Surah Hud
بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
الۤرٰ ۗ كِتٰبٌ اُحْكِمَتْ اٰيٰتُهٗ ثُمَّ فُصِّلَتْ مِنْ لَّدُنْ حَكِيْمٍ خَبِيْرٍۙ١
Alif lām rā, kitābun uḥkimat āyātuhū ṡumma fuṣṣilat mil ladun ḥakīmin khabīr(in).
[1]
Alif. Lām. Rā’.227 [Ito ay] isang Aklat na pinahusay ang mga talata nito, pagkatapos dinetalye mula sa panig ng isang Marunong, isang Mapagbatid.
[227] Ang Qur’ān ay nasa wikang Arabe na binubuo ng mga titiks Arabe gaya ng mga ito subalit walang isa mang nakagawa ng kahit pinkamaiikling kabanata ng mahimalang kababalaghan ng Qur’ān.
اَلَّا تَعْبُدُوْٓا اِلَّا اللّٰهَ ۗاِنَّنِيْ لَكُمْ مِّنْهُ نَذِيْرٌ وَّبَشِيْرٌۙ٢
Allā ta‘budū illallāh(a), innanī lakum minhu nażīruw wa basyīr(un).
[2]
[Ipinasasabi sa Sugo:] “Na huwag kayong sumamba kundi kay Allāh. Tunay na ako para sa inyo mula sa Kanya ay isang mapagbabala at isang mapagbalita ng nakagagalak.”
وَّاَنِ اسْتَغْفِرُوْا رَبَّكُمْ ثُمَّ تُوْبُوْٓا اِلَيْهِ يُمَتِّعْكُمْ مَّتَاعًا حَسَنًا اِلٰٓى اَجَلٍ مُّسَمًّى وَّيُؤْتِ كُلَّ ذِيْ فَضْلٍ فَضْلَهٗ ۗوَاِنْ تَوَلَّوْا فَاِنِّيْٓ اَخَافُ عَلَيْكُمْ عَذَابَ يَوْمٍ كَبِيْرٍ٣
Wa anistagfirū rabbakum ṡumma tūbū ilaihi yumatti‘kum matā‘an ḥasanan ilā ajalim musammaw wa yu'ti kulla żī faḍlin faḍlah(ū), wa in tawallau fa innī akhāfu ‘alaikum ‘ażāba yaumin kabīr(in).
[3]
[Ipinasasabi sa Sugo:] “Na humingi kayo ng tawad sa Panginoon ninyo, pagkatapos magbalik-loob kayo sa Kanya, magpapatamasa Siya sa inyo ng isang natatamasang maganda hanggang sa isang taning na tinukoy at magbibigay Siya sa bawat may kabutihang-loob ng kabutihang-loob dito. Kung tatalikod kayo, tunay na ako ay nangangamba para sa inyo ng pagdurusa sa isang araw na malaki.
اِلَى اللّٰهِ مَرْجِعُكُمْ ۚوَهُوَ عَلٰى كُلِّ شَيْءٍ قَدِيْرٌ٤
Ilallāhi marji‘ukum, wa huwa ‘alā kulli syai'in qadīr(un).
[4]
Tungo kay Allāh ang babalikan ninyo. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.”
اَلَآ اِنَّهُمْ يَثْنُوْنَ صُدُوْرَهُمْ لِيَسْتَخْفُوْا مِنْهُۗ اَلَا حِيْنَ يَسْتَغْشُوْنَ ثِيَابَهُمْ ۙيَعْلَمُ مَا يُسِرُّوْنَ وَمَا يُعْلِنُوْنَۚ اِنَّهٗ عَلِيْمٌ ۢ بِذَاتِ الصُّدُوْرِ ۔٥
Alā innahum yaṡnūna ṣudūrahum liyastakhfū minh(u), alā ḥīna yastagsyūna ṡiyābahum, ya‘lamu mā yusirrūna wa mā yu‘linūn(a), innahū ‘alīmum biżātiṣ-ṣudūr(i).
[5]
Pansinin, tunay na sila ay nagtatakip ng mga dibdib nila upang makapagkubli sila [ng pagdududa] mula sa Kanya.228 Pansinin, kapag nagpapabalot sila ng mga kasuutan nila ay nakaaalam Siya sa anumang inililihim nila at anumang inihahayag nila. Tunay na Siya ay Maalam sa nilalaman ng mga dibdib.
[228] O Pansinin, tunay na sila ay naglilihis ng mga dibdib nila upang makapagkubli sila mula sa Kanya. Pansinin, tunay na sila ay nagkikimkim ng ngitngit sa mga dibdib nila upang maikubli nila mula sa Kanya.
۞ وَمَا مِنْ دَاۤبَّةٍ فِى الْاَرْضِ اِلَّا عَلَى اللّٰهِ رِزْقُهَا وَيَعْلَمُ مُسْتَقَرَّهَا وَمُسْتَوْدَعَهَا ۗ كُلٌّ فِيْ كِتٰبٍ مُّبِيْنٍ٦
Wa mā min dābbatin fil-arḍi illā ‘alallāhi rizquhā wa ya‘lamu mustaqarrahā wa mustauda‘ahā, kullun fī kitābim mubīn(in).
[6]
Walang anumang gumagalaw na nilalang sa lupa malibang nasa kay Allāh ang panustos nito. Nakaaalam Siya sa tuluyan nito [sa pamumuhay] at pinaglalagakan dito [sa pagkamatay]. Bawat isa ay nasa isang talaang malinaw.
وَهُوَ الَّذِيْ خَلَقَ السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضَ فِيْ سِتَّةِ اَيَّامٍ وَّكَانَ عَرْشُهٗ عَلَى الْمَاۤءِ لِيَبْلُوَكُمْ اَيُّكُمْ اَحْسَنُ عَمَلًا ۗوَلَىِٕنْ قُلْتَ اِنَّكُمْ مَّبْعُوْثُوْنَ مِنْۢ بَعْدِ الْمَوْتِ لَيَقُوْلَنَّ الَّذِيْنَ كَفَرُوْٓا اِنْ هٰذَٓا اِلَّا سِحْرٌ مُّبِيْنٌ٧
Wa huwal-lażī khalaqas-samāwāti wal-arḍa fī sittati ayyāmiw wa kāna ‘arsyuhū ‘alal-mā'i liyabluwakum ayyukum aḥsanu ‘amalā(n), wa la'in qulta innakum mab‘ūṡūna mim ba‘dil-mauti layaqūlannal-lażīna kafarū in hāżā illā siḥrum mubīn(un).
[7]
Siya ang lumikha ng mga langit at lupa sa anim na araw – at ang Trono Niya ay nasa ibabaw ng tubig – upang sumubok Siya sa inyo kung alin sa inyo ang pinakamaganda sa gawa. Talagang kung nagsabi ka: “Tunay na kayo ay mga bubuhayin matapos na ng kamatayan” ay talagang magsasabi nga ang mga tagatangging sumampalataya: “Walang iba ito kundi isang panggagaway na malinaw.”
وَلَىِٕنْ اَخَّرْنَا عَنْهُمُ الْعَذَابَ اِلٰٓى اُمَّةٍ مَّعْدُوْدَةٍ لَّيَقُوْلُنَّ مَا يَحْبِسُهٗ ۗ اَلَا يَوْمَ يَأْتِيْهِمْ لَيْسَ مَصْرُوْفًا عَنْهُمْ وَحَاقَ بِهِمْ مَّا كَانُوْا بِهٖ يَسْتَهْزِءُوْنَ ࣖ٨
Wa la'in akhkharnā ‘anhumul-‘ażāba ilā ummatim ma‘dūdatil layaqūlunna mā yaḥbisuh(ū), alā yauma ya'tīhim laisa maṣrūfan ‘anhum wa ḥāqa bihim mā kānū bihī yastahzi'ūn(a).
[8]
Talagang kung nag-antala Kami sa kanila ng pagdurusa hanggang sa isang yugtong nabibilang ay talagang magsasabi nga sila: “Ano ang pumipigil dito?” Pansinin, sa araw na darating ito sa kanila ay hindi ito maililihis palayo sa kanila at papaligid sa kanila ang dati nilang kinukutya.
وَلَىِٕنْ اَذَقْنَا الْاِنْسَانَ مِنَّا رَحْمَةً ثُمَّ نَزَعْنٰهَا مِنْهُۚ اِنَّهٗ لَيَـُٔوْسٌ كَفُوْرٌ٩
Wa la'in ażaqnal-insāna minnā raḥmatan ṡumma naza‘nāhā ‘anh(u), innahū laya'ūsun kafūr(un).
[9]
Talagang kung nagpalasap Kami sa tao ng isang awa mula sa Amin, pagkatapos nag-alis Kami nito mula sa kanya, tunay na siya ay talagang walang-wala ang pag-asa, mapagtangging magpasalamat.
وَلَىِٕنْ اَذَقْنٰهُ نَعْمَاۤءَ بَعْدَ ضَرَّاۤءَ مَسَّتْهُ لَيَقُوْلَنَّ ذَهَبَ السَّيِّاٰتُ عَنِّيْ ۗاِنَّهٗ لَفَرِحٌ فَخُوْرٌۙ١٠
Wa la'in ażaqnāhu na‘mā'a ba‘da ḍarrā'a massathu layaqūlanna żahabas-sayyi'ātu ‘annī, innahū lafariḥun fakhūr(un).
[10]
Talagang kung nagpalasap Kami sa kanya ng isang kabiyayaan matapos ng isang kariwaraan229 na sumaling sa kanya ay talagang magsasabi nga siya: “Umalis ang mga masagwa palayo sa akin.” Tunay na siya ay talagang masaya, napakayabang –
[229] gaya ng karukhaan at karamdaman
اِلَّا الَّذِيْنَ صَبَرُوْا وَعَمِلُوا الصّٰلِحٰتِۗ اُولٰۤىِٕكَ لَهُمْ مَّغْفِرَةٌ وَّاَجْرٌ كَبِيْرٌ١١
Illal-lażīna ṣabarū wa ‘amiluṣ-ṣāliḥāt(i), ulā'ika lahum magfiratuw wa ajrun kabīr(un).
[11]
maliban sa mga nagtiis at gumawa ng mga maayos; ang mga iyon ay may ukol sa kanila na isang kapatawaran at isang pabuyang malaki [sa Kabilang-buhay].
فَلَعَلَّكَ تَارِكٌۢ بَعْضَ مَا يُوْحٰىٓ اِلَيْكَ وَضَاۤىِٕقٌۢ بِهٖ صَدْرُكَ اَنْ يَّقُوْلُوْا لَوْلَآ اُنْزِلَ عَلَيْهِ كَنْزٌ اَوْ جَاۤءَ مَعَهٗ مَلَكٌ ۗاِنَّمَآ اَنْتَ نَذِيْرٌ ۗ وَاللّٰهُ عَلٰى كُلِّ شَيْءٍ وَّكِيْلٌ ۗ١٢
Fa la‘allaka tārikum ba‘ḍa mā yūḥā ilaika wa ḍā'ikum bihī ṣadruka ay yaqūlū lau lā unzila ‘alaihi kanzun au jā'a ma‘ahū malak(un), innamā anta nażīr(un), wallāhu ‘alā kulli syai'in wakīl(un).
[12]
Kaya baka ikaw ay mag-iiwan sa ilan sa ikinakasi sa iyo at pinaninikipan dahil dito ng dibdib mo na magsabi sila sa iyo: “Bakit kasi walang pinababa sa kanya na isang kayamanan o may dumating kasama sa kanya na isang anghel?” Ikaw ay isang mapagbabala lamang. Si Allāh sa bawat bagay ay Pinagkakatiwalaan.
اَمْ يَقُوْلُوْنَ افْتَرٰىهُ ۗقُلْ فَأْتُوْا بِعَشْرِ سُوَرٍ مِّثْلِهٖ مُفْتَرَيٰتٍ وَّادْعُوْا مَنِ اسْتَطَعْتُمْ مِّنْ دُوْنِ اللّٰهِ اِنْ كُنْتُمْ صٰدِقِيْنَ١٣
Am yaqūlūnaftarāh(u), qul fa'tū bi‘asyri suwarim miṡlihī muftarayātiw wad‘ū manistaṭa‘tum min dūnillāhi in kuntum ṣādiqīn(a).
[13]
O nagsasabi ba sila na ginawa-gawa niya ito? Sabihin mo: “Kaya maglahad kayo ng sampung kabanata [ng Qur’ān] kabilang sa tulad nito na mga ginawa-gawa at tumawag kayo ng sinumang nakaya ninyo bukod pa kay Allāh [para tumulong sa inyo] kung kayo ay mga tapat.”
فَاِلَّمْ يَسْتَجِيْبُوْا لَكُمْ فَاعْلَمُوْٓا اَنَّمَآ اُنْزِلَ بِعِلْمِ اللّٰهِ وَاَنْ لَّآ اِلٰهَ اِلَّا هُوَ ۚفَهَلْ اَنْتُمْ مُّسْلِمُوْنَ١٤
Fa illam yastajībū lakum fa‘lamū annamā unzila bi‘ilmillāhi wa allā ilāha illā huw(a), fahal antum muslimūn(a).
