Surah Al-Furqan

Daftar Surah

بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
تَبٰرَكَ الَّذِيْ نَزَّلَ الْفُرْقَانَ عَلٰى عَبْدِهٖ لِيَكُوْنَ لِلْعٰلَمِيْنَ نَذِيْرًا ۙ١
Tabārakal-lażī nazzalal-furqāna ‘alā ‘abdihī liyakūna lil-‘ālamīna nażīrā(n).
[1] Napakamapagpala ang nagbaba ng [Qur’ān bilang] pamantayan sa Lingkod Niya upang ito para sa mga nilalang ay maging isang mapagbabala,

ۨالَّذِيْ لَهٗ مُلْكُ السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِ وَلَمْ يَتَّخِذْ وَلَدًا وَّلَمْ يَكُنْ لَّهٗ شَرِيْكٌ فِى الْمُلْكِ وَخَلَقَ كُلَّ شَيْءٍ فَقَدَّرَهٗ تَقْدِيْرًا٢
Allażī lahū mulkus-samāwāti wal-arḍi wa lam yattakhiż waladaw wa lam yakul lahū syarīkun fil-mulki wa khalaqa kulla syai'in fa qaddarahū taqdīrā(n).
[2] na sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa, hindi gumawa ng isang anak, hindi nagkaroon sa Kanya ng isang katambal sa paghahari, at lumikha ng bawat bagay saka nagtakda rito ng isang pagtatakda.”

وَاتَّخَذُوْا مِنْ دُوْنِهٖٓ اٰلِهَةً لَّا يَخْلُقُوْنَ شَيْـًٔا وَّهُمْ يُخْلَقُوْنَ وَلَا يَمْلِكُوْنَ لِاَنْفُسِهِمْ ضَرًّا وَّلَا نَفْعًا وَّلَا يَمْلِكُوْنَ مَوْتًا وَّلَا حَيٰوةً وَّلَا نُشُوْرًا٣
Wattakhażū min dūnihī ālihatal lā yakhluqūna syai'aw wa hum yukhlaqūna wa lā yamlikūna li'anfusihim ḍarraw wa lā naf‘aw wa lā yamlikūna mautaw wa lā ḥayātaw wa lā nusyūrā(n).
[3] Gumawa sila sa bukod pa sa Kanya ng mga diyos na hindi lumilikha ng anuman samantalang sila ay nililikha. Hindi sila nagmamay-ari para sa mga sarili nila ng isang pinsala ni isang pakinabang at hindi sila nagmamay-ari ng isang kamatayan ni isang buhay ni isang pagkabuhay.

وَقَالَ الَّذِيْنَ كَفَرُوْٓا اِنْ هٰذَآ اِلَّآ اِفْكُ ِۨافْتَرٰىهُ وَاَعَانَهٗ عَلَيْهِ قَوْمٌ اٰخَرُوْنَۚ فَقَدْ جَاۤءُوْ ظُلْمًا وَّزُوْرًا ۚ٤
Wa qālal-lażīna kafarū in hāżā illā ifkuniftarāhu wa a‘ānahū ‘alaihi qaumun ākharūn(a), fa qad jā'ū ẓulmaw wa zūrā(n).
[4] Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: “Walang iba ito kundi isang kabulaanang ginawa-gawa niya, at may tumulong sa kanya rito na mga ibang tao,” ngunit naghatid nga sila ng isang kawalang-katarungan at isang kasinungalingan.

وَقَالُوْٓا اَسَاطِيْرُ الْاَوَّلِيْنَ اكْتَتَبَهَا فَهِيَ تُمْلٰى عَلَيْهِ بُكْرَةً وَّاَصِيْلًا٥
Wa qālū asāṭīrul-awwalīnaktatabahā fa hiya tumlā ‘alaihi bukrataw wa aṣīlā(n).
[5] Nagsabi sila: “Mga alamat ng mga sinauna [ito], na itinala niya saka ang mga ito ay idinidikta sa kanya sa umaga at hapon.”

قُلْ اَنْزَلَهُ الَّذِيْ يَعْلَمُ السِّرَّ فِى السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِۗ اِنَّهٗ كَانَ غَفُوْرًا رَّحِيْمًا٦
Qul anzalahul-lażī ya‘lamus-sirra fis-samāwāti wal-arḍ(i), innahū kāna gafūrar raḥīmā(n).
[6] Sabihin mo: “Nagpababa nito ang nakaaalam ng lihim sa mga langit at lupa. Tunay na Siya ay laging Mapagpatawad, Maawain.”

وَقَالُوْا مَالِ هٰذَا الرَّسُوْلِ يَأْكُلُ الطَّعَامَ وَيَمْشِيْ فِى الْاَسْوَاقِۗ لَوْلَآ اُنْزِلَ اِلَيْهِ مَلَكٌ فَيَكُوْنَ مَعَهٗ نَذِيْرًا ۙ٧
Wa qālū mā lihāżar-rasūli ya'kuluṭ-ṭa‘āma wa yamsyī fil-aswāq(i), lau lā unzila ‘alaihi malakun fa yakūna ma‘ahū nażīrā(n).
[7] Nagsabi sila: “Ano ang mayroon sa Sugong ito na kumakain ng pagkain at naglalakad sa mga palengke? Bakit kasi walang pinababa sa kanya na isang anghel para ito kasama sa kanya ay maging isang mapagbabala?

اَوْ يُلْقٰىٓ اِلَيْهِ كَنْزٌ اَوْ تَكُوْنُ لَهٗ جَنَّةٌ يَّأْكُلُ مِنْهَاۗ وَقَالَ الظّٰلِمُوْنَ اِنْ تَتَّبِعُوْنَ اِلَّا رَجُلًا مَّسْحُوْرًا٨
Au yulqā ilaihi kanzun au takūnu lahū jannatuy ya'kulu minhā, wa qālaẓ-ẓālimūna in tattabi‘ūna illā rajulam masḥūrā(n).
[8] O [bakit kasi walang] ipinupukol sa kanya na isang kayamanan, o [bakit kasi hindi] siya nagkakaroon ng isang hardin na kakain siya mula roon?” Nagsabi ang mga tagalabag sa katarungan: “Hindi kayo sumusunod kundi sa isang lalaking nagaway.”

