Surah Al-Anbiya
بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
اِقْتَرَبَ لِلنَّاسِ حِسَابُهُمْ وَهُمْ فِيْ غَفْلَةٍ مُّعْرِضُوْنَ ۚ١
Iqtaraba lin-nāsi ḥisābuhum wa hum fī gaflatim mu‘riḍūn(a).
[1]
Napalapit para sa mga tao ang pagtutuos sa kanila habang sila ay nasa isang pagkalingat na mga umaayaw.
مَا يَأْتِيْهِمْ مِّنْ ذِكْرٍ مِّنْ رَّبِّهِمْ مُّحْدَثٍ اِلَّا اسْتَمَعُوْهُ وَهُمْ يَلْعَبُوْنَ ۙ٢
Mā ya'tīhim min żikrim mir rabbihim muḥdaṡin illastama‘ūhu wa hum yal‘abūn(a).
[2]
Walang pumupunta sa kanila na isang paalaala [ng Qur’ān] mula sa Panginoon nila, na bagong ipinababa, malibang nakikinig sila rito habang sila ay naglalaro,
لَاهِيَةً قُلُوْبُهُمْۗ وَاَسَرُّوا النَّجْوَىۖ الَّذِيْنَ ظَلَمُوْاۖ هَلْ هٰذَآ اِلَّا بَشَرٌ مِّثْلُكُمْۚ اَفَتَأْتُوْنَ السِّحْرَ وَاَنْتُمْ تُبْصِرُوْنَ٣
Lāhiyatan qulūbuhum, wa asarrun-najwal-lażīna ẓalamū, hal hāżā illā basyarum miṡlukum, afa ta'tūnas-siḥra wa antum tubṣirūn(a).
[3]
habang nalilibang ang mga puso nila. Naglihim ng pagtatapatan ang mga lumabag sa katarungan: “[Si Muḥammad na] ito kaya ay maliban pa sa isang taong tulad ninyo? Kaya pupunta ba kayo sa panggagaway samantalang kayo ay nakikita?”
قٰلَ رَبِّيْ يَعْلَمُ الْقَوْلَ فِى السَّمَاۤءِ وَالْاَرْضِۖ وَهُوَ السَّمِيْعُ الْعَلِيْمُ٤
Qāla rabbī ya‘lamul-qaula fis-samā'i wal-arḍ(i), wa huwas-samī‘ul-‘alīm(u).
[4]
Nagsabi siya: “Ang Panginoon ko ay nakaaalam sa sinasabi sa langit at lupa at Siya ay ang Madinigin, ang Maalam.”
بَلْ قَالُوْٓا اَضْغَاثُ اَحْلَامٍۢ بَلِ افْتَرٰىهُ بَلْ هُوَ شَاعِرٌۚ فَلْيَأْتِنَا بِاٰيَةٍ كَمَآ اُرْسِلَ الْاَوَّلُوْنَ٥
Bal qālū aḍgāṡu aḥlāmim baliftarāhu bal huwa syā‘ir(un), falya'tinā bi'āyatin kamā ursilal-awwalūn(a).
[5]
Bagkus nagsabi sila: “Mga pagkakalahuk-lahok ng maling panaginip [ito]; bagkus ginawa-gawa niya ito; bagkus siya ay isang manunula. Kaya magdala siya sa atin ng isang tanda kung paanong isinugo ang mga sinauna.”
مَآ اٰمَنَتْ قَبْلَهُمْ مِّنْ قَرْيَةٍ اَهْلَكْنٰهَاۚ اَفَهُمْ يُؤْمِنُوْنَ٦
Mā āmanat qablahum min qaryatin ahlaknāhā, afahum yu'minūn(a).
[6]
Hindi sumampalataya bago nila ang isang pamayanan na ipinahamak Namin. Kaya sila ba ay sasampalataya?
وَمَآ اَرْسَلْنَا قَبْلَكَ اِلَّا رِجَالًا نُّوْحِيْٓ اِلَيْهِمْ فَسْـَٔلُوْٓا اَهْلَ الذِّكْرِ اِنْ كُنْتُمْ لَا تَعْلَمُوْنَ٧
Wa mā arsalnā qablaka illā rijālan nūḥī ilaihim fas'alū ahlaż-żikri in kuntum lā ta‘lamūn(a).
[7]
Hindi Kami nagsugo bago mo kundi ng mga lalaking nagkakasi Kami sa kanila. Kaya magtanong kayo sa mga may paalaala kung kayo ay hindi nakaaalam.
وَمَا جَعَلْنٰهُمْ جَسَدًا لَّا يَأْكُلُوْنَ الطَّعَامَ وَمَا كَانُوْا خٰلِدِيْنَ٨
Wa mā ja‘alnāhum jasadal lā ya'kulūnaṭ-ṭa‘āma wa mā kānū khālidīn(a).
[8]
Hindi Kami gumawa sa kanila bilang katawang hindi kumakain ng pagkain at hindi sila naging mga pinanatiling-buhay.
ثُمَّ صَدَقْنٰهُمُ الْوَعْدَ فَاَنْجَيْنٰهُمْ وَمَنْ نَّشَاۤءُ وَاَهْلَكْنَا الْمُسْرِفِيْنَ٩
Ṡumma ṣadaqnāhumul-wa‘da fa anjaināhum wa man nasyā'u wa ahlaknal-musrifīn(a).
[9]
Pagkatapos tumupad Kami sa kanila ng pangako, saka nagligtas Kami sa kanila at sa sinumang niloob Namin at nagpahamak Kami sa ang mga nagpapakalabis.
لَقَدْ اَنْزَلْنَآ اِلَيْكُمْ كِتٰبًا فِيْهِ ذِكْرُكُمْۗ اَفَلَا تَعْقِلُوْنَ ࣖ١٠
Laqad anzalnā ilaikum kitāban fīhi żikrukum, afalā ta‘qilūn(a).
[10]
Talaga ngang nagpababa Kami sa inyo ng isang Aklat na narito ang pagbanggit324 sa inyo. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa?
[324] O paalaala sa inyo
وَكَمْ قَصَمْنَا مِنْ قَرْيَةٍ كَانَتْ ظَالِمَةً وَّاَنْشَأْنَا بَعْدَهَا قَوْمًا اٰخَرِيْنَ١١
Wa kam qaṣamnā min qaryatin kānat ẓālimataw wa ansya'nā ba‘dahā qauman ākharīn(a).
[11]
Kay rami ng dinurog Namin na pamayanan, na ito noon ay tagalabag sa katarungan, at nagpaluwal Kami matapos nito ng mga ibang tao.
فَلَمَّآ اَحَسُّوْا بَأْسَنَآ اِذَا هُمْ مِّنْهَا يَرْكُضُوْنَ ۗ١٢
Falammā aḥassū ba'sanā iżā hum minhā yarkuḍūn(a).
[12]
Kaya noong nakadama sila ng parusa Namin, biglang sila mula roon ay tumatakas.
لَا تَرْكُضُوْا وَارْجِعُوْٓا اِلٰى مَآ اُتْرِفْتُمْ فِيْهِ وَمَسٰكِنِكُمْ لَعَلَّكُمْ تُسْـَٔلُوْنَ١٣
Lā tarkuḍū warji‘ū ilā mā utriftum fīhi wa masākinikum la‘allakum tus'alūn(a).
[13]
[May mga anghel na nagsabi:] “Huwag kayong tumakbo at bumalik kayo sa pinaluho kayo roon at sa mga tirahan ninyo nang sa gayon kayo ay tatanungin.”
قَالُوْا يٰوَيْلَنَآ اِنَّا كُنَّا ظٰلِمِيْنَ١٤
Qālū yā wailanā innā kunnā ẓālimīn(a).
[14]
Magsasabi sila: “O kapighatian sa amin; tunay na kami noon ay mga tagalabag sa katarungan.”
فَمَا زَالَتْ تِّلْكَ دَعْوٰىهُمْ حَتّٰى جَعَلْنٰهُمْ حَصِيْدًا خٰمِدِيْنَ١٥
Famā zālat tilka da‘wāhum ḥattā ja‘alnāhum ḥaṣīdan khāmidīn(a).
[15]
Saka hindi natigil na iyon ay panawagan nila hanggang sa gumawa Kami sa kanila bilang ginapas na mga nalipol.
وَمَا خَلَقْنَا السَّمَاۤءَ وَالْاَرْضَ وَمَا بَيْنَهُمَا لٰعِبِيْنَ١٦
Wa mā khalaqnas-samā'a wal-arḍa wa mā bainahumā lā‘ibīn(a).
