Surah An-Nur
بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
سُوْرَةٌ اَنْزَلْنٰهَا وَفَرَضْنٰهَا وَاَنْزَلْنَا فِيْهَآ اٰيٰتٍۢ بَيِّنٰتٍ لَّعَلَّكُمْ تَذَكَّرُوْنَ١
Sūratun anzalnāhā wa faraḍnāhā wa anzalnā fīhā āyātim bayyinātil la‘allakum tażakkarūn(a).
[1]
[Ito ay] isang kabanata [ng Qur’ān] na pinababa Namin at isinatungkulin Namin. Nagpababa Kami sa loob nito ng mga talatang naglilinaw, nang sa gayon kayo magsasaalaala.
اَلزَّانِيَةُ وَالزَّانِيْ فَاجْلِدُوْا كُلَّ وَاحِدٍ مِّنْهُمَا مِائَةَ جَلْدَةٍ ۖوَّلَا تَأْخُذْكُمْ بِهِمَا رَأْفَةٌ فِيْ دِيْنِ اللّٰهِ اِنْ كُنْتُمْ تُؤْمِنُوْنَ بِاللّٰهِ وَالْيَوْمِ الْاٰخِرِۚ وَلْيَشْهَدْ عَذَابَهُمَا طَاۤىِٕفَةٌ مِّنَ الْمُؤْمِنِيْنَ٢
Az-zāniyatu waz-zānī fajlidū kulla wāḥidim minhumā mi'ata jaldah(tan), wa lā ta'khużkum bihimā ra'fatun fī dīnillāhi in kuntum tu'minūna billāhi wal-yaumil-ākhir(i), walyasyhad ‘ażābahumā ṭā'ifatum minal-mu'minīn(a).
[2]
Ang [di-nakapag-asawang] babaing nangangalunya at ang [di-nakapag-asawang] lalaking nangangalunya ay humagupit kayo sa bawat isa sa kanilang dalawa ng isang daang hagupit. Huwag kayong tangayin ng pagkahabag sa kanilang dalawa sa Relihiyon ni Allāh kung kayo ay sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw. Sumaksi sa pagdurusa nilang dalawa ang isang pangkatin kabilang sa mga mananampalataya.
اَلزَّانِيْ لَا يَنْكِحُ اِلَّا زَانِيَةً اَوْ مُشْرِكَةً ۖوَّالزَّانِيَةُ لَا يَنْكِحُهَآ اِلَّا زَانٍ اَوْ مُشْرِكٌ ۚوَحُرِّمَ ذٰلِكَ عَلَى الْمُؤْمِنِيْنَ٣
Az-zānī lā yankiḥu illā zāniyatan au musyrikah(tan), waz-zāniyatu lā yankiḥuhā illā zānin au musyrik(un), wa ḥurrima żālika ‘alal-mu'minīn(a).
[3]
Ang lalaking nangangalunya ay hindi mag-aasawa kundi ng isang babaing nangangalunya o isang babaing tagapagtambal. Ang babaing nangangalunya ay hindi mag-aasawa kundi ng isang lalaking nangangalunya o isang lalaking tagapagtambal. Ipinagbawal iyon sa mga mananampalataya.348
[348] Ibig sabihin: ang pagpapakasal sa gayong tao ay bawal maliban na magbalik-loob siya.
وَالَّذِيْنَ يَرْمُوْنَ الْمُحْصَنٰتِ ثُمَّ لَمْ يَأْتُوْا بِاَرْبَعَةِ شُهَدَاۤءَ فَاجْلِدُوْهُمْ ثَمٰنِيْنَ جَلْدَةً وَّلَا تَقْبَلُوْا لَهُمْ شَهَادَةً اَبَدًاۚ وَاُولٰۤىِٕكَ هُمُ الْفٰسِقُوْنَ ۙ٤
Wal-lażīna yarmūnal-muḥṣanāti ṡumma lam ya'tū bi'arba‘ati syuhadā'a fajlidūhum ṡamānīna jaldataw wa lā taqbalū lahum syahādatan abadā(n), wa ulā'ika humul-fāsiqūn(a).
[4]
Ang mga nagpaparatang [ng pangangalunya] sa mga malinis na babae, pagkatapos hindi nakapaglahad ng apat na saksi, ay hagupitin ninyo ng walumpung hagupit at huwag kayong tumanggap sa kanila ng isang pagsasaksi magpakailanman – ang mga iyon ay ang mga suwail –
اِلَّا الَّذِيْنَ تَابُوْا مِنْۢ بَعْدِ ذٰلِكَ وَاَصْلَحُوْاۚ فَاِنَّ اللّٰهَ غَفُوْرٌ رَّحِيْمٌ٥
Illal-lażīna tābū mim ba‘di żālika wa aṣlaḥū, fa innallāha gafūrur raḥīm(un).
[5]
maliban sa mga nagbalik-loob matapos na niyon at nagsaayos sapagkat tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
وَالَّذِيْنَ يَرْمُوْنَ اَزْوَاجَهُمْ وَلَمْ يَكُنْ لَّهُمْ شُهَدَاۤءُ اِلَّآ اَنْفُسُهُمْ فَشَهَادَةُ اَحَدِهِمْ اَرْبَعُ شَهٰدٰتٍۢ بِاللّٰهِ ۙاِنَّهٗ لَمِنَ الصّٰدِقِيْنَ٦
Wal-lażīna yarmūna azwājahum wa lam yakul lahum syuhadā'u illā anfusuhum fa syahādatu aḥadihim arba‘u syahādātim billāh(i), innahū laminaṣ-ṣādiqīn(a).
[6]
Ang mga nagpaparatang [ng pangangalunya] sa mga maybahay nila samantalang hindi sila nagkaroon ng mga saksi maliban sa mga sarili nila, ang pagsaksi ng isa sa kanila ay apat na pagsaksi kay Allāh na tunay na siya ay talagang kabilang sa mga tapat.
وَالْخَامِسَةُ اَنَّ لَعْنَتَ اللّٰهِ عَلَيْهِ اِنْ كَانَ مِنَ الْكٰذِبِيْنَ٧
Wal-khāmisatu anna la‘natallāhi ‘alaihi in kāna minal-kāżibīn(a).
[7]
Ang [pagsaksing ikalima ay na ang sumpa ni Allāh ay sumakanya kung siya ay naging kabilang sa mga sinungaling.
وَيَدْرَؤُا عَنْهَا الْعَذَابَ اَنْ تَشْهَدَ اَرْبَعَ شَهٰدٰتٍۢ بِاللّٰهِ اِنَّهٗ لَمِنَ الْكٰذِبِيْنَ ۙ٨
Wa yadra'u ‘anhal-‘ażāba an tasyhada arba‘a syahādātim billāhi innahū laminal-kāżibīn(a).
[8]
Magtutulak ng pagdurusa palayo [sa maybahay na] ito na sumaksi ito nang apat na pagsaksi kay Allāh na tunay na [ang asawang] iyon ay talagang kabilang sa mga sinungaling.
وَالْخَامِسَةَ اَنَّ غَضَبَ اللّٰهِ عَلَيْهَآ اِنْ كَانَ مِنَ الصّٰدِقِيْنَ٩
Wal-khāmisata anna gaḍaballāhi ‘alaihā in kāna minaṣ-ṣādiqīn(a).
[9]
Ang ikalimang [pagsaksi] ay na ang galit ni Allāh ay sumakanya nawa kung siya ay kabilang sa mga sinungaling.
وَلَوْلَا فَضْلُ اللّٰهِ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَتُهٗ وَاَنَّ اللّٰهَ تَوَّابٌ حَكِيْمٌ ࣖ١٠
Wa lau lā faḍlullāhi ‘alaikum wa raḥmatuhū wa annallāha tawwābun ḥakīm(un).
[10]
Kung hindi dahil sa kabutihang-loob ni Allāh sa inyo at awa Niya, at na si Allāh ay Palatanggap ng pagbabalik-loob, Marunong, [nagmadali sana Siya sa pagparusa sa inyo.]
اِنَّ الَّذِيْنَ جَاۤءُوْ بِالْاِفْكِ عُصْبَةٌ مِّنْكُمْۗ لَا تَحْسَبُوْهُ شَرًّا لَّكُمْۗ بَلْ هُوَ خَيْرٌ لَّكُمْۗ لِكُلِّ امْرِئٍ مِّنْهُمْ مَّا اكْتَسَبَ مِنَ الْاِثْمِۚ وَالَّذِيْ تَوَلّٰى كِبْرَهٗ مِنْهُمْ لَهٗ عَذَابٌ عَظِيْمٌ١١
Innal-lażīna jā'ū bil-ifki ‘uṣbatum minkum, lā taḥsabūhu syarral lakum, bal huwa khairul lakum, likullimri'im minhum maktasaba minal-iṡm(i), wal-lażī tawallā kibrahū minhum lahū ‘ażābun ‘aẓīm(un).