[14]
Kaya kung hindi sila tumugon sa inyo, alamin ninyo na pinababa lamang [ang Qur’ān na] ito nang may kaalaman ni Allāh at na walang Diyos kundi Siya. Kaya kayo ba ay mga tagapagpasakop?230
[230] O Musalim sa wikang Arabe.
مَنْ كَانَ يُرِيْدُ الْحَيٰوةَ الدُّنْيَا وَزِيْنَتَهَا نُوَفِّ اِلَيْهِمْ اَعْمَالَهُمْ فِيْهَا وَهُمْ فِيْهَا لَا يُبْخَسُوْنَ١٥
Man kāna yurīdul-ḥayātad-dun-yā wa zīnatahā nuwaffi ilaihim a‘mālahum fīhā wa hum fīhā lā yubkhasūn(a).
[15]
Ang sinumang nagnanais ng buhay na pangmundo at gayak nito, maglulubus-lubos Kami tungo sa kanila [ng kabayaran] sa mga gawa nila rito habang sila rito ay hindi kinukulangan.
اُولٰۤىِٕكَ الَّذِيْنَ لَيْسَ لَهُمْ فِى الْاٰخِرَةِ اِلَّا النَّارُ ۖوَحَبِطَ مَا صَنَعُوْا فِيْهَا وَبٰطِلٌ مَّا كَانُوْا يَعْمَلُوْنَ١٦
Ulā'ikal-lażīna laisa lahum fil-ākhirati illan-nār(u), wa ḥabiṭa mā ṣana‘ū fīhā wa bāṭilum mā kānū ya‘malūn(a).
[16]
Ang mga iyon, walang ukol sa kanila sa Kabilang-buhay kundi ang Apoy. Nawalang-kabuluhan ang niyari nila rito [sa Mundo] at walang-saysay ang dati nilang ginagawa.
اَفَمَنْ كَانَ عَلٰى بَيِّنَةٍ مِّنْ رَّبِّهٖ وَيَتْلُوْهُ شَاهِدٌ مِّنْهُ وَمِنْ قَبْلِهٖ كِتٰبُ مُوْسٰىٓ اِمَامًا وَّرَحْمَةًۗ اُولٰۤىِٕكَ يُؤْمِنُوْنَ بِهٖ ۗوَمَنْ يَّكْفُرْ بِهٖ مِنَ الْاَحْزَابِ فَالنَّارُ مَوْعِدُهٗ فَلَا تَكُ فِيْ مِرْيَةٍ مِّنْهُ اِنَّهُ الْحَقُّ مِنْ رَّبِّكَ وَلٰكِنَّ اَكْثَرَ النَّاسِ لَا يُؤْمِنُوْنَ١٧
Afaman kāna ‘alā bayyinatim mir rabbihī wa yatlūhu syāhidum minhu wa min qablihī kitābu mūsā imāmaw wa raḥmah(tan), ulā'ika yu'minūna bih(ī), wa may yakfur bihī minal-aḥzābi fan-nāru mau‘iduhū falā taku fī miryatim minhu innahul-ḥaqqu mir rabbika wa lākinna akṡaran-nāsi lā yu'minūn(a).
[17]
Kaya ba ang nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon niya [ay tulad ng nabanggit]? Sumusunod dito ang isang tagasaksi mula sa Kanya at, bago pa nito, ang kasulatan ni Moises bilang pinuno at bilang awa. Ang mga iyon ay sumasampalataya rito. Ang sinumang tumangging sumampalataya rito [sa Qur’ān] kabilang sa mga lapian, ang Apoy ay ipinangako sa kanya. Kaya huwag kang maging nasa isang pag-aalangan dito [sa Qur’ān]. Tunay na ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon mo, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi sumasampalataya.
وَمَنْ اَظْلَمُ مِمَّنِ افْتَرٰى عَلَى اللّٰهِ كَذِبًاۗ اُولٰۤىِٕكَ يُعْرَضُوْنَ عَلٰى رَبِّهِمْ وَيَقُوْلُ الْاَشْهَادُ هٰٓؤُلَاۤءِ الَّذِيْنَ كَذَبُوْا عَلٰى رَبِّهِمْۚ اَلَا لَعْنَةُ اللّٰهِ عَلَى الظّٰلِمِيْنَ ۙ١٨
Wa man aẓlamu mimmaniftarā ‘alallāhi każibā(n), ulā'ika yu‘raḍūna ‘alā rabbihim wa yaqūlul-asyhādu hā'ulā'il-lażīna każabū ‘alā rabbihim, alā la‘natullāhi ‘alaẓ-ẓālimīn(a).
[18]
Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan? Ang mga iyon ay ilalahad sa Panginoon nila at magsasabi ang mga saksi: “Ang mga ito ay ang mga nagsinungaling laban sa Panginoon nila.” Pansinin, ang sumpa ni Allāh ay ukol sa mga tagalabag sa katarungan,
الَّذِيْنَ يَصُدُّوْنَ عَنْ سَبِيْلِ اللّٰهِ وَيَبْغُوْنَهَا عِوَجًاۗ وَهُمْ بِالْاٰخِرَةِ هُمْ كفِٰرُوْنَ١٩
Al-lażīna yaṣuddūna ‘an sabīlillāhi wa yabgūnahā ‘iwajā(n), wa hum bil-ākhirati hum kāfirūn(a).
[19]
na mga sumasagabal sa landas ni Allāh at naghahangad dito ng isang kabaluktutan habang sila sa Kabilang-buhay ay mga tagatangging sumampalataya.
اُولٰۤىِٕكَ لَمْ يَكُوْنُوْا مُعْجِزِيْنَ فِى الْاَرْضِ وَمَا كَانَ لَهُمْ مِّنْ دُوْنِ اللّٰهِ مِنْ اَوْلِيَاۤءَ ۘ يُضٰعَفُ لَهُمُ الْعَذَابُ ۗمَا كَانُوْا يَسْتَطِيْعُوْنَ السَّمْعَ وَمَا كَانُوْا يُبْصِرُوْنَ٢٠
Ulā'ika lam yakūnū mu‘jizīna fil-arḍi wa mā kāna lahum min dūnillāhi min auliyā'(a), yuḍā‘afu lahumul-‘ażāb(u), mā kānū yastaṭī‘ūnas-sam‘a wa mā kānū yubṣirūn(a).
[20]
Ang mga iyon ay hindi mga makalulusot231 sa lupa at hindi sila nagkaroon bukod pa kay Allāh ng mga katangkilik. Pag-iibayuhin para sa kanila ang pagdurusa. Hindi sila dati nakakakaya ng pagdinig [sa katotohanan] at hindi sila dati nakakikita.
[231] O makapagpapahina.
اُولٰۤىِٕكَ الَّذِيْنَ خَسِرُوْٓا اَنْفُسَهُمْ وَضَلَّ عَنْهُمْ مَّا كَانُوْا يَفْتَرُوْنَ٢١
Ulā'ikal-lażīna khasirū anfusahum wa ḍalla ‘anhum mā kānū yaftarūn(a).
[21]
Ang mga iyon ay ang mga nagpalugi sa mga sarili nila at nawala sa kanila ang dati nilang ginagawa-gawa.
لَاجَرَمَ اَنَّهُمْ فِى الْاٰخِرَةِ هُمُ الْاَخْسَرُوْنَ٢٢
Lā jarama annahum fil-ākhirati humul-akhsarūn(a).
[22]
Walang pasubali na sila sa Kabilang-buhay ay ang mga pinakalugi.
اِنَّ الَّذِيْنَ اٰمَنُوْا وَعَمِلُوا الصّٰلِحٰتِ وَاَخْبَتُوْٓا اِلٰى رَبِّهِمْۙ اُولٰۤىِٕكَ اَصْحٰبُ الْجَنَّةِۚ هُمْ فِيْهَا خٰلِدُوْنَ٢٣
Innal-lażīna āmanū wa ‘amiluṣ-ṣāliḥāti wa akhbatū ilā rabbihim, ulā'ika aṣḥābul-jannati hum fīhā khālidūn(a).
[23]
Tunay na ang mga sumampalataya, gumawa ng mga maayos, at nagmababang-loob sa Panginoon nila, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Paraiso; sila ay doon mga mananatili.
۞ مَثَلُ الْفَرِيْقَيْنِ كَالْاَعْمٰى وَالْاَصَمِّ وَالْبَصِيْرِ وَالسَّمِيْعِۗ هَلْ يَسْتَوِيٰنِ مَثَلًا ۗ اَفَلَا تَذَكَّرُوْنَ ࣖ٢٤
Maṡalul-farīqaini kal-a‘mā wal-aṣammi wal-baṣīri was-samī‘(i), hal yastawiyāni maṡalā(n), afalā tażakkarūn(a).
[24]
Ang paghahalintulad sa dalawang pangkat ay gaya ng bulag at bingi, at ng nakakikita at nakaririnig. Nagkakapantay kaya ang dalawa sa paghahalintulad? Kaya hindi ba kayo magsasaalaala?
وَلَقَدْ اَرْسَلْنَا نُوْحًا اِلٰى قَوْمِهٖٓ اِنِّيْ لَكُمْ نَذِيْرٌ مُّبِيْنٌ ۙ٢٥
Wa laqad arsalnā nūḥan ilā qaumihī innī lakum nażīrum mubīn(un).
[25]
Talaga ngang nagsugo Kami kay Noe sa mga tao niya, [na nagsasabi]: “Tunay na ako para sa inyo ay isang mapagbabalang malinaw,
اَنْ لَّا تَعْبُدُوْٓا اِلَّا اللّٰهَ ۖاِنِّيْٓ اَخَافُ عَلَيْكُمْ عَذَابَ يَوْمٍ اَلِيْمٍ٢٦
Allā ta‘budū illallāh(a), innī akhāfu ‘alaikum ‘ażāba yaumin alīm(in).
[26]
na huwag kayong sumamba kundi kay Allāh; tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa isang pagdurusa sa isang araw na masakit.”
فَقَالَ الْمَلَاُ الَّذِيْنَ كَفَرُوْا مِنْ قَوْمِهٖ مَا نَرٰىكَ اِلَّا بَشَرًا مِّثْلَنَا وَمَا نَرٰىكَ اتَّبَعَكَ اِلَّا الَّذِيْنَ هُمْ اَرَاذِلُنَا بَادِيَ الرَّأْيِۚ وَمَا نَرٰى لَكُمْ عَلَيْنَا مِنْ فَضْلٍۢ بَلْ نَظُنُّكُمْ كٰذِبِيْنَ٢٧
Fa qālal-mala'ul-lażīna kafarū min qaumihī mā narāka illā basyaram miṡlanā wa mā narākattaba‘aka illal-lażīna hum arāżilunā bādiyar-ra'y(i), wa mā narā lakum ‘alainā min faḍlim bal naẓunnukum kāżibīn(a).
[27]
Kaya nagsabi ang konseho na tumangging sumampalataya kabilang sa mga kalipi niya: “Wala kaming nakikita sa iyo kundi isang tao tulad namin, wala kaming nakikita sa iyo na sumunod sa iyo kundi silang mga napakahamak sa amin sa unang tingin,232 at wala kaming nakikita para inyo na isang kalamangan sa amin, bagkus nagpapalagay kami na kayo ay mga sinungaling.”
[232] Ang ibig sabihin ng “sa unang tingin” ay walang pag-iisip-ip at walang pagtingin.
قَالَ يٰقَوْمِ اَرَءَيْتُمْ اِنْ كُنْتُ عَلٰى بَيِّنَةٍ مِّنْ رَّبِّيْ وَاٰتٰىنِيْ رَحْمَةً مِّنْ عِنْدِهٖ فَعُمِّيَتْ عَلَيْكُمْۗ اَنُلْزِمُكُمُوْهَا وَاَنْتُمْ لَهَا كٰرِهُوْنَ٢٨
Qāla yā qaumi ara'aitum in kuntu ‘alā bayyinatim mir rabbī wa ātānī raḥmatam min ‘indihī fa ‘ummiyat ‘alaikum, anulzimukumūhā wa antum lahā kārihūn(a).
[28]
Nagsabi siya:233 “O mga tao ko, nagsaalang-alang ba kayo kung ako ay nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ko at nagbigay Siya sa akin ng awa mula sa ganang Kanya ngunit pinalingid ito sa inyo? Mamimilit ba kami sa inyo [na maniwala] rito samantalang kayo rito ay mga nasusuklam?