[16]
Hindi Kami lumikha ng langit at lupa at anumang nasa pagitan ng dalawang ito bilang naglalaro.
لَوْ اَرَدْنَآ اَنْ نَّتَّخِذَ لَهْوًا لَّاتَّخَذْنٰهُ مِنْ لَّدُنَّآ ۖاِنْ كُنَّا فٰعِلِيْنَ١٧
Lau aradnā an nattakhiża lahwal lattakhażnāhum mil ladunnā, in kunnā fā‘ilīn(a).
[17]
Kung sakaling nagnais Kami na gumawa ng isang paglilibang ay talaga sanang gumawa Kami nito mula sa nasa Amin, kung Kami ay gagawa [nito].
بَلْ نَقْذِفُ بِالْحَقِّ عَلَى الْبَاطِلِ فَيَدْمَغُهٗ فَاِذَا هُوَ زَاهِقٌۗ وَلَكُمُ الْوَيْلُ مِمَّا تَصِفُوْنَ١٨
Bal naqżifu bil-ḥaqqi ‘alal-bāṭili fa yadmaguhū fa iżā huwa zāhiq(un), wa lakumul-wailu mimmā taṣifūn(a).
[18]
Bagkus nagbabalibag Kami ng katotohanan sa kabulaanan kaya dumudurog ito niyon saka biglaang iyon ay pumaparam. Ukol sa inyo ay ang kapighatian mula sa inilalarawan ninyo.
وَلَهٗ مَنْ فِى السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِۗ وَمَنْ عِنْدَهٗ لَا يَسْتَكْبِرُوْنَ عَنْ عِبَادَتِهٖ وَلَا يَسْتَحْسِرُوْنَ ۚ١٩
Wa lahū man fis-samāwāti wal-arḍ(i), wa man ‘indahū lā yastakbirūna ‘an ‘ibādatihī wa lā yastaḥsirūn(a).
[19]
Sa Kanya ang sinumang nasa mga langit at lupa. Ang mga nasa piling Niya ay hindi nagmamalaki palayo sa pagsamba sa Kanya at hindi sila napapagal.
يُسَبِّحُوْنَ الَّيْلَ وَالنَّهَارَ لَا يَفْتُرُوْنَ٢٠
Yusabbiḥūnal-laila wan-nahāra wa lā yafturūn(a).
[20]
Nagluluwalhati sila sa gabi at maghapon nang hindi nananamlay.
اَمِ اتَّخَذُوْٓا اٰلِهَةً مِّنَ الْاَرْضِ هُمْ يُنْشِرُوْنَ٢١
Amittakhażū ālihatam minal-arḍi hum yunsyirūn(a).
[21]
O gumawa ba sila ng mga diyos mula sa lupa, na ang mga ito ay bubuhay [ng mga patay]?
لَوْ كَانَ فِيْهِمَآ اٰلِهَةٌ اِلَّا اللّٰهُ لَفَسَدَتَاۚ فَسُبْحٰنَ اللّٰهِ رَبِّ الْعَرْشِ عَمَّا يَصِفُوْنَ٢٢
Lau kāna fīhimā ālihatun illallāhu lafasadatā, fa subḥānallāhi rabbil-‘arsyi ‘ammā yaṣifūn(a).
[22]
Kung sakaling sa mga [langit at lupa na] ito ay may mga diyos maliban kay Allāh, talaga sanang nasira ang mga ito. Kaya kaluwalhatian kay Allāh, ang Panginoon ng Trono, higit sa anumang inilalarawan nila.
لَا يُسْـَٔلُ عَمَّا يَفْعَلُ وَهُمْ يُسْـَٔلُوْنَ٢٣
Lā yus'alu ‘ammā yaf‘alu wa hum yus'alūn(a).
[23]
Hindi Siya tinatanong tungkol sa anumang ginagawa Niya samantalang sila ay tatanungin.
اَمِ اتَّخَذُوْا مِنْ دُوْنِهٖٓ اٰلِهَةً ۗقُلْ هَاتُوْا بُرْهَانَكُمْۚ هٰذَا ذِكْرُ مَنْ مَّعِيَ وَذِكْرُ مَنْ قَبْلِيْۗ بَلْ اَكْثَرُهُمْ لَا يَعْلَمُوْنَۙ الْحَقَّ فَهُمْ مُّعْرِضُوْنَ٢٤
Amittakhażū min dūnihī ālihah(tan), qul hātū burhānakum, hāżā żikru mam ma‘iya wa żikru man qablī, bal akṡaruhum lā ya‘lamūnal-ḥaqqa fahum mu‘riḍūn(a).
[24]
O gumawa ba sila sa bukod pa sa Kanya ng mga diyos? Sabihin mo: “Magbigay kayo ng patotoo ninyo.” Ito ay paalaala sa sinumang kasama sa akin at paalaala sa sinumang bago ko pa. Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam sa katotohanan, kaya sila ay mga tagaayaw.”
وَمَآ اَرْسَلْنَا مِنْ قَبْلِكَ مِنْ رَّسُوْلٍ اِلَّا نُوْحِيْٓ اِلَيْهِ اَنَّهٗ لَآ اِلٰهَ اِلَّآ اَنَا۠ فَاعْبُدُوْنِ٢٥
Wa mā arsalnā min qablika mir rasūlin illā nūḥī ilaihi annahū lā ilāha illā ana fa‘budūn(i).
[25]
Hindi Kami nagsugo bago mo pa ng anumang sugo malibang nagkakasi Kami sa kanya na walang Diyos kundi Ako, kaya sumamba kayo sa Akin.
وَقَالُوا اتَّخَذَ الرَّحْمٰنُ وَلَدًا سُبْحٰنَهٗ ۗبَلْ عِبَادٌ مُّكْرَمُوْنَ ۙ٢٦
Wa qāluttakhażar-raḥmānu waladan subḥānah(ū), bal ‘ibādum mukramūn(a).
[26]
Nagsabi sila: “Gumawa ang Napakamaawain ng isang anak.” Kaluwalhatian sa Kanya; bagkus [sila325 ay] mga lingkod na pinarangalan [sila].
[325] Ibig sabihin: ang mga sinasabing anak ng Diyos na gaya nina Ezra at Jesus at ng mga anghel.
لَا يَسْبِقُوْنَهٗ بِالْقَوْلِ وَهُمْ بِاَمْرِهٖ يَعْمَلُوْنَ٢٧
Lā yasbiqūnahū bil-qauli wa hum bi'amrihī ya‘malūn(a).
[27]
Hindi sila nangunguna sa Kanya sa pagsabi samantalang sila sa utos Niya ay gumagawa.
يَعْلَمُ مَا بَيْنَ اَيْدِيْهِمْ وَمَا خَلْفَهُمْ وَلَا يَشْفَعُوْنَۙ اِلَّا لِمَنِ ارْتَضٰى وَهُمْ مِّنْ خَشْيَتِهٖ مُشْفِقُوْنَ٢٨
Ya‘lamū mā baina aidīhim wa mā khalfahum wa lā yasyfa‘ūna illā limanirtaḍā wa hum min khasy-yatihī musyfiqūn(a).
[28]
Nakaaalam Siya sa anumang nasa pagitan ng mga kamay nila at anumang nasa likuran nila. Hindi sila nakapamamagitan maliban para sa sinumang kinalugdan Niya. Sila, dahil sa takot sa Kanya, ay mga nababagabag.
۞ وَمَنْ يَّقُلْ مِنْهُمْ اِنِّيْٓ اِلٰهٌ مِّنْ دُوْنِهٖ فَذٰلِكَ نَجْزِيْهِ جَهَنَّمَۗ كَذٰلِكَ نَجْزِى الظّٰلِمِيْنَ ࣖ٢٩
Wa may yaqul minhum innī ilāhun min dūnihī fa żālika najzīhi jahannam(a), każālika najziẓ-ẓālimīn(a).
[29]
Ang sinumang nagsasabi kabilang sa kanila:326 “Tunay na ako ay diyos bukod pa sa Kanya,” iyon ay gagantihan Namin ng Impiyerno. Gayon Kami gaganti sa mga tagalabag sa katarungan.
[326] Ibig sabihin: ang mga anghel at si Jesus, halimbawa.