[11]
Tunay na ang mga naghatid ng kabulaanan349 ay isang pulutong kabilang sa inyo. Huwag kayong mag-akalang ito ay masama para sa inyo, bagkus ito ay mabuti para sa inyo.350 Ukol sa bawat tao kabilang sa kanila ang kinamit niya mula sa kasalanan. Ang bumalikat sa kalakihan niyon kabilang sa kanila, ukol sa kanya ay isang pagdurusang mabigat.
[349] laban sa maybahay ng Propeta na si `Ā’ishah
[350] Sapagkat mahahayag ang kawalang-sala ni `Ā’ishah
لَوْلَآ اِذْ سَمِعْتُمُوْهُ ظَنَّ الْمُؤْمِنُوْنَ وَالْمُؤْمِنٰتُ بِاَنْفُسِهِمْ خَيْرًاۙ وَّقَالُوْا هٰذَآ اِفْكٌ مُّبِيْنٌ١٢
Lau lā iż sami‘tumūhu ẓannal-mu'minūna wal-mu'minātu bi'anfusihim khairā(n), wa qālū hāżā ifkum mubīn(un).
[12]
Bakit nga ba hindi, noong nakarinig kayo nito, nag-isip ang mga lalaking mananampalataya at ang mga babaing mananampalataya ng maganda sa mga sarili nila at nagsabing ito ay isang kabulaanang malinaw?
لَوْلَا جَاۤءُوْ عَلَيْهِ بِاَرْبَعَةِ شُهَدَاۤءَۚ فَاِذْ لَمْ يَأْتُوْا بِالشُّهَدَاۤءِ فَاُولٰۤىِٕكَ عِنْدَ اللّٰهِ هُمُ الْكٰذِبُوْنَ١٣
Lau lā jā'ū ‘alaihi bi'arba‘ati syuhadā'(a), fa iż lam ya'tū bisy-syuhadā'i fa ulā'ika ‘indallāhi humul-kāżibūn(a).
[13]
Bakit nga ba hindi sila naghatid para rito ng apat na saksi? Kaya kung hindi sila naglahad ng mga saksi, ang mga iyon, sa ganang kay Allāh, ay ang mga sinungaling.
وَلَوْلَا فَضْلُ اللّٰهِ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَتُهٗ فِى الدُّنْيَا وَالْاٰخِرَةِ لَمَسَّكُمْ فِيْ مَآ اَفَضْتُمْ فِيْهِ عَذَابٌ عَظِيْمٌ١٤
Wa lau lā faḍlullāhi ‘alaikum wa raḥmatuhū fid-dun-yā wal-ākhirati lamassakum fīmā afaḍtum fīhi ‘ażābun ‘aẓīm(un).
[14]
Kung hindi dahil sa kabutihang-loob ni Allāh sa inyo at awa Niya sa Mundo at Kabilang-buhay ay talaga sanang may sumaling sa inyo, dahil sa pinagtatalakay ninyo, na isang pagdurusang mabigat
اِذْ تَلَقَّوْنَهٗ بِاَلْسِنَتِكُمْ وَتَقُوْلُوْنَ بِاَفْوَاهِكُمْ مَّا لَيْسَ لَكُمْ بِهٖ عِلْمٌ وَّتَحْسَبُوْنَهٗ هَيِّنًاۙ وَّهُوَ عِنْدَ اللّٰهِ عَظِيْمٌ ۚ١٥
Iż talaqqaunahū bi'alsinatikum wa taqūlūna bi'afwāhikum mā laisa lakum bihī ‘ilmuw wa taḥsabūnahū hayyinā(n), wa huwa ‘indallāhi ‘aẓīm(un).
[15]
noong tumatanggap kayo niyon sa pamamagitan ng dila ninyo, nagsasabi kayo sa pamamagitan ng mga bibig ninyo ng wala kayong kaalaman hinggil doon, at nag-aakala kayong iyon ay magaan samantalang iyon sa ganang kay Allāh ay mabigat.
وَلَوْلَآ اِذْ سَمِعْتُمُوْهُ قُلْتُمْ مَّا يَكُوْنُ لَنَآ اَنْ نَّتَكَلَّمَ بِهٰذَاۖ سُبْحٰنَكَ هٰذَا بُهْتَانٌ عَظِيْمٌ١٦
Wa lau lā iż sami‘tumūhu qultum mā yakūnu lanā an natakallama bihāżā, subḥānaka hāżā buhtānun ‘aẓīm(un).
[16]
Bakit nga ba hindi, noong narinig ninyo ito, kayo nagsabi: “Hindi nagiging ukol sa amin na magsalita kami nito. Kaluwalhatian sa Iyo! Ito ay isang paninirang-puring mabigat.”
يَعِظُكُمُ اللّٰهُ اَنْ تَعُوْدُوْا لِمِثْلِهٖٓ اَبَدًا اِنْ كُنْتُمْ مُّؤْمِنِيْنَ ۚ١٧
Ya‘iẓukumullāhu an ta‘ūdū limiṡlihī abadan in kuntum mu'minīn(a).
[17]
Nangangaral sa inyo si Allāh na [huwag] kayong manumbalik sa tulad nito magpakailanman, kung kayo ay mga mananampalataya.
وَيُبَيِّنُ اللّٰهُ لَكُمُ الْاٰيٰتِۗ وَاللّٰهُ عَلِيْمٌ حَكِيْمٌ١٨
Wa yubayyinullāhu lakumul-āyāt(i), wallāhu ‘alīmun ḥakīm(un).
[18]
Naglilinaw si Allāh sa inyo ng mga talata Niya. Si Allāh ay Maalam, Marunong.
اِنَّ الَّذِيْنَ يُحِبُّوْنَ اَنْ تَشِيْعَ الْفَاحِشَةُ فِى الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا لَهُمْ عَذَابٌ اَلِيْمٌۙ فِى الدُّنْيَا وَالْاٰخِرَةِۗ وَاللّٰهُ يَعْلَمُ وَاَنْتُمْ لَا تَعْلَمُوْنَ١٩
Innal-lażīna yuḥibbūna an tasyī‘al-fāḥisyatu fil-lażīna āmanū lahum ‘ażābun alīm(un), fid-dun-yā wal-ākhirah(ti), wallāhu ya‘lamu wa antum lā ta‘lamūn(a).
[19]
Tunay na ang mga umiibig na kumalat ang mahalay sa mga sumasampalataya, ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit sa Mundo at Kabilang-buhay. Si Allāh ay nakaaalam samantalang kayo ay hindi nakaaalam.
وَلَوْلَا فَضْلُ اللّٰهِ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَتُهٗ وَاَنَّ اللّٰهَ رَءُوْفٌ رَّحِيْمٌ ࣖ٢٠
Wa lau lā faḍlullāhi ‘alaikum wa raḥmatuhū wa annallāha ra'ūfur raḥīm(un).
[20]
Kung hindi dahil sa kabutihang-loob ni Allāh sa inyo at awa Niya, at dahil si Allāh ay Mahabagin, Maawain, [nagmadali sana Siya sa pagparusa sa inyo.]
۞ يٰٓاَيُّهَا الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا لَا تَتَّبِعُوْا خُطُوٰتِ الشَّيْطٰنِۗ وَمَنْ يَّتَّبِعْ خُطُوٰتِ الشَّيْطٰنِ فَاِنَّهٗ يَأْمُرُ بِالْفَحْشَاۤءِ وَالْمُنْكَرِۗ وَلَوْلَا فَضْلُ اللّٰهِ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَتُهٗ مَا زَكٰى مِنْكُمْ مِّنْ اَحَدٍ اَبَدًاۙ وَّلٰكِنَّ اللّٰهَ يُزَكِّيْ مَنْ يَّشَاۤءُۗ وَاللّٰهُ سَمِيْعٌ عَلِيْمٌ٢١
Yā ayyuhal-lażīna āmanū lā tattabi‘ū khuṭuwātisy-syaiṭān(i), wa may yattabi‘ khuṭuwātisy-syaiṭāni fa innahū ya'muru bil-faḥsyā'i wal-munkar(i), wa lau lā faḍlullāhi ‘alaikum wa raḥmatuhū mā zakā minkum min aḥadin abadā(n), wa lākinnallāha yuzakkī may yasyā'(u), wallāhu samī‘un ‘alīm(un).
[21]
O mga sumampalataya, huwag kayong sumunod sa mga bakas ng demonyo. Ang sinumang sumusunod sa mga bakas ng demonyo, tunay na siya ay nag-uutos ng kahalayan at nakasasama. Kung hindi dahil sa kagandahang-loob ni Allāh sa inyo at awa Niya, walang bumusilak [mula sa pagkakasala] kabilang sa inyo na isa man magpakailanman; subalit si Allāh ay nagbubusilak ng sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay Madinigin, Maalam.
