا ظٰلِمِيْنَ٢٠٩
Żikrā, wa mā kunnā ẓālimīn(a).
[209] bilang paalaala, samantalang hindi Kami naging tagalabag sa katarungan.

وَمَا تَنَزَّلَتْ بِهِ الشَّيٰطِيْنُ٢١٠
Wa mā tanazzalat bihisy-syayāṭīn(u).
[210] Hindi nagbabaan kalakip nito383 ang mga demonyo.
[383] Ibig sabihin: kalakip ng Qur’an.

وَمَا يَنْۢبَغِيْ لَهُمْ وَمَا يَسْتَطِيْعُوْنَ ۗ٢١١
Wa mā yambagī lahum wa mā yastaṭī‘ūn(a).
[211] Hindi ito nararapat para sa kanila at hindi sila nakakakaya [na magbaba nito].

اِنَّهُمْ عَنِ السَّمْعِ لَمَعْزُوْلُوْنَ ۗ٢١٢
Innahum ‘anis-sam‘i lama‘zūlūn(a).
[212] Tunay na sila buhat sa pagdinig ay talagang mga ibinukod.

فَلَا تَدْعُ مَعَ اللّٰهِ اِلٰهًا اٰخَرَ فَتَكُوْنَ مِنَ الْمُعَذَّبِيْنَ٢١٣
Falā tad‘u ma‘allāhi ilāhan ākhara fa takūna minal-mu‘ażżabīn(a).
[213] Kaya huwag kang dumalangin kasama kay Allāh sa isang diyos na iba pa para ikaw ay [hindi] maging kabilang sa mga pagdurusahin.

وَاَنْذِرْ عَشِيْرَتَكَ الْاَقْرَبِيْنَ ۙ٢١٤
Wa anżir ‘asyīratakal-aqrabīn(a).
[214] Magbabala ka sa angkan mong mga pinakamalalapit na kaanak.

وَاخْفِضْ جَنَاحَكَ لِمَنِ اتَّبَعَكَ مِنَ الْمُؤْمِنِيْنَ ۚ٢١٥
Wakhfiḍ janāḥaka limanittaba‘aka minal-mu'minīn(a).
[215] Magbaba ka ng loob mo para sa sinumang sumunod sa iyo kabilang sa mga mananampalataya.

فَاِنْ عَصَوْكَ فَقُلْ اِنِّيْ بَرِيْۤءٌ مِّمَّا تَعْمَلُوْنَ ۚ٢١٦
Fa in ‘aṣauka faqul innī barī'um mimmā ta‘malūn(a).
[216] Ngunit kung sumuway sila sa iyo ay sabihin mo: “Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa anumang ginagawa ninyo.”

وَتَوَكَّلْ عَلَى الْعَزِيْزِ الرَّحِيْمِ ۙ٢١٧
Wa tawakkal ‘alal-‘azīzir-raḥīm(i).
[217] Manalig ka sa Makapangyarihan, Maawain,

الَّذِيْ يَرٰىكَ حِيْنَ تَقُوْمُ٢١٨
Allażī yarāka ḥīna taqūm(u).
[218] na nakakikita sa iyo kapag bumabangon ka

وَتَقَلُّبَكَ فِى السّٰجِدِيْنَ٢١٩
Wa taqallubaka fis-sājidīn(a).
[219] at sa paggalaw-galaw mo sa mga nagpapatirapa.

اِنَّهٗ هُوَ السَّمِيْعُ الْعَلِيْمُ٢٢٠
Innahū huwas-samī‘ul-‘alīm(u).
[220] Tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Maalam.

هَلْ اُنَبِّئُكُمْ عَلٰى مَنْ تَنَزَّلُ الشَّيٰطِيْنُ ۗ٢٢١
Hal unabbi'ukum ‘alā man tanazzalusy-syayāṭīn(u).
[221] Magbabalita kaya Ako sa inyo kung sa kanino nagbababaan ang mga demonyo?

تَنَزَّلُ عَلٰى كُلِّ اَفَّاكٍ اَثِيْمٍ ۙ٢٢٢
Tanazzalu ‘alā kulli affākin aṡīm(in).
[222] Nagbababaan sila sa bawat manlilinlang na makasalanan,

يُّلْقُوْنَ السَّمْعَ وَاَكْثَرُهُمْ كٰذِبُوْنَ ۗ٢٢٣
Yulqūnas-sam‘a wa akṡaruhum kāżibūn(a).
[223] habang nagpupukol sila ng napakinggan at ang higit na marami sa kanila ay mga sinungaling.

وَالشُّعَرَاۤءُ يَتَّبِعُهُمُ الْغَاوٗنَ ۗ٢٢٤
Wasy-syu‘arā'u yattabi‘uhumul-gāwūn(a).
[224] Ang mga manunula ay sumusunod sa kanila ang mga nalilisya.

اَلَمْ تَرَ اَنَّهُمْ فِيْ كُلِّ وَادٍ يَّهِيْمُوْنَ ۙ٢٢٥
Alam tara annahum fī kulli wādiy yahīmūn(a).
[225] Hindi mo ba nakita na sila sa bawat larangan ay tumatahak,

وَاَنَّهُمْ يَقُوْلُوْنَ مَا لَا يَفْعَلُوْنَ ۙ٢٢٦
Wa annahum yaqūlūna mā lā yaf‘alūn(a).
[226] at na sila ay nagsasabi ng hindi nila ginagawa,

اِلَّا الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا وَعَمِلُوا الصّٰلِحٰتِ وَذَكَرُوا اللّٰهَ كَثِيْرًا وَّانْتَصَرُوْا مِنْۢ بَعْدِ مَا ظُلِمُوْا ۗوَسَيَعْلَمُ الَّذِيْنَ ظَلَمُوْٓا اَيَّ مُنْقَلَبٍ يَّنْقَلِبُوْنَ ࣖ٢٢٧
Illal-lażīna āmanū wa ‘amiluṣ-ṣāliḥāti wa żakarullāha kaṡīraw wantaṣarū mim ba‘di mā ẓulimū, wa saya‘lamul-lażīna ẓalamū ayya munqalabiy yanqalibūn(a).
[227] maliban sa mga sumampalataya, gumawa ng mga maayos, nag-alaala kay Allāh nang madalas, at naiadya matapos na labagin sila sa katarungan. Makaaalam ang mga lumabag sa katarungan384 kung sa aling uwian uuwi sila.
[384] dahil sa pagtatambal kay Allāh at pangangaway sa mga lingkod Niya.