[233] Si Noe
وَيٰقَوْمِ لَآ اَسْـَٔلُكُمْ عَلَيْهِ مَالًاۗ اِنْ اَجْرِيَ اِلَّا عَلَى اللّٰهِ وَمَآ اَنَا۠ بِطَارِدِ الَّذِيْنَ اٰمَنُوْاۗ اِنَّهُمْ مُّلٰقُوْا رَبِّهِمْ وَلٰكِنِّيْٓ اَرٰىكُمْ قَوْمًا تَجْهَلُوْنَ٢٩
Wa yā qaumi lā as'alukum ‘alaihi mālā(n), in ajriya illā ‘alallāhi wa mā ana biṭāridil-lażīna āmanū, innahum mulāqū rabbihim wa lākinnī arākum qauman tajhalūn(a).
[29]
O mga tao ko, hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng isang yaman; walang pabuya sa akin kundi nasa kay Allāh. Ako ay hindi magtataboy sa mga sumampalataya. Tunay na sila ay makikipagkita sa Panginoon nila, subalit ako ay nakakikita sa inyo bilang mga taong nagpapakamangmang.
وَيٰقَوْمِ مَنْ يَّنْصُرُنِيْ مِنَ اللّٰهِ اِنْ طَرَدْتُّهُمْ ۗ اَفَلَا تَذَكَّرُوْنَ٣٠
Wa yā qaumi may yanṣurunī minallāhi in ṭarattuhum, afalā tażakkarūn(a).
[30]
O mga tao ko, sino ang mag-aadya sa akin laban kay Allāh kung nagtaboy ako sa kanila? Kaya hindi ba kayo nagsasaalaala?
وَلَآ اَقُوْلُ لَكُمْ عِنْدِيْ خَزَاۤىِٕنُ اللّٰهِ وَلَآ اَعْلَمُ الْغَيْبَ وَلَآ اَقُوْلُ اِنِّيْ مَلَكٌ وَّلَآ اَقُوْلُ لِلَّذِيْنَ تَزْدَرِيْٓ اَعْيُنُكُمْ لَنْ يُّؤْتِيَهُمُ اللّٰهُ خَيْرًا ۗ اَللّٰهُ اَعْلَمُ بِمَا فِيْٓ اَنْفُسِهِمْ ۚاِنِّيْٓ اِذًا لَّمِنَ الظّٰلِمِيْنَ٣١
Wa lā aqūlu lakum ‘indī khazā'inullāhi wa lā a‘lamul-gaiba wa lā aqūlu innī malakuw wa lā aqūlu lil-lażīna tazdarī a‘yunukum lay yu'tiyahumullāhu khairā(n), allāhu a‘lamu bimā fī anfusihim, innī iżal laminaẓ-ẓālimīn(a).
[31]
Hindi ako nagsasabi sa inyo na taglay ko ang mga imbakan ni Allāh. Hindi ako nakaaalam sa nakalingid. Hindi ako nagsasabi na tunay na ako ay isang anghel. Hindi ako nagsasabi sa mga hinahamak ng mga mata ninyo na hindi magbibigay sa kanila si Allāh ng isang mabuti. Si Allāh ay higit na maalam sa nasa mga sarili nila. Tunay na ako samakatuwid ay talagang kabilang sa mga tagalabag sa katarungan [kung magsasabi ng gayon].”
قَالُوْا يٰنُوْحُ قَدْ جَادَلْتَنَا فَاَ كْثَرْتَ جِدَالَنَا فَأْتِنَا بِمَا تَعِدُنَآ اِنْ كُنْتَ مِنَ الصّٰدِقِيْنَ٣٢
Qālū yā nūḥu qad jādaltanā fa akṡarta jidālanā fa'tinā bimā ta‘idunā in kunta minaṣ-ṣādiqīn(a).
[32]
Nagsabi sila: “O Noe, nakipagtalo ka na sa amin saka nagpadalas ka sa pakikipagtalo sa amin kaya magdala ka sa amin ng ipinangangako mo sa amin kung ikaw ay kabilang sa mga tapat.”
قَالَ اِنَّمَا يَأْتِيْكُمْ بِهِ اللّٰهُ اِنْ شَاۤءَ وَمَآ اَنْتُمْ بِمُعْجِزِيْنَ٣٣
Qāla innamā ya'tīkum bihillāhu in syā'a wa mā antum bimu‘jizīn(a).
[33]
Nagsabi siya: “Magdadala lamang sa inyo nito si Allāh kung niloob Niya, at kayo ay hindi mga makalulusot.
وَلَا يَنْفَعُكُمْ نُصْحِيْٓ اِنْ اَرَدْتُّ اَنْ اَنْصَحَ لَكُمْ اِنْ كَانَ اللّٰهُ يُرِيْدُ اَنْ يُّغْوِيَكُمْ ۗهُوَ رَبُّكُمْ ۗوَاِلَيْهِ تُرْجَعُوْنَۗ٣٤
Wa lā yanfa‘ukum nuṣḥī in arattu an anṣaḥa lakum in kānallāhu yurīdu ay yugwiyakum, huwa rabbukum, wa ilaihi turja‘ūn(a).
[34]
Hindi magpapakinabang sa inyo ang pagpapayo ko – kung nagnais ako na magpayo sa inyo – kung nangyaring si Allāh ay nagnanais na magpalisya sa inyo. Siya ay ang Panginoon ninyo, at tungo sa Kanya pababalikin kayo.”
اَمْ يَقُوْلُوْنَ افْتَرٰىهُۗ قُلْ اِنِ افْتَرَيْتُهٗ فَعَلَيَّ اِجْرَامِيْ وَاَنَا۠ بَرِيْۤءٌ مِّمَّا تُجْرِمُوْنَ ࣖ٣٥
Am yaqūlūnaftarāh(u), qul iniftaraituhū fa ‘alayya ijrāmī wa ana barī'um mimmā tujrimūn(a).
[35]
O nagsasabi sila na gumawa-gawa siya nito? Sabihin mo: “Kung gumawa-gawa ako nito234 ay sa akin ang pagpapakasalarin ko at ako ay walang-kaugnayan sa anumang pagpapakasalarin ninyo.”
[234] Ibig sabihin: ng Qur’an.
وَاُوْحِيَ اِلٰى نُوْحٍ اَنَّهٗ لَنْ يُّؤْمِنَ مِنْ قَوْمِكَ اِلَّا مَنْ قَدْ اٰمَنَ فَلَا تَبْتَىِٕسْ بِمَا كَانُوْا يَفْعَلُوْنَۖ٣٦
Wa ūḥiya ilā nūḥin annahū lay yu'mina min qaumika illā man qad āmana falā tabta'is bimā kānū yaf‘alūn(a).
[36]
Ikinasi kay Noe: “Hindi sasampalataya kabilang sa mga tao mo kundi ang sinumang sumampalataya na, kaya huwag kang mahapis sa anumang dati nilang ginagawa.
وَاصْنَعِ الْفُلْكَ بِاَعْيُنِنَا وَوَحْيِنَا وَلَا تُخَاطِبْنِيْ فِى الَّذِيْنَ ظَلَمُوْا ۚاِنَّهُمْ مُّغْرَقُوْنَ٣٧
Waṣna‘il-fulka bi'a‘yuninā wa waḥyinā wa lā tukhāṭibnī fil-lażīna ẓalamū, innahum mugraqūn(a).
[37]
Yumari ka ng daong sa pamamagitan ng mga mata Namin at pagkasi Namin. Huwag kang makipag-usap sa Akin hinggil sa mga lumabag sa katarungan [dahil sa kawalang-pananampalataya]; tunay na sila ay mga malulunod.”
وَيَصْنَعُ الْفُلْكَۗ وَكُلَّمَا مَرَّ عَلَيْهِ مَلَاٌ مِّنْ قَوْمِهٖ سَخِرُوْا مِنْهُ ۗقَالَ اِنْ تَسْخَرُوْا مِنَّا فَاِنَّا نَسْخَرُ مِنْكُمْ كَمَا تَسْخَرُوْنَۗ٣٨
Wa yaṣna‘ul-fulk(a), wa kullamā marra ‘alaihi mala'um min qaumihī sakhirū minh(u), qāla in taskharū minnā fa innā naskharu minkum kamā taskharūn(a).
[38]
Yumayari siya235 ng daong. Sa tuwing may napadaan sa kanya na isang konseho kabilang sa mga tao niya ay nanunuya sila sa kanya. Nagsabi siya: “Kung nanunuya kayo sa amin, tunay na kami ay manunuya sa inyo kung paanong nanunuya kayo,
[235] Ibig sabihin: si Noe.
فَسَوْفَ تَعْلَمُوْنَۙ مَنْ يَّأْتِيْهِ عَذَابٌ يُّخْزِيْهِ وَيَحِلُّ عَلَيْهِ عَذَابٌ مُّقِيْمٌ٣٩
Fa saufa ta‘lamūn(a), may ya'tīhi ‘ażābuy yukhzīhi wa yaḥillu ‘alaihi ‘ażābum muqīm(un).
[39]
saka makaaalam kayo sa kung sino ang pupuntahan ng isang pagdurusang magpapahiya sa kanya at dadapuan ng isang pagdurusang mananatili.”
حَتّٰىٓ اِذَا جَاۤءَ اَمْرُنَا وَفَارَ التَّنُّوْرُۙ قُلْنَا احْمِلْ فِيْهَا مِنْ كُلٍّ زَوْجَيْنِ اثْنَيْنِ وَاَهْلَكَ اِلَّا مَنْ سَبَقَ عَلَيْهِ الْقَوْلُ وَمَنْ اٰمَنَ ۗوَمَآ اٰمَنَ مَعَهٗٓ اِلَّا قَلِيْلٌ٤٠
Ḥattā iżā jā'a amrunā wafārat-tannūr(u), qulnaḥmil fīhā min kullin zaujainiṡnaini wa ahlaka illā man sabaqa ‘alaihil-qaulu wa man āman(a), wa mā āmana ma‘ahū illā qalīl(un).
[40]
[Gayon nga] hanggang sa nang dumating ang utos Namin at nagsambulat [ng tubig] ang pugon ay nagsabi Kami: “Maglulan ka sa loob niyon ng mula sa bawat dalawang magkapares [na lalaki at babae], ng mag-anak mo – maliban sa nauna sa kanya ang hatol – at ng sinumang sumampalataya.” Walang sumampalataya kasama sa kanya kundi kaunti.
۞ وَقَالَ ارْكَبُوْا فِيْهَا بِسْمِ اللّٰهِ مَجْرٰ۪ىهَا وَمُرْسٰىهَا ۗاِنَّ رَبِّيْ لَغَفُوْرٌ رَّحِيْمٌ٤١
Wa qālarkabū fīhā bismillāhi majrêhā wa mursāhā, inna rabbī lagafūrur raḥīm(un).
[41]
Nagsabi siya: “Sumakay kayo rito; sa ngalan ni Allāh ang paglalayag nito at ang pagdaong nito. Tunay na ang Panginoon ko ay talagang Mapagpatawad, Maawain.”
وَهِيَ تَجْرِيْ بِهِمْ فِيْ مَوْجٍ كَالْجِبَالِۗ وَنَادٰى نُوْحُ ِۨابْنَهٗ وَكَانَ فِيْ مَعْزِلٍ يّٰبُنَيَّ ارْكَبْ مَّعَنَا وَلَا تَكُنْ مَّعَ الْكٰفِرِيْنَ٤٢
Wa hiya tajrī bihim fī maujin kal-jibāl(i), wa nādā nūḥunibnahū wa kāna fī ma‘ziliy yā bunayyarkam ma‘anā wa lā takum ma‘al-kāfirīn(a).
[42]
Ito ay naglayag lulan sila sa mga alon na gaya ng mga bundok. Nanawagan si Noe sa anak niya habang ito ay nasa pinaglayuan [nito]: “O anak ko, sumakay ka kasama sa amin at huwag kang maging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya.”
قَالَ سَاٰوِيْٓ اِلٰى جَبَلٍ يَّعْصِمُنِيْ مِنَ الْمَاۤءِ ۗقَالَ لَا عَاصِمَ الْيَوْمَ مِنْ اَمْرِ اللّٰهِ اِلَّا مَنْ رَّحِمَ ۚوَحَالَ بَيْنَهُمَا الْمَوْجُ فَكَانَ مِنَ الْمُغْرَقِيْنَ٤٣
Qāla sa'āwī ilā jabaliy ya‘ṣimunī minal-mā'(i), qāla lā ‘āṣimal-yauma min amrillāhi illā ma raḥim(a), wa ḥāla bainahumal-mauju fa kāna minal-mugraqīn(a).
[43]
Nagsabi ito: “Kakanlong ako sa isang bundok na magsasanggalang sa akin laban sa tubig.” Nagsabi siya: “Walang tagapagsanggalang sa araw na ito laban sa pasya ni Allāh maliban sa kinaawaan Niya.” Humarang sa pagitan nilang dalawa ang mga alon, kaya ito ay naging kabilang sa mga nalunod.