اُنْظُرْ كَيْفَ ضَرَبُوْا لَكَ الْاَمْثَالَ فَضَلُّوْا فَلَا يَسْتَطِيْعُوْنَ سَبِيْلًا ࣖ٩
Unẓur kaifa ḍarabū lakal-amṡāla fa ḍallū falā yastaṭī‘ūna sabīlā(n).
[9] Tumingin ka kung papaanong naglahad sila para sa iyo ng mga paghahalintulad kaya naligaw sila saka hindi sila nakakakaya [na magkaroon] ng isang landas [sa pagtuligsa sa Propeta].

تَبٰرَكَ الَّذِيْٓ اِنْ شَاۤءَ جَعَلَ لَكَ خَيْرًا مِّنْ ذٰلِكَ جَنّٰتٍ تَجْرِيْ مِنْ تَحْتِهَا الْاَنْهٰرُۙ وَيَجْعَلْ لَّكَ قُصُوْرًا١٠
Tabārakal-lażī in syā'a ja‘ala laka khairam min żālika jannātin tajrī min taḥtihal-anhār(u), wa yaj‘al laka quṣūrā(n).
[10] Napakamapagpala ang kung niloob Niya ay gumawa Siya para sa iyo ng higit na mabuti kaysa roon: mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog, at gagawa Siya para sa iyo ng mga palasyo.

بَلْ كَذَّبُوْا بِالسَّاعَةِۙ وَاَعْتَدْنَا لِمَنْ كَذَّبَ بِالسَّاعَةِ سَعِيْرًا١١
Bal każżabū bis-sā‘ah(ti), wa a‘tadnā liman każżaba bis-sā‘ati sa‘īrā(n).
[11] Bagkus nagpasinungaling sila sa Huling Sandali. Naglaan Kami para sa sinumang nagpasinungaling sa Huling Sandali ng Liyab.

اِذَا رَاَتْهُمْ مِّنْ مَّكَانٍۢ بَعِيْدٍ سَمِعُوْا لَهَا تَغَيُّظًا وَّزَفِيْرًا١٢
Iżā ra'athum mim makānim ba‘īdin sami‘ū lahā tagayyuẓaw wa zafīrā(n).
[12] Kapag nakakita ito sa kanila361 mula sa isang pook na malayo ay makaririnig sila para rito ng isang pagngingitngit at isang pagsinghal.
[361] Ibig sabihin: Kapag nakakita ang Impiyerno sa mga tagatangging sumampalataya…

وَاِذَآ اُلْقُوْا مِنْهَا مَكَانًا ضَيِّقًا مُّقَرَّنِيْنَ دَعَوْا هُنَالِكَ ثُبُوْرًا ۗ١٣
Wa iżā ulqū minhā makānan ḍayyiqam muqarranīna da‘au hunālika ṡubūrā(n).
[13] Kapag ipinukol sila mula roon sa isang lugar na masikip habang mga pinaggagapos ay mananawagan sila roon ng pagkagupo.

لَا تَدْعُوا الْيَوْمَ ثُبُوْرًا وَّاحِدًا وَّادْعُوْا ثُبُوْرًا كَثِيْرًا١٤
Lā tad‘ul-yauma ṡubūraw wāḥidaw wad‘ū ṡubūran kaṡīrā(n).
[14] Huwag kayong manawagan ngayong Araw ng pagkagupong nag-iisa. Manawagan kayo ng pagkagupong marami.

قُلْ اَذٰلِكَ خَيْرٌ اَمْ جَنَّةُ الْخُلْدِ الَّتِيْ وُعِدَ الْمُتَّقُوْنَۗ كَانَتْ لَهُمْ جَزَاۤءً وَّمَصِيْرًا١٥
Qul ażālika khairun am jannatul-khuldil-latī wu‘idal-muttaqūn(a), kānat lahum jazā'aw wa maṣīrā(n).
[15] Sabihin mo: “Iyon ba ay higit na mabuti o ang hardin ng kawalang-hanggan na ipinangako sa mga tagapangilag magkasala?” Ito para sa kanila ay magiging isang gantimpala at isang kahahantungan.

لَهُمْ فِيْهَا مَا يَشَاۤءُوْنَ خٰلِدِيْنَۗ كَانَ عَلٰى رَبِّكَ وَعْدًا مَّسْـُٔوْلًا١٦
Lahum fīhā mā yasyā'ūna khālidīn(a), kāna ‘alā rabbika wa‘dam mas'ūlā(n).
[16] Ukol sa kanila roon ang anumang niloloob nila habang mga mamamalagi. Laging iyon sa Panginoon mo ay isang pangakong hinihiling.

وَيَوْمَ يَحْشُرُهُمْ وَمَا يَعْبُدُوْنَ مِنْ دُوْنِ اللّٰهِ فَيَقُوْلُ ءَاَنْتُمْ اَضْلَلْتُمْ عِبَادِيْ هٰٓؤُلَاۤءِ اَمْ هُمْ ضَلُّوا السَّبِيْلَ ۗ١٧
Wa yauma yaḥsyuruhum wa mā ya‘budūna min dūnillāhi fa yaqūlu a'antum aḍlaltum ‘ibādī hā'ulā'i am hum ḍallus-sabīl(a).
[17] [Banggitin] ang araw na kakalap si Allāh sa kanila362 at sa anumang sinasamba nila bukod pa sa Kanya363 saka magsasabi Siya: “Kayo ba ay nagligaw sa mga lingkod Kong ito o sila ay naligaw sa landas?”
[362] Ibig sabihin: sa mga tagapagtambal [363] Gaya ni Jesus, Maria, Espiritu Santo, mga jinn, mga propeta, at iba pa.

قَالُوْا سُبْحٰنَكَ مَا كَانَ يَنْۢبَغِيْ لَنَآ اَنْ نَّتَّخِذَ مِنْ دُوْنِكَ مِنْ اَوْلِيَاۤءَ وَلٰكِنْ مَّتَّعْتَهُمْ وَاٰبَاۤءَهُمْ حَتّٰى نَسُوا الذِّكْرَۚ وَكَانُوْا قَوْمًاۢ بُوْرًا١٨
Qālū subḥānaka mā kāna yambagī lanā an nattakhiża min dūnika min auliyā'a wa lākim matta‘tahum wa ābā'ahum ḥattā nasuż-żikr(a), wa kānū qaumam būrā(n).
[18] Nagsabi sila: “Kaluwalhatian sa Iyo! Hindi naging nararapat para sa amin na gumawa Kami bukod pa sa Iyo ng anumang mga katangkilik, subalit nagpatamasa Ka [sa Mundo] sa kanila at sa mga magulang nila hanggang sa nakalimot sila sa paalaala. Sila noon ay mga taong napariwara.”

