Surah Ta Ha
بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
طٰهٰ ۚ١
Ṭāhā.
[1]
Ṭā. Hā.317
[317] Ang Qur’ān ay nasa wikang Arabe na binubuo ng mga titiks Arabe gaya ng mga ito subalit walang isa mang nakagawa ng kahit pinkamaiikling kabanata ng mahimalang kababalaghan ng Qur’ān.
مَآ اَنْزَلْنَا عَلَيْكَ الْقُرْاٰنَ لِتَشْقٰٓى ۙ٢
Mā anzalnā ‘alaikal-qur'āna litasyqā.
[2]
Hindi Kami nagpababa sa iyo ng Qur’ān upang lumumbay ka,318
[318] sa pag-ayaw ng mga kababayan mo sa pagsampalataya sa iyo
اِلَّا تَذْكِرَةً لِّمَنْ يَّخْشٰى ۙ٣
Illā tażkiratal limay yakhsyā.
[3]
malibang bilang pagpapaalaala para sa sinumang natatakot [sa Panginoon],
تَنْزِيْلًا مِّمَّنْ خَلَقَ الْاَرْضَ وَالسَّمٰوٰتِ الْعُلٰى ۗ٤
Tanzīlam mimman khalaqal-arḍa was-samāwātil-‘ulā.
[4]
isang pagbababa [ng kasi] mula sa lumikha ng lupa at mga langit na pinakamatataas.
اَلرَّحْمٰنُ عَلَى الْعَرْشِ اسْتَوٰى٥
Ar- raḥmānu ‘alal-‘arsyistawā.
[5]
Ang Napakamaawain ay sa trono lumuklok [ayon sa naaangkop sa kadakilaan Niya].
لَهٗ مَا فِى السَّمٰوٰتِ وَمَا فِى الْاَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا وَمَا تَحْتَ الثَّرٰى٦
Lahū mā fis-samāwāti wa mā fil-arḍi wa mā bainahumā wa mā taḥtaṡ-ṡarā.
[6]
Sa Kanya ang anumang nasa mga langit, ang anumang nasa lupa, ang anumang nasa pagitan ng mga ito, at ang anumang nasa ilalim ng alabok.
وَاِنْ تَجْهَرْ بِالْقَوْلِ فَاِنَّهٗ يَعْلَمُ السِّرَّ وَاَخْفٰى٧
Wa in tajhar bil-qauli fa innahū ya‘lamus-sirra wa akhfā.
[7]
Kung maglalantad ka ng sasabihin, tunay na Siya ay nakaaalam sa lihim at sa higit na kubli.
اَللّٰهُ لَآ اِلٰهَ اِلَّا هُوَۗ لَهُ الْاَسْمَاۤءُ الْحُسْنٰى٨
Allāhu lā ilāha illā huw(a), lahul-asmā'ul-ḥusnā.
[8]
Si Allāh ay walang Diyos kundi Siya. Taglay Niya ang mga pangalang pinakamagaganda.
وَهَلْ اَتٰىكَ حَدِيْثُ مُوْسٰى ۘ٩
Wa hal atāka ḥadīṡu mūsā.
[9]
Nakarating kaya sa iyo ang sanaysay kay Moises?
اِذْ رَاٰ نَارًا فَقَالَ لِاَهْلِهِ امْكُثُوْٓا اِنِّيْٓ اٰنَسْتُ نَارًا لَّعَلِّيْٓ اٰتِيْكُمْ مِّنْهَا بِقَبَسٍ اَوْ اَجِدُ عَلَى النَّارِ هُدًى١٠
Iż ra'ā nāran fa qāla li'ahlihimkuṡū innī ānastu nāral la‘allī ātīkum minhā biqabasin au ajidu ‘alan-nāri hudā(n).
[10]
Noong nakakita siya ng isang apoy ay nagsabi siya sa mag-anak niya: “Mamalagi kayo; tunay na ako ay nakatanaw ng isang apoy. Harinawa ako ay makapaghahatid sa inyo mula roon ng isang pamparikit o makatagpo ako sa apoy ng isang patnubay [ng papatnubay sa daan].”
فَلَمَّآ اَتٰىهَا نُوْدِيَ يٰمُوْسٰٓى ۙ١١
Falammā atāhā nūdiya yā mūsā.
[11]
Kaya noong nakapunta siya roon ay tinawag siya: “O Moises,
اِنِّيْٓ اَنَا۠ رَبُّكَ فَاخْلَعْ نَعْلَيْكَۚ اِنَّكَ بِالْوَادِ الْمُقَدَّسِ طُوًى ۗ١٢
Innī ana rabbuka fakhla‘ na‘laika innaka bil-wādil-muqaddasi ṭuwā(n).
[12]
tunay na Ako ay ang Panginoon mo. Kaya maghubad ka ng mga panyapak mo; tunay na ikaw ay nasa pinabanal na lambak ng Ṭuwā.
وَاَنَا اخْتَرْتُكَ فَاسْتَمِعْ لِمَا يُوْحٰى١٣
Wa anakhtartuka fastami‘ limā yūḥā.
[13]
Ako ay pumili sa iyo kaya makinig ka sa ikakasi:
اِنَّنِيْٓ اَنَا اللّٰهُ لَآ اِلٰهَ اِلَّآ اَنَا۠ فَاعْبُدْنِيْۙ وَاَقِمِ الصَّلٰوةَ لِذِكْرِيْ١٤
Innanī anallāhu lā ilāha illā ana fa‘budnī, wa aqimiṣ-ṣalāta liżikrī.
[14]
Tunay na Ako ay si Allāh; walang Diyos kundi Ako, kaya sumamba ka sa Akin at magpanatili ka ng pagdarasal para sa pag-alaala sa Akin.
اِنَّ السَّاعَةَ اٰتِيَةٌ اَكَادُ اُخْفِيْهَا لِتُجْزٰى كُلُّ نَفْسٍۢ بِمَا تَسْعٰى١٥
Innas-sā‘ata ātiyatun akādu ukhfīhā litujzā kullu nafsim bimā tas‘ā.
[15]
Tunay na ang Huling Sandali ay darating. Halos ako ay magkubli nito upang gantimpalaan ang bawat kaluluwa sa anumang ipinagpunyagi nito.
فَلَا يَصُدَّنَّكَ عَنْهَا مَنْ لَّا يُؤْمِنُ بِهَا وَاتَّبَعَ هَوٰىهُ فَتَرْدٰى١٦
Falā yaṣuddannaka ‘anhā mal lā yu'minu bihā wattaba‘a hawāhu fa tardā.
[16]
Kaya huwag ngang bumalakid sa iyo palayo roon ang sinumang hindi sumasampalataya roon at sumunod sa pithaya niya para [hindi] ka mapahamak.
وَمَا تِلْكَ بِيَمِيْنِكَ يٰمُوْسٰى١٧
Wa mā tilka biyamīnika yā mūsā.
[17]
Ano yaong nasa kanang kamay mo, O Moises?”
قَالَ هِيَ عَصَايَۚ اَتَوَكَّؤُا عَلَيْهَا وَاَهُشُّ بِهَا عَلٰى غَنَمِيْ وَلِيَ فِيْهَا مَاٰرِبُ اُخْرٰى١٨
Qāla hiya ‘aṣāy(a), atwakka'u ‘alaihā wa ahusysyu bihā ‘alā ganamī wa liya fīhā ma'āribu ukhrā.
[18]
Nagsabi [si Moises]: “Ito ay tungkod ko; sumasandal ako rito at nagpapalagas ako [ng mga dahon] sa pamamagitan nito para sa mga tupa ko. Mayroon ako ritong mga pinaggagamitang iba pa.”
قَالَ اَلْقِهَا يٰمُوْسٰى١٩
Qāla alqihā yā mūsā.
[19]
Nagsabi Siya: “Ihagis mo iyan, O Moises.”
فَاَلْقٰىهَا فَاِذَا هِيَ حَيَّةٌ تَسْعٰى٢٠
Fa alqāhā fa iżā hiya ḥayyatun tas‘ā.
[20]
Kaya inihagis nito iyon saka biglang iyon ay naging isang ahas na sumisibad.
قَالَ خُذْهَا وَلَا تَخَفْۗ سَنُعِيْدُهَا سِيْرَتَهَا الْاُوْلٰى٢١
Qāla khużhā wa lā takhaf, sanu‘īduhā sīratahal-ūlā.
[21]
Nagsabi Siya: “Kunin mo iyan at huwag kang mangamba; magpapanumbalik Kami riyan sa unang lagay niyan.
وَاضْمُمْ يَدَكَ اِلٰى جَنَاحِكَ تَخْرُجْ بَيْضَاۤءَ مِنْ غَيْرِ سُوْۤءٍ اٰيَةً اُخْرٰىۙ٢٢
Waḍmum yadaka ilā janāḥika takhruj baiḍā'a min gairi sū'in āyatan ukhrā.
[22]
Idikit mo ang kamay mo sa tagiliran mo, lalabas ito na maputi na walang kasagwaan [ng ketong] bilang isa pang tanda,
لِنُرِيَكَ مِنْ اٰيٰتِنَا الْكُبْرٰى ۚ٢٣
Linuriyaka min āyātinal-kubrā.