وَقِيْلَ يٰٓاَرْضُ ابْلَعِيْ مَاۤءَكِ وَيٰسَمَاۤءُ اَقْلِعِيْ وَغِيْضَ الْمَاۤءُ وَقُضِيَ الْاَمْرُ وَاسْتَوَتْ عَلَى الْجُوْدِيِّ وَقِيْلَ بُعْدًا لِّلْقَوْمِ الظّٰلِمِيْنَ٤٤
Wa qīla yā arḍubla‘ī mā'aki wa yā samā'u aqli‘ī wa gīḍal-mā'u wa quḍiyal-amru wastawat ‘alal-jūdiyyi wa qīla bu‘dal lil-qaumiẓ-ẓālimīn(a).
[44]
Sinabi: “O lupa, lulunin mo ang tubig mo; o langit, pigilin mo [ang ulan].” Pinahupa ang tubig, natapos ang pasya, at lumuklok ito sa ibabaw ng [bundok ng] Jūdīy. Sinabi: “Kalayuan [sa awa] ay ukol sa mga taong tagalabag sa katarungan.”
وَنَادٰى نُوْحٌ رَّبَّهٗ فَقَالَ رَبِّ اِنَّ ابْنِيْ مِنْ اَهْلِيْۚ وَاِنَّ وَعْدَكَ الْحَقُّ وَاَنْتَ اَحْكَمُ الْحٰكِمِيْنَ٤٥
Wa nādā nūḥur rabbahū fa qāla rabbi innabnī min ahlī, wa inna wa‘dakal-ḥaqqu wa anta aḥkamul-ḥākimīn(a).
[45]
Nanawagan si Noe sa Panginoon niya saka nagsabi: “O Panginoon ko, tunay na ang anak ko ay kabilang sa mag-anak ko. Tunay na ang pangako Mo ay ang totoo. Ikaw ay ang pinakatagahatol sa mga tagahatol.”
قَالَ يٰنُوْحُ اِنَّهٗ لَيْسَ مِنْ اَهْلِكَ ۚاِنَّهٗ عَمَلٌ غَيْرُ صَالِحٍ فَلَا تَسْـَٔلْنِ مَا لَيْسَ لَكَ بِهٖ عِلْمٌ ۗاِنِّيْٓ اَعِظُكَ اَنْ تَكُوْنَ مِنَ الْجٰهِلِيْنَ٤٦
Qāla yā nūḥu innahū laisa min ahlik(a), innahū ‘amalun gairu ṣāliḥ(in), falā tas'alnī mā laisa laka bihī ‘ilm(un), innī a‘iẓuka an takūna minal-jāhilīn(a).
[46]
Nagsabi Siya: “O Noe, tunay na siya ay hindi kabilang sa mag-anak mo. Tunay na [ang paghiling na] ito236 ay gawang hindi maayos. Kaya huwag kang humiling sa Akin ng wala kang kaalaman hinggil doon. Tunay na Ako ay nangangaral sa iyo na baka ikaw ay maging kabilang sa mga mangmang.”
[236] O Tunay na siya
قَالَ رَبِّ اِنِّيْٓ اَعُوْذُ بِكَ اَنْ اَسْـَٔلَكَ مَا لَيْسَ لِيْ بِهٖ عِلْمٌ ۗوَاِلَّا تَغْفِرْ لِيْ وَتَرْحَمْنِيْٓ اَكُنْ مِّنَ الْخٰسِرِيْنَ٤٧
Qāla rabbi innī a‘ūżu bika an as'alaka mā laisa lī bihī ‘ilm(un), wa illā tagfir lī wa tarḥamnī akum minal-khāsirīn(a).
[47]
Nagsabi siya: “O Panginoon ko, tunay ako ay nagpapakupkop sa Iyo na humiling ako sa Iyo ng wala akong kaalaman hinggil doon. Kung hindi Ka magpapatawad sa akin at maaawa sa akin, ako ay magiging kabilang sa mga lugi.”
قِيْلَ يٰنُوْحُ اهْبِطْ بِسَلٰمٍ مِّنَّا وَبَرَكٰتٍ عَلَيْكَ وَعَلٰٓى اُمَمٍ مِّمَّنْ مَّعَكَ ۗوَاُمَمٌ سَنُمَتِّعُهُمْ ثُمَّ يَمَسُّهُمْ مِّنَّا عَذَابٌ اَلِيْمٌ٤٨
Qīla yā nūḥuhbiṭ bisalāmim minnā wa barakātin ‘alaika wa ‘alā umamim mimmam ma‘ak(a), wa umamun sanumatti‘uhum ṡumma yamassuhum minnā ‘ażābun alīm(un).
[48]
Sinabi: “O Noe, manaog ka nang may kapayapaan mula sa Amin at mga pagpapala sa iyo at sa mga kalipunan kabilang sa sinumang kasama sa iyo. May mga kalipunang pagtatamasain Namin, pagkatapos may sasaling sa kanila mula sa Amin na isang pagdurusang masakit.”
تِلْكَ مِنْ اَنْۢبَاۤءِ الْغَيْبِ نُوْحِيْهَآ اِلَيْكَ ۚمَا كُنْتَ تَعْلَمُهَآ اَنْتَ وَلَا قَوْمُكَ مِنْ قَبْلِ هٰذَاۚ فَاصْبِرْۚ اِنَّ الْعَاقِبَةَ لِلْمُتَّقِيْنَ ࣖ٤٩
Tilka min ambā'il-gaibi nūḥīhā ilaik(a), mā kunta ta‘lamuhā anta wa lā qaumuka min qabli hāżā, faṣbir, innal-‘āqibata lil-muttaqīn(a).
[49]
Iyon ay kabilang sa mga balita ng nakalingid, na ikinakasi Namin sa iyo. Hindi ka dati nakaaalam nito, ikaw ni ang mga tao mo bago pa nito. Kaya magtiis ka; tunay na ang [magandang] kahihinatnan ay ukol sa mga tagapangilag magkasala.
وَاِلٰى عَادٍ اَخَاهُمْ هُوْدًا ۗقَالَ يٰقَوْمِ اعْبُدُوا اللّٰهَ مَا لَكُمْ مِّنْ اِلٰهٍ غَيْرُهٗ ۗاِنْ اَنْتُمْ اِلَّا مُفْتَرُوْنَ٥٠
Wa ilā ‘ādin akhāhum hūdā(n), qāla yā qaumi‘budullāha mā lakum min ilāhin gairuh(ū), in antum illā muftarūn(a).
[50]
[Nagsugo sa liping] `Ād ng kapatid nilang si Hūd. Nagsabi siya: “O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. Walang iba kayo kundi mga gumagawa-gawa [ng kasinungalingan.]”
يٰقَوْمِ لَآ اَسْـَٔلُكُمْ عَلَيْهِ اَجْرًا ۗاِنْ اَجْرِيَ اِلَّا عَلَى الَّذِيْ فَطَرَنِيْ ۗ اَفَلَا تَعْقِلُوْنَ٥١
Yā qaumi lā as'alukum ‘alaihi ajrā(n), in ajriya illā ‘alal-lażī faṭaranī, afalā ta‘qilūn(a).
[51]
O mga kalipi ko, hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng isang pabuya; walang pabuya sa akin kundi nasa lumalang sa akin. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa?
وَيٰقَوْمِ اسْتَغْفِرُوْا رَبَّكُمْ ثُمَّ تُوْبُوْٓا اِلَيْهِ يُرْسِلِ السَّمَاۤءَ عَلَيْكُمْ مِّدْرَارًا وَّيَزِدْكُمْ قُوَّةً اِلٰى قُوَّتِكُمْ وَلَا تَتَوَلَّوْا مُجْرِمِيْنَ٥٢
Wa yā qaumistagfirū rabbakum ṡumma tūbū ilaihi yursilis-samā'a ‘alaikum midrāraw wa yazidkum quwwatan ilā quwwatikum wa lā tatawallau mujrimīn(a).
[52]
O mga kalipi ko, humingi kayo ng tawad sa Panginoon ninyo, pagkatapos magbalik-loob kayo sa Kanya, magsusugo Siya sa langit sa ibabaw ninyo ng masaganang [ulan] at magdaragdag Siya sa inyo ng lakas sa [dating] lakas ninyo. Huwag kayong tumalikod bilang mga salarin.
قَالُوْا يٰهُوْدُ مَاجِئْتَنَا بِبَيِّنَةٍ وَّمَا نَحْنُ بِتَارِكِيْٓ اٰلِهَتِنَا عَنْ قَوْلِكَ وَمَا نَحْنُ لَكَ بِمُؤْمِنِيْنَ٥٣
Qālū yā hūdu mā ji'tanā bibayyinatiw wa mā naḥnu bitārikī ālihatinā ‘an qaulika wa mā naḥnu laka bimu'minīn(a).
[53]
Nagsabi sila: “O Hūd, hindi ka nagdala sa amin ng isang malinaw na patunay [sampalatayanan ka]. Kami ay hindi mga mag-iiwan ng mga diyos namin dahil sa sabi mo at kami sa iyo ay hindi mga maniniwala.
اِنْ نَّقُوْلُ اِلَّا اعْتَرٰىكَ بَعْضُ اٰلِهَتِنَا بِسُوْۤءٍ ۗقَالَ اِنِّيْٓ اُشْهِدُ اللّٰهَ وَاشْهَدُوْٓا اَنِّيْ بَرِيْۤءٌ مِّمَّا تُشْرِكُوْنَ٥٤
In naqūlu illa‘tarāka ba‘ḍu ālihatinā bisū'(in), qāla innī usyhidullāha wasyhadū annī barī'um mimmā tusyrikūn(a).
[54]
Wala kaming sinasabi kundi nagpasapit sa iyo ang ilan sa mga diyos namin ng isang kasagwaan.” Nagsabi siya: “Tunay na ako ay nagpapasaksi kay Allāh, at saksihan ninyo, na ako ay walang-kaugnayan sa anumang itinatambal ninyo
مِنْ دُوْنِهٖ فَكِيْدُوْنِيْ جَمِيْعًا ثُمَّ لَا تُنْظِرُوْنِ٥٥
Min dūnihī fa kīdūnī jamī‘an ṡumma lā tunẓirūn(i).
[55]
bukod pa sa Kanya. Kaya manlansi kayo sa akin nang lahatan, pagkatapos huwag kayong magpalugit sa akin.
اِنِّيْ تَوَكَّلْتُ عَلَى اللّٰهِ رَبِّيْ وَرَبِّكُمْ ۗمَا مِنْ دَاۤبَّةٍ اِلَّا هُوَ اٰخِذٌۢ بِنَاصِيَتِهَا ۗاِنَّ رَبِّيْ عَلٰى صِرَاطٍ مُّسْتَقِيْمٍ٥٦
Innī tawakkaltu ‘alallāhi rabbī wa rabbikum, mā min dābbatin illā huwa ākhiżum bināṣiyatihā, inna rabbī ‘alā ṣirāṭim mustaqīm(in).
[56]
Tunay na ako ay nanalig kay Allāh, ang Panginoon ko at ang Panginoon ninyo. Walang anumang gumagalaw na nilalang malibang Siya ay humahawak sa unahan ng noo nito. Tunay na ang Panginoon ko ay nasa isang landasing tuwid [ng katarungan].”
فَاِنْ تَوَلَّوْا فَقَدْ اَبْلَغْتُكُمْ مَّآ اُرْسِلْتُ بِهٖٓ اِلَيْكُمْ ۗوَيَسْتَخْلِفُ رَبِّيْ قَوْمًا غَيْرَكُمْۗ وَلَا تَضُرُّوْنَهٗ شَيْـًٔا ۗاِنَّ رَبِّيْ عَلٰى كُلِّ شَيْءٍ حَفِيْظٌ٥٧
Fa in tawallau faqad ablagtukum mā ursiltu bihī ilaikum, wa yastakhlifu rabbī qauman gairakum, wa lā taḍurrūnahū syai'ā(n), inna rabbī ‘alā kulli syai'in ḥafīẓ(un).
[57]
Ngunit kung tatalikod kayo ay [sabihin mo:] “Nagpaabot na ako sa inyo ng ipinasugo sa akin sa inyo. Magtatalaga bilang kahalili ang Panginoon ko sa mga taong iba pa sa inyo. Hindi kayo makapipinsala sa Kanya ng anuman. Tunay na ang Panginoon sa bawat bagay ay Mapag-ingat.”
وَلَمَّا جَاۤءَ اَمْرُنَا نَجَّيْنَا هُوْدًا وَّالَّذِيْنَ اٰمَنُوْا مَعَهٗ بِرَحْمَةٍ مِّنَّاۚ وَنَجَّيْنٰهُمْ مِّنْ عَذَابٍ غَلِيْظٍ٥٨
Wa lammā jā'a amrunā najjainā hūdaw wal-lażīna āmanū ma‘ahū biraḥmatim minnā, wa najjaināhum min ‘ażābin galīẓ(in).
[58]
Noong dumating ang utos Namin ay nagligtas Kami kay Hūd at sa mga sumampalataya kasama sa kanya sa pamamagitan ng isang awa mula sa Amin at nagligtas Kami sa kanila mula sa isang pagdurusang mabagsik.