وَلَا يَأْتَلِ اُولُو الْفَضْلِ مِنْكُمْ وَالسَّعَةِ اَنْ يُّؤْتُوْٓا اُولِى الْقُرْبٰى وَالْمَسٰكِيْنَ وَالْمُهٰجِرِيْنَ فِيْ سَبِيْلِ اللّٰهِ ۖوَلْيَعْفُوْا وَلْيَصْفَحُوْاۗ اَلَا تُحِبُّوْنَ اَنْ يَّغْفِرَ اللّٰهُ لَكُمْ ۗوَاللّٰهُ غَفُوْرٌ رَّحِيْمٌ٢٢
Wa lā ya'tali ulul-faḍli minkum was-sa‘ati ay yu'tū ulil-qurbā wal-masākīna wal-muhājirīna fī sabīlillāh(i), wal ya‘fū wal yaṣfaḥū, alā tuḥibbūna ay yagfirallāhu lakum, wallāhu gafūrur raḥīm(un).
[22]
Huwag manumpa ang mga may kalamangan kabilang sa inyo at kaluwagan na [hindi] magbigay sa mga mayroong pagkakamag-anak, mga dukha, at mga tagalikas sa landas ni Allāh. Magpaumanhin sila at magpalampas sila. Hindi ba kayo umiibig na magpatawad si Allāh sa inyo? Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
اِنَّ الَّذِيْنَ يَرْمُوْنَ الْمُحْصَنٰتِ الْغٰفِلٰتِ الْمُؤْمِنٰتِ لُعِنُوْا فِى الدُّنْيَا وَالْاٰخِرَةِۖ وَلَهُمْ عَذَابٌ عَظِيْمٌ ۙ٢٣
Innal-lażīna yarmūnal-muḥṣanātil-gāfilātil-mu'mināti lu‘inū fid-dun-yā wal-ākhirah(ti), wa lahum ‘ażābun ‘aẓīm(un).
[23]
Tunay na ang nagpaparatang sa mga nakapag-asawang nalilingat na babaing mananampalataya ay isinumpa sa Mundo at Kabilang-buhay. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang mabigat,
يَّوْمَ تَشْهَدُ عَلَيْهِمْ اَلْسِنَتُهُمْ وَاَيْدِيْهِمْ وَاَرْجُلُهُمْ بِمَا كَانُوْا يَعْمَلُوْنَ٢٤
Yauma tasyhadu ‘alaihim alsinatuhum wa aidīhim wa arjuluhum bimā kānū ya‘malūn(a).
[24]
sa Araw na sasaksi laban sa kanila ang mga dila nila, ang mga kamay nila, at ang mga paa nila sa dati nilang ginagawa.
يَوْمَىِٕذٍ يُّوَفِّيْهِمُ اللّٰهُ دِيْنَهُمُ الْحَقَّ وَيَعْلَمُوْنَ اَنَّ اللّٰهَ هُوَ الْحَقُّ الْمُبِيْنُ٢٥
Yauma'iżiy yuwaffīhimullāhu dīnahumul-ḥaqqa wa ya‘lamūna annallāha huwal-ḥaqqul-mubīn(u).
[25]
Sa Araw na iyon, maglulubus-lubos sa kanila si Allāh ng totoong pagtutumbas sa kanila at makaaalam sila na si Allāh ay ang Totoo, ang Tagalinaw.
اَلْخَبِيْثٰتُ لِلْخَبِيْثِيْنَ وَالْخَبِيْثُوْنَ لِلْخَبِيْثٰتِۚ وَالطَّيِّبٰتُ لِلطَّيِّبِيْنَ وَالطَّيِّبُوْنَ لِلطَّيِّبٰتِۚ اُولٰۤىِٕكَ مُبَرَّءُوْنَ مِمَّا يَقُوْلُوْنَۗ لَهُمْ مَّغْفِرَةٌ وَّرِزْقٌ كَرِيْمٌ ࣖ٢٦
Al-khabīṡātu lil-khabīṡīna wal-khabīṡūna lil-khabīṡāt(i), waṭ-ṭayyibātu liṭ-ṭayyibīna waṭ-ṭayyibūna liṭ-ṭayyibāt(i), ulā'ika mubarra'ūna mimmā yaqūlūn(a), lahum magfiratuw wa rizqun karīm(un).
[26]
Ang mga karima-rimarim ay ukol sa mga [taong] karima-rimarim at ang mga [taong] karima-rimarim ay ukol sa mga karima-rimarim. Ang mga kaaya-aya ay ukol sa mga [taong] kaaya-aya at ang mga [taong] kaaya-aya ay ukol sa mga kaaya-aya. Ang mga [taong kaaya-ayang] iyon ay mga pinawalang-sala mula sa sinasabi ng mga [naninirang-puring] ito. Ukol sa kanila ay isang kapatawaran at isang panustos na masagana.
يٰٓاَيُّهَا الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا لَا تَدْخُلُوْا بُيُوْتًا غَيْرَ بُيُوْتِكُمْ حَتّٰى تَسْتَأْنِسُوْا وَتُسَلِّمُوْا عَلٰٓى اَهْلِهَاۗ ذٰلِكُمْ خَيْرٌ لَّكُمْ لَعَلَّكُمْ تَذَكَّرُوْنَ٢٧
Yā ayyuhal-lażīna āmanū lā tadkhulū buyūtan gaira buyūtikum ḥattā tasta'nisū wa tusallimū ‘alā ahlihā, żālikum khairul lakum la‘allakum tażakkarūn(a).
[27]
O mga sumampalataya, huwag kayong pumasok sa mga bahay na hindi mga bahay ninyo hanggang sa nagparamdam kayo at bumati kayo sa mga naninirahan sa mga ito. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo, nang sa gayon kayo ay magsasaalaala.
فَاِنْ لَّمْ تَجِدُوْا فِيْهَآ اَحَدًا فَلَا تَدْخُلُوْهَا حَتّٰى يُؤْذَنَ لَكُمْ وَاِنْ قِيْلَ لَكُمُ ارْجِعُوْا فَارْجِعُوْا هُوَ اَزْكٰى لَكُمْ ۗوَاللّٰهُ بِمَا تَعْمَلُوْنَ عَلِيْمٌ٢٨
Fa illam tajidū fīhā aḥadan falā tadkhulūhā ḥattā yu'żana lakum wa in qīla lakumurji‘ū farji‘ū huwa azkā lakum, wallāhu bimā ta‘malūna ‘alīm(un).
[28]
Kaya kung hindi kayo nakatagpo sa mga iyon ng isa man ay huwag kayong pumasok sa mga iyon hanggang sa ipinahintulot sa inyo. Kung sinabi sa inyo: “Bumalik kayo,” bumalik kayo. Ito ay higit na busilak para sa inyo. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Maalam.
لَيْسَ عَلَيْكُمْ جُنَاحٌ اَنْ تَدْخُلُوْا بُيُوْتًا غَيْرَ مَسْكُوْنَةٍ فِيْهَا مَتَاعٌ لَّكُمْۗ وَاللّٰهُ يَعْلَمُ مَا تُبْدُوْنَ وَمَا تَكْتُمُوْنَ٢٩
Laisa ‘alaikum junāḥun an tadkhulū buyūtan gaira maskūnatin fīhā matā‘ul lakum, wallāhu ya‘lamu mā tubdūna wa mā taktumūn(a).
[29]
Wala sa inyong paninisi na pumasok kayo [nang walang pagpapaalam] sa mga bahay na hindi tinitirahan, na sa mga ito ay may isang natatamasa para sa inyo. Si Allāh ay nakaaalam sa anumang inilalantad ninyo at anumang inililihim ninyo.
قُلْ لِّلْمُؤْمِنِيْنَ يَغُضُّوْا مِنْ اَبْصَارِهِمْ وَيَحْفَظُوْا فُرُوْجَهُمْۗ ذٰلِكَ اَزْكٰى لَهُمْۗ اِنَّ اللّٰهَ خَبِيْرٌۢ بِمَا يَصْنَعُوْنَ٣٠
Qul lil-mu'minīna yaguḍḍū min abṡārihim wa yaḥfaẓū furūjahum, żālika azkā lahum, innallāha khabīrum bimā yaṣna‘ūn(a).
[30]
Sabihin mo sa mga lalaking mananampalataya na magbaba sila ng mga paningin nila351 at mag-ingat sila ng mga ari nila.352 Iyon ay higit na busilak para sa kanila. Tunay na si Allāh ay Mapagbatid sa anumang niyayari nila.
[351] Ibig sabihin: magpigil tumingin sa hindi ipinahihintulot sa kanila gaya ng mga di-kaanu-anong babae at mga kahubaran.
[352] laban sa pagkakasadlak nito sa ipinagbabawal gaya ng pangangalunya.