[23]
upang magpakita Kami sa iyo ng ilan sa mga tanda Naming pinakamalalaki.
اِذْهَبْ اِلٰى فِرْعَوْنَ اِنَّهٗ طَغٰى ࣖ٢٤
Iżhab ilā fir‘auna innahū ṭagā.
[24]
Pumunta ka kay Paraon; tunay na siya ay nagmalabis.”
قَالَ رَبِّ اشْرَحْ لِيْ صَدْرِيْ ۙ٢٥
Qāla rabbisyraḥ lī ṣadrī.
[25]
Nagsabi [si Moises]: “Panginoon ko, magpaluwag Ka para sa akin ng dibdib ko;
وَيَسِّرْ لِيْٓ اَمْرِيْ ۙ٢٦
Wa yassir lī amrī.
[26]
magpadali Ka para sa akin ng [tungkuling] nauukol sa akin;
وَاحْلُلْ عُقْدَةً مِّنْ لِّسَانِيْ ۙ٢٧
Waḥlul ‘uqdatam mil lisānī.
[27]
magkalag Ka ng buhol mula sa dila ko,
يَفْقَهُوْا قَوْلِيْ ۖ٢٨
Yafqahū qaulī.
[28]
makauunawa sila sa sasabihin ko;
وَاجْعَلْ لِّيْ وَزِيْرًا مِّنْ اَهْلِيْ ۙ٢٩
Waj‘al lī wazīram min ahlī.
[29]
gumawa Ka para sa akin ng isang katuwang mula sa mag-anak ko,
هٰرُوْنَ اَخِى ۙ٣٠
Hārūna akhī.
[30]
si Aaron na kapatid ko;
اشْدُدْ بِهٖٓ اَزْرِيْ ۙ٣١
Usydud bihī azrī.
[31]
magpatindi Ka sa pamamagitan niya ng lakas ko;
وَاَشْرِكْهُ فِيْٓ اَمْرِيْ ۙ٣٢
Wa asyrik-hu fī amrī.
[32]
at magpalahok Ka sa kanya sa nauukol sa akin
كَيْ نُسَبِّحَكَ كَثِيْرًا ۙ٣٣
Kai nusabbiḥaka kaṡīrā(n).
[33]
upang magluwalhati kami sa Iyo nang madalas
وَّنَذْكُرَكَ كَثِيْرًا ۗ٣٤
Wa nażkuraka kaṡīrā(n).
[34]
at umalaala kami sa Iyo nang madalas.
اِنَّكَ كُنْتَ بِنَا بَصِيْرًا٣٥
Innaka kunta binā baṣīrā(n).
[35]
Tunay na Ikaw, laging sa amin, ay Nakakikita.”
قَالَ قَدْ اُوْتِيْتَ سُؤْلَكَ يٰمُوْسٰى٣٦
Qāla qad ūtīta su'laka yā mūsā.
[36]
Nagsabi Siya: “Binigyan ka nga ng hiling mo, O Moises.
وَلَقَدْ مَنَنَّا عَلَيْكَ مَرَّةً اُخْرٰىٓ ۙ٣٧
Wa laqad manannā ‘alaika marratan ukhrā.
[37]
Talaga ngang nagmagandang-loob Kami sa iyo sa isa pang pagkakataon,
اِذْ اَوْحَيْنَآ اِلٰٓى اُمِّكَ مَا يُوْحٰىٓ ۙ٣٨
Iż auḥainā ilā ummika mā yūḥā.
[38]
noong nagkasi Kami sa ina mo ng ikinakasi,
اَنِ اقْذِفِيْهِ فِى التَّابُوْتِ فَاقْذِفِيْهِ فِى الْيَمِّ فَلْيُلْقِهِ الْيَمُّ بِالسَّاحِلِ يَأْخُذْهُ عَدُوٌّ لِّيْ وَعَدُوٌّ لَّهٗ ۗوَاَلْقَيْتُ عَلَيْكَ مَحَبَّةً مِّنِّيْ ەۚ وَلِتُصْنَعَ عَلٰى عَيْنِيْ ۘ٣٩
Aniqżifīhi fit-tābūti faqżifīhi fil-yammi falyulqihil-yammu bis-sāḥili ya'khużhu ‘aduwwul lī wa ‘aduwwul lah(ū), wa alqaitu ‘alaika maḥabbatam minnī, wa lituṣna‘a ‘alā ‘ainī.
[39]
na [nagsasabi]: ‘Maghagis ka sa kanya sa kaban saka maghagis ka nito sa ilog saka magtapon nito ang ilog sa pampang, kukunin siya ng isang kaaway para sa Akin at isang kaaway para sa kanya.’ Nag-ukol Ako sa iyo ng isang pag-ibig mula sa Akin at upang mahubog ka sa ilalim ng mata Ko.”
اِذْ تَمْشِيْٓ اُخْتُكَ فَتَقُوْلُ هَلْ اَدُلُّكُمْ عَلٰى مَنْ يَّكْفُلُهٗ ۗفَرَجَعْنٰكَ اِلٰٓى اُمِّكَ كَيْ تَقَرَّ عَيْنُهَا وَلَا تَحْزَنَ ەۗ وَقَتَلْتَ نَفْسًا فَنَجَّيْنٰكَ مِنَ الْغَمِّ وَفَتَنّٰكَ فُتُوْنًا ەۗ فَلَبِثْتَ سِنِيْنَ فِيْٓ اَهْلِ مَدْيَنَ ەۙ ثُمَّ جِئْتَ عَلٰى قَدَرٍ يّٰمُوْسٰى٤٠
Iż tamsyī ukhtuka fa taqūlu hal adullukum ‘alā may yakfuluh(ū), fa raja‘nāka ilā ummika kai taqarra ‘ainuhā wa lā taḥzan(a), wa qatalta nafsan fa najjaināka minal-gammi wa fatannāka futūnā(n), fa labiṡta sinīna fī ahli madyan(a), ṡumma ji'ta ‘alā qadariy yā mūsā.
[40]
[Nagmagandang-loob sa iyo] noong pumunta ang babaing kapatid mo saka nagsabi: “Gagabay po kaya ako sa inyo sa mag-aaruga sa kanya?” Kaya nagpabalik Kami sa iyo sa ina mo upang guminhawa ang mata nito at hindi ito malungkot. Pumatay ka ng isang tao ngunit nagligtas Kami sa iyo mula sa dalamhati at sumubok Kami sa iyo ng isang pagsubok saka namalagi ka ng mga taon sa mga mamamayan ng Madyan. Pagkatapos dumating ka [rito] sa takdang [panahon], O Moises.
وَاصْطَنَعْتُكَ لِنَفْسِيْۚ٤١
Wasṭana‘tuka linafsī.
[41]
Humalal Ako sa iyo para sa sarili Ko.
اِذْهَبْ اَنْتَ وَاَخُوْكَ بِاٰيٰتِيْ وَلَا تَنِيَا فِيْ ذِكْرِيْۚ٤٢
Iżhab anta wa akhūka bi'āyātī wa lā taniyā fī żikrī.
[42]
Pumunta ka mismo at ang kapatid mo kalakip ng mga tanda Ko at huwag kayong dalawang lumubay sa pag-alaala sa Akin.
اِذْهَبَآ اِلٰى فِرْعَوْنَ اِنَّهٗ طَغٰىۚ٤٣
Iżhabā ilā fir‘auna innahū ṭagā.
[43]
Pumunta kayong dalawa kay Paraon; tunay na siya ay nagmalabis.
فَقُوْلَا لَهٗ قَوْلًا لَّيِّنًا لَّعَلَّهٗ يَتَذَكَّرُ اَوْ يَخْشٰى٤٤
Fa qūlā lahū qaulal layyinal la‘allahū yatażakkaru au yakhsyā.
[44]
Saka magsabi kayong dalawa sa kanya ng isang pagsasabing banayad nang sa gayon siya ay magsasaalaala o matatakot.
قَالَا رَبَّنَآ اِنَّنَا نَخَافُ اَنْ يَّفْرُطَ عَلَيْنَآ اَوْ اَنْ يَّطْغٰى٤٥
Qālā rabbanā innanā nakhāfu ay yafruṭa ‘alainā au ay yaṭgā.
[45]
Nagsabi silang dalawa: “Panginoon namin, tunay na kami ay nangangamba na magdali-dali siya [sa pagpaparusa] sa amin o magmalabis siya.”
قَالَ لَا تَخَافَآ اِنَّنِيْ مَعَكُمَآ اَسْمَعُ وَاَرٰى٤٦
Qāla lā takhāfā innanī ma‘akumā asma‘u wa arā.
[46]
Nagsabi Siya: “Huwag kayong dalawang mangamba. Tunay na Ako ay kasama sa inyong dalawa; nakaririnig Ako at nakakikita Ako.
فَأْتِيٰهُ فَقُوْلَآ اِنَّا رَسُوْلَا رَبِّكَ فَاَرْسِلْ مَعَنَا بَنِيْٓ اِسْرَاۤءِيْلَ ەۙ وَلَا تُعَذِّبْهُمْۗ قَدْ جِئْنٰكَ بِاٰيَةٍ مِّنْ رَّبِّكَ ۗوَالسَّلٰمُ عَلٰى مَنِ اتَّبَعَ الْهُدٰى٤٧
Fa'tiyāhu fa qūlā innā rasūlā rabbika fa arsil ma‘anā banī isrā'īl(a), wa lā tu‘ażżibhum, qad ji'nāka bi'āyatim mir rabbik(a), was-salāmu ‘alā manittaba‘al-hudā.