وَتِلْكَ عَادٌ ۖجَحَدُوْا بِاٰيٰتِ رَبِّهِمْ وَعَصَوْا رُسُلَهٗ وَاتَّبَعُوْٓا اَمْرَ كُلِّ جَبَّارٍ عَنِيْدٍ٥٩
Wa tilka ‘ādun jaḥadū bi'āyāti rabbihim wa ‘aṣau rusulahū wattaba‘ū amra kulli jabbārin ‘anīd(in).
[59]
Iyon ay [liping] `Ād na nagkaila sa mga tanda ng Panginoon nila, sumuway sa mga sugo nila, at sumunod sa utos ng bawat palasupil na mapagmatigas [sa katotohanan].
وَاُتْبِعُوْا فِيْ هٰذِهِ الدُّنْيَا لَعْنَةً وَّيَوْمَ الْقِيٰمَةِ ۗ اَلَآ اِنَّ عَادًا كَفَرُوْا رَبَّهُمْ ۗ اَلَا بُعْدًا لِّعَادٍ قَوْمِ هُوْدٍ ࣖ٦٠
Wa utbi‘ū fī hażihid-dun-yā la‘nataw wa yaumal-qiyāmah(ti), alā inna ‘ādan kafarū rabbahum, alā bu‘dal li‘ādin qaumi hūd(in).
[60]
Pinasundan sila sa Mundong ito ng isang sumpa at sa Araw ng Pagbangon. Pansinin, tunay na ang [liping] `Ād ay tumangging sumampalataya sa Panginoon nila. Pansinin, kalayuan [sa awa] ay ukol sa [liping] `Ād, na mga kalipi ni Hūd.
۞ وَاِلٰى ثَمُوْدَ اَخَاهُمْ صٰلِحًا ۘ قَالَ يٰقَوْمِ اعْبُدُوا اللّٰهَ مَا لَكُمْ مِّنْ اِلٰهٍ غَيْرُهٗ ۗهُوَ اَنْشَاَكُمْ مِّنَ الْاَرْضِ وَاسْتَعْمَرَكُمْ فِيْهَا فَاسْتَغْفِرُوْهُ ثُمَّ تُوْبُوْٓا اِلَيْهِ ۗاِنَّ رَبِّيْ قَرِيْبٌ مُّجِيْبٌ٦١
Wa ilā ṡamūda akhāhum ṣālihā(n), qāla yā qaumi‘budullāḥa mā lakum min ilāhin gairuh(ū), huwa ansya'akum minal-arḍi wasta‘marakum fīhā fastagfirūhu ṡumma tūbū ilaih(i), inna rabbī qarībum mujīb(un).
[61]
[Nagsugo sa liping] Thamūd ng kapatid nilang si Ṣāliḥ. Nagsabi siya: “O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. Siya ay nagpaluwal sa inyo mula sa lupa at nagpanirahan sa inyo rito, kaya humingi kayo ng tawad sa Kanya, pagkatapos magbalik-loob kayo sa Kanya. Tunay na ang Panginoon ko ay Malapit,237 Tagasagot [ng panalangin].”
[237] O sa kaalaman, pagkakita, pagdinig, pagtugon.
قَالُوْا يٰصٰلِحُ قَدْ كُنْتَ فِيْنَا مَرْجُوًّا قَبْلَ هٰذَآ اَتَنْهٰىنَآ اَنْ نَّعْبُدَ مَا يَعْبُدُ اٰبَاۤؤُنَا وَاِنَّنَا لَفِيْ شَكٍّ مِّمَّا تَدْعُوْنَآ اِلَيْهِ مُرِيْبٍ٦٢
Qālū yā ṣāliḥu qad kunta fīnā marjuwwan qabla hāżā atanhānā an na‘buda mā ya‘budu ābā'unā wa innanā lafī syakkim mimmā tad‘ūnā ilaihi murīb(in).
[62]
Nagsabi sila: “O Ṣāliḥ, ikaw nga dati sa atin ay inaasam bago nito. Sumasaway ka ba sa amin na sumamba kami sa sinasamba ng mga ninuno namin? Tunay na kami ay talagang nasa isang pagdududang tagapagpaalinlangan hinggil sa inaanyaya mo sa amin.”
قَالَ يٰقَوْمِ اَرَءَيْتُمْ اِنْ كُنْتُ عَلٰى بَيِّنَةٍ مِّنْ رَّبِّيْۗ وَاٰتٰىنِيْ مِنْهُ رَحْمَةً فَمَنْ يَّنْصُرُنِيْ مِنَ اللّٰهِ اِنْ عَصَيْتُهٗ ۗفَمَا تَزِيْدُوْنَنِيْ غَيْرَ تَخْسِيْرٍ٦٣
Qāla yā qaumi ara'aitum in kuntu ‘alā bayyinatim mir rabbī, wa ātānī minhu raḥmatan famay yanṣurunī minallāhi in ‘aṣaituh(ū), famā tazīdūnanī gaira takhsīr(in).
[63]
Nagsabi siya: “O mga kalipi ko, nagsaalang-alang ba kayo kung ako ay nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ko at nagbigay Siya sa akin mula sa Kanya ng isang awa? Kaya sino ang mag-aadya sa akin laban kay Allāh kung sumuway ako sa Kanya? Kaya hindi kayo nakadaragdag sa akin ng iba pa sa isang pagpapalugi.
وَيٰقَوْمِ هٰذِهٖ نَاقَةُ اللّٰهِ لَكُمْ اٰيَةً فَذَرُوْهَا تَأْكُلْ فِيْٓ اَرْضِ اللّٰهِ وَلَا تَمَسُّوْهَا بِسُوْۤءٍ فَيَأْخُذَكُمْ عَذَابٌ قَرِيْبٌ٦٤
Wa yā qaumi hāżihī nāqatullāhi lakum āyatan fa żarūhā ta'kul fī arḍillāhi wa lā tamassūhā bisū'in fa ya'khużakum ‘ażābun qarīb(un).
[64]
O mga kalipi ko, ito ay dumalagang kamelyo ni Allāh; para sa inyo ay isang tanda. Kaya hayaan ninyo ito na kumain sa lupain ni Allāh at huwag ninyong salingin ito ng isang kasagwaan dahil dadaklutin kayo ng isang pagdurusang malapit.
فَعَقَرُوْهَا فَقَالَ تَمَتَّعُوْا فِيْ دَارِكُمْ ثَلٰثَةَ اَيَّامٍ ۗذٰلِكَ وَعْدٌ غَيْرُ مَكْذُوْبٍ٦٥
Fa ‘aqarūhā fa qāla tamatta‘ū fī dārikum ṡalāṡata ayyām(in), żālika wa‘dun gairu makżūb(in).
[65]
Ngunit kinatay nila ito, kaya nagsabi siya: “Magpakatamasa kayo sa tahanan ninyo nang tatlong araw. Iyon ay isang pangakong hindi mapasisinungalingan.”
فَلَمَّا جَاۤءَ اَمْرُنَا نَجَّيْنَا صٰلِحًا وَّالَّذِيْنَ اٰمَنُوْا مَعَهٗ بِرَحْمَةٍ مِّنَّا وَمِنْ خِزْيِ يَوْمِىِٕذٍ ۗاِنَّ رَبَّكَ هُوَ الْقَوِيُّ الْعَزِيْزُ٦٦
Falammā jā'a amrunā najjainā ṣāliḥaw wal-lażīna āmanū ma‘ahū biraḥmatim minnā wa min khizyi yaumi'iż(in), inna rabbaka huwal-qawiyyul-‘ażīz(u).
[66]
Kaya noong dumating ang utos Namin ay nagligtas Kami kay Ṣāliḥ at sa mga sumampalataya kasama sa kanya sa pamamagitan ng isang awa mula sa Amin at [nagligtas Kami] mula sa kahihiyan sa araw na iyon. Tunay na ang Panginoon mo ay ang Malakas, ang Makapangyarihan.
وَاَخَذَ الَّذِيْنَ ظَلَمُوا الصَّيْحَةُ فَاَصْبَحُوْا فِيْ دِيَارِهِمْ جٰثِمِيْنَۙ٦٧
Wa akhażal-lażīna ẓalamuṣ-ṣaiḥatu fa aṣbaḥū fī dārihim jāṡimīn(a).
[67]
Dumaklot sa mga lumabag sa katarungan ang hiyaw saka sila, sa mga tahanan nila, ay naging mga [patay na] nakasubsob.
كَاَنْ لَّمْ يَغْنَوْا فِيْهَا ۗ اَلَآ اِنَّ ثَمُوْدَا۟ كَفَرُوْا رَبَّهُمْ ۗ اَلَا بُعْدًا لِّثَمُوْدَ ࣖ٦٨
Ka allam yagnau fīhā, alā inna ṡamūda kafarū rabbahum, alā bu‘dal liṡamūd(a).
[68]
Para bang hindi sila namuhay roon. Pansinin, tunay na ang [liping] Thamūd ay tumangging sumampalataya sa Panginoon nila. Pansinin, kalayuan [sa awa] ay ukol sa [liping] Thamūd.
وَلَقَدْ جَاۤءَتْ رُسُلُنَآ اِبْرٰهِيْمَ بِالْبُشْرٰى قَالُوْا سَلٰمًا ۖقَالَ سَلٰمٌ فَمَا لَبِثَ اَنْ جَاۤءَ بِعِجْلٍ حَنِيْذٍ٦٩
Wa laqad jā'at rusulunā ibrāhīma bil-busyrā qālū salāmā(n), qāla salāmun famā labiṡa an jā'a bi‘ijlin ḥanīż(in).
[69]
Talaga ngang naghatid ang mga [anghel na] sugo Namin kay Abraham ng balitang nakagagalak. Nagsabi sila: “Kapayapaan!” Nagsabi siya: “Kapayapaan.” Kaya hindi naglaon na naghatid siya ng isang guyang inihaw.
فَلَمَّا رَآٰ اَيْدِيَهُمْ لَا تَصِلُ اِلَيْهِ نَكِرَهُمْ وَاَوْجَسَ مِنْهُمْ خِيْفَةً ۗقَالُوْا لَا تَخَفْ اِنَّآ اُرْسِلْنَآ اِلٰى قَوْمِ لُوْطٍۗ٧٠
Falammā ra'ā aidiyahum lā taṣilu ilaihi nakirahum wa aujasa minhum khīfah(tan), qālū lā takhaf innā ursilnā ilā qaumi lūṭ(in).
[70]
Ngunit noong nakita niya ang mga kamay nila na hindi umaabot doon [sa inihaw], naghinala siya sa kanila at nakadama siya mula sa kanila ng isang pangangamba. Nagsabi sila: “Huwag kang mangamba; tunay na kami ay isinugo sa mga tao ni Lot.”
وَامْرَاَتُهٗ قَاۤىِٕمَةٌ فَضَحِكَتْ فَبَشَّرْنٰهَا بِاِسْحٰقَۙ وَمِنْ وَّرَاۤءِ اِسْحٰقَ يَعْقُوْبَ٧١
Wamra'atuhū qā'imatun fa ḍaḥikat fa basysyarnāhā bi'isḥāq(a), wa miw warā'i isḥāqa ya‘qūb(a).
[71]
Ang maybahay niya ay nakatayo, saka natawa ito, kaya nagbalita Kami ng nakagagalak dito hinggil kay Isaac, at matapos kay Isaac ay kay Jacob [na apo].
قَالَتْ يٰوَيْلَتٰىٓ ءَاَلِدُ وَاَنَا۠ عَجُوْزٌ وَّهٰذَا بَعْلِيْ شَيْخًا ۗاِنَّ هٰذَا لَشَيْءٌ عَجِيْبٌ٧٢
Qālat yā wailatā a'alidu wa ana ‘ajūzuw wa hāżā ba‘lī syaikhā(n), inna hāżā lasyai'un ‘ajīb(un).
[72]
Nagsabi ito: “O pambihira! Manganganak ba ako samantalang ako ay isang babaing matanda at ito ay asawa ko, isang matandang lalaki na? Tunay na ito ay talagang isang bagay kataka-taka!”
قَالُوْٓا اَتَعْجَبِيْنَ مِنْ اَمْرِ اللّٰهِ رَحْمَتُ اللّٰهِ وَبَرَكٰتُهٗ عَلَيْكُمْ اَهْلَ الْبَيْتِۗ اِنَّهٗ حَمِيْدٌ مَّجِيْدٌ٧٣
Qālū ata‘jabīna min amrillāhi raḥmatullāhi wa barakātuh(ū), ‘alaikum ahlal-bait(i), innahū ḥamīdum majīd(un).
[73]
Nagsabi sila:238 “Nagtataka ka ba sa pasya ni Allāh? Ang awa ni Allāh at ang mga pagpapala Niya ay sumainyo, O mga tao ng bahay. Tunay na Siya ay Kapuri-puri, Maringal.”
[238] Ibig sabihin: ang mga anghel.
