Surah Al-Mu’minun
بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
قَدْ اَفْلَحَ الْمُؤْمِنُوْنَ ۙ١
Qad aflaḥal-mu'minūn(a).
[1]
Nagtagumpay nga ang mga mananampalataya,
الَّذِيْنَ هُمْ فِيْ صَلَاتِهِمْ خٰشِعُوْنَ٢
Allażīna hum fī ṣalātihim khāsyi‘ūn(a).
[2]
na sila sa pagdarasal nila ay mga nagtataimtim,
وَالَّذِيْنَ هُمْ عَنِ اللَّغْوِ مُعْرِضُوْنَ ۙ٣
Wal-lażīna hum anil-lagwi muriḍūn(a).
[3]
na sila sa kabalbalan ay mga tagaayaw,
وَالَّذِيْنَ هُمْ لِلزَّكٰوةِ فٰعِلُوْنَ ۙ٤
Wal-lażīna hum liz-zakāti fā‘ilūn(a).
[4]
na sila para sa zakāh ay mga tagapagsagawa,
وَالَّذِيْنَ هُمْ لِفُرُوْجِهِمْ حٰفِظُوْنَ ۙ٥
Wal-lażīna hum lifurūjihim ḥāfiẓūn(a).
[5]
na sila, sa mga ari nila, ay mga tagapag-ingat,
اِلَّا عَلٰٓى اَزْوَاجِهِمْ اَوْ مَا مَلَكَتْ اَيْمَانُهُمْ فَاِنَّهُمْ غَيْرُ مَلُوْمِيْنَۚ٦
Illā ‘alā azwājihim au mā malakat aimānuhum fa innahum gairu malūmīn(a).
[6]
maliban sa mga asawa nila o inari ng mga kanang kamay nila sapagkat tunay na sila ay hindi mga masisisi,
فَمَنِ ابْتَغٰى وَرَاۤءَ ذٰلِكَ فَاُولٰۤىِٕكَ هُمُ الْعَادُوْنَ ۚ٧
Famanibtagā warā'a żālika fa ulā'ika humul-‘ādūn(a).
[7]
ngunit ang sinumang naghangad ng lampas doon, ang mga iyon ay ang mga tagalabag,
وَالَّذِيْنَ هُمْ لِاَمٰنٰتِهِمْ وَعَهْدِهِمْ رَاعُوْنَ ۙ٨
Wal-lażīna hum li'amānātihim wa ‘ahdihim rā‘ūn(a).
[8]
na sila sa mga ipinagkatiwala sa kanila at kasunduan sa kanila ay mga tagapag-alaga,
وَالَّذِيْنَ هُمْ عَلٰى صَلَوٰتِهِمْ يُحَافِظُوْنَ ۘ٩
Wal-lażīna hum ‘alā ṣalawātihim yuḥāfiẓūn(a).
[9]
na sila sa mga dasal nila ay nangangalaga.
اُولٰۤىِٕكَ هُمُ الْوٰرِثُوْنَ ۙ١٠
Ulā'ika humul-wāriṡūn(a).
[10]
Ang mga iyon ay ang mga tagapagmana,
الَّذِيْنَ يَرِثُوْنَ الْفِرْدَوْسَۗ هُمْ فِيْهَا خٰلِدُوْنَ١١
Allażīna yariṡūnal-firdaus(a), hum fīhā khālidūn(a).
[11]
na mga magmamana ng Firdaws.343 Sila roon ay mga mananatili.
[343] Ang pinakamataas sa mga antas ng Paraiso.
وَلَقَدْ خَلَقْنَا الْاِنْسَانَ مِنْ سُلٰلَةٍ مِّنْ طِيْنٍ ۚ١٢
Wa laqad khalaqnal-insāna min sulālatim min ṭīn(in).
[12]
Talaga ngang lumikha Kami ng tao mula sa isang hinango mula sa isang putik.
ثُمَّ جَعَلْنٰهُ نُطْفَةً فِيْ قَرَارٍ مَّكِيْنٍ ۖ١٣
Ṡumma ja‘alnāhu nuṭfatan fī qarārim makīn(in).
[13]
Pagkatapos gumawa Kami sa kanya na isang patak sa isang pamamalagiang matibay [sa sinapupunan].
ثُمَّ خَلَقْنَا النُّطْفَةَ عَلَقَةً فَخَلَقْنَا الْعَلَقَةَ مُضْغَةً فَخَلَقْنَا الْمُضْغَةَ عِظٰمًا فَكَسَوْنَا الْعِظٰمَ لَحْمًا ثُمَّ اَنْشَأْنٰهُ خَلْقًا اٰخَرَۗ فَتَبَارَكَ اللّٰهُ اَحْسَنُ الْخٰلِقِيْنَۗ١٤
Ṡumma khalaqnan-nuṭfata ‘alaqatan fa khalaqnal-‘alaqata muḍgatan fa khalaqnal-muḍgata ‘iẓāman fa kasaunal-‘iẓāma laḥmā(n), ṡumma ansya'nāhu khalqan ākhar(a), fa tabārakallāhu aḥsanul-khāliqīn(a).
[14]
Pagkatapos lumikha Kami sa patak bilang malalinta, saka lumikha Kami sa malalinta bilang kimpal ng laman, saka lumikha Kami sa kimpal ng laman bilang mga buto, saka bumalot Kami sa mga buto ng laman. Pagkatapos nagpaluwal Kami nito bilang iba pang nilikha. Kaya napakamapagpala si Allāh, ang pinakamaganda sa gawa sa mga tagalikha.
ثُمَّ اِنَّكُمْ بَعْدَ ذٰلِكَ لَمَيِّتُوْنَ ۗ١٥
Ṡumma innakum ba‘da żālika lamayyitūn(a).
[15]
Pagkatapos tunay na kayo, matapos niyon, ay talagang mga mamamatay.
ثُمَّ اِنَّكُمْ يَوْمَ الْقِيٰمَةِ تُبْعَثُوْنَ١٦
Ṡumma innakum yaumal-qiyāmati tub‘aṡūn(a).
[16]
Pagkatapos tunay na kayo, sa Araw ng Pagbangon, ay bubuhayin.
وَلَقَدْ خَلَقْنَا فَوْقَكُمْ سَبْعَ طَرَاۤىِٕقَۖ وَمَا كُنَّا عَنِ الْخَلْقِ غٰفِلِيْنَ١٧
Wa laqad khalaqnā fauqakum sab‘a ṭarā'iq(a), wa mā kunnā ‘anil-khalqi gāfilīn(a).
[17]
Talaga ngang lumikha Kami sa ibabaw ninyo ng pitong magkakapatong [na langit]. Hindi Kami, sa paglikha, naging nalilingat.
وَاَنْزَلْنَا مِنَ السَّمَاۤءِ مَاۤءًۢ بِقَدَرٍ فَاَسْكَنّٰهُ فِى الْاَرْضِۖ وَاِنَّا عَلٰى ذَهَابٍۢ بِهٖ لَقٰدِرُوْنَ ۚ١٨
Wa anzalnā minas-samā'i mā'am biqadarin fa askannāhu fil-arḍ(i), wa innā ‘alā żahābim bihī laqādirūn(a).
[18]
Nagpababa Kami mula sa langit ng tubig ayon sa sukat at nagpatahan Kami nito sa lupa. Tunay na Kami, sa pag-aalis nito, ay talagang nakakakaya.