اَوَلَمْ يَرَ الَّذِيْنَ كَفَرُوْٓا اَنَّ السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضَ كَانَتَا رَتْقًا فَفَتَقْنٰهُمَاۗ وَجَعَلْنَا مِنَ الْمَاۤءِ كُلَّ شَيْءٍ حَيٍّۗ اَفَلَا يُؤْمِنُوْنَ٣٠
Awalam yaral-lażīna kafarū annas-samāwāti wal-arḍa kānatā ratqan fa fataqnāhumā, wa ja‘alnā minal-mā'i kulla syai'in ḥayy(in), afalā yu'minūn(a).
[30]
Hindi ba nakaalam ang mga tumangging sumampalataya na ang mga langit at ang lupa dati ay magkasanib, saka nagpawatak-watak Kami sa mga ito? Gumawa Kami mula sa tubig ng bawat bagay na buhay. Kaya hindi ba sila sumasampalataya?
وَجَعَلْنَا فِى الْاَرْضِ رَوَاسِيَ اَنْ تَمِيْدَ بِهِمْۖ وَجَعَلْنَا فِيْهَا فِجَاجًا سُبُلًا لَّعَلَّهُمْ يَهْتَدُوْنَ٣١
Wa ja‘alnā fil-arḍi rawāsiya an tamīda bihim, wa ja‘anā fīhā fijājan subulal la‘allahum yahtadūn(a).
[31]
Gumawa Kami sa lupa ng mga matatag na bundok upang [hindi] gumalaw-galaw ang mga ito sa kanila at gumawa Kami rito ng mga daanang maluwang bilang mga landas nang sa gayon sila ay mapapatnubayan.
وَجَعَلْنَا السَّمَاۤءَ سَقْفًا مَّحْفُوْظًاۚ وَهُمْ عَنْ اٰيٰتِهَا مُعْرِضُوْنَ٣٢
Wa ja‘alnas-samā'a saqfam maḥfūẓā(n), wa hum ‘an āyātihā mu‘riḍūn(a).
[32]
Gumawa Kami ng langit bilang bubong na pinangangalagaan, samantalang sila, sa mga tanda nito, ay mga tagaayaw.
وَهُوَ الَّذِيْ خَلَقَ الَّيْلَ وَالنَّهَارَ وَالشَّمْسَ وَالْقَمَرَۗ كُلٌّ فِيْ فَلَكٍ يَّسْبَحُوْنَ٣٣
Wa huwal-lażī khalaqal-laila wan-nahāra wasy-syamsa wal-qamar(a), kullun fī falakiy yasbaḥūn(a).
[33]
Siya ay ang lumikha ng gabi at maghapon at ng araw at buwan; lahat sa isang ligiran ay lumalangoy.
وَمَا جَعَلْنَا لِبَشَرٍ مِّنْ قَبْلِكَ الْخُلْدَۗ اَفَا۟ىِٕنْ مِّتَّ فَهُمُ الْخٰلِدُوْنَ٣٤
Wa mā ja‘alnā libasyarim min qablikal-khuld(a), afa'im mitta fahumul-khālidūn(a).
[34]
Hindi Kami gumawa para sa isang tao bago mo pa ng kawalang-hanggan. Kaya ba kung namatay ka, sila ay ang mga mananatili?
كُلُّ نَفْسٍ ذَاۤىِٕقَةُ الْمَوْتِۗ وَنَبْلُوْكُمْ بِالشَّرِّ وَالْخَيْرِ فِتْنَةً ۗوَاِلَيْنَا تُرْجَعُوْنَ٣٥
Kullu nafsin żā'iqatul-maut(i), wa nablūkum bisy-syarri wal-khairi fitnah(tan), wa ilainā turja‘ūn(a).
[35]
Bawat kaluluwa ay lalasap ng kamatayan. Susubok Kami sa inyo sa pamamagitan ng kasamaan at kabutihan bilang tukso. Tungo sa Amin pababalikin kayo.
وَاِذَا رَاٰكَ الَّذِيْنَ كَفَرُوْٓا اِنْ يَّتَّخِذُوْنَكَ اِلَّا هُزُوًاۗ اَهٰذَا الَّذِيْ يَذْكُرُ اٰلِهَتَكُمْۚ وَهُمْ بِذِكْرِ الرَّحْمٰنِ هُمْ كٰفِرُوْنَ٣٦
Wa iżā ra'ākal-lażīna kafarū iy yattakhiżūnaka illā huzuwā(n), ahāżal-lażī yażkuru ālihatakum, wa hum biżikrir-raḥmāni hum kāfirūn(a).
[36]
Kapag nakita ka ng mga tumangging sumampalataya ay wala silang ginagawa sa iyo kundi isang pangungutya, [na nagsasabi]: “Ito ba ang bumabanggit sa mga diyos ninyo?” samantalang sila, sa pagbanggit sa Napakamaawain, sila ay mga tagatangging sumampalataya.
خُلِقَ الْاِنْسَانُ مِنْ عَجَلٍۗ سَاُورِيْكُمْ اٰيٰتِيْ فَلَا تَسْتَعْجِلُوْنِ٣٧
Khuliqal-insānu min ‘ajal(in), sa'urīkum āyātī falā tasta‘jilūn(i).
[37]
Nilikha ang tao mula sa isang [kalikasan ng] pagmamadali. Magpapakita Ako sa inyo ng mga tanda Ko kaya huwag kayong magmadali [ng mga ito] sa Akin.
وَيَقُوْلُوْنَ مَتٰى هٰذَا الْوَعْدُ اِنْ كُنْتُمْ صٰدِقِيْنَ٣٨
Wa yaqūlūna matā hāżal-wa‘du in kuntum ṣādiqīn(a).
[38]
Nagsasabi sila:327 “Kailan ang pangakong ito kung kayo ay mga tapat?”
[327] Ibig sabihin: ang mga tagatangging sumampalataya na nagkakaila ng pagkabuhay.
لَوْ يَعْلَمُ الَّذِيْنَ كَفَرُوْا حِيْنَ لَا يَكُفُّوْنَ عَنْ وُّجُوْهِهِمُ النَّارَ وَلَا عَنْ ظُهُوْرِهِمْ وَلَا هُمْ يُنْصَرُوْنَ٣٩
Lau ya‘lamul-lażīna kafarū ḥīna lā yakuffūna ‘aw wujūhihimun nāra wa lā ‘an ẓuhūrihim wa lā hum yunṣarūn(a).
[39]
Kung sakaling nakaaalam ang mga tumangging sumampalataya nang hindi sila nakapipigil palayo sa mga mukha nila ng apoy ni palayo sa mga likod nila ni sila ay iaadya.
بَلْ تَأْتِيْهِمْ بَغْتَةً فَتَبْهَتُهُمْ فَلَا يَسْتَطِيْعُوْنَ رَدَّهَا وَلَا هُمْ يُنْظَرُوْنَ٤٠
Bal ta'tīhim bagtatan fa tabhatuhum falā yastaṭī‘ūna raddahā wa lā hum yunẓarūn(a).
[40]
Bagkus pupunta ito sa kanila nang biglaan saka gugulantang ito sa kanila kaya hindi sila makakakaya sa pagtataboy nito ni sila ay palulugitan.
وَلَقَدِ اسْتُهْزِئَ بِرُسُلٍ مِّنْ قَبْلِكَ فَحَاقَ بِالَّذِيْنَ سَخِرُوْا مِنْهُمْ مَّا كَانُوْا بِهٖ يَسْتَهْزِءُوْنَ ࣖ٤١
Wa laqadistuhzi'a birusulim min qablika fa ḥāqa bil-lażīna sakhirū minhum mā kānū bihī yastahzi'ūn(a).
[41]
Talaga ngang nangutya sa mga sugo bago mo pa, kaya pumaligid sa mga nanuya kabilang sa kanila ang dati nilang kinukutya.
قُلْ مَنْ يَّكْلَؤُكُمْ بِالَّيْلِ وَالنَّهَارِ مِنَ الرَّحْمٰنِۗ بَلْ هُمْ عَنْ ذِكْرِ رَبِّهِمْ مُّعْرِضُوْنَ٤٢
Qul may yakla'ukum bil-laili wan-nahāri minar-raḥmān(i), bal hum ‘an żikrihim mu‘riḍūn(a).
[42]
Sabihin mo: “Sino ang kakandili sa inyo sa gabi at maghapon laban sa [pagdurusang dulot ng] Napakamaawain?” Bagkus sila, sa pag-aalaala sa Panginoon nila, ay mga tagaayaw.
اَمْ لَهُمْ اٰلِهَةٌ تَمْنَعُهُمْ مِّنْ دُوْنِنَاۗ لَا يَسْتَطِيْعُوْنَ نَصْرَ اَنْفُسِهِمْ وَلَا هُمْ مِّنَّا يُصْحَبُوْنَ٤٣
Am lahum ālihatun tamna‘uhum min dūninā, lā yastaṭī‘ūna naṣra anfusihim wa lā hum minnā yuṣḥabūn(a).
[43]
O mayroon silang mga diyos na nagtatanggol sa kanila bukod pa sa Amin? Hindi sila nakakakaya sa pag-aadya sa mga sarili nila ni sila laban sa Amin ay maipagtatanggol.
بَلْ مَتَّعْنَا هٰٓؤُلَاۤءِ وَاٰبَاۤءَهُمْ حَتّٰى طَالَ عَلَيْهِمُ الْعُمُرُۗ اَفَلَا يَرَوْنَ اَنَّا نَأْتِى الْاَرْضَ نَنْقُصُهَا مِنْ اَطْرَافِهَاۗ اَفَهُمُ الْغٰلِبُوْنَ٤٤
Bal matta‘nā hā'ulā'i wa ābā'ahum ḥattā ṭāla ‘alaihimul-‘umur(u), afalā yarauna annā na'til-arḍa nanquṣuhā min aṭrāfihā, afahumul-gālibūn(a).
[44]
Bagkus nagpaginhawa Kami sa mga ito at sa mga magulang nila hanggang sa humaba sa kanila ang buhay. Kaya hindi ba sila nakaaalam na Kami ay pumupunta sa lupa, na bumabawas rito mula sa mga gilid nito? Kaya sila ba ang mga tagapanaig?”
قُلْ اِنَّمَآ اُنْذِرُكُمْ بِالْوَحْيِۖ وَلَا يَسْمَعُ الصُّمُّ الدُّعَاۤءَ اِذَا مَا يُنْذَرُوْنَ٤٥
Qul innamā unżirukum bil-waḥy(i), wa lā yasma‘uṣ-ṣummud-du‘ā'a iżā mā yunżarūn(a).
[45]
Sabihin mo: “Nagbibigay-babala lamang ako sa inyo sa pamamagitang ng pagkakasi.” Hindi nakaririnig ang mga bingi ng panalangin kapag binigyang-babala sila.”
وَلَىِٕنْ مَّسَّتْهُمْ نَفْحَةٌ مِّنْ عَذَابِ رَبِّكَ لَيَقُوْلُنَّ يٰوَيْلَنَآ اِنَّا كُنَّا ظٰلِمِيْنَ٤٦
Wa la'im massathum nafḥatum min ‘ażābi rabbika layaqūlunna yā wailanā innā kunnā ẓālimīn(a).
[46]
Talagang kung may sumaling sa kanila na isang singaw mula sa pagdurusang dulot ng Panginoon mo ay talagang magsasabi nga sila: “O kapighatian sa amin! Tunay na kami dati ay mga tagalabag sa katarungan.”
وَنَضَعُ الْمَوَازِيْنَ الْقِسْطَ لِيَوْمِ الْقِيٰمَةِ فَلَا تُظْلَمُ نَفْسٌ شَيْـًٔاۗ وَاِنْ كَانَ مِثْقَالَ حَبَّةٍ مِّنْ خَرْدَلٍ اَتَيْنَا بِهَاۗ وَكَفٰى بِنَا حٰسِبِيْنَ٤٧
Wa naḍa‘ul-mawāzīnal-qisṭa liyaumil-qiyāmati falā tuẓlamu nafsun syai'ā(n), wa in kāna miṡqāla ḥabbatim min khardalin atainā bihā, wa kafā binā ḥāsibīn(a).
[47]
Maglalagay Kami ng mga timbangang pangmakatarungan para sa Araw ng Pagbangon, kaya hindi lalabagin sa katarungan ang isang kaluluwa sa anuman. Kung ito man ay kasimbigat ng buto ng mustasa ay magtatanghal Kami nito. Nakasapat na Kami bilang Tagapagtuos.
وَلَقَدْ اٰتَيْنَا مُوْسٰى وَهٰرُوْنَ الْفُرْقَانَ وَضِيَاۤءً وَّذِكْرًا لِّلْمُتَّقِيْنَ ۙ٤٨
Wa laqad ātainā mūsā wa hārūnal-furqāna wa ḍiyā'aw wa żikral lil-muttaqīn(a).
[48]
Talaga ngang nagbigay Kami kina Moises at Aaron ng Pamantayan [ng tama at mali], isang tanglaw, at isang paalaala para sa mga tagapangilag magkasala,
الَّذِيْنَ يَخْشَوْنَ رَبَّهُمْ بِالْغَيْبِ وَهُمْ مِّنَ السَّاعَةِ مُشْفِقُوْنَ٤٩
Allażīna yakhsyauna rabbahum bil-gaibi wa hum minas-sā‘ati musyfiqūn(a).
[49]
na natatakot sa Panginoon nila nang nakalingid at sila sa Huling Sandali ay mga nababagabag.
وَهٰذَا ذِكْرٌ مُّبٰرَكٌ اَنْزَلْنٰهُۗ اَفَاَنْتُمْ لَهٗ مُنْكِرُوْنَ ࣖ٥٠
Wa hāżā żikrum mubārakun anzalnāh(u), afa antum lahū munkirūn(a).
[50]
[Ang Qur’ān na] ito ay isang paalaalang pinagpala na pinababa Namin. Kaya kayo ba rito ay mga tagapagkaila?
۞ وَلَقَدْ اٰتَيْنَآ اِبْرٰهِيْمَ رُشْدَهٗ مِنْ قَبْلُ وَكُنَّا بِهٖ عٰلِمِيْنَ٥١
Wa laqad ātainā ibrāhīma rusydahū min qablu wa kunnā bihī ‘ālimīn(a).
[51]
Talaga ngang nagbigay Kami kay Abraham ng pagkagabay niya bago pa niyan. Laging Kami sa kanya ay nakaaalam.
اِذْ قَالَ لِاَبِيْهِ وَقَوْمِهٖ مَا هٰذِهِ التَّمَاثِيْلُ الَّتِيْٓ اَنْتُمْ لَهَا عٰكِفُوْنَ٥٢
Iż qāla li'abīhi wa qaumihī mā hāżihit-tamāṡīlul-latī antum lahā ‘ākifūn(a).
[52]
[Banggitin] noong nagsabi siya sa ama niya at mga kababayan niya: “Ano ang mga istatuwang ito na kayo sa mga ito ay mga namimintuho?”
قَالُوْا وَجَدْنَآ اٰبَاۤءَنَا لَهَا عٰبِدِيْنَ٥٣
Qālū wajadnā ābā'anā lahā ‘ābidīn(a).
[53]
Nagsabi sila: “Nakatagpo Kami sa mga magulang namin na sa mga ito ay mga tagasamba.”
قَالَ لَقَدْ كُنْتُمْ اَنْتُمْ وَاٰبَاۤؤُكُمْ فِيْ ضَلٰلٍ مُّبِيْنٍ٥٤
Qāla laqad kuntum antum wa ābā'ukum fī ḍalālim mubīn(in).
[54]
Nagsabi siya: “Talaga ngang kayo at ang mga ninuno ninyo ay nasa isang pagkaligaw na malinaw.”
قَالُوْٓا اَجِئْتَنَا بِالْحَقِّ اَمْ اَنْتَ مِنَ اللّٰعِبِيْنَ٥٥
Qālū aji'tanā bil-ḥaqqi am anta minal-lā‘ibīn(a).
[55]
Nagsabi sila: “Naghatid ka ba sa amin ng katotohanan o ikaw ay kabilang sa mga tagapaglaro?”
قَالَ بَلْ رَّبُّكُمْ رَبُّ السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِ الَّذِيْ فَطَرَهُنَّۖ وَاَنَا۠ عَلٰى ذٰلِكُمْ مِّنَ الشّٰهِدِيْنَ٥٦
Qāla bar rabbukum rabbus-samāwāti wal-arḍil-lażī faṭarahunn(a), wa ana ‘alā żālikum minasy-syāhidīn(a).
[56]
Nagsabi siya: “Bagkus ang Panginoon ninyo ay ang Panginoon ng mga langit at lupa, na lumalang sa mga ito, at ako ayon doon ay kabilang sa mga tagasaksi.