فَقَدْ كَذَّبُوْكُمْ بِمَا تَقُوْلُوْنَۙ فَمَا تَسْتَطِيْعُوْنَ صَرْفًا وَّلَا نَصْرًاۚ وَمَنْ يَّظْلِمْ مِّنْكُمْ نُذِقْهُ عَذَابًا كَبِيْرًا١٩
Faqad każżabūkum bimā taqūlūn(a), famā tastaṭī‘ūna ṣarfaw wa lā naṣrā(n), wa may yaẓlim minkum nużiqhu ‘ażāban kabīrā(n).
[19] Magpapasinungaling nga sila sa inyo sa sinasabi ninyo saka hindi kayo makakakaya ng isang paglilihis ni isang pag-aadya. Ang sinumang lalabag sa katarungan [dahil sa pagtatambal kay Allāh] kabilang sa inyo ay magpapatikim Kami sa kanya ng isang pagdurusang malaki.

وَمَآ اَرْسَلْنَا قَبْلَكَ مِنَ الْمُرْسَلِيْنَ اِلَّآ اِنَّهُمْ لَيَأْكُلُوْنَ الطَّعَامَ وَيَمْشُوْنَ فِى الْاَسْوَاقِۗ وَجَعَلْنَا بَعْضَكُمْ لِبَعْضٍ فِتْنَةً ۗ اَتَصْبِرُوْنَۚ وَكَانَ رَبُّكَ بَصِيْرًا ࣖ ۔٢٠
Wa mā arsalnā qablaka minal-mursalīna illā innahum laya'kulūnaṭ-ṭa‘āma wa yamsyūna fil aswāq(i), wa ja‘alnā ba‘ḍakum liba‘ḍin fitnah(tan), ataṣbirūn(a), wa kāna rabbuka baṣīrā(n).
[20] Hindi Kami nagsugo bago mo ng mga isinugo malibang tunay na sila ay talagang kumakain ng pagkain at lumalakad sa mga palengke. Gumawa Kami sa ilan sa inyo para sa iba pa bilang pagsubok. Makatitiis ba kayo? Laging ang Panginoon mo ay Nakakikita.

۞ وَقَالَ الَّذِيْنَ لَا يَرْجُوْنَ لِقَاۤءَنَا لَوْلَآ اُنْزِلَ عَلَيْنَا الْمَلٰۤىِٕكَةُ اَوْ نَرٰى رَبَّنَا ۗ لَقَدِ اسْتَكْبَرُوْا فِيْٓ اَنْفُسِهِمْ وَعَتَوْ عُتُوًّا كَبِيْرًا٢١
Wa qālal-lażīna lā yarjūna liqā'anā lau lā unzila ‘alainal-malā'ikata au narā rabbanā, laqadistakbarū fī anfusihim wa ‘atau ‘utuwwan kabīrā(n).
[21] Nagsabi ang mga hindi nag-aasam ng pakikipagkita sa Amin: “Bakit kasi hindi pinababa sa amin ang mga anghel o [hindi] kami nakakikita sa Panginoon namin.” Talaga ngang nagmalaki sila sa mga sarili nila at nagpakasutil sila sa isang pagpapakasutil na malaki.

يَوْمَ يَرَوْنَ الْمَلٰۤىِٕكَةَ لَا بُشْرٰى يَوْمَىِٕذٍ لِّلْمُجْرِمِيْنَ وَيَقُوْلُوْنَ حِجْرًا مَّحْجُوْرًا٢٢
Yauma yaraunal-malā'ikata lā busyrā yauma'iżil lil-mujrimīna wa yaqūlūna ḥijram maḥjūrā(n).
[22] Sa Araw na makikita nila ang mga anghel, walang balitang nakagagalak sa araw na iyon para sa mga salarin at magsasabi [ang mga anghel]: “[Ang balitang nakagagalak ay naging] isang hadlang na hinadlangan!”

وَقَدِمْنَآ اِلٰى مَا عَمِلُوْا مِنْ عَمَلٍ فَجَعَلْنٰهُ هَبَاۤءً مَّنْثُوْرًا٢٣
Wa qadimnā ilā mā ‘amilū min ‘amalin fa ja‘alnāhu habā'am manṡūrā(n).
[23] Tutuon Kami sa anumang ginawa nila na gawain saka gagawa Kami rito na gaya ng alabok na ikinalat.364
[364] Ibig sabihin: walang kabuluhan dahil sa kawalang-pananampalataya.

اَصْحٰبُ الْجَنَّةِ يَوْمَىِٕذٍ خَيْرٌ مُّسْتَقَرًّا وَّاَحْسَنُ مَقِيْلًا٢٤
Aṣḥābul-jannati yauma'iżin khairum mustaqarraw wa aḥsanu maqīlā(n).
[24] Ang mga maninirahan sa Paraiso sa Araw na iyon ay higit na mabuti sa pagtitigilan at higit na maganda sa pahihingahan.

وَيَوْمَ تَشَقَّقُ السَّمَاۤءُ بِالْغَمَامِ وَنُزِّلَ الْمَلٰۤىِٕكَةُ تَنْزِيْلًا٢٥
Wa yauma tasyaqqaqus-samā'u bil-gamāmi wa nuzzilal-malā'ikatu tanzīlā(n).
[25] [Banggitin] ang araw na magkakabiyak-biyak ang langit na may mga ulap at ibababa ang mga anghel sa [maramihang] pagbababa.

اَلْمُلْكُ يَوْمَىِٕذِ ِۨالْحَقُّ لِلرَّحْمٰنِۗ وَكَانَ يَوْمًا عَلَى الْكٰفِرِيْنَ عَسِيْرًا٢٦
Al-mulku yauma'iżinil-ḥaqqu lir-raḥmān(i), wa kāna yauman ‘alal-kāfirīna ‘asīrā(n).
[26] Ang paghahari, sa Araw na iyon, na totoo ay ukol sa Pinakamaawain. Iyon ay magiging isang Araw na mahirap laban sa mga tagatangging sumampalataya.