فَاَنْشَأْنَا لَكُمْ بِهٖ جَنّٰتٍ مِّنْ نَّخِيْلٍ وَّاَعْنَابٍۘ لَكُمْ فِيْهَا فَوَاكِهُ كَثِيْرَةٌ وَّمِنْهَا تَأْكُلُوْنَ ۙ١٩
Fa ansya'nā lakum bihī jannātim min nakhīliw wa a‘nāb(in), lakum fīhā fawākihu kaṡīratuw wa minhā ta'kulūn(a).
[19]
Kaya nagpaluwal Kami para sa inyo sa pamamagitan niyon ng mga hardin ng mga datiles at mga ubas – ukol sa inyo sa mga ito ay maraming prutas at mula sa mga ito ay kumakain kayo –
وَشَجَرَةً تَخْرُجُ مِنْ طُوْرِ سَيْنَاۤءَ تَنْۢبُتُ بِالدُّهْنِ وَصِبْغٍ لِّلْاٰكِلِيْنَ٢٠
Wa syajaratan takhruju min ṭūri sainā'a tambutu bid-duhni wa ṣibgil lil-ākilīn(a).
[20]
at ng isang punong-kahoy na lumalabas mula sa bundok ng Sinai na nagpapatubo ng langis at isang sawsawan para sa mga kumakain.
وَاِنَّ لَكُمْ فِى الْاَنْعَامِ لَعِبْرَةًۗ نُسْقِيْكُمْ مِّمَّا فِيْ بُطُوْنِهَا وَلَكُمْ فِيْهَا مَنَافِعُ كَثِيْرَةٌ وَّمِنْهَا تَأْكُلُوْنَ ۙ٢١
Wa inna lakum fil-an‘āmi la‘ibrah(tan), nusqīkum mimmā fī buṭūnihā wa lakum fīhā manāfi‘u kaṡīratuw wa minhā ta'kulūn(a).
[21]
Tunay na para sa inyo sa mga hayupan ay talagang may aral. Nagpapainom Kami sa inyo mula sa nasa mga tiyan ng mga ito. Para sa inyo sa mga ito ay mga pakinabang na marami at mula sa mga ito ay kumakain kayo.
وَعَلَيْهَا وَعَلَى الْفُلْكِ تُحْمَلُوْنَ ࣖ٢٢
Wa ‘alaihā wa ‘alal-fulki tuḥmalūn(a).
[22]
Sa ibabaw ng mga ito at sa ibabaw ng mga daong dinadala kayo.
وَلَقَدْ اَرْسَلْنَا نُوْحًا اِلٰى قَوْمِهٖ فَقَالَ يٰقَوْمِ اعْبُدُوا اللّٰهَ مَا لَكُمْ مِّنْ اِلٰهٍ غَيْرُهٗۗ اَفَلَا تَتَّقُوْنَ٢٣
Wa laqad arsalnā nūḥan ilā qaumihī fa qāla yā qaumi‘budullāha mā lakum min ilāhin gairuh(ū), afalā tattaqūn(a).
[23]
Talaga ngang nagsugo Kami kay Noe sa mga kababayan niya, saka nagsabi siya: “O mga kababayan ko, sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala?”
فَقَالَ الْمَلَؤُا الَّذِيْنَ كَفَرُوْا مِنْ قَوْمِهٖ مَا هٰذَآ اِلَّا بَشَرٌ مِّثْلُكُمْۙ يُرِيْدُ اَنْ يَّتَفَضَّلَ عَلَيْكُمْۗ وَلَوْ شَاۤءَ اللّٰهُ لَاَنْزَلَ مَلٰۤىِٕكَةً ۖمَّا سَمِعْنَا بِهٰذَا فِيْٓ اٰبَاۤىِٕنَا الْاَوَّلِيْنَ ۚ٢٤
Fa qālal-mala'ul-lażīna kafarū min qaumihī mā hāżā illā basyarum miṡlukum, yurīdu ay yatafaḍḍala ‘alaikum, wa lau syā'allāhu la'anzala malā'ikah(tan), mā sami‘nā bihāżā fī ābā'inal-awwalīn(a).
[24]
Kaya nagsabi ang konseho na mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga kababayan niya: “Walang iba ito kundi isang taong tulad ninyo, na nagnanais magpakalamang sa inyo. Kung sakaling niloob ni Allāh ay talaga sanang nagpababa Siya ng mga anghel. Hindi tayo nakarinig hinggil dito sa mga ninuno nating sinauna.
اِنْ هُوَ اِلَّا رَجُلٌۢ بِهٖ جِنَّةٌ فَتَرَبَّصُوْا بِهٖ حَتّٰى حِيْنٍ٢٥
In huwa illā rajulum bihī jinnatun fa tarabbaṣū bihī ḥattā ḥīn(in).
[25]
Walang iba siya kundi isang lalaking sa kanya ay may kabaliwan, kaya mag-abang kayo sa kanya hanggang sa isang panahon.”
قَالَ رَبِّ انْصُرْنِيْ بِمَا كَذَّبُوْنِ٢٦
Qāla rabbinṣurnī bimā każżabūn(i).
[26]
Nagsabi [si Noe]: “Panginoon ko, mag-adya Ka sa akin dahil nagpasinungaling sila sa akin.”
فَاَوْحَيْنَآ اِلَيْهِ اَنِ اصْنَعِ الْفُلْكَ بِاَعْيُنِنَا وَوَحْيِنَا فَاِذَا جَاۤءَ اَمْرُنَا وَفَارَ التَّنُّوْرُۙ فَاسْلُكْ فِيْهَا مِنْ كُلٍّ زَوْجَيْنِ اثْنَيْنِ وَاَهْلَكَ اِلَّا مَنْ سَبَقَ عَلَيْهِ الْقَوْلُ مِنْهُمْۚ وَلَا تُخَاطِبْنِيْ فِى الَّذِيْنَ ظَلَمُوْاۚ اِنَّهُمْ مُّغْرَقُوْنَ٢٧
Fa auḥainā ilaihi aniṣna‘il-fulka bi'a‘yuninā wa waḥyinā fa iżā jā'a amrunā wafārat-tannūr(u), fasluk fīhā min kullin zaujainiṡnaini wa ahlaka illā man sabaqa ‘alaihil-qaulu minhum, wa lā tukhāṭibnī fil-lażīna ẓalamū, innahum mugraqūn(a).
[27]
Kaya nagkasi Kami sa kanya, na [nagsasabi]: “Yumari ka ng daong sa [ilalim ng] mga mata Namin at pagkasi Namin. Kaya kapag dumating ang utos Namin at nagsambulat [ng tubig] ang pugon ay magpasok ka sa loob niyon ng mula sa bawat dalawang magkapares, ng mag-anak mo – maliban sa isang nauna sa kanya ang hatol kabilang sa kanila – at huwag kang kumausap sa Akin kaugnay sa mga lumabag sa katarungan; tunay na sila ay mga malulunod.
فَاِذَا اسْتَوَيْتَ اَنْتَ وَمَنْ مَّعَكَ عَلَى الْفُلْكِ فَقُلِ الْحَمْدُ لِلّٰهِ الَّذِيْ نَجّٰىنَا مِنَ الْقَوْمِ الظّٰلِمِيْنَ٢٨
Fa iżastawaita anta wa mam ma‘aka ‘alal-fulki fa qulil-ḥamdu lillāhil-lażī najjānā minal-qaumiẓ-ẓālimīn(a).
[28]
Kaya kapag lumulan ka at ang sinumang kasama sa iyo sa daong ay sabihin mo: “Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagligtas sa amin mula sa mga taong tagalabag sa katarungan.”