وَتَاللّٰهِ لَاَكِيْدَنَّ اَصْنَامَكُمْ بَعْدَ اَنْ تُوَلُّوْا مُدْبِرِيْنَ٥٧
Wa tallāhi la'akīdanna aṣnāmakum ba‘da an tuwallū mudbirīn(a).
[57]
Sumpa man kay Allāh, talagang manlalansi nga ako laban sa mga anito ninyo matapos na tumalikod kayo habang mga lumilisan.”
فَجَعَلَهُمْ جُذٰذًا اِلَّا كَبِيْرًا لَّهُمْ لَعَلَّهُمْ اِلَيْهِ يَرْجِعُوْنَ٥٨
Fa ja‘alahum jużāżan illā kabīral lahum la‘allahum ilaihi yarji‘ūn(a).
[58]
Kaya gumawa siya sa mga ito na mga pira-piraso maliban sa isang malaki para sa mga ito nang sa gayon sila tungo rito ay babalik.
قَالُوْا مَنْ فَعَلَ هٰذَا بِاٰلِهَتِنَآ اِنَّهٗ لَمِنَ الظّٰلِمِيْنَ٥٩
Qālū man fa‘ala hāżā bi'ālihatinā innahū laminaẓ-ẓālimīn(a).
[59]
Nagsabi sila: “Sino ang gumawa nito sa mga diyos natin? Tunay na siya ay talagang kabilang sa mga tagalabag sa katarungan.”
قَالُوْا سَمِعْنَا فَتًى يَّذْكُرُهُمْ يُقَالُ لَهٗٓ اِبْرٰهِيْمُ ۗ٦٠
Qālū sami‘nā fatay yażkuruhum yuqālu lahū ibrāhīm(u).
[60]
Nagsabi sila: “Nakarinig kami ng isang binatang bumabanggit sa kanila, na sinasabi siyang si Abraham.”
قَالُوْا فَأْتُوْا بِهٖ عَلٰٓى اَعْيُنِ النَّاسِ لَعَلَّهُمْ يَشْهَدُوْنَ٦١
Qālū fa'tū bihī ‘alā a‘yunin-nāsi la‘allahum yasyhadūn(a).
[61]
Nagsabi sila: “Kaya magdala kayo sa kanya sa mga mata ng mga tao nang gayon sila ay sasaksi.”
قَالُوْٓا ءَاَنْتَ فَعَلْتَ هٰذَا بِاٰلِهَتِنَا يٰٓاِبْرٰهِيْمُ ۗ٦٢
Qālū a'anta fa‘alta hāżā bi'ālihatinā yā ibrāhīm(u).
[62]
Nagsabi sila: “Ikaw ba ay gumawa nito sa mga diyos namin, O Abraham?”
قَالَ بَلْ فَعَلَهٗ كَبِيْرُهُمْ هٰذَا فَسْـَٔلُوْهُمْ اِنْ كَانُوْا يَنْطِقُوْنَ٦٣
Qāla bal fa‘alahū kabīruhum hāżā fas'alūhum in kānū yanṭiqūn(a).
[63]
Nagsabi siya: “Bagkus ginawa iyan ng malaki nilang ito kaya magtanong kayo sa kanila kung sila ay nakabibigkas.”
فَرَجَعُوْٓا اِلٰٓى اَنْفُسِهِمْ فَقَالُوْٓا اِنَّكُمْ اَنْتُمُ الظّٰلِمُوْنَ ۙ٦٤
Fa raja‘ū ilā anfusihim fa qālū innakum antumuẓ-ẓālimūn(a).
[64]
Kaya bumalik sila sa mga sarili nila saka nagsabi sila: “Tunay na kayo ay ang mga tagalabag sa katarungan.”
ثُمَّ نُكِسُوْا عَلٰى رُءُوْسِهِمْۚ لَقَدْ عَلِمْتَ مَا هٰٓؤُلَاۤءِ يَنْطِقُوْنَ٦٥
Ṡumma nukisū ‘alā ru'ūsihim, laqad ‘alimta mā hā'ulā'i yanṭiqūn(a).
[65]
Pagkatapos nanumbalik sila sa [katigasan ng] mga ulo nila, [na nagsasabi]: “Talaga ngang nalaman mong ang mga ito ay hindi nakabibigkas.”
قَالَ اَفَتَعْبُدُوْنَ مِنْ دُوْنِ اللّٰهِ مَا لَا يَنْفَعُكُمْ شَيْـًٔا وَّلَا يَضُرُّكُمْ ۗ٦٦
Qāla afata‘budūna min dūnillāhi mā lā yanfa‘ukum syai'aw wa lā yaḍurrukum.
[66]
Nagsabi siya: “Kaya sumasamba ba kayo sa bukod pa kay Allāh, na hindi nagpapakinabang sa inyo ng anuman at hindi nakapipinsala sa inyo?
اُفٍّ لَّكُمْ وَلِمَا تَعْبُدُوْنَ مِنْ دُوْنِ اللّٰهِ ۗاَفَلَا تَعْقِلُوْنَ٦٧
Uffil lakum wa limā ta‘budūna min dūnillāh(i), afalā ta‘qilūn(a).
[67]
Pagkasuya ay sa inyo at ukol sa anumang sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh! Kaya ba hindi kayo nakapag-uunawa?”
قَالُوْا حَرِّقُوْهُ وَانْصُرُوْٓا اٰلِهَتَكُمْ اِنْ كُنْتُمْ فٰعِلِيْنَ٦٨
Qālū ḥarriqūhu wanṣurū ālihatakum in kuntum fā‘ilīn(a).
[68]
Nagsabi sila: “Sunugin ninyo siya at iadya ninyo ang mga diyos ninyo kung kayo ay mga gagawa.”
قُلْنَا يٰنَارُ كُوْنِيْ بَرْدًا وَّسَلٰمًا عَلٰٓى اِبْرٰهِيْمَ ۙ٦٩
Qulnā yā nāru kūnī bardaw wa salāman ‘alā ibrāhīm(a).
[69]
Nagsabi Kami: “O apoy, maging kalamigan at kaligtasan ka kay Abraham.”
وَاَرَادُوْا بِهٖ كَيْدًا فَجَعَلْنٰهُمُ الْاَخْسَرِيْنَ ۚ٧٠
Wa arādū bihī kaidan fa ja‘alnāhumul-akhsarīn(a).
[70]
Nagnais sila sa kanya ng isang panlalansi ngunit gumawa Kami sa kanila bilang ang mga pinakalugi.
وَنَجَّيْنٰهُ وَلُوْطًا اِلَى الْاَرْضِ الَّتِيْ بٰرَكْنَا فِيْهَا لِلْعٰلَمِيْنَ٧١
Wa najjaināhu wa lūṭan ilal-arḍil-latī bāraknā fīhā lil-‘ālamīn(a).
[71]
Nagligtas Kami sa kanya at kay Lot tungo sa lupaing nagpala Kami roon para sa mga nilalang.
وَوَهَبْنَا لَهٗٓ اِسْحٰقَ وَيَعْقُوْبَ نَافِلَةً ۗوَكُلًّا جَعَلْنَا صٰلِحِيْنَ٧٢
Wa wahabnā lahū isḥāqa wa ya‘qūba nāfilah(tan), wa kullan ja‘alnā ṣāliḥīn(a).
[72]
Nagkaloob Kami para sa kanya kina Isaac at Jacob bilang dagdag. Lahat ay ginawa Naming mga maayos.
وَجَعَلْنٰهُمْ اَىِٕمَّةً يَّهْدُوْنَ بِاَمْرِنَا وَاَوْحَيْنَآ اِلَيْهِمْ فِعْلَ الْخَيْرٰتِ وَاِقَامَ الصَّلٰوةِ وَاِيْتَاۤءَ الزَّكٰوةِۚ وَكَانُوْا لَنَا عٰبِدِيْنَ ۙ٧٣
Wa ja‘alnāhum a'immatay yahdūna bi'amrinā wa auḥainā ilaihim fi‘lal-khairāti wa iqāmaṣ-ṣalāti wa ītā'az-zakāh(ti), wa kānū lanā ‘ābidīn(a).
[73]
Gumawa Kami sa kanila bilang mga tagapanguna na pumapatnubay sa pamamagitan ng utos Namin. Nagkasi Kami sa kanila ng paggawa ng mga kabutihan, pagpapanatili ng dasal, at pagbibigay ng zakāh. Laging sila sa Amin ay mga tagasamba.
