Surah Al-Hajj
بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
يٰٓاَيُّهَا النَّاسُ اتَّقُوْا رَبَّكُمْۚ اِنَّ زَلْزَلَةَ السَّاعَةِ شَيْءٌ عَظِيْمٌ١
Yā ayyuhan-nāsuttaqū rabbakum, inna zalzalatas-sā‘ati syai'un ‘aẓīm(un).
[1]
O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo! Tunay na ang pagyanig ng Huling Sandali ay isang bagay na sukdulan.
يَوْمَ تَرَوْنَهَا تَذْهَلُ كُلُّ مُرْضِعَةٍ عَمَّآ اَرْضَعَتْ وَتَضَعُ كُلُّ ذَاتِ حَمْلٍ حَمْلَهَا وَتَرَى النَّاسَ سُكٰرٰى وَمَا هُمْ بِسُكٰرٰى وَلٰكِنَّ عَذَابَ اللّٰهِ شَدِيْدٌ٢
Yauma taraunahā tażhalu kullu murḍi‘atin ‘ammā arḍa‘at wa taḍa‘u kullu żāti ḥamlin ḥamlahā wa taran-nāsa sukārā wa mā hum bisukārā wa lākinna ‘ażāballāhi syadīd(un).
[2]
Sa Araw na makakikita kayo rito, malilingat ang bawat tagapasuso sa pinasuso nito, maglalaglag ang bawat may dala [sa sinapupunan] ng dinadala nito, at makakikita ka sa mga tao na mga lasing samantalang hindi sila lasing, subalit ang pagdurusang dulot ni Allāh ay matindi.
وَمِنَ النَّاسِ مَنْ يُّجَادِلُ فِى اللّٰهِ بِغَيْرِ عِلْمٍ وَّيَتَّبِعُ كُلَّ شَيْطٰنٍ مَّرِيْدٍۙ٣
Wa minan-nāsi may yujādilu fillāhi bigairi ‘ilmiw wa yattabi‘u kulla syaiṭānim marīd(in).
[3]
Mayroon sa mga tao na nakikipagtalo hinggil kay Allāh nang walang kaalaman at sumusunod sa bawat demonyong mapaghimagsik.
كُتِبَ عَلَيْهِ اَنَّهٗ مَنْ تَوَلَّاهُ فَاَنَّهٗ يُضِلُّهٗ وَيَهْدِيْهِ اِلٰى عَذَابِ السَّعِيْرِ٤
Kutiba ‘alaihi annahū man tawallāhu fa annahū yuḍilluhū wa yahdīhi ilā ‘ażābis-sa‘īr(i).
[4]
Itinakda sa kanya na ang sinumang tumangkilik sa kanya, tunay na siya ay magliligaw rito at magpapatnubay rito tungo sa pagdurusa sa Liyab.
يٰٓاَيُّهَا النَّاسُ اِنْ كُنْتُمْ فِيْ رَيْبٍ مِّنَ الْبَعْثِ فَاِنَّا خَلَقْنٰكُمْ مِّنْ تُرَابٍ ثُمَّ مِنْ نُّطْفَةٍ ثُمَّ مِنْ عَلَقَةٍ ثُمَّ مِنْ مُّضْغَةٍ مُّخَلَّقَةٍ وَّغَيْرِ مُخَلَّقَةٍ لِّنُبَيِّنَ لَكُمْۗ وَنُقِرُّ فِى الْاَرْحَامِ مَا نَشَاۤءُ اِلٰٓى اَجَلٍ مُّسَمًّى ثُمَّ نُخْرِجُكُمْ طِفْلًا ثُمَّ لِتَبْلُغُوْٓا اَشُدَّكُمْۚ وَمِنْكُمْ مَّنْ يُّتَوَفّٰى وَمِنْكُمْ مَّنْ يُّرَدُّ اِلٰٓى اَرْذَلِ الْعُمُرِ لِكَيْلَا يَعْلَمَ مِنْۢ بَعْدِ عِلْمٍ شَيْـًٔاۗ وَتَرَى الْاَرْضَ هَامِدَةً فَاِذَآ اَنْزَلْنَا عَلَيْهَا الْمَاۤءَ اهْتَزَّتْ وَرَبَتْ وَاَنْۢبَتَتْ مِنْ كُلِّ زَوْجٍۢ بَهِيْجٍ٥
Yā ayyuhan-nāsu in kuntum fī raibim minal-ba‘ṡi fa innā khalaqnākum min turābin ṡumma min nuṭfatin ṡumma min ‘alaqatin ṡumma mim muḍgatim mukhallaqatiw wa gairi mukhallaqatil linubayyina lakum, wa nuqirru fil-arḥāmi mā nasyā'u ilā ajalim musamman ṡumma nukhrijukum ṭiflan ṡumma litablugū asyuddakum, wa minkum may yutawaffā wa minkum may yuraddu ilā arżalil-‘umuri likailā ya‘lama ba‘da ‘ilmin syai'ā(n), wa taral-arḍa hāmidatan fa iżā anzalnā ‘alaihal-mā'ahtazzat wa rabat wa ambatat min kulli zaujim bahīj(in).
[5]
O mga tao, kung kayo ay nasa isang pag-aalinlangan sa pagbubuhay, tunay na Kami ay lumikha sa inyo mula sa alabok, pagkatapos mula sa isang patak, pagkatapos mula sa isang malalinta, pagkatapos mula sa isang kimpal na laman na inanyuan at hindi inanyuan, upang maglinaw Kami para sa inyo.335 Nagpapanatili Kami sa mga sinapupunan ng niloloob Namin hanggang sa isang taning na tinukoy, pagkatapos nagpapalabas Kami sa inyo bilang bata, pagkatapos upang umabot kayo sa katindihan ninyo. Mayroon sa inyo na pinapapanaw at mayroon sa inyo na pinaaabot sa pinakahamak na gulang upang hindi siya makaalam, matapos na ng isang kaalaman, ng anuman. Nakakikita ka na ang lupa ay patay, ngunit kapag nagpababa Kami sa ibabaw nito ng tubig ay gumalaw-galaw ito, lumalago ito, at nagpapatubo ito ng bawat uring marilag.
[335] ng kakayahin Namin sa paglikha sa inyo sa mga yugto.
ذٰلِكَ بِاَنَّ اللّٰهَ هُوَ الْحَقُّ وَاَنَّهٗ يُحْيِ الْمَوْتٰى وَاَنَّهٗ عَلٰى كُلِّ شَيْءٍ قَدِيْرٌ ۙ٦
Żālika bi'annallāha huwal-ḥaqqu wa annahū yuḥyil-mautā wa annahū ‘alā kulli syai'in qadīr(un).
[6]
Iyon ay dahil na si Allāh ay ang Katotohanan, na Siya ay nagbibigay-buhay sa mga patay, na Siya sa bawat ay May-kakayahan,
وَّاَنَّ السَّاعَةَ اٰتِيَةٌ لَّا رَيْبَ فِيْهَاۙ وَاَنَّ اللّٰهَ يَبْعَثُ مَنْ فِى الْقُبُوْرِ٧
Wa annas-sā‘ata ātiyatul lā raiba fīhā, wa annallāha yab‘aṡu man fil-qubūr(i).
[7]
na ang Huling Sandali ay darating na walang pag-aalinlangan doon, at na si Allāh ay bubuhay sa mga nasa mga libingan.
وَمِنَ النَّاسِ مَنْ يُّجَادِلُ فِى اللّٰهِ بِغَيْرِ عِلْمٍ وَّلَا هُدًى وَّلَا كِتٰبٍ مُّنِيْرٍ ۙ٨
Wa minan-nāsi may yujādilu fillāhi bigairi ‘ilmiw wa lā hudaw wa lā kitābim munīr(in).
[8]
Mayroon sa mga tao na nakikipagtalo hinggil kay Allāh nang walang kaalaman ni patnubay ni isang kasulatan na nagbibigay-liwanag.
ثَانِيَ عِطْفِهٖ لِيُضِلَّ عَنْ سَبِيْلِ اللّٰهِ ۗ لَهٗ فِى الدُّنْيَا خِزْيٌ وَّنُذِيْقُهٗ يَوْمَ الْقِيٰمَةِ عَذَابَ الْحَرِيْقِ٩
Ṡāniya ‘iṭfihī liyuḍilla ‘an sabīlillāh(i), lahū fid-dun-yā khizyuw wa nużīquhū yaumal-qiyāmati ‘ażābal-ḥarīq(i).
[9]
Nagbabaluktot ng leeg niya [sa kapalaluan] upang magligaw palayo sa landas ni Allāh, ukol sa kanya sa Mundo ay isang kahihiyan. Magpapalasap Kami sa kanya sa Araw ng Pagbangon ng pagdurusa sa pagsunog.
ذٰلِكَ بِمَا قَدَّمَتْ يَدٰكَ وَاَنَّ اللّٰهَ لَيْسَ بِظَلَّامٍ لِّلْعَبِيْدِ ࣖ١٠
Żālika bimā qaddamat yadāka wa annallāha laisa biẓallāmil lil-‘abīd(i).
[10]
[Sasabihin:] “Iyon ay dahil sa ipinauna ng mga kamay mo at na si Allāh ay hindi palalabag sa katarungan sa mga lingkod.”
وَمِنَ النَّاسِ مَنْ يَّعْبُدُ اللّٰهَ عَلٰى حَرْفٍۚ فَاِنْ اَصَابَهٗ خَيْرُ ِۨاطْمَئَنَّ بِهٖۚ وَاِنْ اَصَابَتْهُ فِتْنَةُ ِۨانْقَلَبَ عَلٰى وَجْهِهٖۗ خَسِرَ الدُّنْيَا وَالْاٰخِرَةَۗ ذٰلِكَ هُوَ الْخُسْرَانُ الْمُبِيْنُ١١
Wa minan-nāsi may ya‘budullāha ‘alā ḥarf(in), fa in aṣābahū khairuniṭma'anna bih(ī), wa in aṣābathu fitnatuninqalaba ‘alā wajhih(ī), khasirad-dun-yā wal-ākhirah(ta), żālika huwal-khusrānul-mubīn(u).
[11]
Mayroon sa mga tao na sumasamba kay Allāh sa isang gilid.336 Kaya kapag may tumama sa kanya na isang mabuti, napapanatag siya rito; at kapag may tumama sa kanya na isang pagsubok, umuuwi siya sa [dating] mukha niya. Nalugi siya sa Mundo at Kabilang-buhay. Iyon ay ang pagkaluging malinaw.
[336] sa isang kahinaan at isang pagdududa
يَدْعُوْا مِنْ دُوْنِ اللّٰهِ مَا لَا يَضُرُّهٗ وَمَا لَا يَنْفَعُهٗۗ ذٰلِكَ هُوَ الضَّلٰلُ الْبَعِيْدُ ۚ١٢
Yad‘ū min dūnillāhi mā lā yaḍurruhū wa mā lā yanfa‘uh(ū), żālika huwaḍ-ḍalālul-ba‘īd(u).
[12]
Dumadalangin siya sa bukod pa kay Allāh, na hindi nakapipinsala sa kanya at hindi nagpapakinabang sa kanya. Iyon ay ang pagkaligaw na malayo.
يَدْعُوْا لَمَنْ ضَرُّهٗٓ اَقْرَبُ مِنْ نَّفْعِهٖۗ لَبِئْسَ الْمَوْلٰى وَلَبِئْسَ الْعَشِيْرُ١٣
Yad‘ū laman ḍarruhū aqrabu min naf‘ih(ī), labi'sal-maulā wa labi'sal-‘asyīr(u).
[13]
Dumadalangin siya sa talagang ang pagpinsala nito ay higit na malapit kaysa sa pagpapakinabang nito. Talagang kay saklap ang pinagpapatangkilikan at talagang kay saklap ang kapisan!
اِنَّ اللّٰهَ يُدْخِلُ الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا وَعَمِلُوا الصّٰلِحٰتِ جَنّٰتٍ تَجْرِيْ مِنْ تَحْتِهَا الْاَنْهٰرُۗ اِنَّ اللّٰهَ يَفْعَلُ مَا يُرِيْدُ١٤
Innallāha yudkhilul-lażīna āmanū wa ‘amiluṣ-ṣāliḥāti jannātin tajrī min taḥtihal-anhār(u), innallāha yaf‘alu mā yurīd(u).
[14]
Tunay na si Allāh ay magpapapasok sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Tunay na si Allāh ay gumagawa ng anumang ninanais Niya.
مَنْ كَانَ يَظُنُّ اَنْ لَّنْ يَّنْصُرَهُ اللّٰهُ فِى الدُّنْيَا وَالْاٰخِرَةِ فَلْيَمْدُدْ بِسَبَبٍ اِلَى السَّمَاۤءِ ثُمَّ لْيَقْطَعْ فَلْيَنْظُرْ هَلْ يُذْهِبَنَّ كَيْدُهٗ مَا يَغِيْظُ١٥
Man kāna yaẓunnu allay yanṣurahullāhu fid-dun-yā wal-ākhirati falyamdud bisababin ilas-samā'i ṡummalyaqṭa‘ falyanẓur hal yużhibanna kaiduhū mā yagīẓ(u).
[15]
Ang sinumang nagpapalagay na hindi mag-aadya si Allāh [sa Propeta] sa Mundo at Kabilang-buhay ay magpaabot siya ng isang tali sa bubong. Pagkatapos putulin niya [ito] saka tumingin siya: mag-aalis nga kaya ang panlalansi niya ng anumang nagpapangitngit [sa kanya]?
وَكَذٰلِكَ اَنْزَلْنٰهُ اٰيٰتٍۢ بَيِّنٰتٍۙ وَّاَنَّ اللّٰهَ يَهْدِيْ مَنْ يُّرِيْدُ١٦
Wa każālika anzalnāhu āyātim bayyināt(in), wa annallāha yahdī may yurīd(u).
[16]
Gayon nagpababa nito337 bilang mga talata na malilinaw na patunay, at na [dahil] si Allāh ay nagpapatnubay sa sinumang ninanais Niya.
[337] Ibig sabihin: ng Qur'an.
اِنَّ الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا وَالَّذِيْنَ هَادُوْا وَالصَّابِـِٕيْنَ وَالنَّصٰرٰى وَالْمَجُوْسَ وَالَّذِيْنَ اَشْرَكُوْٓا ۖاِنَّ اللّٰهَ يَفْصِلُ بَيْنَهُمْ يَوْمَ الْقِيٰمَةِۗ اِنَّ اللّٰهَ عَلٰى كُلِّ شَيْءٍ شَهِيْدٌ١٧
Innal-lażīna āmanū wal-lażīna hādū waṣ-ṣābi'īna wan-naṣārā wal-majūsa wal-lażīna asyrakū, innallāha yafṣilu bainahum yaumal-qiyāmah(ti), innallāha ‘alā kulli syai'in syahīd(un).
[17]
Tunay na ang mga sumampalataya,338 ang mga nagpakahudyo, ang mga Sabeano, ang mga Kristiyano, ang mga Mago, at ang mga nagtambal [kay Allāh], tunay na si Allāh ay magbubukod sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Saksi.
[338] Ibig sabihin: ang mga Muslim.
اَلَمْ تَرَ اَنَّ اللّٰهَ يَسْجُدُ لَهٗ مَنْ فِى السَّمٰوٰتِ وَمَنْ فِى الْاَرْضِ وَالشَّمْسُ وَالْقَمَرُ وَالنُّجُوْمُ وَالْجِبَالُ وَالشَّجَرُ وَالدَّوَاۤبُّ وَكَثِيْرٌ مِّنَ النَّاسِۗ وَكَثِيْرٌ حَقَّ عَلَيْهِ الْعَذَابُۗ وَمَنْ يُّهِنِ اللّٰهُ فَمَا لَهٗ مِنْ مُّكْرِمٍۗ اِنَّ اللّٰهَ يَفْعَلُ مَا يَشَاۤءُ ۩ۗ١٨
Alam tara annallāha yasjudu lahū man fis-samāwāti wa man fil-arḍi wasy-syamsu wal-qamaru wan-nujūmu wal-jibālu wasy-syajaru wad-dawābbu wa kaṡīrum minan-nās(i), wa kaṡīrun ḥaqqa ‘alaihil-‘ażāb(u), wa may yuhinillāhu famā lahū mim mukrim(in), innallāha yaf‘alu mā yasyā'(u).
[18]
Hindi mo ba napag-alaman na kay Allāh ay nagpapatirapa ang sinumang nasa mga langit, ang sinumang nasa lupa, ang araw, ang buwan, ang mga bituin, ang mga bundok, ang mga punong-kahoy, ang mga hayop, at ang marami sa mga tao. May marami na nagindapat sa kanila ang pagdurusa. Ang sinumang hinahamak ni Allāh ay walang ukol sa kanya na anumang tagapagparangal. Tunay na si Allāh ay gumagawa ng anumang niloloob Niya.
۞ هٰذَانِ خَصْمٰنِ اخْتَصَمُوْا فِيْ رَبِّهِمْ فَالَّذِيْنَ كَفَرُوْا قُطِّعَتْ لَهُمْ ثِيَابٌ مِّنْ نَّارٍۗ يُصَبُّ مِنْ فَوْقِ رُءُوْسِهِمُ الْحَمِيْمُ ۚ١٩
Hāżāni khaṣmānikhtaṣamū fī rabbihim fal-lażīna kafarū quṭṭi‘at lahum ṡiyābum min nār(in), yuṣabbu min fauqi ru'ūsihimul-ḥamīm(u).
[19]
Ang dalawang ito339 ay magkaalitan na nag-aalitan hinggil sa Panginoon nila. Ngunit ang mga tumangging sumampalataya ay may pagpuputul-putulin para sa kanila na mga damit mula sa apoy. Ibubuhos mula sa ibabaw ng mga ulo nila ang nakapapasong tubig.
[339] na pangkat ng mga alagad ng pananampalataya at pagngkat ng mga alagad ng kawalang-pananampalataya
يُصْهَرُ بِهٖ مَا فِيْ بُطُوْنِهِمْ وَالْجُلُوْدُ ۗ٢٠
Yuṣharu bihī mā fī buṭūnihim wal-julūd(u).
[20]
Malulusaw sa pamamagitan nito ang nasa mga tiyan nila at ang mga balat.
وَلَهُمْ مَّقَامِعُ مِنْ حَدِيْدٍ٢١
Wa lahum maqāmi‘u min ḥadīd(in).
[21]
Para [sa pagpalo] sa kanila ay mga pambambo yari sa bakal.
كُلَّمَآ اَرَادُوْٓا اَنْ يَّخْرُجُوْا مِنْهَا مِنْ غَمٍّ اُعِيْدُوْا فِيْهَا وَذُوْقُوْا عَذَابَ الْحَرِيْقِ ࣖ٢٢
Kullamā arādū ay yakhrujū minhā min gammin u‘īdū fīhā, wa żūqū ‘ażābal-ḥarīq(i).
[22]
Sa tuwing magnanais sila na lumabas mula roon dahil sa pighati ay panunumbalikin sila roon at [sasabihin]: “Lasapin ninyo ang pagdurusa ng pagsusunog.”
اِنَّ اللّٰهَ يُدْخِلُ الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا وَعَمِلُوا الصّٰلِحٰتِ جَنّٰتٍ تَجْرِيْ مِنْ تَحْتِهَا الْاَنْهٰرُ يُحَلَّوْنَ فِيْهَا مِنْ اَسَاوِرَ مِنْ ذَهَبٍ وَّلُؤْلُؤًاۗ وَلِبَاسُهُمْ فِيْهَا حَرِيْرٌ٢٣
Innallāha yudkhilul-lażīna āmanū wa ‘amiluṣ-ṣāliḥāti jannātin tajrī min taḥtihal-anhāru yuḥallauna fīhā min asāwira min żahabiw wa lu'lu'ā(n), wa libāsuhum fīhā ḥarīr(un).
[23]
Tunay na si Allāh ay magpapasok sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Gagayakan sila roon ng mga pulseras na ginto at mga perlas. Ang kasuutan nila sa mga iyon ay sutla.
وَهُدُوْٓا اِلَى الطَّيِّبِ مِنَ الْقَوْلِۚ وَهُدُوْٓا اِلٰى صِرَاطِ الْحَمِيْدِ٢٤
Wa hudū ilaṭ-ṭayyibi minal-qaul(i), wa hudū ilā ṣirāṭil-ḥamīd(i).
[24]
Pinatnubayan sila tungo sa kaaya-aya kabilang sa sinasabi at pinatnubayan sila tungo sa landasin ng Kapuri-puri.
اِنَّ الَّذِيْنَ كَفَرُوْا وَيَصُدُّوْنَ عَنْ سَبِيْلِ اللّٰهِ وَالْمَسْجِدِ الْحَرَامِ الَّذِيْ جَعَلْنٰهُ لِلنَّاسِ سَوَاۤءً ۨالْعَاكِفُ فِيْهِ وَالْبَادِۗ وَمَنْ يُّرِدْ فِيْهِ بِاِلْحَادٍۢ بِظُلْمٍ نُّذِقْهُ مِنْ عَذَابٍ اَلِيْمٍ ࣖ٢٥
Innal-lażīna kafarū wa yaṣuddūna ‘an sabīlillāhi wal-masjidil-ḥarāmil-lażī ja‘alnāhu lin-nāsi sawā'anil-‘ākifu fīhi wal-bād(i), wa may yurid fīhi bi'ilḥādim biẓulmin nużiqhu min ‘ażābin alīm(in).
[25]
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya at sumagabal sa landas ni Allāh at Masjid na Pinakababanal na ginawa Namin para sa mga tao na magkapantay ang namimintuho roon at ang dumadayo. Ang sinumang nagnanais doon ng isang paglapastangan sa pamamagitan ng isang kawalang-katarungan ay magpapalasap Kami sa kanya ng isang pagdurusang masakit.
وَاِذْ بَوَّأْنَا لِاِبْرٰهِيْمَ مَكَانَ الْبَيْتِ اَنْ لَّا تُشْرِكْ بِيْ شَيْـًٔا وَّطَهِّرْ بَيْتِيَ لِلطَّاۤىِٕفِيْنَ وَالْقَاۤىِٕمِيْنَ وَالرُّكَّعِ السُّجُوْدِ٢٦
Wa iż bawwa'nā li'ibrāhīma makānal-baiti allā tusyrik bī syai'aw wa ṭahhir baitiya liṭ-ṭā'ifīna wal-qā'imīna war-rukka‘is-sujūd(i).
[26]
[Banggitin] noong nagtalaga Kami para kay Abraham ng pook ng Bahay,340 na [nagsasabi]: “Huwag kang magtambal sa Akin ng anuman at magdalisay ka ng Bahay Ko para sa mga pumapalibot, mga tumatayo [sa pagdarasal], at mga tagayukod na nagpapatirapa.
[340] Ibig sabihin: ang Ka`bah sa Makkah.
وَاَذِّنْ فِى النَّاسِ بِالْحَجِّ يَأْتُوْكَ رِجَالًا وَّعَلٰى كُلِّ ضَامِرٍ يَّأْتِيْنَ مِنْ كُلِّ فَجٍّ عَمِيْقٍ ۙ٢٧
Wa ażżin fin-nāsi bil-ḥajji ya'tūka rijālaw wa ‘alā kulli ḍāmiriy ya'tīna min kulli fajjin ‘amīq(in).
[27]
Magpahayag ka sa mga tao [ng pagkatungkulin] ng ḥajj, pupunta sila sa iyo nang mga naglalakad at lulan ng bawat payat na kamelyo: pupunta ang mga ito mula sa bawat daanang malalim,
لِّيَشْهَدُوْا مَنَافِعَ لَهُمْ وَيَذْكُرُوا اسْمَ اللّٰهِ فِيْٓ اَيَّامٍ مَّعْلُوْمٰتٍ عَلٰى مَا رَزَقَهُمْ مِّنْۢ بَهِيْمَةِ الْاَنْعَامِۚ فَكُلُوْا مِنْهَا وَاَطْعِمُوا الْبَاۤىِٕسَ الْفَقِيْرَ ۖ٢٨
Liyasyhadū manāfi‘a lahum wa yażkurusmallāhi fī ayyāmim ma‘lūmātin ‘alā mā razaqahum mim bahīmatil-an‘ām(i), fa kulū minhā wa aṭ‘imul-bā'isal-faqīr(a).
[28]
upang makasaksi sila ng mga pakinabang para sa kanila at bumanggit sila sa pangalan ni Allāh sa mga araw na nalalaman dahil sa itinustos Niya sa kanila na hayop na mga panghayupan. Kaya kumain kayo mula sa mga ito at magpakain kayo sa sawing-palad na maralita.
ثُمَّ لْيَقْضُوْا تَفَثَهُمْ وَلْيُوْفُوْا نُذُوْرَهُمْ وَلْيَطَّوَّفُوْا بِالْبَيْتِ الْعَتِيْقِ٢٩
Ṡummal yaqḍū tafaṡafahum wal yūfū nużūrahum wal yaṭṭawwafū bil-baitil-‘atīq(i).
[29]
Pagkatapos, tumapos sila ng mga ritwal nila, tumupad sila ng mga panata nila [na inobliga sa sarili], at magpalibut-libot sila sa Bahay na Matanda.
ذٰلِكَ وَمَنْ يُّعَظِّمْ حُرُمٰتِ اللّٰهِ فَهُوَ خَيْرٌ لَّهٗ عِنْدَ رَبِّهٖۗ وَاُحِلَّتْ لَكُمُ الْاَنْعَامُ اِلَّا مَا يُتْلٰى عَلَيْكُمْ فَاجْتَنِبُوا الرِّجْسَ مِنَ الْاَوْثَانِ وَاجْتَنِبُوْا قَوْلَ الزُّوْرِ ۙ٣٠
Żālika wa may yu‘aẓẓim ḥurumātillāhi fa huwa khairul lahū ‘inda rabbih(ī), wa uḥillat lakumul-an‘āmu illā mā yutlā ‘alaikum fajtanibur-rijsa minal-auṡāni wajtanibū qaulaz-zūr(i).
[30]
Iyon [ang kautusan]; at ang sinumang gumagalang sa mga binabanal ni Allāh, iyon ay higit na mabuti para sa kanya sa ganang Panginoon niya. Ipinahintulot para sa inyo ang mga hayupan maliban sa [bawal na] binabanggit341 sa inyo. Kaya umiwas kayo sa kasalaulaan mula sa mga diyus-diyusan at umiwas kayo sa pagsabi ng kabulaanan [laban kay Allāh at sa nilikha Niya],
[341] sa Qur’ān 5:3
حُنَفَاۤءَ لِلّٰهِ غَيْرَ مُشْرِكِيْنَ بِهٖۗ وَمَنْ يُّشْرِكْ بِاللّٰهِ فَكَاَنَّمَا خَرَّ مِنَ السَّمَاۤءِ فَتَخْطَفُهُ الطَّيْرُ اَوْ تَهْوِيْ بِهِ الرِّيْحُ فِيْ مَكَانٍ سَحِيْقٍ٣١
Ḥunafā'a lillāhi gaira musyrikīna bih(ī), wa may yusyrik billāhi fa ka'annamā kharra minas-samā'i fa takhṭafuhuṭ-ṭairu au tahwī bihir-rīḥu fī makānin saḥīq(in).
[31]
bilang mga makatotoo kay Allāh, na hindi mga tagapagtambal sa Kanya. Ang sinumang nagtatambal kay Allāh ay para bang bumagsak siya mula sa langit kaya dadagit sa kanya ang mga ibon o tatangay sa kanya ang hangin sa isang pook na liblib.
ذٰلِكَ وَمَنْ يُّعَظِّمْ شَعَاۤىِٕرَ اللّٰهِ فَاِنَّهَا مِنْ تَقْوَى الْقُلُوْبِ٣٢
Żālika wa may yu‘aẓẓim sya‘ā'irallāhi fa innahā min taqwal-qulūb(i).
[32]
Iyon nga. Ang sinumang dumadakila sa mga sagisag342 ni Allāh, tunay na ang mga ito ay bahagi ng pangingilag magkasala ng mga puso.
[342] Gaya ng mga gawain ng ḥajj, mga lugar nito, mga pag-aalay rito, at iba pa.
لَكُمْ فِيْهَا مَنَافِعُ اِلٰٓى اَجَلٍ مُّسَمًّى ثُمَّ مَحِلُّهَآ اِلَى الْبَيْتِ الْعَتِيْقِ ࣖ٣٣
Lakum fīhā manāfi‘u ilā ajalim musamman ṡumma maḥilluhā ilal-baitil-‘atīq(i).
[33]
Ukol sa inyo sa mga [alay na] ito ay mga pakinabang hanggang sa isang taning na tinukoy. Pagkatapos ang oras ng [pagkatay sa] mga ito ay pagkalapit sa Bahay na Matanda.
وَلِكُلِّ اُمَّةٍ جَعَلْنَا مَنْسَكًا لِّيَذْكُرُوا اسْمَ اللّٰهِ عَلٰى مَا رَزَقَهُمْ مِّنْۢ بَهِيْمَةِ الْاَنْعَامِۗ فَاِلٰهُكُمْ اِلٰهٌ وَّاحِدٌ فَلَهٗٓ اَسْلِمُوْاۗ وَبَشِّرِ الْمُخْبِتِيْنَ ۙ٣٤
Wa likulli ummatin ja‘alnā mansakal liyażkurusmallāhi ‘alā mā razaqahum mim bahīmatil-an‘ām(i), fa ilāhukum ilāhuw wāḥidun fa lahū aslimū, wa basysyiril-mukhbitīn(a).
[34]
Para sa bawat kalipunan ay nagtalaga Kami ng isang pamamaraan upang bumanggit sila sa pangalan ni Allāh sa itinustos Niya sa kanila na hayop ng mga hayupan sapagkat ang Diyos ninyo ay nag-iisang Diyos kaya sa Kanya ay magpasakop kayo. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga nagmamababang-loob,
الَّذِيْنَ اِذَا ذُكِرَ اللّٰهُ وَجِلَتْ قُلُوْبُهُمْ وَالصّٰبِرِيْنَ عَلٰى مَآ اَصَابَهُمْ وَالْمُقِيْمِى الصَّلٰوةِۙ وَمِمَّا رَزَقْنٰهُمْ يُنْفِقُوْنَ٣٥
Allażīna iżā żukirallāhu wajilat qulūbuhum waṣ-ṣābirīna ‘alā mā aṣābahum wal-muqīmiṣ-ṣalāh(ti), wa mimmā razaqnāhum yunfiqūn(a).
[35]
na kapag binanggit si Allāh ay nasisindak ang mga puso nila, na mga tagapagtiis sa anumang tumama sa kanila, na mga tagapanatili ng dasal, at mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol sila.
وَالْبُدْنَ جَعَلْنٰهَا لَكُمْ مِّنْ شَعَاۤىِٕرِ اللّٰهِ لَكُمْ فِيْهَا خَيْرٌۖ فَاذْكُرُوا اسْمَ اللّٰهِ عَلَيْهَا صَوَاۤفَّۚ فَاِذَا وَجَبَتْ جُنُوْبُهَا فَكُلُوْا مِنْهَا وَاَطْعِمُوا الْقَانِعَ وَالْمُعْتَرَّۗ كَذٰلِكَ سَخَّرْنٰهَا لَكُمْ لَعَلَّكُمْ تَشْكُرُوْنَ٣٦
Wal-budna ja‘alnāhā lakum min sya‘ā'irillāhi lakum fīhā khair(un), fażkurusmallāhi ‘alaihā ṣawāff(a), fa iżā wajabat junūbuhā fa kulū minhā wa aṭ‘imul-qāni‘a wal-mu‘tarr(a), każālika sakhkharnāhā lakum la‘allakum tasykurūn(a).
[36]
Ang mga kamelyo at mga baka ay ginawa para sa inyo bilang kabilang sa mga sagisag ni Allāh; ukol sa inyo sa mga ito ay mabuti. Kaya bumanggit kayo sa pangalan ni Allāh sa mga ito habang mga nakahanay. Kaya kapag bumagsak ang mga tagiliran ng mga ito [matapos katayin] ay kumain kayo mula sa mga ito at magpakain kayo ng nagkakasya at nagpapalimos. Gayon Kami nagpasilbi ng mga ito para sa inyo nang sa gayon kayo magpapasalamat.
لَنْ يَّنَالَ اللّٰهَ لُحُوْمُهَا وَلَا دِمَاۤؤُهَا وَلٰكِنْ يَّنَالُهُ التَّقْوٰى مِنْكُمْۗ كَذٰلِكَ سَخَّرَهَا لَكُمْ لِتُكَبِّرُوا اللّٰهَ عَلٰى مَا هَدٰىكُمْ ۗ وَبَشِّرِ الْمُحْسِنِيْنَ٣٧
Lay yanālallāha luḥūmuhā wa lā dimā'uhā wa lākiy yanāluhut-taqwā minkum, każālika sakhkharahā lakum litukabbirullāha ‘alā mā hadākum, wa basysyiril-muḥsinīn(a).
[37]
Hindi makararating kay Allāh ang mga laman ng mga ito ni ang mga dugo ng mga ito, subalit nakararating sa Kanya ang pangingilag magkasala mula sa inyo. Gayon nagpasilbi ng mga ito para sa inyo upang dumakila kayo kay Allāh dahil nagpatnubay Siya sa inyo. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga tagagawa ng maganda.
۞ اِنَّ اللّٰهَ يُدَافِعُ عَنِ الَّذِيْنَ اٰمَنُوْاۗ اِنَّ اللّٰهَ لَا يُحِبُّ كُلَّ خَوَّانٍ كَفُوْرٍ ࣖ٣٨
Innallāha yudāfi‘u ‘anil-lażīna āmanū, innallāha lā yuḥibbu kulla khawwānin kafūr(in).
[38]
Tunay na si Allāh ay nagtatanggol sa mga sumampalataya. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa bawat palataksil na mapagtangging magpasalamat.
اُذِنَ لِلَّذِيْنَ يُقَاتَلُوْنَ بِاَنَّهُمْ ظُلِمُوْاۗ وَاِنَّ اللّٰهَ عَلٰى نَصْرِهِمْ لَقَدِيْرٌ ۙ٣٩
Użina lil-lażīna yuqātalūna bi'annahum ẓulimū, wa innallāha ‘alā naṣrihim laqadīr(un).
[39]
Ipinahintulot [ang pakikipaglaban] para sa mga [mananampalatayang] kinakalaban dahil sila ay nilabag sa katarungan. Tunay na si Allāh sa pag-aadya sa kanila ay talagang May-kakayahan.
ۨالَّذِيْنَ اُخْرِجُوْا مِنْ دِيَارِهِمْ بِغَيْرِ حَقٍّ اِلَّآ اَنْ يَّقُوْلُوْا رَبُّنَا اللّٰهُ ۗوَلَوْلَا دَفْعُ اللّٰهِ النَّاسَ بَعْضَهُمْ بِبَعْضٍ لَّهُدِّمَتْ صَوَامِعُ وَبِيَعٌ وَّصَلَوٰتٌ وَّمَسٰجِدُ يُذْكَرُ فِيْهَا اسْمُ اللّٰهِ كَثِيْرًاۗ وَلَيَنْصُرَنَّ اللّٰهُ مَنْ يَّنْصُرُهٗۗ اِنَّ اللّٰهَ لَقَوِيٌّ عَزِيْزٌ٤٠
Allażīna ukhrijū min diyārihim bigairi ḥaqqin illā ay yaqūlū rabbunallāh(u), wa lau lā daf‘ullāhin-nāsa ba‘ḍahum biba‘ḍil lahuddimat ṣawāmi‘u wa biya‘uw wa ṣalawātuw wa masājidu yużkaru fīhasmullāhi kaṡīrā(n), wa layanṣurannallāhu may yanṣuruh(ū), innallāha laqawiyyun ‘azīz(un).
[40]
[Sila] ang mga pinalisan mula sa mga tahanan nila nang walang karapatan maliban na nagsabi sila: “Ang Panginoon namin ay si Allāh.” Kung hindi sa pagsupil ni Allāh sa mga tao, sa iba sa kanila sa pamamagitan ng iba pa, talaga sanang may winasak na mga monasteryo, mga simbahan, mga sinagoga, at mga masjid na binabanggit sa mga ito ang pangalan ni Allāh nang madalas. Talagang mag-aadya nga si Allāh sa sinumang nag-aadya sa Kanya. Tunay na si Allāh ay talagang Malakas, Makapangyarihan.
اَلَّذِيْنَ اِنْ مَّكَّنّٰهُمْ فِى الْاَرْضِ اَقَامُوا الصَّلٰوةَ وَاٰتَوُا الزَّكٰوةَ وَاَمَرُوْا بِالْمَعْرُوْفِ وَنَهَوْا عَنِ الْمُنْكَرِۗ وَلِلّٰهِ عَاقِبَةُ الْاُمُوْرِ٤١
Allażīna im makkannāhum fil-arḍi aqāmuṣ-ṣalāta wa ātawuz-zakāta wa amarū bil-ma‘rūfi wa nahau ‘anil-munkar(i), wa lillāhi ‘āqibatul-umūr(i).
[41]
[Sila] ang mga kung nagbigay-kapangyarihan Kami sa kanila sa lupa ay magpapanatili ng pagdarasal, magbibigay ng zakāh, mag-uutos ng nakabubuti, at sasaway sa nakasasama. Sa kay Allāh ang [mabuting] kahihinatnan ng mga bagay.
وَاِنْ يُّكَذِّبُوْكَ فَقَدْ كَذَّبَتْ قَبْلَهُمْ قَوْمُ نُوْحٍ وَّعَادٌ وَّثَمُوْدُ ۙ٤٢
Wa iy yukażżibūka faqad każżabat qablahum qaumu nūḥiw wa ‘āduw wa ṡamūd(u).
[42]
Kung nagpapasinungaling sila sa iyo ay nagpasinungaling na bago nila ang mga tao nina Noe, ng [liping] `Ād, at [liping] Thamūd,
وَقَوْمُ اِبْرٰهِيْمَ وَقَوْمُ لُوْطٍ ۙ٤٣
Wa qaumu ibrāhīma wa qaumu lūṭ(in).
[43]
at ang mga tao ni Abraham, at ang mga tao ni Lot,
وَّاَصْحٰبُ مَدْيَنَۚ وَكُذِّبَ مُوْسٰى فَاَمْلَيْتُ لِلْكٰفِرِيْنَ ثُمَّ اَخَذْتُهُمْۚ فَكَيْفَ كَانَ نَكِيْرِ٤٤
Wa aṣḥābu madyan(a), wa kużżiba mūsā fa amlaitu lil-kāfirīna ṡumma akhażtuhum, fa kaifa kāna nakīr(i).
[44]
at ang mga naninirahan sa Madyan. Pinasinungalingan si Moises kaya nagpatagal Ako para sa mga tagatangging sumampalataya, pagkatapos dumaklot Ako sa kanila kaya papaano naging ang pagtutol Ko?
فَكَاَيِّنْ مِّنْ قَرْيَةٍ اَهْلَكْنٰهَا وَهِيَ ظَالِمَةٌ فَهِيَ خَاوِيَةٌ عَلٰى عُرُوْشِهَاۖ وَبِئْرٍ مُّعَطَّلَةٍ وَّقَصْرٍ مَّشِيْدٍ٤٥
Fa ka'ayyim min qaryatin ahlaknāhā wa hiya ẓālimatun fa hiya khāwiyatun ‘alā ‘urūsyihā, wa bi'rim mu‘aṭṭalatiw wa qaṣrim masyīd(in).
[45]
Kaya kay rami nang pamayanan na nagpahamak Kami nito samantalang ito ay tagalabag sa katarungan kaya ito ay nakaguho sa mga bubong na ito, [kay rami nang] balon na pinabayaan, at [kay rami nang] palasyong pinatayog.
اَفَلَمْ يَسِيْرُوْا فِى الْاَرْضِ فَتَكُوْنَ لَهُمْ قُلُوْبٌ يَّعْقِلُوْنَ بِهَآ اَوْ اٰذَانٌ يَّسْمَعُوْنَ بِهَاۚ فَاِنَّهَا لَا تَعْمَى الْاَبْصَارُ وَلٰكِنْ تَعْمَى الْقُلُوْبُ الَّتِيْ فِى الصُّدُوْرِ٤٦
Afalam yasīrū fil-arḍi fa takūna lahum qulūbuy ya‘qilūna bihā au āżānuy yasma‘ūna bihā, fa innahā lā ta‘mal-abṣāru wa lākin ta‘mal-qulūbul-latī fiṣ-ṣudūr(i).
[46]
Kaya hindi ba sila naglakbay sa lupain para magkaroon sila ng mga pusong nakapag-uunawa sila sa pamamagitan ng mga ito o ng mga taingang nakaririnig sila sa pamamagitan ng mga ito? Tunay na ang mga [matang] ito ay hindi nabubulag ang mga paningin subalit nabubulag ang mga puso na nasa mga dibdib.
وَيَسْتَعْجِلُوْنَكَ بِالْعَذَابِ وَلَنْ يُّخْلِفَ اللّٰهُ وَعْدَهٗۗ وَاِنَّ يَوْمًا عِنْدَ رَبِّكَ كَاَلْفِ سَنَةٍ مِّمَّا تَعُدُّوْنَ٤٧
Wa yasta‘jilūnaka bil-‘ażābi wa lay yukhlifallāhu wa‘dah(ū), wa inna yauman ‘inda rabbika ka'alfi sanatim mimmā ta‘uddūn(a).
[47]
Humihiling sila sa iyo ng pagmamadali sa pagdurusa at hindi sisira si Allāh sa pangako Niya. Tunay na ang isang araw sa ganang Panginoon mo ay gaya ng isang libong taon mula sa binibilang ninyo.
وَكَاَيِّنْ مِّنْ قَرْيَةٍ اَمْلَيْتُ لَهَا وَهِيَ ظَالِمَةٌ ثُمَّ اَخَذْتُهَاۚ وَاِلَيَّ الْمَصِيْرُ ࣖ٤٨
Wa ka'ayyim min qaryatin amlaitu lahā wa hiya ẓālimatun ṡumma akhażtuhā, wa ilayyal-maṣīr(u).
[48]
Kaya may ilan nang pamayanan na nagpatagal Ako rito samantalang ito ay tagalabag sa katarungan. Pagkatapos dumaklot Ako rito, at tungo sa Akin ang hantungan.
قُلْ يٰٓاَيُّهَا النَّاسُ اِنَّمَآ اَنَا۠ لَكُمْ نَذِيْرٌ مُّبِيْنٌ ۚ٤٩
Qul yā ayyuhan-nāsu innamā ana lakum nażīrum mubīn(un).
[49]
Sabihin mo: “O mga tao, ako lamang para sa inyo ay isang mapagbabalang malinaw.”
فَالَّذِيْنَ اٰمَنُوْا وَعَمِلُوا الصّٰلِحٰتِ لَهُمْ مَّغْفِرَةٌ وَّرِزْقٌ كَرِيْمٌ٥٠
Fal-lażīna āmanū wa ‘amiluṣ-ṣāliḥāti lahum magfiratuw wa rizqun karīm(un).
[50]
Kaya ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ukol sa kanila ay isang kapatawaran at isang panustos na masagana.
وَالَّذِيْنَ سَعَوْا فِيْٓ اٰيٰتِنَا مُعٰجِزِيْنَ اُولٰۤىِٕكَ اَصْحٰبُ الْجَحِيْمِ٥١
Wal-lażīna sa‘au fī āyātinā mu‘ājizīna ulā'ika aṣḥābul-jaḥīm(i).
[51]
Ang mga nagsikap sa [pagpapasinungaling] mga tanda Namin habang mga nagtatangkang magpawalang-kakayahan, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Impiyerno.
وَمَآ اَرْسَلْنَا مِنْ قَبْلِكَ مِنْ رَّسُوْلٍ وَّلَا نَبِيٍّ اِلَّآ اِذَا تَمَنّٰىٓ اَلْقَى الشَّيْطٰنُ فِيْٓ اُمْنِيَّتِهٖۚ فَيَنْسَخُ اللّٰهُ مَا يُلْقِى الشَّيْطٰنُ ثُمَّ يُحْكِمُ اللّٰهُ اٰيٰتِهٖۗ وَاللّٰهُ عَلِيْمٌ حَكِيْمٌ ۙ٥٢
Wa mā arsalnā min qablika mir rasūliw wa lā nabiyyin illā iżā tamannā alqasy-syaiṭānu fī umniyyatih(ī), fa yansakhullāhu mā yulqisy-syaiṭānu ṡumma yuḥkimullāhu āyātih(ī), wallāhu ‘alīmun ḥakīm(un).
[52]
Hindi Kami nagsugo bago mo pa ng isang sugo ni isang propeta malibang kapag bumigkas siya ay nagpupukol ang demonyo sa pagbigkas niya, ngunit nagpapawalang-bisa si Allāh sa ipinupukol ng demonyo. Pagkatapos nagpapatibay si Allāh sa mga tanda Niya. Si Allāh ay Maalam, Marunong.
لِّيَجْعَلَ مَا يُلْقِى الشَّيْطٰنُ فِتْنَةً لِّلَّذِيْنَ فِيْ قُلُوْبِهِمْ مَّرَضٌ وَّالْقَاسِيَةِ قُلُوْبُهُمْۗ وَاِنَّ الظّٰلِمِيْنَ لَفِيْ شِقَاقٍۢ بَعِيْدٍ ۙ٥٣
Liyaj‘ala mā yulqisy-syaiṭānu fitnatal lil-lażīna fī qulūbihim maraḍuw wal-qāsiyati qulūbuhum, wa innaẓ-ẓālimīna lafī syiqāqim ba‘īd(in).
[53]
[Iyan ay] upang gumawa Siya sa ipinupukol ng demonyo bilang pagsubok para sa mga may sakit [ng pagdududa] sa mga puso nila at matigas ang mga puso nila. Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan ay talagang nasa isang hidwaang malayo.
وَّلِيَعْلَمَ الَّذِيْنَ اُوْتُوا الْعِلْمَ اَنَّهُ الْحَقُّ مِنْ رَّبِّكَ فَيُؤْمِنُوْا بِهٖ فَتُخْبِتَ لَهٗ قُلُوْبُهُمْۗ وَاِنَّ اللّٰهَ لَهَادِ الَّذِيْنَ اٰمَنُوْٓا اِلٰى صِرَاطٍ مُّسْتَقِيْمٍ٥٤
Wa liya‘lamal-lażīna ūtul-‘ilma annahul-ḥaqqu mir rabbika fa yu'minū bihī fa tukhbita lahū qulūbuhum, wa innallāha lahādil-lażīna āmanū ilā ṣirāṭim mustaqīm(in).
[54]
[Iyan ay] upang makaalam ang mga binigyan ng kaalaman na ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon mo para sumampalataya sila rito para magmababang-loob rito ang mga puso nila. Tunay na si Allāh ay talagang tagapagpatnubay sa mga sumampalataya tungo sa isang landasing tuwid.
وَلَا يَزَالُ الَّذِيْنَ كَفَرُوْا فِيْ مِرْيَةٍ مِّنْهُ حَتّٰى تَأْتِيَهُمُ السَّاعَةُ بَغْتَةً اَوْ يَأْتِيَهُمْ عَذَابُ يَوْمٍ عَقِيْمٍ٥٥
Wa lā yazālul-lażīna kafarū fī miryatim minhu ḥattā ta'tiyahumus-sā‘atu bagtatan au ya'tiyahum ‘ażābu yaumin ‘aqīm(in).
[55]
Hindi tumitigil na ang mga tumangging sumampalataya ay nasa isang pag-aalangan dito hanggang sa pumunta sa kanila ang Huling Sandali nang biglaan o pumunta sa kanila ang isang pagdurusa sa isang araw na mapanira.
اَلْمُلْكُ يَوْمَىِٕذٍ لِّلّٰهِ ۗيَحْكُمُ بَيْنَهُمْۗ فَالَّذِيْنَ اٰمَنُوْا وَعَمِلُوا الصّٰلِحٰتِ فِيْ جَنّٰتِ النَّعِيْمِ٥٦
Al-mulku yauma'iżil lillāh(i), yaḥkumu bainahum, fal-lażīna āmanū wa ‘amiluṣ-ṣāliḥāti fī jannātin na‘īm(i).
[56]
Ang paghahari sa Araw na iyon ay sa kay Allāh; hahatol Siya sa pagitan nila. Kaya ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay nasa mga hardin ng kaginhawahan.
وَالَّذِيْنَ كَفَرُوْا وَكَذَّبُوْا بِاٰيٰتِنَا فَاُولٰۤىِٕكَ لَهُمْ عَذَابٌ مُّهِيْنٌ ࣖ٥٧
Wal-lażīna kafarū wa każżabū bi'āyātinā fa ulā'ika lahum ‘ażābum muhīn(un).
[57]
Ang mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa mga tanda Namin, ang mga iyon ay may ukol sa kanila na isang pagdurusang manghahamak.
وَالَّذِيْنَ هَاجَرُوْا فِيْ سَبِيْلِ اللّٰهِ ثُمَّ قُتِلُوْٓا اَوْ مَاتُوْا لَيَرْزُقَنَّهُمُ اللّٰهُ رِزْقًا حَسَنًاۗ وَاِنَّ اللّٰهَ لَهُوَ خَيْرُ الرّٰزِقِيْنَ٥٨
Wal-lażīna hājarū fī sabīlillāhi ṡumma qutilū au mātū layarzuqannahumullāhu rizqan ḥasanā(n), wa innallāha lahuwa khairur-rāziqīn(a).
[58]
Ang mga lumikas sa landas ni Allāh, pagkatapos napatay sila o namatay sila, ay talagang magtutustos sa kanila si Allāh ng isang panustos na maganda. Tunay na si Allāh ay talagang Siya ang pinakamabuti sa mga tagapagtustos.
لَيُدْخِلَنَّهُمْ مُّدْخَلًا يَّرْضَوْنَهٗۗ وَاِنَّ اللّٰهَ لَعَلِيْمٌ حَلِيْمٌ٥٩
Layudkhilannahum mudkhalay yarḍaunah(ū), wa innallāha la‘alīmun ḥalīm(un).
[59]
Talagang magpapapasok nga Siya sa kanila sa isang pinagpapasukang kalulugdan nila. Tunay na si Allāh ay talagang Maalam, Matimpiin.
۞ ذٰلِكَ وَمَنْ عَاقَبَ بِمِثْلِ مَا عُوْقِبَ بِهٖ ثُمَّ بُغِيَ عَلَيْهِ لَيَنْصُرَنَّهُ اللّٰهُ ۗاِنَّ اللّٰهَ لَعَفُوٌّ غَفُوْرٌ٦٠
Żālika wa man ‘āqaba bimiṡli mā ‘ūqiba bihī ṡumma bugiya ‘alaihi layanṣurannahullāh(u), innallāha la‘afuwwun gafūr(un).
[60]
Iyon nga. Ang sinumang nagpasakit ng tulad sa ipinasakit sa kanya, pagkatapos siniil siya, talagang mag-aadya nga sa kanya si Allāh. Tunay na si Allāh ay talagang Mapagpaumanhin, Mapagpatawad.
ذٰلِكَ بِاَنَّ اللّٰهَ يُوْلِجُ الَّيْلَ فِى النَّهَارِ وَيُوْلِجُ النَّهَارَ فِى الَّيْلِ وَاَنَّ اللّٰهَ سَمِيْعٌۢ بَصِيْرٌ٦١
Żālika bi'annallāha yūlijul-laila fin-nahāri wa yūlijun-nahāra fil-laili wa annallāha samī‘um baṣīr(un).
[61]
Iyon ay dahil si Allāh ay nagpapalagos ng gabi sa maghapon at nagpapalagos ng maghapon sa gabi at dahil si Allāh ay Madinigin, Nakakikita.
ذٰلِكَ بِاَنَّ اللّٰهَ هُوَ الْحَقُّ وَاَنَّ مَا يَدْعُوْنَ مِنْ دُوْنِهٖ هُوَ الْبَاطِلُ وَاَنَّ اللّٰهَ هُوَ الْعَلِيُّ الْكَبِيْرُ٦٢
Żālika bi'annallāha huwal-ḥaqqu wa anna mā yad‘ūna min dūnihī huwal-bāṭilu wa annallāha huwal-‘aliyyul-kabīr(u).
[62]
Iyon ay dahil si Allāh ay ang Katotohanan, dahil ang anumang dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya ay ang kabulaanan, at dahil si Allāh ay ang Mataas, ang Malaki.
اَلَمْ تَرَ اَنَّ اللّٰهَ اَنْزَلَ مِنَ السَّمَاۤءِ مَاۤءًۖ فَتُصْبِحُ الْاَرْضُ مُخْضَرَّةًۗ اِنَّ اللّٰهَ لَطِيْفٌ خَبِيْرٌ ۚ٦٣
Alam tara annallāha anzala minas-samā'i mā'ā(n), fa tuṣbiḥul-arḍu mukhḍarrah(tan), innallāha laṭīfun khabīr(un).
[63]
Hindi ka ba nakakita na si Allāh ay nagpababa mula sa langit ng tubig kaya ang lupa ay nagiging luntian? Tunay na si Allāh ay Mapagtalos, Mapagbatid.
لَهٗ مَا فِى السَّمٰوٰتِ وَمَا فِى الْاَرْضِۗ وَاِنَّ اللّٰهَ لَهُوَ الْغَنِيُّ الْحَمِيْدُ ࣖ٦٤
Lahū mā fis-samāwāti wa mā fil-arḍ(i), wa innallāha lahuwal-ganiyyul-ḥamīd(u).
[64]
Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang sa nasa lupa. Tunay na si Allāh ay talagang Siya ang Walang-pangangailangan, ang Kapuri-puri.
اَلَمْ تَرَ اَنَّ اللّٰهَ سَخَّرَ لَكُمْ مَّا فِى الْاَرْضِ وَالْفُلْكَ تَجْرِيْ فِى الْبَحْرِ بِاَمْرِهٖۗ وَيُمْسِكُ السَّمَاۤءَ اَنْ تَقَعَ عَلَى الْاَرْضِ اِلَّا بِاِذْنِهٖۗ اِنَّ اللّٰهَ بِالنَّاسِ لَرَءُوْفٌ رَّحِيْمٌ٦٥
Alam tara annallāha sakhkhara lakum mā fil-arḍi wal-fulka tajrī fil-baḥri bi'amrih(ī), wa yumsikus-samā'a an taqa‘a ‘alal-arḍi illā bi'iżnih(ī), innallāha bin-nāsi lara'ūfur raḥīm(un).
[65]
Hindi ka ba nakakita na si Allāh ay nagpasilbi para sa inyo ng anumang nasa lupa at ng mga sasakyang-dagat na naglalayag sa dagat ayon sa utos Niya. Pumipigil Siya sa langit na bumagsak ito sa lupa malibang ayon sa pahintulot Niya. Tunay na si Allāh sa mga tao ay talagang Mahabagin, Maawain.
وَهُوَ الَّذِيْٓ اَحْيَاكُمْ ۖ ثُمَّ يُمِيْتُكُمْ ثُمَّ يُحْيِيْكُمْۗ اِنَّ الْاِنْسَانَ لَكَفُوْرٌ٦٦
Wa huwal-lażī aḥyākum, ṡumma yumītukum ṡumma yuḥyīkum, innal-insāna lakafūr(un).
[66]
Siya ay ang nagbigay-buhay sa inyo, pagkatapos magbibigay-kamatayan sa inyo. Tunay na ang tao ay talagang mapagtangging magpasalamat [sa mga biyaya ni Allāh].
لِكُلِّ اُمَّةٍ جَعَلْنَا مَنْسَكًا هُمْ نَاسِكُوْهُ فَلَا يُنَازِعُنَّكَ فِى الْاَمْرِ وَادْعُ اِلٰى رَبِّكَۗ اِنَّكَ لَعَلٰى هُدًى مُّسْتَقِيْمٍ٦٧
Likulli ummatin ja‘alnā mansakan hum nāsikūhu falā yunāzi‘unnaka fil-amri wad‘u ilā rabbik(a), innaka la‘alā hudam mustaqīm(in).
[67]
Para sa bawat kalipunan ay nagtalaga Kami ng isang panuntunan na sila ay nagsasagawa nito kaya huwag nga silang makipagtunggali sa iyo sa usapin. Mag-anyaya ka tungo sa Panginoon mo; tunay na ikaw ay talagang nasa isang patnubay na tuwid.
وَاِنْ جَادَلُوْكَ فَقُلِ اللّٰهُ اَعْلَمُ بِمَا تَعْمَلُوْنَ٦٨
Wa in jādalūka fa qulillāhu a‘lamu bimā ta‘malūn(a).
[68]
Kung makikipagtalo sila sa iyo ay sabihin mo: “Si Allāh ay higit na maalam sa anumang ginagawa ninyo.”
اَللّٰهُ يَحْكُمُ بَيْنَكُمْ يَوْمَ الْقِيٰمَةِ فِيْمَا كُنْتُمْ فِيْهِ تَخْتَلِفُوْنَ٦٩
Allāhu yaḥkumu bainakum yaumal-qiyāmati fīmā kuntum fīhi takhtalifūn(a).
[69]
Si Allāh ay hahatol sa pagitan ninyo sa Araw ng Pagbangon hinggil sa anumang kayo dati ay nagkakaiba-iba.
اَلَمْ تَعْلَمْ اَنَّ اللّٰهَ يَعْلَمُ مَا فِى السَّمَاۤءِ وَالْاَرْضِۗ اِنَّ ذٰلِكَ فِيْ كِتٰبٍۗ اِنَّ ذٰلِكَ عَلَى اللّٰهِ يَسِيْرٌ٧٠
Alam ta‘lam annallāha ya‘lamu mā fis-samā'i wal-arḍ(i), inna żālika fī kitāb(in), inna żālika ‘alallāhi yasīr(un).
[70]
Hindi ka ba nakaalam na si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa langit at lupa. Tunay na iyon ay nasa isang aklat. Tunay na iyon kay Allāh ay madali.
وَيَعْبُدُوْنَ مِنْ دُوْنِ اللّٰهِ مَا لَمْ يُنَزِّلْ بِهٖ سُلْطٰنًا وَّمَا لَيْسَ لَهُمْ بِهٖ عِلْمٌ ۗوَمَا لِلظّٰلِمِيْنَ مِنْ نَّصِيْرٍ٧١
Wa ya‘budūna min dūnillāhi mā lam yunazzil bihī sulṭānaw wa mā laisa lahum bihī ‘ilm(un), wa mā liẓ-ẓālimīna min naṣīr(in).
[71]
Sumasamba sila sa bukod pa kay Allāh, na hindi Siya nagbababa hinggil doon ng isang katunayan at na walang ukol sa kanila hinggil doon na isang kaalaman. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan na isang mapag-adya.
وَاِذَا تُتْلٰى عَلَيْهِمْ اٰيٰتُنَا بَيِّنٰتٍ تَعْرِفُ فِيْ وُجُوْهِ الَّذِيْنَ كَفَرُوا الْمُنْكَرَۗ يَكَادُوْنَ يَسْطُوْنَ بِالَّذِيْنَ يَتْلُوْنَ عَلَيْهِمْ اٰيٰتِنَاۗ قُلْ اَفَاُنَبِّئُكُمْ بِشَرٍّ مِّنْ ذٰلِكُمْۗ اَلنَّارُۗ وَعَدَهَا اللّٰهُ الَّذِيْنَ كَفَرُوْاۗ وَبِئْسَ الْمَصِيْرُ ࣖ٧٢
Wa iżā tutlā ‘alaihim āyātunā bayyinātin ta‘rifu fī wujūhil-lażīna kafarul-munkar(a), yakādūna yasṭūna bil-lażīna yatlūna ‘alaihim āyātinā, qul afa unabbi'ukum bisyarrim min żālikum, an-nār(u), wa‘adahallāhul-lażīna kafarū, wa bi'sal-maṣīr(u).
[72]
Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda Namin bilang mga malinaw na patunay, makikilala mo sa mga mukha ng mga tumangging sumampalataya ang pagtutol. Halos lumantak sila sa mga bumibigkas sa kanila ng mga tanda Namin. Sabihin mo: “Kaya magbabalita ba ako sa inyo hinggil sa higit na masama kaysa roon? Ang apoy ay ipinangako ni Allāh sa mga tumangging sumampalataya. Kay saklap ang hantungan!”
يٰٓاَيُّهَا النَّاسُ ضُرِبَ مَثَلٌ فَاسْتَمِعُوْا لَهٗ ۗاِنَّ الَّذِيْنَ تَدْعُوْنَ مِنْ دُوْنِ اللّٰهِ لَنْ يَّخْلُقُوْا ذُبَابًا وَّلَوِ اجْتَمَعُوْا لَهٗ ۗوَاِنْ يَّسْلُبْهُمُ الذُّبَابُ شَيْـًٔا لَّا يَسْتَنْقِذُوْهُ مِنْهُۗ ضَعُفَ الطَّالِبُ وَالْمَطْلُوْبُ٧٣
Yā ayyuhan-nāsu ḍuriba maṡalum fastami‘ū lah(ū), innal-lażīna tad‘ūna min dūnillāhi lay yakhluqū żubābaw wa lawijtama‘ū lah(ū), wa iy yaslubhumuż-żubābu syai'al lā yastanqiżūhu minh(u), ḍa‘ufaṭ-ṭālibu wal-maṭlūb(u).
[73]
O mga tao, may inilahad na isang paghahalintulad kaya makinig kayo roon. Tunay na ang dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh ay hindi makalilikha ng isang langaw, kahit pa nagkaisa sila para roon. Kung mangangagaw sa kanila ang langaw ng isang bagay ay hindi sila makapapasagip niyon mula rito. Humina ang humuhuli at ang hinuhuli.
مَا قَدَرُوا اللّٰهَ حَقَّ قَدْرِهٖۗ اِنَّ اللّٰهَ لَقَوِيٌّ عَزِيْزٌ٧٤
Wa mā qadarullāha ḥaqqa qadrih(ī), innallāha laqawiyyun ‘azīz(un).
[74]
Hindi sila nagpahalaga kay Allāh nang totoong pagpapahalaga sa Kanya. Tunay na si Allāh ay talagang Malakas, Makapangyarihan.
اَللّٰهُ يَصْطَفِيْ مِنَ الْمَلٰۤىِٕكَةِ رُسُلًا وَّمِنَ النَّاسِۗ اِنَّ اللّٰهَ سَمِيْعٌۢ بَصِيْرٌ ۚ٧٥
Allāhu yaṣṭafī minal-malā'ikati rusulaw wa minan-nās(i), innallāha samī‘um baṣīr(un).
[75]
Si Allāh ay humihirang mula sa mga anghel ng mga sugo at mula sa mga tao. Tunay na si Allāh ay Madinigin, Nakakikita.
يَعْلَمُ مَا بَيْنَ اَيْدِيْهِمْ وَمَا خَلْفَهُمْۗ وَاِلَى اللّٰهِ تُرْجَعُ الْاُمُوْرُ٧٦
Ya‘lamu mā baina aidīhim wa mā khalfahum, wa ilallāhi turja‘ul-umūr(u).
[76]
Nakaaalam Siya sa anumang nasa pagitan ng mga kamay nila at anumang nasa likuran nila. Tungo kay Allāh pababalikin ang mga usapin.
يٰٓاَيُّهَا الَّذِيْنَ اٰمَنُوا ارْكَعُوْا وَاسْجُدُوْا وَاعْبُدُوْا رَبَّكُمْ وَافْعَلُوا الْخَيْرَ لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُوْنَ ۚ۩٧٧
Yā ayyuhal-lażīna āmanurka‘ū wasjudū wa‘budū rabbakum waf‘alul-khaira la‘allakum tufliḥūn(a).
[77]
O mga sumampalataya, yumukod kayo, magpatirapa kayo, sumamba kayo sa Panginoon ninyo, at gumawa kayo ng kabutihan nang sa gayon kayo ay magtatagumpay.
وَجَاهِدُوْا فِى اللّٰهِ حَقَّ جِهَادِهٖۗ هُوَ اجْتَبٰىكُمْ وَمَا جَعَلَ عَلَيْكُمْ فِى الدِّيْنِ مِنْ حَرَجٍۗ مِلَّةَ اَبِيْكُمْ اِبْرٰهِيْمَۗ هُوَ سَمّٰىكُمُ الْمُسْلِمِيْنَ ەۙ مِنْ قَبْلُ وَفِيْ هٰذَا لِيَكُوْنَ الرَّسُوْلُ شَهِيْدًا عَلَيْكُمْ وَتَكُوْنُوْا شُهَدَاۤءَ عَلَى النَّاسِۖ فَاَقِيْمُوا الصَّلٰوةَ وَاٰتُوا الزَّكٰوةَ وَاعْتَصِمُوْا بِاللّٰهِ ۗهُوَ مَوْلٰىكُمْۚ فَنِعْمَ الْمَوْلٰى وَنِعْمَ النَّصِيْرُ ࣖ ۔٧٨
Wa jāhidū fillāhi ḥaqqa jihādih(ī), huwajtabākum wa mā ja‘ala ‘alaikum fid-dīni min ḥaraj(in), millata abīkum ibrāhīm(a), huwa sammākumul-muslimīn(a), min qablu wa fī hāżā liyakūnar-rasūlu syahīdan ‘alaikum wa takūnū syuhadā'a ‘alan-nās(i), fa aqīmuṣ-ṣalāta wa ātuz-zakāta wa‘taṣimū billāh(i), huwa maulākum, fa ni‘mal-maulā wa ni‘man-naṣīr(u).
[78]
Makibaka kayo alang-alang kay Allāh nang totoong pakikibaka. Siya ay humalal sa inyo at hindi Siya naglagay sa inyo sa relihiyon ng anumang pagkaasiwa, bilang kapaniwalaan ng ama ninyong si Abraham. Siya ay nagpangalan sa inyo na mga Muslim bago pa niyan at sa [Qur’ān na] ito upang ang Sugo ay maging isang saksi sa inyo at kayo ay maging mga saksi sa mga tao. Kaya magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo ng zakāh, at mangunyapit kayo kay Allāh. Siya ay ang Pinagpapatangkilikan ninyo! Kaya kay inam ang Pinagpapatangkilikan at kay inam ang Mapag-adya!