وَقُلْ رَّبِّ اَنْزِلْنِيْ مُنْزَلًا مُّبٰرَكًا وَّاَنْتَ خَيْرُ الْمُنْزِلِيْنَ٢٩
Wa qur rabbi anzilnī munzalam mubārakaw wa anta khairul-munzilīn(a).
[29]
Sabihin mo: “Panginoon ko, magpatuloy Ka sa akin sa isang pinatutuluyang pinagpala yamang Ikaw ay ang pinakamabuti sa mga tagapagpatuloy.”
اِنَّ فِيْ ذٰلِكَ لَاٰيٰتٍ وَّاِنْ كُنَّا لَمُبْتَلِيْنَ٣٠
Inna fī żālika la'āyātiw wa in kunnā lamubtalīn(a).
[30]
Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda at tunay na Kami noon ay talagang sumusubok.
ثُمَّ اَنْشَأْنَا مِنْۢ بَعْدِهِمْ قَرْنًا اٰخَرِيْنَ ۚ٣١
Ṡumma ansya'nā mim ba‘dihim qarnan ākharīn(a).
[31]
Pagkatapos nagpaluwal Kami matapos na nila ng isang salinlahing iba pa.
فَاَرْسَلْنَا فِيْهِمْ رَسُوْلًا مِّنْهُمْ اَنِ اعْبُدُوا اللّٰهَ مَا لَكُمْ مِّنْ اِلٰهٍ غَيْرُهٗۗ اَفَلَا تَتَّقُوْنَ ࣖ٣٢
Fa arsalnā fīhim rasūlam minhum ani‘budullāha mā lakum min ilāhin gairuh(ū), afalā tattaqūn(a).
[32]
Saka nagsugo Kami sa kanila ng isang sugo [na si Propeta Hūd na] kabilang sa kanila, na [nagsasabi]: “Sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala?”
وَقَالَ الْمَلَاُ مِنْ قَوْمِهِ الَّذِيْنَ كَفَرُوْا وَكَذَّبُوْا بِلِقَاۤءِ الْاٰخِرَةِ وَاَتْرَفْنٰهُمْ فِى الْحَيٰوةِ الدُّنْيَاۙ مَا هٰذَآ اِلَّا بَشَرٌ مِّثْلُكُمْۙ يَأْكُلُ مِمَّا تَأْكُلُوْنَ مِنْهُ وَيَشْرَبُ مِمَّا تَشْرَبُوْنَ٣٣
Wa qālal-mala'u min qaumihil-lażīna kafarū wa każżabū biliqā'il-ākhirati wa atrafnāhum fil-ḥayātid-dun-yā, mā hāżā illā basyarum miṡlukum, ya'kulu mimmā ta'kulūna minhu wa yasyrabu mimmā tasyrabūn(a).
[33]
Nagsabi ang konseho kabilang sa mga kalipi niya na mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa pakikipagkita sa Kabilang-buhay samantalang nagpariwasa Kami sa kanila sa Buhay sa Mundo: “Walang iba ito kundi isang taong tulad ninyo; kumakain siya mula sa kinakain ninyo at umiinom siya mula sa iniinom ninyo.
وَلَىِٕنْ اَطَعْتُمْ بَشَرًا مِّثْلَكُمْ اِنَّكُمْ اِذًا لَّخٰسِرُوْنَ ۙ٣٤
Wa la'in aṭa‘tum basyaram miṡlakum innakum iżal lakhāsirūn(a).
[34]
Talagang kung tumalima kayo sa isang taong tulad ninyo, tunay na kayo, samakatuwid, ay talagang mga lugi.
اَيَعِدُكُمْ اَنَّكُمْ اِذَا مِتُّمْ وَكُنْتُمْ تُرَابًا وَّعِظَامًا اَنَّكُمْ مُّخْرَجُوْنَ ۖ٣٥
Aya‘idukum annakum iżā mittum wa kuntum turābaw wa ‘iẓāman annakum mukhrajūn(a).
[35]
Nangangako ba siya sa inyo na kayo, kapag namatay kayo at naging alabok at buto kayo, ay mga ilalabas?
۞ هَيْهَاتَ هَيْهَاتَ لِمَا تُوْعَدُوْنَ ۖ٣٦
Haihāta haihāta limā tū‘adūn(a).
[36]
Pagkalayu-layo ito, pagkalayu-layo ito para sa ipinangangako sa inyo.
اِنْ هِيَ اِلَّا حَيَاتُنَا الدُّنْيَا نَمُوْتُ وَنَحْيَا وَمَا نَحْنُ بِمَبْعُوْثِيْنَ ۖ٣٧
In hiya illā ḥayātunad-dun-yā namūtu wa naḥyā wa mā naḥnu bimab‘ūṡīn(a).
[37]
Walang iba ito kundi buhay nating pangmundo; namamatay tayo at nabubuhay tayo at tayo ay hindi mga bubuhayin.
اِنْ هُوَ اِلَّا رَجُلُ ِۨافْتَرٰى عَلَى اللّٰهِ كَذِبًا وَّمَا نَحْنُ لَهٗ بِمُؤْمِنِيْنَ٣٨
In huwa illā rajuluniftarā ‘alallāhi każibaw wa mā naḥnu lahū bimu'minīn(a).
[38]
Walang iba siya kundi isang lalaking gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan. Tayo ay sa kanya ay hindi mga maniniwala.”
قَالَ رَبِّ انْصُرْنِيْ بِمَا كَذَّبُوْنِ٣٩
Qāla rabbinṣurnī bimā każżabūn(i).
[39]
Nagsabi [si Noe]: “Panginoon ko, mag-adya Ka sa akin dahil nagpasinungaling sila sa akin.”
قَالَ عَمَّا قَلِيْلٍ لَّيُصْبِحُنَّ نٰدِمِيْنَ ۚ٤٠
Qāla ‘ammā qalīlil layuṣbiḥunna nādimīn(a).
[40]
Nagsabi Siya: “Sa kaunting [panahon], talagang sila nga ay magiging mga magsisisi.”
فَاَخَذَتْهُمُ الصَّيْحَةُ بِالْحَقِّ فَجَعَلْنٰهُمْ غُثَاۤءًۚ فَبُعْدًا لِّلْقَوْمِ الظّٰلِمِيْنَ٤١
Fa akhażathumuṣ-ṣaiḥatu bil-ḥaqqi fa ja'alahum guṡā'ā(n), fa bu‘dal lil-qaumiẓ-ẓālimīn(a).
[41]
Kaya dumaklot sa kanila ang hiyaw ayon sa katotohanan kaya gumawa Kami sa kanila bilang yagit. Kaya kalayuan [sa awa] ay ukol sa mga taong tagalabag sa katarungan.
ثُمَّ اَنْشَأْنَا مِنْۢ بَعْدِهِمْ قُرُوْنًا اٰخَرِيْنَ ۗ٤٢
Ṡumma ansya'nā mim ba‘dihim qurūnan ākharīn(a).
[42]
Pagkatapos nagpaluwal Kami matapos na nila ng mga salinlahing iba pa.
مَا تَسْبِقُ مِنْ اُمَّةٍ اَجَلَهَا وَمَا يَسْتَأْخِرُوْنَ ۗ٤٣
Mā tasbiqu min ummatin ajalahā wa mā yasta'khirūn(a).
[43]
Hindi nauunahan ng anumang kalipunan ang taning nito at hindi sila nakapagpapaantala.