فَلَمَّا ذَهَبَ عَنْ اِبْرٰهِيْمَ الرَّوْعُ وَجَاۤءَتْهُ الْبُشْرٰى يُجَادِلُنَا فِيْ قَوْمِ لُوْطٍ٧٤
Falammā żahaba ‘an ibrāhīmar rau‘u wa jā'athul busyrā yujādilunā fī qaumi lūṭ(in).
[74]
Kaya noong umalis kay Abraham ang hilakbot at dumating sa kanya ang balitang nakagagalak, nakipagtalo siya sa [mga anghel] Namin alang-alang sa mga kababayan ni Lot.
اِنَّ اِبْرٰهِيْمَ لَحَلِيْمٌ اَوَّاهٌ مُّنِيْبٌ٧٥
Inna ibrāhīma laḥalīmun awwāhum munīb(un).
[75]
Tunay na si Abraham ay talagang matimpiin, palataghoy, nagsisising tagapanumbalik.
يٰٓاِبْرٰهِيْمُ اَعْرِضْ عَنْ هٰذَا ۚاِنَّهٗ قَدْ جَاۤءَ اَمْرُ رَبِّكَۚ وَاِنَّهُمْ اٰتِيْهِمْ عَذَابٌ غَيْرُ مَرْدُوْدٍ٧٦
Yā ibrāhīmu a‘riḍ ‘an hāżā, innahū qad jā'a amru rabbik(a), wa innahum ātīhim ‘ażābun gairu mardūd(in).
[76]
[Sinabi:] “O Abraham, umayaw ka rito! Tunay na dumating na ang utos ng Panginoon mo. Tunay na sila ay pupuntahan ng isang pagdurusang hindi mapipigilan.”
وَلَمَّا جَاۤءَتْ رُسُلُنَا لُوْطًا سِيْۤءَ بِهِمْ وَضَاقَ بِهِمْ ذَرْعًا وَّقَالَ هٰذَا يَوْمٌ عَصِيْبٌ٧٧
Wa lammā jā'at rusulunā lūṭan sī'a bihim wa ḍāqa bihim żar‘aw wa qāla hāżā yaumun ‘aṣīb(un).
[77]
Noong dumating ang mga [anghel na] sugo Namin kay Lot, [na nasa ayon ng mga binata,] sumama ang loob niya sa kanila, pinanikipan siya sa kanila ng dibdib, at nagsabi: “Ito ay isang araw na nakaririndi.”
وَجَاۤءَهٗ قَوْمُهٗ يُهْرَعُوْنَ اِلَيْهِۗ وَمِنْ قَبْلُ كَانُوْا يَعْمَلُوْنَ السَّيِّاٰتِۗ قَالَ يٰقَوْمِ هٰٓؤُلَاۤءِ بَنَاتِيْ هُنَّ اَطْهَرُ لَكُمْ فَاتَّقُوا اللّٰهَ وَلَا تُخْزُوْنِ فِيْ ضَيْفِيْۗ اَلَيْسَ مِنْكُمْ رَجُلٌ رَّشِيْدٌ٧٨
Wa jā'ahū qaumuhū yuhra‘ūna ilaih(i), wa min qablu kānū ya‘malūnas-sayyi'āt(i), qāla yā qaumi hā'ulā'i banātī hunna aṭharu lakum fattaqullāha wa lā tukhzūni fī ḍaifī, alaisa minkum rajulur rasyīd(un).
[78]
Dumating sa kanya ang mga kababayan niya, na nag-aapura patungo sa kanya, at bago pa niyan sila dati ay gumagawa ng mga masagwa. Nagsabi siya: “O mga kababayan ko, ang mga ito ay mga babaing anak ko [para mapangasawa ninyo]; sila ay higit na dalisay para sa inyo. Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at huwag kayong magpahiya sa akin sa mga panauhin ko. Wala bang kabilang sa inyo na isang lalaking matino?”
قَالُوْا لَقَدْ عَلِمْتَ مَا لَنَا فِيْ بَنٰتِكَ مِنْ حَقٍّۚ وَاِنَّكَ لَتَعْلَمُ مَا نُرِيْدُ٧٩
Qālū laqad ‘alimta mā lanā fī banātika min ḥaqq(in), wa innaka lata‘lamu mā nurīd(u).
[79]
Nagsabi sila: “Talaga ngang nalaman mo na wala kaming anumang pangangailangan sa mga babaing anak mo, at tunay na ikaw ay talagang nakaaalam sa ninanais namin.”
قَالَ لَوْ اَنَّ لِيْ بِكُمْ قُوَّةً اَوْ اٰوِيْٓ اِلٰى رُكْنٍ شَدِيْدٍ٨٠
Qāla lau anna lī bikum quwwatan au āwī ilā ruknin syadīd(in).
[80]
Nagsabi siya: “Kung sana mayroon akong lakas laban sa inyo o makapagpapakanlong ako sa isang masasandalang matindi.”
قَالُوْا يٰلُوْطُ اِنَّا رُسُلُ رَبِّكَ لَنْ يَّصِلُوْٓا اِلَيْكَ فَاَسْرِ بِاَهْلِكَ بِقِطْعٍ مِّنَ الَّيْلِ وَلَا يَلْتَفِتْ مِنْكُمْ اَحَدٌ اِلَّا امْرَاَتَكَۗ اِنَّهٗ مُصِيْبُهَا مَآ اَصَابَهُمْ ۗاِنَّ مَوْعِدَهُمُ الصُّبْحُ ۗ اَلَيْسَ الصُّبْحُ بِقَرِيْبٍ٨١
Qālū yā lūṭu innā rusulu rabbika lay yaṣilū ilaika fa asri bi'ahlika biqiṭ‘im minal-laili wa lā yaltafit minkum aḥadun illamra'atak(a), innahū muṣībuhā mā aṣābahum, inna mau‘idahumuṣ-ṣubḥ(u), alaisaṣ-ṣubḥu biqarīb(in).
[81]
Nagsabi sila: “O Lot, tunay na kami ay mga sugo ng Panginoon mo. Hindi sila aabot sa iyo, kaya lumisan ka kasama ng mag-anak mo sa isang bahagi ng gabi at huwag lilingon kabilang sa inyo ang isa man, maliban ang maybahay mo; tunay na tatama sa kanya ang tatama sa kanila. Tunay na ang tipanan nila [sa kapahamakan] ay sa umaga. Hindi ba ang umaga ay malapit na?”
فَلَمَّا جَاۤءَ اَمْرُنَا جَعَلْنَا عَالِيَهَا سَافِلَهَا وَاَمْطَرْنَا عَلَيْهَا حِجَارَةً مِّنْ سِجِّيْلٍ مَّنْضُوْدٍ٨٢
Falammā jā'a amrunā ja‘alnā ‘āliyahā sāfilahā wa amṭarnā ‘alaihā ḥijāratam min sijjīlim manḍūd(in).
[82]
Kaya noong dumating ang utos Namin, naglagay Kami sa mataas niyon ng mababa niyon at nagpaulan Kami roon ng mga batong yari sa natuyong luwad na nagkapatung-patong,
مُسَوَّمَةً عِنْدَ رَبِّكَۗ وَمَا هِيَ مِنَ الظّٰلِمِيْنَ بِبَعِيْدٍ ࣖ٨٣
Musawwamatan ‘inda rabbik(a) wa mā hiya minaẓ-ẓālimīna biba‘īd(in).
[83]
na tinatakan sa ganang Panginoon mo. Ang mga [batong] ito, mula sa mga tagalabag sa katarungan, ay hindi malayo.
۞ وَاِلٰى مَدْيَنَ اَخَاهُمْ شُعَيْبًا ۗقَالَ يٰقَوْمِ اعْبُدُوا اللّٰهَ مَا لَكُمْ مِّنْ اِلٰهٍ غَيْرُهٗ ۗوَلَا تَنْقُصُوا الْمِكْيَالَ وَالْمِيْزَانَ اِنِّيْٓ اَرٰىكُمْ بِخَيْرٍ وَّاِنِّيْٓ اَخَافُ عَلَيْكُمْ عَذَابَ يَوْمٍ مُّحِيْطٍ٨٤
Wa ilā madyana akhāhum syu‘aibā(n), qāla yā qaumi‘budullāha mā lakum min ilāhin gairuh(ū), wa lā tanquṣul-mikyāla wal-mīzāna innī arākum bikhairiw wa innī akhāfu ‘alaikum ‘ażāba yaumim muḥīṭ(in).
[84]
[Nagsugo sa] Madyan ng kapatid nilang si Shu`ayb. Nagsabi siya: “O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. Huwag kayong magkulang sa takalan at timbangan. Tunay na ako ay nakakikita sa inyo na nasa isang kariwasaan at tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa isang pagdurusa sa isang araw na tagapaligid.
وَيٰقَوْمِ اَوْفُوا الْمِكْيَالَ وَالْمِيْزَانَ بِالْقِسْطِ وَلَا تَبْخَسُوا النَّاسَ اَشْيَاۤءَهُمْ وَلَا تَعْثَوْا فِى الْاَرْضِ مُفْسِدِيْنَ٨٥
Wa yā qaumi auful-mikyāla wal-mīzāna bil-qisṭi wa lā tabkhasun-nāsa asy-yā'ahum wa lā ta‘ṡau fil-arḍi mufsidīn(a).
[85]
O mga kalipi ko, magpalubus-lubos kayo sa takalan at timbangan ayon sa pagkamakatarungan, huwag kayong magpakulang sa mga tao sa mga bagay-bagay nila, at huwag kayong manampalasan sa lupa bilang mga tagagulo.
بَقِيَّتُ اللّٰهِ خَيْرٌ لَّكُمْ اِنْ كُنْتُمْ مُّؤْمِنِيْنَ ەۚ وَمَآ اَنَا۠ عَلَيْكُمْ بِحَفِيْظٍ٨٦
Baqiyyatullāhi khairul lakum in kuntum mu'minīn(a), wa mā ana ‘alaikum biḥafīẓ(in).
[86]
Ang tira ni All̄āh239 ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay mga mananampalataya. Ako sa inyo ay hindi isang mapag-ingat.”
[239] na itinira Niya para sa inyo mula sa ipinahihintulot matapos ng pagtupad sa mga karapatan ng mga tao ayon sa katarungan.
قَالُوْا يٰشُعَيْبُ اَصَلٰوتُكَ تَأْمُرُكَ اَنْ نَّتْرُكَ مَا يَعْبُدُ اٰبَاۤؤُنَآ اَوْ اَنْ نَّفْعَلَ فِيْٓ اَمْوَالِنَا مَا نَشٰۤؤُا ۗاِنَّكَ لَاَنْتَ الْحَلِيْمُ الرَّشِيْدُ٨٧
Qālū yā syu‘aibu aṣalātuka ta'muruka an natruka mā ya‘budu ābā'unā au an naf‘ala fī amwālinā mā nasyā'(u), innaka la'antal-ḥalīmur-rasyīd(u).
[87]
Nagsabi sila: “O Shu`ayb, ang dasal mo ba ay nag-uutos sa iyo na mag-iwan kami sa sinasamba ng mga ninuno namin at [na tumigil kami] na gumawa sa mga yaman namin ng niloloob namin? Tunay na ikaw ay talagang ikaw ang matimpiin, ang matino.”
قَالَ يٰقَوْمِ اَرَءَيْتُمْ اِنْ كُنْتُ عَلٰى بَيِّنَةٍ مِّنْ رَّبِّيْ وَرَزَقَنِيْ مِنْهُ رِزْقًا حَسَنًا وَّمَآ اُرِيْدُ اَنْ اُخَالِفَكُمْ اِلٰى مَآ اَنْهٰىكُمْ عَنْهُ ۗاِنْ اُرِيْدُ اِلَّا الْاِصْلَاحَ مَا اسْتَطَعْتُۗ وَمَا تَوْفِيْقِيْٓ اِلَّا بِاللّٰهِ ۗعَلَيْهِ تَوَكَّلْتُ وَاِلَيْهِ اُنِيْبُ٨٨
Qāla yā qaumi ara'aitum in kuntu ‘alā bayyinatim mir rabbī wa razaqanī minhu rizqan ḥasanaw wa mā urīdu an ukhālifakum ila mā anhākum ‘anh(u), in urīdu illal-iṣlāḥa mastaṭa‘t(u), wa mā taufīqī illā billāh(i), ‘alaihi tawakkaltu wa ilaihi unīb(u).
[88]
Nagsabi siya: “O mga kalipi ko, nagsasaalang-alang ba kayo kung ako ay nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ko at nagtustos Siya sa akin mula sa Kanya ng isang panustos na maganda? Hindi ako nagnanais na sumalungat sa inyo sa sinasaway ko sa inyo. Hindi ako nagnanais kundi ng pagsasaayos sa abot ng nakaya ko. Walang iba ang pagtutuon sa akin kundi sa pamamagitan ni Allāh. Sa Kanya ako nanalig at tungo sa Kanya ako nagsisising nanunumbalik.