[47]
Kaya pumunta kayong dalawa sa kanya saka magsabi kayong dalawa sa kanya: ‘Tunay na kami ay dalawang sugo ng Panginoon mo kaya ipadala mo kasama sa amin ang mga anak ni Israel at huwag mo silang pagdusahin. Naghatid nga kami sa iyo ng isang tanda mula sa Panginoon mo. Ang kapayapaan ay sa sinumang sumunod sa patnubay.
اِنَّا قَدْ اُوْحِيَ اِلَيْنَآ اَنَّ الْعَذَابَ عَلٰى مَنْ كَذَّبَ وَتَوَلّٰى٤٨
Innā qad ūḥiya ilainā annal-‘ażāba ‘alā man każżaba wa tawallā.
[48]
Tunay na kami ay kinasihan nga na ang pagdurusa ay sa sinumang nagpasinungaling at tumalikod.’”
قَالَ فَمَنْ رَّبُّكُمَا يٰمُوْسٰى٤٩
Qāla famar rabbukumā yā mūsā.
[49]
Nagsabi ito: “Kaya sino ang Panginoon ninyong dalawa, O Moises?”
قَالَ رَبُّنَا الَّذِيْٓ اَعْطٰى كُلَّ شَيْءٍ خَلْقَهٗ ثُمَّ هَدٰى٥٠
Qāla rabbunal-lażī a‘ṭā kulla syai'in khalqahū ṡumma hadā.
[50]
Nagsabi siya: “Ang Panginoon namin ay ang nagbigay sa bawat bagay ng kalikhaan nito, pagkatapos nagpatnubay.”
قَالَ فَمَا بَالُ الْقُرُوْنِ الْاُوْلٰى٥١
Qāla famā bālul-qurūnil-ūlā.
[51]
Nagsabi ito: “Kay paano naman ang lagay ng mga salinlahing una?”
قَالَ عِلْمُهَا عِنْدَ رَبِّيْ فِيْ كِتٰبٍۚ لَا يَضِلُّ رَبِّيْ وَلَا يَنْسَىۖ٥٢
Qāla ‘ilmuhā ‘inda rabbī fī kitāb(in), lā yaḍillu rabbī wa lā yansā.
[52]
Nagsabi siya: “Ang kaalaman doon ay nasa ganang Panginoon ko sa isang talaan. Hindi naliligaw ang Panginoon ko at hindi Siya nakalilimot.
الَّذِيْ جَعَلَ لَكُمُ الْاَرْضَ مَهْدًا وَّسَلَكَ لَكُمْ فِيْهَا سُبُلًا وَّاَنْزَلَ مِنَ السَّمَاۤءِ مَاۤءًۗ فَاَخْرَجْنَا بِهٖٓ اَزْوَاجًا مِّنْ نَّبَاتٍ شَتّٰى٥٣
Al-lażī ja‘ala lakumul-arḍa mahdaw wa salaka lakum fīhā subulaw wa anzala minas-samā'i mā'ā(n), fa akhrajnā bihī azwājam min nabātin syattā.
[53]
[Siya] ang gumawa para sa inyo ng lupa bilang nakalatag, nagsingit para sa inyo rito ng mga landas, at nagpababa mula sa langit ng tubig.” Kaya nagpalabas sa pamamagitan nito ng mga kaurian ng halamang sarisari.
كُلُوْا وَارْعَوْا اَنْعَامَكُمْ ۗاِنَّ فِيْ ذٰلِكَ لَاٰيٰتٍ لِّاُولِى النُّهٰى ࣖ٥٤
Kulū war‘au an‘āmakum, inna fī żālika la'āyātil li'ulin-nuhā.
[54]
Kumain kayo at magpastol kayo ng mga hayupan ninyo. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga may katinuan.
۞ مِنْهَا خَلَقْنٰكُمْ وَفِيْهَا نُعِيْدُكُمْ وَمِنْهَا نُخْرِجُكُمْ تَارَةً اُخْرٰى٥٥
Minhā khalaqnākum wa fīhā nu‘īdukum wa minhā nukhrijukum tāratan ukhrā.
[55]
Mula rito [sa lupa] lumikha Kami sa inyo, dito magpapanumbalik Kami sa inyo, at mula rito magpapalabas Kami sa inyo sa isang pagkakataong iba pa.
وَلَقَدْ اَرَيْنٰهُ اٰيٰتِنَا كُلَّهَا فَكَذَّبَ وَاَبٰى٥٦
Wa laqad araināhu āyātinā kullahā fa każżaba wa abā.
[56]
Talaga ngang nagpakita Kami sa kanya ng mga tanda Namin sa kabuuan ng mga ito ngunit nagpasinungaling siya at tumanggi siya.
قَالَ اَجِئْتَنَا لِتُخْرِجَنَا مِنْ اَرْضِنَا بِسِحْرِكَ يٰمُوْسٰى٥٧
Qāla aji'tanā litukhrijanā min arḍinā bisiḥrika yā mūsā.
[57]
Nagsabi [si Paraon]: “Dumating ka ba sa amin upang magpalabas ka sa amin mula sa lupain namin sa pamamagitan ng panggagaway mo, O Moises?
فَلَنَأْتِيَنَّكَ بِسِحْرٍ مِّثْلِهٖ فَاجْعَلْ بَيْنَنَا وَبَيْنَكَ مَوْعِدًا لَّا نُخْلِفُهٗ نَحْنُ وَلَآ اَنْتَ مَكَانًا سُوًى٥٨
Fa lana'tiyannaka bisiḥrim miṡlihī faj‘al bainanā wa bainaka mau‘idal lā nukhlifuhū naḥnu wa lā anta makānan suwā(n).
[58]
Kaya talagang magdadala nga kami sa iyo ng isang panggagaway tulad niyon. Kaya gumawa ka sa pagitan namin at ninyo ng isang tipanang hindi sisira niyon kami ni kayo sa isang pook na kalagitnaan.”
قَالَ مَوْعِدُكُمْ يَوْمُ الزِّيْنَةِ وَاَنْ يُّحْشَرَ النَّاسُ ضُحًى٥٩
Qāla mau‘idukum yaumuz-zīnati wa ay yuḥsyaran-nāsu ḍuḥā(n).
[59]
Nagsabi [sa Paraon]: “Ang tipanan ninyo ay ang araw ng gayak at na kalapin ang mga tao sa gitnang-umaga.”
فَتَوَلّٰى فِرْعَوْنُ فَجَمَعَ كَيْدَهٗ ثُمَّ اَتٰى٦٠
Fa tawallā fir‘aunu fa jama‘a kaidahū ṡumma atā.
[60]
Kaya tumalikod si Paraon saka bumuo ito ng panlalansi nito, pagkatapos pumunta ito.
قَالَ لَهُمْ مُّوْسٰى وَيْلَكُمْ لَا تَفْتَرُوْا عَلَى اللّٰهِ كَذِبًا فَيُسْحِتَكُمْ بِعَذَابٍۚ وَقَدْ خَابَ مَنِ افْتَرٰى٦١
Qāla lahum mūsā wailakum lā taftarū ‘alallāhi każiban fa yusḥitakum bi‘ażab(in), wa qad khāba maniftarā.
[61]
Nagsabi sa kanila319 si Moises: “Kapighatian sa inyo! Huwag kayong gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan sapagkat pupuksa Siya sa inyo sa pamamagitan ng isang pagdurusa. Nabigo nga ang sinumang gumawa-gawa [ng kasinungalingan laban kay Allāh].”
[319] Ibig sabihin: sa mga manggagaway.
فَتَنَازَعُوْٓا اَمْرَهُمْ بَيْنَهُمْ وَاَسَرُّوا النَّجْوٰى٦٢
Fa tanāza‘ū amrahum bainahum wa asarrun-najwā.
[62]
Kaya naghidwaan sila sa nauukol sa kanila sa pagitan nila at naglihim sila ng sarilinang pag-uusap.
قَالُوْٓا اِنْ هٰذٰنِ لَسَاحِرٰنِ يُرِيْدَانِ اَنْ يُّخْرِجٰكُمْ مِّنْ اَرْضِكُمْ بِسِحْرِهِمَا وَيَذْهَبَا بِطَرِيْقَتِكُمُ الْمُثْلٰى٦٣
Qālū in hāżāni lasāḥirāni yurīdāni ay yukhrijākum min arḍikum bisiḥrihimā wa yażhabā biṭarīqatikumul-muṡlā.
[63]
Nagsabi sila: “Tunay na ang dalawang ito ay talagang dalawang manggagaway na nagnanais na magpalabas sa inyo mula sa lupain ninyo sa pamamagitan ng panggagaway nilang dalawa at mag-alis sa pamamaraan ninyong pinakauliran.
فَاَجْمِعُوْا كَيْدَكُمْ ثُمَّ ائْتُوْا صَفًّاۚ وَقَدْ اَفْلَحَ الْيَوْمَ مَنِ اسْتَعْلٰى٦٤
Fa ajmi‘ū kaidakum ṡumma'tū ṣaffā(n), wa qad aflaḥal-yauma manista‘lā.
[64]
Kaya magkaisa kayo sa panlalansi ninyo, pagkatapos pumunta kayo nang pahanay. Nagtagumpay nga sa araw na ito ang nangibabaw.”
قَالُوْا يٰمُوْسٰٓى اِمَّآ اَنْ تُلْقِيَ وَاِمَّآ اَنْ نَّكُوْنَ اَوَّلَ مَنْ اَلْقٰى٦٥
Qālū yā mūsā immā an tulqiya wa immā an nakūna awwala man alqā.
[65]
Nagsabi sila: “O Moises, maaari na pumukol ka at maaari na maging kami ay kauna-unahan sa sinumang pupukol.”
قَالَ بَلْ اَلْقُوْاۚ فَاِذَا حِبَالُهُمْ وَعِصِيُّهُمْ يُخَيَّلُ اِلَيْهِ مِنْ سِحْرِهِمْ اَنَّهَا تَسْعٰى٦٦
Qāla bal alqū, fa iżā ḥibāluhum wa ‘iṣiyyuhum yukhayyalu ilaihi min siḥrihim annahā tas‘ā.
[66]
Nagsabi [si Moises]: “Bagkus pumukol kayo.” Kaya biglang ang mga lubid nila at ang mga tungkod nila ay ginuniguni sa kanya, dahil sa panggagaway nila, na ang mga ito ay sumisibad.
فَاَوْجَسَ فِيْ نَفْسِهٖ خِيْفَةً مُّوْسٰى٦٧
Fa aujasa fī nafsihī khīfatam mūsā.
[67]
Kaya nakadama sa sarili niya ng isang pangangamba si Moises.
قُلْنَا لَا تَخَفْ اِنَّكَ اَنْتَ الْاَعْلٰى٦٨
Qulnā lā takhaf innaka antal-a‘lā.
[68]
Nagsabi Kami: “Huwag kang mangamba; tunay na ikaw ay ang pinakamataas.”
وَاَلْقِ مَا فِيْ يَمِيْنِكَ تَلْقَفْ مَا صَنَعُوْاۗ اِنَّمَا صَنَعُوْا كَيْدُ سٰحِرٍۗ وَلَا يُفْلِحُ السَّاحِرُ حَيْثُ اَتٰى٦٩
Wa alqi mā fī yamīnika talqaf mā ṣana‘ū, innamā ṣana‘ū kaidu sāḥir(in), wa lā yufliḥus-sāḥiru ḥaiṡu atā.
[69]
Magpukol ka ng nasa kanang kamay mo, lalamon ito sa niyari nila. Tunay na ang niyari nila ay isang panlalansi ng isang manggagaway. Hindi nagtatagumpay ang manggagaway saanman siya pumunta.
فَاُلْقِيَ السَّحَرَةُ سُجَّدًا قَالُوْٓا اٰمَنَّا بِرَبِّ هٰرُوْنَ وَمُوْسٰى٧٠
Fa ulqiyas-saḥaratu sujjadan qālū āmannā birabbi hārūna wa mūsā.
[70]
Kaya ipinukol ang mga manggagaway na mga nakapatirapa. Nagsabi sila: “Sumampalataya kami sa Panginoon nina Aaron at Moises.”
قَالَ اٰمَنْتُمْ لَهٗ قَبْلَ اَنْ اٰذَنَ لَكُمْۗ اِنَّهٗ لَكَبِيْرُكُمُ الَّذِيْ عَلَّمَكُمُ السِّحْرَۚ فَلَاُقَطِّعَنَّ اَيْدِيَكُمْ وَاَرْجُلَكُمْ مِّنْ خِلَافٍ وَّلَاُصَلِّبَنَّكُمْ فِيْ جُذُوْعِ النَّخْلِۖ وَلَتَعْلَمُنَّ اَيُّنَآ اَشَدُّ عَذَابًا وَّاَبْقٰى٧١
Qāla āmantum lahū qabla an āżana lakum, innahū lakabīrukumul-lażī ‘allamakumus-siḥr(a), fa la'uqaṭṭi‘anna aidiyakum wa arjulakum min khilāfiw wa la'uṣallibannakum fī jużū‘in-nakhl(i), wa lata‘lamunna ayyunā asyaddu ‘ażābaw wa abqā.
[71]
Nagsabi [sa Paraon]: “Naniwala kayo sa kanya bago ako magpahintulot sa inyo. Tunay na siya ay talagang ang pasimuno ninyo na nagturo sa inyo ng panggagaway. Kaya talagang magpuputul-putol nga ako ng mga kamay ninyo at mga paa ninyo nang kabilaan, talagang magbibitin nga ako sa inyo sa mga puno ng mga datiles, at talagang makaaalam nga kayo kung alin sa atin ang higit na matindi sa [pagdudulot ng] pagdurusa at higit na nananatili.”
قَالُوْا لَنْ نُّؤْثِرَكَ عَلٰى مَا جَاۤءَنَا مِنَ الْبَيِّنٰتِ وَالَّذِيْ فَطَرَنَا فَاقْضِ مَآ اَنْتَ قَاضٍۗ اِنَّمَا تَقْضِيْ هٰذِهِ الْحَيٰوةَ الدُّنْيَا ۗ٧٢
Qālū lan nu'ṡiraka ‘alā mā jā'anā minal-bayyināti wal-lażī faṭaranā faqḍi mā anta qāḍ(in), innamā taqḍī hāżihil-ḥayātad-dun-yā.
[72]
Nagsabi sila: “Hindi kami magtatangi sa iyo higit sa dumating sa amin na mga malinaw na patunay at [higit] sa lumalang sa amin. Kaya magtadhana ka ng anumang ikaw ay magtatadhana. Nagtatadhana ka lamang sa buhay na ito sa Mundo.
اِنَّآ اٰمَنَّا بِرَبِّنَا لِيَغْفِرَ لَنَا خَطٰيٰنَا وَمَآ اَكْرَهْتَنَا عَلَيْهِ مِنَ السِّحْرِۗ وَاللّٰهُ خَيْرٌ وَّاَبْقٰى٧٣
Innā āmannā birabbinā liyagfira lanā khaṭāyānā wa mā akrahtanā ‘alaihi minas-siḥr(i), wallāhu khairuw wa abqā.
[73]
Tunay na kami ay sumampalataya sa Panginoon namin upang magpatawad Siya sa amin sa mga kamalian namin at sa ipinilit mo sa amin na panggagaway. Si Allāh ay higit na mabuti at higit na nananatili.”
اِنَّهٗ مَنْ يَّأْتِ رَبَّهٗ مُجْرِمًا فَاِنَّ لَهٗ جَهَنَّمَ ۗ لَا يَمُوْتُ فِيْهَا وَلَا يَحْيٰى٧٤
Innahū may ya'ti rabbahū mujriman fa inna lahū jahannam(a), lā yamūtu fīhā wa lā yaḥyā.
[74]
Tunay na ang sinumang pumunta sa Panginoon niya bilang salarin, tunay na ukol sa kanya ay Impiyerno. Hindi siya mamamatay roon at hindi mabubuhay.
وَمَنْ يَّأْتِهٖ مُؤْمِنًا قَدْ عَمِلَ الصّٰلِحٰتِ فَاُولٰۤىِٕكَ لَهُمُ الدَّرَجٰتُ الْعُلٰى ۙ٧٥
Wa may ya'tihī mu'minan qad ‘amilaṣ-ṣāliḥāti fa ulā'ika lahumud-darajātul-‘ulā.
[75]
Ang sinumang pumunta sa Kanya bilang mananampalataya ay gumawa nga ng mga maayos na gawa. Kaya ang mga iyon ay ukol sa kanila ang mga antas na pinakamatataas:
جَنّٰتُ عَدْنٍ تَجْرِيْ مِنْ تَحْتِهَا الْاَنْهٰرُ خٰلِدِيْنَ فِيْهَا ۗوَذٰلِكَ جَزَاۤءُ مَنْ تَزَكّٰى ࣖ٧٦
Jannātu ‘adnin tajrī min taḥtihal-anhāru khālidīna fīhā, wa żālika jazā'u man tazakkā.
[76]
ang mga hardin ng Eden na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito. Iyon ay ang ganti sa sinumang nagpakabusilak.
وَلَقَدْ اَوْحَيْنَآ اِلٰى مُوْسٰٓى اَنْ اَسْرِ بِعِبَادِيْ فَاضْرِبْ لَهُمْ طَرِيْقًا فِى الْبَحْرِ يَبَسًاۙ لَّا تَخٰفُ دَرَكًا وَّلَا تَخْشٰى٧٧
Wa laqad auḥainā ilā mūsā an asri bi‘ibādī faḍrib lahum ṭarīqan fil-baḥri yabasā(n), lā takhāfu darakaw wa lā takhsyā.
[77]
Talaga ngang nagkasi Kami kay Moises, na [nagsasabi]: “Maglakbay ka sa gabi kasama ng mga lingkod ko saka gumawa ka para sa kanila ng isang tuyong daan sa dagat; huwag kang mangamba sa pagkaabot at huwag kang matakot [malunod].”