وَيَوْمَ يَعَضُّ الظَّالِمُ عَلٰى يَدَيْهِ يَقُوْلُ يٰلَيْتَنِى اتَّخَذْتُ مَعَ الرَّسُوْلِ سَبِيْلًا٢٧
Wa yauma ya‘aḍḍuẓ-ẓālimu ‘alā yadaihi yaqūlu yā laitanittakhażtu ma‘ar-rasūli sabīlā(n).
[27] [Banggitin] ang araw na kakagat ang tagalabag sa katarungan sa mga kamay niya, na nagsasabi: “O kung sana ako ay tumahak kasama sa Sugo sa landas.

يٰوَيْلَتٰى لَيْتَنِيْ لَمْ اَتَّخِذْ فُلَانًا خَلِيْلًا٢٨
Yā wailatā laitanī lam attakhiż fulānan khalīlā(n).
[28] O kapighatian sa akin! Kung sana ako ay hindi gumawa kay Polano bilang matalik na kaibigan.

لَقَدْ اَضَلَّنِيْ عَنِ الذِّكْرِ بَعْدَ اِذْ جَاۤءَنِيْۗ وَكَانَ الشَّيْطٰنُ لِلْاِنْسَانِ خَذُوْلًا٢٩
Laqad aḍallanī ‘aniż-żikri ba‘da iż jā'anī, wa kānasy-syaiṭānu lil-insāni khażūlā(n).
[29] Talaga ngang nagligaw siya sa akin palayo sa pag-alaala matapos noong dumating ito sa akin. Laging ang demonyo para sa tao ay mapagkanulo.”

وَقَالَ الرَّسُوْلُ يٰرَبِّ اِنَّ قَوْمِى اتَّخَذُوْا هٰذَا الْقُرْاٰنَ مَهْجُوْرًا٣٠
Wa qālar-rasūlu yā rabbi inna qaumittakhażū hāżal-qur'āna mahjūrā(n).
[30] Nagsabi ang Sugo [sa Araw na iyon]: “O Panginoon ko, tunay na ang mga kababayan ko ay gumawa sa Qur’ān na ito bilang isinasaisang-tabi.”

وَكَذٰلِكَ جَعَلْنَا لِكُلِّ نَبِيٍّ عَدُوًّا مِّنَ الْمُجْرِمِيْنَۗ وَكَفٰى بِرَبِّكَ هَادِيًا وَّنَصِيْرًا٣١
Wa każālika ja‘alnā likulli nabiyyin ‘aduwwam minal-mujrimīn(a), wa kafā birabbika hādiyaw wa naṣīrā(n).
[31] Gayon Kami nagtalaga para sa bawat propeta ng isang kaaway kabilang sa mga salarin. Nakasapat ang Panginoon mo bilang Tagapagpatnubay at bilang Mapag-adya.

وَقَالَ الَّذِيْنَ كَفَرُوْا لَوْلَا نُزِّلَ عَلَيْهِ الْقُرْاٰنُ جُمْلَةً وَّاحِدَةً ۛ كَذٰلِكَ ۛ لِنُثَبِّتَ بِهٖ فُؤَادَكَ وَرَتَّلْنٰهُ تَرْتِيْلًا٣٢
Wa qālal-lażīna kafarū lau lā nuzzila ‘alaihil-qur'ānu jumlataw wāḥidatan - każālika - linuṡabbita bihī fu'ādaka wa rattalnāhu tartīlā(n).
[32] Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: “Bakit kasi hindi ibinaba sa kanya ang Qur’ān nang nag-iisang kabuuan?” [Ang pagbababang] gayon ay upang magpatatag Kami sa pamamagitan niyon sa puso mo. Bumigkas Kami nito nang [unti-unting] pagbigkas.

وَلَا يَأْتُوْنَكَ بِمَثَلٍ اِلَّا جِئْنٰكَ بِالْحَقِّ وَاَحْسَنَ تَفْسِيْرًا ۗ٣٣
Wa lā ya'tūnaka bimaṡalin illā ji'nāka bil-ḥaqqi wa aḥsana tafsīrā(n).
[33] Hindi sila nagdadala sa iyo ng isang paghahalintulad malibang naghatid Kami sa iyo ng katotohanan at isang higit na maganda sa pagpapaliwanag.

اَلَّذِيْنَ يُحْشَرُوْنَ عَلٰى وُجُوْهِهِمْ اِلٰى جَهَنَّمَۙ اُولٰۤىِٕكَ شَرٌّ مَّكَانًا وَّاَضَلُّ سَبِيْلًا ࣖ٣٤
Allażīna yuḥsyarūna ‘alā wujūhihim ilā jahannam(a), ulā'ika syarrum makānaw wa aḍallu sabīlā(n).
[34] Ang mga kakalapin [na nakasubsob] sa mga mukha nila patungo sa Impiyerno, ang mga iyon ay higit na masama sa lugar at higit na ligaw sa landas.

وَلَقَدْ اٰتَيْنَا مُوْسَى الْكِتٰبَ وَجَعَلْنَا مَعَهٗٓ اَخَاهُ هٰرُوْنَ وَزِيْرًا ۚ٣٥
Wa laqad ātainā mūsal-kitāba wa ja‘alnā ma‘ahū akhāhu hārūna wazīrā(n).
[35] Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng kasulatan at gumawa Kami kasama sa kanya ng kapatid niyang si Aaron bilang katuwang.

فَقُلْنَا اذْهَبَآ اِلَى الْقَوْمِ الَّذِيْنَ كَذَّبُوْا بِاٰيٰتِنَاۗ فَدَمَّرْنٰهُمْ تَدْمِيْرًا ۗ٣٦
Fa qulnażhabā ilal-qaumil-lażīna każżabū bi'āyātinā, fa dammarnāhum tadmīrā(n).
[36] Kaya nagsabi Kami: “Pumunta kayong dalawa sa mga taong nagpasinungaling sa mga tanda Namin.” Kaya winasak Namin sila nang [lubusang] pagwasak.

وَقَوْمَ نُوْحٍ لَّمَّا كَذَّبُوا الرُّسُلَ اَغْرَقْنٰهُمْ وَجَعَلْنٰهُمْ لِلنَّاسِ اٰيَةًۗ وَاَعْتَدْنَا لِلظّٰلِمِيْنَ عَذَابًا اَلِيْمًا ۚ٣٧
Wa qauma nūḥil lammā każżabur-rusula agraqnāhum wa ja‘alnāhum lin-nāsi āyah(tan), wa a‘tadnā liẓ-ẓālimīna ‘ażāban alīmā(n).
[37] Ang mga tao ni Noe, noong nagpasinungaling sila sa mga sugo, ay nilunod Namin at ginawa Namin sila para sa mga tao bilang tanda. Naglaan Kami para sa mga tagalabag sa katarungan ng isang pagdurusang masakit.

وَعَادًا وَّثَمُوْدَا۟ وَاَصْحٰبَ الرَّسِّ وَقُرُوْنًاۢ بَيْنَ ذٰلِكَ كَثِيْرًا٣٨
Wa ‘ādaw wa ṡamūda wa aṣḥābar-rassi wa qurūnam baina żālika kaṡīrā(n).
[38] [Nagpahamak Kami] sa [liping] `Ād, Thamūd, mga kasamahan ng balon, at sa maraming salinlahi sa pagitan niyon.

وَكُلًّا ضَرَبْنَا لَهُ الْاَمْثَالَۖ وَكُلًّا تَبَّرْنَا تَتْبِيْرًا٣٩
Wa kullan ḍarabnā lahul-amṡāl(a), wa kullan tabbarnā tatbīrā(n).
[39] Sa bawat isa ay naglahad Kami ng mga paghahalintulad at sa bawat isa ay dumurog Kami nang isang [matinding] pagdurog.

وَلَقَدْ اَتَوْا عَلَى الْقَرْيَةِ الَّتِيْٓ اُمْطِرَتْ مَطَرَ السَّوْءِۗ اَفَلَمْ يَكُوْنُوْا يَرَوْنَهَاۚ بَلْ كَانُوْا لَا يَرْجُوْنَ نُشُوْرًا٤٠
Wa laqad atau ‘alal-qaryatil-latī umṭirat maṭaras-sau'(i), afalam yakūnū yaraunahā, bal kānū lā yarjūna nusyūrā(n).
[40] Talaga ngang pumunta sila sa pamayanan [ni Propeta Lot] na pinaulanan ng ulan ng kasagwaan. Kaya hindi ba dati sila nakakikita niyon? Bagkus sila noon ay hindi nag-aasam ng isang pagkabuhay.

وَاِذَا رَاَوْكَ اِنْ يَّتَّخِذُوْنَكَ اِلَّا هُزُوًاۗ اَهٰذَا الَّذِيْ بَعَثَ اللّٰهُ رَسُوْلًا٤١
Wa iżā ra'auka iy yattakhiżūnaka illā huzuwā(n), ahāżal-lażī ba‘aṡallāhu rasūlā(n).
[41] Kapag nakakita sila sa iyo ay wala silang ginagawa sa iyo kundi isang pangungutya, [na nagsasabi]: “Ito ba ang ipinadala ni Allāh bilang sugo?

اِنْ كَادَ لَيُضِلُّنَا عَنْ اٰلِهَتِنَا لَوْلَآ اَنْ صَبَرْنَا عَلَيْهَاۗ وَسَوْفَ يَعْلَمُوْنَ حِيْنَ يَرَوْنَ الْعَذَابَ مَنْ اَضَلُّ سَبِيْلًا٤٢
In kāda layuḍillunā ‘an ālihatinā lau lā an ṣabarnā ‘alaihā, wa saufa ya‘lamūna ḥīna yaraunal-‘ażāba man aḍallu sabīlā(n).
[42] Tunay na halos talaga sanang nagligaw siya sa atin palayo sa mga diyos natin kung hindi dahil nagtiis tayo sa mga ito.” Malalaman nila kapag nakikita na nila ang pagdurusa kung sino ang higit na ligaw sa landas.

اَرَءَيْتَ مَنِ اتَّخَذَ اِلٰهَهٗ هَوٰىهُۗ اَفَاَنْتَ تَكُوْنُ عَلَيْهِ وَكِيْلًا ۙ٤٣
Ara'aita manittakhaża ilāhahū hawāh(u), afa anta takūnu ‘alaihi wakīlā(n).
[43] Nakakita ka ba sa sinumang gumawa bilang diyos niya sa pithaya niya? Kaya ikaw ba sa kanya ay magiging isang pinananaligan?

اَمْ تَحْسَبُ اَنَّ اَكْثَرَهُمْ يَسْمَعُوْنَ اَوْ يَعْقِلُوْنَۗ اِنْ هُمْ اِلَّا كَالْاَنْعَامِ بَلْ هُمْ اَضَلُّ سَبِيْلًا ࣖ٤٤
Am taḥsabu anna akṡarahum yasma‘ūna au ya‘qilūn(a), in hum illā kal-an‘āmi bal hum aḍallu sabīlā(n).
[44] O nag-aakala ka na ang higit na marami sa kanila ay dumidinig o nakapag-uunawa? Walang iba sila kundi gaya ng mga hayupan, bagkus sila ay higit na ligaw sa landas.

اَلَمْ تَرَ اِلٰى رَبِّكَ كَيْفَ مَدَّ الظِّلَّۚ وَلَوْ شَاۤءَ لَجَعَلَهٗ سَاكِنًاۚ ثُمَّ جَعَلْنَا الشَّمْسَ عَلَيْهِ دَلِيْلًا ۙ٤٥
Alam tara ilā rabbika kaifa maddaẓ-ẓill(a), wa lau syā'a laja‘alahū sākinā(n), ṡumma ja‘alnasy-syamsa ‘alaihi dalīlā(n).
[45] Hindi ka ba nagsaalang-alang sa Panginoon mo kung papaano Siya bumanat ng anino? Kung sakaling niloob Niya ay talaga sanang ginawa Niya ito na nakatigil. Pagkatapos ginawa ang araw bilang gabay rito.

ثُمَّ قَبَضْنٰهُ اِلَيْنَا قَبْضًا يَّسِيْرًا٤٦
Ṡumma qabaḍnā ilainā qabḍay yasīrā(n).
[46] Pagkatapos nag-urong Kami nito tungo sa Amin nang isang unti-unting pag-urong.

وَهُوَ الَّذِيْ جَعَلَ لَكُمُ الَّيْلَ لِبَاسًا وَّالنَّوْمَ سُبَاتًا وَّجَعَلَ النَّهَارَ نُشُوْرًا٤٧
Wa huwal-lażī ja‘ala lakumul-laila libāsaw wan-nauma subātaw wa ja‘alan-nahāra nusyūrā(n).
[47] Siya ang gumawa para sa inyo ng gabi bilang damit365 at ng pagtulog bilang pamamahinga, at gumawa ng maghapon bilang pagkabuhay [para maghanap-buhay].
[365] na nagtatakip sa inyo ng dilim nito

وَهُوَ الَّذِيْٓ اَرْسَلَ الرِّيَاحَ بُشْرًاۢ بَيْنَ يَدَيْ رَحْمَتِهٖۚ وَاَنْزَلْنَا مِنَ السَّمَاۤءِ مَاۤءً طَهُوْرًا ۙ٤٨
Wa huwal-lażī arsalar-riyāḥa busyram baina yadai raḥmatih(ī), wa anzalnā minas-samā'i mā'an ṭahūrā(n).
[48] Siya ay ang nagsugo ng mga hangin bilang balitang nakagagalak bago ng awa Niya. Nagpababa Kami mula sa langit ng tubig na kadali-dalisay

لِّنُحْيِ َۧ بِهٖ بَلْدَةً مَّيْتًا وَّنُسْقِيَهٗ مِمَّا خَلَقْنَآ اَنْعَامًا وَّاَنَاسِيَّ كَثِيْرًا٤٩
Linuḥyiya bihī baldatam maitaw wa nusqiyahū mimmā khalaqnā an‘āmaw wa anāsiyya kaṡīrā(n).
[49] upang magbigay-buhay Kami sa pamamagitan niyon sa isang bayang patay at magpainom Kami niyon sa kabilang sa nilikha Namin na maraming hayupan at tao.

وَلَقَدْ صَرَّفْنٰهُ بَيْنَهُمْ لِيَذَّكَّرُوْاۖ فَاَبٰىٓ اَكْثَرُ النَّاسِ اِلَّا كُفُوْرًا٥٠
Wa laqad ṣarrafnāhu bainahum liyażżakkarū, fa abā akṡarun-nāsi illā kufūrā(n).
[50] Talaga ngang nagsarisari Kami nito sa gitna nila upang magsaalaala sila ngunit tumutol ang higit na marami sa mga tao [sa anuman] maliban sa kawalang-pasasalamat.

وَلَوْ شِئْنَا لَبَعَثْنَا فِيْ كُلِّ قَرْيَةٍ نَّذِيْرًا ۖ٥١
Wa lau syi'nā laba‘aṡnā fī kulli qaryatin nażīrā(n).
[51] Kung sakaling niloob Namin ay talaga sanang nagpadala Kami sa bawat pamayanan ng isang mapagbabala.

فَلَا تُطِعِ الْكٰفِرِيْنَ وَجَاهِدْهُمْ بِهٖ جِهَادًا كَبِيْرًا٥٢
Falā tuṭi‘il-kāfirīna wa jāhidhum bihī jihādan kabīrā(n).
[52] Kaya huwag kang tumalima sa mga tagatangging sumampalataya at makibaka ka sa kanila nang isang pakikibakang malaki.

۞ وَهُوَ الَّذِيْ مَرَجَ الْبَحْرَيْنِ هٰذَا عَذْبٌ فُرَاتٌ وَّهٰذَا مِلْحٌ اُجَاجٌۚ وَجَعَلَ بَيْنَهُمَا بَرْزَخًا وَّحِجْرًا مَّحْجُوْرًا٥٣
Wa huwal-lażī marajal-baḥraini hāżā ‘ażbun furātuw wa hāżā milḥun ujāj(un), wa ja‘ala bainahumā barzakhaw wa ḥijram maḥjūrā(n).
[53] Siya ay ang nagpaugnay sa dalawang dagat: itong isa ay naiinom na matamis at itong isa pa ay maalat na mapait. Naglagay Siya sa pagitan ng dalawang ito ng isang halang at isang hadlang na hinadlangan.

وَهُوَ الَّذِيْ خَلَقَ مِنَ الْمَاۤءِ بَشَرًا فَجَعَلَهٗ نَسَبًا وَّصِهْرًاۗ وَكَانَ رَبُّكَ قَدِيْرًا٥٤
Wa huwal-lażī khalaqa minal-mā'i basyaran fa ja‘alahū nasabaw wa ṣihrā(n), wa kāna rabbuka qadīrā(n).
[54] Siya ay ang lumikha mula sa tubig ng isang tao saka gumawa rito ng kamag-anakan sa angkan at kamag-anak sa pag-aasawa. Laging ang Panginoon mo ay May-kakayahan.

وَيَعْبُدُوْنَ مِنْ دُوْنِ اللّٰهِ مَا لَا يَنْفَعُهُمْ وَلَا يَضُرُّهُمْۗ وَكَانَ الْكَافِرُ عَلٰى رَبِّهٖ ظَهِيْرًا٥٥
Wa ya‘budūna min dūnillāhi mā lā yanfa‘uhum wa lā yaḍurruhum, wa kānal-kāfiru ‘alā rabbihī ẓahīrā(n).
[55] Sumasamba sila sa bukod pa kay Allāh, na hindi nakapagpapakinabang sa kanila at hindi nakapipinsala sa kanila. Laging ang tagatangging sumampalataya laban sa Panginoon niya ay mapagtaguyod [sa demonyo].

وَمَآ اَرْسَلْنٰكَ اِلَّا مُبَشِّرًا وَّنَذِيْرًا٥٦
Wa mā arsalnāka illā mubasysyiraw wa nażīrā(n).
[56] Hindi Kami nagsugo sa iyo kundi bilang tagapagbalita ng nakagagalak at bilang mapagbabala.

قُلْ مَآ اَسْـَٔلُكُمْ عَلَيْهِ مِنْ اَجْرٍ اِلَّا مَنْ شَاۤءَ اَنْ يَّتَّخِذَ اِلٰى رَبِّهٖ سَبِيْلًا٥٧
Qul mā as'alukum ‘alaihi min ajrin illā man syā'a ay yattakhiża ilā rabbihī sabīlā(n).
[57] Sabihin mo: “Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya maliban sa sinumang lumuob na gumawa patungo sa Panginoon niya ng isang landas.”

وَتَوَكَّلْ عَلَى الْحَيِّ الَّذِيْ لَا يَمُوْتُ وَسَبِّحْ بِحَمْدِهٖۗ وَكَفٰى بِهٖ بِذُنُوْبِ عِبَادِهٖ خَبِيْرًا ۚ٥٨
Wa tawakkal ‘alal-ḥayyil-lażī lā yamūtu wa sabbiḥ biḥamdih(ī), wa kafā bihī biżunūbi ‘ibādihī khabīrā(n).
[58] Manalig ka sa Buhay na hindi namamatay at magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Kanya. Nakasapat Siya sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niya bilang Mapagbatid.

اَلَّذِيْ خَلَقَ السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضَ وَمَا بَيْنَهُمَا فِيْ سِتَّةِ اَيَّامٍ ثُمَّ اسْتَوٰى عَلَى الْعَرْشِۚ اَلرَّحْمٰنُ فَسْـَٔلْ بِهٖ خَبِيْرًا٥٩
Allażī khalaqas-samāwāti wal-arḍa wa mā bainahumā fī sittati ayyāmin ṡummastawā ‘alal-‘arsy(i), ar-raḥmānu fas'al bihī khabīrā(n).
[59] [Siya] ang lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito sa anim na araw, pagkatapos lumuklok Siya sa Trono.366 [Siya] ang Napakamaawain, kaya magtanong ka sa Kanya bilang Mapagbatid.
[366] sa paraang naaangkop sa kadakilaan Niya

وَاِذَا قِيْلَ لَهُمُ اسْجُدُوْا لِلرَّحْمٰنِ قَالُوْا وَمَا الرَّحْمٰنُ اَنَسْجُدُ لِمَا تَأْمُرُنَا وَزَادَهُمْ نُفُوْرًا ۩ ࣖ٦٠
Wa iżā qīla lahumusjudū lir-raḥmāni qālū wa mar-raḥmānu anasjudu limā ta'murunā wa zādahum nufūrā(n).
[60] Kapag sinabi sa kanila: “Magpatirapa kayo sa Napakamaawain,” nagsasabi sila: “Ano ang Napakamaawain? Magpapatirapa ba kami sa ipinag-uutos mo sa amin?” Nakadagdag ito sa kanila ng isang pagkaayaw [sa pananampalataya].

تَبٰرَكَ الَّذِيْ جَعَلَ فِى السَّمَاۤءِ بُرُوْجًا وَّجَعَلَ فِيْهَا سِرٰجًا وَّقَمَرًا مُّنِيْرًا٦١
Tabārakal-lażī ja‘ala fis-samā'i burūjaw wa ja‘ala fīhā sirājaw wa qamaram munīrā(n).
[61] Napakamapagpala ang gumawa sa langit ng mga pulutong ng bituin at gumawa roon ng sulo at isang buwang tagapagbigay-liwanag.

وَهُوَ الَّذِيْ جَعَلَ الَّيْلَ وَالنَّهَارَ خِلْفَةً لِّمَنْ اَرَادَ اَنْ يَّذَّكَّرَ اَوْ اَرَادَ شُكُوْرًا٦٢
Wa huwal-lażī ja‘alal-laila wan-nahāra khilfatal liman arāda ay yażżakkara au arāda syukūrā(n).
[62] Siya ay ang gumawa sa gabi at maghapon na magkasalitan para sa sinumang nagnais na magsaalaala o nagnais ng pasasalamat.

وَعِبَادُ الرَّحْمٰنِ الَّذِيْنَ يَمْشُوْنَ عَلَى الْاَرْضِ هَوْنًا وَّاِذَا خَاطَبَهُمُ الْجٰهِلُوْنَ قَالُوْا سَلٰمًا٦٣
Wa ‘ibādur-raḥmānil-lażīna yamsyūna ‘alal-arḍi haunaw wa iżā khāṭabahumul-jāhilūna qālū salāmā(n).
[63] Ang mga lingkod ng Napakamaawain ay ang mga naglalakad sa lupa sa kababaang-loob at kapag kumausap sa kanila ang mga mangmang ay nagsasabi sila ng kapayapaan.367
[367] Ibig sabihin: nagsasabi sila ng nakabubuti at hindi nag-aassal-hanggal

وَالَّذِيْنَ يَبِيْتُوْنَ لِرَبِّهِمْ سُجَّدًا وَّقِيَامًا٦٤
Wal-lażīna yabītūna lirabbihim sujjadaw wa qiyāmā(n).
[64] [Sila] ang mga nagpapagabi para sa Panginoon nila habang mga nakapatirapa at mga nakatayo.

وَالَّذِيْنَ يَقُوْلُوْنَ رَبَّنَا اصْرِفْ عَنَّا عَذَابَ جَهَنَّمَۖ اِنَّ عَذَابَهَا كَانَ غَرَامًا ۖ٦٥
Wal-lażīna yaqūlūna rabbanaṣrif ‘annā ‘ażāba jahannam(a), inna ‘ażābahā kāna garāmā(n).
[65] [Sila] ang mga nagsasabi: “Panginoon namin, maglihis Ka palayo sa amin ng pagdurusa sa Impiyerno; tunay na ang pagdurusa roon ay laging makapit.

اِنَّهَا سَاۤءَتْ مُسْتَقَرًّا وَّمُقَامًا٦٦
Innahā sā'at mustaqarraw wa muqāmā(n).
[66] Tunay na iyon ay kay sagwa bilang pagtitigilan at bilang panananatilihan!”

وَالَّذِيْنَ اِذَآ اَنْفَقُوْا لَمْ يُسْرِفُوْا وَلَمْ يَقْتُرُوْا وَكَانَ بَيْنَ ذٰلِكَ قَوَامًا٦٧
Wal-lażīna iżā anfaqū lam yusrifū wa lam yaqturū wa kāna baina żālika qawāmā(n).
[67] [Sila] ang mga kapag gumugol ay hindi nagpapakalabis at hindi sila nagkukuripot, at laging nasa pagitan niyon ay katamtaman.

وَالَّذِيْنَ لَا يَدْعُوْنَ مَعَ اللّٰهِ اِلٰهًا اٰخَرَ وَلَا يَقْتُلُوْنَ النَّفْسَ الَّتِيْ حَرَّمَ اللّٰهُ اِلَّا بِالْحَقِّ وَلَا يَزْنُوْنَۚ وَمَنْ يَّفْعَلْ ذٰلِكَ يَلْقَ اَثَامًا ۙ٦٨
Wal-lażīna lā yad‘ūna ma‘allāhi ilāhan ākhara wa lā yaqtulūnan nafsal-latī ḥarramallāhu illā bil-ḥaqqi wa lā yaznūn(a), wa may yaf‘al żālika yalqa aṡāmā(n).
[68] [Sila] ang mga hindi nananalangin kasama kay Allāh sa isang diyos na iba pa, hindi pumapatay ng taong ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa karapatan, at hindi nangangalunya. Ang sinumang gumawa niyon ay makatatagpo siya ng kaparusahan sa kasalanan:

يُّضٰعَفْ لَهُ الْعَذَابُ يَوْمَ الْقِيٰمَةِ وَيَخْلُدْ فِيْهٖ مُهَانًا ۙ٦٩
Yuḍā‘af lahul-‘ażābu yaumal-qiyāmati wa yakhlud fīhī muhānā(n).
[69] pag-iibayuhin para sa kanya ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon at mamalagi siya roon na hinahamak,

اِلَّا مَنْ تَابَ وَاٰمَنَ وَعَمِلَ عَمَلًا صَالِحًا فَاُولٰۤىِٕكَ يُبَدِّلُ اللّٰهُ سَيِّاٰتِهِمْ حَسَنٰتٍۗ وَكَانَ اللّٰهُ غَفُوْرًا رَّحِيْمًا٧٠
Illā man tāba wa āmana wa ‘amila ‘amalan ṣāliḥan fa ulā'ika yubaddilullāhu sayyi'ātihim ḥasanāt(in), wa kānallāhu gafūrar raḥīmā(n).
[70] maliban sa sinumang nagbalik-loob, sumampalataya, at gumawa ng gawang maayos sapagkat ang mga iyon ay papalitan ni Allāh ng mga gawang maganda ang mga gawang masagwa nila. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.

وَمَنْ تَابَ وَعَمِلَ صَالِحًا فَاِنَّهٗ يَتُوْبُ اِلَى اللّٰهِ مَتَابًا٧١
Wa man tāba wa ‘amila ṣāliḥan fa innahū yatūbu ilallāhi matābā(n).
[71] Ang sinumang nagbalik-loob at gumawa ng maayos, tunay na siya ay nagbabalik-loob kay Allāh nang [tanggap na] pagbabalik-loob.

وَالَّذِيْنَ لَا يَشْهَدُوْنَ الزُّوْرَۙ وَاِذَا مَرُّوْا بِاللَّغْوِ مَرُّوْا كِرَامًا٧٢
Wal-lażīna yasyhadūnaz-zūr(a), wa iżā marrū bil-lagwi marrū kirāmā(n).
[72] [Sila] ang mga hindi sumasaksi sa kabulaanan at kapag naparaan sila sa satsatan ay dumaraan sila bilang mga marangal.

وَالَّذِيْنَ اِذَا ذُكِّرُوْا بِاٰيٰتِ رَبِّهِمْ لَمْ يَخِرُّوْا عَلَيْهَا صُمًّا وَّعُمْيَانًا٧٣
Wal-lażīna iżā żukkirū bi'āyāti rabbihim lam yakhirrū ‘alaihā ṣummaw wa ‘umyānā(n).
[73] [Sila] ang mga kapag pinaalalahanan ng mga tanda ng Panginoon nila ay hindi sumubsob dahil sa mga ito bilang mga bingi at mga bulag.

وَالَّذِيْنَ يَقُوْلُوْنَ رَبَّنَا هَبْ لَنَا مِنْ اَزْوَاجِنَا وَذُرِّيّٰتِنَا قُرَّةَ اَعْيُنٍ وَّاجْعَلْنَا لِلْمُتَّقِيْنَ اِمَامًا٧٤
Wal-lażīna yaqūlūna rabbanā hab lanā min azwājinā wa żurriyyātinā qurrata a‘yuniw waj‘alnā lil-muttaqīna imāmā(n).
[74] [Sila] ang mga nagsasabi: “Panginoon namin, magkaloob Ka sa amin mula sa mga asawa namin at mga supling namin ng ginhawa ng mga mata, at gumawa Ka sa amin para sa mga tagapangilag magkasala bilang tagapanguna.”

اُولٰۤىِٕكَ يُجْزَوْنَ الْغُرْفَةَ بِمَا صَبَرُوْا وَيُلَقَّوْنَ فِيْهَا تَحِيَّةً وَّسَلٰمًا ۙ٧٥
Ulā'ika yujzaunal-gurfata bimā ṣabarū wa yulaqqauna fīhā taḥiyyataw wa salāmā(n).
[75] Ang mga iyon ay gagantihan ng Silid368 dahil nagtiis sila at sasalubungin doon ng pagbati at kapayapaan
[368] sa pinakamataas sa mga antas ng Paraiso

خٰلِدِيْنَ فِيْهَاۗ حَسُنَتْ مُسْتَقَرًّا وَّمُقَامًا٧٦
Khālidīna fīhā, ḥasunat mustaqarraw wa muqāmā(n).
[76] bilang mga mananatili roon. Kay ganda iyon bilang pagtitigilan at bilang panananatilihan!

قُلْ مَا يَعْبَؤُا بِكُمْ رَبِّيْ لَوْلَا دُعَاۤؤُكُمْۚ فَقَدْ كَذَّبْتُمْ فَسَوْفَ يَكُوْنُ لِزَامًا ࣖ٧٧
Qul mā ya‘ba'u bikum rabbī lau lā du‘ā'ukum, faqad każżabtum fa saufa yakūnu lizāmā(n).
[77] Sabihin mo: “Hindi sana nagmamalasakit sa inyo ang Panginoon ko kung hindi dahil sa panalangin ninyo, ngunit nagpasinungaling nga kayo369 kaya ito ay magiging kumakapit.”
[369] sa Sugo sa inihatid niya sa inyo mula sa Panginoon ninyo