وَيٰقَوْمِ لَا يَجْرِمَنَّكُمْ شِقَاقِيْٓ اَنْ يُّصِيْبَكُمْ مِّثْلُ مَآ اَصَابَ قَوْمَ نُوْحٍ اَوْ قَوْمَ هُوْدٍ اَوْ قَوْمَ صٰلِحٍ ۗوَمَا قَوْمُ لُوْطٍ مِّنْكُمْ بِبَعِيْدٍ٨٩
Wa yā qaumi lā yajrimannakum syiqāqī ay yuṣībakum miṡlu mā aṣāba qauma nūḥin au qauma hūdin au qauma ṣāliḥ(in), wa mā qaumu lūṭim minkum biba‘īd(in).
[89]
O mga kalipi ko, huwag ngang mag-udyok sa inyo ang pakikipaghidwaan sa akin, na tumama sa inyo ang tulad sa tumama sa mga tao ni Noe o mga kalipi ni Hūd o mga kalipi ni Ṣāliḥ. Ang mga kababayan ni Lot mula sa inyo ay hindi malayo.
وَاسْتَغْفِرُوْا رَبَّكُمْ ثُمَّ تُوْبُوْٓا اِلَيْهِ ۗاِنَّ رَبِّيْ رَحِيْمٌ وَّدُوْدٌ٩٠
Wastagfirū rabbakum ṡumma tūbū ilaih(i), inna rabbī raḥīmuw wadūd(un).
[90]
Humingi kayo ng tawad sa Panginoon ninyo, pagkatapos magbalik-loob kayo sa Kanya. Tunay ang Panginoon ko ay Maawain, Mapagmahal.”
قَالُوْا يٰشُعَيْبُ مَا نَفْقَهُ كَثِيْرًا مِّمَّا تَقُوْلُ وَاِنَّا لَنَرٰىكَ فِيْنَا ضَعِيْفًا ۗوَلَوْلَا رَهْطُكَ لَرَجَمْنٰكَ ۖوَمَآ اَنْتَ عَلَيْنَا بِعَزِيْزٍ٩١
Qālū yā syu‘aibu mā nafqahu kaṡīram mimmā taqūlu wa innā lanarāka fīnā ḍa‘īfā(n), wa lau lā rahṭuka larajamnāk(a), wa anta ‘alainā bi‘azīz(in).
[91]
Nagsabi sila: “O Shu`ayb, hindi kami nakauunawa sa marami sa sinasabi mo. Tunay na kami ay talagang nagtuturing sa iyo sa gitna namin bilang mahina. Kung hindi dahil sa angkan mo, talaga sanang binato ka namin. Ikaw sa amin ay hindi isang kagalang-galang.”
قَالَ يٰقَوْمِ اَرَهْطِيْٓ اَعَزُّ عَلَيْكُمْ مِّنَ اللّٰهِ ۗوَاتَّخَذْتُمُوْهُ وَرَاۤءَكُمْ ظِهْرِيًّا ۗاِنَّ رَبِّيْ بِمَا تَعْمَلُوْنَ مُحِيْطٌ٩٢
Qāla yā qaumi arahṭī a‘azzu ‘alaikum minallāh(i), wattakhażtumūhu warā'akum ẓihriyyā(n), inna rabbī bimā ta‘malūna muḥīṭ(un).
[92]
Nagsabi siya: “O mga kalipi ko, ang angkan ko ba ay higit na kagalang-galang sa inyo kaysa kay Allāh at naglagay kayo sa Kanya sa likuran ninyo sa likod? Tunay na ang Panginoon ko sa anumang ginagawa ninyo ay Tagapaligid.
وَيٰقَوْمِ اعْمَلُوْا عَلٰى مَكَانَتِكُمْ اِنِّيْ عَامِلٌ ۗسَوْفَ تَعْلَمُوْنَۙ مَنْ يَّأْتِيْهِ عَذَابٌ يُّخْزِيْهِ وَمَنْ هُوَ كَاذِبٌۗ وَارْتَقِبُوْٓا اِنِّيْ مَعَكُمْ رَقِيْبٌ٩٣
Wa yā qaumi‘malū ‘alā makānatikum innī ‘āmil(un), saufa ta‘lamūn(a), may ya'tīhi ‘ażābuy yukhzīhi wa man huwa kāżib(un), wartaqibū innī ma‘akum raqīb(un).
[93]
O mga kalipi ko, gumawa kayo ayon sa kalagayan ninyo. Tunay na ako ay gumagawa. Makaaalam kayo sa kung sino ang pupuntahan ng isang pagdurusang magpapahiya sa kanya at kung sino ang siyang sinungaling. Magmasid-masid kayo; tunay na ako kasama sa inyo ay mapagmasid [sa itatadhana ni Allāh].”
وَلَمَّا جَاۤءَ اَمْرُنَا نَجَّيْنَا شُعَيْبًا وَّالَّذِيْنَ اٰمَنُوْا مَعَهٗ بِرَحْمَةٍ مِّنَّاۚ وَاَخَذَتِ الَّذِيْنَ ظَلَمُوا الصَّيْحَةُ فَاَصْبَحُوْا فِيْ دِيَارِهِمْ جٰثِمِيْنَۙ٩٤
Wa lammā jā'a amrunā najjainā syu‘aibaw wal-lażīna amanū ma‘ahū biraḥmatim minnā, wa akhażatil-lażīna ẓalamuṣ-ṣaiḥatu fa aṣbaḥū fī diyārihim jāṡimīn(a).
[94]
Noong dumating ang utos Namin ay nagligtas Kami kay Shu`ayb at sa mga sumampalataya kasama sa kanya sa pamamagitan ng isang awa mula sa Amin. Dumaklot sa mga lumabag sa katarungan ang hiyaw saka sila, sa mga tahanan nila, ay naging mga [patay na] nakasubsob.
كَاَنْ لَّمْ يَغْنَوْا فِيْهَا ۗ اَلَا بُعْدًا لِّمَدْيَنَ كَمَا بَعِدَتْ ثَمُوْدُ ࣖ٩٥
Ka allam yagnau fīhā, alā bu‘dal limadyana kamā ba‘idat ṡamūd(u).
[95]
Para bang hindi sila tumahan doon. Pansinin, kalayuan [sa awa] ay ukol sa Madyan kung paanong nalayo [sa awa] ang Thamūd. Para bang hindi sila namuhay roon. Pansinin,tunay na ang [liping] Thamūd ay tumangging sumampalataya sa Panginoon. Pansinin, kalayuan [sa awa] ay ukol sa [liping] Thamūd.
وَلَقَدْ اَرْسَلْنَا مُوْسٰى بِاٰيٰتِنَا وَسُلْطٰنٍ مُّبِيْنٍۙ٩٦
Wa laqad arsalnā mūsā bi'āyātinā wa sulṭānim mubīn(in).
[96]
Talaga ngang nagsugo Kami kay Moises kalakip ng mga tanda Namin at isang katunayang malinaw
اِلٰى فِرْعَوْنَ وَمَلَا۟ىِٕهٖ فَاتَّبَعُوْٓا اَمْرَ فِرْعَوْنَ ۚوَمَآ اَمْرُ فِرْعَوْنَ بِرَشِيْدٍ٩٧
Ilā fir‘auna wa mala'ihī fattaba‘ū amra fir‘aun(a), wa mā amru fir‘auna birasyīd(in).
[97]
kay Paraon at sa konseho nito, ngunit sumunod sila sa utos ni Paraon. Ang utos ni Paraon ay hindi matino.
يَقْدُمُ قَوْمَهٗ يَوْمَ الْقِيٰمَةِ فَاَوْرَدَهُمُ النَّارَ ۗوَبِئْسَ الْوِرْدُ الْمَوْرُوْدُ٩٨
Yaqdumu qaumahū yaumal-qiyāmati fa auradahumun-nār(a), wa bi'sal-wirdul-maurūd(u).
[98]
Mangunguna siya sa mga tao niya sa Araw ng Pagbangon saka maghahatid siya sa kanila sa Apoy. Kay saklap ang hatirang paghahatiran!
وَاُتْبِعُوْا فِيْ هٰذِهٖ لَعْنَةً وَّيَوْمَ الْقِيٰمَةِۗ بِئْسَ الرِّفْدُ الْمَرْفُوْدُ٩٩
Wa utbi‘ū fī hāżihī la‘nataw wa yaumal-qiyāmah(ti), bi'sar-rifdul-marfūd(u).
[99]
Pinasundan sila rito [sa Mundo] ng isang sumpa at sa Araw ng Pagbangon. Kay saklap ang handog na inihandog [sa kanila]!
ذٰلِكَ مِنْ اَنْۢبَاۤءِ الْقُرٰى نَقُصُّهٗ عَلَيْكَ مِنْهَا قَاۤىِٕمٌ وَّحَصِيْدٌ١٠٠
Żālika min ambā'il-qurā naquṣṣuhū ‘alaika minhā qā'imuw wa ḥaṣīd(un).
[100]
Iyon ay bahagi ng mga balita ng mga pamayanan na isinasalaysay Namin sa iyo. Mayroon sa mga itong nakatayo pa at ginapas240 na.
[240] Ibig sabihin: pinawi na kaya walang natirang bakas dito.
وَمَا ظَلَمْنٰهُمْ وَلٰكِنْ ظَلَمُوْٓا اَنْفُسَهُمْ فَمَآ اَغْنَتْ عَنْهُمْ اٰلِهَتُهُمُ الَّتِيْ يَدْعُوْنَ مِنْ دُوْنِ اللّٰهِ مِنْ شَيْءٍ لَّمَّا جَاۤءَ اَمْرُ رَبِّكَۗ وَمَا زَادُوْهُمْ غَيْرَ تَتْبِيْبٍ١٠١
Wa mā ẓalamnāhum wa lākin ẓalamū anfusahum famā agnat ‘anhum ālihatuhumul-latī yad‘ūna min dūnillāhi min syai'il lammā jā'a amru rabbik(a), wa mā zādūhum gaira tatbīb(in).
[101]
Hindi lumabag sa katarungan sa kanila subalit lumabag sila sa katarungan sa mga sarili nila241 saka walang naidulot sa kanila na anuman ang mga diyos na dinadalanginan nila bukod pa kay Allāh noong dumating ang pasya ng Panginoon mo. Walang naidagdag ang mga ito sa kanila na iba pa sa pagpapahamak.
[241] dahil sa paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan
وَكَذٰلِكَ اَخْذُ رَبِّكَ اِذَآ اَخَذَ الْقُرٰى وَهِيَ ظَالِمَةٌ ۗاِنَّ اَخْذَهٗٓ اَلِيْمٌ شَدِيْدٌ١٠٢
Wa każālika akhżu rabbika iżā akhażal-qurā wa hiya ẓālimah(tun), inna akhżahū alīmun syadīd(un).
[102]
Gayon ang pagdaklot ng Panginoon mo nang dumaklot Siya sa mga pamayanan samantalang ang mga ito ay lumalabag sa katarungan. Tunay na ang pagdaklot Niya ay masakit, matindi.
اِنَّ فِيْ ذٰلِكَ لَاٰيَةً لِّمَنْ خَافَ عَذَابَ الْاٰخِرَةِ ۗذٰلِكَ يَوْمٌ مَّجْمُوْعٌۙ لَّهُ النَّاسُ وَذٰلِكَ يَوْمٌ مَّشْهُوْدٌ١٠٣
Inna fī żālika la'āyatal liman khāfa ‘ażābal-ākhirah(ti), żālika yaumum majmū‘(un), lahun-nāsu wa żālika yaumum masyhūd(un).
[103]
Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa sinumang nangamba sa pagdurusa sa Kabilang-buhay. Iyon ay araw na titipunin para roon ang mga tao at iyon ay araw na sasaksihan [ng lahat].
وَمَا نُؤَخِّرُهٗٓ اِلَّا لِاَجَلٍ مَّعْدُوْدٍۗ١٠٤
Wa mā nu'akhkhiruhū illā li'ajalim ma‘dūd(in).
[104]
Hindi Kami nagpapahuli niyon maliban sa isang taning na mabibilang.
يَوْمَ يَأْتِ لَا تَكَلَّمُ نَفْسٌ اِلَّا بِاِذْنِهٖۚ فَمِنْهُمْ شَقِيٌّ وَّسَعِيْدٌ١٠٥
Yauma ya'ti lā takallamu nafsun illā bi'iżnih(ī), fa minhum syaqiyyuw wa sa‘īd(un).
[105]
Sa araw na darating iyon, walang nagsasalita na isang kaluluwa malibang ayon sa pahintulot Niya, saka mayroon sa kanilang malumbay at maligaya.
فَاَمَّا الَّذِيْنَ شَقُوْا فَفِى النَّارِ لَهُمْ فِيْهَا زَفِيْرٌ وَّشَهِيْقٌۙ١٠٦
Fa ammal-lażīna syaqū fa fin-nāri lahum fīhā zafīruw wa syahīq(un).