فَاَتْبَعَهُمْ فِرْعَوْنُ بِجُنُوْدِهٖ فَغَشِيَهُمْ مِّنَ الْيَمِّ مَا غَشِيَهُمْ ۗ٧٨
Fa atba‘ahum fir‘aunu bijunūdihī fa gasyiyahum minal-yammi mā gasyiyahum.
[78]
Kaya nagpasunod sa kanila si Paraon ng mga kawal niya saka bumalot sa kanila mula sa dagat ang bumalot sa kanila.
وَاَضَلَّ فِرْعَوْنُ قَوْمَهٗ وَمَا هَدٰى٧٩
Wa aḍalla fir‘aunu qaumahū wa mā hadā.
[79]
Nagligaw si Paraon sa mga tao niya at hindi nagpatnubay.
يٰبَنِيْٓ اِسْرَاۤءِيْلَ قَدْ اَنْجَيْنٰكُمْ مِّنْ عَدُوِّكُمْ وَوٰعَدْنٰكُمْ جَانِبَ الطُّوْرِ الْاَيْمَنَ وَنَزَّلْنَا عَلَيْكُمُ الْمَنَّ وَالسَّلْوٰى٨٠
Yā banī isrā'īla qad anjainākum min ‘aduwwikum wa wā‘adnākum jānibaṭ-ṭūril-aimana wa nazzalnā ‘alaikumul-mannā was-salwā.
[80]
O mga anak ni Israel, nagligtas nga Kami sa inyo mula sa kaaway ninyo, nakipagtipan Kami sa inyo sa kanang gilid ng bundok, at nagbaba Kami sa inyo ng manna at pugo.
كُلُوْا مِنْ طَيِّبٰتِ مَا رَزَقْنٰكُمْۙ وَلَا تَطْغَوْا فِيْهِ فَيَحِلَّ عَلَيْكُمْ غَضَبِيْۚ وَمَنْ يَّحْلِلْ عَلَيْهِ غَضَبِيْ فَقَدْ هَوٰى٨١
Kulū min ṭayyibāti mā razaqnākum, wa lā taṭgau fīhi fa yaḥilla ‘alaikum gaḍabī, wa may yaḥlil ‘alaihi gaḍabī faqad hawā.
[81]
Kumain kayo mula sa mga kaaya-aya na itinustos Namin sa inyo at huwag kayong magmalabis dito para [hindi] dumapo sa inyo ang galit Ko. Ang sinumang dumapo sa kanya ang galit Ko ay napariwara nga.
وَاِنِّيْ لَغَفَّارٌ لِّمَنْ تَابَ وَاٰمَنَ وَعَمِلَ صَالِحًا ثُمَّ اهْتَدٰى٨٢
Wa innī lagaffārul liman tāba wa āmana wa ‘amila ṣāliḥan ṡummahtadā.
[82]
Tunay na Ako ay talagang Palapatawad para sa sinumang nagbalik-loob, sumampalataya, at gumawa ng maayos, pagkatapos napatnubayan.
۞ وَمَآ اَعْجَلَكَ عَنْ قَوْمِكَ يٰمُوْسٰى٨٣
Wa mā a‘jalaka ‘an qaumika yā mūsā.
[83]
Ano ang nagpamadali sa iyo palayo sa mga tao mo, O Moises?
قَالَ هُمْ اُولَاۤءِ عَلٰٓى اَثَرِيْ وَعَجِلْتُ اِلَيْكَ رَبِّ لِتَرْضٰى٨٤
Qāla hum ulā'i ‘alā aṡarī wa ‘ajiltu ilaika rabbi litarḍā.
[84]
Nagsabi ito: “Sila itong nasa bakas ko at nagmadali ako tungo sa iyo, Panginoon ko, upang malugod Ka.”
قَالَ فَاِنَّا قَدْ فَتَنَّا قَوْمَكَ مِنْۢ بَعْدِكَ وَاَضَلَّهُمُ السَّامِرِيُّ٨٥
Qāla fa innā qad fatannā qaumaka mim ba‘dika wa aḍallahumus-sāmiriyy(u).
[85]
Nagsabi Siya: “Ngunit tunay na Kami ay sumulit nga sa mga tao mo matapos mo na, at nagligaw sa kanila ang Sāmirīy.”
فَرَجَعَ مُوْسٰٓى اِلٰى قَوْمِهٖ غَضْبَانَ اَسِفًا ەۚ قَالَ يٰقَوْمِ اَلَمْ يَعِدْكُمْ رَبُّكُمْ وَعْدًا حَسَنًا ەۗ اَفَطَالَ عَلَيْكُمُ الْعَهْدُ اَمْ اَرَدْتُّمْ اَنْ يَّحِلَّ عَلَيْكُمْ غَضَبٌ مِّنْ رَّبِّكُمْ فَاَخْلَفْتُمْ مَّوْعِدِيْ٨٦
Fa raja‘a mūsā ilā qaumihī gaḍbāna asifā(n), qāla yā qaumi alam ya‘idkum rabbukum wa‘dan ḥasanā(n), afaṭāla ‘alaikumul-‘ahdu am arattum ay yaḥilla ‘alaikum gaḍabum mir rabbikum fa akhlaftum mau‘idī.
[86]
Kaya bumalik si Moises sa mga tao niya na galit na naghihinagpis. Nagsabi ito: “O mga tao ko, hindi ba nangako sa inyo ang Panginoon ninyo ng isang pangakong maganda? Kaya tumagal ba sa inyo ang panahon o nagnais kayo na may dumapo sa inyo na isang galit mula sa Panginoon ninyo kaya sumira kayo sa naipangako sa akin?”
قَالُوْا مَآ اَخْلَفْنَا مَوْعِدَكَ بِمَلْكِنَا وَلٰكِنَّا حُمِّلْنَآ اَوْزَارًا مِّنْ زِيْنَةِ الْقَوْمِ فَقَذَفْنٰهَا فَكَذٰلِكَ اَلْقَى السَّامِرِيُّ ۙ٨٧
Qālū mā akhlafnā mau‘idaka bimalkinā wa lākinnā ḥummilnā auzāram min zīnatil-qaumi fa qażafnāhā fa każālika alqas-sāmiriyy(u).
[87]
Nagsabi sila: “Hindi kami sumira sa ipinangako sa iyo dahil sa pagkukusa namin subalit kami ay pinagdala ng mga pasanin mula sa mga gayak ng mga tao [ni Paraon] kaya itinapon namin ang mga ito [sa isang hukay] saka gayon pumukol ang Sāmirīy.”
فَاَخْرَجَ لَهُمْ عِجْلًا جَسَدًا لَّهٗ خُوَارٌ فَقَالُوْا هٰذَآ اِلٰهُكُمْ وَاِلٰهُ مُوْسٰى ەۙ فَنَسِيَ ۗ٨٨
Fa akhraja lahum ‘ijlan jasadal lahū khuwārun fa qālū hāżā ilāhukum wa ilāhu mūsā, fa nasiy(a).
[88]
Saka nagpalabas siya para sa kanila ng isang guyang rebulto na mayroon itong pag-unga saka nagsabi sila: “Ito ay diyos ninyo at diyos ni Moises, ngunit nakalimot siya.”
اَفَلَا يَرَوْنَ اَلَّا يَرْجِعُ اِلَيْهِمْ قَوْلًا ەۙ وَّلَا يَمْلِكُ لَهُمْ ضَرًّا وَّلَا نَفْعًا ࣖ٨٩
Afalā yarauna allā yarji‘u ilaihim qaulā(n), wa lā yamliku lahum ḍarraw wa lā naf‘ā(n).
[89]
Kaya hindi ba sila nakakikita na hindi ito nagbabalik sa kanila ng isang pagsasabi at hindi nakapagdudulot para sa kanila ng isang pinsala ni isang pakinabang?
وَلَقَدْ قَالَ لَهُمْ هٰرُوْنُ مِنْ قَبْلُ يٰقَوْمِ اِنَّمَا فُتِنْتُمْ بِهٖۚ وَاِنَّ رَبَّكُمُ الرَّحْمٰنُ فَاتَّبِعُوْنِيْ وَاَطِيْعُوْٓا اَمْرِيْ٩٠
Wa laqad qāla lahum hārūnu min qablu yā qaumi innamā futintum bih(ī), wa inna rabbakumur-raḥmānu fattabi‘ūnī wa aṭī‘ū amrī.
[90]
Talaga ngang nagsabi sa kanila si Aaron bago pa niyan: “O mga tao ko, sinulit lamang kayo sa pamamagitan nito. Tunay na ang Panginoon ninyo ay ang Napakamaawain kaya sumunod kayo sa akin [sa pagsamba sa Kanya nang mag-isa] at tumalima kayo sa utos ko.”
قَالُوْا لَنْ نَّبْرَحَ عَلَيْهِ عٰكِفِيْنَ حَتّٰى يَرْجِعَ اِلَيْنَا مُوْسٰى٩١
Qālū lan nabraḥa ‘alaihi ‘ākifīna ḥattā yarji‘a ilainā mūsā.
[91]
Nagsabi sila: “Hindi kami hihinto rito bilang mga namimintuho hanggang sa bumalik sa amin si Moises.”
قَالَ يٰهٰرُوْنُ مَا مَنَعَكَ اِذْ رَاَيْتَهُمْ ضَلُّوْٓا ۙ٩٢
Qāla yā hārūnu mā mana‘aka iż ra'aitahum ḍallū.
[92]
Nagsabi [si Moises]: “O Aaron, ano ang pumigil sa iyo, noong nakakita ka sa kanila na naligaw,
اَلَّا تَتَّبِعَنِۗ اَفَعَصَيْتَ اَمْرِيْ٩٣
Allā tattabi‘an(i), afa ‘aṣaita amrī.
[93]
na hindi ka sumunod sa akin? Kaya sumuway ka ba sa utos ko?”
قَالَ يَبْنَؤُمَّ لَا تَأْخُذْ بِلِحْيَتِيْ وَلَا بِرَأْسِيْۚ اِنِّيْ خَشِيْتُ اَنْ تَقُوْلَ فَرَّقْتَ بَيْنَ بَنِيْٓ اِسْرَاۤءِيْلَ وَلَمْ تَرْقُبْ قَوْلِيْ٩٤
Qāla yabna'umma lā ta'khuż biliḥyatī wa lā bira'sī, innī khasyītu an taqūla farraqta baina banī isrā'īla wa lam tarqub qaulī.
[94]
Nagsabi [si Aaron]: “O anak ng ina ko, huwag kang dumaklot sa balbas ko ni sa ulo ko. Tunay na ako ay natakot na magsabi ka: ‘Naghati-hati ka sa pagitan ng mga anak ni Israel at hindi ka nag-abang sa sasabihin ko.’”
قَالَ فَمَا خَطْبُكَ يٰسَامِرِيُّ٩٥
Qāla famā khaṭbuka yā sāmiriyy(u).
[95]
Nagsabi [si Moises]: “Kaya ano ang pakay mo, O Sāmirīy?”
قَالَ بَصُرْتُ بِمَا لَمْ يَبْصُرُوْا بِهٖ فَقَبَضْتُ قَبْضَةً مِّنْ اَثَرِ الرَّسُوْلِ فَنَبَذْتُهَا وَكَذٰلِكَ سَوَّلَتْ لِيْ نَفْسِيْ٩٦
Qāla baṣurtu bimā lam yabṣurū bihī fa qabaḍtu qabḍatam min aṡarir-rasūli fa nabażtuhā wa każālika sawwalat lī nafsī.
[96]
Nagsabi [ang Sāmirīy]: “Nakakita ako ng hindi nila nakita kaya dumakot ako ng isang dakot mula sa bakas ng sugo at ihinagis ko iyon. Gayon humalina sa akin ang sarili ko [sa paggawa ng rebulto].”
قَالَ فَاذْهَبْ فَاِنَّ لَكَ فِى الْحَيٰوةِ اَنْ تَقُوْلَ لَا مِسَاسَۖ وَاِنَّ لَكَ مَوْعِدًا لَّنْ تُخْلَفَهٗۚ وَانْظُرْ اِلٰٓى اِلٰهِكَ الَّذِيْ ظَلْتَ عَلَيْهِ عَاكِفًا ۗ لَنُحَرِّقَنَّهٗ ثُمَّ لَنَنْسِفَنَّهٗ فِى الْيَمِّ نَسْفًا٩٧
Qāla fażhab fa inna laka fil-ḥayāti an taqūla lā misās(a), wa inna laka mau‘idal lan tukhlafah(ū), wanẓur ilā ilāhikal-lażī ẓalta ‘alaihi ‘ākifā(n), lanuḥarriqannahū ṡumma lanansifannahū fil-yammi nasfā(n).
[97]
Nagsabi [si Moises]: “Kaya umalis ka sapagkat tunay na ukol sa iyo sa buhay na magsabi ka: ‘Walang pananaling!’320 at tunay na ukol sa iyo ay isang ipinangako na hindi sisirain sa iyo. Tumingin ka sa diyos mo na namalagi ka riyan bilang namimintuho, talagang susunugin nga namin iyan, pagkatapos talagang isasabog nga namin iyan sa dagat sa isang pagsasabog.
[320] “Huwag mo akong salingin,” ang sinasabi niya bilang parusa kaya siya ay itinataboy.
اِنَّمَآ اِلٰهُكُمُ اللّٰهُ الَّذِيْ لَآ اِلٰهَ اِلَّا هُوَۗ وَسِعَ كُلَّ شَيْءٍ عِلْمًا٩٨
Innamā ilāhukumullāhul-lażī lā ilāha illā huw(a), wasi‘a kulla syai'in ‘ilmā(n).
[98]
Tanging ang Diyos ninyo ay si Allāh na walang Diyos kundi Siya. Sumakop Siya sa bawat bagay sa kaalaman.
كَذٰلِكَ نَقُصُّ عَلَيْكَ مِنْ اَنْۢبَاۤءِ مَا قَدْ سَبَقَۚ وَقَدْ اٰتَيْنٰكَ مِنْ لَّدُنَّا ذِكْرًا ۚ٩٩
Każālika naquṣṣu ‘alaika min ambā'i mā sabaq(a), wa qad ātaināka mil ladunnā żikrā(n).
[99]
Gayon Kami nagsasalaysay sa iyo ng ilan sa mga balita ng nauna na. Nagbigay nga Kami mula sa nasa Amin ng isang paalaala [ng Qur’ān].
مَنْ اَعْرَضَ عَنْهُ فَاِنَّهٗ يَحْمِلُ يَوْمَ الْقِيٰمَةِ وِزْرًا١٠٠
Man a‘raḍa ‘anhu fa innahū yaḥmilu yaumal-qiyāmati wizrā(n).
[100]
Ang sinumang umayaw rito, tunay na siya ay magpapasan sa Araw ng Pagbangon ng isang pabigat,
خٰلِدِيْنَ فِيْهِ ۗوَسَاۤءَ لَهُمْ يَوْمَ الْقِيٰمَةِ حِمْلًاۙ١٠١
Khālidīna fīh(i), wa sā'a lahum yaumal-qiyāmati ḥimlā(n).
[101]
bilang mga mananatili roon. Kay sagwa ito sa para sa kanila sa Araw ng Pagbangon bilang pasanin!
يَّوْمَ يُنْفَخُ فِى الصُّوْرِ وَنَحْشُرُ الْمُجْرِمِيْنَ يَوْمَىِٕذٍ زُرْقًا ۖ١٠٢
Yauma yunfakhu fiṣ-ṣūri wa naḥsyurul-mujrimīna yauma'iżin zurqā(n).
[102]
Sa Araw na iihip sa tambuli at kakalap Kami sa mga salarin sa Araw na iyon habang [may matang] bughaw [dahil sa mga hilakbot].
يَّتَخَافَتُوْنَ بَيْنَهُمْ اِنْ لَّبِثْتُمْ اِلَّا عَشْرًا١٠٣
Yatakhāfatūna bainahum il labiṡtum illā ‘asyrā(n).
[103]
Magbubulungan sila sa gitna nila: “Hindi kayo namalagi kundi nang sampung [gabi].”
نَحْنُ اَعْلَمُ بِمَا يَقُوْلُوْنَ اِذْ يَقُوْلُ اَمْثَلُهُمْ طَرِيْقَةً اِنْ لَّبِثْتُمْ اِلَّا يَوْمًا ࣖ١٠٤
Naḥnu a‘lamu bimā yaqūlūna iż yaqūlu amṡaluhum ṭarīqatan il labiṡtum illā yaumā(n).
[104]
Kami ay higit na maalam sa sinasabi nila noong nagsasabi ang pinakamagaling sa kanila sa pamamaraan: “Hindi kayo namalagi kundi nang isang araw.”
وَيَسْـَٔلُوْنَكَ عَنِ الْجِبَالِ فَقُلْ يَنْسِفُهَا رَبِّيْ نَسْفًا ۙ١٠٥
Wa yas'alūnaka ‘anil-jibāli fa qul yansifuhā rabbī nasfā(n).
[105]
Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa mga bundok kaya sabihin mo: “Isasabog ang mga ito ng Panginoon ko sa isang pagsasabog.
فَيَذَرُهَا قَاعًا صَفْصَفًا ۙ١٠٦
Fa yażaruhā qā‘an ṣafṣafā(n).
[106]
Hahayaan Niya ang mga ito na maging kapatagang pantay.
لَّا تَرٰى فِيْهَا عِوَجًا وَّلَآ اَمْتًا ۗ١٠٧
Lā tarā fīhā ‘iwajaw wa lā amtā(n).
[107]
Hindi ka makakikita roon ng isang lubak ni isang umbok.”
يَوْمَىِٕذٍ يَّتَّبِعُوْنَ الدَّاعِيَ لَا عِوَجَ لَهٗ ۚوَخَشَعَتِ الْاَصْوَاتُ لِلرَّحْمٰنِ فَلَا تَسْمَعُ اِلَّا هَمْسًا١٠٨
Yauma'iżiy yattabi‘ūnad-dā‘iya lā ‘iwaja lah(ū), wa khasya‘atil-aṣwātu lir-raḥmāni falā tasma‘u illā hamsā(n).
[108]
Sa Araw na iyon susundan nila ang tagapag-anyaya [papunta sa Kalapan para sa pagtutuos] nang walang paglihis sa kanya at magpapakataimtim ang mga tinig para sa Napakamaawain kaya wala kang maririnig kundi isang bulong [ng mga yabag].
