Surah Al-Fatihah

Daftar Surah

بِسْمِ اللّٰهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ١
Bismillāhir-raḥmānir-raḥīm(i).
[1] Sa ngalan ni Allāh,1 ang Napakamaawain, ang Maawain.
[1] Ang pangalang Allāh ay pangngalang pantanging ukol lamang sa tunay na Diyos.

اَلْحَمْدُ لِلّٰهِ رَبِّ الْعٰلَمِيْنَۙ٢
Al-ḥamdu lillāhi rabbil-‘ālamīn(a).
[2] Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon2 ng mga nilalang,3
[2] Ang Panginoon (Rabb sa wikang Arabe) ay ang Tagapag-alaga, ang Tagalikha, ang Tagapagtustos, at ang Tagapangsiwa. [3] Ang nilalang (`ālam sa wikang Arabe) ay ang bawat anumang iba pa kay Allāh, gaya ng tao, jinn, anghel, at iba pa.

الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِۙ٣
Ar-raḥmānir-raḥīm(i).
[3] ang Napakamaawain, ang Maawain,

مٰلِكِ يَوْمِ الدِّيْنِۗ٤
Māliki yaumid-dīn(i).
[4] ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas.

اِيَّاكَ نَعْبُدُ وَاِيَّاكَ نَسْتَعِيْنُۗ٥
Iyyāka na‘budu wa iyyāka nasta‘īn(u),
[5] Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong.

اِهْدِنَا الصِّرَاطَ الْمُسْتَقِيْمَۙ٦
Ihdinaṣ-ṣirāṭal-mustaqīm(a).
[6] Magpatnubay Ka sa amin sa landasing tuwid:

صِرَاطَ الَّذِيْنَ اَنْعَمْتَ عَلَيْهِمْ ەۙ غَيْرِ الْمَغْضُوْبِ عَلَيْهِمْ وَلَا الضَّاۤلِّيْنَ ࣖ٧
Ṣirāṭal-lażīna an‘amta ‘alaihim, gairil-magḍūbi ‘alaihim wa laḍ-ḍāllīn(a).
[7] ang landasin ng mga biniyayaan4 Mo,5 hindi ng mga kinagalitan,6 at hindi ng mga naliligaw.7
[4] Ang mga biniyayaan dito ay ang mga propeta, ang mga nagpapakatotoo, mga martir, at mga maayos. [5] Sa istilo ng pagsasalin dito, ang mga panghalip na nagsisimula sa malaking titik gaya ng Ako, Ko, Akin, Ikaw, Mo, Iyo ay tumutukoy kay Allāh. [6] Sila ay ang mga nakakilala sa katotohanan at hindi sumunod dito. [7] Sila ay ang mga naligaw sa katotohan, na hindi napatnubayan.