وَقُلْ لِّلْمُؤْمِنٰتِ يَغْضُضْنَ مِنْ اَبْصَارِهِنَّ وَيَحْفَظْنَ فُرُوْجَهُنَّ وَلَا يُبْدِيْنَ زِيْنَتَهُنَّ اِلَّا مَا ظَهَرَ مِنْهَا وَلْيَضْرِبْنَ بِخُمُرِهِنَّ عَلٰى جُيُوْبِهِنَّۖ وَلَا يُبْدِيْنَ زِيْنَتَهُنَّ اِلَّا لِبُعُوْلَتِهِنَّ اَوْ اٰبَاۤىِٕهِنَّ اَوْ اٰبَاۤءِ بُعُوْلَتِهِنَّ اَوْ اَبْنَاۤىِٕهِنَّ اَوْ اَبْنَاۤءِ بُعُوْلَتِهِنَّ اَوْ اِخْوَانِهِنَّ اَوْ بَنِيْٓ اِخْوَانِهِنَّ اَوْ بَنِيْٓ اَخَوٰتِهِنَّ اَوْ نِسَاۤىِٕهِنَّ اَوْ مَا مَلَكَتْ اَيْمَانُهُنَّ اَوِ التّٰبِعِيْنَ غَيْرِ اُولِى الْاِرْبَةِ مِنَ الرِّجَالِ اَوِ الطِّفْلِ الَّذِيْنَ لَمْ يَظْهَرُوْا عَلٰى عَوْرٰتِ النِّسَاۤءِ ۖوَلَا يَضْرِبْنَ بِاَرْجُلِهِنَّ لِيُعْلَمَ مَا يُخْفِيْنَ مِنْ زِيْنَتِهِنَّۗ وَتُوْبُوْٓا اِلَى اللّٰهِ جَمِيْعًا اَيُّهَ الْمُؤْمِنُوْنَ لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُوْنَ٣١
Wa qul lil-mu'mināti yagḍuḍna min abṡārihinna wa yaḥfaẓna furūjahunna wa lā yubdīna zīnatahunna illā mā ẓahara minhā walyaḍribna bikhumurihinna ‘alā juyūbihinn(a), wa lā yubdīna zīnatahunna illā libu‘ūlatihinna au ābā'ihinna au abnā'ihinna au abnā'i bu‘ūlatihinna au ikhwānihinna au banī ikhwānihinna au nisā'ihinna au mā malakat aimānuhunna awit-tābi‘īna gairi ulil-irbati minar-rijāli awiṭ-ṭiflil-lażīna lam yaẓharū ‘alā ‘aurātin-nisā'(i), wa lā yaḍribna bi'arjulihinna liyu‘lama mā yukhfīna min zīnatihinn(a), wa tūbū ilallāhi jamī‘an ayyuhal-mu'minūna la‘allakum tufliḥūn(a).
[31]
Sabihin mo sa mga babaing mananampalataya na magbaba sila ng mga paningin nila,353 mangalaga sila sa mga ari nila,354 huwag silang maglantad ng gayak355 nila maliban sa nakalitaw na mula rito,356 magpaabot sila ng mga belo nila sa mga dibdib nila, huwag silang maglantad ng gayak nila maliban sa mga asawa nila, o mga ama nila, o mga ama ng mga asawa nila, o mga lalaking anak nila, o mga lalaking anak ng mga asawa nila, o mga lalaking kapatid nila, o mga lalaking anak ng mga lalaking kapatid nila, o mga lalaking anak ng mga babaing kapatid nila, o mga kapwa babae nila, o mga [aliping] minay-ari ng mga kanang kamay nila, o mga tagapaglingkod na hindi mga may pagnanasa kabilang sa mga lalaki, o mga batang lalaking hindi nakabatid sa mga kahubaran ng mga babae. Huwag silang magpadyak ng mga paa nila upang malaman ang ikinukubli nila mula sa gayak nila. Magbalik-loob kayo kay Allāh nang lahatan, O mga mananampalataya, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay.
[353] magpigil sa pagtingin sa hindi ipinahihintulot sa kanila gaya ng mga kahubaran
[354] laban sa kahalayan at sa pamamagitan ng hindi paglalantad
[355] sa mga di-kaanu-anong lalaki
[356] na hindi maaaring ikubli gaya ng mga damit
وَاَنْكِحُوا الْاَيَامٰى مِنْكُمْ وَالصّٰلِحِيْنَ مِنْ عِبَادِكُمْ وَاِمَاۤىِٕكُمْۗ اِنْ يَّكُوْنُوْا فُقَرَاۤءَ يُغْنِهِمُ اللّٰهُ مِنْ فَضْلِهٖۗ وَاللّٰهُ وَاسِعٌ عَلِيْمٌ٣٢
Wa ankiḥul-ayāmā minkum waṣ-ṣāliḥīna min ‘ibādikum wa imā'ikum, iy yakūnū fuqarā'a yugnihimullāhu min faḍlih(ī), wallāhu wāsi‘un ‘alīm(un).
[32]
Ipakasal ninyo ang mga walang-asawa kabilang sa inyo at ang mga maayos kabilang sa mga lalaking alipin ninyo at mga babaing alipin ninyo. Kung sila ay mga maralita, magpapasapat sa kanila si Allāh mula sa kabutihang-loob Niya. Si Allāh ay Malawak, Maalam.
وَلْيَسْتَعْفِفِ الَّذِيْنَ لَا يَجِدُوْنَ نِكَاحًا حَتّٰى يُغْنِيَهُمُ اللّٰهُ مِنْ فَضْلِهٖ ۗوَالَّذِيْنَ يَبْتَغُوْنَ الْكِتٰبَ مِمَّا مَلَكَتْ اَيْمَانُكُمْ فَكَاتِبُوْهُمْ اِنْ عَلِمْتُمْ فِيْهِمْ خَيْرًا وَّاٰتُوْهُمْ مِّنْ مَّالِ اللّٰهِ الَّذِيْٓ اٰتٰىكُمْ ۗوَلَا تُكْرِهُوْا فَتَيٰتِكُمْ عَلَى الْبِغَاۤءِ اِنْ اَرَدْنَ تَحَصُّنًا لِّتَبْتَغُوْا عَرَضَ الْحَيٰوةِ الدُّنْيَا ۗوَمَنْ يُّكْرِهْهُّنَّ فَاِنَّ اللّٰهَ مِنْۢ بَعْدِ اِكْرَاهِهِنَّ غَفُوْرٌ رَّحِيْمٌ٣٣
Walyasta‘fifil-lażīna lā yajidūna nikāḥan ḥattā yugniyahumullāhu min faḍlih(ī), wal-lażīna yabtagūnal-kitāba mimmā malakat aimānukum fa kātibūhum in ‘alimtum fīhim khairaw wa ātūhum mim mālillāhil-lażī ātākum, wa lā tukrihū fatayātikum ‘alal-bigā'i in aradna taḥaṣṣunal litabtagū ‘araḍal-ḥayātid-dun-yā, wa may yukrihhunna fa innallāha mim ba‘di ikrāhihinna gafūrur raḥīm(un).
[33]
Magpakamabini ang mga hindi nakatatagpo ng pampakasal hanggang sa magpasapat sa kanila si Allāh mula sa kabutihang-loob Niya. Ang mga naghahangad ng kasulatan [ng paglaya] kabilang sa [mga aliping] minay-ari ng mga kanang kamay ninyo ay makipagsulatan kayo sa kanila [ng kasunduan] kung nakaalam kayo sa kanila ng kabutihan at magbigay kayo sa kanila mula sa yaman ni Allāh na ibinigay Niya sa inyo. Huwag kayong mamilit sa mga babaing alipin ninyo sa pagpapatutot, kung nagnais sila ng pagpapakalinis ng puri, upang maghangad kayo ng panandalian sa buhay na Mundo. Ang sinumang mamimilit sa kanila, tunay na si Allāh, matapos na ng pamimilit sa kanila, ay Mapagpatawad, Maawain.
وَلَقَدْ اَنْزَلْنَآ اِلَيْكُمْ اٰيٰتٍ مُّبَيِّنٰتٍ وَّمَثَلًا مِّنَ الَّذِيْنَ خَلَوْا مِنْ قَبْلِكُمْ وَمَوْعِظَةً لِّلْمُتَّقِيْنَ ࣖ٣٤
Wa laqad anzalnā ilaikum āyātim mubayyinātiw wa maṡalam minal-lażīna khalau min qablikum wa mau‘iẓatal lil-muttaqīn(a).
[34]
Talaga ngang nagpababa Kami sa inyo ng mga tandang naglilinaw, isang paghahalintulad mula sa mga nagdaan bago pa ninyo, at isang pangaral para sa mga tagapangilag magkasala.
۞ اَللّٰهُ نُوْرُ السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِۗ مَثَلُ نُوْرِهٖ كَمِشْكٰوةٍ فِيْهَا مِصْبَاحٌۗ اَلْمِصْبَاحُ فِيْ زُجَاجَةٍۗ اَلزُّجَاجَةُ كَاَنَّهَا كَوْكَبٌ دُرِّيٌّ يُّوْقَدُ مِنْ شَجَرَةٍ مُّبٰرَكَةٍ زَيْتُوْنَةٍ لَّا شَرْقِيَّةٍ وَّلَا غَرْبِيَّةٍۙ يَّكَادُ زَيْتُهَا يُضِيْۤءُ وَلَوْ لَمْ تَمْسَسْهُ نَارٌۗ نُوْرٌ عَلٰى نُوْرٍۗ يَهْدِى اللّٰهُ لِنُوْرِهٖ مَنْ يَّشَاۤءُۗ وَيَضْرِبُ اللّٰهُ الْاَمْثَالَ لِلنَّاسِۗ وَاللّٰهُ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيْمٌ ۙ٣٥
Allāhu nūrus-samāwāti wal-arḍ(i), maṡalu nūrihī kamisykātin fīhā miṣbāḥ(un), al-miṣbāḥu fī zujājah(tin), az-zujājatu ka'annahā kaukabun durriyyuy yūqadu min syajaratim mubārakatin zaitūnatil lā syarqiyyatiw wa lā garbiyyah(tin), yakādu zaituhā yuḍī'u wa lau lam tamsashu nār(un), nūrun ‘alā nūr(in), yahdillāhu linūrihī may yasyā'(u), wa yaḍribullāhul-amṡāla lin-nās(i), wallāhu bikulli syai'in ‘alīm(un).