[106]
Hinggil sa mga malulumbay, sa Apoy [sila]. Ukol sa kanila roon ay singhal at singhot,
خٰلِدِيْنَ فِيْهَا مَا دَامَتِ السَّمٰوٰتُ وَالْاَرْضُ اِلَّا مَا شَاۤءَ رَبُّكَۗ اِنَّ رَبَّكَ فَعَّالٌ لِّمَا يُرِيْدُ١٠٧
Khālidīna fīhā mā dāmatis-samāwātu wal-arḍu illā mā syā'a rabbuk(a), inna rabbaka fa‘‘ālul limā yurīd(u).
[107]
bilang mga mananatili roon hanggat tumatagal ang mga langit at ang lupa maliban sa niloob ng Panginoon mo. Tunay na ang Panginoon mo ay palagawa ng anumang ninanais Niya.
۞ وَاَمَّا الَّذِيْنَ سُعِدُوْا فَفِى الْجَنَّةِ خٰلِدِيْنَ فِيْهَا مَا دَامَتِ السَّمٰوٰتُ وَالْاَرْضُ اِلَّا مَا شَاۤءَ رَبُّكَۗ عَطَاۤءً غَيْرَ مَجْذُوْذٍ١٠٨
Wa ammal-lażīna su‘idū fa fil-jannati khālidīna fīhā mā dāmatis-samāwātu wal-arḍu illā mā syā'a rabbuk(a), ‘aṭā'an gaira majżūż(in).
[108]
Hinggil sa mga liligaya, sa Paraiso [sila] bilang mga mananatili roon hanggat tumatagal ang mga langit at ang lupa maliban sa niloob ng Panginoon mo, bilang bigay na hindi mapapatid.
فَلَا تَكُ فِيْ مِرْيَةٍ مِّمَّا يَعْبُدُ هٰٓؤُلَاۤءِ ۗمَا يَعْبُدُوْنَ اِلَّا كَمَا يَعْبُدُ اٰبَاۤؤُهُمْ مِّنْ قَبْلُ ۗوَاِنَّا لَمُوَفُّوْهُمْ نَصِيْبَهُمْ غَيْرَ مَنْقُوْصٍ ࣖ١٠٩
Falā taku fī miryatim mimmā ya‘budu hā'ulā'(i), mā ya‘budūna illā kamā ya‘budu ābā'uhum min qabl(u), wa innā lamuwaffūhum naṣībahum gaira manqūṣ(in).
[109]
Kaya huwag kang maging nasa isang pag-aalangan sa kung ano ang sinasamba ng mga [tagapagtambal na] ito. Hindi sila sumasamba kundi kung paanong sumasamba ang mga ninuno nila bago pa niyan. Tunay na Kami ay talagang magtutumbas sa kanila ng bahagi nila nang hindi kinukulangan.
وَلَقَدْ اٰتَيْنَا مُوْسَى الْكِتٰبَ فَاخْتُلِفَ فِيْهِ ۗوَلَوْلَا كَلِمَةٌ سَبَقَتْ مِنْ رَّبِّكَ لَقُضِيَ بَيْنَهُمْ ۗوَاِنَّهُمْ لَفِيْ شَكٍّ مِّنْهُ مُرِيْبٍ١١٠
Wa laqad ātainā mūsal-kitāba fakhtulifa fīh(i), wa lau lā kalimatun sabaqat mir rabbika laquḍiya bainahum, wa innahum lafī syakkim minhu murīb(in).
[110]
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng kasulatan, ngunit nagkakaiba-iba hinggil doon. Kung hindi dahil sa isang salitang nauna mula sa Panginoon mo ay talaga sanang humusga sa pagitan nila. Tunay na sila ay talagang nasa isang pagdududang tagapagpaalinlangan hinggil doon [sa Qur’ān].
وَاِنَّ كُلًّا لَّمَّا لَيُوَفِّيَنَّهُمْ رَبُّكَ اَعْمَالَهُمْ ۗاِنَّهٗ بِمَا يَعْمَلُوْنَ خَبِيْرٌ١١١
Wa inna kullan lammā layuwaffiyannahum rabbuka a‘mālahum, innahū bimā ya‘malūna khabīr(un).
[111]
Tunay na sa bawat pangkat ay talagang maglulubus-lubos nga sa kanila ang Panginoon mo [ng kabayaran] sa mga gawa nila. Tunay na Siya sa anumang ginagawa nila ay Mapagbatid.
فَاسْتَقِمْ كَمَآ اُمِرْتَ وَمَنْ تَابَ مَعَكَ وَلَا تَطْغَوْاۗ اِنَّهٗ بِمَا تَعْمَلُوْنَ بَصِيْرٌ١١٢
Fastaqim kamā umirta wa man tāba ma‘aka wa lā taṭgau, innahū bimā ta‘malūna baṣīr(un).
[112]
Kaya maging matuwid ka gaya ng ipinag-utos sa iyo at sa sinumang nagbalik-loob kasama sa iyo. Huwag kayong magmalabis; tunay na Siya sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita.
وَلَا تَرْكَنُوْٓا اِلَى الَّذِيْنَ ظَلَمُوْا فَتَمَسَّكُمُ النَّارُۙ وَمَا لَكُمْ مِّنْ دُوْنِ اللّٰهِ مِنْ اَوْلِيَاۤءَ ثُمَّ لَا تُنْصَرُوْنَ١١٣
Wa lā tarkanū ilal-lażīna ẓalamū fa tamassakumun-nār(u), wa mā lakum min dūnillāhi min auliyā'a ṡumma lā tunṣarūn(a).
[113]
Huwag kayong sumandal sa mga lumabag sa katarungan [dahil sa paglalangis] para sumaling sa inyo ang Apoy [ng Impiyerno]. Walang ukol sa inyo bukod pa kay Allāh na anumang mga katangkilik, pagkatapos hindi kayo maiiadya.
وَاَقِمِ الصَّلٰوةَ طَرَفَيِ النَّهَارِ وَزُلَفًا مِّنَ الَّيْلِ ۗاِنَّ الْحَسَنٰتِ يُذْهِبْنَ السَّيِّاٰتِۗ ذٰلِكَ ذِكْرٰى لِلذّٰكِرِيْنَ١١٤
Wa aqimiṣ-ṣalāta ṭarafayin-nahāri wa zulafam minal-lail(i), innal-ḥasanāti yużhibnas-sayyi'āt(i), żālika żikrā liż-żākirīn(a).
[114]
Magpanatili ka ng pagdarasal sa dalawang dulo ng maghapon242 at sa bahagi ng gabi.243 Tunay na ang mga magandang gawa ay nag-aalis sa mga masagwang gawa. Iyon ay isang paalaala para sa mga tagapag-alaala.
[242] Ang mga dasal sa madaling-araw (fajr), sa tanghali (ḍ̆uhr), at hapon (`aṣr).
[243] Ang mga dasal sa pagkalubog ng araw (maghrib) at sa gabi (`ishā’).
وَاصْبِرْ فَاِنَّ اللّٰهَ لَا يُضِيْعُ اَجْرَ الْمُحْسِنِيْنَ١١٥
Waṣbir fa innallāha lā yaḍī‘u ajral-muḥsinīn(a).
[115]
Magtiis ka sapagkat tunay na si Allāh ay hindi nagwawala ng pabuya ng mga tagagawa ng maganda.
فَلَوْلَا كَانَ مِنَ الْقُرُوْنِ مِنْ قَبْلِكُمْ اُولُوْا بَقِيَّةٍ يَّنْهَوْنَ عَنِ الْفَسَادِ فِى الْاَرْضِ اِلَّا قَلِيْلًا مِّمَّنْ اَنْجَيْنَا مِنْهُمْ ۚوَاتَّبَعَ الَّذِيْنَ ظَلَمُوْا مَآ اُتْرِفُوْا فِيْهِ وَكَانُوْا مُجْرِمِيْنَ١١٦
Fa lau lā kāna minal-qurūni min qablikum ulū baqiyyatiy yanhauna ‘anil-fasādi fil-arḍi illā qalīlam mimman anjainā minhum, wattaba‘al-lażīna ẓalamū mā utrifū fīhi wa kānū mujrimīn(a).
[116]
Kaya bakit kasi hindi nagkaroon mula sa mga [pinagdusang] salinlahi bago pa ninyo ng mga may tirang [kabutihang] sumasaway sa kaguluhan sa lupa, maliban sa kaunti kabilang sa pinaligtas Namin kabilang sa kanila? Sumunod ang mga lumabag sa katarungan sa ipinariwasa sa kanila roon, at sila ay naging mga salarin.
وَمَا كَانَ رَبُّكَ لِيُهْلِكَ الْقُرٰى بِظُلْمٍ وَّاَهْلُهَا مُصْلِحُوْنَ١١٧
Wa mā kāna rabbuka liyuhlikal-qurā biẓulmiw wa ahluhā muṣliḥūn(a).
[117]
Hindi nangyaring ang Panginoon mo ay ukol magpahamak ng mga pamayanan dahil sa kawalang-katarungan samantalang ang mga mamamayan ng mga ito ay mga tagapagsaayos.
وَلَوْ شَاۤءَ رَبُّكَ لَجَعَلَ النَّاسَ اُمَّةً وَّاحِدَةً وَّلَا يَزَالُوْنَ مُخْتَلِفِيْنَۙ١١٨
Wa lau syā'a rabbuka laja‘alan-nāsa ummataw wāḥidataw wa lā yazālūna mukhtalifīn(a).
[118]
Kung sakaling niloob ng Panginoon mo, talaga sanang gumawa Siya sa mga tao bilang kalipunan nag-iisa; at [hindi Niya loob iyon kaya] hindi sila tumitigil na mga nagkakaiba-iba,
اِلَّا مَنْ رَّحِمَ رَبُّكَ ۗوَلِذٰلِكَ خَلَقَهُمْ ۗوَتَمَّتْ كَلِمَةُ رَبِّكَ لَاَمْلَـَٔنَّ جَهَنَّمَ مِنَ الْجِنَّةِ وَالنَّاسِ اَجْمَعِيْنَ١١٩
Illā mar raḥima rabbuk(a), wa liżālika khalaqahum, wa tammat kalimatu rabbika la'amla'anna jahannama minal-jinnati wan-nāsi ajma‘īn(a).
[119]
maliban sa sinumang kinaawaan ng Panginoon mo, at dahil doon lumikha siya sa kanila. Malulubos ang salita ng Panginoon mo: “Talagang magpupuno nga Ako ng Impiyerno ng mga jinnīy at mga tao nang magkakasama.”
وَكُلًّا نَّقُصُّ عَلَيْكَ مِنْ اَنْۢبَاۤءِ الرُّسُلِ مَا نُثَبِّتُ بِهٖ فُؤَادَكَ وَجَاۤءَكَ فِيْ هٰذِهِ الْحَقُّ وَمَوْعِظَةٌ وَّذِكْرٰى لِلْمُؤْمِنِيْنَ١٢٠
Wa kullan naquṣṣu ‘alaika min ambā'ir-rusuli mā nuṡabbitu bihī fu'ādaka wa jā'aka fī hāżihil-ḥaqqu wa mau‘iẓatuw wa żikrā lil-mu'minīn(a).
[120]
Bawat isa na isinalaysay Namin sa iyo mula sa mga balita hinggil sa mga sugo ay ang nagpapatatag Kami sa pamamagitan nito sa puso mo. Dumating sa iyo sa [kabanatang] ito ang totoo, isang pangaral, at isang paalaala para sa mga mananampalataya.
وَقُلْ لِّلَّذِيْنَ لَا يُؤْمِنُوْنَ اعْمَلُوْا عَلٰى مَكَانَتِكُمْۗ اِنَّا عٰمِلُوْنَۙ١٢١
Wa qul lil-lażīna lā yu'minūna‘malū ‘alā makānatikum, innā ‘āmilūn(a).
[121]
Sabihin mo sa mga hindi sumasampalataya: “Gumawa kayo ayon sa kalagayan ninyo; tunay na kami ay mga gumagawa.
وَانْتَظِرُوْاۚ اِنَّا مُنْتَظِرُوْنَ١٢٢
Wantaẓirū innā muntaẓirūn(a).
[122]
Maghintay kayo [sa bababa sa inyo]; tunay na kami ay mga naghihintay [sa bababa sa amin].”
وَلِلّٰهِ غَيْبُ السَّمٰوٰتِ وَالْاَرْضِ وَاِلَيْهِ يُرْجَعُ الْاَمْرُ كُلُّهٗ فَاعْبُدْهُ وَتَوَكَّلْ عَلَيْهِۗ وَمَا رَبُّكَ بِغَافِلٍ عَمَّا تَعْمَلُوْنَ ࣖ١٢٣
Wa lillāhi gaibus-samāwāti wal-arḍi wa ilaihi yurja‘ul-amru kulluhū fa‘budhu wa tawakkal ‘alaih(i), wa mā rabbuka bigāfilin ‘ammā ta‘malūn(a).
[123]
Sa kay Allāh ang nakalingid sa mga langit at lupa at tungo sa Kanya pababalikin ang usapin sa kabuuan nito, kaya sumamba ka sa Kanya at manalig ka sa Kanya. Ang Panginoon mo ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo.