Surah Al-Ma’un
بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
اَرَءَيْتَ الَّذِيْ يُكَذِّبُ بِالدِّيْنِۗ١
Ara'aital-lażī yukażżibu bid-dīn(i).
[1]
Nakakita ka ba sa nagpapasinungaling sa pagtutumbas?
فَذٰلِكَ الَّذِيْ يَدُعُّ الْيَتِيْمَۙ٢
Fa żālikal-lażī yadu‘‘ul-yatīm(a).
[2]
Sapagkat iyon ay ang nagsasalya sa ulila
وَلَا يَحُضُّ عَلٰى طَعَامِ الْمِسْكِيْنِۗ٣
Wa lā yaḥuḍḍu ‘alā ṭa‘āmil-miskīn(i).
[3]
at hindi nanghihikayat sa pagpapakain sa dukha.
فَوَيْلٌ لِّلْمُصَلِّيْنَۙ٤
Fawailul lil-muṣallīn(a).
[4]
Kaya kapighatian ay ukol sa mga tagapagdasal,
الَّذِيْنَ هُمْ عَنْ صَلَاتِهِمْ سَاهُوْنَۙ٥
Allażīna hum ‘an ṣalātihim sāhūn(a).
[5]
na sila sa pagdarasal nila ay mga nagpapabaya,743
[743] Ibig sabihin: nagwawalang-bahala hanggang sa matapos ang oras nito.
الَّذِيْنَ هُمْ يُرَاۤءُوْنَۙ٦
Allażīna hum yurā'ūn(a).
[6]
na sila ay nagpapakitang-tao
وَيَمْنَعُوْنَ الْمَاعُوْنَ ࣖ٧
Wa yamna‘ūnal-mā‘ūn(a).
[7]
at nagkakait ng munting tulong.