[35]
Si Allāh ay ang liwanag ng mga langit at lupa.357 Ang paghahalintulad sa liwanag Niya ay gaya ng isang suksukan na sa loob nito ay may isang ilawan. Ang ilawan ay nasa loob ng isang salamin. Ang salamin ay para bang ito ay isang tala na malaperlas na pinagniningas mula sa isang pinagpalang punong-kahoy na oliba na hindi isang silanganin at hindi isang kanluranin, na halos ang langis nito ay nagtatanglaw kahit pa man hindi ito nasaling ng isang apoy. Isang liwanag sa ibabaw ng isang liwanag, nagpapatnubay si Allāh tungo sa liwanag Niya sa sinumang niloloob Niya. Naglalahad si Allāh ng mga paghahalintulad para sa mga tao. Si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.
[357] na ipinapampatnubay niya sa mga naninirahan sa mga ito
فِيْ بُيُوْتٍ اَذِنَ اللّٰهُ اَنْ تُرْفَعَ وَيُذْكَرَ فِيْهَا اسْمُهٗۙ يُسَبِّحُ لَهٗ فِيْهَا بِالْغُدُوِّ وَالْاٰصَالِ ۙ٣٦
Fī buyūtin ażinallāhu an turfa‘a wa yużkara fīhasmuh(ū), yusabbiḥu lahū fīhā bil-guduwwi wal-āṣāl(i).
[36]
[Ang ilawang ito ay] sa mga bahay na nagpahintulot si Allāh na iangat at banggitin sa mga ito ang pangalan Niya, may nagluluwalhati sa Kanya sa mga ito sa umaga at mga gabi
رِجَالٌ لَّا تُلْهِيْهِمْ تِجَارَةٌ وَّلَا بَيْعٌ عَنْ ذِكْرِ اللّٰهِ وَاِقَامِ الصَّلٰوةِ وَاِيْتَاۤءِ الزَّكٰوةِ ۙيَخَافُوْنَ يَوْمًا تَتَقَلَّبُ فِيْهِ الْقُلُوْبُ وَالْاَبْصَارُ ۙ٣٧
Rijālul lā tulhīhim tijāratuw wa lā bai‘un ‘an żikrillāhi wa iqāmiṣ-ṣalāti wa ītā'iz-zakāh(ti), yakhāfūna yauman tataqallabu fīhil-qulūbu wal-abṣār(u).
[37]
na mga lalaking hindi nalilibang ng isang kalakalan ni isang pagtitinda palayo sa pag-aalaala kay Allāh, pagpapanatili ng pagdarasal, at pagbibigay ng zakāh, na nangangamba sa isang araw na magpapalipat-lipat doon ang mga puso at ang mga paningin
لِيَجْزِيَهُمُ اللّٰهُ اَحْسَنَ مَا عَمِلُوْا وَيَزِيْدَهُمْ مِّنْ فَضْلِهٖۗ وَاللّٰهُ يَرْزُقُ مَنْ يَّشَاۤءُ بِغَيْرِ حِسَابٍ٣٨
Liyajziyahumullāhu aḥsana mā ‘amilū wa yazīduhum min faḍlih(ī), wallāhu yarzuqu may yasyā'u bigairi ḥisāb(in).
[38]
upang gumanti sa kanila si Allāh ng higit na maganda sa ginawa nila at magdagdag Siya sa kanila mula sa kabutihang-loob Niya. Si Allāh ay nagtutustos sa sinumang niloloob Niya nang walang pagtutuos.
وَالَّذِيْنَ كَفَرُوْٓا اَعْمَالُهُمْ كَسَرَابٍۢ بِقِيْعَةٍ يَّحْسَبُهُ الظَّمْاٰنُ مَاۤءًۗ حَتّٰىٓ اِذَا جَاۤءَهٗ لَمْ يَجِدْهُ شَيْـًٔا وَّوَجَدَ اللّٰهَ عِنْدَهٗ فَوَفّٰىهُ حِسَابَهٗ ۗ وَاللّٰهُ سَرِيْعُ الْحِسَابِ ۙ٣٩
Wal-lażīna kafarū a‘māluhum kasarābim biqī‘atiy yaḥsabuhuẓ-ẓam'ānu mā'ā(n), ḥattā iżā jā'ahū lam yajidhu syai'aw wa wajadallāha ‘indahū fa waffāhu ḥisābah(ū), wallāhu sarī‘ul-ḥisāb(i).
[39]
Ang mga tumangging sumampalataya, ang mga gawa nila ay gaya ng isang malikmata sa isang mababang kapatagan, na inaakala ng uhaw na isang tubig; hanggang sa nang dumating siya roon ay hindi siya nakatagpo roon ng anuman ngunit nakatagpo siya kay Allāh sa tabi niya, saka maglulubus-lubos Ito sa kanya sa pagtutuos sa kanya. Si Allāh ay mabilis ang pagtutuos.
اَوْ كَظُلُمٰتٍ فِيْ بَحْرٍ لُّجِّيٍّ يَّغْشٰىهُ مَوْجٌ مِّنْ فَوْقِهٖ مَوْجٌ مِّنْ فَوْقِهٖ سَحَابٌۗ ظُلُمٰتٌۢ بَعْضُهَا فَوْقَ بَعْضٍۗ اِذَآ اَخْرَجَ يَدَهٗ لَمْ يَكَدْ يَرٰىهَاۗ وَمَنْ لَّمْ يَجْعَلِ اللّٰهُ لَهٗ نُوْرًا فَمَا لَهٗ مِنْ نُّوْرٍ ࣖ٤٠
Au kaẓulumātin fī baḥril lujjiyyiy yagsyāhu maujum min fauqihī maujum min fauqihī saḥāb(un), ẓulumātum ba‘ḍuhā fauqa ba‘ḍ(in), iżā akhraja yadahū lam yakad yarāhā, wa mal lam yaj‘alillāhu lahū nūran famā lahū min nūr(in).
[40]
O [ang mga gawa nila] gaya ng mga kadiliman sa isang dagat na pagkalalim-lalim na binabalot ng mga alon, na mula sa ibabaw ng mga ito ay may mga alon, na mula sa ibabaw ng mga ito ay may mga ulap. Mga kadilimang ang ilan sa mga ito ay nasa ibabaw ng iba. Kapag naglabas siya ng kamay niya ay hindi halos siya makakita nito. Ang sinumang hindi gumawa si Allāh para sa kanya ng isang liwanag ay walang ukol sa kanya na anumang liwanag.
اَلَمْ تَرَ اَنَّ اللّٰهَ يُسَبِّحُ لَهٗ مَنْ فِى السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِ وَالطَّيْرُ صٰۤفّٰتٍۗ كُلٌّ قَدْ عَلِمَ صَلَاتَهٗ وَتَسْبِيْحَهٗۗ وَاللّٰهُ عَلِيْمٌۢ بِمَا يَفْعَلُوْنَ٤١
Alam tara annallāha yusabbiḥu lahū man fis-samāwāti wal-arḍi waṭ-ṭairu ṣāffāt(in), kullun qad ‘alima ṣalātahū wa tasbīḥah(ū), wallāhu ‘alīmum bimā yaf‘alūn(a).
[41]
Hindi ka ba nakakita na kay Allāh nagluluwalhati ang sinumang nasa mga langit at lupa at ang mga ibon habang mga nagbubuka [ng mga pakpak]? Bawat [isa] ay nakaalam nga Siya sa pagdarasal nito at pagluluwalhati nito. Si Allāh ay Maalam sa anumang ginagawa nila.
وَلِلّٰهِ مُلْكُ السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِۚ وَاِلَى اللّٰهِ الْمَصِيْرُ٤٢
Wa lillāhi mulkus-samāwāti wal-arḍ(i), wa ilallāhil-maṣīr(u).
[42]
Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at lupa, at tungo kay Allāh ang kahahantungan.
اَلَمْ تَرَ اَنَّ اللّٰهَ يُزْجِيْ سَحَابًا ثُمَّ يُؤَلِّفُ بَيْنَهٗ ثُمَّ يَجْعَلُهٗ رُكَامًا فَتَرَى الْوَدْقَ يَخْرُجُ مِنْ خِلٰلِهٖۚ وَيُنَزِّلُ مِنَ السَّمَاۤءِ مِنْ جِبَالٍ فِيْهَا مِنْۢ بَرَدٍ فَيُصِيْبُ بِهٖ مَنْ يَّشَاۤءُ وَيَصْرِفُهٗ عَنْ مَّنْ يَّشَاۤءُۗ يَكَادُ سَنَا بَرْقِهٖ يَذْهَبُ بِالْاَبْصَارِ ۗ٤٣
Alam tara annallāha yuzjī saḥāban ṡumma yu'allifu bainahū ṡumma yaj‘aluhū rukāman fa taral-wadqa yakhruju min khilālih(ī), wa yunazzilu minas-samā'i min jibālin fīhā mim baradin fa yuṣību bihī may yasyā'u wa yaṣrifuhū ‘am may yasyā'(u), yakādu sanā barqihī yażhabu bil-abṣār(i).
[43]
Hindi ka ba nakakita na si Allāh ay nagpapausad ng mga ulap, pagkatapos nagbubuklod Siya sa mga ito? Pagkatapos gumagawa Siya sa mga ito bilang bunton saka nakikita mo ang ulan habang lumalabas mula sa loob nito. Nagbababa Siya mula sa langit ng mga bundok [ng mga ulap] na nasa mga ito ay may yelong ulan, saka nagpapatama Siya nito sa sinumang niloloob Niya at naglilihis Siya nito palayo sa sinumang niloloob Niya. Halos ang kislap ng kidlat nito ay nag-aalis ng mga paningin.
يُقَلِّبُ اللّٰهُ الَّيْلَ وَالنَّهَارَۗ اِنَّ فِيْ ذٰلِكَ لَعِبْرَةً لِّاُولِى الْاَبْصَارِ٤٤
Yuqallibullāhul-laila wan-nahār(a), inna fī żālika la‘ibratal li'ulil-abṣār(i).
[44]
Nagpapasalitan si Allāh ng gabi at maghapon. Tunay na sa gayon ay talagang may maisasaalang-alang para sa mga may paningin.
وَاللّٰهُ خَلَقَ كُلَّ دَاۤبَّةٍ مِّنْ مَّاۤءٍۚ فَمِنْهُمْ مَّنْ يَّمْشِيْ عَلٰى بَطْنِهٖۚ وَمِنْهُمْ مَّنْ يَّمْشِيْ عَلٰى رِجْلَيْنِۚ وَمِنْهُمْ مَّنْ يَّمْشِيْ عَلٰٓى اَرْبَعٍۗ يَخْلُقُ اللّٰهُ مَا يَشَاۤءُۗ اِنَّ اللّٰهَ عَلٰى كُلِّ شَيْءٍ قَدِيْرٌ٤٥
Wallāhu khalaqa kulla dābbatim mim mā'(in), fa minhum may yamsyī ‘alā baṭinih(ī), wa minhum may yamsyī ‘alā rijlain(i), wa minhum may yamsyī ‘alā arba‘(in), yakhluqullāhu mā yasyā'(u), innallāha ‘alā kulli syai'in qadīr(un).
[45]
Si Allāh ay lumikha sa bawat gumagalaw na nilalang mula sa tubig, saka mayroon sa kanila na naglalakad sa tiyan, mayroon sa kanila na naglalakad sa dalawang paa, at mayroon sa kanila na naglalakad sa apat. Lumilikha si Allāh ng anumang niloloob Niya. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.
لَقَدْ اَنْزَلْنَآ اٰيٰتٍ مُّبَيِّنٰتٍۗ وَاللّٰهُ يَهْدِيْ مَنْ يَّشَاۤءُ اِلٰى صِرَاطٍ مُّسْتَقِيْمٍ٤٦
Laqad anzalnā āyātim mubayyināt(in), wallāhu yahdī may yasyā'u ilā ṣirāṭim mustaqīm(in).
[46]
Talaga ngang nagpababa Kami ng mga tandang malinaw. Si Allāh ay nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya tungo sa isang landasing tuwid [ng Islām].
وَيَقُوْلُوْنَ اٰمَنَّا بِاللّٰهِ وَبِالرَّسُوْلِ وَاَطَعْنَا ثُمَّ يَتَوَلّٰى فَرِيْقٌ مِّنْهُمْ مِّنْۢ بَعْدِ ذٰلِكَۗ وَمَآ اُولٰۤىِٕكَ بِالْمُؤْمِنِيْنَ٤٧
Wa yaqūlūna āmannā billāhi wa bir-rasūli wa aṭa‘nā ṡumma yatawallā farīqum minhum mim ba‘di żālik(a), wa mā ulā'ika bil-mu'minīn(a).
[47]
Nagsasabi sila: “Sumampalataya kami kay Allāh at sa Sugo at tumalima Kami.” Pagkatapos may tumatalikod na isang pangkat kabilang sa kanila matapos na niyon. Ang mga iyon ay hindi ang mga mananampalataya.
وَاِذَا دُعُوْٓا اِلَى اللّٰهِ وَرَسُوْلِهٖ لِيَحْكُمَ بَيْنَهُمْ اِذَا فَرِيْقٌ مِّنْهُمْ مُّعْرِضُوْنَ٤٨
Wa iżā du‘ū ilallāhi wa rasūlihī liyaḥkuma bainahum iżā farīqum minhum mu‘riḍūn(a).
[48]
Kapag inanyayahan sila tungo kay Allāh at sa Sugo Niya upang humatol ito sa pagitan nila, biglang may isang pangkat kabilang sa kanila na mga tagaayaw.
وَاِنْ يَّكُنْ لَّهُمُ الْحَقُّ يَأْتُوْٓا اِلَيْهِ مُذْعِنِيْنَ٤٩
Wa iy yakul lahumul-ḥaqqu ya'tū ilaihi muż‘inīn(a).
[49]
Kung ukol sa kanila ang katotohanan, pupunta sila sa kanya habang mga nagpapahinuhod.
اَفِيْ قُلُوْبِهِمْ مَّرَضٌ اَمِ ارْتَابُوْٓا اَمْ يَخَافُوْنَ اَنْ يَّحِيْفَ اللّٰهُ عَلَيْهِمْ وَرَسُوْلُهٗ ۗبَلْ اُولٰۤىِٕكَ هُمُ الظّٰلِمُوْنَ ࣖ٥٠
Afī qulūbihim maraḍun amirtābū am yakhāfūna ay yaḥīfallāhu ‘alaihim wa rasūluh(ū), bal ulā'ika humuẓ-ẓālimūn(a).
[50]
Sa mga puso nila ba ay may sakit, o nag-alinlangan sila, o nangangamba sila na kumiling si Allāh laban sa kanila at ang Sugo Niya? Bagkus ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan.
اِنَّمَا كَانَ قَوْلَ الْمُؤْمِنِيْنَ اِذَا دُعُوْٓا اِلَى اللّٰهِ وَرَسُوْلِهٖ لِيَحْكُمَ بَيْنَهُمْ اَنْ يَّقُوْلُوْا سَمِعْنَا وَاَطَعْنَاۗ وَاُولٰۤىِٕكَ هُمُ الْمُفْلِحُوْنَ٥١
Innamā kāna qaulal-mu'minīna iżā du‘ū ilallāhi wa rasūlihī liyaḥkuma bainahum ay yaqūlū sami‘nā wa aṭa‘nā, wa ulā'ika humul-mufliḥūn(a).
[51]
Tanging ang sasabihin ng mga mananampalataya kapag inanyayahan sila tungo kay Allāh at sa Sugo Niya upang humatol sa pagitan nila ay na magsabi sila: “Nakarinig kami at tumalima kami.” Ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay.
وَمَنْ يُّطِعِ اللّٰهَ وَرَسُوْلَهٗ وَيَخْشَ اللّٰهَ وَيَتَّقْهِ فَاُولٰۤىِٕكَ هُمُ الْفَاۤىِٕزُوْنَ٥٢
Wa may yuṭi‘illāha wa rasūlahū wa yakhsyallāha wa yattaqhi fa ulā'ika humul-fā'izūn(a).
[52]
Ang sinumang tumatalima kay Allāh at sa Sugo Niya, natatakot kay Allāh, at nangingilag magkasala sa Kanya, ang mga iyon ay ang mga magtatamo.
۞ وَاَقْسَمُوْا بِاللّٰهِ جَهْدَ اَيْمَانِهِمْ لَىِٕنْ اَمَرْتَهُمْ لَيَخْرُجُنَّۗ قُلْ لَّا تُقْسِمُوْاۚ طَاعَةٌ مَّعْرُوْفَةٌ ۗاِنَّ اللّٰهَ خَبِيْرٌۢ بِمَا تَعْمَلُوْنَ٥٣
Wa aqsamū billāhi jahda aimānihim la'in amartahum layakhrujunn(a), qul lā tuqsimū, ṭā‘atum ma‘rūfah(tun), innallāha khabīrum bimā ta‘malūn(a).
[53]
Sumumpa sila kay Allāh nang taimtim sa mga panunumpa nila na talagang kung nag-utos ka sa kanila ay talagang lilisan nga sila [para makibaka]. Sabihin mo: “Huwag kayong sumumpa. Isang pagtalimang kilala [na huwad ang nasa inyo].” Tunay na si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo.
قُلْ اَطِيْعُوا اللّٰهَ وَاَطِيْعُوا الرَّسُوْلَۚ فَاِنْ تَوَلَّوْا فَاِنَّمَا عَلَيْهِ مَا حُمِّلَ وَعَلَيْكُمْ مَّا حُمِّلْتُمْۗ وَاِنْ تُطِيْعُوْهُ تَهْتَدُوْاۗ وَمَا عَلَى الرَّسُوْلِ اِلَّا الْبَلٰغُ الْمُبِيْنُ٥٤
Qul aṭī‘ullāha wa aṭī‘ur-rasūl(a), fa in tawallau fa innamā ‘alaihi mā ḥummila wa ‘alaikum mā ḥummiltum, wa in tuṭī‘ūhu tahtadū, wa mā ‘alar rasūli illal-balāgul-mubīn(u).
[54]
Sabihin mo: “Tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo; ngunit kung tatalikod kayo, tanging kailangan sa kanya ang ipinapasan sa kanya at kailangan sa inyo ang ipinapasan sa inyo. Kung tatalima kayo sa kanya ay mapapatnubayan kayo. Walang kailangan sa Sugo kundi ang pagpapaabot na malinaw [ng mensahe].”
وَعَدَ اللّٰهُ الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا مِنْكُمْ وَعَمِلُوا الصّٰلِحٰتِ لَيَسْتَخْلِفَنَّهُمْ فِى الْاَرْضِ كَمَا اسْتَخْلَفَ الَّذِيْنَ مِنْ قَبْلِهِمْۖ وَلَيُمَكِّنَنَّ لَهُمْ دِيْنَهُمُ الَّذِى ارْتَضٰى لَهُمْ وَلَيُبَدِّلَنَّهُمْ مِّنْۢ بَعْدِ خَوْفِهِمْ اَمْنًاۗ يَعْبُدُوْنَنِيْ لَا يُشْرِكُوْنَ بِيْ شَيْـًٔاۗ وَمَنْ كَفَرَ بَعْدَ ذٰلِكَ فَاُولٰۤىِٕكَ هُمُ الْفٰسِقُوْنَ٥٥
Wa‘adallāhul-lażīna āmanū minkum wa ‘amiluṣ-ṣāliḥāti layastakhlifannahum fil-arḍi kamastakhlafal-lażīna min qablihim, wa layumakkinanna lahum dīnahumul-lażirtaḍā lahum wa layubaddilannahum mim ba‘di khaufihim amnā(n), ya‘budūnanī lā yusyrikūna bī syai'ā(n), wa man kafara ba‘da żālika fa ulā'ika humul-fāsiqūn(a).
[55]
Nangako si Allāh sa mga sumampalataya kabilang sa inyo at gumawa ng mga matuwid na talagang magtatalaga nga Siya sa kanila bilang kahalili sa lupain gaya ng pagtalaga Niya sa mga bago pa nila bilang kahalili, talagang magbibigay-kapangyarihan nga Siya para sa kanila sa Relihiyon nila na kinalugdan Niya para sa kanila, at talagang magpapalit nga Siya sa kanila, matapos na ng pangamba nila, ng isang katiwasayan. Sumasamba sila sa akin habang hindi sila nagtatambal sa Akin ng anuman. Ang sinumang tumangging sumampalataya matapos niyon, ang mga iyon ay ang mga suwail.
وَاَقِيْمُوا الصَّلٰوةَ وَاٰتُوا الزَّكٰوةَ وَاَطِيْعُوا الرَّسُوْلَ لَعَلَّكُمْ تُرْحَمُوْنَ٥٦
Wa aqīmuṣ-ṣalāta wa ātuz-zakāta wa aṭī‘ur-rasūla la‘allakum turḥamūn(a).
[56]
Magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo ng zakāh, at tumalima kayo sa Sugo, nang sa gayon kayo ay kaaawaan.
لَا تَحْسَبَنَّ الَّذِيْنَ كَفَرُوْا مُعْجِزِيْنَ فِى الْاَرْضِۚ وَمَأْوٰىهُمُ النَّارُۗ وَلَبِئْسَ الْمَصِيْرُ ࣖ٥٧
Lā taḥsabannal-lażīna kafarū mu‘jizīna fil-arḍ(i), wa ma'wāhumun-nār(u), wa labi'sal-maṣīr(u).
[57]
Huwag kang mag-akala sa mga tumangging sumampalataya na mga mapagpapawalang-kakayahan sa lupa. Ang kanlungan nila ay ang Apoy. Talagang kay saklap ang kahahantungan.
يٰٓاَيُّهَا الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا لِيَسْتَأْذِنْكُمُ الَّذِيْنَ مَلَكَتْ اَيْمَانُكُمْ وَالَّذِيْنَ لَمْ يَبْلُغُوا الْحُلُمَ مِنْكُمْ ثَلٰثَ مَرّٰتٍۗ مِنْ قَبْلِ صَلٰوةِ الْفَجْرِ وَحِيْنَ تَضَعُوْنَ ثِيَابَكُمْ مِّنَ الظَّهِيْرَةِ وَمِنْۢ بَعْدِ صَلٰوةِ الْعِشَاۤءِۗ ثَلٰثُ عَوْرٰتٍ لَّكُمْۗ لَيْسَ عَلَيْكُمْ وَلَا عَلَيْهِمْ جُنَاحٌۢ بَعْدَهُنَّۗ طَوَّافُوْنَ عَلَيْكُمْ بَعْضُكُمْ عَلٰى بَعْضٍۗ كَذٰلِكَ يُبَيِّنُ اللّٰهُ لَكُمُ الْاٰيٰتِۗ وَاللّٰهُ عَلِيْمٌ حَكِيْمٌ٥٨
Yā ayyuhal-lażīna āmanū liyasta'żinkumul-lażīna malakat aimānukum wal-lażīna lam yablugul-ḥuluma minkum ṡalāṡa marrāt(in), min qabli ṣalātil-fajri wa ḥīna taḍa‘ūna ṡiyābakum minaẓ-ẓahīrati wa mim ba‘di ṣalātil-‘isyā'(i), ṡalāṡu ‘aurātil lakum, laisa ‘alaikum wa lā ‘alaihim junāḥum ba‘dahunn(a), ṭawwāfūna ‘alaikum ba‘ḍukum ‘alā ba‘ḍ(in), każālika yubayyinullāhu lakumul-āyāt(i), wallāhu ‘alīmun ḥakīm(un).
[58]
O mga sumampalataya, magpaalam sa inyo ang mga [aliping] minay-ari ng mga kanang kamay ninyo at ang mga hindi umabot sa kahustuhang gulang kabilang sa inyo sa tatlong sandali: bago pa ng dasal sa madaling-araw, kapag nag-aalis kayo ng mga kasuutan ninyo [sa pamamahinga] sa tanghali at matapos na ng dasal sa gabi – tatlong [sandali ng] kahubaran para sa inyo. Wala sa inyo at wala sa kanilang masisisi matapos ng mga ito. Mga lumilibot sa inyo ang ilan sa inyo sa iba pa. Gayon naglilinaw si Allāh para sa inyo ng mga talata. Si Allāh ay Maalam, Marunong.
وَاِذَا بَلَغَ الْاَطْفَالُ مِنْكُمُ الْحُلُمَ فَلْيَسْتَأْذِنُوْا كَمَا اسْتَأْذَنَ الَّذِيْنَ مِنْ قَبْلِهِمْۗ كَذٰلِكَ يُبَيِّنُ اللّٰهُ لَكُمْ اٰيٰتِهٖۗ وَاللّٰهُ عَلِيْمٌ حَكِيْمٌ٥٩
Wa iżā balagal-aṭfālu minkumul-ḥuluma falyasta'żinū kamasta'żanal-lażīna min qablihim, każālika yubayyinullāhu lakum āyātih(ī),wallāhu ‘alīmun ḥakīm(un).
[59]
Kapag umabot ang mga bata kabilang sa inyo sa kahustuhang gulang ay magpaalam sila gaya ng pagpaalam ng mga bago pa nila. Gayon naglilinaw si Allāh para sa inyo ng mga talata Niya. Si Allāh ay Maalam, Marunong.
وَالْقَوَاعِدُ مِنَ النِّسَاۤءِ الّٰتِيْ لَا يَرْجُوْنَ نِكَاحًا فَلَيْسَ عَلَيْهِنَّ جُنَاحٌ اَنْ يَّضَعْنَ ثِيَابَهُنَّ غَيْرَ مُتَبَرِّجٰتٍۢ بِزِيْنَةٍۗ وَاَنْ يَّسْتَعْفِفْنَ خَيْرٌ لَّهُنَّۗ وَاللّٰهُ سَمِيْعٌ عَلِيْمٌ٦٠
Wal-qawā‘idu minan-nisā'il-lātī lā yarjūna nikāḥan fa laisa ‘alaihinna junāḥun ay yaḍa‘na ṡiyābahunna gaira mutabarrijātim bizīnah(tin), wa ay yasta‘fifna khairul lahunn(a), wallāhu samī‘un ‘alīm(un).
[60]
Ang mga matanda358 kabilang sa mga babaing hindi nag-aasam ng pag-aasawa ay wala sa kanilang maisisisi na mag-alis sila ng mga [panlabas na] kasuutan nila habang hindi mga nagtatanghal ng gayak, ngunit ang magpakahinhin sila359 ay higit na mabuti para sa kanila. Si Allāh ay Madinigin, Maalam.
[358] na hindi na manganganak
[359] sa pamamagitan ng hindi pag-aalis ng panlabas na kasuutan
لَيْسَ عَلَى الْاَعْمٰى حَرَجٌ وَّلَا عَلَى الْاَعْرَجِ حَرَجٌ وَّلَا عَلَى الْمَرِيْضِ حَرَجٌ وَّلَا عَلٰٓى اَنْفُسِكُمْ اَنْ تَأْكُلُوْا مِنْۢ بُيُوْتِكُمْ اَوْ بُيُوْتِ اٰبَاۤىِٕكُمْ اَوْ بُيُوْتِ اُمَّهٰتِكُمْ اَوْ بُيُوْتِ اِخْوَانِكُمْ اَوْ بُيُوْتِ اَخَوٰتِكُمْ اَوْ بُيُوْتِ اَعْمَامِكُمْ اَوْ بُيُوْتِ عَمّٰتِكُمْ اَوْ بُيُوْتِ اَخْوَالِكُمْ اَوْ بُيُوْتِ خٰلٰتِكُمْ اَوْ مَا مَلَكْتُمْ مَّفَاتِحَهٗٓ اَوْ صَدِيْقِكُمْۗ لَيْسَ عَلَيْكُمْ جُنَاحٌ اَنْ تَأْكُلُوْا جَمِيْعًا اَوْ اَشْتَاتًاۗ فَاِذَا دَخَلْتُمْ بُيُوْتًا فَسَلِّمُوْا عَلٰٓى اَنْفُسِكُمْ تَحِيَّةً مِّنْ عِنْدِ اللّٰهِ مُبٰرَكَةً طَيِّبَةً ۗ كَذٰلِكَ يُبَيِّنُ اللّٰهُ لَكُمُ الْاٰيٰتِ لَعَلَّكُمْ تَعْقِلُوْنَ ࣖ٦١
Laisa ‘alal-a‘mā ḥarajuw wa lā ‘alal-a‘raji ḥarajuw wa lā ‘alal-marīḍi ḥarajuw wa lā ‘alā anfusikum an ta'kulū mim buyūtikum au buyūti ābā'ikum au buyūti ummahātikum au buyūti ikhwānikum au buyūti akhawātikum au buyūti a‘māmikum au buyūti ‘ammātikum au buyūti akhwālikum au buyūti khālātikum au mā malaktum mafātiḥahū au ṣadīqikum, laisa ‘alaikum junāḥun an ta'kulū jamī‘an au asytātā(n), fa iżā dakhaltum buyūtan fa sallimū ‘alā anfusikum taḥiyyatam min ‘indillāhi mubārakatan ṭayyibah(tan), każālika yubayyinullāhu lakumul-āyāti la‘allakum ta‘qilūn(a).
[61]
Hindi sa bulag isang maisisisi, hindi sa pilay isang maisisisi, hindi sa may-sakit maisisisi, at hindi sa mga sarili ninyo na kumain kayo mula sa mga bahay ninyo, o mga bahay ng mga ama ninyo, o mga bahay ng mga ina ninyo, o mga bahay ng mga lalaking kapatid ninyo, o mga bahay ng babaing kapatid ninyo, o mga bahay ng mga tiyuhin sa ama ninyo, o mga bahay ng mga tiyahin sa ama ninyo, o mga bahay ng mga tiyuhin sa ina ninyo, o mga bahay ng mga tiyahin sa ina ninyo, o anumang nagtaglay kayo ng mga susi nito, o [bahay] ng kaibigan ninyo. Wala sa inyong maisisisi na kumain kayo nang lahatan o nang hiwa-hiwalay. Kapag pumasok kayo sa mga bahay ay bumati360 kayo sa mga sarili ng isa’t isa sa inyo ng isang pagbating mula sa ganang kay Allāh, na pinagpalang kaaya-aya. Gayon naglilinaw si Allāh para sa inyo ng mga talata [ng Qur’ān] nang sa gayon kayo ay makapag-uunawa.
[360] sa pamamagitan ng pagsabi ng assalāmu `alaykum (ang kapayapaan ay sumainyo)
اِنَّمَا الْمُؤْمِنُوْنَ الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا بِاللّٰهِ وَرَسُوْلِهٖ وَاِذَا كَانُوْا مَعَهٗ عَلٰٓى اَمْرٍ جَامِعٍ لَّمْ يَذْهَبُوْا حَتّٰى يَسْتَأْذِنُوْهُۗ اِنَّ الَّذِيْنَ يَسْتَأْذِنُوْنَكَ اُولٰۤىِٕكَ الَّذِيْنَ يُؤْمِنُوْنَ بِاللّٰهِ وَرَسُوْلِهٖۚ فَاِذَا اسْتَأْذَنُوْكَ لِبَعْضِ شَأْنِهِمْ فَأْذَنْ لِّمَنْ شِئْتَ مِنْهُمْ وَاسْتَغْفِرْ لَهُمُ اللّٰهَ ۗاِنَّ اللّٰهَ غَفُوْرٌ رَّحِيْمٌ٦٢
Innamal-mu'minūnal-lażīna āmanū billāhi wa rasūlihī wa iżā kānū ma‘ahū ‘alā amrin jāmi‘il lam yażhabū ḥattā yasta'żinūh(u), innal-lażīna yasta'żinūnaka ulā'ikal-lażīna yu'minūna billāhi wa rasūlih(ī), fa iżasta'żanūka liba‘ḍi sya'nihim fa'żal liman syi'ta minhum wastagfir lahumullāh(a), innallāha gafūrur raḥīm(un).
[62]
Tanging ang mga mananampalataya ay ang mga sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya. Kapag sila ay kasama sa kanya sa isang usaping nagbubuklod, hindi sila umaalis hanggang sa magpaalam sila sa kanya. Tunay ang mga nagpapaalam sa iyo, ang mga iyon ay ang mga sumasampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya. Kaya kapag nagpaalam sila sa iyo dahil sa ilan sa nauukol sa kanila, magpahintulot ka sa sinumang niloob mo kabilang sa kanila at humingi ka ng tawad para sa kanila kay Allāh. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
لَا تَجْعَلُوْا دُعَاۤءَ الرَّسُوْلِ بَيْنَكُمْ كَدُعَاۤءِ بَعْضِكُمْ بَعْضًاۗ قَدْ يَعْلَمُ اللّٰهُ الَّذِيْنَ يَتَسَلَّلُوْنَ مِنْكُمْ لِوَاذًاۚ فَلْيَحْذَرِ الَّذِيْنَ يُخَالِفُوْنَ عَنْ اَمْرِهٖٓ اَنْ تُصِيْبَهُمْ فِتْنَةٌ اَوْ يُصِيْبَهُمْ عَذَابٌ اَلِيْمٌ٦٣
Lā taj‘alū du‘ā'ar-rasūli bainakum kadu‘ā'i ba‘ḍikum ba‘ḍā(n), qad ya'lamullāhul-lażīna yatasallalūna minkum liwāżā(n), falyaḥżaril-lażīna yukhālifūna ‘an amrihī an tuṣībahum fitnatun au yuṣībahum ‘ażābun alīm(un).
[63]
Huwag kayong gumawa sa pagtawag sa Sugo sa gitna ninyo gaya ng pagtawag ng ilan sa inyo sa iba. Nalalaman nga ni Allāh ang mga tumatalilis [nang walang paalam] kabilang sa inyo nang patago. Kaya mag-ingat ang mga sumasalungat sa utos niya na baka may tumama sa kanila na isang sigalot o may tumama sa kanila na isang pagdurusang masakit.
اَلَآ اِنَّ لِلّٰهِ مَا فِى السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِۗ قَدْ يَعْلَمُ مَآ اَنْتُمْ عَلَيْهِۗ وَيَوْمَ يُرْجَعُوْنَ اِلَيْهِ فَيُنَبِّئُهُمْ بِمَا عَمِلُوْاۗ وَاللّٰهُ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيْمٌ ࣖ٦٤
Alā inna lillāhi mā fis-samāwāti wal-arḍ(i), qad ya‘lamu mā antum ‘alaih(i), wa yauma yurja‘ūna ilaihi fa yunabbi'uhum bimā ‘amilū, wallāhu bikulli syai'in ‘alīm(un).
[64]
Pansinin, tunay na sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at lupa. Nakaaalam nga Siya sa anumang [kalagayang] kayo ay naroon at sa araw na pababalikin sila tungo sa Kanya kaya magbabalita Siya sa kanila hinggil sa anumang ginawa nila. Si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.