ثُمَّ اَرْسَلْنَا رُسُلَنَا تَتْرَاۗ كُلَّمَا جَاۤءَ اُمَّةً رَّسُوْلُهَا كَذَّبُوْهُ فَاَتْبَعْنَا بَعْضَهُمْ بَعْضًا وَّجَعَلْنٰهُمْ اَحَادِيْثَۚ فَبُعْدًا لِّقَوْمٍ لَّا يُؤْمِنُوْنَ٤٤
Ṡumma arsalnā rusulanā tatrā, kullamā jā'a ummatar rasūluhā każżabūhu fa atba‘nā ba‘ḍahum ba‘ḍaw wa ja‘alnāhum aḥādīṡ(a), fa bu‘dal liqaumil lā yu'minūn(a).
[44]
Pagkatapos nagsugo Kami ng mga sugo Namin nang sunud-sunod. Sa tuwing dumarating sa isang kalipunan ang sugo nito ay nagpapasinungaling sila rito. Kaya nagpasunod Kami sa iba sa kanila ng iba pa at gumawa Kami sa kanila bilang mga usap-usapan. Kaya kalayuan [sa awa] ay ukol sa mga taong hindi sumasampalataya.
ثُمَّ اَرْسَلْنَا مُوْسٰى وَاَخَاهُ هٰرُوْنَ ەۙ بِاٰيٰتِنَا وَسُلْطٰنٍ مُّبِيْنٍۙ٤٥
Ṡumma arsalnā mūsā wa akhāhu hārūn(a), bi'āyātinā wa sulṭānim mubīn(in).
[45]
Pagkatapos nagsugo Kami kay Moises at sa kapatid niyang si Aaron kalakip ng mga tanda Namin at isang katunayang malinaw
اِلٰى فِرْعَوْنَ وَمَلَا۟ىِٕهٖ فَاسْتَكْبَرُوْا وَكَانُوْا قَوْمًا عَالِيْنَ ۚ٤٦
Ilā fir‘auna wa mala'ihī fastakbarū wa kānū qauman ‘ālīn(a).
[46]
kay Paraon at sa konseho niya ngunit nagmalaki sila at sila noon ay mga taong nagpapakataas.344
[344] dahil sa panlulupig at kawalang-katarungan.
فَقَالُوْٓا اَنُؤْمِنُ لِبَشَرَيْنِ مِثْلِنَا وَقَوْمُهُمَا لَنَا عٰبِدُوْنَ ۚ٤٧
Fa qālū anu'minu libasyaraini miṡlinā wa qaumuhumā lanā ‘ābidūn(a).
[47]
Kaya nagsabi sila: “Maniniwala ba kami sa dalawang tao345 na tulad namin samantalang ang mga kalipi nilang dalawa sa amin ay mga tagapaglingkod?”
[345] na sina Moises at Aaron
فَكَذَّبُوْهُمَا فَكَانُوْا مِنَ الْمُهْلَكِيْنَ٤٨
Fa każżabūhumā fa kānū minal-muhlakīn(a).
[48]
Kaya nagpasinungaling sila sa kanilang dalawa kaya sila ay naging kabilang sa mga ipinasasawi.
وَلَقَدْ اٰتَيْنَا مُوْسَى الْكِتٰبَ لَعَلَّهُمْ يَهْتَدُوْنَ٤٩
Wa laqad ātainā mūsal-kitāba la‘allahum yahtadūn(a).
[49]
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng kasulatan nang sa gayon sila ay mapapatnubayan.
وَجَعَلْنَا ابْنَ مَرْيَمَ وَاُمَّهٗٓ اٰيَةً وَّاٰوَيْنٰهُمَآ اِلٰى رَبْوَةٍ ذَاتِ قَرَارٍ وَّمَعِيْنٍ ࣖ٥٠
Wa ja‘alnabna maryama wa ummahū āyataw wa āwaināhumā ilā rabwatin żāti qarāriw wa ma‘īn(in).
[50]
Gumawa Kami sa anak ni Maria at ina niya bilang tanda [ng kapangyarihan Namin] at nagkanlong Kami sa kanilang dalawa sa isang burol na may pamamalagian at tubigan.
يٰٓاَيُّهَا الرُّسُلُ كُلُوْا مِنَ الطَّيِّبٰتِ وَاعْمَلُوْا صَالِحًاۗ اِنِّيْ بِمَا تَعْمَلُوْنَ عَلِيْمٌ ۗ٥١
Yā ayyuhar-rusulu kulū minaṭ-ṭayyibāti wa‘malū ṣāliḥā(n), innī bimā ta‘malūna ‘alīm(un).
[51]
O mga sugo, kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay at gumawa kayo ng maayos. Tunay na Ako sa anumang ginagawa ninyo ay Maalam.
وَاِنَّ هٰذِهٖٓ اُمَّتُكُمْ اُمَّةً وَّاحِدَةً وَّاَنَا۠ رَبُّكُمْ فَاتَّقُوْنِ٥٢
Wa inna hāżihī ummatukum ummataw wāḥidataw wa ana rabbukum fattaqūn(i).
[52]
Tunay na ito ay kalipunan ninyo – kalipunang nag-iisa, at Ako ay Panginoon ninyo kaya mangilag kayong magkasala sa Akin.
فَتَقَطَّعُوْٓا اَمْرَهُمْ بَيْنَهُمْ زُبُرًاۗ كُلُّ حِزْبٍۢ بِمَا لَدَيْهِمْ فَرِحُوْنَ٥٣
Fa taqaṭṭa‘ū amrahum bainahum zuburā(n), kullu ḥizbim bimā ladaihim fariḥūn(a).
[53]
Ngunit nagkaputul-putol sila sa lagay346 nila sa pagitan nila bilang mga pangkatin. Bawat lapian sa taglay nila ay mga natutuwa.
[346] Ibig sabihin: nagkahati-hati sa relihiyon ang mga tagagusno nito.
فَذَرْهُمْ فِيْ غَمْرَتِهِمْ حَتّٰى حِيْنٍ٥٤
Fa żarhum fī gamratihim ḥattā ḥīn(in).
[54]
Kaya hayaan mo sila sa kalituhan nila hanggang sa isang panahon.
اَيَحْسَبُوْنَ اَنَّمَا نُمِدُّهُمْ بِهٖ مِنْ مَّالٍ وَّبَنِيْنَ ۙ٥٥
Ayaḥsabūna annamā numidduhum bihī mim māliw wabanīn(a).
[55]
Nag-aakala ba sila347 na ang inaayuda Namin sa kanila na yaman at mga anak
[347] Ibig sabihin: ang mga pangkatin ng mga tagatangging sumampalataya.
نُسَارِعُ لَهُمْ فِى الْخَيْرٰتِۗ بَلْ لَّا يَشْعُرُوْنَ٥٦
Nusāri‘u lahum fil-khairāt(i), bal lā yasy‘urūn(a).
[56]
ay [dahil] nagmamabilis Kami para sa kanila sa mga mabuting bagay? Bagkus hindi sila nakadarama?
اِنَّ الَّذِيْنَ هُمْ مِّنْ خَشْيَةِ رَبِّهِمْ مُّشْفِقُوْنَ ۙ٥٧
Innal-lażīna hum min khasy-yati rabbihim musyfiqūn(a).