وَلُوْطًا اٰتَيْنٰهُ حُكْمًا وَّعِلْمًا وَّنَجَّيْنٰهُ مِنَ الْقَرْيَةِ الَّتِيْ كَانَتْ تَّعْمَلُ الْخَبٰۤىِٕثَ ۗاِنَّهُمْ كَانُوْا قَوْمَ سَوْءٍ فٰسِقِيْنَۙ٧٤
Wa lūṭan ātaināhu ḥumkaw wa ‘ilmaw wa najjaināhu minal-qaryatil-latī kānat ta‘malul-khabā'iṡ(a), innahum kānū qauma sau'in fāsiqīn(a).
[74]
Kay Lot ay nagbigay Kami ng isang paghahatol at isang kaalaman at nagligtas Kami sa kanya mula sa pamayanang gumagawa dati ng mga karima-rimarim. Tunay na sila noon ay mga tao ng kasagwaan, na mga suwail.
وَاَدْخَلْنٰهُ فِيْ رَحْمَتِنَاۗ اِنَّهٗ مِنَ الصّٰلِحِيْنَ ࣖ٧٥
Wa adkhalnāhu fī raḥmatinā, innahū minaṣ-ṣāliḥīn(a).
[75]
Nagpapasok Kami sa kanya sa awa Namin. Tunay na siya ay kabilang sa mga maayos.
وَنُوْحًا اِذْ نَادٰى مِنْ قَبْلُ فَاسْتَجَبْنَا لَهٗ فَنَجَّيْنٰهُ وَاَهْلَهٗ مِنَ الْكَرْبِ الْعَظِيْمِ ۚ٧٦
Wa nūḥan iż nādā min qablu fastajabnā lahū fa najjaināhu wa ahlahū minal-karbil-‘aẓīm(i).
[76]
[Banggitin] si Noe noong nanawagan siya bago pa niyan kaya tumugon Kami sa kanya saka nagligtas Kami sa kanya at sa mag-anak niya mula sa dalamhating sukdulan.
وَنَصَرْنٰهُ مِنَ الْقَوْمِ الَّذِيْنَ كَذَّبُوْا بِاٰيٰتِنَاۗ اِنَّهُمْ كَانُوْا قَوْمَ سَوْءٍ فَاَغْرَقْنٰهُمْ اَجْمَعِيْنَ٧٧
Wa naṣarnāhu minal-qaumil-lażīna każżabū bi'āyātinā, innahum kānū qauma sau'in fa agraqnāhum ajma‘īn(a).
[77]
Nag-adya Kami sa kanya mula sa mga taong nagpasinungaling sa mga tanda Namin. Tunay na sila noon ay mga tao ng kasagwaan kaya lumunod Kami sa kanila nang magkakasama.
وَدَاوٗدَ وَسُلَيْمٰنَ اِذْ يَحْكُمٰنِ فِى الْحَرْثِ اِذْ نَفَشَتْ فِيْهِ غَنَمُ الْقَوْمِۚ وَكُنَّا لِحُكْمِهِمْ شٰهِدِيْنَ ۖ٧٨
Wa dāwūda wa sulaimāna iż yaḥkumāni fil-ḥarṡi iż nafasyat fīhi ganamul-qaum(i), wa kunnā liḥukmihim syāhidīn(a).
[78]
[Banggitin] sina David at Solomon noong humahatol silang dalawa kaugnay sa sakahan noong naglipana roon ang mga tupa ng mga tao [sa gabi] at laging Kami para sa paghahatol nila ay tagasaksi.
فَفَهَّمْنٰهَا سُلَيْمٰنَۚ وَكُلًّا اٰتَيْنَا حُكْمًا وَّعِلْمًاۖ وَّسَخَّرْنَا مَعَ دَاوٗدَ الْجِبَالَ يُسَبِّحْنَ وَالطَّيْرَۗ وَكُنَّا فٰعِلِيْنَ٧٩
Fa fahhamnāhā sulaimān(a), wa kullan ātainā ḥukmaw wa ‘ilmā(n), wa sakhkharnā ma‘a dāwūdal-jibāla yusabbiḥna waṭ-ṭair(a), wa kunnā fā‘ilīn(a).
[79]
Nagpaintindi Kami nito kay Solomon. Sa bawat isa ay nagbigay Kami ng isang paghahatol at isang kaalaman. Pinagsilbi Namin kasama kay David ang mga bundok, na nagluluwalhati, at ang mga ibon. Kami dati ay gumagawa [niyon].
وَعَلَّمْنٰهُ صَنْعَةَ لَبُوْسٍ لَّكُمْ لِتُحْصِنَكُمْ مِّنْۢ بَأْسِكُمْۚ فَهَلْ اَنْتُمْ شٰكِرُوْنَ٨٠
Wa ‘allamnāhu ṣan‘ata labūsil lakum lituḥṣinakum mim ba'sikum, fahal antum syākirūn(a).
[80]
Nagturo Kami sa kanya ng pagyari ng mga kutamaya para sa inyo upang magsanggalang sa inyo mula sa karahasan ninyo, kaya kayo kaya ay mga tagapagpasalamat?
وَلِسُلَيْمٰنَ الرِّيْحَ عَاصِفَةً تَجْرِيْ بِاَمْرِهٖٓ اِلَى الْاَرْضِ الَّتِيْ بٰرَكْنَا فِيْهَاۗ وَكُنَّا بِكُلِّ شَيْءٍ عٰلِمِيْنَ٨١
Wa lisulaimānar-rīḥa ‘āṣifatan tajrī bi'amrihī ilal-arḍil-latī bāraknā fīhā, wa kunnā bikulli syai'in ‘ālimīn(a).
[81]
[Pinaglingkod] para kay Solomon ang hangin habang umuunos, na dumadaloy ayon sa utos niya tungo sa lupaing nagpala Kami roon. Laging Kami sa bawat bagay ay nakaaalam.
وَمِنَ الشَّيٰطِيْنِ مَنْ يَّغُوْصُوْنَ لَهٗ وَيَعْمَلُوْنَ عَمَلًا دُوْنَ ذٰلِكَۚ وَكُنَّا لَهُمْ حٰفِظِيْنَ ۙ٨٢
Wa minasy-syayāṭīna may yagūṣūna lahū wa ya‘malūna ‘amalan dūna żālik(a), wa kunnā lahum ḥāfiẓīn(a).
[82]
Mayroon sa mga demonyo [kabilang sa mga jinn] na sumisisid para sa kanya at gumagawa ng gawain bukod pa roon. Laging Kami sa kanila ay tagapag-ingat.
۞ وَاَيُّوْبَ اِذْ نَادٰى رَبَّهٗٓ اَنِّيْ مَسَّنِيَ الضُّرُّ وَاَنْتَ اَرْحَمُ الرّٰحِمِيْنَ ۚ٨٣
Wa ayyūba iż nādā rabbahū annī massaniyaḍ-ḍurru wa anta arḥamur-rāḥimīn(a).
[83]
[Banggitin] si Job noong nanawagan siya sa Panginoon niya: “Tunay na ako ay nasaling ng kapinsalaan,328 at Ikaw ay ang pinakamaawain ng mga naaawa.”
[328] Ibig sabihin: karamdaman at pagkamatay ng mga anak.
فَاسْتَجَبْنَا لَهٗ فَكَشَفْنَا مَا بِهٖ مِنْ ضُرٍّ وَّاٰتَيْنٰهُ اَهْلَهٗ وَمِثْلَهُمْ مَّعَهُمْ رَحْمَةً مِّنْ عِنْدِنَا وَذِكْرٰى لِلْعٰبِدِيْنَ ۚ٨٤
Fastajabnā lahū fa kasyafnā mā bihī min ḍurriw wa ātaināhu ahlahū wa miṡlahum ma‘ahum raḥmatam min ‘indinā wa żikrā lil-‘ābidīn(a).
[84]
Kaya tumugon Kami sa kanya saka pumawi Kami sa anumang taglay niya na kapinsalaan. Nagbigay Kami sa kanya ng mag-anak niya at ng tulad nila kasama sa kanila bilang awa mula sa ganang Amin at bilang paalaala sa mga tagasamba.
وَاِسْمٰعِيْلَ وَاِدْرِيْسَ وَذَا الْكِفْلِۗ كُلٌّ مِّنَ الصّٰبِرِيْنَ ۙ٨٥
Wa ismā‘īla wa idrīsa wa żal-kifl(i), kullum minaṣ-ṣābirīn(a).
[85]
[Banggitin] sina Ismael, Enoc, at Dhulkifl. Lahat ay kabilang sa mga tagapagtiis.
وَاَدْخَلْنٰهُمْ فِيْ رَحْمَتِنَاۗ اِنَّهُمْ مِّنَ الصّٰلِحِيْنَ٨٦
Wa adkhalnāhum fī raḥmatinā, innahum minaṣ-ṣāliḥīn(a).
[86]
Nagpapasok Kami sa kanila sa awa Namin. Tunay na sila ay kabilang sa mga maayos.
وَذَا النُّوْنِ اِذْ ذَّهَبَ مُغَاضِبًا فَظَنَّ اَنْ لَّنْ نَّقْدِرَ عَلَيْهِ فَنَادٰى فِى الظُّلُمٰتِ اَنْ لَّآ اِلٰهَ اِلَّآ اَنْتَ سُبْحٰنَكَ اِنِّيْ كُنْتُ مِنَ الظّٰلِمِيْنَ ۚ٨٧
Wa żan-nūni iż żahaba mugāḍiban fa ẓanna allan naqdira ‘alaihi fa nādā fiẓ-ẓulumāti allā ilāha illā anta subḥānaka innī kuntu minaẓ-ẓālimīn(a).
[87]
[Banggitin]mo si Jonas] na may isda noong umalis siya habang may kinagagalitan saka nagpalagay siya na hindi Kami makakakaya sa kanya, ngunit nanawagan siya sa loob ng mga kadiliman, na [nagsasabi]: “Walang Diyos kundi Ikaw. Kaluwalhatian sa Iyo! Tunay na ako dati ay kabilang sa mga tagalabag sa katarungan.”
فَاسْتَجَبْنَا لَهٗۙ وَنَجَّيْنٰهُ مِنَ الْغَمِّۗ وَكَذٰلِكَ نُـْۨجِى الْمُؤْمِنِيْنَ٨٨
Fastajabnā lahū wa najjaināhu minal-gamm(i), wa każālika nunjil-mu'minīn(a).
[88]
Kaya tumugon Kami sa kanya. Iniligtas Namin siya mula sa hapis. Gayon Kami nagliligtas sa mga mananampalataya.
وَزَكَرِيَّآ اِذْ نَادٰى رَبَّهٗ رَبِّ لَا تَذَرْنِيْ فَرْدًا وَّاَنْتَ خَيْرُ الْوٰرِثِيْنَ ۚ٨٩
Wa zakariyyā iż nādā rabbahū rabbi lā tażarnī fardaw wa anta khairul-wāriṡīn(a).
[89]
[Banggitin] si Zacarias noong nanawagan siya sa Panginoon niya: “Panginoon ko, huwag Mo akong hayaang mag-isa. Ikaw ay ang pinakamabuti sa mga tagapagmana.”
فَاسْتَجَبْنَا لَهٗ ۖوَوَهَبْنَا لَهٗ يَحْيٰى وَاَصْلَحْنَا لَهٗ زَوْجَهٗۗ اِنَّهُمْ كَانُوْا يُسٰرِعُوْنَ فِى الْخَيْرٰتِ وَيَدْعُوْنَنَا رَغَبًا وَّرَهَبًاۗ وَكَانُوْا لَنَا خٰشِعِيْنَ٩٠
Fastajabnā lah(ū), wa wahabnā lahū yaḥyā wa aṣlaḥnā lahū zaujah(ū), innahum kānū yusāri‘ūna fil-khairāti wa yad‘ūnanā ragabaw wa rahabā(n), wa kānū lanā khāsyi‘īn(a).
[90]
Kaya tumugon Kami sa kanya. Ipinagkaloob Namin sa kanya si Juan at isinaayos Namin para sa kanya ang maybahay niya. Tunay na sila329 noon ay nakikipagmabilisan sa mga kabutihan at dumadalangin sa Amin sa pagmimithi at sa pangingilabot. Sila noon sa Amin ay mga nagtataimtim.
[329] Ibig sabihin: sina Zacarias at ang mag-anak niya.
وَالَّتِيْٓ اَحْصَنَتْ فَرْجَهَا فَنَفَخْنَا فِيْهَا مِنْ رُّوْحِنَا وَجَعَلْنٰهَا وَابْنَهَآ اٰيَةً لِّلْعٰلَمِيْنَ٩١
Wal-latī aḥṣanat farjahā fa nafakhnā fīhā mir rūḥinā wa ja‘alnāhā wabnahā āyatal lil-‘ālamīn(a).
[91]
[Banggitin]mo si Maria] ang [babaing] nag-ingat sa kalinisang-puri niya kaya umihip Kami sa kanya330 mula sa Espiritu Namin at gumawa Kami sa kanya at anak niya bilang tanda para sa mga nilalang.331
[330] Ibig sabihin: umihip sa manggas ng damit niya.
[331] Sa kapangyarihan ni Allāh na hindi napawawalang-kakayahan ng anuman yayamang lumikha Siya kay Jesus nang walang ama.
اِنَّ هٰذِهٖٓ اُمَّتُكُمْ اُمَّةً وَّاحِدَةًۖ وَّاَنَا۠ رَبُّكُمْ فَاعْبُدُوْنِ٩٢
Inna hāżihī ummatukum ummataw wāḥidah(tan), wa ana rabbukum fa‘budūn(i).
[92]
Tunay na [ang kapaniwalaan ng Islām na] ito ay kalipunan ninyo – kalipunang nag-iisa,332 at Ako ay Panginoon ninyo kaya sumamba kayo sa Akin.
[332] O Tunay na [ang kapaniwalaan ng Islām na] ito ay relihiyon ninyo – relihiyong nag-iisa,
وَتَقَطَّعُوْٓا اَمْرَهُمْ بَيْنَهُمْۗ كُلٌّ اِلَيْنَا رٰجِعُوْنَ ࣖ٩٣
Wa taqaṭṭa‘ū amrahum bainahum, kullun ilainā rāji‘ūn(a).
[93]
Nagkawatak-watak sila sa lagay nila [sa mga pangkatin] sa pagitan nila. Lahat ay tungo sa Amin mga babalik.
فَمَنْ يَّعْمَلْ مِنَ الصّٰلِحٰتِ وَهُوَ مُؤْمِنٌ فَلَا كُفْرَانَ لِسَعْيِهٖۚ وَاِنَّا لَهٗ كٰتِبُوْنَ٩٤
Famay ya‘mal minaṣ-ṣāliḥāti wa huwa mu'minun falā kufrāna lisa‘yih(ī), wa innā lahū kātibūn(a).
[94]
Kaya ang sinumang gumagawa ng mga maayos habang siya ay mananampalataya, walang pagtanggi para sa pagsisikap niya. Tunay na Kami rito ay magtatala.
وَحَرٰمٌ عَلٰى قَرْيَةٍ اَهْلَكْنٰهَآ اَنَّهُمْ لَا يَرْجِعُوْنَ٩٥
Wa ḥarāmun ‘alā qaryatin ahlaknāhā, innahum lā yarji‘ūn(a).
[95]
May ipinagbabawal sa isang pamayanan na ipinahamak Namin: na sila ay hindi babalik;
حَتّٰىٓ اِذَا فُتِحَتْ يَأْجُوْجُ وَمَأْجُوْجُ وَهُمْ مِّنْ كُلِّ حَدَبٍ يَّنْسِلُوْنَ٩٦
Ḥattā iżā futiḥat ya'jūju wa ma'jūju wa hum min kulli ḥadabiy yansilūn(a).
[96]
hanggang sa nang binuksan ang [saplad ng] Gog at Magog, habang sila mula sa bawat bakulod ay magmamatulin,
وَاقْتَرَبَ الْوَعْدُ الْحَقُّ فَاِذَا هِيَ شَاخِصَةٌ اَبْصَارُ الَّذِيْنَ كَفَرُوْاۗ يٰوَيْلَنَا قَدْ كُنَّا فِيْ غَفْلَةٍ مِّنْ هٰذَا بَلْ كُنَّا ظٰلِمِيْنَ٩٧
Waqtarabal-wa‘dul-ḥaqqu fa iżā hiya syākhiṣatun abṣārul-lażīna kafarū, yā wailanā qad kunnā fī gaflatim min hāżā bal kunnā ẓālimīn(a).
[97]
at nalapit ang pangakong totoo ay biglang napatititig ang mga paningin ng mga tumangging sumampalataya, [na nagsasabi]: “O kapighatian sa amin! Kami nga noon ay nasa isang pagkalingat mula rito; bagkus Kami noon ay mga tagalabag sa katarungan.”
اِنَّكُمْ وَمَا تَعْبُدُوْنَ مِنْ دُوْنِ اللّٰهِ حَصَبُ جَهَنَّمَۗ اَنْتُمْ لَهَا وٰرِدُوْنَ٩٨
Innakum wa mā ta‘budūna min dūnillāhi ḥaṣabu jahannam(a), antum lahā wāridūn(a).
[98]
Tunay na kayo [na mga tagatangging sumampalataya] at ang sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh ay mga panggatong ng Impiyerno; kayo doon ay mga sasapit.
لَوْ كَانَ هٰٓؤُلَاۤءِ اٰلِهَةً مَّا وَرَدُوْهَاۗ وَكُلٌّ فِيْهَا خٰلِدُوْنَ٩٩
Lau kāna hā'ulā'i ālihatam mā waradūhā, wa kullun fīhā khālidūn(a).
[99]
Kung sakaling ang mga ito ay naging mga diyos, hindi sana sila sumapit doon [sa Impiyerno]. Lahat doon ay mga mamamalagi.
لَهُمْ فِيْهَا زَفِيْرٌ وَّهُمْ فِيْهَا لَا يَسْمَعُوْنَ١٠٠
Lahum fīhā zafīruw wa hum fīhā lā yasma‘ūn(a).
[100]
Ukol sa kanila roon ay singhal at sila roon ay hindi nakaririnig [dahil sa hilakbot sa pagdurusa nila].
اِنَّ الَّذِيْنَ سَبَقَتْ لَهُمْ مِّنَّا الْحُسْنٰىٓۙ اُولٰۤىِٕكَ عَنْهَا مُبْعَدُوْنَ ۙ١٠١
Innal-lażīna sabaqat lahum minnal-ḥusnā, ulā'ika ‘anhā mub‘adūn(a).
[101]
Tunay na ang mga nauna para sa kanila mula sa Amin ang pinakamaganda;333 ang mga iyon buhat doon [sa Impiyerno] ay mga palalayuin.
[333] gaya nina Jesus at mga anghel na mga sinamba
لَا يَسْمَعُوْنَ حَسِيْسَهَاۚ وَهُمْ فِيْ مَا اشْتَهَتْ اَنْفُسُهُمْ خٰلِدُوْنَ ۚ١٠٢
Lā yasma‘ūna ḥasīsahā, wa hum fīmasytahat anfusuhum khālidūn(a).
[102]
Hindi sila makaririnig ng lagaslas nito habang sila sa ninanasa ng mga sarili nila ay mga mamamalagi.
لَا يَحْزُنُهُمُ الْفَزَعُ الْاَكْبَرُ وَتَتَلَقّٰىهُمُ الْمَلٰۤىِٕكَةُۗ هٰذَا يَوْمُكُمُ الَّذِيْ كُنْتُمْ تُوْعَدُوْنَ١٠٣
Lā yaḥzunuhumul-faza‘ul-akbaru wa tatalaqqāhumul-malā'ikah(tu), hāżā yaumukumul-lażī kuntum tū‘adūn(a).
[103]
Hindi magpapalungkot sa kanila ang pagkahindik na pinakamalaki [ng Araw ng Pagbangon] at tatanggap sa kanila ang mga anghel, [na nagsasabi]: “Ito ay ang Araw ninyo na kayo noon ay pinangangakuan,
يَوْمَ نَطْوِى السَّمَاۤءَ كَطَيِّ السِّجِلِّ لِلْكُتُبِۗ كَمَا بَدَأْنَآ اَوَّلَ خَلْقٍ نُّعِيْدُهٗۗ وَعْدًا عَلَيْنَاۗ اِنَّا كُنَّا فٰعِلِيْنَ١٠٤
Yauma naṭwis-samā'a kaṭayyis-sijilli lil-kutib(i), kamā bada'nā awwala khalqin nu‘īduh(ū), wa‘dan ‘alainā, innā kunnā fā‘ilīn(a).
[104]
sa Araw na magtutupi Kami sa langit gaya ng pagtupi ng pahina para sa mga talaan. Kung paanong nagsimula Kami ng unang paglikha ay magpapanumbalik Kami niyon, bilang pangako ukol sa Amin. Tunay na Kami ay laging magsasagawa.
وَلَقَدْ كَتَبْنَا فِى الزَّبُوْرِ مِنْۢ بَعْدِ الذِّكْرِ اَنَّ الْاَرْضَ يَرِثُهَا عِبَادِيَ الصّٰلِحُوْنَ١٠٥
Wa laqad katabnā fiz-zabūri mim ba‘diż-żikri annal-arḍa yariṡuhā ‘ibādiyaṣ-ṣāliḥūn(a).
[105]
Talaga ngang nagsulat Kami sa Salmo matapos na ng pagbanggit na ang lupa ay mamanahin ng mga lingkod Kong maayos.
اِنَّ فِيْ هٰذَا لَبَلٰغًا لِّقَوْمٍ عٰبِدِيْنَ ۗ١٠٦
Inna fī hāżā labalāgal liqaumin ‘ābidīn(a).
[106]
Tunay na sa [ Qur’ān na] ito ay talagang may pagpapaabot para sa mga taong tagasamba.
وَمَآ اَرْسَلْنٰكَ اِلَّا رَحْمَةً لِّلْعٰلَمِيْنَ١٠٧
Wa mā arsalnāka illā raḥmatal lil-‘ālamīn(a).
[107]
Hindi Kami nagsugo sa iyo kundi bilang awa para sa mga nilalalang.
قُلْ اِنَّمَا يُوْحٰىٓ اِلَيَّ اَنَّمَآ اِلٰهُكُمْ اِلٰهٌ وَّاحِدٌۚ فَهَلْ اَنْتُمْ مُّسْلِمُوْنَ١٠٨
Qul innamā yūḥā ilayya annamā ilāhukum ilāhuw wāḥid(un), fahal antum muslimūn(a).
[108]
Sabihin mo: “Ikinakasi sa akin na ang Diyos ninyo ay Diyos na nag-iisa lamang. Kaya kayo kaya ay mga tagapagpasakop?”
فَاِنْ تَوَلَّوْا فَقُلْ اٰذَنْتُكُمْ عَلٰى سَوَاۤءٍۗ وَاِنْ اَدْرِيْٓ اَقَرِيْبٌ اَمْ بَعِيْدٌ مَّا تُوْعَدُوْنَ١٠٩
Fa in tawallau fa qul āżantukum ‘alā sawā'(in), wa in adrī aqarībun am ba‘īdum mā tū‘adūn(a).
[109]
Ngunit kung tumalikod sila ay sabihin mo: “Nagpahayag ako sa inyo ayon sa isang pagkakapantay. Hindi ako nakaaalam kung malapit na ba o malayo pa ang ipinangangako sa inyo.
اِنَّهٗ يَعْلَمُ الْجَهْرَ مِنَ الْقَوْلِ وَيَعْلَمُ مَا تَكْتُمُوْنَ١١٠
Innahū ya‘lamul-jahra minal-qauli wa ya‘lamu mā taktumūn(a).
[110]
Tunay na Siya ay nakaaalam sa hayag kabilang sa sinasabi at nakaaalam sa anumang itinatago ninyo.
وَاِنْ اَدْرِيْ لَعَلَّهٗ فِتْنَةٌ لَّكُمْ وَمَتَاعٌ اِلٰى حِيْنٍ١١١
Wa in adrī la‘allahū fitnatul lakum wa matā‘un ilā ḥīn(in).
[111]
Hindi ako334 nakaaalam; baka ito ay isang pagsubok para sa inyo at isang natatamasa hanggang sa isang panahon.”
[334] Ibig sabihin: si Propeta Muḥammad.
قٰلَ رَبِّ احْكُمْ بِالْحَقِّۗ وَرَبُّنَا الرَّحْمٰنُ الْمُسْتَعَانُ عَلٰى مَا تَصِفُوْنَ ࣖ١١٢
Qāla rabbiḥkum bil-ḥaqq(i), wa rabbunar-raḥmānul-musta‘ānu ‘alā mā taṣifūn(a).
[112]
Nagsabi [ang Sugo]: “Panginoon ko, humatol Ka ayon sa katotohanan. Ang Panginoon namin, ang Napakamaawain, ay ang Pinatutulong laban sa inilalarawan ninyo.”