يَوْمَىِٕذٍ لَّا تَنْفَعُ الشَّفَاعَةُ اِلَّا مَنْ اَذِنَ لَهُ الرَّحْمٰنُ وَرَضِيَ لَهٗ قَوْلًا١٠٩
Yauma'iżil lā tanfa‘usy-syafā‘atu illā man ażina lahur-raḥmānu wa raḍiya lahū qaulā(n).
[109]
Sa Araw na iyon ay hindi magpapakinabang ang pamamagitan maliban sa sinumang nagpahintulot doon ang Napakamaawain at nalugod Siya roon sa sinasabi.
يَعْلَمُ مَا بَيْنَ اَيْدِيْهِمْ وَمَا خَلْفَهُمْ وَلَا يُحِيْطُوْنَ بِهٖ عِلْمًا١١٠
Ya‘lamu mā baina aidīhim wa mā khalfahum wa lā yuḥīṭūna bihī ‘ilmā(n).
[110]
Nakaaalam Siya sa anumang nasa pagitan ng mga kamay nila at anumang nasa likuran nila habang hindi sila nakapapaligid sa Kanya sa kaalaman.
۞ وَعَنَتِ الْوُجُوْهُ لِلْحَيِّ الْقَيُّوْمِۗ وَقَدْ خَابَ مَنْ حَمَلَ ظُلْمًا١١١
Wa ‘anatil-wujūhu lil-ḥayyil-qayyūm(i), wa qad khāba man ḥamala ẓulmā(n).
[111]
Nagpakumbaba ang mga mukha sa Buhay na Mapagpanatili samantalang nabigo nga ang sinumang nagpasan ng isang kawalang-katarungan.
وَمَنْ يَّعْمَلْ مِنَ الصّٰلِحٰتِ وَهُوَ مُؤْمِنٌ فَلَا يَخٰفُ ظُلْمًا وَّلَا هَضْمًا١١٢
Wa may ya‘mal minaṣ-ṣāliḥāti wa huwa mu'minun falā yakhāfu ẓulmaw wa lā haḍmā(n).
[112]
Ang sinumang gumagawa ng ilan sa mga maayos samantalang siya ay mananampalataya, hindi siya mangangamba sa isang kawalang-katarungan ni isang kabawasan [sa gantimpala].
وَكَذٰلِكَ اَنْزَلْنٰهُ قُرْاٰنًا عَرَبِيًّا وَّصَرَّفْنَا فِيْهِ مِنَ الْوَعِيْدِ لَعَلَّهُمْ يَتَّقُوْنَ اَوْ يُحْدِثُ لَهُمْ ذِكْرًا١١٣
Wa każālika anzalnāhu qur'ānan ‘arabiyyaw wa ṣarrafnā fīhi minal-wa‘īdi la‘allahum yattaqūna au yuḥdiṡu lahum żikrā(n).
[113]
Gayon Kami nagpababa ng isang Qur’ān na Arabe at nagsarisari Kami rito ng banta nang sa gayon sila ay mangingilag magkasala o magsasanhi ito sa kanila ng isang pag-aalaala.
فَتَعٰلَى اللّٰهُ الْمَلِكُ الْحَقُّۚ وَلَا تَعْجَلْ بِالْقُرْاٰنِ مِنْ قَبْلِ اَنْ يُّقْضٰٓى اِلَيْكَ وَحْيُهٗ ۖوَقُلْ رَّبِّ زِدْنِيْ عِلْمًا١١٤
Fa ta‘ālallāhul-malikul-ḥaqq(u), wa lā ta‘jal bil-qur'āni min qabli ay yuqḍā ilaika waḥyuh(ū), wa qur rabbi zidnī ‘ilmā(n).
[114]
Kaya napakataas si Allāh, ang Haring Totoo. Huwag kang magmadali sa pagbigkas ng Qur’ān bago pa matapos sa iyo ang pagkasi nito at magsabi ka: “Panginoon ko magdagdag Ka sa akin ng kaalaman.”
وَلَقَدْ عَهِدْنَآ اِلٰٓى اٰدَمَ مِنْ قَبْلُ فَنَسِيَ وَلَمْ نَجِدْ لَهٗ عَزْمًا ࣖ١١٥
Wa laqad ‘ahidnā ilā ādama min qablu fa nasiya wa lam najid lahū ‘azmā(n).
[115]
Talaga ngang naghabilin Kami kay Adan bago pa niyan ngunit nakalimot siya at hindi Kami nakatagpo sa kanya ng pagtitika.
وَاِذْ قُلْنَا لِلْمَلٰۤىِٕكَةِ اسْجُدُوْا لِاٰدَمَ فَسَجَدُوْٓا اِلَّآ اِبْلِيْسَ اَبٰى ۗ١١٦
Wa iż qulnā lil-malā'ikatisjudū li'ādama fa sajadū illā iblīsa abā.
[116]
[Banggitin] noong nagsabi Kami sa mga anghel: “Magpatirapa kayo kay Adan [bilang pagpipitagan],” kaya nagpatirapa naman sila maliban si Satanas; tumanggi ito.
فَقُلْنَا يٰٓاٰدَمُ اِنَّ هٰذَا عَدُوٌّ لَّكَ وَلِزَوْجِكَ فَلَا يُخْرِجَنَّكُمَا مِنَ الْجَنَّةِ فَتَشْقٰى١١٧
Fa qulnā yā ādamu inna hāżā ‘aduwwul laka wa lizaujika falā yukhrijannakumā minal-jannati fa tasyqā.
[117]
Kaya nagsabi Kami: “O Adan, tunay na ito ay isang kaaway para sa iyo at para sa asawa mo; kaya huwag nga siyang magpapalabas sa inyong dalawa mula sa hardin para malumbay ka.”
اِنَّ لَكَ اَلَّا تَجُوْعَ فِيْهَا وَلَا تَعْرٰى ۙ١١٨
Inna laka allā tajū‘a fīhā wa lā ta‘rā.
[118]
Tunay na ukol sa iyo na hindi ka magutuman dito at hindi ka mahubaran,
وَاَنَّكَ لَا تَظْمَؤُا فِيْهَا وَلَا تَضْحٰى١١٩
Wa annaka lā taẓma'u fīhā wa lā taḍḥā.
[119]
at na ikaw ay hindi mauhawan dito at hindi miinitan.
فَوَسْوَسَ اِلَيْهِ الشَّيْطٰنُ قَالَ يٰٓاٰدَمُ هَلْ اَدُلُّكَ عَلٰى شَجَرَةِ الْخُلْدِ وَمُلْكٍ لَّا يَبْلٰى١٢٠
Fa waswasa ilaihisy-syaiṭānu qāla yā ādamu hal adulluka ‘alā syajaratil-khuldi wa mulkil lā yablā.
[120]
Ngunit nagpasaring sa kanya ang demonyo. Nagsabi ito: “O Adan, gagabay kaya ako sa iyo sa Punong-kahoy ng Kawalang-hanggan at isang kahariang hindi nalalaspag?”
فَاَكَلَا مِنْهَا فَبَدَتْ لَهُمَا سَوْءٰتُهُمَا وَطَفِقَا يَخْصِفٰنِ عَلَيْهِمَا مِنْ وَّرَقِ الْجَنَّةِۚ وَعَصٰىٓ اٰدَمُ رَبَّهٗ فَغَوٰى ۖ١٢١
Fa akalā minhā fa badat lahumā sau'ātuhumā wa ṭafiqā yakhṣifāni ‘alaihimā miw waraqil-jannah(ti), wa ‘aṣā ādamu rabbahū fa gawā.
[121]
Kaya kumain silang dalawa321 mula roon, saka lumitaw sa kanilang dalawa ang kahubaran nilang dalawa. Nagsimula silang dalawa na nagtatakip sa kanilang dalawa ng mga dahon ng hardin. Sumuway si Adan sa Panginoon niya kaya nalisya siya.
[321] Ibig sabihin: sina Adan at Eva.
ثُمَّ اجْتَبٰىهُ رَبُّهٗ فَتَابَ عَلَيْهِ وَهَدٰى١٢٢
Ṡummajtabāhu rabbuhū fa tāba ‘alaihi wa hadā.
[122]
Pagkatapos humalal sa kanya ang Panginoon niya saka tumatanggap sa pagbabalik-loob322 niya at nagpatnubay [sa kanya].
[322] mula sa unang kasalanan ng pagkain ng bawal na bunga
قَالَ اهْبِطَا مِنْهَا جَمِيْعًاۢ بَعْضُكُمْ لِبَعْضٍ عَدُوٌّ ۚفَاِمَّا يَأْتِيَنَّكُمْ مِّنِّيْ هُدًى ەۙ فَمَنِ اتَّبَعَ هُدَايَ فَلَا يَضِلُّ وَلَا يَشْقٰى١٢٣
Qālahbiṭā minhā jamī‘am ba‘ḍukum liba‘ḍin ‘aduww(un), fa immā ya'tiyannakum minnī hudā(n), fa manittaba‘a hudāya falā yaḍillu wa lā yasyqā.