[57]
Tunay na silang dahil sa takot sa Kanya ay mga nababagabag,
وَالَّذِيْنَ هُمْ بِاٰيٰتِ رَبِّهِمْ يُؤْمِنُوْنَ ۙ٥٨
Wal-lażīna hum bi'āyāti rabbihim yu'minūn(a).
[58]
na silang sa mga tanda ng Panginoon nila ay sumasampalataya,
وَالَّذِيْنَ هُمْ بِرَبِّهِمْ لَا يُشْرِكُوْنَ ۙ٥٩
Wal-lażīna hum birabbihim lā yusyrikūn(a).
[59]
na silang sa Panginoon nila ay hindi nagtatambal,
وَالَّذِيْنَ يُؤْتُوْنَ مَآ اٰتَوْا وَّقُلُوْبُهُمْ وَجِلَةٌ اَنَّهُمْ اِلٰى رَبِّهِمْ رٰجِعُوْنَ ۙ٦٠
Wal-lażīna yu'tūna mā ātaw wa qulūbuhum wajilatun annahum ilā rabbihim rāji‘ūn(a).
[60]
na nagbibigay ng ibinigay nila habang ang mga puso nila ay nasisindak na sila sa Panginoon nila ay mga babalik,
اُولٰۤىِٕكَ يُسَارِعُوْنَ فِى الْخَيْرٰتِ وَهُمْ لَهَا سٰبِقُوْنَ٦١
Ulā'ika yusāri‘ūna fil-khairāti wa hum lahā sābiqūn(a).
[61]
ang mga iyon ay nagmamabilis sa mga mabuting bagay, at sila sa mga ito ay nauuna [sa iba].
وَلَا نُكَلِّفُ نَفْسًا اِلَّا وُسْعَهَاۖ وَلَدَيْنَا كِتٰبٌ يَّنْطِقُ بِالْحَقِّ وَهُمْ لَا يُظْلَمُوْنَ٦٢
Wa lā nukallifu nafsan illā wus‘ahā, wa ladainā kitābuy yanṭiqu bil-ḥaqqi wa hum lā yuẓlamūn(a).
[62]
Hindi Kami nag-aatang sa isang kaluluwa malibang ayon sa kaya nito. Mayroon Kaming isang talaang bumibigkas ng katotohanan at sila ay hindi lalabagin sa katarungan.
بَلْ قُلُوْبُهُمْ فِيْ غَمْرَةٍ مِّنْ هٰذَا وَلَهُمْ اَعْمَالٌ مِّنْ دُوْنِ ذٰلِكَ هُمْ لَهَا عٰمِلُوْنَ٦٣
Bal qulūbuhum fī gamratim min hāżā wa lahum a‘mālum min dūni żālika hum lahā ‘āmilūn(a).
[63]
Bagkus ang mga puso nila ay nasa isang kalituhan rito, at mayroon silang mga gawang [masama] bukod pa roon, na sila ay gumagawa ng mga ito;
حَتّٰىٓ اِذَآ اَخَذْنَا مُتْرَفِيْهِمْ بِالْعَذَابِ اِذَا هُمْ يَجْـَٔرُوْنَ ۗ٦٤
Ḥattā iżā akhażnā mutrafīhim bil-‘ażābi iżā hum yaj'arūn(a).
[64]
hanggang sa nang nagpataw Kami sa mga pinariwasa sa kanila ng pagdurusa, biglang sila ay umuungol.
لَا تَجْـَٔرُوا الْيَوْمَۖ اِنَّكُمْ مِّنَّا لَا تُنْصَرُوْنَ٦٥
Lā taj'arul-yaum(a), innakum minnā lā tunṣarūn(a).
[65]
Huwag kayong umungol ngayon araw; tunay na kayo mula sa Amin ay hindi maiaadya.
قَدْ كَانَتْ اٰيٰتِيْ تُتْلٰى عَلَيْكُمْ فَكُنْتُمْ عَلٰٓى اَعْقَابِكُمْ تَنْكِصُوْنَ ۙ٦٦
Qad kānat āyātī tutlā ‘alaikum fa kuntum ‘alā a‘qābikum tankiṣūn(a).
[66]
Ang mga talata Ko nga noon ay binibigkas sa inyo ngunit kayo noon sa mga sakong ninyo ay umuurong
مُسْتَكْبِرِيْنَۙ بِهٖ سٰمِرًا تَهْجُرُوْنَ٦٧
Mustakbirīn(a), bihī sāmiran tahjurūn(a).
[67]
habang mga nagmamalaki hinggil dito samantalang nagpupuyat habang namimintas sila.
اَفَلَمْ يَدَّبَّرُوا الْقَوْلَ اَمْ جَاۤءَهُمْ مَّا لَمْ يَأْتِ اٰبَاۤءَهُمُ الْاَوَّلِيْنَ ۖ٦٨
Afalam yaddabbarul-qaula am jā'ahum mā lam ya'ti ābā'ahumul-awwalīn(a).
[68]
Kaya hindi ba sila nagmumuni-muni sa sinabi [ni Allāh] o dumating sa kanila ang hindi dumating sa mga magulang nilang sinauna?
اَمْ لَمْ يَعْرِفُوْا رَسُوْلَهُمْ فَهُمْ لَهٗ مُنْكِرُوْنَ ۖ٦٩
Am lam ya‘rifū rasūlahum fahum lahū munkirūn(a).
[69]
O hindi sila nakakilala sa Sugo nila kaya sila sa kanya ay mga tagapagkaila?
اَمْ يَقُوْلُوْنَ بِهٖ جِنَّةٌ ۗ بَلْ جَاۤءَهُمْ بِالْحَقِّ وَاَكْثَرُهُمْ لِلْحَقِّ كٰرِهُوْنَ٧٠
Am yaqūlūna bihī jinnah(tun), bal jā'ahum bil-ḥaqqi wa akṡaruhum lil-ḥaqqi kārihūn(a).
[70]
O nagsasabi sila na sa kanya ay may isang kabaliwan? Bagkus naghatid siya sa kanila ng katotohanan habang ang higit na marami sa kanila sa katotohanan ay mga nasusuklam.
وَلَوِ اتَّبَعَ الْحَقُّ اَهْوَاۤءَهُمْ لَفَسَدَتِ السَّمٰوٰتُ وَالْاَرْضُ وَمَنْ فِيْهِنَّۗ بَلْ اَتَيْنٰهُمْ بِذِكْرِهِمْ فَهُمْ عَنْ ذِكْرِهِمْ مُّعْرِضُوْنَ ۗ٧١
Wa lawittaba‘al-ḥaqqu ahwā'ahum lafasadatis-samāwātu wal-arḍu wa man fīhinn(a), bal ataināhum biżikrihim fahum ‘an żikrihim mu‘riḍūn(a).
[71]
Kung sakaling sumunod ang katotohanan sa mga pithaya nila ay talaga sanang nagulo ang mga langit at ang lupa at ang sinumang nasa mga ito. Bagkus nagdala Kami sa kanila ng [Qur’ān na] paalaala sa kanila, ngunit sila sa paalaala sa kanila ay mga tagaayaw.
اَمْ تَسْـَٔلُهُمْ خَرْجًا فَخَرَاجُ رَبِّكَ خَيْرٌ ۖوَّهُوَ خَيْرُ الرّٰزِقِيْنَ٧٢
Am tas'aluhum kharjan fa kharāju rabbika khair(un), wa huwa khairur-rāziqīn(a).
[72]
O humihingi ka ba sa kanila ng kabayaran sapagkat ang bayad ng Panginoon mo ay higit na mabuti at Siya ay ang pinakambuti sa mga tagatustos.
وَاِنَّكَ لَتَدْعُوْهُمْ اِلٰى صِرَاطٍ مُّسْتَقِيْمٍ٧٣
Wa innaka latad‘ūhum ilā ṣirāṭim mustaqīm(in).
[73]
Tunay na ikaw ay talagang nag-aanyaya sa kanila tungo sa isang landasing tuwid [ng Islām].
وَاِنَّ الَّذِيْنَ لَا يُؤْمِنُوْنَ بِالْاٰخِرَةِ عَنِ الصِّرَاطِ لَنٰكِبُوْنَ٧٤
Wa innal-lażīna lā yu'minūna bil-ākhirati ‘aniṣ-ṣirāṭi lanākibūn(a).
[74]
Tunay na ang mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay palayo sa landasin ay talagang mga pumapaling.
۞ وَلَوْ رَحِمْنٰهُمْ وَكَشَفْنَا مَا بِهِمْ مِّنْ ضُرٍّ لَّلَجُّوْا فِيْ طُغْيَانِهِمْ يَعْمَهُوْنَ٧٥
Wa lau raḥimnāhum wa kasyafnā mā bihim min ḍurril lalajjū fī ṭugyānihim ya‘mahūn(a).
[75]
Kahit pa naawa Kami sa kanila at nag-alis Kami ng taglay nilang kapinsalaan [ng tagtuyot at gutom] ay talagang nagmatigas sila sa pagmamalabis nila habang nag-aapuhap sila.
وَلَقَدْ اَخَذْنٰهُمْ بِالْعَذَابِ فَمَا اسْتَكَانُوْا لِرَبِّهِمْ وَمَا يَتَضَرَّعُوْنَ٧٦
Wa laqad akhażnāhum bil-‘ażābi famastakānū lirabbihim wa mā yataḍarra‘ūn(a).
[76]
Talaga ngang nagpataw Kami sa kanila ng pagdurusa ngunit hindi sila nangayupapa sa Panginoon nila at hindi sila nagsusumamo;
حَتّٰىٓ اِذَا فَتَحْنَا عَلَيْهِمْ بَابًا ذَا عَذَابٍ شَدِيْدٍ اِذَا هُمْ فِيْهِ مُبْلِسُوْنَ ࣖ٧٧
Ḥattā iżā fataḥnā ‘alaihim bāban żā ‘ażābin syadīdin iżā hum fīhi mublisūn(a).
[77]
hanggang sa nang nagbukas Kami sa kanila ng isang pintuang may isang pagdurusang matindi, biglang sila roon ay mga nalulumbay.
وَهُوَ الَّذِيْٓ اَنْشَاَ لَكُمُ السَّمْعَ وَالْاَبْصَارَ وَالْاَفْـِٕدَةَۗ قَلِيْلًا مَّا تَشْكُرُوْنَ٧٨
Wa huwal-lażī yuḥyī wa yumītu wa lahukhtilāful-laili wan-nahār(i), afalā ta‘qilūn(a).
[78]
Siya ay ang nagpaluwal para sa inyo ng pandinig, mga paningin, at mga puso. Kaunti ang pinasasalamatan ninyo!
وَهُوَ الَّذِيْ ذَرَاَكُمْ فِى الْاَرْضِ وَاِلَيْهِ تُحْشَرُوْنَ٧٩
Bal qālū miṡla mā qālal-awwalūn(a).
[79]
Siya ay ang lumalang sa inyo sa lupa at tungo sa Kanya kakalapin kayo.
وَهُوَ الَّذِيْ يُحْيٖ وَيُمِيْتُ وَلَهُ اخْتِلَافُ الَّيْلِ وَالنَّهَارِۗ اَفَلَا تَعْقِلُوْنَ٨٠
Qālū a'iżā mitnā wa kunnā turābaw wa ‘iẓāman a'innā lamab‘ūṡūn(a).
[80]
Siya ay ang nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan. Sa Kanya ang pagsasalitan ng gabi at maghapon. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa?
بَلْ قَالُوْا مِثْلَ مَا قَالَ الْاَوَّلُوْنَ٨١
Laqad wu‘idnā naḥnu wa ābā'unā hāżā min qablu in hāżā illā asāṭīrul-awwalīn(a).
[81]
Bagkus nagsabi sila ng tulad sa sinabi ng mga sinauna.
قَالُوْٓا ءَاِذَا مِتْنَا وَكُنَّا تُرَابًا وَّعِظَامًا ءَاِنَّا لَمَبْعُوْثُوْنَ٨٢
Qālū a'iżā mitnā wa kunnā turābaw wa ‘iẓāman a'innā lamab‘ūṡūn(a).
[82]
Nagsabi sila: “Kapag namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga buto, tunay bang kami ay talagang mga bubuhayin?”
لَقَدْ وُعِدْنَا نَحْنُ وَاٰبَاۤؤُنَا هٰذَا مِنْ قَبْلُ اِنْ هٰذَآ اِلَّآ اَسَاطِيْرُ الْاَوَّلِيْنَ٨٣
Laqad wu‘idnā naḥnu wa ābā'unā hāżā min qablu in hāżā illā asāṭīrul-awwalīn(a).
[83]
Talaga ngang pinangakuan Kami mismo at ang mga magulang namin nito bago pa niyan. Walang iba ito kundi mga alamat ng mga sinauna.
قُلْ لِّمَنِ الْاَرْضُ وَمَنْ فِيْهَآ اِنْ كُنْتُمْ تَعْلَمُوْنَ٨٤
Qul limanil-arḍu wa man fīhā in kuntum ta‘lamūn(a).
[84]
Sabihin mo: “Kanino ang lupa at ang sinumang narito kung kayo ay nakaaalam?”
سَيَقُوْلُوْنَ لِلّٰهِ ۗقُلْ اَفَلَا تَذَكَّرُوْنَ٨٥
Sayaqūlūna lillāh(i), qul afalā tażakkarūn(a).
[85]
Magsasabi sila: “Sa kay Allāh.” Sabihin mo: “Kaya hindi ba kayo magsasaalaala?”
قُلْ مَنْ رَّبُّ السَّمٰوٰتِ السَّبْعِ وَرَبُّ الْعَرْشِ الْعَظِيْمِ٨٦
Qul mar rabbus-samāwātis-sab‘i wa rabbul-‘arsyil-‘aẓīm(i).
[86]
Sabihin mo: “Sino ang Panginoon ng pitong langit at ang Panginoon ng tronong dakila?”
سَيَقُوْلُوْنَ لِلّٰهِ ۗقُلْ اَفَلَا تَتَّقُوْنَ٨٧
Sayaqūlūna lillāh(i), qul afalā tattaqūn(a).
[87]
Magsasabi sila: “[Ang mga ito ay] sa kay Allāh.” Sabihin mo: “Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala?”
قُلْ مَنْۢ بِيَدِهٖ مَلَكُوْتُ كُلِّ شَيْءٍ وَّهُوَ يُجِيْرُ وَلَا يُجَارُ عَلَيْهِ اِنْ كُنْتُمْ تَعْلَمُوْنَ٨٨
Qul mam biyadihī malakūtu kulli syai'iw wa huwa yujīru wa lā yujāru ‘alaihi in kuntum ta‘lamūn(a).
[88]
Sabihin mo: “Sino ang nasa kamay Niya ang pagkahari sa bawat bagay at Siya ay kumakalinga at hindi kinakalinga, kung kayo ay nakaaalam?”
سَيَقُوْلُوْنَ لِلّٰهِ ۗقُلْ فَاَنّٰى تُسْحَرُوْنَ٨٩
Sayaqūlūna lillāh(i), qul fa annā tusḥarūn(a).
[89]
Magsasabi sila: “[Ang mga ito ay] sa kay Allāh.” Sabihin mo: “Kaya paanong napaglalalangan kayo?”
بَلْ اَتَيْنٰهُمْ بِالْحَقِّ وَاِنَّهُمْ لَكٰذِبُوْنَ٩٠
Bal ataināhum bil-ḥaqqi wa innahum lakāżibūn(a).
[90]
Bagkus nagdala Kami sa kanila ng katotohanan, at tunay na sila ay talagang mga sinungaling.
مَا اتَّخَذَ اللّٰهُ مِنْ وَّلَدٍ وَّمَا كَانَ مَعَهٗ مِنْ اِلٰهٍ اِذًا لَّذَهَبَ كُلُّ اِلٰهٍۢ بِمَا خَلَقَ وَلَعَلَا بَعْضُهُمْ عَلٰى بَعْضٍۗ سُبْحٰنَ اللّٰهِ عَمَّا يَصِفُوْنَ ۙ٩١
Mattakhażallāhu miw waladiw wa mā kāna ma‘ahū min ilāhin iżal lażahaba kullu ilāhim bimā khalaqa wa la‘alā ba‘ḍuhum ‘alā ba‘ḍ(in), subḥānallāhi ‘ammā yaṣifūn(a).
[91]
Hindi gumawa si Allāh ng anumang anak. Hindi nangyaring may kasama sa Kanya na anumang diyos. [Kung nagkagayon] samakatuwid talaga sanang nag-alis ang bawat diyos ng nilikha nito at talaga sanang nangibabaw ang ilan sa kanila higit sa iba. Kaluwalhatian kay Allāh higit sa anumang inilalarawan nila!
عٰلِمِ الْغَيْبِ وَالشَّهَادَةِ فَتَعٰلٰى عَمَّا يُشْرِكُوْنَ ࣖ٩٢
‘Ālimil-gaibi wasy-syahādati fa ta‘ālā ‘ammā yusyrikūn(a).
[92]
Tagaalam sa nakalingid at nasasaksihan, kaya napakataas Siya higit sa anumang itinatambal nila.
قُلْ رَّبِّ اِمَّا تُرِيَنِّيْ مَا يُوْعَدُوْنَ ۙ٩٣
Qur rabbi immā turiyannī mā yū‘adūn(a).
[93]
Sabihin mo: “Panginoon ko, kung magpakita ka nga naman sa akin ng ipinangangako sa kanila,
رَبِّ فَلَا تَجْعَلْنِيْ فِى الْقَوْمِ الظّٰلِمِيْنَ٩٤
Rabbi falā taj‘alnī fil-qaumiẓ-ẓālimīn(a).
[94]
Panginoon ko, huwag Kang maglagay sa akin sa mga taong tagalabag sa katarungan.”
وَاِنَّا عَلٰٓى اَنْ نُّرِيَكَ مَا نَعِدُهُمْ لَقٰدِرُوْنَ٩٥
Wa innā ‘alā an nuriyaka mā na‘iduhum laqādirūn(a).
[95]
Tunay na Kami, sa pagpapakita Namin sa iyo ng ipinangangako Namin sa kanila, ay talagang nakakakaya.
اِدْفَعْ بِالَّتِيْ هِيَ اَحْسَنُ السَّيِّئَةَۗ نَحْنُ اَعْلَمُ بِمَا يَصِفُوْنَ٩٦
Idfa‘ bil-latī hiya aḥsanus-sayyi'ah(ta), naḥnu a‘lamu bimā yaṣifūn(a).
[96]
Itaboy mo sa pamamagitan nitong higit na maganda ang masagwa. Kami ay higit na maalam sa anumang inilalarawan nila [sa Amin at sa iyo].
وَقُلْ رَّبِّ اَعُوْذُ بِكَ مِنْ هَمَزٰتِ الشَّيٰطِيْنِ ۙ٩٧
Wa qur rabbi a‘ūżu bika min hamazātisy-syayāṭīn(i).
[97]
Sabihin mo: “Panginoon ko, nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa mga pambubuyo ng mga demonyo;
وَاَعُوْذُ بِكَ رَبِّ اَنْ يَّحْضُرُوْنِ٩٨
Wa a‘ūżu bika rabbi ay yaḥḍurūn(i).
[98]
at nagpapakupkop ako sa Iyo, Panginoon ko, na dumalo sila sa akin.”
حَتّٰىٓ اِذَا جَاۤءَ اَحَدَهُمُ الْمَوْتُ قَالَ رَبِّ ارْجِعُوْنِ ۙ٩٩
Ḥattā iżā jā'a aḥadahumul-mautu qāla rabbirji‘ūn(i).
[99]
[Gayon nga] hanggang sa nang dumating sa isa sa kanila ang kamatayan ay nagsabi siya: “Panginoon ko, magpabalik Kayo sa akin [sa Mundo],
لَعَلِّيْٓ اَعْمَلُ صَالِحًا فِيْمَا تَرَكْتُ كَلَّا ۗاِنَّهَا كَلِمَةٌ هُوَ قَاۤىِٕلُهَاۗ وَمِنْ وَّرَاۤىِٕهِمْ بَرْزَخٌ اِلٰى يَوْمِ يُبْعَثُوْنَ١٠٠
La‘allī a‘malu ṣāliḥan fīmā taraktu kallā, innahā kalimatun huwa qā'iluhā, wa miw warā'ihim barzakhun ilā yaumi yub‘aṡūn(a).
[100]
nang sa gayon ako ay gagawa ng maayos sa naiwan ko!” Aba’y hindi! Tunay na ito ay isang salitang siya ay tagapagsabi nito. Mula sa likuran nila ay may isang harang hanggang sa araw na bubuhayin sila.
فَاِذَا نُفِخَ فِى الصُّوْرِ فَلَآ اَنْسَابَ بَيْنَهُمْ يَوْمَىِٕذٍ وَّلَا يَتَسَاۤءَلُوْنَ١٠١
Fa iżā nufikha fiṣ-ṣūri falā ansāba bainahum yauma'iżiw wa lā yatasā'alūn(a).
[101]
Kaya kapag umihip sa tambuli, wala nang mga kaangkanan sa pagitan nila sa Araw na iyon at hindi sila magtatanungan.
فَمَنْ ثَقُلَتْ مَوَازِيْنُهٗ فَاُولٰۤىِٕكَ هُمُ الْمُفْلِحُوْنَ١٠٢
Faman ṡaqulat mawāzīnuhū fa ulā'ika humul-mufliḥūn(a).
[102]
Kaya ang bumigat ang mga timbangan nila [ng magandang gawa], ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay.
وَمَنْ خَفَّتْ مَوَازِيْنُهٗ فَاُولٰۤىِٕكَ الَّذِيْنَ خَسِرُوْٓا اَنْفُسَهُمْ فِيْ جَهَنَّمَ خٰلِدُوْنَ ۚ١٠٣
Wa man khaffat mawāzīnuhū fa ulā'ikal-lażīna khasirū anfusahum fī jahannama khālidūn(a).
[103]
Ang gumaan ang mga timbangan nila [ng magandang gawa], ang mga iyon ang mga nagpalugi sa mga sarili nila sa impiyerno bilang mga mananatili.
تَلْفَحُ وُجُوْهَهُمُ النَّارُ وَهُمْ فِيْهَا كٰلِحُوْنَ١٠٤
Talfaḥu wujūhahumun-nāru wa hum fīhā kāliḥūn(a).
[104]
Papaso sa mga mukha nila ang Apoy habang sila roon ay mga umaangil.
اَلَمْ تَكُنْ اٰيٰتِيْ تُتْلٰى عَلَيْكُمْ فَكُنْتُمْ بِهَا تُكَذِّبُوْنَ١٠٥
Alam takun āyātī tutlā ‘alaikum fa kuntum bihā tukażżibūn(a).
[105]
[Magsasabi si Allāh]: “Hindi ba ang mga talata Ko dati ay binibigkas sa inyo ngunit kayo dati sa mga ito ay nagpapasinungaling?”
قَالُوْا رَبَّنَا غَلَبَتْ عَلَيْنَا شِقْوَتُنَا وَكُنَّا قَوْمًا ضَاۤلِّيْنَ١٠٦
Qālū rabbanā galabat ‘alainā syiqwatunā wa kunnā qauman ḍāllīn(a).
[106]
Nagsabi sila: “Panginoon namin, nanaig sa amin ang kalumbayan namin; at kami dati ay mga taong naliligaw.
رَبَّنَآ اَخْرِجْنَا مِنْهَا فَاِنْ عُدْنَا فَاِنَّا ظٰلِمُوْنَ١٠٧
Rabbanā akhrijnā minhā fa in ‘udnā fa innā ẓālimūn(a).
[107]
Panginoon namin, magpalabas Ka sa amin mula rito; saka kung nanumbalik kami, tunay na kami ay mga tagalabag sa katarungan.
قَالَ اخْسَـُٔوْا فِيْهَا وَلَا تُكَلِّمُوْنِ١٠٨
Qālakhsa'ū fīhā wa lā tukallimūn(i).
[108]
Magsasabi Siya: “Magpakahamak kayo riyan at huwag kayong magsalita sa Akin.”
اِنَّهٗ كَانَ فَرِيْقٌ مِّنْ عِبَادِيْ يَقُوْلُوْنَ رَبَّنَآ اٰمَنَّا فَاغْفِرْ لَنَا وَارْحَمْنَا وَاَنْتَ خَيْرُ الرّٰحِمِيْنَ ۚ١٠٩
Innahū kāna farīqum min ‘ibādī yaqūlūna rabbanā āmannā fagfir lanā warḥamnā wa anta khairur-rāḥimīn(a).
[109]
Tunay na may isang pangkat noon kabilang sa mga lingkod Ko, na nagsasabi: “Panginoon namin, sumampalataya kami kaya magpatawad Ka sa amin at maawa Ka sa amin; at Ikaw ay ang pinakamabuti sa mga naaawa.”
فَاتَّخَذْتُمُوْهُمْ سِخْرِيًّا حَتّٰىٓ اَنْسَوْكُمْ ذِكْرِيْ وَكُنْتُمْ مِّنْهُمْ تَضْحَكُوْنَ١١٠
Fattakhażtumūhum sikhriyyan ḥattā ansaukum żikrī wa kuntum minhum taḍḥakūn(a).
[110]
Ngunit gumawa kayo sa kanila ng isang pangungutya hanggang sa nagpalimot sila sa inyo sa pag-alaala sa Akin habang kayo noon sa kanila ay tumatawa.
اِنِّيْ جَزَيْتُهُمُ الْيَوْمَ بِمَا صَبَرُوْٓاۙ اَنَّهُمْ هُمُ الْفَاۤىِٕزُوْنَ١١١
Innī jazaituhumul-yauma bimā ṣabarū, annahum humul-fā'izūn(a).
[111]
Tunay na Ako ay gaganti sa kanila ngayong Araw dahil nagtiis sila: sila ay ang mga magtatamo.
قٰلَ كَمْ لَبِثْتُمْ فِى الْاَرْضِ عَدَدَ سِنِيْنَ١١٢
Qāla kam labiṡtum fil-arḍi ‘adada sinīn(a).
[112]
Magsasabi Siya: “Gaano katagal kayo namalagi sa lupa sa bilang ng mga taon?”
قَالُوْا لَبِثْنَا يَوْمًا اَوْ بَعْضَ يَوْمٍ فَسْـَٔلِ الْعَاۤدِّيْنَ١١٣
Qālū labiṡnā yauman au baḍa yaumin fas'alil-‘āddīn(a).
[113]
Magsasabi sila: “Namalagi kami nang isang araw o isang bahagi ng araw; ngunit magtanong Ka sa mga tagabilang.”
قٰلَ اِنْ لَّبِثْتُمْ اِلَّا قَلِيْلًا لَّوْ اَنَّكُمْ كُنْتُمْ تَعْلَمُوْنَ١١٤
Qāla il labiṡtum illā qalīlal lau annakum kuntum ta‘lamūn(a).
[114]
Magsasabi Siya: “Hindi kayo namalagi kundi sa kaunting [sandali], kung sakaling kayo noon ay nakaaalam [sa sukat ng pamamalagi ninyo].”
اَفَحَسِبْتُمْ اَنَّمَا خَلَقْنٰكُمْ عَبَثًا وَّاَنَّكُمْ اِلَيْنَا لَا تُرْجَعُوْنَ١١٥
Afa ḥasibtum annamā khalaqnākum ‘abaṡaw wa annakum ilainā lā turja‘ūn(a).
[115]
Kaya nagpalagay ba kayo na lumikha lamang Kami sa inyo nang walang-kabuluhan, at na kayo tungo sa Amin ay hindi pababalikin [para tuusin]?
فَتَعٰلَى اللّٰهُ الْمَلِكُ الْحَقُّۚ لَآ اِلٰهَ اِلَّا هُوَۚ رَبُّ الْعَرْشِ الْكَرِيْمِ١١٦
Fa ta‘ālallāhul-malikul-ḥaqq(u), lā ilāha illā huw(a), rabbul-‘arsyil-karīm(i).
[116]
Kaya napakataas si Allāh, ang Hari, ang Totoo; walang Diyos kundi Siya, ang Panginoon ng tronong marangal.
وَمَنْ يَّدْعُ مَعَ اللّٰهِ اِلٰهًا اٰخَرَ لَا بُرْهَانَ لَهٗ بِهٖۙ فَاِنَّمَا حِسَابُهٗ عِنْدَ رَبِّهٖۗ اِنَّهٗ لَا يُفْلِحُ الْكٰفِرُوْنَ١١٧
Wa may yad‘u ma‘allāhi ilāhan ākhara lā burhāna lahū bih(ī), fa innamā ḥisābuhū ‘inda rabbih(ī), innahū lā yufliḥul-kāfirūn(a).
[117]
Ang sinumang nananalangin kasama kay Allāh sa isang diyos na iba pa, na walang patotoo para sa kanya rito, ang pagtutuos sa kanya ay nasa Panginoon niya lamang. Tunay na hindi magtatagumpay ang mga tagatangging sumampalataya.
وَقُلْ رَّبِّ اغْفِرْ وَارْحَمْ وَاَنْتَ خَيْرُ الرّٰحِمِيْنَ ࣖ١١٨
Wa qur rabbigfir warḥam wa anta khairur-rāḥimīn(a).
[118]
Sabihin mo: “Panginoon ko, magpatawad Ka at maawa Ka yayamang Ikaw ay ang pinakamabuti sa mga naaawa.”