[123]
Nagsabi Siya: “Lumapag kayong dalawa mula rito nang lahatan. Ang iba sa inyo sa iba pa ay kaaway. Kaya kung may pumunta nga naman sa inyo mula sa Akin na isang patnubay, ang sinumang sumunod sa patnubay Ko ay hindi maliligaw at hindi malulumbay;
وَمَنْ اَعْرَضَ عَنْ ذِكْرِيْ فَاِنَّ لَهٗ مَعِيْشَةً ضَنْكًا وَّنَحْشُرُهٗ يَوْمَ الْقِيٰمَةِ اَعْمٰى١٢٤
Wa man a‘raḍa ‘an żikrī fa inna lahū ma‘īsyatan ḍankaw wa naḥsyuruhū yaumal-qiyāmati a‘mā.
[124]
at ang sinumang umayaw sa pag-aalaala sa Akin, tunay na ukol sa kanya ay isang pamumuhay na hikahos. Kakalap Kami sa kanya sa Araw ng Pagbangon na isang bulag.”
قَالَ رَبِّ لِمَ حَشَرْتَنِيْٓ اَعْمٰى وَقَدْ كُنْتُ بَصِيْرًا١٢٥
Qāla rabbi lima ḥasyartanī a‘mā wa qad kuntu baṣīrā(n).
[125]
Magsasabi ito: “Panginoon ko, bakit Ka kumalap sa akin na isang bulag samantalang ako nga dati ay isang nakakikita?”
قَالَ كَذٰلِكَ اَتَتْكَ اٰيٰتُنَا فَنَسِيْتَهَاۚ وَكَذٰلِكَ الْيَوْمَ تُنْسٰى١٢٦
Qāla każālika atatka āyātunā fa nasītahā, wa każālikal-yauma tunsā.
[126]
Magsasabi Siya: “Gayon pumunta sa iyo ang mga tanda Namin saka lumimot ka sa mga iyon. Gayon ngayong Araw lilimutin ka.”323
[323] Ibig sabihin: iiwan ka ngayong Araw sa pagdurusa.
وَكَذٰلِكَ نَجْزِيْ مَنْ اَسْرَفَ وَلَمْ يُؤْمِنْۢ بِاٰيٰتِ رَبِّهٖۗ وَلَعَذَابُ الْاٰخِرَةِ اَشَدُّ وَاَبْقٰى١٢٧
Wa każālika najzī man asrafa wa lam yu'mim bi'āyāti rabbih(ī), wa la‘ażābul-ākhirati asyaddu wa abqā.
[127]
Gayon Kami gaganti sa sinumang nagpakalabis at hindi sumampalataya sa mga tanda ng Panginoon niya. Talagang ang pagdurusa sa Kabilang-buhay ay higit na matindi at higit na nananatili.
اَفَلَمْ يَهْدِ لَهُمْ كَمْ اَهْلَكْنَا قَبْلَهُمْ مِّنَ الْقُرُوْنِ يَمْشُوْنَ فِيْ مَسٰكِنِهِمْۗ اِنَّ فِيْ ذٰلِكَ لَاٰيٰتٍ لِّاُولِى النُّهٰى ࣖ١٢٨
Afalam yahdi lahum kam ahlaknā qablahum minal-qurūni yamsyūna fī masākinihim, inna fī żālika la'āyātil li'ulin nuhā.
[128]
Kaya hindi ba nagpatnubay para sa kanila na kay rami ng ipinahamak Namin bago nila na mga [makasalanang] salinlahi habang naglalakad ang mga iyon sa mga tirahan ng mga iyon? Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga may katinuan.
وَلَوْلَا كَلِمَةٌ سَبَقَتْ مِنْ رَّبِّكَ لَكَانَ لِزَامًا وَّاَجَلٌ مُّسَمًّى ۗ١٢٩
Wa lau lā kalimatun sabaqat mir rabbika lakāna lizāmaw wa ajalum musammā(n).
[129]
Kung hindi dahil sa isang salitang nauna mula sa Panginoon mo, talaga sanang ito ay naging kinakailangan, at [kung hindi rin dahil sa] isang taning na tinukoy.
فَاصْبِرْ عَلٰى مَا يَقُوْلُوْنَ وَسَبِّحْ بِحَمْدِ رَبِّكَ قَبْلَ طُلُوْعِ الشَّمْسِ وَقَبْلَ غُرُوْبِهَا ۚوَمِنْ اٰنَاۤئِ الَّيْلِ فَسَبِّحْ وَاَطْرَافَ النَّهَارِ لَعَلَّكَ تَرْضٰى١٣٠
Faṣbir ‘alā mā yaqūlūna wa sabbiḥ biḥamdi rabbika qabla ṭulū‘isy-syamsi wa qabla gurūbihā, wa min ānā'il-laili fa sabbiḥ wa aṭrāfan-nahāri la‘allaka tarḍā.
[130]
Kaya magtiis ka sa anumang sinasabi nila at magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo bago ng pagsikat ng araw at bago ng paglubog nito; at mula sa mga bahagi ng gabi ay magluwalhati ka at sa mga dulo ng maghapon, nang sa gayon ikaw ay malulugod.
وَلَا تَمُدَّنَّ عَيْنَيْكَ اِلٰى مَا مَتَّعْنَا بِهٖٓ اَزْوَاجًا مِّنْهُمْ زَهْرَةَ الْحَيٰوةِ الدُّنْيَا ەۙ لِنَفْتِنَهُمْ فِيْهِ ۗوَرِزْقُ رَبِّكَ خَيْرٌ وَّاَبْقٰى١٣١
Wa lā tamuddanna ‘ainaika ilā mā matta‘nā bihī azwājam minhum zahratal-ḥayātid-dun-yā, linaftinahum fīh(i), wa rizqu rabbika khairuw wa abqā.
[131]
Huwag ka ngang magpaabot ng mga mata tungo sa ipinatamasa Namin sa mga kaurian kabilang sa kanila bilang karangyaan ng buhay na pangmundo upang sumulit Kami sa kanila roon. Ang panustos [na gantimpala sa Kabilang-buhay] ng Panginoon mo ay higit na mabuti at higit na nananatili.
وَأْمُرْ اَهْلَكَ بِالصَّلٰوةِ وَاصْطَبِرْ عَلَيْهَاۗ لَا نَسْـَٔلُكَ رِزْقًاۗ نَحْنُ نَرْزُقُكَۗ وَالْعَاقِبَةُ لِلتَّقْوٰى١٣٢
Wa'mur ahlaka biṣ-ṣalāti waṣṭabir ‘alaihā, lā nas'aluka rizqā(n), naḥnu narzuquk(a), wal-‘āqibatu lit-taqwā.
[132]
Mag-utos ka sa mag-anak mo ng pagdarasal at magpakamatiisin ka rito. Hindi Kami humihingi sa iyo ng isang panustos; Kami ay tumutustos sa iyo. Ang [pinapupurihang] kahihinatnan ay ukol sa [mga may] pangingilag magkasala.
وَقَالُوْا لَوْلَا يَأْتِيْنَا بِاٰيَةٍ مِّنْ رَّبِّهٖۗ اَوَلَمْ تَأْتِهِمْ بَيِّنَةُ مَا فِى الصُّحُفِ الْاُوْلٰى١٣٣
Wa qālū lau lā ya'tīnā bi'āyatim mir rabbih(ī), awalam ta'tihim bayyinatu mā fiṣ-ṣuḥufil-ūlā.
[133]
Nagsabi sila: “Bakit kaya hindi siya nagdala sa atin ng isang tanda mula sa Panginoon niya? Hindi ba pumunta sa kanila ang malinaw na patunay ng nasa mga unang kalatas?”
وَلَوْ اَنَّآ اَهْلَكْنٰهُمْ بِعَذَابٍ مِّنْ قَبْلِهٖ لَقَالُوْا رَبَّنَا لَوْلَآ اَرْسَلْتَ اِلَيْنَا رَسُوْلًا فَنَتَّبِعَ اٰيٰتِكَ مِنْ قَبْلِ اَنْ نَّذِلَّ وَنَخْزٰى١٣٤
Wa lau annā ahlaknāhum bi‘ażābim min qablihī laqālū rabbanā lau lā arsalta ilainā rasūlan fa nattabi‘a āyātika min qabli an nażilla wa nakhzā.
[134]
Kung sakaling Kami ay nagpahamak sa kanila sa pamamagitan ng isang pagdurusa bago pa niya ay talagang magsasabi sila: “Panginoon namin, bakit kaya hindi Ka nagsugo sa amin ng isang sugo para sumunod kami sa mga tanda Mo bago pa maaba kami at mapahiya kami?”
قُلْ كُلٌّ مُّتَرَبِّصٌ فَتَرَبَّصُوْاۚ فَسَتَعْلَمُوْنَ مَنْ اَصْحٰبُ الصِّرَاطِ السَّوِيِّ وَمَنِ اهْتَدٰى ࣖ ۔١٣٥
Qul kullum mutarabbiṣun fa tarabbaṣū, fa sata‘lamūna man aṣḥābuṣ-ṣirāṭis-sawiyyi wa manihtadā.
[135]
Sabihin mo: “Bawat [isa] ay nag-aantabay [sa [pangyayarihin ni Allāh]; kaya mag-antabay kayo sapagkat makaaalam kayo kung sino ang mga kasamahan sa landasing matuwid at kung sino ang napatnubayan.”